YNNA's POV
I am looking at the mirror, preparing for the awarding later. YSABELLA made a new history today, one of our new release dresses was sold out. No wonder why we made it to the top of the clothing industry worldwide.“You look so beautiful today, Ms.” I looked at my secretary and laughed. She is not just my secretary, she has been my best friend since high school. “Maureen, seriously today lang?” Tumawa rin naman siya.Ipinataas ko sa kaniya ang zipper ng long red dress ko sa likod. I was amazed sa pagka-fit nito sa akin, puro din ito diamond. Pinartneran ko ito ng red high heels then diamond jewelries. “How do I look?” tanong ko uli kay Maureen.Ngunit may ibang boses na sumagot sa likuran ko. "You look stunning, sweetheart”.I smiled at humarap sa nagsalitang iyon. “Auntie Lauren!” Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabangong iniregalo ko sa kaniya.“You are already a grown up woman na, hindi ka na mukhang 16 years old na mahilig pang magbulakbol. Mukha kang batang hamog noon.” Natawa naman ako sa kadramahan ni auntie. Ganito siya palagi kapag ayos na ayos ako dahil may matatanggap nanaman akong award.“Auntie, I am still your baby Cynnamon." I giggled and asked, "Tara na po?”As she nodded, parehas kaming naglakad palabas ng kwarto ko, sinenyasan ko naman si Maureen na sumunod sa amin. Pagka-sakay namin sa kotse ay panay ang kuha sa akin ng picture ni auntie. Sanay na ako sa ginagawa niyang pagkuha sa akin ng litrato sa bawat event na pinupuntahan ko. Para sa kaniya ay memories daw ito at ilalagay niya sa kaniyang album. Auntie Lauren is my dad's younger sister, siya na ang nagpalaki at nag-alaga sa akin simula noong namatay ang mga magulang ko sa isang car accident.Nang makarating kami sa venue ay napakarami agad camera ang nakatutok sa amin, maraming pres ang nag-aabang. Pagbaba ko pa lamang ay halos mabulag ako sa bawat pag-flash ng mga camera, wala naman akong choice kung hindi ang ngumiti at kumaway. Inalalayan ko si Auntie pababa ng kotse habang tumango naman si Maureen at bumulong na susunod na lamang siya mamaya.“Ms. Cynnamon, ano pong masasabi n'yo sa success ng YSABELLA?” Ngumiti lamang ako at hindi ito sinagot. Inalalayan at pinaligiran kami ng mga guard papasok sa venue. Umupo kami sa assigned seat namin at hinintay na magsimula ang event, sakto lamang ang dating namin ngunit mukhang marami pa ang hindi pa dumarating.Maraming tao ngayon, halatang mga kilalang business owners din. Nagkamustahan naman kami ng mga dumadaan sa table namin at ang iba ay naka-beso-beso ko pa, nandito rin kasi ang mga investors ng YSABELLA.Habang naghihintay, napansin ko naman si Maureen na palapit sa table namin habang nagpupunas ng pawis...“Grabe ang hirap dumaan, siksikan na sa labas. Buti at nakapasok pa kayo.”Bahagya naman akong natawa. “Para namang hindi ka pa sanay sa mga events na napuntahan natin, Maureen."Bigatin din kasi ang event na ito, ang balita ko ay narito ang ilan sa top business tycoon worldwide. Biglang tumahimik ang mga tao, ang lahat ay nakatingin sa may pinto. Nang makita ko naman ang taong pumasok dito ay hindi ko mapigilang mapa-irap.“Yeah, obviously he's here.” Kinurot naman ni Maureen ang tagiliran ko. “Uy ang mortal enemy mo o.” Napasamid nalang akong tumingin kay Auntie, busy siya ngayon at may kausap na sa tingin ko ay isa ring business owner.Hindi ko maiwasang mainis nang makitang katabi ng table namin ang table ng lalaking iyon. Sumara ang pintuan at pinatayo kaming lahat, nagsimula ang event sa pag awit ng Lupang Hinirang at isang panalangin.“Wow! It's an honor to be the host of this event. I am also happy to see some of the top CEOs in the clothing industry.” Panimula ng emcee. “I am your host, Host Jaycee. Let's enjoy tonight's event!”May mga nagse-serve sa'min ng pagkain at inumin, maraming nagsasalita sa harap. Mga importanteng tao na nagbibigay ng speech at nanghihikayat ng investors. Ilang saglit pa ay nagsimula na rin ang awarding.Ilan sa mga naunang naka receive ng award ay mga minor awards pa lamang. “Fastest sale of the month, let us give a round of applause to the CEO of YSABELLA, one of the youngest business tycoon. Ms. Cynnamon Nadezhda!” Malakas na palakpakan naman ang narinig ko, tumayo ako at ngumiti palapit sa stage. Pag akyat ko ng stage ay kinamayan ko ang mga master of ceremony at tinanggap ang isang trophy at certificate.“Please accept my deepest thanks. And of course to those people who supported me through my journey. To my auntie Lauren who guided me on how to run this business, to all people who is supporting YSABELLA, and to my company's employees, you guys means the world to me. I wouldn't made it if it wasn't because of your hardworks. Again, thank you so much for this award let's enjoy this night!” Nag palakpakan ang lahat sa binitawan kong speech. Kaunting picture at bumalik na ako sa table namin, yumakap ako kay auntie habang tuwang-tuwa namang pumapalakpak si Maureen. “I'm so proud of you. I'm sure your parents too." Napangiti ako sa sinabi ni auntie. Umupo kaming muli sa table dahil hindi pa tapos ang event. “And now let's call on Mr. Thymoteo Williams! For being on the first spot of the youngest business tycoon, for owning the most famous clothing line, and for being the most sold-out design of the year!”Kita ko ang mapaglaro niyang ngising tumingin sa akin, he is really getting on my nerves. Halatang halata ang pang-iinis niya sa akin dahil sa mga awards niya ngayong gabi.“Thank you for this award Ms. beautiful” kumindat pa siya sa master of the ceremony at sa host tiyaka pumunta sa harap at nagsalita. “I would like to thank the master of the ceremony for this award and to those who's under and supporting the WILLIAMS clothing line. We're still on the top 1 let's keep on doing our best.” Kitang kita ko ang kilig ng ibang babaeng narito. Habang napairap nalang ako, tatlong trophy ang na received niya na paniguradong ipang-aasar nanaman niya sa akin.Matapos ang awarding ay pinauna ko ng umuwi si auntie, pinaalalayan ko siya kay Maureen. Gabing gabi na rin kasi, alam ko ring naiinip na siya. Gusto ko na rin sanang umuwi but my investors insist na maki-party muna ako sa kanila.While drinking on the bar section, naramdaman ko na may tumabi sa akin. Amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango na nagbunga ng pagkainis ko. Tumingin ako sa kaniya saglit at umirap.“What's the good word, gorgeous? As you can see tatlo ang award ko." His lips curved into a smirk. I just cock a brow at lumagok ng tequila. Ayoko ng asta niya, umaakyat ang kulo ng dugo sa ulo ko, but I had to calm down. “Nothing to say? Is it hard to mention the word congratulations?"Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. Cocking a brow, I asked, “Are you begging? I'm sorry if your words didn't quite reach my ears."Isang mapang-asar na tawa naman ang isinagot niya sa akin at sumenyas sa bartender. “Nakakatawa ka pa rin mainis Ynna, para kang dragon na umuusok ang ilong.” Hindi ko nalang siya pinansin at tumungo na lamang sa mga sumasayaw na mga tao. Nagmistulang nasa bar kasi ang after party nitong event.Dahil sa tama na rin ng mga nainom ko kanina, nakisayaw ako at nagtatatalon nang may lumapit sa aking isang lalaki. “Hello, Ms. Cynnamon. Wow! You are like magnificent art in front of me.” Gusto ko sana siyang irapan ngunit namukhaan ko siya. He is Mr. Chua, isa sa mga investors ng YSABELLA. He is also one of the youngest business tycoon, if I am not mistaken he is already 26 years old.“Oh, Mr. Chua! Good to see you again!” Nginitian ko siya at patuloy sa marahang pag-sayaw.“Well, my word is the same. Noong pumunta kasi ako sa kumpanya ninyo to sign our contract ay hindi kita nakita.” Nakikisayaw na rin siya sa akin, bahagya akong naging uncomfortable sa bawat pag dikit ng katawan niya sa akin.Lalong lumalakas ang tugtog at lalo ring nagsisiksikan ang mga tao. Lalo ring dumidikit sa akin si Mr. Chua na halata namang sinasadya niya. Biglang may lumapit sa kaniya ang mga lalaki at may ibinulong ito, kita ko ang pagka inis sa kaniyang mukha. Nagpaalam pa siya sa akin ngunit hindi ko na rin ito narinig ng malinaw sa sobrang lakas ng tunog.Napagpasiyahan ko nalang na bumalik sa inuupuan ko kanina, naroon pa rin ang nakakainis na lalaking iyon. Nagkatitigan kami saglit, ang kaniyang mga mata ay parang galit ngunit biglang lumamlam nang nakita ako.“One margarita, please,” sabi ko sa bartender. Sa buong oras naman na umiinom ako ay hindi naman niya ako kinausap, umiinom lang din siya at maya maya'y tumayo't umalis. Siguro ay uuwi na rin, tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Pasado alas-onse na rin pala ng gabi.Tumayo ako at umalis sa venue. Ramdam ko pa ang kaunting pagkahilo. Naparami yata ang ininom ko, inis na inis kasi ako sa tuwing maalala ang pang-aasar sa akin ng lalaking iyon at ang bawat pagtiis ko sa pagdikit sa akin ng katawan ni Mr. Chua. Nakakadiri, laking pasasalamat ko talaga't may tumawag sa kaniya at kung hindi ay handa na sana akong suntukin siya kahit alisin pa niya ang investment niya sa kumpanya ko.Pagkarating ko sa parking lot ay napa-upo ako saglit sa gilid ng kalsada, ikinakalma ko muna ang hilo ko at baka ako ay maaksidente pa. I closed my eyes, ramdam kong may nakatayo sa harap ko. “What do you want?” tanong ko sa kaniya.“You're drunk” nagmulat naman ako at tumingin sa kaniya.“No I'm not. Can you just please leave me alone? Wala akong panahong makipag-asaran sa'yo, oo na mas marami kang nakuhang award ngayong gabi. No need to brag katulad ng palagi mong ginagawa.” Kumunot naman ang noo niya.“Ms. it's getting late and you're there sitting alone. Paano nalang kung may manamantala sa'yo?” Nagdadalawa siya sa paningin ko, pumikit akong muli at hinilot ang sentido ko. Dámn that tequilla and margarita, it will surely give a very painful headache when I woke up. “You have a driver, right? Can I get his contact?” Hindi ko siya sinagot at pinilit ko nalang tumayo.“No need, I can handle my---” bigla akong natumba. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Thymoteo. But after that, my world went dark. Ang huling naramdaman ko ay ang pagbuhat niya sa akin at pagpasok sa akin sa isang kotse.WHEN I woke up, napaka sakit ng ulo ko, halos sabunutan ko ang buhok ko. What the fúck happened last night? Ang huling naaalala ko ay kausap ko ang lalaking iyon. Pagtingin ko sa alarm clock ko na nakalagay sa table sa gilid ng kama ay dali-dali akong napabangon. “1pm na?!”Kinuha ko agad ang cellphone ko at hinanap ang number ni Maureen, agad ko itong tinawagan. “Hello? Maureen?” isang nakabibingin sigaw naman ang isinagot niya sa akin. “Gaga ka! Anong nangyari sa'yo kagabi?!” Bahagya kong inilayo ang cellphone sa aking tenga.“Sino nga pala ang naghatid sa akin pauwi kagabi?” pag-iiba ko sa usapan namin.“Wala ka talagang naaalala?” pumikit ako at napakamot nalang sa ulo ko. Kahit anong isip ko ay ang pag-uusap lang talaga namin ng lalaking iyon ang naaalala ko. “Wala talaga akong maalala Maureen, sinong naghatid sa akin kagabi?”Isang malakas na tawa naman ang narinig ko sa kabilang linya. “Girl! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." Napakunot naman ang noo ko, medyo naiinis na rin ako dahil pabitin ang kaniyang mga sinasabi.“Maureen, sasabihin mo ng diretchan o babawasan ko ang sahod mo?” bugnot kong sabi rito.“Eto naman, hindi ka naman mabiro Ms. Ynna. So eto na nga ang chika sa akin ni Auntie Lauren. Last night daw ay may tumawag sa kaniya, pinapasundo ka sa parking lot doon sa event na pinuntahan mo. Ang sabi raw ay lumapaypay ka at pwede nang magahasa! Lasing na lasing ka! And guess kung sino ang tumawag?” bakas ang kilig at excitment sa boses ni Maureen.“Who?” alam ko naman kung sino ngunit gusto ko pang magmaang-maangan. “Sino pa nga ba? Edi si Thymoteo! Ang sabi, may letter daw na nakaipit sa damit mo.” chineck ko naman ang paligid ko. Agad pumukaw ng atensyon ko ang isang papel sa may lamesa. Kinuha ko ito ang binasa.“What a weak drunk woman. Loser!" Tapos sa ilalim na bahagi nito nakasulat ang pangalan na, 'Mr. Pogi.'Few weeks after that event, I still can't forget what happened. Remembering that moment makes my blood boil. I really hate that man so much! “Ms. Ynna, nasa warehouse na ang lahat ng ini-order ninyo sa mga direct supplier natin.” Hindi ko namalayang pumasok pala si Maureen sa opisina ko dahil kanina pa ako nakatulala sa kawalan. “That's good, naipa-check mo na ba kung kumpleto lahat?” tanong ko sa kaniya tiyaka ako humigop ng mainit na kape. May inabot naman siya sa aking isang listahan. “Yes Ms. 20 boxes of noodles and canned goods, 30 trays of eggs, 20 boxes of barbie and car toys, 50 bales of clothes. Also, na contact ko na rin po ang team ng mga doctors na pupunta later to check the children on the orphanage.” Dapat sana ay magpapa-cater pa ako ngunit ang sabi ng namamahala sa orphanage ay may isang magpapa-cater na raw. Namana ko na sa mga magulang ko ang pagdo-donate ng marami sa orphanage na iyon, isa rin kasi ito sa pinakamaraming kinukupkop na batang ulila at inabandona. S
I visited my employees who's sewing the clothes that we will use at the fashion show. I'm making sure that the fabric and thread they will use are high quality.All people here are buckling down on their priorities, the fashion show is already next week. It will be held in Paris, that's why ang dami ko pa talagang dapat asikasuhin. YSABELLA should stand out.Sampung designs ang napili ko, ten models kasi ang required sa fashion show. My models will represent ball gown, silk dresses, evening gown, cocktail dresses, and mermaid gown. Kilalang kilala talaga ang YSABELLA sa mga unique and high quality gowns and dresses.Habang nagsu-supervise sa mga staffs ko na nagtatahi ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang casting director ko na si Mia. “Good afternoon, Ms. Ynna” bungad pagbati niya sa akin. “Good afternoon, how's our models?” tanong ko, sinisigurado ko ring nasa mabuti silang kondisyon bago ang fashion show.“They are doing good Ms. In fact, our scouts are practicing them no
My eyebrows meet as Thymoteo pulls me in. I don't know what is wrong with him; I don't know what I did since he really looks so mad right now.Hinila ko ang braso ko para mabitawan niya ito. Pareho kaming napahinto, tiim-bagang siyang tumingin sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo, habang ang mga mata niyang lumalagablab sa galit na nakatingin sa akin na animo'y isang malaking krimen ang nagawa ko. “What's your dámn problem?!” I can't help but yell. Nakakahiya ang biglaan niyang paghila sa akin sa kalagitnaan ng fashion show.“You! My problem is you! You did that right?” Mariin ang bawat salitang tanong niya sa akin. I am hella confused on what he's talking about. Gusto ko siyang sapakin sa sobrang inis na nararamdaman ko.Pumikit ako at huminga nang malalim to calm myself. “Did what?” kalmado kong tanong. Lalo namang bumakas ang galit at pagkainis sa kaniyang mukha.“Huwag ka nang mag maang-maangan, Ynna. You're the one who sabotage my company's cloth collections, right?” I laughed
I watched my janitors clean my office. Crossing my arms across my chest, leaning against the framedoor, I gave death stares to Maureen. She awkwardly smiled and did the peace sign.Less than 30 minutes ay tapos na rin nilang linisin ang opisina ko. Sino ba naman kasing hibang ang magpupuno ng sandamukal na rosas dito. My God, I'm still stressed at the fashion show, pag-uwi rito ay stress pa rin.“You all may leave now. Maureen, stay.” uUmupo ako sa swivel chair ko, nagpaalam silang lahat sa akin habang si Maureen naman ay halata ang kaba nang umupo sa swivel chair sa tapat ng table ko.“Speak.” I said icily.“Ganito kasi 'yon, Ynna kumalma ka muna natatakot ako sa bawat tingin mo!” I stared at her blanky.She looked at me, and I could see a hint of worry on her face. Pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri bago muling tumingin sa akin at nagsalita, “Remember Mr. Chua? One of our investors?” she bit her lower lip while waiting for my response.I inhaled deeply, allowing the air to
Just as Mr. Chua was getting ready to punch back, a guard quickly came in and stopped them. At the same time, Thymoteo grabbed my hand and hurriedly took me to his car.He mumbled, “Kulit talaga ng mokong na ‘yon, walang dala..." I didn't hear the rest of what he said, it seemed like he slowed it down intentionally just to voice it out, but he didn't want me to hear it. Curious tuloy ako kung ano iyon. About ba sa akin? Binuksan niya ang pinto ng kotse niya, senyales na pinapapasok niya ako. Sumunod nalang ako dahil pagod na rin ako para makipag talo pa.Everything fell quiet as he finally got into the car. Feeling overwhelmed, I rubbed my temples gently, hoping to calm myself. I leaned against the backrest and closed my eyes, seeking a moment of tranquility.“Careless woman.” Parang tumalbog ang puso ko nang maamoy ko ang matapang niyang mamahaling pabango.Kinabit niya ang seatbelt ko at muling bumalik sa driver's seat. Nagmulat naman ako at tumingin nalang sa bintana.Nagmaneho nam
I froze on my position when I heard my name. What do they want from me? I bend down properly to cover my face, my heart beats quickly, and even with the air conditioning on, I sweat profusely.Tahimik ang buong meeting room. Nang walang sumasagot ay naglabas ng larawan ang leader nila. “Tingnan n‘yo ‘yan isa-isa kung kamukha nito.” Ipinikit ko ang mga mata ko, hoping na matapos na ang lahat ng ito.Pinapakiramdaman ko lang ang paligid, pumaikot sila sa amin at tinitingnan ang bawat mukha namin. Nang malapit na ako ay narinig ko si Thymoteo na nagsalita.“Wala rito si Ynna, ano bang kailangan n‘yo sa kan‘ya?” kalmado lang ito nang magsalita.“Manahimik ka d‘yan tisoy, hala sige bilisan n‘yo d‘yan.” Dalawang tao nalang bago ako, parang puputok ang puso ko sa mabilis na tibok sa makapigil-hiningang nangyayari.Bago pa nila maitaas ang mukha ko ay maraming malakas na sirena ng police mobile ang narinig.“P#t@ng!n@! Mga parak! Bilisan n‘yo! Labas! Balik sa sasakyan! I on n‘yo ang bomba!”
YNNA's POVI was startled and covered myself with a blanket because of the coldness of the air conditioner. The strong scent of masculine cologne prevailed—wait, masculine cologne?!Dalian akong napabangon, chineck ko ang sarili ko. Iba na ang damit ko, chineck ko rin ang suot kong undergarments sa loob ng malaking t-shirt at sweater pants na ito. Iba na rin!Luminga-linga ako sa paligid, nakita ko si pogo na natutulog sa tabi ko. Nakayupyop ito sa kama at humihilik ng pakaunti.“What did you do to me?! Did you r#p€d me?! Help! Tulong! Manyak!”Mabilis siyang napabangon, tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko at nagsisisigaw. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.“Can you just shut up? Ang sakit mo sa tenga,” umatras naman ako hanggang mapasandal ako sa headboard.“Anong ginawa mo sa akin?! Nasaan ako?!” masama akong tumingin sa kaniya habang tinatakpan pa rin ng kumot ang katawan ko.“I didn't do anything! Also, hindi kita papatulan. You're f
I'm looking at any possible way that I can escape. All the doors and gates are closed and guarded. My knees got weak, I sat on the ground and cried. My aunt Lauren needs to know that I'm alive. For sure, Auntie Lauren and Maureen are very worried about me.“Stop it, calm yourself, Ynna. This is for your own good.” Malamig ang baritonong boses ni Thymoteo, nakatayo siya sa harap ko at nakapamulsa.Napayuko nalang ako at patuloy sa paghikbi, mahina akong napahampas sa sahig. Hindi ko na nabilang kung ilang minuto o nasa oras na ba ang pag-iyak ko. I saw how my aunt Lauren suffered a lot when we lost my parents. I can't imagine the pain she is facing right now.She can't find me; she does not even know if I am still alive. Ilang araw o baka linggo na ba ang nakalilipas? Hindi ko rin alam. I want to go home.While crying, nadama ko ang unti-unti kong pag angat mula sa lupa. Thymoteo carried me; he walked towards my bedroom. Hindi na ako nakipagtalo pa, wala na akong enerhiya, hindi ko na