“Hoy! Gumising ka na diyan! Gusto namin makarinig ng balita!” malakas na sigaw ng isang babaeng halos nasa kuwarenta na ang edad.Marami itong tattoo sa katawan. Malaki at malakas pa ito sa kalabaw kaya kinatatakutan din ng iilang preso. Ito si Grasya, ang kanang kamay ni Madame Bolta.“Ano ba?! Sinabing tumayo ka na, eh!” sigaw muli ni Grasya.Hindi magawang makagalaw ni Athena dahil sa sakit na nararamdaman ng kaniyang buong katawan. Simula nang makulong si Athena ay walang araw na hindi siya kinawawa ng mga kasama niyang preso. Nariyan ang pasasayawin siya, pakakantahin, gagawing news TV anchor, at kung minsan ay comedian.Wala siyang magawa dahil dito sa loob ng kulungan ay wala siyang kapangyarihan. Walang tutulong sa kaniya. Wala ang kaniyang yaman. Sa bawat araw na lumilipas ay palala ng palala ang buhay niya rito. At imbes na pagsisihan niya lahat ng kaniyang kasalanan ay sinisisi niya si Melody at Apollo sa nangyayari sa buhay niya ngayon.Dahan-dahang tumayo si Athena kahit
Abala ang lahat sa bawat nakatokang gagawin. Ngayon araw kasi ay gagawin ang farewell party ni Atlas. Mauuna itong umalis dahil magpapari bago ang kasal nila Apollo at Melody.“Kailangan ba talagang naroon tayo?” reklamo ni Apollo habang nakahiga pa rin sa higaan.Kaagad na tiningnan siya ni Melody ng masama. Ang lalaking ito ay hindi na talaga nagbago. Pagdating kay Atlas ay lagi niya itong iniinis or sinusungitan. Hindi niya malaman kung sinasadya ba o nang iinis lamang din sa kaniya.“Oo, kailangan ay naroon tayo, hindi tayo puwedeng mawala doon. At saka saglit na saglit lang naman 'yon!” inis na sambit ni Melody.Kasalukuyan siyang naghahanap ng misusuot. Gusti niya itong kahit tumaba at lumubo na ang kaniyang tiyan ay sexy pa rin siyang tingnan. Tipong mapapalingon pa rin sa kaniya si Apollo.“Can't we just sleep here. Magkatabi tayo, magdamag at magpapainit…” tumataas pa ang dalawang kilay nito na tila ba nagpapahiwatig.Mabilis naman na nag-init ang pisngi ni Melody at binato n
Nautusan si Atlas na magpunta sa bahay ni Epifanio para kuhaain ang gitara. Ewan niya ba kung bakita siya pa ang kailangan na magpunta. Samantalang puwede naman na siya na lang.Pero since malapit lang naman ito sa mansion at hindi naman kalayuan, at isa pa huli na rin naman na ito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Masyadong marami na rin silang ginawa kanina para sa kaniyang party.Pagpasok niya pa lamang sa pintuan ay biglang namatay ang ilaw sa buong bahay. Pilit niyang kinakapa ang switch sa gilid ng pader. Ngunit wala siyang mahawakan. Bigla na lang din lumiwanag ngunit disco lights ang sumalubong sa kaniya at mga hubad na babae ang siyang sumasabay sa indayog at lakas ng musika. Kaagad siyang napapikit at napadasal. Grabe namang pagsubok 'to, Lord. Ito na ba ang pagsubok bago ako magpari? Pinagpapawisan ako akmang lalabas na ng bahay ni Epifanio nang biglang may humawak sa balikan kong dalawang babae.Lalo akong nanigas sa aking kinatatayuan. Knowing na hubo't hubad sila at isang d
Apollo’s POV“Nabalitaan mo na ba ang nangyari?” tila nababahalang tanong sa akin ni Melody.Sandali akong tumingin sa kaniya saka napakunot ng noo. Narito kami sa kuwarto habang ako ay nakahiga at nakasandal sa headboard ng kama. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro. Since, sunday ngayon ay mas pinili ko na lamang magpahinga. Pagod din kasi ako simula kagabi hanggang sa matapos ang party para kay Atlas.“Nabalitaan ang alin?” naguguluhan kong tanong.“Si Atlas daw, hindi na aalis!”Lihim akong napangisi sa aking narinig. That fucker cannot resist that temptation. He's just a man after all, but the path he wants to choose is not for him, because if it is ehdi sana hindi siya natukso.“Then let him stay. Ayaw mo bang narito si Atlas? Makikita mo na siya araw-araw, magkakasama kayo araw-araw—”Bigla akong hinampas ni Melody sa braso dahilan kaya napatigil ako sa pagsasalita at hinimas ang aking braso. Ito talagang buntis na 'to ay talagang masakit mang hampas. Kung hindi lang ito buntis
Tanny’s Point Of View.“H–Huwag ang anak ko… M–Maawa ka…” naluluha kong sambit habang hawak ni Athena ang aking buhok na para bang nakasabunot ito sa akin.“Akala mo siguro ay malaya ka na ’no?” nakangising tanong nito.Napasulyap ako sa anak ko na mahimbing na natutulog sa kama. Narito kami sa isang abandonadong bahay. Dito ako dinala ng kaniyang mga tauhan nang dukutin ako nito sa condo unit na ibinigay sa akin ni Apollo. Dito na rin ako nanganak. Hindi ko maiwasan na hindi matakot dahil kay Athena. Kaya ang sabi ko noon ay parang pamilyar siya sa akin dahil siya ang babaeng sinusunod ni Chavez— mga hangal ang kanilang kaluluwa.“Mahal mo ba ang baby mo?” tila nang-iinis pa na tanong ni Athena na siyang ikinatango ko lamang habang himihikbi.“Then sundin mo ang ipinag-uutos ko! Gagamitin pa kita para patayin sila!”At basta na lamang ako nitong binitawan kaya napasalampak ako nang tuluyan sa sahig. Pagapang akong naglakad patungo sa kama ngunit hindi pa man ako nakakalapit nang bigla
Melody’s Point Of View.Ngayong araw ang itinakda para sa aming wedding ni Apollo. Kahit malakinna ang tiyan ko ay hindi pa rin natinag si Apollo para hindi ituloy ngayon dahil ayaw niyang kasabay niyang ikakasal si Alas. Loko-loko talaga ang lalaking iyon.Habang nakatingin ako sa malaking salamin ay hindi mawala sa akin ang malawak na ngiti sa aking labi. Himas-himas ko ang aking tiyan dahil kitang-kita na rin ang aking baby bump. Ako na lang ang narito sa dress making room, at nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at naroon si Apollo. “What are you doing here?” kunot noo kong tanong.“You’re so gorgeous, love.” he said instead, answering my question. I saw his mesmerizing eyes while looking at me. Lumapit siya sa akin at kaagad hinapit ang aking beywang.“Bawal ka rito, love! Bawal pa tayong magkita!” natatawa kong saad ngunit nananatili itong nakatitig sa aking mga mata.“Eh, gano’n din naman. Magkikita pa rin tayo. Ikakasal pa rin naman tayo. I just want to check something
“Can you fvcking shut up? Hindi ako makapag-focus na pigilan ang luha ko!” inis na bulong ni Apollo.“Bakit ba kasi hindi ka nagdala ng tissue? Alam mo naman na iyakin ka.” natatawang bulong naman ni Epifanio.Bumalik ang atensyon ni Apollo kay Melody nang magpatuloy itong muling maglakad papalapit sa kaniya. Walang mapaglagyan ang saya sa kaniyang puso. At sinong hindi maiiyak kung ganito kaganda ang kaniyang mapapang-asawa?Nangako siya na kahit anong mangyari ay ibibigay niya kay Melody lahat ng pangarap nito. Walang perpektong relasyon, pero kilala niya ang kaniyang sarili at hinding-hindi siya gagawa pa ng ikakasakit ni Melody.Sa isip ni Apollo ay taimtim siyang nagpapasalamat at nagdarasal.“She is absolutely gorgeous. Thank you, God. Thank You, for giving me her as my wife. As we bow to You right now, kasabay nito ang pagbibigay namin sa Iyo ng kung anong nais mo sa amin. I do not deserve her, but yet you gave her to me. And I am forever grateful, God.”Dumating sa kanilang ha
Melody’s Point Of View.“Kailangan nating bantayan mabuti ang babaeng 'to.”“Oo dahil malaking pera ang makukuha natin dito. Sayang at mukhang masarap din sana itong tikman.”“Oo nga, maputi at makinis pa. At isa pa, hindi pa rin naman ako nakakatikim ng buntis. Kung papalarin sana ay ngayon pa lang.”Nagising ako dahil sa makalas na tawanan. Halos sa aking mga mata ay nanlalabo pa ang aking paningin at tila umiikot pa rin ang paligid ko. Pinilit ko munang pakalmahin ang aking sarili bago muling dumilat.Naaninagan ko ang iilang liawanag lamang ngunit mas nananaig ang kadiliman. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng amoy ang aking naaamoy— masangsang at mabaho. Nang ipalibot ko ang aking paningin ay doon ko napagtanto na nasa isang abandonadong bahay ako.Puno ng alikabok ang lugar na ito. Pinilit kong gumalaw pero kaagad ko rin na naramdaman na nakatali ang aking dalawang kamay at ganoon din ang aking mga paa. Nagsimula akong matakot at kabahan lalo na nang biglang bumukas ang isa