Share

CHAPTER 06: MEETING

Just as Mr. Chua was getting ready to punch back, a guard quickly came in and stopped them. At the same time, Thymoteo grabbed my hand and hurriedly took me to his car.

He mumbled, “Kulit talaga ng mokong na ‘yon, walang dala..." I didn't hear the rest of what he said, it seemed like he slowed it down intentionally just to voice it out, but he didn't want me to hear it. Curious tuloy ako kung ano iyon. About ba sa akin?

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya, senyales na pinapapasok niya ako. Sumunod nalang ako dahil pagod na rin ako para makipag talo pa.

Everything fell quiet as he finally got into the car. Feeling overwhelmed, I rubbed my temples gently, hoping to calm myself. I leaned against the backrest and closed my eyes, seeking a moment of tranquility.

“Careless woman.” Parang tumalbog ang puso ko nang maamoy ko ang matapang niyang mamahaling pabango.

Kinabit niya ang seatbelt ko at muling bumalik sa driver's seat. Nagmulat naman ako at tumingin nalang sa bintana.

Nagmaneho naman siya, nagtataka ako dahil hindi pa naman niya tinatanong ang address ko. Curiosity filled my mind, but I chose to remain silent, allowing him to steer. Kaya ko naman siyang ibalibag kapag dinala niya ako kung saan.

“Is he your boyfriend?” I cocked my head and looked at him. His two thick eyebrows met and he looked frustrated.

Napakapit ako sa tiyan ko at hindi napigilang humalakhak ng malakas. “Do I seem like the kind of person who would bother with that foolish Chuahua?”

Once again, everything became quiet between us. I looked out the window and carefully watched the lights as we passed by.

Hindi rin nagtagal ay huminto siya sa isang park, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Tinanggal ko naman ang seatbelt ko at bumaba na rin ng kotse. May pagka gentledog din naman pala ang pugong ito.

Naupo siya sa isang bench kaya naupo rin ako. Hindi ko alam ang ginagawa namin dito but looking at the surroundings...it made me calm.

Glowing lights spread their beauty all around, painting the surroundings with vibrant colors. The air holds a refreshing fragrance, like a gentle breeze carrying the essence of nature. In the quiet stillness, my stress melted away, replaced by a peaceful feeling.

“Anong ginagawa mo sa tapat ng kumpanya ko kanina?” nakatingin lang ako sa unti-unting pagkawala ng liwanag sa kalangitan.

Ala-sais na rin kasi ng hapon kung kaya't medyo madilim na. May iilan-ilan ding mga taong dumaraan at mga batang naglalaro dito sa parke.

“Don't assume too much, nagkataon lang na malapit sa inyo ang kumpanya nila Trigo. I was supposed to give him the suit that he would wear at the GUCCI meeting, but then I saw you being dragged by that ugly man, Chua.”

I know that Trigo guy. If I am not mistaken he was Trigo Brahams, owner of the BRAHAMS. It is one of the biggest and best event organizer companies worldwide. I am not surprised if they're the one na ini hire ng GUCCI to organize the meeting.

“You should sue him, I am right for not accepting his investment offer on my company before. Pangit ng ugali kamukha n'ya.”

My lips formed a small smile, gusto ko siyang tawanan dahil para siyang batang naiinis. He is not that annoying naman pala.

“I'll sue him kapag inulit pa n'ya. By the way, it's getting late. I will call my driver na lang.” kinuha ko naman ang phone ko sa bag ko.

‘Sorry, you did not have enough load in your account to make this call’

“Ang yaman-yaman mo wala kang load? Tumayo ka d'yan cheapie ihahatid kita. Give me your address.”

Binabawi ko na ang sinabi ko, he is annoying talaga!

Ibinigay ko ang address ko, nakabusangot akong sumakay sa kotse niya. He keeps on calling me a cheapie!

“What's your number?” I lift my right eyebrow at tumingin sa kaniya. I already gave him my address, nakatitig lang siya ngayon sa daan habang nagmamaneho.

“I don't give my number to strangers.” Inirapan ko siya at muling tumingin sa daan.

“L-loadan sana kita, nakakaawa ka naman kasi. Masyado kang cheap.” I can feel that my ears and cheeks are burning red now.

Ang dugo ko ay aakyat na talaga sa ulo ko, it is not my fault na nakalimutan kong mag load! I have my own wifi on my company and at home, why would I need a dámn load?

“Chill, mukha ka nanamang dragong bubuga ng apoy. You are now Ms. Ynna the dragon.” His boisterous laughter greatly annoys and irritates my ears.

"Shut the fúck up, pugo!"

I smirked when I saw his two thick eyebrows meet. "What is 'pugo'?" he curiously asked.

Hindi ako sumagot, hinayaan ko siyang ma curious. Personally, I do not know what is pogo too. I will gonna search that later.

Mabuti at hindi rin traffic, mabilis lang kaming nakapunta sa subdivision namin. Bago ako bumaba ay tinanong niya akong muli, “Ynna. Again, what is ‘pugo’?”

Kinindatan ko lang siya at isinira na ang pinto ng kotse niya, tatawa-tawa pa akong pumasok sa bahay.

Pagpasok na pagpasok ko palang ay nakita ko na agad si Auntie Lauren, nakatitig siya sa bintana na katapat ng garden namin. Hindi niya napansing nakauwi na ako, parang ang lalim ng iniisip niya.

“Auntie I'm home.” I tried to caught her attention. Hindi siya lumilingon, hindi rin niya ako tinatapunan ng tingin.

Lumapit naman ako at ini back hug siya. “Auntie I'm home, are you okay?” I asked her.

Doon lamang siya bumalik sa kaniyang sistema. Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“I'm fine sweetheart, pagod lang sa gala ng mga amiga ko kanina. Kumain ka na ba? Let's order food nalang, hindi ako nakapag luto.” Something flash in her eyes that makes me more worried.

“I'm full pa naman po Auntie, may business meeting ako with GUCCI sa Friday. Do you want to come with me?”

Balak ko sana siyang isama at si Maureen para hindi siya ma bored dito sa bahay. Kapag wala kasi silang gala ng kaniyang mga amiga ay maghapon lamang siya rito.

“I'm sorry sweetheart, I can't go with you on Friday. I have some errands to do.” She tapped my head at nagpaalam na papanhik na siya sa kaniyang kuwarto.

I watched her back while she's walking. Maybe I should have her checked by a doctor after our meeting.

Pumanhik na rin ako sa kwarto ko at nag ayos. Bago ako matulog ay tinawagan ko muna si Maureen.

“Hello, napatawag ka?” I can hear the sound of water pouring from the shower. Naliligo yata ang bruha.

“Do you have some errands on Friday? Isasama kasi kita sa business meeting ko.” Nawala ang tunog ng pagbuhos ng tubig senyales na pinatay na nito ang shower.

“Hindi keri Ynna, pupunta kasi ako sa warehouse. Tapos na kasi ang mga pinatahi natin, iche-check ko pa ang stocks kung kumpleto ba.”

Hindi rin naman nagtagal ang aming usapan. Pinatay ko na rin ang tawag. Matutulog na sana ako ngunit biglang may nag-message sa cellphone ko at ito ay resibo ng load. Kasunod nito ay isa pang text mula sa isang unregistered number.

‘Niloadan na kita, kawawa ka naman kasi. I got your number from your secretary. Night night Ynna Dragon—pogi’

Ang kapal talaga ng mukha ng pogong ito!

MABILIS na lumipas ang mga araw. Ngayon na nga gaganapin ang meeting. Muli kong niyaya si Auntie Lauren ngunit masama raw talaga ang kaniyang pakiramdam.

Dahil business meeting at hindi party event ang pupuntahan ko ay nagsuot lamang ako ng business attire.

All white ang suot ko, naka trouser ako na white, sando na white, long suit na white. Hindi rin nagpakabog ang white heels ko na may diyamanteng pabulaklak. Inilugay ko lang ang short blonde hair ko at nag apply ng light make-up.

Alas-tres ng hapon ang meeting. Bandang 2:30pm ay dumating ako sa The Peninsula Hotel. Agad naman ako inasikaso ng staffs ng BRAHAMS patungo sa meeting room.

Pagpasok ko palang ay naroon na rin ang ibang CEO, pati na rin ang iba kong nakasalamuha noong fashion show. Narito na rin si pogo na ngumisi pa sa akin.

“You may take your seat now Ms. Ynna,” sabi ng isa sa staff. Umupo naman ako sa tinuro niyang seat.

Ang lahat ay tahimik o kaya naman ay busy sa kani-kanilang mga laptop. Inihanda ko rin sa table ang laptop ko para matipa rito ang mga pag uusapan.

Soon enough, the representatives from Gucci arrived, and they individually handed each of us brown envelopes, instructing us to open them later.

“Before we begin, our CEO would like to inform you that he is delighted to have you all here. I am Angelica Capatagan, the representative of Gucci Philippines.” panimula nito.

Magkatapat ang seat namin ni pugo, kita ko sa peripheral view ko ang pagiging seryoso niya kahit na kinakausap siya ng iba pang katabi niya.

“Let's talk about why you're here and why Gucci chose your companies. Firstly, you hold a distinguished position in the clothing industry. Secondly, Gucci places great trust in your organization based on the remarkable accomplishments of your companies. Thirdly, your company has achieved substantial growth and garnered global recognition.”

Ipinabukas sa amin ang brown envelope, laman nito ang kontrata na mapagkakasunduan sa pagitan namin.

“Let's now proceed to the contract.” Tiningnan at binasa ko ito isa-isa.

Sa nakalagay ss kontrata ko ay twenty million ang matatanggap ng YSABELLA. Hindi ko lang alam kung pare-pareho ang nakalagay sa bawat kontrata namin.

“All of the amount there was---wait what's happening?” ang lahat kami ay nagtaka dahil biglang namatay ang mga ilaw.

Namayani ang katahimikan sa loob ng meeting room, walang nagbalak sa aming magsalita. Hinihintay kung kailan muling magkakailaw.

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng mga sigawan sa labas ng meeting room.

“Dámn it, lock the door!” sigaw ng isang CEO nang makitang akmang bubuksan ito ng babaeng staff.

He quickly locked the door, causing all of us to stand up abruptly. The banging on the door from outside sent a shiver of unease through our bodies.

“Buksan n‘yo ang pintong ‘to!” Walang gumagalaw.

Dumarami ang naririnig naming boses, lalo ring lumalakas ang kalabog. “Ano ba pre? Hindi mo ba talaga mabuksan ‘yan?! Tabi nga d'yang gunggong ka!”

“Magsitago kayo! Call the police!” pero bago pa kami makabawi sa pagkabigla at bago pa namin maalalang dapat na kaming humingi ng tulong ay nawasak nila ang pinto.

Nagsitago kami sa kani-kaniya naming lamesa. Malakas ang kabog ng puso ko, hindi ako makapagsalita, hindi ako maka sigaw.

Ngayon lang muli ako nabalot ng ganitong klase ng takot. Bukod sa pagkamatay ng mga magulang ko, ngayon lang ako muling nasindak ng ganito.

Gusto kong maiyak sa takot, gusto kong yumakap kay Auntie Lauren. Maraming lalaking nakaitim na damit at itim na mask, pinalibutan nila kami ng mga ito at pinalabas sa pinagtatagyan namin tiyaka kami pinayuko.

“Ibigay n'yo ang mga cellphone n'yo!” lumapit ang iba sa amin at ipinalagay sa isang sako.

Napatingin ako sa gawi ni Thymoteo, I don't know if I am being delusional o dahil dala lamang ito ng takot. He is looking at me like he is afraid that I might get hurt.

“What do you want? Money, jewelry? Name your price!” sigaw ng isa naming kasamang CEO.

Bahagya namang natawa ang sa tingin ko ay leader nila. “Manahimik ka d'yan tanda, hindi ikaw ang kailangan namin.”

I lowered my head, remaining quiet, as the sounds of weeping and trembling reached my ears from our fellow companions.

“Ano bang kailangan n'yo sa amin?!” may naglakas-loob na tanungin silang muli.

Hindi sila sumasagot at pinalibutan kami. Napapalunok nalang ako sa takot, nanatili pa rin akong nakayuko habang kinakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.

Muli akong napatingin kay Thymoteo. He mouthed ‘are you okay?’ labag sa loob akong tumango.

“Hoy! Anong pinagsesenyasan n'yo d'yan?! Yuko!” pagsaway ng isa sa mga lalaking nakaitim.

Hindi ko na napigilan ang luha ko sa tanong na narinig ko.

“Sino sa inyo si Cinnamon Nadezhda?!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status