NICCOS ALLISTAIR....He is trying to stop himself na huwag sumabog. Masakit, sobrang sakit ng nararamdaman n'ya ngayon matapos malaman ang lahat ng mga pinagdaanan ng kan'yang mag-ina.He is somehow blaming himself dahil hindi n'ya man lang na protektahan ang mga mahal n'ya sa buhay ngunit sa kabilang parte ay sinisisi n'ya din si Kianna for not telling him the truth.Eh di sana ay hindi na humantong sa ganito ang lahat. Sana hindi na sila nagkasakitan pa, sana hindi nadamay pati ang kanilang anak.May galit pa rin s'ya na nararamdaman sa asawa dahil sa paglihim nito. Given na kaaway n'ya ang dahilan kung bakit naranasan nito ang lahat ng paghihirap pero kung sana ay sinabi lang nito ang lahat noon pa man, eh di sana ay hindi na sila nagkahiwalay pa at nagkasakitan."Fvck!" mahigpit na nakahawak ang kan'yang kamay sa manibela habang may mga luha na naglandas sa kan'yang mga mata lalo na ng maisip ang sinapit ng asawa at anak.Hindi n'ya lubos maisip kung paano naitaguyod ni Kianna an
NICCOS ALLISTAIR....Inayos n'ya ang pagkakalagay ng anak sa kan'yang jacket na ginawang baby carrier. "Son don't make noise ok? Don't cry! We are brave, right son?" pagkausap n'ya rito habang sinisigurado na matibay ang pagkakabuhol ng kan'yang jacket."P-Pa-pa-pa.... P-Pa-pa-pa," sagot ni Nile sa kan'ya. Hinalikan n'ya ito sa noo at nginitian."We can do this son, makakauwi tayo sa mama mo ng ligtas," sabi n'ya rito sabay kuha ng dalawang baril at humanda na para lumabas. Wala s'yang tiwala sa katahimikan sa paligid.Masama ang kan'yang kutob kaya kailangan n'yang paghandaan ito. Patalikod s'yang naglakad patungo sa pinto dahil nasa harapan n'ya ang anak. Ayaw n'yang ito ang iharap sa mga kalaban kaya naman kahit mahirap ay kinaya n'ya ang maglakad na patalikod.Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto at inilibot ang tingin sa paligid. Walang katao-tao at walang ingay sa paligid kaya malakas ang kutob n'ya na may inihandang patibong si Gutierrez sa kan'ya.At hindi s'ya nagkakamali.
NICCOS ALLISTAIR...He sees nothing but red lalo na ng makitang nakaumang sa leeg ng asawa ang kutsilyo na hawak ng demonyong si Gutierrez. Parang demonyo na may pitong sungay ang tingin n'ya ngayon kay Gutierrez."Akala mo ba magpapatalo ako sayo Evans? No! Kasama ko sa empyerno ang mag-ina mo. Tingnan lang natin kung hindi ka mamamatay sa sama ng loob at sakit kung sa harapan mo mismo papatayin ko ang dalawang ito!" malakas na sigaw ng lalaki sa kan'ya.Tinitingnan n'ya ang bawat galaw nito. Hindi s'ya dapat magpadalos-dalos ng desisyon, kailangan n'yang maligtas ang asawa at anak. Buhay ng dalawang mahal n'ya sa buhay ang nakasalalay sa kan'yang desisyon.Hinila nito si Kianna patungo sa gilid na bahagi ng lugar at binuksan iyon. Bumungad sa kanila ang terasa ng palapag na kinaroroonan nila. Ngayon n'ya lang napansin na medyo mataas pala ang kinaroroonan nila ngayon. Sinilip n'ya ang baba at lihim s'yang napamura ng makita na mga malalaki at mga nakausli na pitak ng bato at halos
KIANNA APHRODITE...Her heart broke into pieces ng malaman mismo mula sa kan'yang kapatid na hindi sila totoong kasal ni Allistair.Ang akala n'ya ay maaayos na nila ang kanilang pamilya pagkatapos mailigtas si Nile sa kalaban nito.Pero mas lalo lang gumuho ang kan'yang mundo ng ipagsigawan ng kan'yang kuya Marcus na hindi sila totoong kasal ni Allistair.Mas nadagdagan pa ng kumpirmahin ito mismo ng lalaki. Hindi n'ya alam kung paano ibabalik ang pagkapira-piraso ng puso n'ya. Mas masakit pa ito kaysa ginawang pagkulong ni Allistair sa kan'ya sa basement ng kanilang bahay.Agad s'yang dinala ng kan'yang kuya Marcus pauwi ng Italy kasama si Nile. At sobrang pagsisisi ang nararamdaman n'ya ng umalis na hindi nagpapaalam sa kan'yang pamilya dahil ito ang dahilan kung bakit nagkasakit ang kan'yang papa.Dinamdam nito ang kan'yang pagkawala hanggang sa magkasakit ito ng malubha kaya nagpasya s'yang bumawi sa ama.Ito muna at si Nile ang priority n'ya. Masakit sa kan'ya ang nangyari sa ka
NICCOS ALLISTAIR...Anim na buwan s'yang nagpabalik sa Italy sa bahay nila ni Kianna. Mahigpit ang seguridad na ginawa ni Marcus para hindi s'ya makalapit sa kan'yang mag-ina ngunit kakampi n'ya ang papa ng mga ito kaya nagkaroon s'ya ng pagkakataon na makapasok sa Italy.Ginawa ni Marcus ang lahat para ilayo ang dalawa sa kan'ya. Malakas ang loob nito dahil sinang'ayunan din ng mga kapatid n'ya ang desisyon ng lalaki.Galit ang mga ito dahil sa ginawa n'yang pagkulong kay Kianna na parang hayop. Huli na din ng ma realize n'ya ang lahat pero masisisi ba s'ya sa ginawa n'ya? Oo nagpadala s'ya sa kan'yang galit pero tao lang s'ya. Nasaktan ng sobra at pakiramdam n'ya ay niloko s'ya ng lahat. Hindi ito naintindihan ng mga kapatid dahil ang nakikita lang ng mga ito ay ang ginawa n'yang pagkulong sa dalaga.Pero kahit ganon ay hindi s'ya nagtanim ng sama ng loob sa mga ito dahil inaamin n'ya na kasalanan n'ya ang lahat ng nangyari sa kan'yang mag-ina.Malakas ang connection ng mga Evans
KIANNA APHRODITE...Gumuho ang mundo n'ya ng mawala ang pinakamamahal na anak. Hindi n'ya alam na ganito ang kahihinatnan ng lahat.Walang tigil ang kan'yang pag-iyak. Hindi n'ya alam kung saan hahanapin si Allistair at alam n'ya na itatago nito ng mabuti si Nile.Galit ito sa kan'ya kaya paniguradong hindi na nito ibabalik pa sa kan'ya ang anak nila."Princess tumahan ka na, ama ng anak mo ang kumuha kay Nile. I'm sure na hindi pababayaan ni Niccos ang anak n'yo," saway sa kan'ya ng ama."Papa alam ko yon pero hindi ko kaya na mawalay si Nile sa akin papa. Please help me papa, babawiin ko si Nile kay Allistair," pagmamakaawa n'ya sa ama. Nagpakawala ng hangin ang papa n'ya at naaawang tumingin sa kan'ya."Kianna ngayon lang ako magsasalita pero ang ginawa mo kay Allistair ay mali anak. Hindi s'ya dapat na nagdusa ng ganito at hindi dapat na sa kan'ya ang lahat ng sisi sa nangyari sa inyo. May kasalanan ka din Kianna at alam mong malaki ito," mahinahong sabi ng ama.Hindi s'ya nagsali
KIANNA APHRODITE...Natigil s'ya sa akmang pag-akyat at napahawak sa kan'yang dibdib. Masakit! Nasasaktan s'ya sa kan'yang nakikita ngayon. Parang ayaw tango ng kan'yang utak at puso na may ibang kasama si Allistair.Parang gusto n'yang tumakbo palayo ngunit ng maisip ang anak ay pilit n'yang tinatagan ang kan'yang sarili. Hindi s'ya dapat magpadala sa kan'yang kahinaan. Kailangan n'yang magpakatatag para makita at makasama ang kan'yang anak.Iniwan n'ya ang maleta sa baba dahil mabigat ito. Inakyat n'ya ang hagdan na gawa sa mga pitak ng bato na nilagyan ng semento para maging matibay at madaanan paakyat.Nakahawak s'ya sa bakal na ginawang railing para may hawakan at harang na din para hindi mahulog sa bangin sa baba.Narating n'ya ang taas na habol-habol ang kan'yang hininga. At tama nga ang hinala n'ya kanina. Bumungad sa kan'ya si Niccos at Nile kasama ang babae na hindi n'ya kilala na masayang nag-iihaw ng mga malalaking isda na nasa maliit na mesa na ginawa ng mga ito na lagaya
KIANNA APHRODITE...Nagising s'ya na parang may nakapatong sa kan'ya kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at sinilip ito.Malapad s'yang ngumiti ng makita si Nile na nakadapa sa kan'yang t'yan at mahimbing na natutulog. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nangunot ang kan'yang noo ng mapagtanto na nasa isang silid na s'ya.Ang naalala n'ya kanina ay nasa labas s'ya ng bahay ni Allistair at hinihintay ito na lumabas para malaman n'ya kung papayag ang asawa nito na makikitira s'ya rito hangga't bumalik ang kan'yang kuya Marcus para sunduin sila ni Nile."Pinapasok n'ya ako sa bahay nya?" lihim na tanong n'ya sa sarili ngunit agad ding natigil ng bumukas ang pinto ng kwarto.Mabilis n'yang ipinikit ang mga mata at nagkunwari na tulog. Hindi s'ya gumalaw at nakiramdam lang s'ya sa kilos ni Niccos sa paligid.She knows it's Niccos dahil kilala n'ya ang amoy ng binata. Maya-maya pa ay naramdaman n'ya ang mga kamay nito malapit sa kan'yang t'yan. Nahigit n'ya ang hininga ng magdi