"What's happening here? Bakit hindi kayo tumawag ng guwardiya para paalisin ang mga taong iyan na nag-eeskandalo sa loob ng aking kompanya?" tanong niya sa dalawang employee na siyang kumakausap kina Cynthia at Lucy."Ma'am Arielle! Mabuti po at nandito na kayo." Tila nakahinga ng maluwag ang dalawang empleyado niya nang makita nakabalik na siya mula sa kanyang lunch sa labas.Nang makita naman siya nina Cynthia at Lucy ay agad siyang sinugod ngunit hindi siya nagawang lapitan ng dalawa dahil maagap na naharangan sila ng katawan ni Gun."Anong karapatan mo na tanggalin sa trabaho ang anak ko?" galit na sigaw sa kanya ni Cynthia. Sa lakas ng boses nito ay hindi lamang sampung tao ang nakatingin sa kanila."I'm the owner of the company, remember? Kaya nasa akin ang lahat ng karapatan na tanggalin sa trabaho ang kahit sino na gusto kong tanggalin," nakataas ang kilay na sagot niya sa kanya. "But sad to say, hindi ako ang nagtanggal sa kanila sa trabaho kundi si Uncle Edgar.""Dahil ikaw
Mabigat ang mga hakbang na pumasok si Arielle sa loob ng bahay niya at kasunod si Gun na seryoso naman ang mukha."Good evening, Ma'am Arielle. Ready ko na po ba ang dinner?" nakangiting tanong sa kanya ni Emma nang makasalubong niya ito sa sala.Wala siya sa mood kaya hindi niya sinagot ang tanong ng maid niya. Nagtatakang sinundan na lamang siya ng tingin nito habang umaakyat siya sa hagdan."Anong nangyari kay Ma'am Arielle? May LQ na naman ba sila ni Gun?" narinig niya na tanong ni Laura kay Emma. Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng hagdan kaya niya narinig ang sinabing iyon ni Laura. Huminto siya sa pag-akyat at nilingon ang dalawang."Bodyguard ko lamang si Gun at never kaming magkakaroon ng relasyon kayo hindi mangyayari ang LQ na sinasabi ninyo, okay?" pinandilatan niya ang dalawang na parehong natahimik. Si Gun naman ay nakita niyang nakatayo malapit sa dalawang maid at nakatingin din sa kanya. Ngunit blangko pa rin ang mukha nito kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip n
Habang kumakain sila ng breakfast ay walang kibuan sina Arielle at Gun sa harapan ng mesa. Nakaramdam tuloy ng pagkailang ang dalawang maid kaya mabilis na natapos kumain ang dalawa. Naiwan sina Arielle at Gun na parehong nagpapakiramdaman. Si Gun ang unang hindi nakatiis na huwag kibuin si Arielle kaya siya na ang nagpakumbaba."Look, Arielle. I'm sorry sa mga sinabi ko sa'yo kahapon. I am just worried about your safety," ani Gun matapos humugot ng malalim na buntong-hininga.Napatingin naman sa mukha ni Gun si Arielle. Ramdam niya ang sinseridad sa boses nito kaya hindi na siya nagmatigas pa. Isa pa, hindi magandang tingnan na hindi sila nagkikibuan gayong nasa iisang bahay lamang sil at palagi pa silang magkasama. Hindi lamang sila ang naaapektuhan kundi maging ang mga taong nakapalibot sa kanila."I'm sorry too. Naging sensitive ako, siguro dahil name-menopause na ako," biro niya para gumaan ang paligid. Wala rin naman siyang dahilan na puwede niyang sabihin kay Gun kung bakit big
Kakagising lang ni Arielle nang makatanggap siya ng panic call mula sa kanyang secretary na si Mely. Ipinaalam sa kanya ng kanyang secretary na lahat ng shareholder ay nasa meeting room at may emergency meeting na nagaganap. Nasa loob din ng meeting room sina Tyron at Claire. Gusto ng board na gawing CEO si Tyron at si Claire ang Bise presidente.Hindi alam ni Mely ang gagawin, kaya agad niyang tinawagan si Arielle para ipaalam sa kanya ang nangyayari sa kanilang kompanya. Sinabi rin ni Mely sa kanya na hindi siya pinapayagang pumasok sa meeting para makinig sa kanilang usapan.Nang marinig ni Arielle ang balita, hindi na siya nag abala na maligo at mabilis na nagbihis ng kanyang damit pang-opisina at saka agad na tinawagan si Gun kung handa na ba itong umalis. Buti na lang at laging early riser si Gun at nakaligo na kaya agad silang umalis paglabas ni Arielle sa kanyang kwarto."Ano ba ang dahilan at nagmamadali kang makapasok sa opisina, Arielle? Hindi ka pa nga nag aalmusal o nali
"Arielle! Stop humiliating the board members! You should respect what decision they made," hindi nakatiis na saway ni Tyron sa kanya."Stop humiliating them? Respect their decision? Am I fool in your eyes, Tyron?" Binigyan niya ng nakakainsultong tawa ang kanyang ex-boyfriend. "I can see that your face is much thicker than those members of the board who were trying to place you in a sit that doesn't fit on you, Tyron."Biglang namula ang mukha ni Tyron sa galit at tumalim ang tingin nito sa kanya. "It's their decision and nit mine, Arielle. Sa loob ng ilang taon na pagiging CEO mo ay sa akin ka rin umasa. Kaya hindi mo sila masisisi kung mas piliin nila na ako ang maging CEO kaysa sa'yo," mariin ang boses na sagot ni Tyron at may halong pang-iinsulto sa tono ng pagsasalita nito."Tyron was right, Arielle. Sa kanya ka pa rin tumatakbo pagdating s amga decision sa kompanya kahit na ikaw ang CEO. At saka mas mapapabuti ang kompanya kapag si Tyron ang naging CEO," sabat naman ni Claire na
Without a word, Gun quickly kicked the man holding Arielle. Nabitiwan siya ng lalaki at pagkatapos at tumilapon at bumangga sa dinding ang katawan nito. Napayakap naman siya ng mahigpit kay Gun."Thank you for coming," mahina ang boses na pasasalamat niya rito."It's nothing," balewalang sagot ni Gun."At ano ang ginagawa ng isang hamak na bodyguard sa loob ng meeting room?" Nang-iinsultong ang tono na kausap ni Tyron kay Gun. "Umalis ka ngayon din kunh6ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guwardiya ng building na ito."Gun just smirked at Tyron. "You speak as if you're the owner of this company. Ikaw na walang shares sa kompanya kahit na 1 percent. I really admired the thickness of your face, Tyron." Ibinalik ni Gun ang nang-iinsultong tingin ni Tyron sa kanya. "At sino ang guard na tatawagin mo para kaladkarin ako? Iyong guard sa labas na ngayon ay nahihimbing na sa pagtulog? Or ang guard na iyan na hirap na hirap makatayo?"Napakuyom ng mga kamao si Tyron at hindi nakapagsalita. Halo
Pagdating sa bahay nila ay agad na pinagtatapon ni Tyron ang mga kagamitang nakikita ng kanyang mga mata. Galit na galit siya kay Arielle. Nasa mga kamay na niya ang tagumpay ay dumulas pa. Ngunit mas galit na galit siya sa bodyguard nito. Kung hindi dumating si Gun at iniligtas si Arielle ay wala na sanang magagawa ang babae. Siya na sana ang bagong CEO ng kompanya."Ano bang nangyari, Tyron? Bakit galit na galit ka?" nagtatakang tanong sa kanya ng ina niya."Ang walang hiyang babaeng iyon at ang bodyguard niya ay sinabotahe ang plano kong pag-angkin sa kompanya, Mom! Nasa mga kamay ko na ang tagumpay pero nakahulagpos pa!" Sobrang tindi ng galit na nararamdaman niya ngayon at kung nasa harapan lamang niya si Arielle ay tiyak pinagtangkaan niya ulit itong patayin."Sino ba ang tinutukoy mo, Tyron? Ang ex-boyfriend mo ba at saka iyong bodyguard niyang guwapo?" "Sino pa nga ba, Tita? Ang dalawang iyon na nga at wala ng iba." Si Claire ang sumagot sa tanong ng ina ni Tyron. "Ngunit hin
Muntik ng mapasigaw si Arielle nang magising siya kinabukasan at nakita niyang nasa loob ng kanyang silid si Gun, nakaupo sa gilid ng kanyang kama at mataman na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung matagal na ba itong nakatitig sa kanya o kapapasok pa lamang nito sa kanyang silid."You give me a shock, Gun. What are you doing inside my room?" tanong niya kay Gun, hinila niya ang kumot papunta sa itaas ng kanyang dibdib. Mabuti na lang hindi siya nakasuot ng manipis na pantulog kaya hindi siya nasilipan ng lalaki."Your maids told me that you didn't have your dinner last night. At bakit hindi ka nagpalit ng pantulog?" Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang suot na pang office work. Hindi na niya kasi nagawang makapagpalit ng damit last night dahil sa pagod. Nang magising namang siya ay bigla naman siyang nawala sa mood nang malaman na umalis si Gun at pinuntahan ang kanyang girlfriend kaya mas lalo lamang siyang tinamad magbihis. Natulog na lang ulit siya na ganoon pa rin ang suot