"Saan tayo pupunta, Gun?" tanong ni Arielle habang sakay sila ng kotse niya. Pagkatapos nilang mag-lunch ay hinila siya nito palabas ng bahay at pinasakay sa kotse niya. Ni hindi man lang siya pinagbihis nito ng damit bago siya hinila para dalhin papunta sa kung saan. Mabuti na lamang palaging maayos ang suot niyang damit kahit na sa bahay lamang siya para always ready siya sakaling biglaan ang pag-alis niya gaya ngayon."Relax. I'm not going to kidnap you," natatawang biro ni Gun nang makitang hindi siya mapakali.Inirapan niya ito pagkatapos ay humalukipkip ang kanyang mga braso aa tapat ng kanyang dibdib. "Ano pa nga ba itong ginagawa mo? You've kidnapped me already."Tumawa lamang ng mahina si Gun sa kanyang sinabi pagkatapos ay hindi na nagsalita. Napakunot ang noo niya nang makita kung saan siya nito dinala. Sa isang sikat na amusement park."Let's go," yakag nito sa kanya nang maiparada nito ng maayos ang kotse."Ano ang gagawin natin dito?"Tumaas ang isang kilay ni Gun bago s
Hindi mapigilan ni Arielle ang makaramdam ng selos habang kausap ni Gun ang girlfriend nito na Amanda pala ang pangalan. Siguro ay todo paliwanag ito sa babae kung bakit sila magkasama ngayon dahil hindi pala alam ng girlfriend nito na pumasok sa kanya bilang driver-bodyguard si Gun. Ibig sabihin ay hindi ang ama ng babae ang boss ni Gun. Dahil kung ama ni Amanda ang boss ni Gun bago siya ay imposibleng hindi nito malaman na umalis na si Gun bilang driver ng ama nito.Nakaramdam na siya ng pagkainip nang halos fifteen minutes nang nag-uusap si Gun at Amanda pero tila wala pa ring balak ang huli na pakawalan ang lalaki. Lumipas na tuloy ang gutom na naramdaman niya kanina. Wala na siya sa mood kumain kaya nagpasya siyang bumalik na lamang sa loob ng kotse. Lalo siyang napasimangot nang hindi niya mabuksan ang pintuan. Nakalimutan niyang ini-locked pala ni Gun ang mga pintuan paglabas nila at hawak nito ang susi ng kotse niya. "Arielle? Arielle Simpson?" Boses ng isang lalaki sa kany
Pag-alis ni Bret ay itinuloy nina Ariella at Gun ang naantala nilang balak na kumain sa loob ng seafood restaurant. Nasa mood na ulit siya at nakatulong ang muling pagkikita nila ng kanyang dating kaibigan para maibalik ang maganda niyang mood. Samantala si Gun ay tila wala pa rin sa mood. Na-curious tuloy siya kung ano ang pinag-usapan nito at ni Amanda kaya hanggang ngayon ay wala pa rin ito sa mood.Natapos silang kumain hanggang sa pauwi na sila sa bahay niya ay wala pa ring kibo si Gun. Nag-uumpisa na tuloy siyang mainis ulit sa kanya. Sobrang mahal siguro nito ang girlfriend nito kaya hindi madali para rito na magalit ang babaeng iyon."Why are so silent, Gun? Kanina ka pa walang kibo. Nagalit ba ang girlfriend mo at nais ka niyang mag-resign sa trabaho mo?" hindi nakatiis na tanong niya kay Gun. Masyado kasing nakakailang ang katahimikan sa paligid nila at naiinis siya dahil nagkakaganoon ito dahil sa babaeng iyon."Yes," maikling tugon ni Gun pagkatapos ay muling nanahimik at
"Hindi ko ini-expect na ngayon mo ako bibisitahin, Bret. Kahapon lang tayo nagkita tapos nandito ka na," nakangiting wika ni Arielle sa kaibigan matapos niya itong yakapin. Si Gun ang nagbukas ng gate nang mag-doorbell si Bret dahil parehong may ginagawa ang dalawang maid at nagkataong nasa labas ito, nagchi-check ulit sa paligid ng bahay niya. Palagi nitong ginagawa iyon ng ilang beses sa isang araw kapag nasa bahay siya. Anito ay mas mabuting makasigurado na walang taong kahina-hinalang umaaligid sa bahay niya."Of course, hindi tayo nakapag-usap ng maayos kahapon kaya binisita agad kita ngayon," nakangiting sagot ni Bret sa buo at baritonong tinig. Mahina siyang natawa sa pagpapalaki nito ng boses. Nakasilip kasi sa bintana ang dalawang maid habang nakatingin sa kanila kaya ginawa nitong lalaking-laki ang boses. Nang sa gayon ay hindi mahalata ng dalawa at maging si Gun na nakatayo malapit sa kanila na binabae si Bret at hindi totoong lalaki.Bahagya siyang dumukwang at inilapit a
"Wow! You're very pretty and sexy, my friend!" Puri kay Arielle ni Bret nang hubarin na niya ang suit niyang bathrobe at tumambad sa mga mata nito ang suot niyang two-piece swimsuit na kulay yellow. "Kung hindi lang ako katulad mo ay tiyak na na-in love na ako sa'yo at niligawan kita," natatawang dugtong pa nito."Well, I'm so glad that we are the same kasi kung nagkataong tunay kang lalaki at nanligaw ka sa akin tiyak basted ka na agad," natatawang sagot naman niya."Ouch! Bakit naman? Is it because of him?" Pa-sekretong inginuso ni Bret ang kinaroroonan ni Gun.Hindi na niya kailangan pang tingnan kung sino ang tinutukoy nito dahil wala namang ibang lalaking naroon sa paligid kundi si Gun lamang at pagbaba niya mula sa kanyang silid ay nakita na niyang nakatayo ang bodyguard niya malapit sa swimming pool."Yes," walang gatol na sagot niya."So ano ang score sa pagitan ninyong dalawa? May mutual understanding na bang nagaganap?" panunukso ni Bret.Lumusong muna siya sa tubig at lumap
Hinawakan ni Arielle si Gun sa balikat at bahagyang niyugyog para magising."Gun. Wake up. Bakit dito ka natulog sa sala?" kausap niya sa natutulog na lalaki. Ilang beses niya itong niyugyog ngunit hindi talaga ito magising. Mukhang marami itong nainom kaya mahirap itong gisingin. "Bakit ka ba naglasing? Paano kung nagkataong pumasok ngayong gabi si Tyron at muli akong pagtangkaang patayin? Tiyak nagtagumpay na siya sa masamang plano niya sa akin."Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng inis. Ngunit hindi naman siya galit sa lalaki. Tumayo siya at chineck isa-isa ang mga bintana at pintuan kung naka-lock bang mabuti. Nawala ang inis niya nang makitang walang bintana at pintuan ang naiwang bukas. Siguro ay chineck ng mabuti ni Gun ang mga bintana at pintuan bago ito uminom ng alak.Muli niyang nilapitan si Gun at niyugyog ng malakas ang balikat nito."Uuh." Isang mahinang ungol lamang ang itinugon nito sa kanya."Gun. Gising. Sa kuwarto mo ka matulog huwag dito. Malamig dito sa sala at
Biglang napadilat si Arielle nang marinig ang malakas na mga katok sa labas ng kanyang silid. Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama para pagbuksan ang taong kung makakatok sa pintuan ay parang may sunog. Sa pagmamadaling mabuksan ang taong nasa labas ay nakaligtaan niyang patungan ng roba ang napakanipis na suot niyang nighties."What's the matter? Bakit ang lakas—" Nabitin sa kanyang lalamunan ang iba pa niyanh sasabihin nang makita niyang si Gun pala ang kumakatok. Bigla niyang naalala ang nangyari last night at hindi niya alam kung paano ito haharapin.Katulad niya ay parang nabigla rin si Gun nang makita siya. Naisip tuloy niya na baka naalala nito ang ginawa nila kagabi. "Ganyan ka ba kapag nagbubukas ng pintuan sa taong kumakatok?" sita sa kanya ni Gun nang makabawi ito sa pagkabigla. Galit na ang nasa mukha nito at wala na ang pagkabigla."What?" Bigla siyang naguluhan. Hindi niya kasi na-gets kung ano ang ibig nitong sabihin."Look at your clothes. Very indecent," mariin
Nakapikit ang mga mata ni Arielle habang nagbibiyahe sila pauwi sa bahay niya. Nakapikit siya ngunit hindi siya tulog kundi nagtutulog-tulugan lamang. Nag-aalala kasi siya na muli siyang tanungin ni Gun kung bakit hindi siya nagising ng maaga kaninang umaga.Buong maghapon ay apat na beses siyang tinanong ni Gun tungkol sa bagay na iyon at apat na beses din niya itong naiwasang sagutin. Hindi niya kung big deal ba sa kanya na sagutin niya ang tanong nito o pinagti-tripan lang siya nito. Baka nag-eenjoy itong makita siyang uncomfortable kapag nababanggit nito ang tanong na iyon.Ang pagpapanggap niyang tulog ay hindi nagtagal nang maramdaman niya ang malakas na pagtama ng kung anong bagay sa likuran ng kotse niya. Kung hindi siya nakasuot ng seatbelt ay tiyak na nasubsob na ang mukha niya sa dashboard ng kotse."Ano iyon?" pabiglang tanong niya kay Gun. Napansin niya na seryoso masyado ang mukha nito at mahigpit ang pagkakahawak ng mga kamay nito sa manibela."Someone deliberately hit