NICCOS ALLISTAIR...Anim na buwan s'yang nagpabalik sa Italy sa bahay nila ni Kianna. Mahigpit ang seguridad na ginawa ni Marcus para hindi s'ya makalapit sa kan'yang mag-ina ngunit kakampi n'ya ang papa ng mga ito kaya nagkaroon s'ya ng pagkakataon na makapasok sa Italy.Ginawa ni Marcus ang lahat para ilayo ang dalawa sa kan'ya. Malakas ang loob nito dahil sinang'ayunan din ng mga kapatid n'ya ang desisyon ng lalaki.Galit ang mga ito dahil sa ginawa n'yang pagkulong kay Kianna na parang hayop. Huli na din ng ma realize n'ya ang lahat pero masisisi ba s'ya sa ginawa n'ya? Oo nagpadala s'ya sa kan'yang galit pero tao lang s'ya. Nasaktan ng sobra at pakiramdam n'ya ay niloko s'ya ng lahat. Hindi ito naintindihan ng mga kapatid dahil ang nakikita lang ng mga ito ay ang ginawa n'yang pagkulong sa dalaga.Pero kahit ganon ay hindi s'ya nagtanim ng sama ng loob sa mga ito dahil inaamin n'ya na kasalanan n'ya ang lahat ng nangyari sa kan'yang mag-ina.Malakas ang connection ng mga Evans
KIANNA APHRODITE...Gumuho ang mundo n'ya ng mawala ang pinakamamahal na anak. Hindi n'ya alam na ganito ang kahihinatnan ng lahat.Walang tigil ang kan'yang pag-iyak. Hindi n'ya alam kung saan hahanapin si Allistair at alam n'ya na itatago nito ng mabuti si Nile.Galit ito sa kan'ya kaya paniguradong hindi na nito ibabalik pa sa kan'ya ang anak nila."Princess tumahan ka na, ama ng anak mo ang kumuha kay Nile. I'm sure na hindi pababayaan ni Niccos ang anak n'yo," saway sa kan'ya ng ama."Papa alam ko yon pero hindi ko kaya na mawalay si Nile sa akin papa. Please help me papa, babawiin ko si Nile kay Allistair," pagmamakaawa n'ya sa ama. Nagpakawala ng hangin ang papa n'ya at naaawang tumingin sa kan'ya."Kianna ngayon lang ako magsasalita pero ang ginawa mo kay Allistair ay mali anak. Hindi s'ya dapat na nagdusa ng ganito at hindi dapat na sa kan'ya ang lahat ng sisi sa nangyari sa inyo. May kasalanan ka din Kianna at alam mong malaki ito," mahinahong sabi ng ama.Hindi s'ya nagsali
KIANNA APHRODITE...Natigil s'ya sa akmang pag-akyat at napahawak sa kan'yang dibdib. Masakit! Nasasaktan s'ya sa kan'yang nakikita ngayon. Parang ayaw tango ng kan'yang utak at puso na may ibang kasama si Allistair.Parang gusto n'yang tumakbo palayo ngunit ng maisip ang anak ay pilit n'yang tinatagan ang kan'yang sarili. Hindi s'ya dapat magpadala sa kan'yang kahinaan. Kailangan n'yang magpakatatag para makita at makasama ang kan'yang anak.Iniwan n'ya ang maleta sa baba dahil mabigat ito. Inakyat n'ya ang hagdan na gawa sa mga pitak ng bato na nilagyan ng semento para maging matibay at madaanan paakyat.Nakahawak s'ya sa bakal na ginawang railing para may hawakan at harang na din para hindi mahulog sa bangin sa baba.Narating n'ya ang taas na habol-habol ang kan'yang hininga. At tama nga ang hinala n'ya kanina. Bumungad sa kan'ya si Niccos at Nile kasama ang babae na hindi n'ya kilala na masayang nag-iihaw ng mga malalaking isda na nasa maliit na mesa na ginawa ng mga ito na lagaya
KIANNA APHRODITE...Nagising s'ya na parang may nakapatong sa kan'ya kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at sinilip ito.Malapad s'yang ngumiti ng makita si Nile na nakadapa sa kan'yang t'yan at mahimbing na natutulog. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nangunot ang kan'yang noo ng mapagtanto na nasa isang silid na s'ya.Ang naalala n'ya kanina ay nasa labas s'ya ng bahay ni Allistair at hinihintay ito na lumabas para malaman n'ya kung papayag ang asawa nito na makikitira s'ya rito hangga't bumalik ang kan'yang kuya Marcus para sunduin sila ni Nile."Pinapasok n'ya ako sa bahay nya?" lihim na tanong n'ya sa sarili ngunit agad ding natigil ng bumukas ang pinto ng kwarto.Mabilis n'yang ipinikit ang mga mata at nagkunwari na tulog. Hindi s'ya gumalaw at nakiramdam lang s'ya sa kilos ni Niccos sa paligid.She knows it's Niccos dahil kilala n'ya ang amoy ng binata. Maya-maya pa ay naramdaman n'ya ang mga kamay nito malapit sa kan'yang t'yan. Nahigit n'ya ang hininga ng magdi
KIANNA APHRODITE...Sabay silang apat na kumain pagkatapos makapagluto. Matapos ang nangyari kanina ay agad na tinapos ni Niccos ang niluluto at tinawag si Girlie at Nile.Wala silang imikan at hindi din ito kumikibo kaya tumahimik na lang din s'ya at hindi na nagsalita pa. Tumulong s'ya sa paglalagay ng mga plato at kubyertos habang si Niccos ay bumaba para tawagin ang dalawa.Hindi naman nagtagal ay bumalik ang tatlo ay karga-karga ni Niccos ang kanilang anak habang nakaakbay naman ang isang braso nito kay Girlie.Gusto n'ya mang balewalain ang sakit na nararamdaman sa nakikita sa mga ito ngunit hindi n'ya maiwasan. Larawan ng isang perpekto at masayang pamilya ang tatlo kung titingnan samantalang s'ya ay nakikisiksik sa mga ito para makasama ang kan'yang anak.Nagkanya-kanya na sila upo at nagsimulang kumain.Inasikaso n'ya si Nile na napagitnaan nilang dalawa ni Niccos. Itinuon n'ya na lang ang atensyon sa kan'yang anak imbes na sundan ang bawat galaw ng mag-asawa sa kan'yang hara
KIANNA APHRODITE...Nagising s'ya dahil sa sobrang lamig. Nanginginig ang kan'yang buong katawan. Ramdam n'ya ang bawat panunuot ng lamig sa kan'yang balat.Halos hindi n'ya maigalaw ang kan'yang mga kamay at paa. Pakiramdam n'ya ay namamanhid ang mga ito.Masakit din ang kan'yang katawan pati na ang kan'yang lalamunan. Mabigat ang ulo at nanghihina ang kan'yang buong sistema. Wala s'yang ideya kung bakit s'ya nagkaganito. Para s'yang lantang gulay sa kan'yang sitwasyon ngayon."Ang l-lamig," pabulong na sabi n'ya at namaluktot. Yakap-yakap n'ya ang kan'yang tuhod dahil sa sobrang panginginig."Shit! K!" may narinig s'yang boses ngunit malabo ito. Para s'yang dinuduyan sa antok. Namimigat ang kan'yang talukap at wala s'yang lakas na imulat ang mga mata."I-I'm cold, I'm cold. M-Mommy, m-mommy hug me please, I'm cold," pabulong na sabi n'ya habang yakap-yakap ang mga tuhod. Maya-maya pa ay naramdaman n'ya ang isang braso na yumapos sa kan'yang bewang.Mainit ito at nababawasan ang lami
KIANNA APHRODITE...."You need to look after her Nics. These are the medicines that she needs to take. Finish the course of antibiotics, do you understand? Kailangan ng katawan n'ya yan dahil malala ang virus sa katawan ni Kianna," narinig n'ya ang boses ng isang babae na nagsasalita.Dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata. Umikot ang kan'yang paningin kaya bahagya s'yang pumikit ulit. Sobrang uhaw ng kan'yang pakiramdam kaya naman ay pinilit n'yang magmulat muli para manghingi ng tubig kay Allistair."B-Baby," mahinang tawag n'ya sa lalaki. Dahil sa masamang pakiramdam ay nakalimutan n'ya na hindi na pala sila at may asawa na ito."K! Do you need anything? May masakit ba sayo?" tanong nito at dali-daling lumapit sa kan'ya."I-I want water. I'm thirsty," pabulong na sabi n'ya rito. Agad naman itong tumalima at nagsalin ng tubig mula sa pitsel na nasa mesa malapit sa kan'yang kama. Agad itong lumapit sa kan'ya at inilagay muna ang baso sa gilid bago s'ya tinulongan na maka
KIANNA APHRODITE...Matapos nilang kumain ni Nile ay naglibot pa sila saglit at namili ng ilang gamit bago umuwi.Binilhan n'ya ng mga bagong damit ang anak at mga swimming clothes at bumili din s'ya ng para sa kan'ya gamit ang card ni Niccos. Dinamihan n'ya bili ng mga lingeries n'ya at halos lahat ay napaka revealing kapag isinuot.Model na s'ya ng mga lingerie ngunit ngayon ay kakaiba. Ngayon na lang ulit s'ya nakapagsuot ng mga ganito after n'yang manganak kay Nile.Tunay nga na kapag nanay ka na ay nakakalimutan mo ny ayusan ang iyong sarili. Mas priority mo ang iyong anak kaysa sarili mo.Lihim s'yang napangiti habang sinusukat ang napiling swimsuit. It is too revealing at halos kita na ang kan'yang kaluluwa. Kaunting parte na lang ng kan'yang pribadong parte ng katawan ang natatakpan.Sinadya n'ya ito at wala na s'yang pakialam pa sa iisipin ni Niccos sa kan'ya. Bumili din s'ya ng mga gamit at toiletress para kay Allistair. Mga t-shirt at short pati na underwear nito at mga swi