NAGMAMADALING pumasok sa pinto ng maliit na kwartong nirerentahan ni Mauve ang kaibigan niyang si Jhaz—short for Jazzel.
“Naku! Sorry, Mauve, Sinubukan ko namang bilisan pero sobrang traffic talaga. Bumaba na nga lang ako ng jeep at naglakad pauwi,” mabilis na paliwanag nito. Habang nakikinig sa paliwanag nito ay isinusokbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat. Male-late na siya sa trabaho. Masungit pa naman ang amo niyang intsik. Hinalikan niya ang tatlong gulang na kapatid na si Chin-chin bago hinarap si Jhaz. “Okay lang ‘yon. Sige, ikaw na ang bahala kay Chin-chin.” Hindi na niya hinintay na makasagot ang kaibigan.. Lumabas siya ng kwarto at nagtuloy-tuloy hanggang sa makarating sa labasan. Pinilit niyang burahin ang mga iniisip niya habang naghihintay ng jeep. Alam niya kung patuloy lang niyang iisipin ang mga ‘yon ay maaapektuhan lang ang trabaho niya. Kailangan niyang magtrabaho ng mabuti para may makain ang kanyang mga kapatid at may maipangbayad sa upa ng bahay. Magtatatlong buwan na silang hindi nakakapagbayad ng renta at pabalik-balik na rin si Aling Marites sa bahay para singilin sila. Nagbabanta na rin ito na palalayasin na sila kapag hindi pa siya nakapagbayad sa loob ng linggong iyon. Namasa ang mata niya dahil sa namumuong luha roon. Ikinurap-kurap niya ang mga iyon. Para sa kapakanan ni Chin-chin, ay hindi siya pwedeng mawalan ng pag-asa. Iyon ang paulit-ulitniyang itinatak sa isip niya. Nag-aabang siya ng jeep papuntang trabaho niya. Sobra nga ang traffic. Kalahating oras na nga siyang late nang bumaba siya ng jeep may ilang metro pa ang layo sa Chinese Restaurant na pinagtatrabahuan niya sa BGC. Kinakabahang tinakbo na niya ang natitirang distansya, hindi alintana ang aspaltadong kalsada. Nagulat siya nang makarinig ng malakas na busina mula sa likuran niya. Nawalan siya ng balanse, dahilan para matumba siya. Sindak na hinintay niya ang pagbagsak niya sa sanaw. Suot niya pa man din ang kaisa-isahang uniporme sa pagwe-waitress. Napapikit na lamang siya nang unti-unting tumagos ang basa sa kanyang underwear! Mula sa peripheral vision niya ay huminto ang kotseng bumusina sa kanya. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng car door pati ang mabilis na pagbaba ng lalaki mula roon. Lumapit iyon sa kanya para tulungan siyang makatayo. Hinawakan siya nito sa braso ngunit hinaklit niya iyon mula rito. “Ano ba? Kaya kong tumayo.” inis niyang wika dito. “Shit!” Napa mura siya nang mapilitan siyang itukod ang mga kamay sa kalsada para makatayo. Napamura ulit siya nang malaman na basa rin pati ang ilalim ng kanyang bag. Tatlong beses pa siyang napa-mura nang hindi sinasadyang mapatingin siya sa pinagtatrabahuan na restaurant at makitang nakatayo sa harapan niyon ang may-ari na si Mrs. Singfiao. Nakapamaywang ito at kahit sa malayong distansya nila ay halata ang mataray at masungit nitong awra. Ang pagkadis-gusto sa kanya. Biglang nawala ang kahihiyang nararamdaman niya sa pagkakadulas sa harapan ng maraming tao. Sigurado siyang sa mga sandaling iyon ay wala na siyang trabaho. “It's not my fault, you know. Basta ka na lang kasi sumulpot sa harapan ng sasakyan,” paliwanag ng lalaking nasa likod niya.. Kahit puno ng sama ng loob ang kanyang dibdib ay hindi niya ugaling manisi ng kasalanan sa iba. Hindi niya ugaling magturo ng daliri. Pero may kung ano sa tono ng lalaki na hindi nagustuhan ng pandinig niya. Inis na humarap siya para sipatin ito. Nakadagdag pa sa inis niya ang natuklasan na matangkad pala ito sa kanya. Inis siyang tumingala. “For your information, hindi kita sinisi…..” Napaawang ang bibig niya nang makita ang mukha nito. Ang bahagyang ngiting nakaguhit sa mukha nito ay nagjng abot tainga. “Sinasabi ko na nga bang you look familiar. Mauve, I never taught, I’d see you again,” masayang wika nito. Nanatili siyang nakatulala rito. Nahahati ang puso niya nang mga sandaling iyon sa matinding emosyon—excitement at pagkadismaya. Mas lamang nga lang ang pagkadismaya. Kung bakit kasi kung kailan minamalas siya, saka naman nagkrus ang mga landas nila ni Hendrick. Kung maari lang ay hinihiling niya na lamunin na siya ng lupa. Hindi niya pinansin ang pag-iinit ng kanyang pisngi. “Hendrick,” tipid niyang pagkilala rito. Wala siyang pakialam kung mapansin nito sa tono ng boses niya na mas gusgustuhin niya pang makita si Poncio Pilato kaysa rito. Pinsadahan nito ng tingin ang suot niyang uniporme. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito, wala na ang ngiti sa mga labi. Her heart sank. Batid niyang nahulaan nito ang sadya niya sa lugar na iyon. “I’m on my way to work,” she replied in a dull voice. “Waitress ka sa restaurant na iyan?” Nahalata niya sa tinig nito ang magkahalong pagkadismaya at di-makapaniwala. “Anong nangyari sa pamilya mo?” Na-bankrupt ba kayo? Minalas na ba sa wakas ang gagong ama mo?” Hindi siya nag-react sa sinabi nito. Nag-iwas na lamang siya ng tingin. Wala siyang balak na sagutin isa man sa mga tanong nito tungkol sa kanyang pamilya, lalo na iyong tungkol sa ama niya na matagal niyang ng hindi nakakausap o nakikita man lang. “Late na ako. S-sige.” “Hindi ka pwedeng pumasok ng trabaho na ganyan ang itsura mo,” pagpapaalala nito sa itsura niya. Noon niya naalalang basa nga pala pati ang pang-upo niya. Noon lang din niya napansin ang mga taong nagdaraanan at nakatingin sa pwesto nila. Nakatingin ito sa kanila habang tumatawa kaoag napapasulyao sa kanya. Dahil sa ayaw niyang matapakan ang pride niya ay nagawa niyang iangat ang kanyang baba at sinalubong ang titig ni Hendrick. “This is my problem, anyway.” “Suit yourself,” kibit-balikat nitong sabi. Naglakad ito pabalik sa kotse. Mabilis na nilapitan naman siya ni Mrs. Singfiao kahit na ninety percent na siyang sigurado na wala na siyang trabaho. Ngunit umaasa pa siyang baka mapakiusapan pa niya ito. Baka naman pakinggan siya ng Diyos ngayong araw na ito at palambutin nito ang puso ng masungit niyang amo. She would wish anything, hope for anything, para kay Chin-chin. Ngunit nang tuluyan na siyang makalapit dito, alam na niyang wala na siyang aasahan pa. “Ikaw sesante ko,” nakapamaywang na sabi nito. “Alam mo na sigulo ‘yun nuh? Ang kapal ng mukha mo. Alam mo malami ka ng offense, nag-palate ka pa kulang isang olas.” “A-alam ko ho, Mrs. Singfiao. P-pasensya na ho ka—” “Wala pase-pasensya!” Putol nito sa pagpapaliwanag niya. “Umalis ka na.Tingnan mo salili mo. Suot mo oa uniform dito. Baka mawalan ako ng customels dahil sa ‘yo.” Pinasadahan siya nito ng disgustong tingin. “Mrs. Singfiao, may kalahating buwan pa ho akong sasahurin dapat bu—” “Ano suweldo?” Nanlilisik ang mga matang tanong nito sa kanya. “Patakalan ko na kapag hindi kumoleto telmino, wala sweldo. Ano pa sinisingil mo?” “Pero maawa na po kayo, Ma’am. Kailangan ko ng perang panggastos sa paghahanap ng bagong trabaho. Iyon na lang ho ang inaasahan ko. At wala na kaming pambili ng pagkain—” “Wag mo ako dlama! Kapag di ka pa umalis ngayon na ipapadampot kita sa pulis.” Itinaas nito ang kamay at itinuro ang hintuturo nito sa pintuan ng restaurant. “Get out!” talak nito, labas pati ngala-ngala. “ Get out!” Gustong-gusto niyang maiyak sa labis na awa sa sarili . Pakiramdam niya ay isa siyang pulubing namamalimos kung ipagtabuyan ng kanyang amo. “Mauve?” Napapikit siya ng mariin nang mabosesan ang tinig ng nasa likuran niya. Hindi pala umalis si Hendrick gaya ng inaasahan niya. He had to stay and watched her humiliation. “You know hel, Mr. Lucencio?” tanong dito ni Mrs. Singfiao. Lalo siyang napahiya dahil sa maling akala niya. Kilala nito si Mrs. Singfiao. Kung ganoon ay doon talaga ang punta nito.” *****NAPATIIM-BAGANG si Hendrick habang sinusundan ng tingin nag papalayong si Mauve. He noticed that her back was slender, hindi na ito mataba kagaya noong teenager pa lamang ito. She had square shoulder, too, pero maninipis. Laglag ang mga iyon ng sandaling iyon, parang pasan nito ang buong mundo sa balikat nito. Base sa nasaksihan niya, marami nang nabago rito. Hindi lamang sa pisikal na anyo nito, though she sure had grown a lot. Maamo pa rin ang mata nito, ngunit hindi maikakaila ang kalungkutan at kapaguran doon kapag masinsinang tinitigan. What did she had to put up with ever since he last saw her? Ano ang naging buhay nito sa piling ng mama nito? Miserable ang buhay nito noong nasa San Carlos pa ito, sa piling ng mga magulang nito. Kung titingnan ito, miserable rin ang naging buhay nito sa Maynila. Kung hindi ba naman ito babagsak sa pagiging isang waitress. He had always regarded her as different from her family. No, everybody regarded her different from her social climbing f
Tyempo naman na palabas ng bahay si Aling Marites. Pagkakita rito, alam niyang matagal na itong naroon sa loob. Walang mintis, nakilatis na nito si Hendrick at nakita na nito ang magara at mamahaling kotse ng lalaki.Bumagsak ang loob niya. Nahuhulaan niya na kung ano ang iniisip nito.“Oh, Mauve, may pambayad ka na ba?” malakas nitong tanong, sadyang ipinaparinig sa kanyang kasama.“Wala pa ho, Aling Marites.”Kumunot ang noo nito. “Aba’y hindi na ako makakapaghintay. Biro mong binigyan na kita ng palugit na tatlong buwan sa kuwartong nirerentahan mo dahil sa sobrang awa ko sa anak mo. Maganda nga ang kawanggawa, pero kailangan ko rin namang kumain,” nagbait-baitan pa nitong turan.Napapikit na lamang siya ng mariin. Naglaho na ang anumang pag-asa niyang maitatago si Chin-chin kay Hendrick.“Magkano ang kailangang bayaran ni Mauve, Misis?” tanong ni Hendrick mula sa kanyang likuran. Ibig sabihin pumasok na ito sa gate at sumunod sa kanya papasok.“Tatlong libo,” agad na sagot ng mata
Hindi na siya nakabalik ng pag-aaral dahil kinailangan niya ng magtrabaho para may makain silang magkapatid. Alam niyang wala siyang matatanggap na tulong mula sa kanyang ama. Ni hindi nito tinugon ang sulat niyang nagpapaalam dito tungkol sa pagkamatay ng kanyang mama.Hindi na niya sinabi sa sulat na nagkaanak ang mama niya sa lover nito. Hindi niya na kayang dagdagan ang kasalanan ng mama niya sa mga mata ng mga nakatira sa San Carlos.Pinakawalan niya ang isang mahabang buntong hininga bago tinanguan si Jhaz na panay ang sulyap sa kanya.“Jhaz, si Hendrick, isang dating … kaibigan.” Ginaya niya ang pagpapakilala nito sa kanya kanina kay Mrs. Siangfiao. “Hendrick, si Jhaz, best friend ko.”“Hello, Jhaz,” bati ni Hendrick dito.“Hi, please to meet you,” ganting-bati ng kaibigan niya.Niyuko niya ang kanyang kapatid. “Chin-chin, this is Tito Hendrick, friend ng Mommy,” dahan-dahan niyang sabi para tumimo sa isip nito. “Hendrick, this is my little girl, Chin-chin,” baling niya sa lala
Napaungol na lamang siya nang nakangising kinarga ito ni Hendrick. Iniwan niya ang mga ito at sinundan si Jhaz sa loob ng bahay.“Hindi ka pa ba aalis? Wala ka bang ibang gagawin o pupuntahan?” hindi na nakatiis na tanong ni Mauve kay Hendrick, pagkatapos ng isang oras na pakikipaglaro nito kay Chin-chin.Madilim na sa labas, nakapagbihis na siya ng pambahay at nakapaghanda na sila ni Jhaz ng mahahapunan. Hindi pa nagbibigay ng anumang indikasyon ang lalaki na aalis na ito..Tumingala ito mula sa pagkakadapa sa sahig. Natanggal na ang polo nito mula sa pagkaka-tuck in sa slacks nito. Nakatupi na rin ang mga sleeves niyon hanggang siko ar nakabukas na ang ikatlong butones mula sa leeg nito. The tie was in one of his pockets.He looked rackishly, positively, definitely handsome. All these he was able to accomplish habang idine-demonstrate ni Chin-chin ang intricacies ng pagsusuklay sa blonde na buhok ng manyika nito.“No. May previous engagement ako pero nakansela. I'm free tonight.”“K
Mabuti na lamang at maagap siya sa paghagilap ng tuwalya. Kung hindi ay mababasa sana si Hendrick dahil mabilis na nakatayo at nakaahon sa bathtub ang bata nang makita ang daddy nito.May inilabas na tsokolate si Hendrick at iniabot na iyon kay Chin-chin bago pa man siya makapagreklamo.Hindi naman niya magawang bawiin ang chocolate at ibalik kay Hendrick lalo at halatang tuwang-tuwa ang kapatid niya.Tinalikuran na lamang niya ng mga ito at kinuha ang inihanda niyang pamalit ni Chin-chin. Hinayaan niyang nakabalot lamang ito ng tuwalya at hinintay na makatapos ito sa pagkukwento ng kung anu-ano sa daddy nito. Hendrick noticed her and patiently whispered to the child, “Chin, mas magiging masaya kung magbibihis ka muna kasi nilalamig ka na. Go to your Mommy. Hinihintay ka na niya, oh.”Mabilis namang sumunod ang bata, handang gawin ang lahat ng sasabihin ng daddy nito. Hindi niya alam kung kanino siya maaawa, sa kapatid o sa kanyang sarili, dahil ang buong akala niya ay naibibigay niya
“Look at her, Mauve. Look at your daughter,” masuyo nang sabi ni Hendrick, wala na ang pormal na kanina ay ipinalita nito. “She looks so innocent, so happy. Palibhasa wala pa siyang nararanasan na disappoinment sa buhay niya. Hindi pa niya nararamdaman ang lungkot dahil wlaa siyang ama. Hindi pa niya naiisip kung bakit iniwan siya ng kanyang ama.” Patuloy nito.Lumipat ang tingin nito sa kanya. “If I could, in any way, help in preventing cynicism from entering those eyes, I would. One less lonely child.” Nagkibit ito ng balikat. “My grandfather was a cynical man, but at least, I had the luxury of having the money. Chin-chin, on the other hand, has you. Mamahalin mo siya ng lubod, I know. But I'm providing you the chance na maibigay sa kanya ang lahat ng mga pangangailangan niyang materyal gaya ng gusto mo. Believe it or not, this makes more sense than that revenge you were talking about.”Patuloy siya sa pagtitig dito, hindi niya magawang kumurap. She wanted to see sincerity in his ey
Dinala sila ni Hendrick sa isang simpleng restaurant along San Juaqin. Tahimik at hindi crowded ang lugar. Sa isang mesa sa sulok sila pumwesto. At the course of the meal, nasaksihan ni Mauve kung gaano kagiliw si Hendrick kay Chin-chin, anticipating her needs first and acting on it bago nito asikasuhin ang sarili.Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng mga ito sa isang lenggwaheng hindi naman niya maunawaan at inembento lang yata ng mga ito.Magkahalong tuwa at selos ang nararamdaman niya habang nakikinig sa mga ito. Napagtanto niyang dahil sa mga gawain at alalahanin , naging kontento na lamang siyang hayaang maglaro ang bata nang nag-iisa sa isang tabi sa halip na kausapin ito kapag sila ang magkasama.“You look too skeptical for my own peace of mind.” Komento ni Hendrick nang minsang mahuli siya nitong nakatitig dito.“Hindi lang ako makapaniwala na totoo nga ang nakikita ko.”“I'm not playing acting. I genuinely like your daughter. Magka-vibes kami.”Habang nagsasalita ay sinu
Ang mga dati niyang trabaho ay hindi man lang umabot ng kalahati ng balak nitong ipasweldo sa kanya. Isipin pang di-hamak na mas mababa ang standard of living sa probinsya at sa Maynila. “Bakit naman kita pahihirapan pa?” tanonh nito, saka humingop ng kape. Sumandal siya sa inuupuang silya. “What's the catch?” K kinakabahan niyang tanong? Kahit ano ang gawin niya, may kutob siga na may dapat pa siyang malaman. Bumuntong-hininga ito. “So, there is. Ang problema, kapag sinabi ko, baka hindi mo tanggapin ang trabaho. Though that would be the height of foolishness, believe me.” Umangat ang kilay niya, pero hindi siya nagkomento. Hinintay na lamang niyang sabihin nito kung ano iyon. Muli itong bumuntong-hininga. “I'm talking about Casa Lucencio, Mauve. Ang Casa Lucencio sa San Carlos.” She was hoping against hope that it wasn't that. Hindi ang Casa Lucencio. Or rather, hindi sa San Carlos. “Iyon lang ang nag-iisang pag-aari ng pamilya kong hindi napasama sa pustahan at na
Isinara niya ang refrigerator matapos ipasok ang butter at pitsel ng gatas. Pagkatapos ay ipinunas niya ang mga kamay sa basahang nakasabit sa handle ng refrigerator. Agad naman na bumaling siya sa matanda. Kanina pa siya may gustong itanong dito. “A-aling Ester, k-kumusta na ho sina Papa at Ate Tiffany.” hindi napigilan na tanong niya. Nag-aalalang tumingin sa kanya ang matanda. “Alam ba niyang narito ka ngayon sa Casa Lucencio, hija? Alam ba niyang nagtatrabaho ka kay Hendrick?” Umiling siya saka naupo sa isang silya. Sinulyapan niya sandali ang kapatid na naglalaro ng isang plastic na mansanas. “Hindi na ho kami nakapagusap simula nang umalis kami ni Mama.” Hinarap siya ng matanda. “Walang nagbago sa kanila Ganoon pa rin. Kung umarte ang papa mo, parang wlaang nangyari noon. Parang hindi siya nilayasan ng asawa niya at bunsong anak.” Napakurap siya. Syempre, hindi aarteng parang nawalan ng asawa at bunsong anak ang Papa niya. Hindi ito kailanman nagpakita ng interes na import
Lalong lumawak ang pagkakangiti ng matanda. “Ang bait naman ng kapatid mo. Anong pangalan niya?”Napatitig siya kay Aling Ester. Sinabi nitong kapatid niya ang bata. Paano nito nalaman?Bago siya makasagot ay kinuha ni Chin-chin ang atensyon niya. “Mommy, tapay.”Kitang -kita niya nang mawala ang ngiti sa mga labi ni Aling Ester, bumagsak ang panga nito, at ilang saglit na nakaawang lang ang bibig nito.“Anak ko ho si Chin-chin, Aling Ester,” pagsisinungaling niya bago pa man ito makabawi sa pagkabigla.“N-naku! Aba’y pasensya na ika ta nasala ako,” Aba'y pasensya ka na at nagkamali ako. Alanganin ang pagkangiti nito. “Dae ko man naisip na…” (Hindi ko man naisip na….) Kinagat nito ang ibabang labi. Malamang na iniisip nito na kapag nagpatuloy pa ito sa pagsasalita ay lalo lang itong mapahiya. Bigla nitong hinila nag isang silya at naupo roon. “An maray pa magpamahaw na kamung duwa. Iyaong ko muna an hotdog.” (Ang mabuti pa’y mag-almusal na kayong mag-ina. Hahanguin ko muna ang hotd
Kinabukasan, nagising si Mauve dahil sa paggalaw ni Chin-chin sa kanyang tabi. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang pamimilog ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kisame ng hindi pamilyar na kwarto.Natatawang niyakap niya ito. “Morning, baby.” Matunog na hinalikan niya ito sa noo.Nang marinig ang boses niya, agad itong tumingin sa kanya at masusi siyang pinagmasdan, parang nangingila.“Mommy ‘to, baby.” Itinuro niya ang kanyang sarili.Nagsumiksik ito sa kanya. “Mommy, gusto ko breakfast, “ nakasubsob ang mukha sa dibdib niyang sabi nito.“Eh, di samahan mo si Mommy sa kusina para makapag-prepare na tayo ng breakfast mo. Okay. Let's go!”“Let's go!” Masiglang sang-ayon nito.Mabilis siyang bumangon at gayundin din ito. Bago lumabas ng kwarto ay dinampot niya ang lalagyan ng gatas nito at ang natira pang tinapay nang nagdaang gabi. Binitbit din niya ang isang lata ng sardinas. Iyon na lamang ang ipapalaman niya sa tinapay.Kakalabas pa lang nila ng kwarto ng pintuan a
Nakita niyang bumukas ang front door ng bahay. Lumabas mula roon ang isang matanda. Agad niyang nakilala si Mang Dino, ang pinakamatagal na katiwala ng mga Lucencio. Mabilis itong lumapit sa gate at binuksan iyon. Ipinasok ni Mang Tonyo ang van at ipinarada iyon sa harap ng bahay.“Ipapasok ko na ang mga maleta para makapagbihis kayo agad at makapagpahinga na. Isusaunod ko na lang ang iba,” wika nito.Tinapunan niya ito ng isang ngiti, nagpapasalamat. Pagod na talaga siya. Bumaba siya ng van karga si Chin-chin. Naroon na si Mang Dino na mabilis na naisara at nai-padlock ang gate. Maliksi pa rin itong kumilos kahit matanda na.“Marhay na banggi ho, Mang Dino.” Magandang gabi, nakangiting bati niya rito.Sa kanyang pagtataka, isang walang ngiting tango ang natanggap niya mula rito. Kilala iyong hindi palaimik at tahimik pero hindi ito maramot magbigay ng ngiti at pagbati kahit kanino.Ngayon, iyong tango ay parang napipilitan pa. Pagkatapos ay agad itong tumalikod at nagpatiuna aa pag
HAGULHOL ang naging reaksyon ni Jhaz nang ibalita rito ni Mauve na aalis na sila ni Chin-chin para bumalik sa San Carlos. Alam niyang nalulungkot ito dahil hindi na nito makikita araw-araw ang inaanak.“Walanghiyang Hendrick na iyon! Kung alam ko lang na ilalayo pala niya sa akin ang inaanak ko, hindi ko na sana siya kinampihan!” pangangalaiti niya.“Huwag kang mag-alala, malapit na naman ang sem break. Pwede mo naman kaming dalwain doon,”pagpapagaan niya ng loob nito.Sa sinabi niya ay tumayo ito mula sa kinauupuang stool af tinulungan siya sa pag-eempake ng iilang pirasong gamit ni Chin-chin.Napabuntong-hininga si Jhaz, ngunit hindi na ito nagsalita pa. Naiintindihan naman nito ang sitwasyon niya, ngunit hindi pa rin nito maiwasang magdamdam. Muli nitong inabot ang isa pang damit ni Chin-chin at maingat itong itinupi. Hindi ito makapaniwala na ang mga bagay na ito, na dating bahagi ng araw-araw na buhay nito, ay magiging alaala na lamang sa mga susunod na araw.Isang malaking van
Simpleng tao lang naman kasi ang kanyang mama., simple pati pangarap at kaligayahan. Anak ito ng isang magsasaka. Pinakasalan lamang ito ng kanyang papa dahil sa angkin nitong kagandahan. Kung wala ang gandang iyon ay wala itong silbi sa sarili nitong asawa. Sa Ate Tiffany naman niya ay wala rin itong nakuhang suporta. Daddy’s girl ang kanyang ate. Masyado nang nalubog ang mama niya sa depresyon nang ipinanganak siya kaya hindi na nito napansin na ang anak na nagmana ng hitsura sa asawa nito ang tunay na nagmamahal dito. “Ganun ka ba kadesperada noon para makatanggap ng pagmamahal, Mauve., that you deliberately acted blind just for the heck of it?” Gulat na nag-angat siya ng paningin at tinitigan ito ng tuwid nang marinig ang disappointment sa tinig nito. Kitang-kita rin niya iyon maging sa mga mata nito. Kahit paano ay nagdiwang ang kalooban niya dahil kahit paano ay maganda pala ang tingin nito sa kanyang pagkatao. Nainip na yata iyo sa isasagot niya sa tanong nito. Nali
Ang mga dati niyang trabaho ay hindi man lang umabot ng kalahati ng balak nitong ipasweldo sa kanya. Isipin pang di-hamak na mas mababa ang standard of living sa probinsya at sa Maynila. “Bakit naman kita pahihirapan pa?” tanonh nito, saka humingop ng kape. Sumandal siya sa inuupuang silya. “What's the catch?” K kinakabahan niyang tanong? Kahit ano ang gawin niya, may kutob siga na may dapat pa siyang malaman. Bumuntong-hininga ito. “So, there is. Ang problema, kapag sinabi ko, baka hindi mo tanggapin ang trabaho. Though that would be the height of foolishness, believe me.” Umangat ang kilay niya, pero hindi siya nagkomento. Hinintay na lamang niyang sabihin nito kung ano iyon. Muli itong bumuntong-hininga. “I'm talking about Casa Lucencio, Mauve. Ang Casa Lucencio sa San Carlos.” She was hoping against hope that it wasn't that. Hindi ang Casa Lucencio. Or rather, hindi sa San Carlos. “Iyon lang ang nag-iisang pag-aari ng pamilya kong hindi napasama sa pustahan at na
Dinala sila ni Hendrick sa isang simpleng restaurant along San Juaqin. Tahimik at hindi crowded ang lugar. Sa isang mesa sa sulok sila pumwesto. At the course of the meal, nasaksihan ni Mauve kung gaano kagiliw si Hendrick kay Chin-chin, anticipating her needs first and acting on it bago nito asikasuhin ang sarili.Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng mga ito sa isang lenggwaheng hindi naman niya maunawaan at inembento lang yata ng mga ito.Magkahalong tuwa at selos ang nararamdaman niya habang nakikinig sa mga ito. Napagtanto niyang dahil sa mga gawain at alalahanin , naging kontento na lamang siyang hayaang maglaro ang bata nang nag-iisa sa isang tabi sa halip na kausapin ito kapag sila ang magkasama.“You look too skeptical for my own peace of mind.” Komento ni Hendrick nang minsang mahuli siya nitong nakatitig dito.“Hindi lang ako makapaniwala na totoo nga ang nakikita ko.”“I'm not playing acting. I genuinely like your daughter. Magka-vibes kami.”Habang nagsasalita ay sinu
“Look at her, Mauve. Look at your daughter,” masuyo nang sabi ni Hendrick, wala na ang pormal na kanina ay ipinalita nito. “She looks so innocent, so happy. Palibhasa wala pa siyang nararanasan na disappoinment sa buhay niya. Hindi pa niya nararamdaman ang lungkot dahil wlaa siyang ama. Hindi pa niya naiisip kung bakit iniwan siya ng kanyang ama.” Patuloy nito.Lumipat ang tingin nito sa kanya. “If I could, in any way, help in preventing cynicism from entering those eyes, I would. One less lonely child.” Nagkibit ito ng balikat. “My grandfather was a cynical man, but at least, I had the luxury of having the money. Chin-chin, on the other hand, has you. Mamahalin mo siya ng lubod, I know. But I'm providing you the chance na maibigay sa kanya ang lahat ng mga pangangailangan niyang materyal gaya ng gusto mo. Believe it or not, this makes more sense than that revenge you were talking about.”Patuloy siya sa pagtitig dito, hindi niya magawang kumurap. She wanted to see sincerity in his ey