"Lubos mong ipinapahiya ang pamilya Ruiz! Kasama na iyong mga ipinost mo sa forum, hindi kita matutulungan!" "Kuya! Ginawa ko lahat ng ito para sayo! Halata na niloko ka nung asong babaeng yun habang kayo ay kasal, pero binigyan mo siya ng napakaraming pera at ang bahay na iyon. Pinakasalan ka niya para lang sa pera! Basta ay ayaw ko lang sa kanya! Bakit napakawalanghiya niya at nangangahas na kunin ang pera ng pamilyang Ruiz!" Galit na nagmura si Kaena. "Tama na!" Mas lalo nang hindi maipinta ang mukha ni Tyson bawat sandali. "Ngayon ay hindi na tanong kung ililigtas ka o hindi. Alam mo ba kung sino ang nagpadala sa iyo dito? Ang pamilya ng Torres na iyon. Walang sinuman ang makakatulong sa iyo! Dapat ay matuto ka sa iyong sarili!" Tumalikod si Tyson at agad na naglakad palayo pagkatapos sabihin iyon. "Wag kang umalis! Kuya! Hindi ka pwedeng umalis!" Kinalampag ni Kaena ang pinto na parang isang baliw, ngunit sa sandali na gumalaw siya, dalawang pulis ang dumating para pigil
Katatapos lang pumirma ni Tyson ng kontrata sa isang high-end na tea kiosk. Hindi siya mapirmi, at ang kanyang isip ay puno ng imahe nina Mariana at Mavros na nakatayong magkasama. Pagkalabas niya ng tea kiosk, may mahabang pila sa isang tindahan ng panghimagas sa tabi nito, at sobrang sigla nito. Nakita siya ng isang assistant na nakatingin sa tindahan ng panghimagas at binanggit, "Mr. Ruiz, ito ay isang napaka sikat na tindahan ng panghimagas sa Ilocos City, Iriana. Maraming tao ang nagmamaneho ng ilang oras upang pumila para bumili nito. Ito ay naging punto ng check-in para sa isang henerasyon, sa kasamaang palad, mayroon silang limitadong suplay, at palaging may isang grupo ng mga tao na hindi makabili nito." Iriana? Mukhang narinig na niya ang pangalan na ito. Saan niya nga ba ito narinig? Kagagaling lang niya sa trabaho noong araw na iyon, at pagdating niya sa bahay, nasasabik si Mariana na ipakita sa kanya ang binili niya. May mga panghimagas sa lahat ng sukat sa coffe
Naghugas muli ng kanyang mga kamay si Mariana, inikot niya ang apoy sa pinakamataas na setting, at inilagay ang karne na binili niya sa supermarket sa kaldero upang patuyuan. Ang mga puting bula ay lumutang sa ibabaw ng tubig, at ang tumataas na init ay tumama sa kanyang mukha. Unti-unting namuo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. Nang itataas na sana niya ang kanyang kamay para kuskusin ito, pinunasan siya ni Mavros gamit ang tuwalya ng papel. "Salamat." Bulong ni Mariana.. Itinapon ni Mavros ang papel na tuwalya sa basurahan, pinunasan ang kanyang mga kamay at nagsimula ng maghiwa ng mga gulay. Ang kanyang mga kamay ay puti at ang kanyang mga buto ay naiiba. Ang bakal na kutsilyo sa kusina ay naging isang gawa ng sining sa kanyang mga kamay. Mas maputi at malambot pa ang mga kamay niya sa mga berdeng gulay. Tinapunan siya ng tingin ni Mariana. Ang kamay na nagpupunas pa lang ng pawis ay tila nasa noo pa rin niya. Namula ang kanyang mga pisngi ng walang malay. Kinuha
Huminto sa pagsasalita si Mariana at ininom ang gamot na may namumulang mga pisngi. Sa pag-agaw ng dilim sa kulay kahel na langit, babalik na sana si Mavros. May naisip siyang isang bagay, "Kukunin ko si Max bukas ng umaga at dadalhin siya kay Lolo. Salamat sa pag-aalaga sa kanya nitong mga araw na ito." sambit niya kay Mariana. Ngumiti si Mariana, "Itinuring ko na si Max bilang isang kapatid ko."Sa sumunod na araw sa hapon, sumusubo ng pagkain si Mariana, at si Maxine ay sinundo na ni Mavros. Nang tumunog ang kanyang telepono, nakita niya si Tyson iyon. Pinatay niya ang tawag, ngunit muli itong tumawag. Malungkot na kinuha ni Mariana ang kanyang telepono, " Tyson! Ano ba ang gusto mong gawin?" "Mariana, huwag mo munang ibaba. Tinawagan kita sa pagkakataon na ito dahil kay Lolo.""Si Lolo? Ano ang problema ni Lolo?" Bumagal ang ekspresyon ni Mariana. Si lolo sa buong pamilya ng Ruiz ay ang pinakamabuti na tao sa kanya. "Walang gana si lolo kamakailan lang. Ipapacheck-up
Malamig na sinulyapan siya ni Old Master Ruiz, "Hindi ko kayang turuan ang mga tao kung paano maglaro ng chess, at hindi ako mahilig maglaro ng chess. Sana lang ay makapunta si Yanyan at makapaglaro ng ilang laro kasama ako, isang matandang lalaki, kapag may oras siya." sambit nito sa masamang tono. Nagbago ang mga mata ni Diana. Hindi siya maaaring manatiling disente at mapagbigay. Sa ganitong sitwasyon kung saan siya ay hindi pinapansin sa lahat ng dako, hindi niya naintindihan kung anong uri ng gayuma ang ibinigay ni Mariana sa matanda upang ibukod siya nang ganito. Sa pag-iisip nito, "Lolo, si Miss Ramirez ay isang tagalabas kahit papaano at ako ang asawa ng iyong apo." sinabi niya sa isang masamang tono sa unang pagkakataon. "Diana, anong kalokohan ang sinasabi mo!" Agad na sinabi ni Tyson. "Ano ba ang problema, Tyson, mali ba ako? Pagkatapos ng lahat, ako lang naman ang gusto mong pakasalan." Matigas na sabi ni Diana. Binagsak ni Mr. Ruiz ang puting piraso ng chess
Hindi nakaimik si Mariana. "Mahal na mahal ka niya, tungkol saan ang pinagsasabi mo sa akin?" sarkastiko niyang sabi. Nang may gusto pang sabihin si Diana, isang Cayenne ang huminto sa gilid ng kalsada. Bumaba si Mavros sa kotse at tumingin kay Mariana. Hindi na pinansin ni Mariana si Diana at naglakad patungo kay Mavros, "Mr. Torres, tungkol saan ang kagustuhan mong makita ako?" "Pumasok ka muna sa kotse." Pinagbuksan siya ni Mavros ng pinto ng passenger seat.Natahimik si Mariana at sumakay sa kotse. Bahagyang namumula ang mga mata ni Diana. "Mr. Torres! Alam mo ba na si Miss Ramirez ay nasangkot kay Tyson Ruiz?" Sinabi niya kay Mavros nang hindi sinasadya. Saglit na natigilan si Mavros, lumingon at tumingin kay Diana, "Sa pagkakaalam ko, ito ay palaging one-sided na gusot ni Tyson Ruiz, at iyon ay tinatawag na panliligalig."Pagkasabi niyon ay dire-diretso na siyang sumakay sa kaniyang kotse. "Ang dalawang taong ito ay talagang hindi mula sa iisang pamilya." bahag
"Guro Mariana, pagkatapos kitang makausap noong nakaraan, mas gumaan ang pakiramdam ko. Pakiusap umalik ka kaagad. May gusto akong sabihin sa iyo." "Guro Mariana, salamat sa pagpapakita ng thesis ko sa idol ko. Nagreply din siya sa email ko." "Guro Mariana, nag-aalala ang lahat tungkol sa iyo! Bumalik ka kaagad!" ...... Hindi mabilang na mainit at magiliw na mga salita ng lahat ang naging ambon sa mga mata ni Mariana. Binuksan niya ang pinto ng silid ng konsuktasyon na may nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Nakaayos pa rin ang lahat tulad ng sa dati. Nalaman niya na ang nasira na safe ay ibinalik sa orihinal nitong posisyon, ngunit naayos na ito. Bumalik siya sa kanyang upuan, binuksan ang kompyuter, at nagsimula ng magtrabaho. Yung mga posts sa forum na galit na galit, matagal nang binura na parang sinasadyang nilinis ng kung sino. Ngayon ay bumalik na ito sa dati nitong pagtuon sa akademya. Makati Police Station. Ang ina ni Tyson at si Diana ay naghihintay
Sa bahay ng mga Ruiz. Nang maisip ni Kaena ang tungkol sa nangyari sa paaralan, galit na galit siya kaya hindi siya mapakali. Pumunta siya sa silid ng pag-aaral at gusto niyang sabihin ang tungkol dito kay Tyson. Nang naglakad siya patungo sa pintuan ng silid, narinig niya si Tyson na may kausap sa telepono na ibang tao. Nang marinig niya ang pangalan ni Mariana, agad siyang tumabi. "May oras ka ba ngayong sabado at linggo? Hindi masyadong maganda ang gana ni lolo nitong mga nakaraang araw. Gusto ka talaga niyang makita. Pwede mo ba siyang samahan?""Sige, hintayin ko si Mariana, susunduin ba kita?" Mariana? ! Puno ng galit ang mukha ni Kaema. Hindi siya makapaniwala na kausap ni Tyson sa telepono si Mariana! Ang malanding iyon!Bakit ngayon pa siya kinokontak ng kapatid niya? Hindi ba si Mariana ang taong pinakaayaw niya? At saka napakaamo ng tono ng kapatid niya nang tumawag ito kanina. Hindi pa niya nakitang gumamit ng ganitong tono si Tyson kapag nakikipag-usap sa iban
Nakita ni Tyson ang naging reaksyon ni Mavros at hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita pa ulit. Nagising na lamang siya sa mga katagang binitiwan ng kanyang ina. Tila siya ay biglang na-udyok na halos makalimutan na niya kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan. "Mariana, hahayaan kong humingi ng tawad si Kaena sa 'yo, o di kaya' y bayaran ka. Pwede kang magsabi ng numero, at gagawin ko ang makakaya ko para lang makontento ka." Malamig ang mukha ni Mariana nang tumingin kay Tyson, "Hindi na, umalis na kayo." malamig ang tono ng boses ni Mariana na hindi tulad ng dati. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Tyson, bumagsak ang kanyang ekspresyon at maging ang mukha ng kaniyang ina at ni Diana ay bigla ring nag-iba. Hinfi nila inasahan na magiging ganito katigas si Mariana. "Kung ayaw mo talaga ay hindi ka na namin pipilitin pa. Huwag kang iiyak at magmamakaawa sa amin pagkatapos." saad ng ina ni Tyson pagkatapos ay tumingin ng matalim kay Mariana. Tahimik
Nalilitong tumingin si Mariana kay Mavros. May nasabi ba siyang mali? "Well, lalabas na muna ako." saad ng nurse at saka umalis. Nang makaalis ito ay galit na nilingom ni Mariana ang lalaki. "I-ikaw talaga.." "Ano bang nangyari sa akin kanina? Narinig mo ba kung ano ang sinabi niya?" ani Mavros pagkatapos ay tumingin kay Mariana nang may ibang ibig sabihin. Binasa pa nito ang sulok ng mga labi. Galit namang tinalikuran ni Mariana si Mavros at hindi ito pinansin. Sobra siyang nahihiga. Nahuli silang dalawa ni Mavros, at inakala pa ng nurse na may relasyon silang dalawa. Labis na namula ang pisngi ni Mariana, mas mapula pa sa lagnat. Ang mas nakakainis pa ay talagang lumapit pa sa kanya ang lalaki at agad na ngumiti sa kanya. Alam nito na hirap siyang itagilid ang sarili, galit na galit si Mariana na talagang inunat pa niya ang mga braso at sinapak ang balikat ni Mavros. Naglikha pa ito ng tunog sa sobrang lakas at maging Mariana ay nagulat. "Bakit hindi ka umiwas!"
"Hindi nga siya nakinig, pero hindi ka naman pwedeng tumayo na lang at panuorin siyang mamatay! Umaasa rin si Kaena sa 'yo. Niloko ng bitch na iyon ang kanyang asawa at tinangay ang napakaraming pera! Nakaasa sa 'yo ang kapatid mo. Paano mo nasisikmurang hindi siya tulungan!" dinuro ng ina ni Tyson ang ilong ng anak habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Tyson, kapatid mo naman siya kahit papaano. Maaapektuhan rin nito ang reputasyon ng pamilya Ruiz. Maraming tao na ang nangutya sa sa pamilya niyo noon. Natatakot ako na sa pagkakataong ito ay..." payo ni Diana kay Tyson.Hindi natatakot si Diana para kay Kaena, natatakot siya sa sarili niyang reputasyon.Tumingin ang ina ni Tyson kay Diana na may pasasalamat, "Mabait ka talaga, Diana, may konsiderasyon at maalalahanin." sambit nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Tyson. Alam niya ang totoo. Kung nag-iisa lang sana si Mariana, madali lang itong maresolba, ngunit ngayon ay nariyan si Mavros at tinatarget nito ang kanilang pamilya."Sa k
Pumasok si Mariana sa elevator at huminga ng malalim. Hindi na siya isang paslit. Dapat ay kalmado lang siya. Nang akmang sasara na ang elevator ay isang kamay ang humarang dito uoang hindi tuluyang sumara. Pumasok si Mavros at dahan-dahan siyang nilapitan. Dala dala ng mataas na pigura nito ang amoy ng cedar. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Tila napuno na ng amoy ni Mavros ang buong elevator. Namula ang pisngi ni Mariana. Hinawakan niya ito at naramdaman na sobrang init niyon. Nag-aalala namang tumingin sa kanya si Mavros, "Nailipat mo na ba ang pera?" tanong nito at saka inilapat rin ang kamay sa noo ni Mariana, "Hindi ka na mainit." dagdag nito. Natigilan si Mariana at tila nakalimutang huminga. Mainit at malakas ang palad ng lalaki hanggang sa inalis ito sa pagkakadampi sa kanyang noo. Sinundan ng mga mata ni Mariana ang kamay na iyon habang inihuhulog sa loob ng bulsa ng suot nitong trouser. "Wala na akong lagnat." ani Mariana. "Alam ko.
Tiningnan ni Ashley ang likod ni Kaena habang tumatakas ito at bahagyang natigilan ng ilang sandali. Lumubog ang kanyang mga mata, at tila may nanumbalik sa kanyang alaala at agad na tumakbo palayo. Hindi na nagkaroon ng oras si Kaena para ligpitin ang kanyang schoolbag. Mabilis siyang tumakbo palabas ng gate ng eskwelahan, nagpara ng sasakyan at dumiretso pauwi. Nang makita siya ng kanyang ina na kauuwi lamang ay labis itong nagtaka, "Kaena, wala ka bang klase ngayong hapon? Bakit umuwi ka na? Gumawa n rin ako ng appointment kasama sina Mrs. Regala at Mrs. Chua para maglaro ng mahjong mamaya." Natatarantang tumingin si Kaena sa kanyang ina, "Mama! Anong gagawin ko? Papunta na ang mga pulis para arestuhin ako!" "Ano bang sinasabi mo? Bakit naman pupunta ang mga pulis para arestuhin ka?" natatakang tanong ng kanyang ina. Ngunit nang makita ng masyado ang natatarantang mukha ng anak ay mabilis niya rin itong naintindihan. "Ano na namang ginawa mo?!" dagdag nito. "Mama! Iyong
Ngumisi si Mariana, "Matagal na panahon na akong kinamumuhian ni Kaena. Dapat ay mas kilala mo siya kaysa sa akin. Kahit papaano ay tinuruan mo naman siya noon. Gustong gusto niyang makipaglaro. Kahit na nakuha mo talaga ang thesis ko, hindi ka niya tutulungan. Gusto lang niyang makipagkasundo sa akin. Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya, paano pa siya magkakaroon ng pakialam sa 'yo? " Bumuhos ang luha sa mga mata ni Bella at mahigpit niyang kinagat ang kanyang mga labi," Kasalanan ko ito. Nakinig ako sa kanya at dinukot kita. Kasalanan lahat ng ito. " "Anong nangyari sa litrato na iyon?" naalala ni Mariana na ang litrato na iyon ang rason kung bakit siya naloko noong araw na iyon. Saglit na natahimik si Mariana, itinikom ang kanyang mga labi bago nagsalita, "May taong gumawa niyon para kay Kaena. May inutusan siya para lapitan si Maxine, at dinala siya para kumuha ng litrato. Kalahating totoo at hindi ang nakapaloob sa larawan na iyon." ani Bella. Namutla ang kanyang mukha
Tinignan ni Mavros si Mariana na masunuring humihigop ng sabaw habang nakaupo sa kama, at ang tanging bagay na nasa kanyang alaala ay ang pigura ni Mariana na bumabagsak sa gitna ng ulan. Nahimatay si Mariana sa bumubuhos na ulan, at nakaramdaman naman si Mavros ng kawalan ng laman sa kanyang puso. Tahimik na naglakad si Mavros sa bintana at tumingin sa berdeng damuhan na nasa likod ng ospital. Mayroong ilang mga kapansin-pansin na mga usbong roon, at ang mga usbong na iyon ay malapit nang mamukadkad. Palihim na naglakad ang isang pasyente sa damuhan na iyon at iniunat ang kanyang kamay para kurutin ang tangkay ng isang bulaklak. Bumilis ang tibok ng puso ni Mavros at naging malungkot ang kanyang mukha. May isang batang babae na naliligo sa dugo at nahulog sa isang pool na puno rin ng dugo. Isa pang batang babae ang naghihirap nang husto at tuluyang nahimatay. Dahil sa eksenang iyon ay hindi niya magawang tumayo. Hinawakan niya ang dingding gamit ang isang kamay at idiniin ang
Hindi maganda ang ekspresyon na nasa mukha ni Mavros, "Ayos ka lang ba?" kinakabahang tanong niya kay Maxine. "Ayos lang naman ako, kuya, kumuha lang kami ng litrato sa coffee shop, ano bang nangyari?" medyo nag-aalalang sambit ni Maxine. Huminga ng malalim si Mavros, "Si Mariana, umalis siya para iligtas ka." "Iligtas ako? Anong ibig mong sabihin?" nanlaki ang mga mata ni Maxine. Mabilis namang binuksan ni Mavros ang pinto ng sasakyan, "Huli na, pumasok ka muna sa kotse!" Agad na pumasok si Maxine sa loob ng sasakyan, at sinabi rin ni Mavros sa kanya ang nangyari pagkatapos nitong sumakay. "Ano?! Paano nangyari iyon? Low battery ang telepono ko at nakapatay, hindi ko nasagot ang tawag!" gulat na inilabas ni Maxine ang kanyang telepono. Nakaupo sa passenger's seat ang assistant ni Mavros, naghahanap ito ng impormasyon sa lisensyadong plaka ng sasakyang lulan ni Mariana. Kumuyom ang mga kamao ni Mavros. Natanggap niya ang tawag ni Mariana habang nasa kalagitnaan siya ng me
Bigla niyang naalala si Mavros na palaging napapakulo ng gamot noon sa kusina para sa kanya. Naglagay ng tubig si Mariana sa isang kaserola at pinakuluan ang isang pakete ng gamot. Mabilis na naayos ang insidente tungkol sa thesis. Halos dalang araw lang, direktng nabura ang papel na isinulat ni Bella at isang notice ang ginawa. Pinuna rin ng eskwelahan at inalis si Bella sa unang pagkakataon. Katatapos lang basahin ni Mariana ang public notice habang nasa opisina nang makatanggap siya ng tawag mula sa Journal Institute. Hindi na nagsayang ang nasa kabilang linya at diretso nang nagsalita, "Miss Ramirez, sobrang makabuluhan ng article mo. Pagkatapos mong mai-publish ito, gusto naming makipag-usap sa 'yo tungkol sa selection ng Journal Institute." Hindi naman ito ginawang big deal al ni Mariana, "Tatawagan ko kayo pagkatapos ng publication." Sa oras ding iyon ay nagpadala rin mensahe sa email ang taong in charge sa Acta Psychologica Sinica, unang una na roon ay ang paghi