"Mga pakialamero!" galit na sigaw ng lalaking nasa ibabaw kanina ng katawan nang kapatid ni Enrique. Matapos makatayo mula sa pagkakahulog sa kama ay dinampot nito ang isang di-kalakihang lampshade at dinaluhong si Enrique na nananatiling nakayakap pa rin sa kapatid na babae. Ngunit mabilis na nakailag ang binata at hinila ako sa braso pagkatapos ay itinulak papunta sa harapan nito nang akmang muli na naman ihahataw dito ng lalaking kaharap nito ang hawak na lampshade.
Nagulat ako sa ginawa ni Enrique. At ginawa pa talaga akong pangharang sa kanya. Napaka-ungentleman talaga ng kumag na ito. Mabuti na lang at mabilis akong kumilis kaya nasalag ko ang lampshade at binigyan ng isang malakas na sipa sa sikmura ang lalaki. Tumilapon ito pahiga sa ibabaw ng kama habang namimilipit sa sakit."Nice kick," puri sa akin ni Enrique ngunit nang-iinis naman ang tono at ang paraan ng pagkakangiti niya sa akin. Inirapan ko lamang siya at nagpatiunang lumabas sa silid na iyon. Agad namang sumunod sa akin ang magkapatid at iniwan ang lalaking hindi pa rin makabawi sa sakit na nararamdaman.Ito ang kakaibang katangian ko kaysa sa ibang mga babae pulis. Malakas ang aking sipa at suntok kumpara sa kanila. Madalas nga ay tinutukso ako ng mga kasamahan kong pulis na malakas daw akong sumipa na parang kabayo. At hindi raw pang-babae ang suntok ko. Tinatawag din nila akong small but terrible dahil sa height kong five inches and four feet tall ay kaya kong patumbahin ang isang lalaking six footer. Hindi naman ako naaasar kapag tinutukso nila ako ng ganyan dahil para sa akin ay advantage ko iyan. Kaya kong lumaban sa mga kalaban ko dahil sa aking liksi at lakas na hindi pang-babae."Bakit ka sumama sa lalaking iyon na pumasok sa motel, Gigi?" galit na sita ni Enrique sa kapatid nang makabalik na kami sa loob ng kotse nito."Ikaw ba ang bagong bodyguard ni Kuya Enrique?" nakangiting tanong sa akin ni Gigi sa halip na sagutin ang tanong ng kuya nito. "Ang cool mo kanina. Ang lakas ng sipa mo. Ni hindi man lang nagawang makabangon ni Alfonso sa sobrang lakas ng pagkakasipa mo sa kanya," ani pa ni Gigi. Halatado sa mukha ang paghangang nararamdaman para sa akin."Kinakausap kita, Girly Gina," mariing wika ni Enrique. Totoong galit na ang hitsura nito kaya biglang napayuko ang kapatid nito. Mabilis ko namang pinasibad palabas ng garahe nang motel ang kotse."Malay ko ba na lalagyan niya ng pampatulog ang juice na ibinigay niya sa akin. Nagdi-discuss lamang kami sa loob ng coffee shop tungkol sa thesis namin tapos bigla akong nakaramdam ng antok. Nang magising ako ay buhat-buhat na niya ako at nasa loob na kami ng motel. Mabuti nga at nakita ko pa ang number ng kuwarto na pinasok namin saka nai-share ko sa'yo ang location ko dahil nagpanggap pa rin akong tulog habang may kinakausap naman siya sa kanyang cellphone," mahabang paliwanag ni Gigi sa nakatatandang kapatid."Sa susunod ay siguraduhin mong mabuting tao ang sasamahan mo para hindi ka mapapahamak, okay?" sermon pa rin ni Enrique sa kapatid."Yes, Kuya," nakayukong sagot nito. Mayamaya ay biglang umangat ang ulo nito at nakangiting tiningnan ako. "Himala yata na babae ang bodyguard ngayon ni Kuya. Kapag pinasakit niya ang ulo mo ay patikimin mo ng suntok. Lahat ng mga nagiging bodyguard niya ay natatakot sa kanya kaya natatakasan niya kaya sana ay hindi ka matakot sa kanya. Ipakita mo na magaling ka at kaya mo siyang i-handle."Napailing na lamang ako sa bilis ng pagbabago ng kanyang mood. Hindi ko rin naiwasang mapangiti sa kanyang sinabi. Talagang makakatikim sa akin ang kuya niya kapag masyado niyang pinasakit ang aking ulo."Shut up your mouth kung ayaw mong makarating kay Daddy itong nangyari sa'yo," nandidilat ang mga matang saway ni Enrique sa kapatid na biglang nanahimik sa kinauupuan nito.Hanggang sa makabalik kami sa bahay nila ay naging tahimik ang loob ng kotse. Pagkapasok naming tatlo sa loob ng bahay nila ay nginitian ako ni Gigi."Fighting!" malawak ang pagkakangiting sabi sa akin ni Gigi bago nagtatakbo paakyat sa silid nito. Napangiti na lamang at napailing habang sinusundan siya ng tingin. Mukhang magkakasundo kami ng kapatid ni Gigi. Hindi katulad ng kuya nito na mukhang araw-araw yata kaming magbabangayan. Akmang maglalakad na ako papunta naman sa silid ko nang bigla akong hawakan ni Enrique sa aking siko."Saan ka pupunta?"Pinaikot ko muna ang eyeball ko bago ko sinagot ang obvious niyang tanong. "Saan pa ba ako pupunta kundi sa silid ko, Mr. Villareal? Gabi na at oras na ng pagtulog kaya ano pa ba ang gagawin ko? Don't tell me na may balak ka pang lumabas ngayon?" inis ang boses na tanong ko sa kanya. Wala yatang balak ang lslaking ito na papagpahingahin ako."Hindi ako nag-enjoy sa bar kaya samahan mo akong uminom," utos niya sa akin. Bago pa ako makatanggi ay mabilis na niya akong nahila papunta sa loob ng kuwarto niya."Ano na naman bang kalokohan ang binabalak mo, Mr. Villareal? Binabalaan ki—""Relax, Aleya. I just want you to join me drinking my wine," naiiling na wika ni Enrique. Kumuha ito ng isang bote ng mamahaling alak mula sa lagayan nito ng mga alak at nagsalin sa dalawang baso pagkatapos ay ibinigay sa akin."Alam ko ang binabalak mo,Mr. Villareal. Lalasingin mo ako para kapag nalasing na ako ay makakatakas ka na sa akin," seryoso ang mukha na sabi ko sa kanya."Pangako, hindi ako tatakas, Aleya. Gusto ko lang talagang uminom tayong dalawa," nakatitig sa mukha ko na sabi niya sa akin.Dahan-dahang lumapit si Enrique sa akin habang may nang-aakit na tingin. Kahit na halos isang dangkal na lamang ang pagitan namin ay hindi pa rin siya tumigil sa paglapit kaya no choice ako kundi ang umatras hanggang sa wala na akong maatrasan."Okay. Okay. Iinom na ako kaya puwede bang lumayo ka na sa akin?" natatarantang pagsuko ko. Mukhang hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko pinagbibigyan ang gusto niya kaya pagbibigyan ko na siya."Iyan ang gusto ko. So, bottoms up tayo. Kung sino ang maunang malasing ang siyang talo," nakangising hamon niya sa akin pagkatapos bahagyang umatras. Nababasa ko sa kanyang mga ngiti na talagang may binabalak siyang hindi maganda."Iinom ako ngunit may kundisyon.""What is it?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.Umupo ako sa gilid ng kama pagkatapos ay nagkunwari akong tinatanggap ang hawak niyang baso na may laman na alak. Ngunit sa halip na ang baso ang hawakan ko ay hinila ko ang kamay niya at sa mabilis na kilos ay nagawa kong lagyan ng posas ang kamay niya't ikinabit sa bakal na gilid ng kama nito."Ayan. Puwede na tayong mag-inuman," nakangiting sabi ko. Akala yata niya ay maiisahan niya ako. No way! Kinuha ko ang basong nasa isa niyang kamay at pagkatapos ay pinag-pingki sa basong hawak naman ng isa nitong kamay. "Cheers!""Damn you, lady! Alisin mo ang pagkaka-posas ng kamay ko ngayon din," mariing utos niya sa akin."Sorry, Mr. Villareal. Wala sa akin ang susi kundi nasa loob ng silid ko. Posas lamang ang dala-dala ko palagi," mabilis kong sagot sa kanya pagkatapos ay sumimsim ako ng alak na ibinigay niya. Masarap ang alak at humahagod sa lalamunan ko ang init. Masarap talaga kapag mamahalin ang isang alak.Napamura na lamang ng malakas si Enrique at walang nagawa kundi ang umupo na lang din sa gilid ng kama nito."I admit na naisahan mo ako ngayon. Akala ko ay magagawa kitang lasingin para makatakas ako pero naunahan mo ako," naiiling na wika nito habng may pagsuko sa boses. Inisang lagok lamang nito ang alak at pagkatapos ay inutusan akong kunin ang bote ng alak na nasa mesa para muling salinan ang baso niyang walang laman.Nasarapan ako sa alak kaya medyo naparami ako ng inom. Kumpiyansa naman kasi ako na hindi magagawang makatakas ni Enrique kaya hinayaan ko ang aking sarili na magpakasarap sa alak."Naubos na natin ang laman ng bote kaya pupunta na ako sa aking silid," paalam ko kay Enrique. Umiikot na ang pakiramdam ko dahil sa nainom kong alak kaya kailangan ko ng matulog."Sandali lang," mabilis na pigil niya sa akin nang tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Hinila niya ako sa braso para muling umupo ngunit biglang napalakas ang pagkakahila niya sa akin. At dahil sa kalasingan naman ay tila wala akong lakas kaya bigla akong bumagsak sa kama kasama ang katawan ni Enrique na biglang napailalim sa katawan ko.Hindi ko nagawang makabangon dahil ang kamay niyang nakahawak kanina sa braso ko ay nakayakap na ngayon ng mahigpit sa aking katawan."B-Bitiwan m-mo ako, E-Enrique," nauutal na sabi ko sa kanya. Shit! Hindi ko alam kumg bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso sa pagkakadikit ng aming mga katawan. Bigla ring nakaramdam ng kakaibang init ang katawan ko. Dala lamang ito ng alak na nainom ko kaya ito ang nararamdaman ko."No, Aleya. You're very beautiful," medyo garil ang boses na sabi sa akin ni Enrique. Umangat ang kamay nito at hinaplos ng isang kamay ang aking pisngi. "I want to kiss you," mahina ang boses na wika niya habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mukha niya. Napatitig ako sa mga labi niyang mapupula na tila nag-aanyayang halikan ko. My gosh! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman at iniisip ko sa kanya?Aleya's POVBago pa lumapat ang mga labi ni Enrique sa aking mga labi ay agad ng bumalik sa tama ang aking pag-iisip. Iniuntog ko ng malakas ang aking noo sa noo niya pagkatapos ay mabilis akong bumangon mula sa pagkakadagan sa katawan niya. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas sa kuwarto niya. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa kuwarto niya nang bigla akong mapakunot ng noo. Weird yata na hindi man lang nag-react si Enrique sa ginawa ko. Sa ugali niya ay tiyak na nakatanggap na ako ngayon ng hindi magagandang salita ngunit ngayon ay tila tahimik yata ito. Nilingon ko siya para makita kung ano ang ginagawa niya. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakapikit ang kanyang mga mata habang walang katinag-tinag sa higaan na para bang hindi na ito humihinga."What the heck! Did I killed him with just a simple head bang?" kausap ko sa aking sarili. Agad akong lumapit sa kanya at dinama ang kanyang leeg habang itinapat ko naman ang aking tainga sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nakahing
Aleya's POVSaglit lamang na tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama ni Enrique na naliligo sa pool. Natatandaan kong siya ang babaeng nakabangga sa kotse ko noong unang beses na nagkita kami ng binata. Hindi maganda ang paghaharap namin ng babaeng ito kaya natitiyak ko na hinding-hindi niya papalalagpasin ang sandaling ito na makaganti sa akin."Ano ang ginagawa rito ng babaeng iyan?" narinig kong tanong kay Enrique ng babae."She's my bodyguard," mabilis namang tugon ng binata."Ano? Isa lang pala siyang bodyguard tapos kung makaasta ay parang may-ari ng PNP," nang-iinsultong sabi ng babae kay Enrique. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at nagkunwari na lang akong walang narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong paglilipat ng mga pagkaing nasa tray papunta sa mesa."C'mon, Shirley. Nagpunta ka rito para samahan akong maligo at hindi para mang-away ng isang bodyguard," anang binata sa babae na Shirley pala ang pangalan."No. Hindi ako makakapayag na hindi mailagay s
Aleya's POVPagpasok ko sa loob ng silid ni Enrique ay nakita ko siyang nakasuot ng maikling short habang nakadapa sa ibabaw ng kama nito at nakapikit ang mga mata ngunit hindi naman ito mukhabg tulog at talagang nakapikit lamang ang mga mata. Mamasa-masa pa ang buhok nito. Mapaismid ako ng makita kong wala sa kuwarto nito si Shirley. Mukhang nabadtrip sa akin ang girlfriend nito kaya umuwi ng maaga. "Anong kailangan mo sa akin, Mr. Villareal?" agad kong tanong sa kanya. Hindi na ako kumatok sa pintuan dahil nakabukas naman iyon na para bang sinadya talagang ibukas para hindi na ako kumatok."Multo ka ba at bigla-bigla ka na lamang dumarating ng walang kilatis?" nagulat na tanong ng binata na biglang napamulat ng mga mata.Pinaikot ko paitaas ang aking mga mata bago ko siya sinagot. "Natural na hindi mo nakita at naramdaman ang pagpasok ko dahil nakapikit ka at natutulog.""I'm not sleeping. Ang sabihin mo ay para kang magnanakaw na magaan ang mga paa. Hindi naman yata police ang tra
Aleya's POVMaganda ang mood na gumising ako sa araw na ito. Kahit na tinanghali ako ng gising ay hindi umalis si Enrique sa bahay nila. Ewan kung anong hangin ang nalanghap nito at hindi ito umaalis ng bahay nitong mga nakalipas na araw. Hindi na rin umulit na nagpunta rito ang girlfriend nito na ang hula ko ay hiniwalayan ng binata. Ganoon naman ito palagi. Halos Linggo-linggo ito kung magpalit ng nobya. Paborito yata nito ang kanta ni Imelda Papin na Isang Linggong Pag-ibig kaya ginagaya nito ang title ng nasabing kanta. Mas pabor sa akin na palaging nag-stay lamang sa bahay nila ang binata dahil hindi ako mahihirapan at mapapagod sa kakabuntot sa kanya at mas nakakasiguro ako na ligtas siya kapag nandito lamang siya sa bahay nila. Isa pa sa nagpapaganda ng mood ko ay day off ko ngayong araw. Ang sabi sa akin ni Sir Erman ay day off ko every Saturday para naman daw makapagpahinga ako ng maayos at makapag-exercise na rin. Mamaya pag-alis ko ay pupunta ako sa gym na itinayo ni Ninon
Aleya's POVNasa loob ako ng isang disco bar at kasama ko si Deo. Dito kami madalas tumambay lalo na nang nag-aaral pa lamang kami sa kolehiyo. Tatlo kaming tumatambay rito noon. Ako, si Deo at Castor na noon ay boyfriend ko pa. Pero nang natuklasan ko na niloloko niya ako dahil kabi-kabila pala ang girlfriend nito ay hindi na kami madalas nagpupunta sa bar na ito. At pag nagpunta man ay dalawa na lamang kami ni Deo. Pero nang umalis ang kaibigan ko papuntang ibang bansa para sumali sa world training ng mga kapulisan ay hindi pa ako nagpupunta ulit dito."Mabuti at pinayagan ka ng alaga mo na umalis ngayon," malakas ang boses na kausap sa akin ni Deo habang nakaupo kami sa pangdalawahang upuan at umiinom ng beer. Kapag mag-uusap kami ay inilalapit namin ang aming mukha sa isa't isa para magkarinigan kami dahil malakas ang tugtog ng kumakantang live band sa stage."Wala siyang magagawa kung umalis ako dahil day off ko ngayon. Ang daddy niya ang nagbigay ng pahintulot sa akin na mag-day
Aleya's POVItinulak ko palayo sa akin si Enrique nang sumugod ang isang kasamahan ng lalaking nagtangkang pumukpok ng bote sa binata. Hindi lang pala ito nag-iisa dahil may kasama pa pala itong tatlong lalaki. Katulad ng unang lalaki ay may hawak din na mga bote ang tatlo tapos sumugod sa amin para tulungan ang kasamahan nila.Hindi tinamaan si Enrique ng bote dahil mabilis ko siyang naitulak bago pa man ito tamaan sa ulo. Nasalag ko ang kamay ng lalaking may hawak na bote at ubod-lakas kong binaliti papunta sa likuran niya ang kamay niya kasabay ng pagsipa ng malakas sa dibdib ng isa namang kasamahan nito na sumugod din sa akin. Tila naman naduwag ang isang kasamahan nila at biglang napaatras. Mabilis namang nakabawi ang lalaking hawak ko at gamit ang kaliwang kamay ay siniko niya ako sa sikmura. Nakaramdam ako ng sakit at panghihina dahil sa ginawa nito at sinamantala naman ng unang lalaking sumugod ang aking panghihina at binigyan ako ng malakas na sipa. Tumilapon ako sa ilalim n
Aleya's POVInip na inip na ako habang nakatayo sa isang sulok ng nagaganap na birthday party ng ama ni Dave na isa sa mga kaibigan ni Enrique. Dumalo ito sa party kaya kailangang kasama niya ako. At dahil party ang pupuntahan namin ay obligadong magsuot ako ng formal attire para naman hindi ako magmukhang basura sa paningin ng mga bisita. Wala akong choice kundi magsuot ng dress kahit isa sa pinakaayaw kong isuot na damit ay ang dress. Maraming mga babae ang gustong-gustong magsuot ng ganitong damit ngunit hindi ako. Para sa akin ay magiging kaabalahan lamang ang suot ko kapag may mga kalaban akong makasagupa. Hindi na mabilang ang aking buntong-hininga habang sinunsundan ng aking tingin ang bawat galaw ni Enrique na ngayon ay enjoy na enjoy sa company ng kasama nitong magandang babae na nakilala lang nito kanina. Akala ko ay nagseselos ito kay Deo dahil parang nagseselos ang tono nito habang nagsasalita ngunit nagkamali ako. Dahil nang mga sumunod na araw ay wala naman itong pakia
Aleya's POVNakakunot ang noo ni Enrique habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Castor. "Do you know this guy, Aleya?" seryoso ang mukha na tanong niya sa akin sabay turo kay Castor na nakakaloko ang ngisi habang sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Of course, kilala niya ako, Mr. Villareal. Because I am her ex-boyfriend who dumped her many years ago," mabilis na sagot ni Castor na nakataas ang noo. Tila ipinagmamalaki nito na nakipaghiwalay siya sa akin samantalang ako naman ang nakipaghiwalay sa kanya nang nalaman ko na hindi lang pala ako ang kanyang nobya.Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Enrique at ang paggalaw ng adam's apple nito tanda na hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Castor. Akmang ibubuka na nito ang bibig para siguro ipagtanggol ako ngunit mabilis ko na siyang inunahan sa pagsasalita. Walang kinalaman ang kahit sino sa anumang nangyari sa amin ni Castor noon kaya dapat ako lamang ang makipagharap sa ex-boyfriend kong feeling ang guwa
Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P
Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti
Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang