Laurence: Callie, you can't do this to me. Hindi ka pwedeng magpakasal sa iba! Laurence: You love me, Callie. I can make this right. I promise I won't hurt you again. Laurence: Kausapin mo ako. Nagmamakaawa ako, Callie. Matagumpay ang ngiti ni Callie habang binabasa ang maraming text messages mula kay Laurence. Galit na galit ito dahil sa pag-aanunsyo nila ni Vincenzo ng kanilang opisyal na engagement, bagay na lubos na kumukontra sa plano ni Laurence nang humarap ito sa media at nagpa-interview. Kung sa tingin nito ay mabibilog pa nito ang ulo niya, pwes nagkakamali ito. She looked at the blue diamond ring on her finger. Para bang ginawa ang singsing na 'yon para lang sa kaniya. Sukat na sukat ito sa daliri niya at nagniningning. Something within her was feeling giddy at the thought that Vincenzo would give her such an expensive ring for their engagement, kahit pa isang plano lamang ito. "Kailan namin makakaharap ang lalaking pakakasalan mo, hija?" kuryosong tanong ng
Halos mahigit isang oras na naghintay si Callie kasama ang pamilya sa sala sa pagbalik ng kaniyang Daddy at ni Vicenzo. Kung anuman ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya ngunit sa bawat minutong nalipas ay lumalakas ang kaba sa dibdib niya. Paano kung talagang hindi siya payagan ng Daddy niya? Hindi pwedeng masira ang plano nila ni Vincenzo at ayaw niya ring patalsikan sa pamilya nito ang musmos na si Sammy. Masyado pang bata ito upang maramdaman ang sakit ng pagkaabandona. "Bakit ang tagal nila sa loob? Ano ba si Daddy, nagho-homily ba siya sa study kasama ang fiancé ko?" medyo inis niyang wika habang pabalik-balik ang lakad sa sala at sa pinto ng study. Natawa naman sina Clayton at Nico na ngayo'y nasa balcony at parehong umiinom ng whiskey. "Fiancé? Feel na feel?" pilyong biro ni Clayton at nakipag-first bump kay Nico. Inirapan niya ang dalawang lalaki at saka lumapit muli sa pinto ng study. Dinikit niya ang tainga sa pinto ngunit wala talaga siyang marinig dahil p
“Let's get out of here,” nanginginig na sabi ni Callie at humiwalay kay Vincenzo na kuryosong nakatingin sa kaniya. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang basang pisngi. Kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto mula sa kanilang likuran. Alam niyang walang iba kung hindi si Julia ang lumabas ng boutique. Rinig niya ang malalim nitong paghinga marahil ay sa matinding galit. Hindi nilingon ni Callie ang babae bagkus ay nakaharap lamang siya kay Vincenzo na ngayo’y naintindihan na ang sitwasyon. “I‘ll tell Laurence about what you did, you jealous b!tch! Gawin mo ulit ito sa akin at sa pulisya tayo magtutuos!” banta ni Julia bago magmartsa paalis ng lugar na ’yon. Nang tuluyang umandar ang kotse ng babae paalis ay napalunok nang malalim si Callie. Mabigat ang paghinga niya dahil sa pagpipigil ng galit... Galit siya kay Julia ngunit mas galit siya sa sarili niya dahil nagpaapekto siya sa mga salita nito. Hindi niya matanggap na lahat ng sinabi nito ay may bahid ng katotohanan. “A
Araw ng Sabado, Abala ang buong pamilya Fuentabella sa araw ng kasal ni Callie. Magaganda ang dekorasyon sa tanyag na simbahan na paggaganapan ng seremoniya, at inimbitahan ang mga bigating personalidad, maging ang nangungunang media upang isa-telebisyon ang kasal. The Fuentabella and Consunji family were so hands on with everything. Wala nang iba pang gagawin si Callie kung hindi ang maghanda, at magmartsa sa simbahan. Callie was in her suite, looking very fresh and happy in her preparation robe. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Magpapakasal na sila ni Vincenzo at isakakatuparan ang mga plano nila. She couldn’t wait to strike back. Alam niyang makararating kay Laurence ang araw na ito at sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Pagkatapos make up-an at ayusin ang buhok niya ay pinalabas niya na ang mga stylist na naroon. Pinagmasdan niya ang magarbong wedding gown na nakasuot sa mannequin. Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan kung gaano ito kaganda. It was a design s
Sa simbahan, Hindi mapakali ang pamilya Fuentabella maging ang mga taong naroon. Paano ba naman ay hindi pa dumadating ang bridal car na siyang maghahatid kay Callie sa lugar. Maging ang mga bisitang naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nito kay Vincenzo Pierre Consunji ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Sa gilid ng altar ay nakatayo si Vincenzo. Bahagyang kunot ang noo habang iniisip na baka nagbago na ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Sa gilid niya ay nakatindig ang amang si Manuel na iiling-iling bago sinabing, “That woman was brazen to lecture me days ago. Hindi naman pala desidido na magpakasal sa iyo.” Kinuyom ni Vincenzo ang kaniyang kamao. Bahagyang nagtagis ang kaniyang bagang sa pag-iisip na hindi na sisipot pa si Callie. His gaze went to Sammy’s direction—the flower girl of their small entourage. Kung hindi magpapakasal sa kaniya si Callie ay talagang mawawala sa kaniya ang batang dugo't laman ng yumao niyang kapatid. Dahil sa pag-iisip na ’yon ay na
Halos manakit ang bibig ni Callie sa walang tigil na kangingiti nang matamis sa harap ng mga media na dumalo sa wedding reception ng kasal nila ni Vincenzo. She wanted the whole nation to know that she was happy to have the most expensive wedding in the country. Alam niyang lalabas ang mga kaganapan ng kanilang kasal sa internet at mga dyaryo kaya kahit na may kabang nararamdaman sa pagbabago ng timpla sa kaniya ni Vincenzo ay pinilit niyang magmukhang pinakamasayang asawa. Halos tatlong oras din ang tinakbo ng wedding reception at pagkatapos niyon ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga kilalang bisita.Huminga siya nang malalim at sinabayan si Vincenzo sa paglalakad palapit sa pamilya Fuentabella. Tumikhim ang kaniyang Daddy, tiningnan siya at saka seryosong bumaling sa kaniyang asawa. Asawa…. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinasal siya sa ikalawang pagkakataon.Tiningnan niya ang asawang si Vincenzo na may maliit na ngiting ginawad sa kaniyang Daddy Alejandro.“I won’t ask for a
“Anak ka pala ng isang mayamang pamilya!” gulat na pahayag ng kaibigang si Monique nang muli siyang pumasok sa Consunji Mall. “Grabe ang ganda-ganda mo sa TV, Callie. Para kang reyna ng boss natin sa kasal niyo!”Sa pagpasok pa lang kaninang umaga sa Mall ay marami ng empleyado ang gulat at masayang makita siya. Hindi na nagtataka pa si Callie lalo na’t naging headline sa balita ang nangyaring kasalan nila ni Vincenzo. Alam na rin niyang sa pagkakataong ‘yon ay hindi na niya maitatago pa ang totoong identidad sa mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na kay Monique na kaibigan niya. Matipid na nginitian ni Callie ang kaibigan. “Nagulat ka ba? Pasensya ka na kung naglihim ako ha.” Mabilis na tumango si Monique, ang mga mata ay puno ng tuwa. “Malamang, magugulat talaga ako! Kunwari ka pang hindi kilala ng boss natin, ‘yon pala ay mapapangasawa mo na.” Tumawa ito. “Speechless nga rin iyong supervisor natin saka iyong mga alipores niyang may inis sa iyo. Malamang ay nagngingitngit na
HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal