Kaagad na tumayo si Apollo at lumapit kay Liven. Binuhat niya ito at niyakap ng mahigpit at inilayo mula sa gulo ng nursery room. Talagang natauhan siya sa kaniyang ginawa, at natakot siyang masaksihan ng kaniyang anak ang pagkawala niya sa sarili. Ayaw niyang ma-trauma ito at kamuhian siya.Mabilis naman na tiningnan ni Atlas ang pulso si Athena. Naginhawaan naman sa paghinga si Atlas nang maramdaman na humihinga pa ito. Athena is a psycho bitch pero hindi dapat ito mamatay sa ganitong paraan. Hindi dapat sila ang babawi sa buhay at magpapahirap dito nito kundi ang batas at ang Diyos.Dumating naman ang mga pulis pati na ang ambulansya. Kaagad nilang inaresto ang dalawa at dinala muna sa hospital. Vito is now 50/50. Talagang ito ang sumalo ng galit ni Apollo. Hindi nila tiyak kung mabubuhay pa ito.Kasalukuyan silang nasa library room upang hindi na masaksihan pa ng kambal ang mga nangyayari sa labas. Hindi lang talaga na control ni Apollo ang kaniyang emosyon. Kahit sino naman ay hi
Nang matapos mag-usap si Apollo at ang kaniyang ama ay kapwa silang nagkasundo at nagkaayos. Ipinakuha niya kay Epifanio lahat ng impormasyon patungkol kay Athena. Ang lahat ng mga illegal nitong ginawa pati na ang pagpatay sa iba pa nitong nabiktima, simula noong college up to now, kabilang ang babaeng kinuha nilang magpanggap ni Epifanio noon.Halos ilang oras nilang pinagsama-sama lahat ng solid evidence hanggang sa hindi na niya namalayan pa na nakatulog na siya. Nagising na lamang siya nang biglang may kumatok sa library room. Mabilis siyang tumayo at kaagad na nagtungo sa pintuan at binuksan ito.Naroon si Liven at Lexus habang may dalang cookies and coffee. Napatingin tuloy siya sa kaniyang wrist watch. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita na halos pasado alas nuebe na ng umaga.“Let's go breakfast, Daddy. Pupunta po tayo ngayon kay Mommy. Daddy Lolo called and he said he wants us there!” masiglang sambit ni Liven.Apollo got the cookies and coffee. After that ay dali-da
Apollo's POVNang magtama ang mga mata namin ni Melody ay ngumiti ito. Ngunit bakas sa mukha nito ang pagod at may sakit na nararamdaman. Unti-unti na namang nanubig ang aking mga mata. Wala na nga siguro itong katapusan.Hindi naman siguro masamang umiyak hindi ba? She's in pain, and I am too. Magkarugtong na ang nararamdaman naming dalawa. Ngunit ngayon na gising na siya ay para bang pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan. At lihim akong nagpapasalamat sa Diyos sa aking isipan.Talagang dininig ng Diyos ang panalangin ko. Hindi man ako ang isa sa mga anak niya na sobrang buti, but still He grant ny prayers. Siguro alam niya rin naman kasi na puros sakit at pagdurusa na lang ang dinaranas namin, this time baka pahintulutan na Niya kaming maging masaya.Mapapa-than you, Lord ka na lang talaga!Yumakap naman si Melody sa kaniyang ama at hindi na napigilan ng mga ito ang maiyak. Ngayon ko napatunayan na hindi takot o galit ang nararamdaman ko. Maybe at first, but hav
Halos nanginginig si Melody dahil sa kakaibang kaba na kaniyang nararamdaman. Ito ang unang beses na natakot siya sa kung ano man ang sasabihin ni Apollo. Natatakot siyang baka alam na nito ang totoo patungkol sa kung sino ang tunay na ama ng kambal.Lama naman niyang darating talaga sa puntong kailangan na niyang aminin ang lahat. Pero hindi niya inaasahang ngayong araw na ito magaganap. Ang sabi ng doctor ay bawal muna siyang ma-stress but she can't herself to listen. May kung ano na nagsasabi sa kaniyang isip at puso na pakinggan ang sasabihin ni Apollo.It wasn't harmful. Iyon ang sa tingin niya. Makikinig lang siya at sisiguraduhin niyang hindi maaapektuhan ang kaniyang emosyon. Apollo will also knows na bawal din naman sa kaniya ang ma stress and she trusted him.“I promise, makiking ako.” buong tapang niyang tugon mula kay Apollo.Dahil malaki naman ang hospital bed ni Apollo ay humiga rin si Apollo sa kaniyang tabi at niyakap siya nito habang sa díbdib siya ni Apollo nakahiga.
Melody’s POVDalawang linggo na ang nakalipas bago ako makalabas ng hospital. Parang sariwang-sariwa pa sa aking alaala ang lahat ng nangyari. Lahat ay fresh na fresh sa isipan ko na kapag naaalala ko ay awtomatik na napapangiti ako.Nangako sa akin si Apollo na never na siyang maglilihim pa mula sa akin. Grabe, hindi ko lang talaga inakala na alam na ng kambal pati ni Daddy ang katotohanan. Wala akong naging ideya sa kung paano ipinaalam sa kanila ni Apollo, pero ang kambal sila mismo ang nakaalam base sa DNA test. Talagang matalino ang kambal.Wala na rin naman si Athena na siyang mangugulo sa kanila. Nakakulong ito, ganoon din si Vito na siyang kasabwat nito sa lahat ng kasamaan niya. Hindi makapaniwala si Melody sa lahat ng kasong isinampa kay Athena. Hindi niya mawari na ganito pala ito talaga kasama. Kahit sa ibang tao ay nagagawa nitong magibg masama kahit walang kinlaman sa personal niyang buhay.“Grabe talaga Miss Melody ang loves story niyo ni Sir Apollo!” kinikilig na sambi
“Hoy! Gumising ka na diyan! Gusto namin makarinig ng balita!” malakas na sigaw ng isang babaeng halos nasa kuwarenta na ang edad.Marami itong tattoo sa katawan. Malaki at malakas pa ito sa kalabaw kaya kinatatakutan din ng iilang preso. Ito si Grasya, ang kanang kamay ni Madame Bolta.“Ano ba?! Sinabing tumayo ka na, eh!” sigaw muli ni Grasya.Hindi magawang makagalaw ni Athena dahil sa sakit na nararamdaman ng kaniyang buong katawan. Simula nang makulong si Athena ay walang araw na hindi siya kinawawa ng mga kasama niyang preso. Nariyan ang pasasayawin siya, pakakantahin, gagawing news TV anchor, at kung minsan ay comedian.Wala siyang magawa dahil dito sa loob ng kulungan ay wala siyang kapangyarihan. Walang tutulong sa kaniya. Wala ang kaniyang yaman. Sa bawat araw na lumilipas ay palala ng palala ang buhay niya rito. At imbes na pagsisihan niya lahat ng kaniyang kasalanan ay sinisisi niya si Melody at Apollo sa nangyayari sa buhay niya ngayon.Dahan-dahang tumayo si Athena kahit
Abala ang lahat sa bawat nakatokang gagawin. Ngayon araw kasi ay gagawin ang farewell party ni Atlas. Mauuna itong umalis dahil magpapari bago ang kasal nila Apollo at Melody.“Kailangan ba talagang naroon tayo?” reklamo ni Apollo habang nakahiga pa rin sa higaan.Kaagad na tiningnan siya ni Melody ng masama. Ang lalaking ito ay hindi na talaga nagbago. Pagdating kay Atlas ay lagi niya itong iniinis or sinusungitan. Hindi niya malaman kung sinasadya ba o nang iinis lamang din sa kaniya.“Oo, kailangan ay naroon tayo, hindi tayo puwedeng mawala doon. At saka saglit na saglit lang naman 'yon!” inis na sambit ni Melody.Kasalukuyan siyang naghahanap ng misusuot. Gusti niya itong kahit tumaba at lumubo na ang kaniyang tiyan ay sexy pa rin siyang tingnan. Tipong mapapalingon pa rin sa kaniya si Apollo.“Can't we just sleep here. Magkatabi tayo, magdamag at magpapainit…” tumataas pa ang dalawang kilay nito na tila ba nagpapahiwatig.Mabilis naman na nag-init ang pisngi ni Melody at binato n
Nautusan si Atlas na magpunta sa bahay ni Epifanio para kuhaain ang gitara. Ewan niya ba kung bakita siya pa ang kailangan na magpunta. Samantalang puwede naman na siya na lang.Pero since malapit lang naman ito sa mansion at hindi naman kalayuan, at isa pa huli na rin naman na ito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Masyadong marami na rin silang ginawa kanina para sa kaniyang party.Pagpasok niya pa lamang sa pintuan ay biglang namatay ang ilaw sa buong bahay. Pilit niyang kinakapa ang switch sa gilid ng pader. Ngunit wala siyang mahawakan. Bigla na lang din lumiwanag ngunit disco lights ang sumalubong sa kaniya at mga hubad na babae ang siyang sumasabay sa indayog at lakas ng musika. Kaagad siyang napapikit at napadasal. Grabe namang pagsubok 'to, Lord. Ito na ba ang pagsubok bago ako magpari? Pinagpapawisan ako akmang lalabas na ng bahay ni Epifanio nang biglang may humawak sa balikan kong dalawang babae.Lalo akong nanigas sa aking kinatatayuan. Knowing na hubo't hubad sila at isang d