Aleya's POVNasa loob ako ng isang disco bar at kasama ko si Deo. Dito kami madalas tumambay lalo na nang nag-aaral pa lamang kami sa kolehiyo. Tatlo kaming tumatambay rito noon. Ako, si Deo at Castor na noon ay boyfriend ko pa. Pero nang natuklasan ko na niloloko niya ako dahil kabi-kabila pala ang girlfriend nito ay hindi na kami madalas nagpupunta sa bar na ito. At pag nagpunta man ay dalawa na lamang kami ni Deo. Pero nang umalis ang kaibigan ko papuntang ibang bansa para sumali sa world training ng mga kapulisan ay hindi pa ako nagpupunta ulit dito."Mabuti at pinayagan ka ng alaga mo na umalis ngayon," malakas ang boses na kausap sa akin ni Deo habang nakaupo kami sa pangdalawahang upuan at umiinom ng beer. Kapag mag-uusap kami ay inilalapit namin ang aming mukha sa isa't isa para magkarinigan kami dahil malakas ang tugtog ng kumakantang live band sa stage."Wala siyang magagawa kung umalis ako dahil day off ko ngayon. Ang daddy niya ang nagbigay ng pahintulot sa akin na mag-day
Aleya's POVItinulak ko palayo sa akin si Enrique nang sumugod ang isang kasamahan ng lalaking nagtangkang pumukpok ng bote sa binata. Hindi lang pala ito nag-iisa dahil may kasama pa pala itong tatlong lalaki. Katulad ng unang lalaki ay may hawak din na mga bote ang tatlo tapos sumugod sa amin para tulungan ang kasamahan nila.Hindi tinamaan si Enrique ng bote dahil mabilis ko siyang naitulak bago pa man ito tamaan sa ulo. Nasalag ko ang kamay ng lalaking may hawak na bote at ubod-lakas kong binaliti papunta sa likuran niya ang kamay niya kasabay ng pagsipa ng malakas sa dibdib ng isa namang kasamahan nito na sumugod din sa akin. Tila naman naduwag ang isang kasamahan nila at biglang napaatras. Mabilis namang nakabawi ang lalaking hawak ko at gamit ang kaliwang kamay ay siniko niya ako sa sikmura. Nakaramdam ako ng sakit at panghihina dahil sa ginawa nito at sinamantala naman ng unang lalaking sumugod ang aking panghihina at binigyan ako ng malakas na sipa. Tumilapon ako sa ilalim n
Aleya's POVInip na inip na ako habang nakatayo sa isang sulok ng nagaganap na birthday party ng ama ni Dave na isa sa mga kaibigan ni Enrique. Dumalo ito sa party kaya kailangang kasama niya ako. At dahil party ang pupuntahan namin ay obligadong magsuot ako ng formal attire para naman hindi ako magmukhang basura sa paningin ng mga bisita. Wala akong choice kundi magsuot ng dress kahit isa sa pinakaayaw kong isuot na damit ay ang dress. Maraming mga babae ang gustong-gustong magsuot ng ganitong damit ngunit hindi ako. Para sa akin ay magiging kaabalahan lamang ang suot ko kapag may mga kalaban akong makasagupa. Hindi na mabilang ang aking buntong-hininga habang sinunsundan ng aking tingin ang bawat galaw ni Enrique na ngayon ay enjoy na enjoy sa company ng kasama nitong magandang babae na nakilala lang nito kanina. Akala ko ay nagseselos ito kay Deo dahil parang nagseselos ang tono nito habang nagsasalita ngunit nagkamali ako. Dahil nang mga sumunod na araw ay wala naman itong pakia
Aleya's POVNakakunot ang noo ni Enrique habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Castor. "Do you know this guy, Aleya?" seryoso ang mukha na tanong niya sa akin sabay turo kay Castor na nakakaloko ang ngisi habang sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Of course, kilala niya ako, Mr. Villareal. Because I am her ex-boyfriend who dumped her many years ago," mabilis na sagot ni Castor na nakataas ang noo. Tila ipinagmamalaki nito na nakipaghiwalay siya sa akin samantalang ako naman ang nakipaghiwalay sa kanya nang nalaman ko na hindi lang pala ako ang kanyang nobya.Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Enrique at ang paggalaw ng adam's apple nito tanda na hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Castor. Akmang ibubuka na nito ang bibig para siguro ipagtanggol ako ngunit mabilis ko na siyang inunahan sa pagsasalita. Walang kinalaman ang kahit sino sa anumang nangyari sa amin ni Castor noon kaya dapat ako lamang ang makipagharap sa ex-boyfriend kong feeling ang guwa
Aleya's POVKahit na hindi ako masyadong nakatulog nang nakaraang gabi dahil sa pag-iisip sa namagitang saglit na halik sa amin ni Enrique ay maaga pa rin akong nagising. Hindi ko alam kung matatandaan niya ang ginawa niya kagabi dahil lasing na lasing siya ngunit lihim kong idinadalangin na sana ay hindi niya matandaan ang nangyari kagabi. Dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sakaling naaalala niya ang lahat. Baka tuluyan nga akong mag-resign bilang bodyguard niya na siyang gustong-gusto nitong mangyari.Kaagad kong tiningnan ang cellphone ko para makita ko ang location ni Enrique. Hindi pa rin gumagalaw ang pulang bilog na tanda ng tracking device na inilagay ko sa likuran ng mamahaling relo ng binata. Dahil tulog pa naman ito at natitiyak ko na mayamaya pa ito gigising kaya walang pagmamadaling naligo ako sa banyo.Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa sala si Gigi na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. "Good morning, Ate Aleya. Mukhang hindi ka nakatulog n
Aleya's POVHabang nagkakasiyahan sina Enrique sa sala kasama ang mga kaibigan nito at ang sinasabing girlfriend nito na walang iba kundi ang babaeng Jessica pala ang pangalan ay ipinasya kong maglibot sa paligid ng kabahayan para mag-inspection. Baka kasi may nagmamanman na mga tao sa labas ng bahay at naghihintay lamang ng tamang pagkakataon para umatake. Nilibot ko ang labas ng malaking bahay ng mga Villareal at natuwa ako ng makita kong wala namang kahina-hinalang tao na umaaligid sa paligid. "Talasan ninyo ang inyong mga mata para kapag may naispatan kayong tao na kahina-hinala ang kilos ay mai-report niyo agad sa akin," utos ko sa ilang guwardiya na nakatayo sa guard house na malapit sa mataas na gate ng mga Villareal."Huwag kang mag-alala, Aleya. Hindi makakalusot sa matatalas naming mga mata kung may kahina-hinalang tao," nakangiting sagot ni Resto na siyang pinaka-pinuno ng mga guwardiya roon."Good," nasisiyahang tugon ko sa kanya. Natutuwa ako na hindi na ito naiilang na
Aleya's POVNapabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan kong kama nang pagmulat ko ay nakita ko sa labas ng bintana ang mataas na sikat ng araw. Halos umaga na ako nakatulog dahil sa pag-iisip sa mga sinabi kahapon ni Enrique. Agad kong tiningnan ang cellphone ko para makita kung nasa bahay lang ba ang binata. Napamura ako ng malakas nang matuklasang umalis ito. Ang nakalagay kasi na address kung saan naroon ang tracking device ay wala rito sa bahay kundi nasa labas. Dali-dali akong naligo at nagbihis pagkatapos ay isinukbit ko ang baril ko sa baywang ng suot kong pantalon bago ako lumabas sa silid ko."Sonia, kanina pa ba umalis si Mr. Villareal?" tanong ko sa katulong nang makasalubong ko siya sa sala."Kanina pa. Aleya. Kasama niya si Sir Lincon. Tinanong ko siya kung gigisingin kita dahil nga may lakad siya pero ang sabi niya ay huwag daw. Ipinagbawal din niyang huwag kang gisingin kapag nakaalis na siya at hayaan ka lang daw namin na matulog," sumbong nito sa akin. Naikuyom ko ang
Aleya's POVBigla akong napatayo sa aking kinauupuan nang makita kong tumayo ang limang kalalakihan matapos makitang tumayo sina Enrique at Lincon sa kanilang kinauupuan. Nang maglakad palabas ang dalawa ay naglakad namang palapit sa kanila ang limang kalalakihan. Mukhang isasakatuparan na nila ang kanilang masamang binabalak gawin. Agad akong humarang sa daraanan ng dalawa at matalim ang tingin na tiningnan ko ang limang kalalakihan na naglalakad sa dalawang binata na sa malas ay tila walang kaalam-alam sa panganib na nakaamba sa kanilang buhay. Nang makita kong tumakbo palapit kay Enrique ang isang lalaki na may hawak na patalim ay patakbo rin akong lumapit sa kanya. Halos sabay lamang kaming nakalapit sa binata ng lalaki at kasabay ng pag-unday niya ng saksak kay Enrique ay ang pagtulak ko naman sa binata. Dahil may tama na ng alak sina Enrique at Lincon kaya parehong bumagsak sa sahig ng itinulak ko ang binata papunta sa kaibigan nito.Hindi inaasahan ng lalaking nagtangkang sumak
Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P
Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti
Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang