Habang nagtatawanan naman sila Melody at Hope ay nag-aasaran naman ang dalawa sa labas.“Talagang sinulit mo ang one hour and thirty minutes, huh?” nakangising salubong ni Apollo kay Epifanio habang nagbubutones ito ng polo shirt.“Huwag ka ngang maingay diyan, baka mamaya marinig ka ni Grace, mahiya pa ʼyon at hindi na sumama pa sa ʼkin ulit.”“Alright, gusto ko lang malaman mo na kahit ikaw at si Hope ang kasama niya ay palihim pa rin akong susunod sa inyo.”Nagtaka naman si Epifanio. “Check up niya today right? So hindi niya pa rin sinasabi sa ʼyo ang tungkol sa pagbubuntis niya?”Napailing si Apollo saka napabuntong hininga. “Hind pa nga, eh. But still I understand her lalo pa at hindi biro ang pinagdaanan niya noon.”“Letʼs go na! Doktora Izzy is calling!”Kapwa napatingin si Apollo at Epifanio sa gawi ni Melody na kasalukyang nakadungaw sa bintana. Ngumiti naman si Apollo at tinanguan na si Epifanio. Nang tumingin siya sa parking lot ay nakahanda na doon ang motorcycle ni Atlas.
Hello, lalabs! ^.^Pasensya na po sa sobrang tagal na update! Mayroon lamang pangyayari sa buhay ko na kinailangan ko munang harapin. Unang-una ay nagpapasalamat po ako sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa ng story ni Apollo at Melody. Lahat ng inyong komento, pagbibigay ng diamonds, pag-top up, panunuod ng ads, at pag-claim ng rewards para makapagbasa ay sobrang na-appreciate ko at walang hanggang pasasalamat para sa inyo!May mga character name akong nakalimutan at naipagpalit, gaya ng kay Hope at Grace HAHAHAHAHA as in nalito talaga ako! Bale lilinawin ko na po, si Grace ay para kay Epifanio, at si Hope naman ay para kay Luhan. I am very sorry kung may nalilito at naguguluhan, pasensya rin if maraming typos, and wrong grammar! >.ʼn po ang way pa
“Mayroon ka bang kausap?” tanong ni Melody kay Epifanio dahil bago siya sumakay sa van ay nakita niyang tila nagsasalita ito mula sa labas ng driver seat.“Ha? W–Wala, mayroon lang pulubing nanghingi ng barya.” pagdadahilan ni Epifanio at patay malisayang sumakay muli sa van. “Saan tayo sunod na pupunta?” tanong ni Epifanio.“Sa Star Mall, kailangan kong mamili ng mga bagong gamit, eh.” tugon naman ni Melody.Hindi na nagsalita pa si Epifanio at nag-drive na lamang patungo sa mall. Iniisip na lang niya na sana ay makaligo si Apollo bago ito magtungo sa mall, dahil kung hindi ay natitiyak niyang agaw atensyon ito sa mga tao. Grabe na talaga ang nangyayari sa kaibigan niyang iyon. Halos lahat yata ng kamalasan ngayong buwan ay sinalo na nito.Muli naman ay nakatanggap ng text message si Melody. Ang akala niya ay galing ito kay Apollo ngunit kaagad na napakunot nok siya nang makitang galing ito sa unregistered number. Nang buksan niya ang laman ng text message ay lalo siyang naguluhan.“
Hindi naman na nakabalik pa si Epifanio sa Korean Restaurant kung saan naroon si Melodya at Grace. Sumama raw ang sikmura nito, dahil marahil ay nanibago sa timplan ng korean food. Nagpadala na lamang ito ng ilang tauhan na siyang gagabay at magbibitbit ng bibilihin nila Melody.Habang namimili ng mga damit at dress si Melody ay hindi niya maialis sa kaniyang isipan na tila ba may nakatingin sa kaniya at nagmamatyag. Malakas ang pakiramdam niya sa tuwing mga taong nakatitig sa kaniya, ngunit sa dami ng tao sa loob ng mall ay hindi niya alam kung makikita niya kung nasaan ito. Hindi naman big deal sa kaniya kung may nakatingin, ngunit ang ikinababahala niya ay tila binabatantayan siya sa bawat pagkilos niya.Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa mga taong abot ng kaniyang paningin ngunit hindi naman nasa kaniya ang paningin o atensyon ng mga ito. Kung sino man ang taong nagmamatyag sa kaniya ngayon at pinapanuod ang bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat ng awra nito. Is this someon
Nang matapos mailagay sa kaniya-kaniyang paper bag ang mga naipamili nila Melody ay kaagad naman itong binitbit ng mga tauhan na kasama nila. Naayos naman din niya ang issue sa mga sales lady, maliban nga lang sa manager dahil makailang ulit man itong mag-sorry, hindi pa rin maganda na sariling tauhan nito ang ibato kahit pa siya dapat ang makausap niya. She hates that, at isa pa ito rin dapat ang magiging hubog at magdidisplina ng mga sales lady ngunit mas ito pa ang sablay ang ugali.Napatingin naman si Melody sa kaniyang cellphone nang marinig niya itong mag-ring. Ang akala niya ay si Apollo ang tumatawag, pero kaagad na nagkunot ang noo niya nang makitang unregistered number ito. At tila ba pamilyar sa kaniya ang number.“Ate Melody, saan na po tayo sunod na pupunta?” tanong ni Grace habang nakatingin kay Melody. Nang hindi ito sumagot ay bahagya itong lumapit at dumungaw din sa cellphone nito. “Sino po ’yan, Ate Melody? Bakit ayaw mo pong sagutin?”Doon lamang napansin ni Melody
Nang makarating sila ay kotse ay pilit na ikinakalma ni Melody ang kaniyang sarili. Kitang-kita niya kasi sa mga mata ng mga bata na napupuno ito ng takot. Kailangan niyang magpanggap na walang nangyaring hindi maganda.Napatingin naman siyang bigla kay Apollo nang kuhain nito ang sariling cellphone at tila may tinatawagan. Kaagad niyang hinawakan ang braso nito, at napatingin naman ito sa kaniya. Sumilip siya sa kanilang likuran at doon lamang din na-realize ni Apollo na naroon nga pala ang mga bata.Hindi niya kasi talaga mapigil ang galit na nararamdaman. Binastos ng pulis na ’yon ang kaniyang asawa. Kilala niya si Chavez, dahil isa ito sa tauhan ng kaniyang ama noong paimbestigahan ang kaso ng aksidente ng kaniyang yumaong ina.“W–What happened, Mom, Dad?” tanong ni Liven.Mabilis na ibinaba ni Apollo ang kaniyang cellphone. “Ah, some bad people hurt your Mom. Ayaw natin siyang inaaway or sinasaktan ’di ba? I’m just protecting her, sorry for what you saw.” mahinahon na paliwanag n
“One of my men contacted me, Apollo. What have you done?” iyon kaagad ang ibinungad ng Daddy ni Apollo. Bakas sa awra nito ang pagkaseryoso at tila may galit na nararamdaman.Dahan-dahan itong naglakad papasok sa library room. Ramdam kaagad ni Epifanio ang tensyon sa mag-ama. Napasuot kasi ang kamay ni Apollo sa bulsa nito at bakas din ang galit at inis— na marahil ay pilit itinatago nito.“Nagsumbong kaagad kahit wala pa akong ginagawa? Tsk.” sambit naman ni Apollo. “Saka na dapat siya magsumbong kapag ipinapatrabaho ko na siya sa tauhan ko.”“Chavez is not just a people of mine, Apollo! Alam mo ’yan!”“Yes, I know. He is your right dog, your friend and so called family. Pero wala akong pakialam sa kaniya. Hindi ko siya kaano-ano, at hindi ko siya kilala! Binastos niya ang asawa ko, Dad! Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko ang ginawa niyang ’yon?!” napalakas na rin ang boses ni Apollo.“K–Kumalma muna kayong dalawa, Tito Arthur, Apollo.” pagpapagitna ni Epifanio habang siya ay pinagp
Matapos iligtas si Tanny ng naka-mask na lalaki ay dinala siya nito sa hospital. Buong gabi siyang tiningnan at nagpahinga. Siya na rin ang nagpumilit pa na lumabas kahit alam niyang wala siyang pupuntahan.Nagulat na lamang siya nang makita si Apollo na naghihintay sa labas ng kaniyang hospital room. Nakakaramdam siya ng takot at kaba, dahil sa ginawa niyang kasamaan noon. Hindi niya alam kung ano ang tunay na pakay nito, ngunit nang sabihin nito na dahil kay Melody kaya siya niligtas ay bigla na lamang siyang napaluha at lumuhod sa harap nito saka nanghingi ng kapatawaran. Napabalik sa kasalukuyan si Tanny nang hawakan ni Melody ang kaniyang kamay.“H–Halika na, kumain na tayo.” pag-aya nito sa kaniya.Habang papalapit sa hapag-kainan ay nakaramdam siya ng hiya at takot nang makita naman niya si Athena. Hindi niya malaman kung pamilyar ba ang taong ito sa kaniya. Para bang nakita na niya ito noon, hindi lang niya matiyak kung saan at kung kailan.Ang dalawa namang kambal nang makit
Melody's Point Of View.“You may now kiss the bride!” Sigaw ng pari.This is the 10th time na ikinasal kami ni Apollo. Kasalukuyan kaming nasa Maldives kasama ang aming mga anak at nga kaibigan.“I love you, love. Kahit ilang beses pa kitang pakasalan ay gagawin ko, para lang mapasaya kita.” Sambit ni Apollo saka ginawaran ng halik ang aking labi.Nakangiti kong tinanggap ang halik ni Apollo. Pagkatapos ay nagsigawan ang aming mga anak at mga kaibigan daka nagpalakpakan. Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mata.Kahit maedad na kami ay hindi pa rin nawawala ang sweetness namin sa isa't-isa ni Apollo. Parang kahapon lang nang magkakilala kami, at ngayon ay habang buhay ng magkasama at magkatuwang sa buhay.Minsan dumarating sa puntong araw-araw akong nagbabalik tanaw sa mga alaala at mga pinagdaanan namin bilang isang pamilya. Hindi ko inaakalang darating pa kami sa puntong ngayon na magkasama kaming dalawa kasama ang aming mga anak.Ikinasal na rin si Atlas, Epifanio, at Luhan. Si
“W–Wala na siya, Melody. Hindi niya kinaya. Wala na ang kaibigan namin…” umiiyak na sambit ni Epifanio nang makapasok ako sa kuwarto kung saan naroon si Apollo.Nakahiga ito at natatakpan na ng puting kumot ang kaniyang mukha. Dahan-dahan akong lumapit dito habang sapo ko ang aking dibdíb at umiiyak.“H–Hindi… Hindi siya puwedeng mawala…” umiiyak kong sambit habang nakatitig sa kumot na nagtatakip sa kaniya.Hindi ko akalaing ito ang magiging wakas naming dalawa. Paano na ako? Paano na ang mga anak namin?“L–Love, bumangon ka na riyan. Mahal na mahal kita. Please, huwag mo naman akong iwan. Hindi ko kaya…”Hinawakan ko ang kaniyang braso, dahil hindi ko kayang makita ang kaniyang mukha na wala ng buhay. Pakiramdam ko ay tuluyan akong mawawalan nang malay kapag nakita ko siya sa sitwasyon na hindi na siya babalik pa. Hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang braso habang umiiyak ako.“Aray! Fvck!”Nagulat na lamang ako nang bigla itong sumigaw. Dali-dali akong napatayo dahil sa takot.“S–S
Pagkatama nang bala ng baril sa díbdib ni Apollo ay kaagad siyang tumumba. Nakatingin siya sa kalangitan habang naririnig ang matinis na tunog. Halos mapaubo siya dahil sa sakit sa kaniyang díbdib.Habang si Athena naman ay nasa lapag na rin dahil binaril ng pulis ang taling nagsasakal sa kaniyang leeg. Umuubo rin ito habang nahihirapang huminga. Bahagya pa itong sumilip kay Apollo at nalaglag ang kaniyang luha. “Patay na rin dapat ako…” bulong niya. “Hindi dapat si Apollo lang… magkasama dapat kami… ‘till death do us part…”Mabilis naman na nilapitan ni Epifanio si Apollo.“Hoy! Siraulo ka hindi ka puwedeng mamatay!” umiiyak na sigaw ni Epifanio. “Mawawalan ako ng malaking pera!” dagdag pa nito.Para namang nainis si Apollo sa kaniyang narinig kaya bigla siyang umupo at binatukan ito.“Ang akala ko pa naman ay natatakot kang mawala ako dahil kaibigan mo ako! Iyon pala ay pera lang din ang inisiip mo!” singhal ni Apollo kay Epifanio.“Bu–Buhay ka pa?!” gulat na tanong ni Epifanio. “Sa
“Akala yata ng mga hayop na 'yon ay mahuhuli nila ako!” sigaw ni Athena at sinundan pa iyon ng malakas na tawa. “Sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ngayon ni Melody. Susunod-sunurin ko na silang patayin at madali na lang 'yon gawin!”Napakunot naman ng noo si Athena nang mapansin na masyadong marami ang mga tauhan niya na nakasakay sa helicopter.“Hindi ba't sinabi kong dalawa lang ang susundo sa akin? Eh, bakit apat kayong naririto?” kunot noo niyang tanong.Nagtinginan ang tatlong lalaki bago magsalita ang nagmamaneho.“Kinailangan po namin ng dalawa pa incase na kailanganin niyo ng tulong kanina. Inihahanda lang po namin ang aming mga sarili.”Napaisip siya. Alam ng mga tauhan niya kung ano mga dapat na gagawin. Napatingin siya sa nga katawna nito. Hindi niya matandaan na may mga tauhan siyang ganito kalaki ang mga katawan. Halos mga adik, kawatan, at tambay ang kaniyang kinuha dahil mas madali silang mga utuin.Nagkunwari siyang tumango.“Si Vito, naroon na ba sa meeting pl
Hello readers/alabs!Mayroon lamang po sana akong gustong itanong sa inyo bago ko tapusin ang story ni Apollo at Melody.Gusto niyo po ba ng story ng isa sa kambal (Lexus) at dito ko po idurugtong sa story nila Apollo at Melody? Naisip ko lang po kasi since hindi po ako nakabawi sa inyo sa daily update kila Apollo at Melody. Gusto ko pong tuparin sa mga susunod na kabanata pero naisip ko rin po kasi na baka wala ng nagbabasa. Kaya gusto ko po sanang malaman ang opinyon niyo. 🥹🫶Comment YES if GUSTO niyo po at i-upload ko po bukas din kaagad! Maraming salamat po sa inyong pagbabasa! 🤗🫶– Miss Febbyflame/Sashi
“Bitawan niyo 'ko! Ano ba? Saan niyo dinala ang anak ko?!” malakas na sigaw iyon at papalapit sa kanilang puwesto.Pamilyar kay Melody ang boses na iyon ngunit hindi siya sigurado dahil naghehesterical ang babae. Kapwa na lamang na napatingin si Melody at Athena nang biglang pumasok ang dalawang tauhan habang bitbit ng mga ito si Tanny.“T–Tanny?” naiiyak na bulong ni Melody habang may mga pasa at dugo ang labi nito.“Madam, ang lintek na babaeng 'to ay nilaglag tayo!” galit na sambit ng isang lalaking may hawak kay Tanny.Mabilis na tumayo si Athena at kinuha ang buhok ni Tanny.“Punyetà ka talaga! Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na kapag pumalpak ka sa trabaho ay papatayin ko kayo ng anak mo! Talagang wala ka ng takot 'no?!” at malakas na sinampal nito si Tanny.Umiiyak na tumingin sa kaniya si Tanny at bakas na bakas ang sakit na nararamdaman nito.“Stop, Athena! Please, stop!” umiiyak na sigaw ni Melody. “Huwag mo siyang saktan! Maawa ka naman!”“Pati ba naman itong babaeng trumaydo
Melody’s Point Of View.“Kailangan nating bantayan mabuti ang babaeng 'to.”“Oo dahil malaking pera ang makukuha natin dito. Sayang at mukhang masarap din sana itong tikman.”“Oo nga, maputi at makinis pa. At isa pa, hindi pa rin naman ako nakakatikim ng buntis. Kung papalarin sana ay ngayon pa lang.”Nagising ako dahil sa makalas na tawanan. Halos sa aking mga mata ay nanlalabo pa ang aking paningin at tila umiikot pa rin ang paligid ko. Pinilit ko munang pakalmahin ang aking sarili bago muling dumilat.Naaninagan ko ang iilang liawanag lamang ngunit mas nananaig ang kadiliman. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng amoy ang aking naaamoy— masangsang at mabaho. Nang ipalibot ko ang aking paningin ay doon ko napagtanto na nasa isang abandonadong bahay ako.Puno ng alikabok ang lugar na ito. Pinilit kong gumalaw pero kaagad ko rin na naramdaman na nakatali ang aking dalawang kamay at ganoon din ang aking mga paa. Nagsimula akong matakot at kabahan lalo na nang biglang bumukas ang isa
“Can you fvcking shut up? Hindi ako makapag-focus na pigilan ang luha ko!” inis na bulong ni Apollo.“Bakit ba kasi hindi ka nagdala ng tissue? Alam mo naman na iyakin ka.” natatawang bulong naman ni Epifanio.Bumalik ang atensyon ni Apollo kay Melody nang magpatuloy itong muling maglakad papalapit sa kaniya. Walang mapaglagyan ang saya sa kaniyang puso. At sinong hindi maiiyak kung ganito kaganda ang kaniyang mapapang-asawa?Nangako siya na kahit anong mangyari ay ibibigay niya kay Melody lahat ng pangarap nito. Walang perpektong relasyon, pero kilala niya ang kaniyang sarili at hinding-hindi siya gagawa pa ng ikakasakit ni Melody.Sa isip ni Apollo ay taimtim siyang nagpapasalamat at nagdarasal.“She is absolutely gorgeous. Thank you, God. Thank You, for giving me her as my wife. As we bow to You right now, kasabay nito ang pagbibigay namin sa Iyo ng kung anong nais mo sa amin. I do not deserve her, but yet you gave her to me. And I am forever grateful, God.”Dumating sa kanilang ha
Melody’s Point Of View.Ngayong araw ang itinakda para sa aming wedding ni Apollo. Kahit malakinna ang tiyan ko ay hindi pa rin natinag si Apollo para hindi ituloy ngayon dahil ayaw niyang kasabay niyang ikakasal si Alas. Loko-loko talaga ang lalaking iyon.Habang nakatingin ako sa malaking salamin ay hindi mawala sa akin ang malawak na ngiti sa aking labi. Himas-himas ko ang aking tiyan dahil kitang-kita na rin ang aking baby bump. Ako na lang ang narito sa dress making room, at nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at naroon si Apollo. “What are you doing here?” kunot noo kong tanong.“You’re so gorgeous, love.” he said instead, answering my question. I saw his mesmerizing eyes while looking at me. Lumapit siya sa akin at kaagad hinapit ang aking beywang.“Bawal ka rito, love! Bawal pa tayong magkita!” natatawa kong saad ngunit nananatili itong nakatitig sa aking mga mata.“Eh, gano’n din naman. Magkikita pa rin tayo. Ikakasal pa rin naman tayo. I just want to check something