Share

Chapter (2)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-08 11:35:28

Chapter 2: Ang Kasunduan

Malamig ang simoy ng hangin nang dumating ako sa isang marangyang restawran sa gitna ng lungsod. Mataas ang kisame, makintab ang marmol na sahig, at bawat mesa ay napapalibutan ng mga matataas na upuang tila ginawa para sa mga taong sanay sa kapangyarihan.

Pero kahit gaano kaganda ang paligid, pakiramdam ko ay nasasakal ako.

Sa harapan ko, isang pamilyar na lalaki ang nakaupo nang relaks—parang walang pakialam sa buong mundo. Nakalagay ang isang braso sa sandalan ng upuan habang iniikot-ikot ang mamahaling baso ng alak sa kanyang kamay.

Sebastian Villafuerte.

Naka-itim siyang suit, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones ng polo niya, at may tamad na ngiti sa labi. Para bang isa lang itong ordinaryong gabi para sa kanya.

Samantalang ako? Nasa loob ako ng isang bangungot.

Tumingin siya sa akin gamit ang mapanuksong titig niya. “So, ikaw pala si Isabella Ramirez.”

Hindi ko siya pinansin. Sa halip, diretsong lumapit ako sa mesa at naupo sa tapat niya.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" malamig kong tanong.

Tumawa siya nang mahina, tila natutuwa sa pagiging diretso ko. "Relax, Isabella. Hindi pa naman tayo ikakasal ngayon. At least pretend na gusto mo akong makilala."

Nagtagis ang bagang ko. "Hindi ko kailangang magkunwari."

Tila hindi siya naapektuhan sa tono ko. Bagkus, mas lalo pang lumalim ang ngiti niya. "Fair enough," aniya bago uminom ng alak. "So, gusto mo bang pag-usapan kung paano tayo magiging ‘masayang mag-asawa’—o diretsong kasunduan na lang tayo?"

Nanigas ang katawan ko. "Kasunduan."

Hinilig niya ang ulo niya sa kanyang kamay, pinagmamasdan ako na parang iniisa-isa ang reaksyon ko. “Figures. Kaya ka naman nandito, hindi ba?”

Pinilit kong hindi maapektuhan sa paraan ng pagsasalita niya. Wala akong panahong makipaglaro sa kanya.

“Malinaw na sa akin kung ano ang gusto ng pamilya natin,” madiin kong sabi. “Ang kasunduang ito ay para sa negosyo. Walang kailangang emosyon, walang kailangang drama. Magsasama tayo bilang mag-asawa para lang sa imahe ng pamilya natin.”

Pumikit siya saglit bago tumango, parang inaantok. "Sounds boring, but fine. Ano pang terms mo?"

Napatigil ako. Hindi ko inaasahan na agad siyang papayag.

“Simpleng kasal lang,” dugtong ko. “Walang engrandeng selebrasyon. At higit sa lahat, wala kang aasahan sa akin bilang asawa.”

Muli siyang tumawa nang mahina. "Alam ko namang hindi mo ako gusto, Isabella, pero hindi ba parang ang unfair mo naman? Baka gusto mo namang bigyan ako ng kahit kaunting benepisyo bilang asawa."

Naningkit ang mata ko. "Huwag kang magkamali ng iniisip, Sebastian. Ang kasunduang ito ay may malinaw na hangganan. At ang unang patakaran? Huwag mo akong hahawakan."

Isang mas malaking ngiti ang lumitaw sa labi niya, parang aliw na aliw sa galit ko. "Sige, sige," aniya, tumataas-baba ang kanyang kamay na parang sumuko. "Hindi kita hahawakan… maliban na lang kung ikaw mismo ang lumapit."

Pinilig ko ang ulo ko, hindi na inintindi ang pang-aasar niya.

Bago pa ako tuluyang maubusan ng pasensya, inilabas ko ang isang dokumento mula sa aking bag. “Pinaghandaan ko na ito,” sabi ko habang inilalapag ang papeles sa harapan niya.

Sebastian raised a brow. “A prenup?”

“Para sa proteksyon nating dalawa,” sagot ko. “Walang makikialam sa negosyo ng isa’t isa. Walang hahawak ng kayamanan ng isa’t isa. At kung dumating ang araw na matapos na ang kasunduan natin, maghihiwalay tayo nang walang komplikasyon.”

Tiningnan niya ito saglit bago bumuntong-hininga. “Wow. Mukhang pinag-isipan mo na talaga lahat.”

"Oo, kaya pirmahan mo na."

Ngumisi siya bago humugot ng ballpen sa bulsa. "Sabik ka yatang maging misis ko, Isabella," tukso niya bago marahang nilagdaan ang dokumento.

Pinilit kong huwag mapikon. Sa halip, inabot ko ang papel nang matapos siyang pumirma at nilagay ito sa bag ko.

"Tapos na tayo dito," sabi ko bago tumayo.

Pero bago pa ako makalayo, hinawakan niya ang pulso ko.

Napaangat ako ng tingin. Akala ko ba, walang hawakan?

Lumalim ang titig niya. Sa unang pagkakataon, nawala ang mapanuksong ngiti sa labi niya.

"Isang bagay lang, Isabella," seryoso niyang sabi. "Sigurado ka bang kaya mong panindigan ‘to?"

Napasinghap ako.

Alam kong hindi ito magiging madali. Alam kong ang bawat araw na makakasama ko siya ay magiging isang pagsubok.

Pero wala akong ibang pagpipilian.

"Hindi na ‘yon mahalaga," sagot ko bago marahang hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Basta tandaan mo ang kasunduan natin, Sebastian. Hanggang papel lang ang kasal natin."

At sa oras na iyon, pareho naming alam…

Na sa kabila ng malinaw na kasunduan, may isang bagay na hindi namin matatakasan—

Ang kapalarang itinali sa amin ng kasunduang ito.

Napatitig ako sa kanya, pilit hinuhugot ang kamay kong hawak pa rin niya. Ngunit sa halip na bumitaw, mas lalo pang humigpit ang hawak ni Sebastian.

Ngumisi siya, pero hindi na iyon yung nakakalokong ngiti na kanina lang ay nasa labi niya. May bahid na iyon ng pang-iinsulto, ng paghamon.

"Bakit? Sa akala mo ba, gusto rin kita?" malamig niyang sabi, hindi inaalis ang titig niya sa akin.

Nanigas ang panga ko.

“Lingid sa iyong kaalaman, Isabella, maraming babae ang nagkakandarapa para sa akin. Mayaman, maganda, sexy—lahat ng klaseng babae, pwede kong makuha sa isang pitik lang. At sa tingin mo ba, gugustuhin kong makasal sa gaya mong babae?"

Parang isang hampas ng malamig na hangin ang mga salitang binitiwan niya.

Alam kong wala siyang gusto sa akin. Alam kong napipilitan lang din siya sa kasunduang ito. Pero bakit may kung anong kirot sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya?

Hindi ako nagpahalata.

"Ibig sabihin, patas lang tayo," madiin kong sagot. "Dahil hindi rin kita gusto, Sebastian."

Sa halip na mainis, tumawa lang siya nang mahina. "Good. Mas maganda kung malinaw na ‘yan mula ngayon."

Binitiwan na rin niya ang pulso ko, pero hindi pa natatapos ang sinabi niya.

"At kung makasal tayo," dagdag niya, mas dumidilim ang titig niya, "at ayaw mong magpahawak, wala akong pake. Pero siguraduhin mong hindi mo rin akong pipigilan kung hahawak ako sa ibang babae. Maliwanag?"

Napasinghap ako.

Napakapalad ko sa mesa, pinipigilan ang galit na namumuo sa loob ko. Gusto kong suntukin ang lalaking nasa harapan ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na wala akong pakialam kung magkanda-bali-baligtad siya sa mga babaeng iyon.

Pero hindi ko siya bibigyan ng kasiyahang makitang apektado ako.

"Sebastian," malamig kong tinawag ang pangalan niya. "Kung gusto mong maging manloloko sa sarili mong kasal, nasa iyo ‘yon. Wala akong pakialam."

Ngumisi siya. "Good. So we have an agreement, Mrs. Villafuerte."

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang bag ko.

"Wala pa akong asawa," matigas kong sagot bago tumalikod at umalis sa restawran.

Pero kahit na pilit kong pinapakalma ang sarili ko, alam kong nagsisimula pa lang ang laban namin ni Sebastian Villafuerte.

At hindi ko alam kung sino sa amin ang unang susuko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   Chapter (3)

    Chapter 3: Simula ng Bangungot Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng gabing iyon. Basta ang alam ko lang, pagkapasok ko sa kwarto ko ay napabagsak ako sa kama, tulala, ramdam ang bigat ng desisyong kakatanggap ko pa lang. Kasal. Sa isang lalaking hindi ko mahal. Sa isang lalaking walang respeto sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko, pilit nilalabanan ang lungkot at inis. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Sebastian. "Kung ayaw mong magpahawak, wala akong pake. Pero siguraduhin mong hindi mo rin akong pipigilan kung hahawak ako sa ibang babae." Para akong sinampal ng realidad. Hindi lang ito isang simpleng kasal. Isa itong panghabambuhay na kasunduan na maaaring magdala sa akin ng matinding sakit. Pero kaya ko bang tanggihan ito? Alam kong hindi. Dahil kung hindi ako papayag, magugutom ang pamilya ko. Mawawala

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   Chapter (4)

    Chapter 4: Ang Kasal na Walang Puso >> "Paano mo tatanggapin ang isang kasunduang hindi mo kailanman pinili?" --- ◀️ Araw ng Kasal – Villafuerte Cathedral Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Ang bawat hakbang ko patungo sa altar ay parang pagmamartsa sa isang hatol na hindi ko ginustong tanggapin. Sa bawat yapak, pakiramdam ko ay mas lalong bumibigat ang mundo ko. Ang malamig na simoy ng aircon sa loob ng simbahan ay tila hindi nakakatulong sa pagkakakulong ng damdamin sa dibdib ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng dambana, sa tabi ng isang lalaking hindi ko mahal—si Sebastian Villafuerte. Malamig ang kanyang ekspresyon. Parang wala lang ito sa kanya, na para bang isa lang itong simpleng kasunduan, isang pirma sa papel na kailangang tuparin. At marahil, ganoon nga ito para sa kanya. Isang kasal na walang emosyon. Saman

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   Chapter (5)

    Chapter 5: Buhay sa Gintong HawlaDahan-dahan akong bumagsak sa kama, tulala, habang ang isip ko ay bumabalik sa simula ng bangungot na ito.Isang kasal na hindi ko ginusto.Isang buhay na hindi ko pinili.Gusto kong umiyak, pero parang naubos na ang luha ko sa mga nakaraang araw. Ang katawan ko ay pagod, ngunit ang isip ko ay gising na gising sa katotohanang wala na akong kawala.Ang kwarto ko ngayon ay napakalawak—mas malaki pa sa buong bahay namin noon—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang punan ang kawalan sa loob ko.Tila isang gintong hawla.Maganda sa panlabas, pero nakakulong pa rin ako rito.---Unang Umaga Bilang Mrs. VillafuerteNagising ako sa pakiramdam ng malamig na hangin mula sa aircon. Sandali akong napapikit, umaasang panaginip lang ang lahat ng ito. Pero pagdilat ko, bumungad sa akin ang mararangyang kurtina, ang malalambot na unan, at ang malawak na kwarto na hindi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (6)

    Kabanata 6: Isang Asawang Walang Karapatan Pagkatapos ng umagang iyon, buong araw akong nanatili sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang malamig na trato ni Sebastian o ang katotohanang wala akong karapatan magreklamo. Napaisip ako. Ito ba talaga ang buhay na papasukin ko habang-buhay? Isang buhay kung saan ako lang ang nakatali, habang siya—malaya pa ring gawin ang gusto niya? Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala nang biglang bumukas ang pinto. Isa sa mga kasambahay ang pumasok, may dalang isang kahon. "Ma'am, ipinadala po ito ni Sir Sebastian," maingat niyang sabi. Napakunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwalang may ipinadala siya sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon, at bumungad sa akin ang isang designer dress—isang eleganteng itim na gown. Kasama nito ang isang sobre na may nakasulat na mensahe: "Magsuot ka ng maayos. May event tayong pupuntahan mamaya." Napakagat-labi ako. Alam ko na ang event na ito—isa itong business gala na dada

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (7)

    Kabanata 7 – Ang Lihim ng Villafuerte Mansion Ang Villafuerte mansion. Ang laki. Ang ganda. Ang perpekto sa panlabas. Ngunit sa loob, isang malamig, walang-pusong palasyo. Para sa akin, isa lang itong malaking kulungan. Isang gintong hawla na nagbubuklod sa akin sa isang buhay na hindi ko pinili. Nakatunganga ako sa bintana ng kwarto ko sa south wing, nakatanaw sa hardin. Ang hangin ay malamig sa aking balat, isang matinding kaibahan sa init na nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang mga damo at bulaklak, parang isang painting na masyadong maayos, masyadong perpekto—katulad ng buhay na pilit nilang ipinapakita sa mundo. Isang buhay na puno ng kasinungalingan, ng mga itinatagong katotohanan. Sa gitna ng lahat ng ito, isang fountain ang namumukod-tangi. Puting marmol, isang estatwa ng griffin na nakabuka ang mga pakpak, parang handang lumipad. Pero ang mga pakpak nito ay nakakulong sa bato. Tulad ko. Isang mapait na katotohanan na tumutusok sa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (8)

    Kabanata 8: Ang Harapang Pag-aawayAng puso ko’y marahas na tumitibok, isang martilyo na humahampas sa aking dibdib, habang tinatahak ko ang mahabang koridor patungo sa opisina ni Sebastian. Ang bawat hakbang ay parang isang hakbang patungo sa isang digmaan, ang malamig na marmol sa ilalim ng aking mga paa ay parang isang patunay sa malamig na katotohanang aking haharapin. Hawak-hawak ko ang lumang kontrata, ang papel ay malamig at matigas sa aking mga daliri, isang patunay sa mga lihim na tinatago ng Villafuerte mansion. Ang matapang na amoy ng kape at ang maalikabok na bango ng mga lumang libro mula sa library ay nananatili sa aking ilong, isang paalala sa mga katotohanang aking natuklasan, mga katotohanang magbabago sa takbo ng aking buhay.Nang makarating ako sa pintuan, huminga ako nang malalim, pilit na pinapatahan ang aking nag-aalab na damdamin. Ang aking mga kamay ay nanginginig, ang mga buko ay pinagpapawisan, ngunit ang aking mga mata ay mata

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (9)

    "Mga Anino ng Nakaraan" Nakatayo si Isabella sa isang sulok, nakatitig sa nakasarang pinto ng opisina ni Sebastian. Mabigat ang hangin sa paligid, at ang tanging naririnig niya ay ang malakas na pintig ng kanyang puso. Isang matinding pagod ang bumalot sa kanya, na para bang pasan niya ang bigat ng buong mansyon.Gusto niyang tumakbo. Tumakas mula sa nakakapasong presensya ng bahay ng mga Villafuerte, hanapin ang isang lugar kung saan makakahinga siya nang maluwag, nang walang takot na tuluyan siyang mawawalan ng kontrol sa sarili niyang buhay. Ngunit ang malamig at mapait na katotohanan ay mabilis na bumalik sa kanyang isipan: wala siyang matatakbuhan."Isabella?"Napapitlag siya sa marahang tinig na iyon. Paglingon niya, nakita niya si Daniel, ang nakababata niyang kapatid, na nakatayo sa may pasilyo. Ang dati’y masayahin at maliwanag niyang mga mata ay puno ngayon ng pag-aalala."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya, halos pabulong, r

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (10)

    CHAPTER 10: Mga Lihim na Hindi Ko Pinili Tahimik na tinitigan ni Sebastian si Isabella, ang dating malamig niyang ekspresyon ay napalitan ng pag-aalinlangan. Parang may mabigat na pasanin sa kanyang dibdib."Ano ang gusto mong sabihin, Sebastian?" malamig ngunit matatag na tanong ni Isabella.Bumuntong-hininga si Sebastian bago naupo sa gilid ng kama, pinaglalaruan ang kanyang mga daliri."Totoo ang nakita o nabasa mo," aniya sa wakas, ang boses ay mabigat. "Kami sana ni Kasandra. Ngunit dahil sa kasakiman ng kanyang pamilya, naudlot ang lahat."Napasinghap si Isabella. Hindi siya dapat magulat, alam na niya ito. Ngunit iba pa rin ang marinig ito mismo kay Sebastian."Bakit ako, Sebastian?" mahina ngunit puno ng hinanakit ang tinig niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa inyong dalawa? Bakit hindi ikaw ang nagdesisyon kung sino ang iyong mapapangasawa?"Tiningnan siya ni Sebastian, ang sakit sa kanyang mg

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14

Bab terbaru

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (71)

    Kabanata 71Tahimik ang biyahe pauwi ng villa.Magkaharap lang ang mga palad nina Isabella at Sebastian sa gitna ng seat, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw para muling maghawakan. Kanina lang, punong-puno ng halik at matamis na salita ang pagitan nila. Ngayon, parang pareho silang hindi alam ang gagawin.“Gabi na,” bulong ni Isabella habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatamaan ng ilaw mula sa headlights. “May work pa tayo bukas…”“Hmm,” sagot lang ni Sebastian, bahagyang tumango.Nang makarating sila sa villa, binuksan ni Sebastian ang pinto para sa kanya tulad ng dati. Pero walang usual banter, walang teasing. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, habang ang mga yapak nila sa marmol na sahig ang tanging ingay sa paligid.Pagkapasok sa kwarto, naunang nagtanggal ng coat si Sebastian at isinabit ito. Si Isabella nama’y dumiretso sa vanity para alisin ang make-up niya.“Gusto mo ng tea?” tanong ni Sebastian

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (70)

    KABANATA 70 "Sa Likod ng Abalang Araw" Araw ng Martes. Maagang dumating si Isabella sa opisina, dala ang determinasyong matapos ang lahat ng nakatambak na reports. Sunod-sunod ang meetings, emails, at tawag mula sa iba't ibang departamento. Ngunit sa kabila ng stress, may kakaibang sigla sa kanyang mga mata—isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang may kinalaman ito kay Sebastian. Bandang alas-onse ng umaga, habang abala siya sa pagbabasa ng marketing brief, biglang kumatok ang receptionist sa kanyang opisina. “Ma’am Isabella, may delivery po para sa inyo.” Napakunot-noo siya. “Delivery? Wala naman akong inorder—” Ngunit naputol ang kanyang sinasabi nang makita ang isang eleganteng bouquet ng pulang rosas, kasama ang isang maliit na card. I love you forever, honey. – S Napangiti siya, bahagyang napailing. Napaka-sweet talaga ng asawa ko…

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (69)

    Kabanata 69Huwag making mahina —Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kakatapos lang nilang maghapunan ni Isabella, at kasalukuyan silang nagpapahinga sa sala nang makita niya ang pangalan sa screen—Mirachi Monroe Luigi."Napansin ni Isabella ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Hindi niya ito tinanong, ngunit ramdam niya na may kinalaman iyon kay Andrea. Pinanood niya lang itong sumagot."Hello, Mrs. Luigi o ahhh Tita?""Sebastian, anak… Pasensya ka na kung ginagambala kita ngayong gabi, pero hindi ko na alam ang gagawin kay Andrea. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog, at kanina lang, nagbanta siyang hindi na niya gustong mabuhay kung hindi ka pupunta rito!"Nanlamig si Sebastian sa narinig. Hindi siya kaagad nakasagot. Napansin iyon ni Isabella at bahagyang napakunot ang noo."Sebastian, anak, natatakot ako! Kahit ano'ng pilit kong gawin, hindi si

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (68)

    Kabanata 68 " Tawag ng karibal 'Pauwi na si Isabella gamit ang kanyang sasakyan, habang si Sebastian naman ay sumunod sa kanya. Ayaw niyang tuluyang magka-gulo silang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumawag si Roxie."Sebastian, ipinapatawag ka ni Andrea. Gusto niyang malaman kung kailan kayo babalik sa ospital."Matagal na natahimik si Sebastian bago siya sumagot. "Pakisabi kay Andrea na may inaayos lang ako. At please, alam ko ang ginagawa ko. Babalik ako diyan pagkatapos ko sa ginagawa ko. Importante ito."Pagdating nila sa bahay, halos sabay silang nakarating ni Isabella. Agad na lumabas si Sebastian sa kanyang sasakyan at mabilis na nilapitan si Isabella.Papasok na sana ito nang bigla niyang yakapin mula sa likuran at marahang hinalikan sa leeg. "I missed you so much, please calm down, honey. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Sana maunawaan mo ako. Nakokonsensya lang ako sa nangyari kay Andre

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (67)

    Kabanata 67 – Tahimik na DistansyaSa ospital, malungkot na umiiyak si Andrea habang nakahiga sa kama. Halos hindi niya kayang titigan si Sebastian, ngunit pilit niyang ipinaparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya.“Seb… hindi mo na ba talaga ako mahal?” mahina niyang tanong, punong-puno ng hinanakit.Napalunok si Sebastian. Alam niyang matagal nang tapos ang kanilang relasyon, pero hindi niya kayang sabihin ito nang harapan ngayon. Hindi ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon.“Andrea… hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin ’yan. Ang mahalaga, gumaling ka muna,” sagot niya nang maingat.Napaluha si Andrea. “Alam mo bang ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon? Kahit saglit lang, pwede bang huwag mo muna akong iwan?”Sa kabila ng pangungusap na iyon, nanatili si Sebastian. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa awa. Nang mapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Andrea, naramdaman niyang pagod na rin siya. Hindi ni

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (66)

    Kabanata 66 - Ang Inaasahan at Ang HindiSa loob ng ospital, nanatili si Sebastian sa tabi ni Andrea. Pinili niyang manatili roon, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa bigat ng kanyang konsensya. Hindi niya kayang talikuran ang babaeng minsan niyang minahal, lalo na’t nasa bingit ito ng kawalan. Alam niyang hindi tama, ngunit nagpa-anod na lamang siya sa sitwasyon.Ilang oras pa ang lumipas at dumating ang ina ni Andrea—si Meraichi. Isang eleganteng babae, kita sa kilos at tindig nito ang pagiging matatag at may mataas na pinag-aralan. Ito ang pangalawang beses na nagkita sila ni Sebastian, ang una ay noong nasa Amerika pa sila ni Andrea.Lumapit si Meraichi sa kanyang anak at hinaplos ang pisngi nito. “Anak, buti at nagising ka na, nag-alala ako sayo, pasensiya ka na nagising nga na wala ako, my pinuntahan lang ako, "Mom puwde bang umuwi ka na muna bulong ni Andrea— at ito'y agad naintindihan ng kanyang inang si Meraichi okay anak, pahinga ka muna. U

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (65)

    Kabanata 65 - Gising na Nakaraan Dahan-dahang pumasok si Sebastian sa silid ni Andrea. Muling bumungad sa kanya ang manipis na katawan nito, ang maputlang mukha, at ang bahagyang gumagalaw na mga daliri. Nang mapansin siyang pumasok, bumaling ang tingin ni Andrea sa kanya, may bahagyang luha sa mga mata. “Sebastian…” mahina nitong tawag. Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, lumapit siya sa kama at marahang naupo sa gilid. Kita niya ang sakit at panghihinayang sa mga mata ni Andrea, ngunit hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. “Akala ko… hindi na kita makikita ulit,” dagdag nito, tinig na punong-puno ng emosyon. Napakuyom ng kamao si Sebastian. Hindi niya kayang balewalain ang lahat ng nangyari. Alam niyang may utang siyang paliwanag kay Andrea, pero alam din niyang may isang taong naghihintay sa kanya—si Isabella. --- “Bakit mo naman pinagtangkaan ang buhay mo? Ano ba ang nasa isip mo?” tanong ni Sebastian, ang tinig ay puno ng pagkabahala. Hindi siya makapaniwala na

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (64)

    Kabanata 64 " TUNGKULIN O PUSOSebastian, si Andrea nasa loob. Hindi pa rin siya nagigising," seryosong sabi ni Roxie habang nakatingin kay Sebastian. "Sabi ng doktor, 24 hours daw bago siya magkamalay. Sa panahong ito, kailangan ka niya. Simula nung naghiwalay kayo, nawalan na siya ng gana sa lahat. Ikaw lang talaga ang kailangan niya, alam mo naman 'yan."Napakuyom ng kamao si Sebastian. Alam niyang may pinagdadaanan si Andrea, pero hindi niya inasahan na hahantong ito sa ganito. May bahagyang kirot sa kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal na akala ng lahat ay naroon pa rin, kundi dahil sa responsibilidad na matagal na niyang tinakasan."Dapat ba akong manatili dito?" tanong niya, hindi sigurado kung ano ang tamang gawin."Ikaw ang dahilan kung bakit siya umabot sa ganito," tugon ni Roxie, diretsong tumingin sa kanya. "Kung may natitira ka pang malasakit sa kanya, kahit konti, dapat kang manatili."Napatingin si Sebastian sa pi

  • "THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"   CHAPTER (63)

    Kabanata 63: "Pagkikita ng mga Lihim"Sa isang tahimik na coffee shop, ang malamig na hangin mula sa air conditioning ay nagbibigay ng bahagyang ginhawa sa kabila ng tensyong namamagitan sa dalawang babaeng nagkita sa unang pagkakataon. Sa isang sulok, tahimik na naghihintay si Meraichi Luigi, ang mga mata’y nagmamasid sa bawat dumaraan. Isang mahirap na paghihintay na puno ng katanungan at alalahanin.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng coffee shop. Isang matangkad at eleganteng babae ang pumasok—si Mercedes Villafuerte. Tumigil ito sandali at luminga-linga, waring naghahanap ng isang pamilyar na mukha. Nag-ring ang cellphone ni Meraichi, at nang tingnan niya ang screen, pangalan ni Mercedes ang lumitaw. Kaagad niya itong sinagot."Hello," bati ni Meraichi habang pinagmamasdan ang babaeng ngayo'y papalapit na sa kanya."Hi, nice meeting you, Mrs. Villafuerte," magalang niyang bati."Nice meeting you too," sagot ni Merce

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status