Alex's PovNakasakay na akong muli sa aking kotse ay tila wala pa rin ako sa aking sarili. Pakiramdam ko ay lumulutang ang aking utak. Sa katunayan ay ilang beses akong muntikang makabangga ng sasakyan na nauuna sa akin. Dahil hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho kaya minabuti kong itabi sa gilid ng kalsada ang kotse dahil baka makaaksidente pa ako or worst ay ako ang ma-aksidente.Pagkahinto ko sa aking kotse ay agad kong kinuha ang aking cellphone at idinial ang cellphone number ng aking kapatid. Hindi ko siya makuntak ngunit sinubukan ko pa rin siyang tawagan. Ngunit kahit ilang beses ko pa siyang tawagan ay tanging busy tone lamang ang sumasagot sa akin."Alexa, nasaan ka na ba? Magparamdam ka naman, please," nafu-frustrate na isinandal ko ang aking ulo sa upuan. Sobrang nag-aalala na ako sa kanya. Hindi talaga ako kumbinsido na itinulak niya ang mommy ni Uriel. Pakiramdam ko ay may hokus-pokus na naganap. Para kasing hindi kapani-paniwala na nataon pang day-off ng lahat n
Alex's PovLumarawan ang matinding galit sa mukha ni Uriel nang makita niya ako sa loob ng kulungan. Agad siyang napalapit at malakas na kinalampag ang kulungan. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras."Bakit, Alex? Bakit mo nagawa kay Mommy ang bagay na iyon? Napakabuti niya sa'yo tapos ito ang igaganti mo sa kanya?!" galit na galit na tanong sa akin ni Uriel habang nanlilisik ang mga mata. Kung wala lang sigurong rehas na nakapagitan sa aming dalawa ay baka nasaktan na niya ako dahil sa matinding galit na nakikita ko sa mukha niya."Nagkakamali ka ng iniisip, Uriel. Hindi ko magagawa ang iniisip mo," umiiyak na sagot ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Alex at ang iniisip niyang tumulak sa kanyang ina ay walang iba kundi ang kakambal kong si Alexa ngunit alam kong hindi siya maniniwala sa akin. At saka naniniwala ako na hindi magagawa ni Alexa ang bagay na iyon kaya ayokong masira siya sa mga mata ni Uriel."Sinungaling! Nagkasagutan kayo ni Tita Ursula dahil hindi mo m
Alex's PovWala akong tigil sa pag-iyak habang nasa labas ako ng ER o Emergency Room at hinihintay ang paglabas ng mga doktor na gumagamot kay Mama. Pagkatapos ay agad kong tinawagan si Daddy na kasalukuyan palang kausap ang kaibigan nitong general at nakikipag-ugnayan dito para mahanap ang aking kakambal. Nang malaman ni Daddy ang nangyari ay agad na siyang nagpaalam sa kaibigan niya para puntahan kami ni Mama sa ospital.Piping ipinagdarasal ko na sana ay makaligtas ang mama ko. Sana ay huwag muna siyang kunin sa amin ng Diyos at hayaan muna niya kami na magkasama-sama bilang iisang pamilya. Umiiyak na naihilamos ko sa aking mukha ang dalawa kong palad. Bakit ba magkasunod ang problemang dumating sa pamilya ko? Naisip ko ang mga taong nagpaulan sa amin ng bala. Sino kaya ang nag-utos sa kanila na patayin kami? Sino ang taong galit sa amin para gustuhin niyang mamatay kami? Wala naman kaming kaaway dahil wala naman kaming inaapakan na tao. Si Uriel. Biglang sumagi sa isip ko si Urie
Alex's PovHindi natuloy ang balak kong pagbisita sa puntod ng mga magulang ni Uriel dahil kinailangan kong bantayan si Mama sa ospital. Busy pa kasi si Daddy sa paghahanap kay Alexa at sa mga dokumento na ihaharap sa korte. Ang sabi ng abogado ni Daddy ay malaki ang chance naming manalo sa kaso lalo na't matibay ang mga ebidensya namin na magpapatunay na hindi ako si Alexa. Iyon nga lang ay maaaring madiin ang kakambal ko sa kaso hangga't hindi pa siya lumalabas at nagpapakita para linisin ang pangalan niya. Kaya naman hindi tumitigil si Daddy at ang mga taong hiningan niya ng tulong sa paghahanap sa kakambal ko para malinawan ang lahat sa tunay na nangyari.Nang makalabas naman si Mama sa ospital ay inasikaso ko siya kaya wala pa rin akong time na bumisita sa puntod ng mga magulang ni Uriel lalo pa nang umusad na ang kasong kinakaharap ko. At tama ang abogado ni Daddy sa pagsasabing malaki ang chance manalo kami sa kaso dahil kami nga ang nanalo. Napatunayan ng abogado namin na hind
Alex's PovLumipas ang ilang buwan ngunit hindi namin nahanap ang aking kakambal na si Alexa. Bumalik na ang daddy namin sa pag-aasikaso sa kompanya niya dahil hindi naman maaari niyang pabayaan ng matagal ang kanyang negosyo. Ngunit hindi ibig sabihin niyon na hindi na mahalaga sa kanya ang paghahanap sa kapatid ko o wala na siyang pakialam pa kung mahanap man o hindi si Alexa. Dahil ang totoo ay palagi kong naririnig si Daddy na may kausap siya sa kanyang cellphone at nagtatanong kung may balita na ba sa paghahanap sa kanyang anak. Ako naman ay madalas nasa loob lamang ng bahay namin dahil kahit hindi na naulit pa ang pagtatangka sa buhay ko ay tila natakot na akong lumabas ng bahay. Ang sabi ng mga pulis na nag-imbestiga na baka nagkamali lamang daw ang mga taong iyon ng taong papatayin dahil nga hindi naman na nasundan pa ang pagtatangka sa buhay ko. Kung naniniwala ang mga pulis na nagkamali lang siguro ang mga taong iyon at hindi talaga ako ang target nila ako hindi. Dahil dal
Alex's PovHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakatayo sa isang sulok na malayo sa mga bisita. Kanina pa ako bored sa party kaya gusto ko nang umuwi aa bahay ngunit hindi ko naman magawang iwan si Art. Ayokong umalis nang hindi nagpapaalam sa kanya. At saka nakikita kong masaya siya habang kausap ang ibang kaibigan niya na eksaktong nandito rin pala sa party.Kanina habang nakaupo kami ni Art sa mesa na pangdalawahan ay biglang nilapitan kami ng dalawang lalaki na naging malapit na kaibigan niya nang nakatira siya sa ibang bansa. Hindi nakatutol si Art nang isama ito ng dalawang kaibigan para ipakilala sa mga kaibigan naman ng dalawa. Ayaw sanang sumama ng kaibigan ko dahil ayaw niya akong iwan ngunit binigyan ko siya ng go signal para sumama sa kanila at sinabing okay lang ako. Akala ko naman ay hindi siya magtatagal at babalik agad ngunit mukhang nag-enjoy siya sa company ng mga kaibigan niya kaya tila nakalimutan na niyang na
Alex's PovTahimik lamang ako habang sakay sa kotse ni Art pabalik sa bahay namin. Matapos kong magpaalam sa birthday celebrant na kaibigan ni Daddy ay nilapitan ko si Art at niyayang umuwi na kahit na masaya pa itong nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Ayaw pa sana itong payagang umalis ng mga kaibigan nito ngunit nang makita ni Art ang kakaibang ekspresyon sa aking mukha ay tila nahulaan nito na may hindi magandang nangyari sa party kaya niyayaya ko na siyang umuwi. Hindi na nagpaawat pa si Art sa mga kaibigan niya at agad na niya akong inihatid sa pabalik sa bahay namin."I'm sorry," mahinang paumanhin ni Art sa akin kahit naman wala akong sinasabi sa kanya kung bakit ako tahimik. Iniisip marahil niya na kasalanan niya ang nangyari kung bakit nasira ang mood ko."Wala ka namang kasalana kaya bakit ka nagso-sorry? Kasalanan ng tatlong taong iyon na tila pinagkakaisahan ako," naghihimutok ang dibdib na sabi ko sa kanya."May kasalanan din ako dahil iniwan kita. Kung bumalik sana aga
Alex's PovNang magising ako ay ang napakalakas na ingay nang kung anong makina ang agad kong narinig at ang malakas na ihip ng preskong hangin. Iminulat ko ang aking mga mata para alamin kung ano ang ingay na aking naririnig at bakit malakas ang ihip ng hangin na tumatama sa mukha ko ngunit pagmulat ko ng aking mga mata ay sinalubong ng himpapawid ang aking mga paningin. Napatingin ako sa ibaba at nalula ako sa taas ng kinaroroonan ko. May phobia ako sa height dahil nang bata pa ako ay umakyat ako sa puno ng aratelis sa kapitbahay namin ngunit marami palang pulang hantik na sobrang sakit mangagat. Sa kakapagpag ko sa mga hantik na nangangagat sa akin ay bigla akong nahulog sa lupa at nawalan ng malay. Magmula noon ay natakot na akong magpunta sa matataas na lugar sa takot na baka muli akong mahulog. Kaya naman nang makita kong sobrang taas ng kinaroroonan ko ay biglang nagdilim ang aking paningin at muling nawalan ng malay. Ni hindi ko nga nagawang alamin kung sino ang taong nakahawa