Gahol na pinaghalo ni Ffion ang mga nasabing sangkap sa mortar at dinikdik iyon. Pinaghalo niya ang rose petals, tinik at vanilla. Nabasa niya lang ito sa internet at hindi siya siguro kung epektibo ito dahil hindi totoo ang gayuma. Binigyan siya ng tatlong araw ni Lorenzo na gawan ito ng love potion para kay Ivony. Bumalik ito sa Maynila dahil may kailangan daw itong asikasuhin at dapat sa pagbalik nito, nagawa niya na ang pinagawa nito.This is your karma, Ffion. This is your karma. Lihim niyang pinapagalitan ang sarili. Nasa loob siya ng silid kung saan siya gumagawa ng nga resin projects.Pinagpapasalamat niya na kahit papaano, hindi namemeste sa kaniya si Ivony. Hindi nga ba? O hindi niya lang pinapansin ang pambubwesit nito? Tulad ngayon, hindi siya makapag-concentrate dahil alam niyang nasa veranda ang asawa at nando'n din si Ivony.May tiwala siya kay Audric.May tiwala nga ba ang puso niya?Pabagsak niyang nilapag pestle at huminga ng malalim. Babantayan niya ang lalaki! Ba
KUNG kanina ay parang pinatay ang puso ni Ffion, nasundan pa ito ngayon habang naghahapunan sila. Nasa hapag-kainan silang tatlo at imbes siya 'yong laging nag-aasekaso kay Audric sa tuwing kumakain sila, ngayon si Ivony na.Nakagat na lamang niya ang labi at piniling huwag kumibo. Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siyang kumakain. Ayaw niyang umeksena. Hahayaan niya si Adi kung maalala ba nitong siya ang asawa nito at hindi ang ex nitong si Ivony.Kahit naman kasi alam niya na kung saan ito patungo, niloloko niya pa rin ang kaniyang sarili. Niloloko niya ang kaniyang puso na baka sa huli, sila at sila pa rin ng lalaki.Mula sa sulok ng kaniyang mata, kitang-kita niya ang awang naramdaman ni Mhae at Joan para sa kaniya. Pero hindi niya kailangan ng awa. Ang kailangan niya ay si Audric.Kapagkuwan ay napasulyap siya sa impes na tiyan ni Ivony. Impes pa lang iyon pero hanggang kaluluwa ang kaniyang naramdaman insecurities para sa sarili.Wala siyang maipagmayabang maliban sa isa siyang
MAHIRAP nga siguro talagang kalabanin ang sampung taon. Mahirap sapawan ang pagmamahal ni Ivony para kay Audric. Tulad ngayon, nagkikwentuhan si Ivony at Audric. Nasa veranda ang mga ito habang siya, nasa pribadong silid kung saan siya gumagawa ng resin projects.Tinatapos niya ang gayuma na gusto ni Lorenzo. Pangatlong araw na at alam niyang darating bukas ang binata. Pero totoo nga ba talaga ang gayuma? Naiiling na pinunasan niya ang luha. Sineryuso niya ang kaniyang paggawa ng pesteng love potion! Bukas ang bintana kaya naririnig niya ang malakas na tawa ni Ivony o nanadya lang ito. Halatang masayang-masaya. Nagkukot ang kaniyang kalooban!Bigla niyang tinigil ang paghahalo ng sangkap at kinuha ang notebook. Nagsulat siya roon ng paraan kung paano mapaalis sa buhay niya ang babaeng ito.Gusto niyang gumawa ng lason gamit ang bulaklak na kaniyang tinanin para mamatay na ito at— kaagad siyang natigilan. Mabilis niyang pinilas ang pahina ng notebook at nilamukos iyon. Naiiyak na t
Ang lawak ng ngiti ni Lucas nang dumating siya sa wakas ng San Mateo. Dala niya ang paboritong pickled radish ni Ffion at nagdala rin siya ng tatlong araw na pamalit na damit. He'll staying in Villa for 3 days. Mag-uusap sila ni Ffion. Hindi siya mapakali sa kaniyang office after Ffion called him and crying.Oo, wala siyang pag-asa sa babae. Matagal ng walang pag-asa at tanggap niya na ito. Pero sa tuwing umiiyak si Ffion, umiinog ang kaniyang mundo. Hindi siya ang tipo ng taong uupo lang sa isang tabi at hahayaan ito.No. Kailangan niyang makausap ito. Uuwi lang siya ng Maynila kapag nasigurado ni Lucas na nasa maayos ang lahat. We need to talk Ffiona. May hinala na ako pero ayukong pangunahan ka. I need to hear you out. Naging seryuso ang kaniyang mukha habang binabaybay ang daan papuntang Villa.Gumaan ang pakiramdam ni Lucas nang matanaw ang bakuran ng Villa. Tila nawala ang pagod niya mula sa pagmamaneho. Para itong paraiso ng mga bulaklak at orchids. Kaya siguro isa ito sa na
Hindi siya umuwi nang gabing iyon. Namalayan na lamang ni Ffion na ansa bahay siya ni Manang Minda at Manong Lito. Kinakausap siya ni Manang Minda pero sabog ang kaniyang utak. Wala siyang maisagot na matino.Kaya hindi na siya pinilit ng matanda na umuwi ng Villa at hinayaan siyang manatili sa gabing iyon sa bahay ng mga ito."Talaga bang okay ka lang dito Ineng?" Tanong ni Manang Minda nung dalhan siya ng unan at kumot sa kabilang silid. "Opo. P-pasensya ho Manang kung dumito muna ako. Sadyang... Sadyang ayuko lang makita si Ivony at Adi." Tila may buhangin ang kaniyang lalamunan at nahirapan siyang lumunok. Masakit. "Oh siya, pasensyahan mo na at hindi karangyaan ang bahay namin, ha?"Ngumiti lang siya. Lumabas ito at hinayaan siya kung papatayin niya ba ang ilaw ng kaniyang silid o hindi. Yari sa amacan at semento ang bahay ng mag-asawa. Bungalow style. May tatlong silid. Isa para sa dalawang mag-asawang matanda at ang dalawa ay para sa anak ng mga ito. Para kay Ffion, okay nam
"What are you trying to say?""What I'm trying to say?" Natatawang tanong nito. "Tanungin mo ang asawa mong si Ffion. Baka sakaling masagot niya kung bakit naging ganito ka.""Huwag na huwag mong madamay ang asawa ko rito. Ngayon-ngayon din ay kaya kitang ipadampot ng pulis, Lorenzo. Binabalaan kita." Nagtagis ang kaniyang bagang. Kung may nakikita lang si Audric, baka naundayan niya na ng suntok ang lalaki."Ipapadampot mo pa kaya ako kung malalaman mo ang buong katutuhanan?""A-anong ibig mong sabihin?""Handa ka na ba? Walang magagalit, ah?"Napakuyom ng kamao si Audric. Bakit hindi niya nagugustuhan ang takbo ng usapan ngayon? May dapat ba siyang malaman laban kay Ffion? Kay kumudlit ng kaba sa sulok ng kaniyang dibdib."Si Ffion... Si Ffion ang nag-utos sa 'kin na bulagin ka. Siya ang nagbigay ng chemical na siyang binomba ko sa mata mo sa kotse mo ng araw na iyon. Si Ffion na asawa mo... Na obsessed na obsessed sa 'yo..."Fuck! Ffion?!HINDI MAPAKALI si Ffion sa kinauupuan. Para
KAHARAP NI Audric ang sarili sa malaking salamin dingding ng kaniyang opisina kung saan nakikita niya ang kaniyang sariling repleksyon. Bumalik na siya sa pamamahala. Natuloy ang paglipat sa kaniya ng titulong presidente at maraming natuwa sa bagay na iyon pero hindi siya.Hindi ito ang kaniyang gusto pero ito ang linya ng kaniyang angkan kaya dapat niya itong panindigan. Kung ang kapatid niyang si Amazi ang agad niyang pahahawakin nito, mangangapa ang lalaki. Mahihirapan ang kompanya at mapupunta sa iba ang pinahirapan ng kaniyang Ama."Kuya! I'm glad you are finally back."Napangiti siya nang makita si Amazi. Lumapit ito sa kaniya at mahigpit siyang niyakap."Kailangan. Maraming nakaka-miss na mga papeles sa table ko.""Sinabi mo pa. Maraming investors na gusto sanang pumasok pero nung malaman nilang hindi ikaw ang namahala, umatras." Natatawang saad nito. "They want your charm kuya.""Gwapo kasi ako.""Mas gwapo ako!""Oy anong mas gwapo ka, mas gwapo ako ulol!"Sabay silang napali
"Hi babe! Nagluto na ako ng dinner para sa 'tin, uuwi ka ba?"Ito ang bumungad kay Audric by nung tawagan siya ni Ivony. Nasa office pa rin siya, nag-review ng mga papeles bago permahan. Gabundok din ang taas ng mga dokumento sa kaniyang mesa."No.""But naglaan ako ng time para magluto kahit hindi ko hilig magluto, babe!"Napabuntong-hinga siya."Hindi lang ako ang may gusto na makasabay ka, pati ang anak mo sa sinapupunan ko."Natigil ang kaniyang kamay sa pagpeperma. Sandali siyang napasandal sa kinauupuan at napahugot ng hangin."Ginagawa mong rason ang anak ko.""Kaya umuwi ka para sabay tayo mag-dinner, okay?""Okay." Saka walang sabi na pinatay ang tawag. Hindi na hinayaan ni Audric na humaba pa ang usapan nila ni Ivony.Mahal niya pa rin ito. Gano'n naman talaga siguro ang puso, hindi agad nakakalimot ng taong minahal. Pero natuto na si Audric. Natuto na ang kaniyang puso na pahalagahan ang sarili.Hindi niya na ibubuhos lahat ng pagmamahal niya sa isang tao. Masasaktan lang
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!