Pagkaalis ni Klaire, mabilis siyang pumara ng taxi sa tabing kalsada para umuwi at nagpadala ng text kay Annie para hindi na siya nito sunduin. Hindi siya mapakali habang nasa daan, at naghuhuramentado pa rin ang kanyang puso hanggang sa makarating siya sa labas ng kanilang villa. Ang animo’y metal na lasa ng dugo sa kanyang bibig ay nagpaalala sa kanyang ng mga nangyari sa loob ng kotse ni Alejandro. That devil… she never thought he’d harbor hatred towards her just because she left him with twenty pesos and a silly note! “Napakawalang hiya ng lalaking ‘yon…” mahina ngunit nag-aaalboroto niyang wika. Pinangako niya sa sarili na iiwasan na niya ang lalaking ‘yon. Kahit ano’ng mangyari ay hindi na niya hahayaan pa na mangyari ulit ang mga nangyari sa banquet ng mga Buenaventura. Paulit-ulit siyang huminga nang malalim habang naglalakad papuntang main door. Sinigurado niyang walang bahid ng kunot ang kaniyang mukha at kalmado ang kaniyang dibdib bago kunin ang susi sa kaniyang purse
Tila ba naestatwa ang kambal sa biglaang pagyakap sa kanila ng kanilang Daddy. They obviously didn’t expect it. Ngunit kahit na ba may inis pa rin silang nararamdaman para sa ama ay hindi nila makakaila na gustung-gusto nilang malambing nito. Clayton and Callie were used to kissing their mom whenever Klaire would hug them.Nag-alangan man ng una ang panganay na si Clayton, sa huli ay tumingkayad ito upang dampian ng halik ang pisngi ng kanilang Daddy.“You don’t have to lie, Dad. It’s a human teeth’s marks.” Tumikhim si Clayton pagkatapos ay kinamot ang kilay. “Good night, Daddy.”Samantala, gulat na gulat si Alejandro sa ginawang ‘yon ng anak na lalaki. Paanong hindi? Ni minsan ay hindi naging gano’n kalambing ang mga kambal sa kaniya. Nico never showed affection towards him.Alam ni Alejandro na may pagkukulang siya sa mga ito. Kaya hindi niya masisi ang mga bata kung malamig ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya.Ngunit may kung ano’ng nagbago simula noong araw na umuwi sila galing a
Hindi maipinta ang mukha ni Klaire sa sinabing ‘yon ng kaniyang dating asawa. May kung ano’ng inis siyang naramdaman dahil halata sa tono nito na para bang hindi ito interesado at mag-aaksaya ng oras para kausapin siya.Tuso ang gawi ng titig sa kaniya ni Alejandro. Tila ba ay naghahanap ito ng gulo.“I’m sorry but our beloved doctor isn’t available at the moment.”“Or maybe you just don’t want me to speak with her?” Alejandro tilted his head.Huminga siya nang malalim at mataman na tinitigan ang lalaki. “You’re mistaken, Mr. Fuentabella. It just so happened that Ma’am Feliz’s business partner isn’t really here. She’s not feeling well.”“Why? Is she sick?” Nag-angat ng kilay si Alejandro.“Apparently, yes.” Nagkibit-balikat si Klaire at mas ginalingan pa ang pag-arte. “And I don’t see any reason para makipag-meeting ka sa kanila, I mean, Bloom Perfume already made a decision when they rejected your company proposal. Mas gusto nilang makipag-collaborate sa kumpanya ng mga Buenaventura.
“Gusto ko siyang pahirapan, Pa.”Ang mga salitang ‘yon ang namutawi sa kaniyang labi. He could still recall how his ex-wife low-key humiliated him at the banquet last night. Matapang na ito, at may pagkabayolente. “Bakit? Hindi ba’t pinahirapan mo na siya noon?”Napalunok siya sa sinabi ng ama. Iniwas niya ang tingin dahilan para marahang matawa ang matanda.“Tinrato mo siyang parang basura. Kaya nga siya nakipaghiwalay sa iyo dahil hindi niya kinaya ang pagpapahirap mo sa kaniya noon.” Naiiling ang matanda at nagpatuloy, “Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yang pagkamuhi mo kay Klaire, hijo. Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang ginawang masama sa iyo.”“It was all your fault,” mariin niyang sabi at saka naiinis na binalingan ng tingin ng ama. “You forced me into that arranged marriage.”“Tsk, tsk, tsk…” Dismayado siyang tiningnan ng ama. “It’s been years, and you still can’t stop blaming me? Ginawa ko lang ang sa tingin kong makakabuti sa inyo ni Klaire. She was the perfect wom
Napatigil sa pagpasok sa elevator si Alejandro at saka sinundan ang tingin ni Luke. Sa kabilang parte ng hallway ay may dalawang bata na nakatalikod. Sa pigura pa lang ay nakilala na niya ang mga ito.His children. Kumunot ang noo niya, lumakad patungo sa dalawang maliliit, at saka inagaw ang atensyon ng dalawa. “Nico, Natasha, what are you doing here? You should be at home and studying. Tumakas na naman ba kayo?”Nakayuko si Nico at taimtim na tinutulungan ang kanyang kapatid na mahanap ang bracelet nang marinig nila ang pamilyar na boses na ‘yon. Agad na nanginig nang husto ang dalawang bata dahil sa takot.Nilingon nilang pareho ang gawi ng boses at nakita ang kanilang Daddy. Nanlaki ang mga mata nila at tila ba hindi makagalaw ang kanilang mga paa. Si Daddy! Bakit siya nandito? Naisip ni Nico.We’re doomed!“D-Daddy…” hindi makapaniwalang sabi ni Nico.Tinitigan ni Alejandro ang dalawang bata na halatang medyo nataranta, at hindi maiwasang magtanong sa malamig na boses, "Tell me
Matapos marinig ito, mukhang nataranta si Callie at kinakabahang nagtanong. "Paano tayo tatakas? Maraming bodyguard sa baba, Kuya..."Tumakbo ang batang babae sa may balcony at sinilip ang ibaba niyon. Ilang matipunong lalaki ang nakatayo sa labas ng mansion. Ang iba ay napansin siya at nag-angat pa ng tingin sa kaniya.“Are you sure we can escape, Kuya?”“Trust me, Callie. Ako ang bahala.”Ang mga mata ni Clayton ay hindi maalis sa computer screen, nakikipagkarera sa oras upang makapasok sa security system ng mansion.Pagkalipas ng ilang minuto…Ang dalawang bata ay palihim na bumaba, tumakbio sa likod-bahay, at saka nagtungo sa isang maliit na butas palabas ng matataas na pader ng mansion.“You go first,” ani Clayton sa kapatid.Napakunot ang noo ni Callie at halatang nandidiri. "Kuya, butas ba ito ng aso?"“It seems so. Huwag ka nang maarte, Callie. Bilisan mo na habang walang guards dito!”Walang nagawa si Callie kundi ang tumango at gumapang palabas ng butas gamit ang kanyang mg
Feliz’s mother’s condition was quite complicated. Bagama't bihasa si Klaire sa larangan ng medisina at surgery ay naging abala pa rin siya sa tambak na mga medikal records na kinailangan niyang busisiin at pag-aralan.Gabi na nang matapos siya sa pag-aaral. Marahan niyang minasahe ang kaniyang balikan at saglit na pinikit ang mga matang medyo nakakaramdam na ng pagkasakit.“Klaire, what do you think? Kaya ba?” nag-aalalang tanong ni Feliz, halata ang pagkabalisa sa tono ng boses nito. Iminulat niya ang mga mata at binalingan ng tingin ang kaibigan.“Yes. I can do it, Fel. 70% ang tiwala ko na magiging maayos ang surgery ni Auntie,” wika niya na may ngiti sa labi.Tila iyon lang din ang hinihintay na marinig ng kaniyang kaibigan. “Really?!”Klaire nodded her head. “70% is much better than 10%.”Pumalakpak sa tuwa si Feliz at niyakap siya. “I know you can help me. You are a miracle doctor. Alam kong makakagawa ka ng paraan pa maging maayos si Mommy.”Bumaling si Feliz sa dalawang bata
“What is happening to my daughter, Doc?” nag-aalalang tanong ni Alejandro sa kanilang family doctor habang sinusuri nito ang anak na si Natasha. His heart could not stop racing. Sobrang nag-aalala siya sa kalagayan ng anak, lalo na at musmos pa ito. Hindi niya rin maiwasang sisihin ang sarili sa pag-iisip na nababayaan niya na ang kambal. Bumaling sa kaniya ang family doctor matapos nitong painumin ng gamot si Natasha. Dahil pagod at antok, ay mabilis ding nakatulog ang bata. “She’s fine, Mr. Fuentabella,” ani doctor. “Natasha is having a fever. Wala naman kahit ano’ng nakakaalarma sa kondisyon niya ngayon. Bababa din ang lagnat niya maya-maya dahil nakainom na siya ng gamot.”“Are you sure? Walang complications or anything?” mariin ang tanong ni Alejandro, naninigurado. He couldn’t risk the life of his precious daughter. “Yes, Mr. Fuentabella. Sa kabutihang palad ay wala namang abnormalities kay Natasha.”Doon lamang nakahinga nang maluwag si Alejandro. Every time Natasha and Ni