Aleya's Pov
"Dad? Are you kidding me? Bibigyan mo ako ulit ng panibagong bodyguard? At nagsawa na kayo sa mga lalaking bodyguard na ibinigay ninyo sa akin kaya isang babae naman ngayon ang kinuha mong bodyguard ko. Aren't you afraid that my new bodyguard will fell in love with me?"Papasok pa lamang ako sa gate ng malaking bahay ng mga Villareal ay dinig na dinig ko na ang malakas na boses ni Enrique habang kausap ang ama nito. Halatado na sobrang tutol ito na magkakaroon ito ng bagong bodyguard at isang babae pa. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag makita niya na ang magiging bagong bodyguard niya ay ang babaeng may-ari ng nabundol na kotse ng girlfriend niya at muntik ng pumutol sa kanyang kasiyahan. Tiyak na mas lalo lamang siyang tututol. Ngunit wala naman siyang magagawa kundi sundin ang ama niya. Sinigurado sa akin ni Senator Villareal na kahit anong gawin ko sa anak niya ay hindi niya ako sisisantehin sa trabaho at mas makabubuti nga raw kung mapatino ko ang anak niya. But I doubt it. Hindi ko kayang mapatino ang anak niya na sagad na yata hanggang buto ang pagiging babaero at good for nothing.Nakabukas ang pintuan papunta sa sala kaya dinig ko ang malakas na boses ni Enrique. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay kumatok pa rin ako kahit na nakabukas naman iyon. Magkasabay na napatingin sa akin ang mag-ama na may magkaibang ekspresiyon sa mukha nang makita ako. Nakangiti ang mukha ni Senator Villareal samantalang nakakunot naman ang noo ni Enrique at hindi maitago ang pagtataka sa mukha."Nandito ka na pala, Aleya. Get inside para magkakilala kayo ng anak ko," nakangiting paanyaya ni Senator Villareal sa akin."Ano ang ginagawa ng babaeng iya sa bahay natin, Dad? Do you know na halos muntik ng maputol ang lahi natin dahil sa kanya?" inis na tanong ni Enrique sa kanyang ama."I'm your new bodyguard, Mr. Villareal," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya. "And correction, hindi pa mapuputol ang lahi ninyo kahit na hindi ka magkaanak dahil may isa ka pang kapatid na lalaki," mabilis kong dugtong na lalong nagpatindi sa inis na nararamdaman ni Enrique sa akin."Mabuti naman at magkakilala na pala kayo ng anak ko, Aleya. Hindi ko na pala kailangan na ipakilala ko kayo sa isa't isa," nakangiting kausap sa akin ng senador at hindi pinansin ang sinabi ng anak nito na tila ba wala itong narinig. Mas lalo namang ikinainis ni Enrique ang tila pambabalewala ng ama sa sinabi nito."Hindi mo ba ako narinig, Dad? This woman hurts me yesterday," gigil na ang boses na sabi ni Enrique sa ama."I heard you, Enrique. I know na hindi gagawin ni Aleya ang kung ano man ang ginawa niya sa'yo kung hindi mo siya ginawan ng masama," pagtatanggol sa akin ni Senator Villareal sa halip na kampihan ang anak nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Enrique sa narinig. Hindi ito makapaniwala na mas kinampihan ng sariling ama ang isang estrangherang katulad ko kaysa rito na sariling anak ng senador. Natitiyak ko na lagpas na ceiling ng bahay nila ang inis niya sa akin."I'm sorry kung nasaktan kita kahapon, Mr. Villareal," paumanhin ko sa kanya. After all, he's still the son of my employer. Araw-araw kaming magkakasama at hindi magandang tingnan kung lagi kaming magbabangayan. "Pero kung mabi-behave ka lamang ay hindi aakto katulad ng ginawi mo kahapon ay magkakasundo tayo," dugtong ko sa aking sinabi. Gusto kong iparating sa kanya na hindi na niya dapat pang ulitin ang ginawa niya kung ayaw niyang tuluyan ko na siyang putulan ng kaligayahan."Narinig mo iyon, Dad? Inamin na niya na niyang sinaktan niya ako kahapon. Kaya ayokong maging bodyguard siya," nakangising sabi ni Enrique sa ama. Iniisip nito na tatanggalin ako sa trabaho ng ama nito dahil sa ginawa kong pag-amin."Magpakalalaki ka nga, Enrique. Babae na nga ang nag-sorry sa'yo ay umaakto ka naman na parang babaeng spoiled na ayaw tumanggap ng sorry," sermon nito sa anak habang napapailing."What? Ako pa ang pinagalitan mo, Dad? This is crazy! Sino ba ang anak mo sa aming dalawa?" medyo napataas ang boses na tanong ni Enrique sa kanyang ama."Stop it, Enrique! Puwede bang huwag mong pairalin ang pagiging childish mo? Kailangan mo ng bodyguard dahil may nagtatangka sa buhay mo at si Aleya ang gusto kong maging bodyguard mo. Period!" mataas na rin ang boses na sagot naman ni Senator Villareal sa anak nito."Okay. Kailangan ko ng bodyguard. Pero sa tingin mo ay kaya niya akong ipagtanggol, Dad? Baka nga mauna pang tumakbo at magtakbo ang Aleya na iyan kaysa sa akin kapag nakaharap niya ang mga tauhan ng taong nagtatangka sa buhay ko," hindi pa rin patatalo na wika naman ni Enrique pagkatapos ay tinapunan ako ng walang tiwalang tingin.Tama si Ninong. Mababa nga ang tingin niya sa akin at iisipin niya na hindi ko siya kayang ipagtanggol kapag nakaharap ko na ang mga nagtatangka sa buhay niya dahil isa akong babae. Bahala siya kung ano ang gustong isipin niya. Hindi ko ipagtatanggol ang aking sarili dahil mas maganda nga kung hindi ako ang magiging bodyguard niya. Hindi ko rin naman gusto na magtrabaho bilang bodyguard ng hambog na ito."Puwede ba, Enrique. Tumigil ka na, please. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi na magbabago pa ang aking isip. Si Aleya ang magiging bodyguard mo. Tapos ang usapan," final na wika ng ama nito pagkatapos ay tinawag ang isang katulong para samahan ako sa magiging kuwarto ko sa bahay na ito. Matapos magbilin sa katulong ay napapailing na naglakad na ito paakyat sa hagdan at hindi na pinansin ang pagtutol ng anak."Akala mo ay nagwagi ka laban sa akin? Puwes, nagkakamali ka. Dahil gagawin ko ang lahat para paalisin ka ni Daddy mula sa pagiging bodyguard ko," madilim ang mukha na kausap sa akin ni Enrique pagkatalikod ng ama nito."Suit yourself, Mr. Villareal. Dahil mas ikakatuwa ko kapag tinanggal ako ng ama mo bilang bodyguard mo," nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya bago ko siya tinalikuran para sumama sa katulong nila. Ngunit nakailang hakbang pa lamang ako nang bigla akong may naalalang sabihin sa kanya. Huminto ako at nilingon siya na nakasunod sa akin ang mga mata. "One more thing, Mr. Villareal. I just want you to know that I don't like being your bodyguard. Kung hindi mo ako gusto bilang bodyguard mo ay mas lalong hindi ko gusto na maging bodyguard mo. Hindi ko gustong sayangin ang oras ko sa pagbabantay sa isang easy-go-lucky at good for nothing na katulad mo," pahabol ko bago ko siya muling tinalikuran."Aleya, bumalik ka rito! Ulitin mo ang sinabi mo at makakatikim ka sa akin! Aleya!" galit na galit na sigaw ni Enrique ngunit hindi ko siya pinansin. Mas mabuti nga kung makakagawa siya ng paraan para alisin ako ng kanyang ama mula sa pagiging bodyguard niya. Pakiramdam ko kasi ay na-triple yata ang edad ko sa pakikipag-usap pa lamang sa kanya. Paano na lamang kapag nagtagal pa ako sa pagiging bodyguard niya? Baka mukhang otsenta na ang hitsura ko dahil sa malaking kunsumisyon ko sa kanya.Aleya's PovTamang-tama na katatapos ko pa lamang ayusin ang mga damit ko sa drawer nang kumatok sa pintuan ng silid ko si Carol; ang katulong na naghatid sa akin sa magiging kuwarto ko."Yes? Bakit, Carol?""Ipinapatawag po kayo ni Sir Enrique, Ma'am Aleya. Nasa swimming pool po siya at naliligo," agad nitong sagot sa akin. "Okay. Saglit lang at lalabas na ako," nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Siyanga pala, Carol. Huwag mo na akong tawaging ma'am dahil hindi naman ako isa sa mga amo mo. Katulad mo ay nagtatrabaho lang din ako sa bahay na ito at sinasahuran nila kaya pareho lamang tayo ng katayuan sa bahay na ito.""Pero parang nakakailang kung tatawagin lamang kita sa pangalan mo. Hindi ka kasi mukhang bodyguard ni Sir Enrique. Mas mukha kang girlfriend niya kaysa sa bodyguard. Ano kaya kung akitin mo si Sir para maging girlfriend ka niya talaga. Tiyak na hindi na siya magiging playboy kapag ikaw ang naging girlfriend niya."Napaubo ako ng mahina nang marinig ko ang sinabi ni
Aleya's POVNang makita kong wala na sa kinauupuan niya si Enrique ay agad akong naglakad papunta sa pintuan ngunit mabilis akong hinarang ng kaibigan niya."Hindi ka pa puwedeng umalis, Ms. Beautiful. Pero kapag ininom mo ang isang basong alak na ito ay hahayaan na kitang makalabas para masundan mo si Enrique," nakangising sabi sa akin ng kaibigan ni Enrique. Nagtawanan naman ang iba pang mga kaibigan nito habang nakatingin sa akin. Naghahamon ang kanilang tingin na para sinasabi nila na hindi ako makakalabas sa loob ng private na ito kung hindi ko nga iinumin ang alak na ibinibigay sa akin ng kaibigan nila.Napatikom ang aking mga labi ng mariin. Wala akong oras para makipaghamunan sa kanila. Kapag hindi pa ako lumabas ay baka tuluyang makatakas nga sa akin si Enrique. Kapag nangyari iyon ay hindi lamang ako ang mapapahiya kundi pati na rin si Ninong. Malaki kasi ang tiwala sa akin ni Ninong na hindi ako magagawang takasan ni Enrique katulad ng ginagawa nito sa mga naging bodyguard
"Mga pakialamero!" galit na sigaw ng lalaking nasa ibabaw kanina ng katawan nang kapatid ni Enrique. Matapos makatayo mula sa pagkakahulog sa kama ay dinampot nito ang isang di-kalakihang lampshade at dinaluhong si Enrique na nananatiling nakayakap pa rin sa kapatid na babae. Ngunit mabilis na nakailag ang binata at hinila ako sa braso pagkatapos ay itinulak papunta sa harapan nito nang akmang muli na naman ihahataw dito ng lalaking kaharap nito ang hawak na lampshade. Nagulat ako sa ginawa ni Enrique. At ginawa pa talaga akong pangharang sa kanya. Napaka-ungentleman talaga ng kumag na ito. Mabuti na lang at mabilis akong kumilis kaya nasalag ko ang lampshade at binigyan ng isang malakas na sipa sa sikmura ang lalaki. Tumilapon ito pahiga sa ibabaw ng kama habang namimilipit sa sakit."Nice kick," puri sa akin ni Enrique ngunit nang-iinis naman ang tono at ang paraan ng pagkakangiti niya sa akin. Inirapan ko lamang siya at nagpatiunang lumabas sa silid na iyon. Agad namang sumunod s
Aleya's POVBago pa lumapat ang mga labi ni Enrique sa aking mga labi ay agad ng bumalik sa tama ang aking pag-iisip. Iniuntog ko ng malakas ang aking noo sa noo niya pagkatapos ay mabilis akong bumangon mula sa pagkakadagan sa katawan niya. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas sa kuwarto niya. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa kuwarto niya nang bigla akong mapakunot ng noo. Weird yata na hindi man lang nag-react si Enrique sa ginawa ko. Sa ugali niya ay tiyak na nakatanggap na ako ngayon ng hindi magagandang salita ngunit ngayon ay tila tahimik yata ito. Nilingon ko siya para makita kung ano ang ginagawa niya. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakapikit ang kanyang mga mata habang walang katinag-tinag sa higaan na para bang hindi na ito humihinga."What the heck! Did I killed him with just a simple head bang?" kausap ko sa aking sarili. Agad akong lumapit sa kanya at dinama ang kanyang leeg habang itinapat ko naman ang aking tainga sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nakahing
Aleya's POVSaglit lamang na tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama ni Enrique na naliligo sa pool. Natatandaan kong siya ang babaeng nakabangga sa kotse ko noong unang beses na nagkita kami ng binata. Hindi maganda ang paghaharap namin ng babaeng ito kaya natitiyak ko na hinding-hindi niya papalalagpasin ang sandaling ito na makaganti sa akin."Ano ang ginagawa rito ng babaeng iyan?" narinig kong tanong kay Enrique ng babae."She's my bodyguard," mabilis namang tugon ng binata."Ano? Isa lang pala siyang bodyguard tapos kung makaasta ay parang may-ari ng PNP," nang-iinsultong sabi ng babae kay Enrique. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at nagkunwari na lang akong walang narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong paglilipat ng mga pagkaing nasa tray papunta sa mesa."C'mon, Shirley. Nagpunta ka rito para samahan akong maligo at hindi para mang-away ng isang bodyguard," anang binata sa babae na Shirley pala ang pangalan."No. Hindi ako makakapayag na hindi mailagay s
Aleya's POVPagpasok ko sa loob ng silid ni Enrique ay nakita ko siyang nakasuot ng maikling short habang nakadapa sa ibabaw ng kama nito at nakapikit ang mga mata ngunit hindi naman ito mukhabg tulog at talagang nakapikit lamang ang mga mata. Mamasa-masa pa ang buhok nito. Mapaismid ako ng makita kong wala sa kuwarto nito si Shirley. Mukhang nabadtrip sa akin ang girlfriend nito kaya umuwi ng maaga. "Anong kailangan mo sa akin, Mr. Villareal?" agad kong tanong sa kanya. Hindi na ako kumatok sa pintuan dahil nakabukas naman iyon na para bang sinadya talagang ibukas para hindi na ako kumatok."Multo ka ba at bigla-bigla ka na lamang dumarating ng walang kilatis?" nagulat na tanong ng binata na biglang napamulat ng mga mata.Pinaikot ko paitaas ang aking mga mata bago ko siya sinagot. "Natural na hindi mo nakita at naramdaman ang pagpasok ko dahil nakapikit ka at natutulog.""I'm not sleeping. Ang sabihin mo ay para kang magnanakaw na magaan ang mga paa. Hindi naman yata police ang tra
Aleya's POVMaganda ang mood na gumising ako sa araw na ito. Kahit na tinanghali ako ng gising ay hindi umalis si Enrique sa bahay nila. Ewan kung anong hangin ang nalanghap nito at hindi ito umaalis ng bahay nitong mga nakalipas na araw. Hindi na rin umulit na nagpunta rito ang girlfriend nito na ang hula ko ay hiniwalayan ng binata. Ganoon naman ito palagi. Halos Linggo-linggo ito kung magpalit ng nobya. Paborito yata nito ang kanta ni Imelda Papin na Isang Linggong Pag-ibig kaya ginagaya nito ang title ng nasabing kanta. Mas pabor sa akin na palaging nag-stay lamang sa bahay nila ang binata dahil hindi ako mahihirapan at mapapagod sa kakabuntot sa kanya at mas nakakasiguro ako na ligtas siya kapag nandito lamang siya sa bahay nila. Isa pa sa nagpapaganda ng mood ko ay day off ko ngayong araw. Ang sabi sa akin ni Sir Erman ay day off ko every Saturday para naman daw makapagpahinga ako ng maayos at makapag-exercise na rin. Mamaya pag-alis ko ay pupunta ako sa gym na itinayo ni Ninon
Aleya's POVNasa loob ako ng isang disco bar at kasama ko si Deo. Dito kami madalas tumambay lalo na nang nag-aaral pa lamang kami sa kolehiyo. Tatlo kaming tumatambay rito noon. Ako, si Deo at Castor na noon ay boyfriend ko pa. Pero nang natuklasan ko na niloloko niya ako dahil kabi-kabila pala ang girlfriend nito ay hindi na kami madalas nagpupunta sa bar na ito. At pag nagpunta man ay dalawa na lamang kami ni Deo. Pero nang umalis ang kaibigan ko papuntang ibang bansa para sumali sa world training ng mga kapulisan ay hindi pa ako nagpupunta ulit dito."Mabuti at pinayagan ka ng alaga mo na umalis ngayon," malakas ang boses na kausap sa akin ni Deo habang nakaupo kami sa pangdalawahang upuan at umiinom ng beer. Kapag mag-uusap kami ay inilalapit namin ang aming mukha sa isa't isa para magkarinigan kami dahil malakas ang tugtog ng kumakantang live band sa stage."Wala siyang magagawa kung umalis ako dahil day off ko ngayon. Ang daddy niya ang nagbigay ng pahintulot sa akin na mag-day
Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P
Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti
Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang