Napaisip ako sa sinabi ni Lala, konektado ang bawat galaw namin? Ibig sabihin ba nito kapag namatay ako, mamatay din siya?
“Tama ka, Mahal na Prinsesa, mamatay ako kapag namatay ka,” sambit niya habang nag-iiba ng lihis.
“Nababasa mo rin ang isip ko?” manghang tanong ko.
“Oo, kapag malapit ang puso mo sa puso ko,” namangha ako sa sinabi niya.
“Matanong ko lang Lala, malalaman mo ba kung nasa panaganib ako?” hindi agad ito sumagot dahil umiwas ito sa mga ibon na nakasalubong namin. Maya-maya ay napapagitla ako sa ginagawa niyang paglilihis ng diresksyon. Hindi ako sanay na nasa himpapawid.
“Lahat ng bagay na konektado sa ‘yo ay malalaman ko. Kung maaalala mo ay hindi ako tumigil sa pagtawag sa ‘yo, nang nasa kweba ka pa. Hindi ako ma
Hindi agad ako nakapaghanda dahil sa bilis ng pangyayari. Wala akong nagawa kundi kapain ang kwentas na binigay ng babae sa akin kanina. Nilabas ko ito at iwinasiwas sa hangin habang nakayuko ako. Huminga ako nang malalim dahil sa kinakapos na ako. Nagtaka ako sa biglaan katahimikan. Nang iangat ko ang aking ulo ay gano’n na lang ang pagtataka ko, nang makita kong abo na ang mga nilalang sa kanina lang ay gusto akong kainin ng buhay.“Tumayo ka na, Hija,” ani ng isang matanda.“W-wala na sila?” takang tanong ko.“Wala na,” tugon naman ni Lala.“Bakit hindi ka pumasok?”“Marami silang harang na inilagay, ang isang katulad ko ay hindi makakapasok,” paliwanag nito.“Bakit naman?”&n
Nang malapit na kami sa teritoryo ng mga lobo, ay napansin kong masaya ang mga tao sa daan parang may fiestang nangyayari. Nang tumingin ako sa gawi ni Lala ay balisa ito na hindi ko mawari. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata nito.“May kakaibang bagay akong nakikita sa bukana ng lugar, Liah. Nakikita mo rin ba?”“Oo, napansin ko rin, parang may harang ang buong paligid ng lugar.Maraming tao sa daan at parang hindi nila ramdam ang presensya namin. Ni hindi nila naaamoy ang amoy namin. Ilan sandali pa nakita kong tumatakbo si Agustus papunta sa direksyon namin.“Buksan ang harang!” sigaw nito. Habang nakatingin sa taas ng puno. Kung saan makikita ang isang tree house, na nagsisilbing look out sa labas ng harang. Hinihingal siya habang sinasalubong kami. At hindi ko na rin naamoy ang mabangong amoy ni
“I almost beg someone to stay, I nearly break my walls. Breaking my own rules just to be with him. Now, I’m picking myself piece by piece. Hindi niya ako kayang ipaglaban. Hindi na rin makalaban ang puso ko.” Tumayo si Lala at puwesto sa harap ng bintana.Magtatanong na sana ako bakit naging wand siya pero kailangan niya ng makakausap ngayon. Ramdam ko rin ang sakit na nadarama niya. Nais ko rin malaman kung ano ang nakaraan nila Gradon at kung bakit nasasaktan siya hanggang ngayon.“Para akong tanga kahahabol sa kanya. Pinipilit na maging maayos ang lahat, minsan nanglilimos ako ng atensyon niya. Akala ko gano’n kalalim ang pagmamahal niya; gano’n katibay ang pag-iibigan namin. Pero wala ―sumuko siya nang gano’n na lamang.”“Ano ba ang dahilan, bakit kayo naghiwalay?”&ld
“Ano ba ang kailangan ng babaeng ‘to sa akin?” naiinis kong sambit habang pinipilit ako ni Agustus na pumasok sa loob ng kubo. Biglang nag-iba ang kulay ng paligid naging madalim at nakikita kong nagsitakbuhan ang mga bata at ang iba ay nag-iba na ng anyo bilang lobo. At hindi nag-iisa si Annabelle, kasama niya ang kanyang mga alipores. “Liah?” napatingin ako sa narinig kong boses. Si Zek nasa gilid ko, hindi ko namalayan na hawak niya pala ang braso ko. “Anong nangyayari?” takang tanong nito. “Umaatake na naman ang girlfriend mo,”ani ko sa nayayamot kong boses. “Stop being jealous, don’t act as if I didn’t notice it.” Nais kong mawala sa harap niya, nakakahiya! Bakit ko sinabi ‘yon? Pero nagpapasalamat ako na sinabi nito sa wikang Inglish. Kaya may lusot pa rin ako, pero nakakahiy
Napatulala ako nang dumanpi ang kanyang mga labi sa labi ko. Napakapit ako sa upuan sa tindi ng halik niya. Unti-unting pumipikit ang aking mga mata at dinadama ko ang sarap ng kanyang halik. Nababaliw ako sa sensasyong binibigay niya sa akin. Hindi ako makahinga nang mabuti. Pero nang tumugon ako sa kanyang mga halik, naramdaman kong unti-unti akong nadadala at hindi ko na namalayan na nasa leeg na ang kanyang labi. “Z-zek…” ungol ko sa kanyang pangalan. “Sabihin mong muli, Liah, call my name again, babe,” Walang pagdadalawang isip ay muli kong tinawag ang kanayang pangalan, “Z-zek,” muli niyang inangkin ang mga labi ko habang binubuhat niya ako papunta sa kanyang kama. Muli niyang hinalikan ang leeg ko habang gumagapang ang kanyang mga kamay sa bawat parti ng katawan ko. “Z-zek…” garagal kong sambit sa kanyang pangal
Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, tama ba na isuot ko ang two-piece na ito? Pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang imbitasyon ni Ezra. Nahiga ako sa kama habang iniisip ang nangyari sa amin ni Zek? Ano na ang mangyayari sa akin? Mahal niya ba ako? Hinawakan ko ang aking puso, habang tinatanong ang mga tanong na iyon. Paano na ang misyon ko? Paano ko malalaman na tama ba ang tinatahak kong daan? “Katharos Agape,” saad ng isang pamilyar na boses. Si Lala. “Lala!” bulalas ko sabay upo sa kama. “Na-miss mo ba ako?” “Bakit hindi ka nagpakita sa akin?” nagtatampo kong tugon. “Paano ako magpapakita sa ‘yo, kung abala ka sa―” hindi na natuloy pa ni Lala ang sasabihin nang bigla itong ngumiti, na parang inaasar ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Abala ako kay Zek at sa ti
Kinuha ni Lala, ang papel at binasa nito ang tulang isinulat ni Zek. Ngumiti ito at tumimgin sa akin. At tulad ng inaasahan ko, umupo ito sa tabi at hinawakan ang kamay ko. “Masarap ang pag-ibig, Liah, walang kasing saya. Pero tandaan mong katumbas ng saya ang sakit,” seryosong tugon nito. “Salamat, Lala,” “Pero sige, hayaan mo ang puso mong maramdaman ang pagmamahal na dapat mong maramdaman.” Ngumiti ako at niyakap ko siya, masaya akong nagkaroon ako ng kaibigan sa katauhan ni Lala. Bihira ka nang makakakita ng ganitong uri ng kaibigan. “Sige na Liah, hinihintay ka na yata ng prince charming mo sa baba,” ani nito habang patawa-tawa. “Salamat,” Tumayo na ako at naligo. Habang naliligo ay iniisip ko kung paano ako magpapaalam sa p
Biglang lumiwanag ang paligid nang makaalis na sila. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Zek. Hinawakan niyang muli ang aking kamay at nagyaya na itong bumalik sa palasyo. Alam kong si Lala ang dahilan bakit sila umalis. Alam kasi nila na hindi nila kaya si Lala. Masyadong malakas ang pwersang bumabalot kay Lala. Nakita ko naman na huminahon na ito at bumalik sa anyong tao.“Patawad, Liah hindi kita tuloy na pasyal sa ilog,” ani naman ni Zek.“Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Hindi naman natin gustong mangyari ‘yon.”“Aish!” malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.“Lulutuan na lang kita,” ani ko para kahit pa paano ay mawala ang pagkadismaya nito. Agad ko naman napansin ang ngiti sa labi nito.