Aleya's POV
Bago pa lumapat ang mga labi ni Enrique sa aking mga labi ay agad ng bumalik sa tama ang aking pag-iisip. Iniuntog ko ng malakas ang aking noo sa noo niya pagkatapos ay mabilis akong bumangon mula sa pagkakadagan sa katawan niya. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas sa kuwarto niya. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa kuwarto niya nang bigla akong mapakunot ng noo. Weird yata na hindi man lang nag-react si Enrique sa ginawa ko. Sa ugali niya ay tiyak na nakatanggap na ako ngayon ng hindi magagandang salita ngunit ngayon ay tila tahimik yata ito. Nilingon ko siya para makita kung ano ang ginagawa niya. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakapikit ang kanyang mga mata habang walang katinag-tinag sa higaan na para bang hindi na ito humihinga."What the heck! Did I killed him with just a simple head bang?" kausap ko sa aking sarili. Agad akong lumapit sa kanya at dinama ang kanyang leeg habang itinapat ko naman ang aking tainga sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong tumitibok pa naman ang kanyang puso. Mukhang nakatulog lamang ito dahil sa ginawa ko at dahil na rin siguro sa kalasingan. Medyo nasobrahan din yata ang lakas ng pagkakauntog ko sa aking noo sa kanyang noo. Sa akin ay wala lang iyon ngunit sa katulad nitong hindi sanay sa ganoong klaseng sakit ay posibleng mahimatay talaga ito lalo pa at nakainom ito ng maraming alak.Akmang aalis na ako nang bigla na lamang yumakap ang isang kamay ni Enrique sa aking leeg at pagkatapos ay humaplos pababa sa aking likuran. Agad na uminit ang aking dugo sa kanya. Kahit na natutulog ito ay babaero pa rin. Siguro ay nananaginip ito na may babae kasama at hinahaplos ng kamay nito. Sinuntok ko ng malakas ang dibdib niya at dali-dali akong lumayo sa kanya. Ngunit siniguro ko na ang suntok na pinakawalan ko ay hindi niya ikamamatay kundi sapat lamang para makadama siya ng sakit. Inayos ko ang aking sarili pagkatapos ay inirapan ko ang natutulog na binata bago tuluyang lumabas sa silid niya.Pagkapasok ko sa silid ko ay kinuha ko sa itim na lagayan ang isang maliit na chip. Ito ay tracking device na nakakakonekta sa aking cellphone. Ilalagay ko ito sa likuran ng relo ni Enrique para kapag natakasan niya ako ay malalaman ko agad kung nasaan siya. Bitbit ang dalawang maliliit na tools at cellphone ay muli akong bumalik sa silid ni Enrique. Masarap pa rin ang tulog nito. Perfect time para maisakatuparan ko ang paglalagay ng tracking device sa relo niya. Ilang minuto lamang ay maayos kong nailagay sa likuran ng relo niya ang maliit na tracking device pagkatapos ay chineck ko sa cellphone ko kung gumagana ba. Napangiti ako ng makita kong gumagana ng maayos ang device na inilagay ko sa kanyang relo. Pagkatapos ay magaan ang loob na lumabas akong muli sa silid niya.Pagbalik ko sa silid ko ay agad akong naligo para ma-preskuhan ang katawan ko. Tinuyo ko muna ang basa kong buhok bago ako natulog ng mahimbing. Puwede na akong matulog ng mahimbing dahil walang kawala sa akin ang playboy na boss ko.PAGKAGISING ko ay agad kong tiningnan ang phone ko. Napangiti ako nang makita kong hindi pa rin gumagalaw ang location ng tracking device kaya ang ibig sabihin ay nasa loob pa rin ng silid nito si Enrique. Walang pagmamadali na bumangon ako sa kama at naligo. Nag-enjoy ako sa pagligo kaya medyo natagalan ako. Paglabas ko ng banyo ay muli kong tiningnan ang cellphone ko. Gumalaw na ang tracking device ngunit malapit lang. Ibig sabihin ay naroon pa rin sa loob ng bahay nila ang boss ko. Kapag wala sa paningin ko si Enrique ay kailangang palagi kong i-check ang cellphone ko para malaman ko kung nasaan siya.Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ko sa silid ko at nagtungo sa kusina para humigop ng kape. Sa kusina ko naabutan ang boss ko na humihigop ng mainit na kape at halatadong kagigising pa lamang. Magulo pa ang buhok nito at gusot ang damit. Ngunit kahit bagong gising pa lamang ito ay hindi ko maipagkakailang guwapo pa rin ito. No wonder na pinagkakaguluhan ito ng maraming kababaihan kahit na alam naman nila ang pagiging matinik nito sa babae. Dahil sa pisikal na anyo nito at siyempre sa wallet nitong makapal.Basta guwapo kahit bagong gising at hindi pa nakakapaghilamos ng mukha ay guwapo pa rin, naisaloob ko habang nakatingin sa binatang nakakunot ang noo. Marahil ay nagtataka ito kung bakit ako nakatitig sa kanya."Bakit ganyan ka makatitig? Naga-guwapuhan ka sa akin, 'no? Sinasabi ko na nga ba't hindi ka immune sa taglay kong kakisigan," nakangising kausap ni Enrique sa akin. Umagang-umaga ay nag-uumapaw ang hangin nito sa katawan."Kaya kita tinititigan ay dahil iniisip ko kung naghilamos ka ba ng mukha at nagmumog bago ka lumabas sa kuwarto mo at humigop ng kape. Kahit magsuklay ng buhok ay hindi mo nagawa. Mukha tuloy pugad ng ibon na kinahig iyang buhok mo," nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya bago ako naglakad papunta sa kinalalagyan ng electric thermos para magtimpla ng sarili kong kape.Naningkit naman ang mga mata ni Enrique sa sinabi ko at pagkatapos ay inirapan ang dalawang maid na nasa kusina at hindi napigilang mapahagikhik nang marinig nila ang sinabi ko sa aming amo."Anong itinatawa-tawa niyo diyan?" masama ang tingin na sita nito sa dalawang maid."Wala po," nagpipigil ng ngiti na magkapanabay na sagot ng dalawang maid. Nagmamadaling naglakad ang dalawa palabas ng kusina para siguro pakawalan ang pinipigil nilang tawa. Ngunit biglang bumalik ang isang katulong at muling kinausap ang binata. "Nasa ibang bansa nga pala ang daddy mo, Sir Enrique. Bago siya umalis ay nagbilin siya sa akin na sabihin sa'yo na huwag ka raw magpasaway kay Aleya. Kapag magpasaway ka raw ay puwede ka raw paluin ni Aleya sa puwit," sabi ng katulong kay Enrique pagkatapos ay natatawang naglakad ito ng mabilis palayo sa amo na lalong naningkit ang mga mata."Anong akala niya sa akin bata na puwedeng paluin sa puwit kapag nagpasaway?" umuusok ang ilong na kausap ni Enrique sa sarili nito.Napailing na lamang ako habang natatawa sa sinabi ng katulong. May basbas mula sa pinakaitaas kaya kapag gumawa ng kalokohan si Enrique ay maaari ko siyang parusahan."May lakad ba tayo ngayon, Sir?" tanong ko sa kanya matapos kong makapagtimpla ng kape."Wala!" pasigaw nitong sagot sa akin sabay tayo sa kinauupuan. "Ngayong wala rito ang aking ama ay puwede ka ng umalis bilang bodyguard ko, Aleya. Bumalik ka na lamang kapag nakauwi na si Daddy," utos niya sa akin bago naglakad palabas sa kusina bitbit ang kape nito. Agad ko siyang sinundan bitbit naman ang mainit kong kape."Hindi ikaw ang nagpapasahod sa akin, Mr. Villareal. Ang daddy mo ang nagpapasahod sa akin kaya siya lamang ang susundin ko. Kapag sinabi niyang umalis na ako bilang bodyguard mo ay ora-orada akong aalis," mariin ang boses at seryoso ang anyo na sagot ko sa kanya.Huminto si Enrique sa paglalakad at madilim ang mukha na hinarap ako. "Bakit ba ang hirap mong pakiusapan? Kahit na hindi mo ako bantayan ay hindi pa rin mababawasan ang sasahurin mo ngayong buwan."Napaismid ako sa sinabi niya. Iniisip niyang pera ang dahilan kung bakit ayaw kong sundin ang ipinag-uutos niya sa akin."Sorry, Mr. Villareal pero hindi ako tumatanggap ng libreng pera. At uulitin ko sa'yo ang sinabi ko una pa lamang. Hindi ko kagustuhan ang maging bodyguard ng isang playboy na katulad mo. Wala akong choice dahil utos ito sa akin ng aking superior. Getz mo?"Nakuyom ng kanyang kamao ang binata na tila ba mauubusan na ito ng pasensiya sa akin. "Bakit ba ang hirap mong tanggalin? Ikaw lang yata ang dumi na mahirap ipagpag."Dumi na mahirap ipagpag? Ang kaal ng mukha niya para sabihing isa akong dumi."Mr. Villareal, kung ang tingin mo sa akin ay dumi na mahirap ipagpag ang tingin ko naman sa'yo ay isang latak sa lipunan na dapat mawala," maanghang na sabi ko sa kanya. Siya ang naunang mang-insulto at ibinabalik ko lamang ang ginawa niyang pang-iinsulto at pangmamaliit sa akin. Saka totoo naman ang sinabi ko sa kanya. Latak siya ng lipunan dahil isa siyang playboy. Pinaglalaruan lamang niya ang babae at kapag nagsawa na siya ay basta na lamang itatapon na parang walang halagang laruan."How dare you to say that on me!" bulyaw niya sa akin sa malakas na tinig. "Isa ka lang tauhan na pinapasahod ng aking ama kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!'"At ikaw, may karapatan ka bang pagsalitaan ako ng mga salitang hindi maganda, Mr. Villareal?" balik-tanong ko sa kanya habang nagpipigil ng aking galit. Dapat kong pigilan ang aking emosyon at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. "At alam mo ba, Mr. Villareal? Dahil sa pagiging playboy mo ay baka isa, dalawa o higit pang babae ang nasa likuran ng pagtatangka s buhay mo. Gusto ka nilang paghigantihan sa ginawa mong paglalaro sa damdamin nila.""Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan!" malakas pa tin ang boses na sabi niya sa akin. Akmang sasagutin ko siya nang biglang dumating si Gigi na halatadong kagigising lang din."Ano ba iyan, Kuya Enrique? Umagang-umaga ay inaaway mo ang bodyguard mo? Ano ba ang problema ninyong dalawa?" tanong ni Gigi habang nagpapalipat-lipat s aming dalawa ng nakatatanda niyang kapatid ang kanyang mga paningin."Kung may lakad ka ay sabihan mo lang ako't nasa paligid lamang ako," seryoso ang mukha na sabi ko kay Enrique pagkatapos ay hinarap ko si Gigi at bahagyang tinanguan bago ako umalis sa harapan ni Enrique na namumula ang mukha sa galit."DAMN!" hindi ko napigilan ang mapamura ng mahina habang bumabangon ako sa higaan. Hindi ko sinasadyang makatulog. Late na ako natulog kagabi kaya inantok ako kanina pagpasok ko sa silid ko. Agad kong hinagilap ang aking cellphone para alamin kung umalis ba si Enrique. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa loob pa rin siya ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi ito umalis. Kung nagkataong umalis ito at may masamang nangyari rito ay tiyak na ako ang masisisi dahil hindi ko ginampanan ng mabuti ang aking trabaho.Inayos ko muna ang aking sarili bago ako lumabas sa silid ko. Kumakalam na rin ang aking sikmura dahil kape lamang ang laman ng tiyan ko mula kaninang umaga. Agad akong dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain."Nagugutom ka na ba, Aleya? Nakapagluto na ako ng tanghalian," nakangiting tanong sa akin ng maid na si Sonia."Medyo nagugutom na nga ako, eh. Si Mr. Villareal kumain na ba?"Biglang nalukot ang mukha ni Sonia kaya nagtaka ako kung bakit ganito ang kanyang ekspresyon na tila ba may hindi ito nagustuhan."Nasa swimming pool si Sir at may kasamang babae na sobrang arte. Masyadong demanding. Nagpaluto ng sarili niyang pagkain tapos ang daming request. Huwag lagyan ng ganito, ganyan. Dapat ganito, ganyan. Hay naku. Nakaka-highblood ng babaeng iyon. Ayoko ngang pagsilbihan siya ngunit wala akong choice kasi kailangan kong dalhin sa kanila itong pinaluto niyang pananghalian nila ni Sir," himutok ni Sonia na sa sobrang inis yata sa kung sino mang babaeng kasama ni Enrique ay hindi napigilan ang maglabas ng sama ng loob."Ako na lang ang magdadala nitong tanghalian nila," pagboboluntaryo ko."Sigurado ka, Aleya? Baka pagtripan ka ng babaeng iyon lalo pa at mas maganda ka kaysa sa kanya. Tiyak na pagseselusan ka niya," nag-aalala ang boses na sabi ni Sonia."Don't worry. Ako ang bahala sa sarili ko," pagbibigay ko sa kanya ng assurance. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at kinuha ko na ang isang tray na puno ng pagkain pagkatapos ay naglakad ako palabas ng bahay para ihatid ang pananghalian nina Enrique at ng babaeng bisita nito sa may swimming pool. Hindi pa ako nakakalapit sa kanila ay dinig na dinig ko na ang maharot na hagikhik ng babaeng kasama ng binata na para bang kinikiliti ito sa singit.Nakita kong naghaharutan sila sa tubig ngunit nagkunwari akong hindi ko sila nakita. Tuloy-tuloy lamang akong naglakad papunta sa maliit na mesang nasa tabi ng pool at inilapag ang dala kong tray. Saka pa lamang ako napansin ng dalawa nang tumunog ang paglalagay ko ng tray sa mesa."Bakit ikaw ang nagdala niyan? Nasaan si Sonia?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Enrique.Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil lumingon sa akin ang babaeng kasama nito na agad naningkit ang mga mata nang makita at mamukhaan ako. Tiyak na aawayin niya ako. Hay naku. Katatapos ko pa nga lang makipagsagutan kanina kay Enrique ngayon naman ay mapapalaban akong muli sa girlfriend niya.Aleya's POVSaglit lamang na tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama ni Enrique na naliligo sa pool. Natatandaan kong siya ang babaeng nakabangga sa kotse ko noong unang beses na nagkita kami ng binata. Hindi maganda ang paghaharap namin ng babaeng ito kaya natitiyak ko na hinding-hindi niya papalalagpasin ang sandaling ito na makaganti sa akin."Ano ang ginagawa rito ng babaeng iyan?" narinig kong tanong kay Enrique ng babae."She's my bodyguard," mabilis namang tugon ng binata."Ano? Isa lang pala siyang bodyguard tapos kung makaasta ay parang may-ari ng PNP," nang-iinsultong sabi ng babae kay Enrique. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at nagkunwari na lang akong walang narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong paglilipat ng mga pagkaing nasa tray papunta sa mesa."C'mon, Shirley. Nagpunta ka rito para samahan akong maligo at hindi para mang-away ng isang bodyguard," anang binata sa babae na Shirley pala ang pangalan."No. Hindi ako makakapayag na hindi mailagay s
Aleya's POVPagpasok ko sa loob ng silid ni Enrique ay nakita ko siyang nakasuot ng maikling short habang nakadapa sa ibabaw ng kama nito at nakapikit ang mga mata ngunit hindi naman ito mukhabg tulog at talagang nakapikit lamang ang mga mata. Mamasa-masa pa ang buhok nito. Mapaismid ako ng makita kong wala sa kuwarto nito si Shirley. Mukhang nabadtrip sa akin ang girlfriend nito kaya umuwi ng maaga. "Anong kailangan mo sa akin, Mr. Villareal?" agad kong tanong sa kanya. Hindi na ako kumatok sa pintuan dahil nakabukas naman iyon na para bang sinadya talagang ibukas para hindi na ako kumatok."Multo ka ba at bigla-bigla ka na lamang dumarating ng walang kilatis?" nagulat na tanong ng binata na biglang napamulat ng mga mata.Pinaikot ko paitaas ang aking mga mata bago ko siya sinagot. "Natural na hindi mo nakita at naramdaman ang pagpasok ko dahil nakapikit ka at natutulog.""I'm not sleeping. Ang sabihin mo ay para kang magnanakaw na magaan ang mga paa. Hindi naman yata police ang tra
Aleya's POVMaganda ang mood na gumising ako sa araw na ito. Kahit na tinanghali ako ng gising ay hindi umalis si Enrique sa bahay nila. Ewan kung anong hangin ang nalanghap nito at hindi ito umaalis ng bahay nitong mga nakalipas na araw. Hindi na rin umulit na nagpunta rito ang girlfriend nito na ang hula ko ay hiniwalayan ng binata. Ganoon naman ito palagi. Halos Linggo-linggo ito kung magpalit ng nobya. Paborito yata nito ang kanta ni Imelda Papin na Isang Linggong Pag-ibig kaya ginagaya nito ang title ng nasabing kanta. Mas pabor sa akin na palaging nag-stay lamang sa bahay nila ang binata dahil hindi ako mahihirapan at mapapagod sa kakabuntot sa kanya at mas nakakasiguro ako na ligtas siya kapag nandito lamang siya sa bahay nila. Isa pa sa nagpapaganda ng mood ko ay day off ko ngayong araw. Ang sabi sa akin ni Sir Erman ay day off ko every Saturday para naman daw makapagpahinga ako ng maayos at makapag-exercise na rin. Mamaya pag-alis ko ay pupunta ako sa gym na itinayo ni Ninon
Aleya's POVNasa loob ako ng isang disco bar at kasama ko si Deo. Dito kami madalas tumambay lalo na nang nag-aaral pa lamang kami sa kolehiyo. Tatlo kaming tumatambay rito noon. Ako, si Deo at Castor na noon ay boyfriend ko pa. Pero nang natuklasan ko na niloloko niya ako dahil kabi-kabila pala ang girlfriend nito ay hindi na kami madalas nagpupunta sa bar na ito. At pag nagpunta man ay dalawa na lamang kami ni Deo. Pero nang umalis ang kaibigan ko papuntang ibang bansa para sumali sa world training ng mga kapulisan ay hindi pa ako nagpupunta ulit dito."Mabuti at pinayagan ka ng alaga mo na umalis ngayon," malakas ang boses na kausap sa akin ni Deo habang nakaupo kami sa pangdalawahang upuan at umiinom ng beer. Kapag mag-uusap kami ay inilalapit namin ang aming mukha sa isa't isa para magkarinigan kami dahil malakas ang tugtog ng kumakantang live band sa stage."Wala siyang magagawa kung umalis ako dahil day off ko ngayon. Ang daddy niya ang nagbigay ng pahintulot sa akin na mag-day
Aleya's POVItinulak ko palayo sa akin si Enrique nang sumugod ang isang kasamahan ng lalaking nagtangkang pumukpok ng bote sa binata. Hindi lang pala ito nag-iisa dahil may kasama pa pala itong tatlong lalaki. Katulad ng unang lalaki ay may hawak din na mga bote ang tatlo tapos sumugod sa amin para tulungan ang kasamahan nila.Hindi tinamaan si Enrique ng bote dahil mabilis ko siyang naitulak bago pa man ito tamaan sa ulo. Nasalag ko ang kamay ng lalaking may hawak na bote at ubod-lakas kong binaliti papunta sa likuran niya ang kamay niya kasabay ng pagsipa ng malakas sa dibdib ng isa namang kasamahan nito na sumugod din sa akin. Tila naman naduwag ang isang kasamahan nila at biglang napaatras. Mabilis namang nakabawi ang lalaking hawak ko at gamit ang kaliwang kamay ay siniko niya ako sa sikmura. Nakaramdam ako ng sakit at panghihina dahil sa ginawa nito at sinamantala naman ng unang lalaking sumugod ang aking panghihina at binigyan ako ng malakas na sipa. Tumilapon ako sa ilalim n
Aleya's POVInip na inip na ako habang nakatayo sa isang sulok ng nagaganap na birthday party ng ama ni Dave na isa sa mga kaibigan ni Enrique. Dumalo ito sa party kaya kailangang kasama niya ako. At dahil party ang pupuntahan namin ay obligadong magsuot ako ng formal attire para naman hindi ako magmukhang basura sa paningin ng mga bisita. Wala akong choice kundi magsuot ng dress kahit isa sa pinakaayaw kong isuot na damit ay ang dress. Maraming mga babae ang gustong-gustong magsuot ng ganitong damit ngunit hindi ako. Para sa akin ay magiging kaabalahan lamang ang suot ko kapag may mga kalaban akong makasagupa. Hindi na mabilang ang aking buntong-hininga habang sinunsundan ng aking tingin ang bawat galaw ni Enrique na ngayon ay enjoy na enjoy sa company ng kasama nitong magandang babae na nakilala lang nito kanina. Akala ko ay nagseselos ito kay Deo dahil parang nagseselos ang tono nito habang nagsasalita ngunit nagkamali ako. Dahil nang mga sumunod na araw ay wala naman itong pakia
Aleya's POVNakakunot ang noo ni Enrique habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Castor. "Do you know this guy, Aleya?" seryoso ang mukha na tanong niya sa akin sabay turo kay Castor na nakakaloko ang ngisi habang sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Of course, kilala niya ako, Mr. Villareal. Because I am her ex-boyfriend who dumped her many years ago," mabilis na sagot ni Castor na nakataas ang noo. Tila ipinagmamalaki nito na nakipaghiwalay siya sa akin samantalang ako naman ang nakipaghiwalay sa kanya nang nalaman ko na hindi lang pala ako ang kanyang nobya.Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Enrique at ang paggalaw ng adam's apple nito tanda na hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Castor. Akmang ibubuka na nito ang bibig para siguro ipagtanggol ako ngunit mabilis ko na siyang inunahan sa pagsasalita. Walang kinalaman ang kahit sino sa anumang nangyari sa amin ni Castor noon kaya dapat ako lamang ang makipagharap sa ex-boyfriend kong feeling ang guwa
Aleya's POVKahit na hindi ako masyadong nakatulog nang nakaraang gabi dahil sa pag-iisip sa namagitang saglit na halik sa amin ni Enrique ay maaga pa rin akong nagising. Hindi ko alam kung matatandaan niya ang ginawa niya kagabi dahil lasing na lasing siya ngunit lihim kong idinadalangin na sana ay hindi niya matandaan ang nangyari kagabi. Dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sakaling naaalala niya ang lahat. Baka tuluyan nga akong mag-resign bilang bodyguard niya na siyang gustong-gusto nitong mangyari.Kaagad kong tiningnan ang cellphone ko para makita ko ang location ni Enrique. Hindi pa rin gumagalaw ang pulang bilog na tanda ng tracking device na inilagay ko sa likuran ng mamahaling relo ng binata. Dahil tulog pa naman ito at natitiyak ko na mayamaya pa ito gigising kaya walang pagmamadaling naligo ako sa banyo.Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa sala si Gigi na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. "Good morning, Ate Aleya. Mukhang hindi ka nakatulog n
Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P
Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti
Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang