Share

Chapter 29

Author: Analia Faith
last update Last Updated: 2022-08-16 22:47:06

ANG MABILIS na pagbagsak ni Lianna ay ikinatili ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Hindi makapaniwala si Claudia na nasa mansyon si Emmanuel. Palalabasin niya sana na aksidente ito ngunit nakita mismo ni Emmanuel ang pagtulak niya rito.

Ang malakas na sigaw ng mga katulong ang nagkuha ng atensyon ni Jaime. Nanglaki ang mga mata nito at agad pinuntahan si Lianna na wala ng malay.

“You, fucking bitch! Anong karapatan mo na itulak ang asawa ko!” Malakas na sigaw ni Emmanuel. Agad niyang hinaklit si Claudia saka ito gigil na sinakal.

Hindi makapaniwala si Emmanuel sa ginawa ni Claudia. Ang pasimple nitong pagmamaltrato ay pinapabayaan lamang niya ngunit ang itulak sa hagdan si Lianna ay hindi na maari.

“Hindi ka talaga natatakot sa akin, Claudia! Ang lakas ng loob mo dahil ba kabit ka ni Ishmael!” Tanging pula na lamang ang nakikita ni Emmanuel.

Halos hindi na makahinga si Claudia dahil sa pananakal ni Emmanuel sa kanya. Bakas ang takot sa kanyang mga mata, hindi niya kayang banggain si E
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 30

    HINDI mapakali si Claudia dahil sa nangyari. Hindi umaayon ang lahat sa kanyang plano. Paano kung may gawin si Emmanuel sa kanya? Hindi pwede 'yon lalo nat malapit na siyang ikasal sa isang miyembro ng mga Bautista.‘Masamang damo ka talaga, Lianna! Bakit ba hindi ka pa namatay sa isang tulak lang,’ Galit na sabi niya sa kanyang isip. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.Nagulat siya ng narinig niya ang malakas na katok sa pintuan. Tumigil siya sa paglalakad at saka tinitigan ang pintuan. Paano kung si Emmanuel ang kumakatok? Bigla siyang nakaramdam ng takot.He knows what Emmanuel was capable of. Sadyang nahuli lamang siya nito sa akto. Si Emmanuel ang isa sa iniiwasan niyang miyembro ng mga Montecarlo. Tahimik lamang ito sa isang tabi, at mahirap malaman kung ano nga ba ang nasa isip nito.“Claudia, buksan mo ang pintuan,” Nakahinga si Claudia ng maluwag ng narinig niya ang boses ni Ishmael. Nagmadali siyang buksan ang pintuan at niyakap si Ishmael ng nakap

    Last Updated : 2022-08-19
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 31

    NGUMITI si Savannah sa kanyang asawa na si Ishmael. Base sa kanyang pagkakaalala ay galing si Lianna sa hindi kilalang pamilya. Daig pa nito ang isang kahig at isang tuka, kaya nagpakasal ito kay Emmanuel. Sino nga ba si Lianna at bakit malakas ang loob nito na banggain siya?“Bakit parang hindi ko nakikita si Lianna? Gusto ko sana na magpatimpla sa kanya ng kape,” Malungkot na sabi niya. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ni Ishmael ng narinig niya ang pangalan ng babae.“Nasa hospital siya. Nadulas siya sa hagdan,” Gustong tumawa ni Savannah. Hindi naman siya tanga upang hindi malaman ang totoo. Nalaman niya sa mga katulong na tinulak ni Claudia si Lianna sa may hagdan. Umakto siya na nag-alala.“Kumusta raw siya? Buhay pa ba siya? Oops, I mean, okay lang ba siya?” Pinakita niya ang kanyang malungkot na mukha na para bang nag-aalala siya ng todo para sa babae.“Hindi pa namin alam. Hindi pa naman umuuwi rito si Emmanuel,”“Hmmm… Maganda yata na dalawin ko si Lianna. Bilang hipag ni

    Last Updated : 2022-08-19
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 32

    MALAKAS ang pagkabog ng puso ni Lianna ng mapatingin siya sa pintuan. Mas lalong lumakas din ang paghampas ni Emmanuel sa pinto na parang nasa peligro ang kanyang buhay.Agad niyang isinuot ang nilalagay niya sa kanyang mga mata upang hindi makilala ng kung sinu-sino. Madali lamang makilala na isa siyang Dela Gado kapag nakita ng mga tao ang kulay ng kanyang mga mata.Huminga siya ng malalim at tumitig sa salamin upang pakalmahin ang kanyang sarili.“Sh*t! What took you so long to open this damn door?” Malakas na boses ni Emmanuel ang bumungad sa kanya. Puno ng takot ang gwapong mukha nito na para bang mamamatay siya sa loob ng banyo.“E-Emmanuel, anong nangyari? Gumamit lamang ako ng banyo,”“Akala ko may nangyari sa'yo rito. Nakita ko si Savannah na papunta sa parking lot kanina,.. I thought she did something bad on you!”Kinagat ni Lianna ang kanyang labi habang nakatingin kay Emmanuel. Nagulat siya ng hilahin siya nito upang yakapin. Nahihirapan siyang lumunok dahil kahit parte ng

    Last Updated : 2022-08-20
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 1

    Chapter 1“I'm sorry, Ms. Alcantara, but your father won't have his surgery if you don't pay the surgical fee,” malungkot na sabi ng doktor kay Lianna.Pakiramdam ni Lianna ay nanghihina siya sa sinabi ng doktor sa kanya. Kailangan ng kanyang ama ang maopera sa puso ngunit saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera.“Sir, baka naman po pwede na operahan po muna siya? Babayaran ko naman po kahit ilang taon pa 'yan,” pagod na sabi ni Lianna sa doktor. Tumingin lamang ng may simpatya ang doktor sa kanya saka umiling. Kaya napahawak si Lianna sa upuan dahil pakiramdam niya ay babagsak ang lahat ng pag-asa na pilit niya na inipon.“I'm sorry, Lianna. Kailangan mo muna talaga magbayad upang maoperahan ang 'yong ama. Ngunit 'yong doctor's fee hindi mo na kailangan bayaran 'yon dahil libre na ang gagawin kong serbisyo para sa iyong ama. Kailangan natin sundin ang protocols ng hospital,” mahinang paliwanag sa kanya ng doktor. Tinapik siya nito sa balikat upang iparamdam sa kanya ang pakikipagsi

    Last Updated : 2022-07-06
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 2

    “I, announce you as husband and wife. You may kiss the bride,” masayang sabi ng judge.Nanginginig si Lianna dahil hindi niya pa naranasan ang mahalikan ng isang lalaki. Walang pinalampas na oras si Emmanuel at kinabukasan ay dinala siya nito sa kilala nitong judge upang ikasal sila.Malamig ang tingin ni Emmanuel sa kanya na parang pilit nitong pinapasok ang kanyang pagkatao. Napalunok siya dahil sa klase ng titing nito.Naramdaman niya ang paghalik ni Emmanuel sa kanyang labi. Matagal iyon at halos hindi na siya makahinga. Halos sakupin ni Emmanuel ang labi niya at parang may gusto pa itong angkinin.Tumikhim ang judge dahil sa matagal na paghalik ni Emmanuel sa kanya. Namula naman ang mukha ni Lianna dahil nahihiya siya sa nangyari.“You're my wife now, Lianna, and you're mine,” bulong ni Emmanuel.Dinala ni Emmanuel si Lianna sa mansyon ng mga Montecarlo. Napangiwi si Lianna ng nakita niya ang pagiging elegante ng mga miyembro ng pamilyang Montecarlo.“Emmanuel, hindi namin akalai

    Last Updated : 2022-07-07
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 3

    “Start stripping, Lianna,” pag-uulit ni Emmanuel sa kanyang utos. Nanginginig na inalis ni Lianna ang pagkakabuhok ng roba na kanyang suot. Dahan-dahan bumaba ang roba sa kanyang katawan. Nakaramdam ng takot si Lianna ng nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Emmanuel habang nakatitig sa kanyang katawan. Napalunok siya ng hagurin siya ng tingin ni Emmanuel at saka ito ngumiti ng konti.“Lianna, you're a good girl. I expect you to follow my orders, and I find it offensive when you try to disobey me,” Emmanuel coldly informed her. Humagod ang tingin ni Emmanuel sa katawan ni Lianna. Kinuha nito ang wine bottle saka nilagyan ulit ng wine ang kanyang kopita. Dahan-dahan niyang tinungga iyon habang hindi inaalis ang tingin sa katawan ng babaeng nasa harapan niya.“You must be a virgin, right? I thought you looked too pure the first time I met you in the café. You look likely innocent, Lianna,” Emmanuel added. Hindi niya inialis ang kanyang mga mata sa katawan ni Lianna.Tanging ang malaka

    Last Updated : 2022-07-07
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 4

    “Totoo pala na nag-asawa na si kuya Emmanuel?” tanong ni Jaime kay Claudia.Sinulyapan ni Jaime si Lianna na nakatungo lamang at hindi gumagawa ng paraan upang ipaglaban ang kanyang sarili. Napakunot pa ang kanyang noo saka nilapitan si Lianna. Hindi siya makapaniwala na hindi pa rin nagbabago ang kanyang kuya. Sigurado siya kung bakit pinakasalan ni Emmanuel si Lianna.“Oo, kuya! Isang basura lamang ang pinakasalan ni kuya Emmanuel. Nadudungisan na ang ating angkan dahil nakapasok siya sa pamilya Montecarlo,” galit na sagot ni Claudia.Mabagsik ang mga mata niya na nakatingin kay Lianna. Gusto niya ng duraan si Lianna upang mas maramdaman nito ang labis na galit na nararamdaman niya.‘Ha! Papahirapan ko siya hanggang sa sumuko siya na umalis dito sa mansyon!’ galit na sumpa ni Claudia sa kanyang sarili.“Paano nga ba siya naging basura? Hindi naman yata tama ang ginagawa mo, Claudia?” dismayado na tanong ni Jaime sa kanyang pinsan.Mas lalong nakaramdam ng galit si Claudia sa kanyang

    Last Updated : 2022-07-11
  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 5

    Nanglalaki ang mga mata niya nang narinig niya ang malakas na sigaw ni Emmanuel. Halata na ang galit sa mga mata nito na parang naubos na ang pasensya sa kanya.“Oh, my brother,” nakangising salita ni Ishmael. Mabilis siyang inakbayan ni Ishmael na mas ikinatakot niya.“Okay lang naman sa'yo kung hihiramin ko saglit ang asawa mo? We used to be like that, right?” dagdag ni Ishmael. Humakbang si Emmanuel papalapit sa kanila. Nanglilisik ang mga mata nito sa galit at pakiramdam niya ay papatayin siya ni Emmanuel.“Don't scare her, brother. Hindi dapat tinatakot ang isang magandang babae na tulad ni Lianna,” nakangiting sabi ni Ishmael. Marahas na hinila siya ni Emmanuel na ikinasakit ng kanyang kamay. Naging mahigpit din ang hawak nito sa kanya na parang sa kanya binubunton ang galit nito.“Sa totoo lang, naakit ako sa itsura ng asawa mo. Pakiramdam ko hindi ako magsasawa na araw-arawin siya,” bulong ni Ishmael sa kanyang kapatid na si Emmanuel kaya sinapak siya nito.Hinila naman agad

    Last Updated : 2022-07-11

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 32

    MALAKAS ang pagkabog ng puso ni Lianna ng mapatingin siya sa pintuan. Mas lalong lumakas din ang paghampas ni Emmanuel sa pinto na parang nasa peligro ang kanyang buhay.Agad niyang isinuot ang nilalagay niya sa kanyang mga mata upang hindi makilala ng kung sinu-sino. Madali lamang makilala na isa siyang Dela Gado kapag nakita ng mga tao ang kulay ng kanyang mga mata.Huminga siya ng malalim at tumitig sa salamin upang pakalmahin ang kanyang sarili.“Sh*t! What took you so long to open this damn door?” Malakas na boses ni Emmanuel ang bumungad sa kanya. Puno ng takot ang gwapong mukha nito na para bang mamamatay siya sa loob ng banyo.“E-Emmanuel, anong nangyari? Gumamit lamang ako ng banyo,”“Akala ko may nangyari sa'yo rito. Nakita ko si Savannah na papunta sa parking lot kanina,.. I thought she did something bad on you!”Kinagat ni Lianna ang kanyang labi habang nakatingin kay Emmanuel. Nagulat siya ng hilahin siya nito upang yakapin. Nahihirapan siyang lumunok dahil kahit parte ng

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 31

    NGUMITI si Savannah sa kanyang asawa na si Ishmael. Base sa kanyang pagkakaalala ay galing si Lianna sa hindi kilalang pamilya. Daig pa nito ang isang kahig at isang tuka, kaya nagpakasal ito kay Emmanuel. Sino nga ba si Lianna at bakit malakas ang loob nito na banggain siya?“Bakit parang hindi ko nakikita si Lianna? Gusto ko sana na magpatimpla sa kanya ng kape,” Malungkot na sabi niya. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ni Ishmael ng narinig niya ang pangalan ng babae.“Nasa hospital siya. Nadulas siya sa hagdan,” Gustong tumawa ni Savannah. Hindi naman siya tanga upang hindi malaman ang totoo. Nalaman niya sa mga katulong na tinulak ni Claudia si Lianna sa may hagdan. Umakto siya na nag-alala.“Kumusta raw siya? Buhay pa ba siya? Oops, I mean, okay lang ba siya?” Pinakita niya ang kanyang malungkot na mukha na para bang nag-aalala siya ng todo para sa babae.“Hindi pa namin alam. Hindi pa naman umuuwi rito si Emmanuel,”“Hmmm… Maganda yata na dalawin ko si Lianna. Bilang hipag ni

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 30

    HINDI mapakali si Claudia dahil sa nangyari. Hindi umaayon ang lahat sa kanyang plano. Paano kung may gawin si Emmanuel sa kanya? Hindi pwede 'yon lalo nat malapit na siyang ikasal sa isang miyembro ng mga Bautista.‘Masamang damo ka talaga, Lianna! Bakit ba hindi ka pa namatay sa isang tulak lang,’ Galit na sabi niya sa kanyang isip. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.Nagulat siya ng narinig niya ang malakas na katok sa pintuan. Tumigil siya sa paglalakad at saka tinitigan ang pintuan. Paano kung si Emmanuel ang kumakatok? Bigla siyang nakaramdam ng takot.He knows what Emmanuel was capable of. Sadyang nahuli lamang siya nito sa akto. Si Emmanuel ang isa sa iniiwasan niyang miyembro ng mga Montecarlo. Tahimik lamang ito sa isang tabi, at mahirap malaman kung ano nga ba ang nasa isip nito.“Claudia, buksan mo ang pintuan,” Nakahinga si Claudia ng maluwag ng narinig niya ang boses ni Ishmael. Nagmadali siyang buksan ang pintuan at niyakap si Ishmael ng nakap

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 29

    ANG MABILIS na pagbagsak ni Lianna ay ikinatili ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Hindi makapaniwala si Claudia na nasa mansyon si Emmanuel. Palalabasin niya sana na aksidente ito ngunit nakita mismo ni Emmanuel ang pagtulak niya rito.Ang malakas na sigaw ng mga katulong ang nagkuha ng atensyon ni Jaime. Nanglaki ang mga mata nito at agad pinuntahan si Lianna na wala ng malay.“You, fucking bitch! Anong karapatan mo na itulak ang asawa ko!” Malakas na sigaw ni Emmanuel. Agad niyang hinaklit si Claudia saka ito gigil na sinakal.Hindi makapaniwala si Emmanuel sa ginawa ni Claudia. Ang pasimple nitong pagmamaltrato ay pinapabayaan lamang niya ngunit ang itulak sa hagdan si Lianna ay hindi na maari.“Hindi ka talaga natatakot sa akin, Claudia! Ang lakas ng loob mo dahil ba kabit ka ni Ishmael!” Tanging pula na lamang ang nakikita ni Emmanuel. Halos hindi na makahinga si Claudia dahil sa pananakal ni Emmanuel sa kanya. Bakas ang takot sa kanyang mga mata, hindi niya kayang banggain si E

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 28

    NANGLAKI ang mga mata ni Lianna ng narinig niya ang sinabi ni Mauricio. Pakiramdam niya ay isang malaking kapahamakan kung malalaman niya ang sikreto nito. Dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng daanan na 'yon. Nakahinga siya ng maluwag kaya agad siyang naglakad papunta sa kanilang kwarto ni Emmanuel.Anong ibig sabihin ni Mauricio? Pinatay ba nito ang kanyang kapatid? Akala niya ay nag-iisa lamang itong anak ng Montecarlo kaya namana nito ang kayamanan ng mga Montecarlo.“Saan ka galing?” Kinabahan si Lianna ng narinig niya ang boses ni Emmanuel. Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya saka dahan-dahan humarap dito.“Nag-ikot-ikot lamang ako sa mansyon. Nagtatagal na ako rito ngunit hindi ko pa kabisado,” Dahilan niya. Napapikit siya upang alisin ang nerbyos na nararamdaman niya.“Ganoon ba? Bakit kailangan mong libutin ang mansyon, Lianna? Baka naman kasama mo si Jaime” “Hindi ko alam kung nasaan si Jaime, Emmanuel. At saka pupunta na talaga ako s

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 27

    ILANG araw na hindi napalagay si Emmanuel dahil sa mga sinabi ni Lianna. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nagiging epekto ng mga salita ni Lianna sa kanya. Hindi bat tanging kontrata lamang ang namamagitan sa kanila? Ngunit bakit ngayon ay para mas gusto niyang palalimin ang lahat ng mayroon sa kanilang dalawa. Masyadong bago sa kanya ang kanyang nararamdaman. At ang emosyon na iyon na pilit pumapasok sa kanyang puso ay hindi niya gusto. Hindi niya gusto na magkagusto kay Lianna dahil hindi nakaj siya sigurado kung may nararamdaman ba ito sa kanya. Paano kung wala? Ano ang kanyang gagawin sa susunod?Napalingon siya kay Jaime at Lianna na nakangiti sa isat isa. Nagdidilig ng mga halaman si Lianna ng dumating si Jaime upang kulitin ito. Kung tutuusin ay konti lamang ang taon ng pagkakaiba nila Jaime at Lianna.‘Anong ginagawa na naman ni Jaime? Hindi niya ba alam na nandito ako!’Malalim na huminga si Emmanuel saka mas pinanood ang mga gagawin ni Jaime sa kanyang asawa. Gusto niy

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 26

    GALIT ang namamayani kay Ishmael ng narinig niya ang bagay na 'yon. Talagang, hindi siya pinakinggan ni Claudia at basta na lamang nito ginawa kung ano man ang gustuhin nito. Naging madilim ang kanyang mukha saka pinilit na ngumiti dahil nakatingin si Savannah sa kanya. Napalunok siya saka naging matalim ang tingin kay Claudia na nakangiti sa kanya.‘Damn! Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin, Claudia!’ isip ni Ishmael.Pinilit niyang tumawa at ipinakita sa mga tao na masaya siya. Bakit ba hindi siya sinusunod ni Claudia? Wala na ba itong tiwala sa kanya? Ilang beses niya bang dapat sabihin na maghintay lamang ito sa pinaplano niya!“Bautista, ang swerte mo na maka-asawa ng isang Montecarlo,” Bakas ang sarkasmo sa boses ni Ishmael. Pangatlo lamang ang mga Bautista kung tutuusin kaya hindi niya maisip ang sinasabi parati sa kanya ni Claudia.“Kuya Ishmael, swerte rin naman ako kay Jerald," Agad na sabi ni Claudia. Hinawakan niya sa kamay si Jerald na parang kino-comfort niya ito.

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 25 (2)

    Napangisi naman si Claudia habang nakatingin kay Lianna napasulyap siya kay Jaime na walang reaksyon sa kanyang mukha. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ni Jaime na nakatingin lamang kay Lianna. Bakit ba hindi siya pinapansin nito?“K-Kuya Jaime, hindi mo ba ako iko-congratulate?” Napangiti siya ng lumingon si Jaime sa kanya ngunit walang emosyon ang gwapong mukha nito.“Congratulations, then. And condolence for you Jerald,” Malamig na sabi ni Jaime. Natigagal si Jerald at Claudia sa sinabi ni Jaime sa kanila. Anong ibig sabihin nito?“Since you succeeded in achieving your goal, congratulations, Claudia. I also feel sorry for you, Jerald, as the woman you select will make your life a complete disaster,” Jaime coldly said.Claudia restrained herself from exploding in rage at what she had heard. She felt insulted by Jaime's negative opinion of her. She was more kind than Lianna, but Jaime failed to notice it. She forced herself to grin when she saw Jerald, but she had to swallow t

  • THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE   Chapter 25

    LUMIPAS ang ilang araw ay naging maayos naman ang buhay ni Lianna sa mansyon ng mga Montecarlo. Ilang araw na rin na nakapagpahinga siya kay Emmanuel dahil hindi na ito umuuwi pa. Masyado itong busy sa isang proyekto nito na paparating.“Nandito pala ang isang anay,” Napatigil si Lianna sa pagpupunas ng hagdan ng narinig niya ang boses ni Savannah. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang ang laki ng kasalanan niya rito.Gustong ngumiti ni Lianna dahil nakita niya ang papagaling na mga pasa sa mukha ni Savannah. Akala ba ni Savannah ay uurungan niya ito? Nagkakamali ito ng inaapi dahil hinahayaan lang naman niya na apihin siya ni Claudia. Ngunit kung tutuusin ay pwede siyang gumanti na pinipigil niya sa ngayon.“Magandang umaga, Savannah. Ano ba ang mapaglilingkod ko ngayon?” Naging magalang si Lianna saka nagpunas ulit ng hagdan. Nagulat siya ng may nahulog na mga putik sa hagdan saka nakangising tumawa si Savannah sa kanya.“Katulong ka rito, hindi ba? Punasan mo ulit 'yan para

DMCA.com Protection Status