Malamig na sinulyapan siya ni Old Master Ruiz, "Hindi ko kayang turuan ang mga tao kung paano maglaro ng chess, at hindi ako mahilig maglaro ng chess. Sana lang ay makapunta si Yanyan at makapaglaro ng ilang laro kasama ako, isang matandang lalaki, kapag may oras siya." sambit nito sa masamang tono. Nagbago ang mga mata ni Diana. Hindi siya maaaring manatiling disente at mapagbigay. Sa ganitong sitwasyon kung saan siya ay hindi pinapansin sa lahat ng dako, hindi niya naintindihan kung anong uri ng gayuma ang ibinigay ni Mariana sa matanda upang ibukod siya nang ganito. Sa pag-iisip nito, "Lolo, si Miss Ramirez ay isang tagalabas kahit papaano at ako ang asawa ng iyong apo." sinabi niya sa isang masamang tono sa unang pagkakataon. "Diana, anong kalokohan ang sinasabi mo!" Agad na sinabi ni Tyson. "Ano ba ang problema, Tyson, mali ba ako? Pagkatapos ng lahat, ako lang naman ang gusto mong pakasalan." Matigas na sabi ni Diana. Binagsak ni Mr. Ruiz ang puting piraso ng chess
Hindi nakaimik si Mariana. "Mahal na mahal ka niya, tungkol saan ang pinagsasabi mo sa akin?" sarkastiko niyang sabi. Nang may gusto pang sabihin si Diana, isang Cayenne ang huminto sa gilid ng kalsada. Bumaba si Mavros sa kotse at tumingin kay Mariana. Hindi na pinansin ni Mariana si Diana at naglakad patungo kay Mavros, "Mr. Torres, tungkol saan ang kagustuhan mong makita ako?" "Pumasok ka muna sa kotse." Pinagbuksan siya ni Mavros ng pinto ng passenger seat.Natahimik si Mariana at sumakay sa kotse. Bahagyang namumula ang mga mata ni Diana. "Mr. Torres! Alam mo ba na si Miss Ramirez ay nasangkot kay Tyson Ruiz?" Sinabi niya kay Mavros nang hindi sinasadya. Saglit na natigilan si Mavros, lumingon at tumingin kay Diana, "Sa pagkakaalam ko, ito ay palaging one-sided na gusot ni Tyson Ruiz, at iyon ay tinatawag na panliligalig."Pagkasabi niyon ay dire-diretso na siyang sumakay sa kaniyang kotse. "Ang dalawang taong ito ay talagang hindi mula sa iisang pamilya." bahag
"Guro Mariana, pagkatapos kitang makausap noong nakaraan, mas gumaan ang pakiramdam ko. Pakiusap umalik ka kaagad. May gusto akong sabihin sa iyo." "Guro Mariana, salamat sa pagpapakita ng thesis ko sa idol ko. Nagreply din siya sa email ko." "Guro Mariana, nag-aalala ang lahat tungkol sa iyo! Bumalik ka kaagad!" ...... Hindi mabilang na mainit at magiliw na mga salita ng lahat ang naging ambon sa mga mata ni Mariana. Binuksan niya ang pinto ng silid ng konsuktasyon na may nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Nakaayos pa rin ang lahat tulad ng sa dati. Nalaman niya na ang nasira na safe ay ibinalik sa orihinal nitong posisyon, ngunit naayos na ito. Bumalik siya sa kanyang upuan, binuksan ang kompyuter, at nagsimula ng magtrabaho. Yung mga posts sa forum na galit na galit, matagal nang binura na parang sinasadyang nilinis ng kung sino. Ngayon ay bumalik na ito sa dati nitong pagtuon sa akademya. Makati Police Station. Ang ina ni Tyson at si Diana ay naghihintay
Sa bahay ng mga Ruiz. Nang maisip ni Kaena ang tungkol sa nangyari sa paaralan, galit na galit siya kaya hindi siya mapakali. Pumunta siya sa silid ng pag-aaral at gusto niyang sabihin ang tungkol dito kay Tyson. Nang naglakad siya patungo sa pintuan ng silid, narinig niya si Tyson na may kausap sa telepono na ibang tao. Nang marinig niya ang pangalan ni Mariana, agad siyang tumabi. "May oras ka ba ngayong sabado at linggo? Hindi masyadong maganda ang gana ni lolo nitong mga nakaraang araw. Gusto ka talaga niyang makita. Pwede mo ba siyang samahan?""Sige, hintayin ko si Mariana, susunduin ba kita?" Mariana? ! Puno ng galit ang mukha ni Kaema. Hindi siya makapaniwala na kausap ni Tyson sa telepono si Mariana! Ang malanding iyon!Bakit ngayon pa siya kinokontak ng kapatid niya? Hindi ba si Mariana ang taong pinakaayaw niya? At saka napakaamo ng tono ng kapatid niya nang tumawag ito kanina. Hindi pa niya nakitang gumamit ng ganitong tono si Tyson kapag nakikipag-usap sa iban
Ito ay isang hindi kilalang MMS. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng larawan na ito o kung ano ang kanilang intensyon. Naistorbo lang nito ng tuluyan ang mood ni Mavros. Kailanman ay hindi siya naging ganito kagulo dahil lang sa isang bagay. Kahit na hindi man niya ipinakita, gulong-gulo na ang puso niya. Tinawagan niya ang numero. Pagkatapos ng dalawang ring, pinulot na ang telepono. Ang taong nagsalita ay tumawatawa. "Hello? Hindi na masagot ni Mariana ang telepono. Nakayakap siya sa kapatid niya... Paumanhin sa pagsasabi ng ng marami, pakiusap tumawag ka ulit mamaya." "Beep..." Ibinaba na ang telepono. Nag-iwan ng malalim na ngiti si Kaema sa gilid ng kanyang mga mata. Tinanggal niya ang record ng tawag at ibinalik sa pwesto ang telepono. Ang lahat ng ito ay tahimik na tila ba hindi nangyari. Napatingin siya sa kanilang dalawa. Sina Mariana at Tyson ay nagbabalat pa rin ng durian. Ang amoy na nagmumula sa balat ng durian ay sumalakay pa sa kanyang balat. Binu
Nang marinig ito, halatang gumaan ang loob ni Mavros at ibinalik ang telepono sa kanyang bulsa, "Siguro ay iniisip niya na may relasyon tayo at gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na ito para sirain ang relasyon natin." "Wala talaga siyang ginagawa. Hindi niya matiis na makita akong nagiging malapit sa kahit na sinuman. Tuwing lalapit ako sa isang tao, iniisip niya na may masama akong intensyon. Huwag mo nang isipin iyan, mali siya ng pagkaka-unawa." Ibinaba ni Mariana ang kanyang mga mata at ang kanyang mga pilikmata ay kumikislap. Hindi siya tumigil, ngunit biglang lumapit sa kanya si Mavros. "Mali ba siya ng pagka-unawa?" tanong nito. Ang mainit na hininga ay humihip sa noo ni Mariana, at ang kanyang mukha ay naging pula. "Ito ay isang hindi pagkakaunawaan!" Hindi siya tumingin kay Mavros, ngunit nagpatuloy sa paghakbang at binilisan ang kanyang lakad. Tumingin si Mavros sa kanyang likod, at ang nababalisa na likod ay nagpasaya sa kanya. Lumabas na mali pala a
"Ikaw ang tanga! Ang tanga ng buong pamilya mo! Kaena Ruiz, ano ang karapatan mo para magsalita sa akin ng ganiyan? " Biglang natauhan si Kaena. Nakita niya si Maxine na naging tanga sa sarili niyang mga mata. Noong nakaraan, siya ay nagtatago nang mahina sa likod ni Mariana. "Ikaw, ikaw ay malinaw na..." "Ano?" Itinulak ni Mariana ang pinto ng silid ng kagamitan at naglakad sa harap ni Maxine upang harangan ang paningin ni Kaena. Napaatras si Kaena dahil sa gulat. Tinuro niya si Maxine, "Hindi! Halata na tanga siya noong nakaraan. Nakita ko ito nang malinaw. O ginawa mo ba ito ng sadya?" sambit niya. "Kaema Ruiz, hindi mo talaga matandaa na kumain o mabugbog. Ang bagay ni Maxine ay walang kinalaman sa iyo. Sa susunod na gumawa ka ng isang bagay, isipin mo muna kung kakayanin ba ni Amalia Ruiz ang presyo." Malamig na sabi ni Mariana. Akala ko ay magkakaron na siya ng kamalayan sa huling kompetisyon, pero ngayon ay parang naikulong lang siya. Hindi pa rin siya nagigising pa
Malamig ang mga mata ni Mavros, "Wala itong kinalaman sa iyo." "Mr. Torres, nagpunta ako dito na may mabuting hangarin para tulungan ka na sa pupuntahan mo." Sabi niya na may malungkot na mukha. "Hindi na kailangan." Hindi tumigil si Mavros. Ipinadyak ni Kaena ang kanyang mga paa sa galit habang pinagmamasdan itong umalis, ngunit hinabol pa rin niya ito nang labag sa kaniyang loob. "Mr. Torres, kaarawan mo bukas, pwede mo ba akong bigyan ng imbitasyon?" Kinusot niya ang kanyang mga mata at nagkunwaring inosente na tumingin kay Mavros. Sa kasamaang palad, sa pagkakataong ito ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Mavros at dumiretso sa silid ng sikolohikal na pagpapayo. Tinitigan ni Kaena ang likod ni Mavros at bahagyang nawala sa kaniyang isip, at alam din niya ang direksyon. Lumalabas na hindi si Maxine ang hinahanap niya, kundi si Mariana. Nakakahiya para sa kanya na humingi ng imbitasyon ngayon lang, ngunit hindi man lang siya binigyan ni Mavros ng pagkakataon
"Nasaktan ka." ani Mavros, bahagyang mababa ang boses. Tila sumabog ang tahimik na kulay itim na mga ulap kasabay ng pagkislap ng liwanag at pagkalabog ng kulog. Nanginig ang buong katawaan ni mariana at saka ibinagsak ang sarili kay Mavros. Tag-ulan talaga ang kinatatakutan niya, lalo na ang kulog at kidlat. Pinulupo ni Mavros ang kanyang braso sa baywang ni Mariana, humahaplos naman sa buhok ni Mariana ang isa pa niyang kamay. Hindi nakita ni Mariana ang pagkaka-konsenysya at bahagyang pagka-bahala na dumaan sa mga mata ni Mavros. Sininghot naman ni Mariana ang halimuyak na nasa dibdib ng binata, puno ng seguridad, Panigurado ay nakokonsensya lamang si Mavros na hindi niya nakilala si Mariana ng maaga. KINABUKASAN, nawala na ang ulan mula kagabi, at malakass na lumabas ang sikat ng araw sa sumunod na umaga, na tila ba walang ulan na bumuhos kagabi. Iminulat ni mariana ang kanyang mga mata, ngunit nakita niya naa wala na ang lalaking katabi niyang matulog kagabi. Hinap
Ang ilan ay nakatingin na kay Kaena at sinisigawan siya. "Isa ka bang baguhang kabayo? Isa akong puting kabayo, anong breed mo?!" "Alam mo bang may sumusunod sa 'yo? Nakasampa siya ngayon sa likod mo." Sobra na siyang nakakaramdam ng takot pagka-rinig ng mga salitang iyon kasabay ng pag-tagaktak ng pawis sa kanyang buong katawan. Kahit magmula nang siya ay makapasok sa kaniyang silid, hindi na niya magawang makapag-pahinga. Sumisigaw lahat ng mga pasyente na naroon, at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. Maraming beses na rin niyang sinabi sa mga nurse at doktor na wala naman siyang sakit sa pag-iisip, ngunit walang silbi iyon. Lumabas sa kanyang mental report na mayroon siyang bipolar disorder at persecution delusion, at tinatrato rin siya ng mga nurse na isang normal na pasyente sa ospital na iyon. Sa gabi ring iyon ay sinuutan ng straitjacket si Kaena matapos niyang bayolenteng saktan at bugbugin ang isang nurse roon. Itinali ang kanyang mga kamay at
Nagbigay na ng mental evaluation report ang abogado ni Kaena bago pa ito masintensyahan, at ipinapakita sa resulta na iyon na mayroon siyang paranoia at bipolar disorder. Gayunpaman, dapat ay matagal na siyang nasintensyahan, ngunit ngayon ay direkta siyang ipinadala sa mental hospital para sa kustodiya at medical treatment. Matapos lumabas ng resulta ay siya namang pagkikita nina Mariana at Bella. "Alam kong hindi ito magiging ganoon kadali." ani Bella pagkatapos ay ngumiti. Umiling si Mariana. "Ginawa na natin ang lahat ng makakaya natin. Kung ipadala man siya sa mental hospital, dapat siyang mabuhay at makatanggap ng treatment bilang isang mental patient. Panigurado ay mas masakit iyon para sa kaniya." ani Mariana. "Ipinadala mo na ba ang anak ko sa lola niya, Miss Ramirez?" namomroblemang tanong ni Bella. Tumango si Mariana. "Naihatid na siya roon. Kapag umayos siya, pwede siyang makakuha ng deferred driving. Tutulungan kitang bantayan ang anak mo. Tutulunga
Ngunit direktang sumandal si Mariana kay Mavros, inunat ang mga daliri at idinuro sa kanyang mukha. "Ha? Ikaw si Mavros Torres! Bakit dalawa ang ilong mo?" Nais tumitig ni Mariana sa ilong ni Mavros dahil sa kalituhan, ngunit hindi na niya kaya pang kontrolin ang kanyang tingin sa mga oras na iyon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nakakaramdam ng hilo, kaya ibinagsak na lamang niya ang buong katawan kay Mavros. "May gusto sa akin si Mavros." aniya. "Anong sinabi mo?" magaang sabi ni Mavros. Puno ng lambing ang mga mata nito, pagkatapos ay inalalayan ang katawan ni Mariana. Ngunit humagikhik lamang si Mariana sa kaniyang tanong. Marami na rin siyang nainom, ngunut hindi siya ganoon ka-lasing kaysa kay Mariana, at malinaw pa rin ang lahat ng nangyayari para sa kay Mavros. Inangat ni Mavros ang kanyang kamay upang magtawag ng tao na tutulong sa tatlong kasama nila pabalik sa mga kwarto nito. Nais na rin niyang bumalik si Mariana sa sarili nitong silid. Ala una na ng u
Sa loob ng study room ay naroon ang low pressure na nqgpapasikip ng dibdib ni Mavros. Nagsusulat ng calligraphy painting ang kanyang lolo sa desk nito, ni hindi tinqtqpunqn ng tingin ang bagong dating na apo. Matagal na oras pa bago natapos ang painting. Ibinaba ni Mr. Torres ang kanyang ballpen bago nagsalita. "Anong pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?" "Ilang mga trivial matters lang." sagot ni Mavros. "Trivial Matters? Nakikita ko na nagpapakasawa ka sa pag-ibig. Hindi kita pinagbabawalan na maging affectionate, pero dapat mong malaman ang mga bagay bagay tungkol sa babaeng iyan." saad ng matanda, ouno ng pag-aalala ang mukha nito. Ngumiti si Mavros. " Lolo. Kilalang kilala ko na siya, hindi mo na kailangan pang makinig sa ibang tao. " aniya. Ngumiti rin ang matanda. "Paano mo naman nalaman?" tanong nito. Nagkibit-balikat si Mavros. "Kung wala namang nagreklamo, bakit bigla mo na lang ako tinawagan para magpunta rito?" "Well, may taong
Isa lang siyang guro na nagtatrabaho bilang isang psychological counselor sa University A matapos makipag-hiwalay sa asawa. Bigla siyang natawa sa kaniyang sarili. Kailan pa siya naging sobrang diskumpyado? Napaka-confident niya noon tulad ni Maxine, pero ngayon.... Umupo si Mavros, nilagay pabalik sa kamay ni Mariana ang mansanas pagkatapos ay seryosong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ito laro. Seryoso ako. Sa tingin ko ay nararamdaman mo naman iyon." sambit nito. Nag-aalab ang mga mata ng lalaki, nagbibigay init sa mga mata ni Mariana. "Yan yan, sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tao ka ba?" dagdag ni Mavros. Sandaling natahimik si Mariana. "Uhm... I-I..." "Anomg klaseng tao ka?" muling tanong ni Mavros. Tumitig siya kay Mariana ng mahigpit, na tila ba niais nitong magsunog ng butas sa mukha ni Mariana. "Tulad ng sinabi ng ina ni Tyson, isang diborsyadang babae na may hindi magandang record." sagot ni Mariana at saka ngumisi ng dalawang beses. Inil
Nakita ni Tyson ang naging reaksyon ni Mavros at hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita pa ulit. Nagising na lamang siya sa mga katagang binitiwan ng kanyang ina. Tila siya ay biglang na-udyok na halos makalimutan na niya kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan. "Mariana, hahayaan kong humingi ng tawad si Kaena sa 'yo, o di kaya' y bayaran ka. Pwede kang magsabi ng numero, at gagawin ko ang makakaya ko para lang makontento ka." Malamig ang mukha ni Mariana nang tumingin kay Tyson, "Hindi na, umalis na kayo." malamig ang tono ng boses ni Mariana na hindi tulad ng dati. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Tyson, bumagsak ang kanyang ekspresyon at maging ang mukha ng kaniyang ina at ni Diana ay bigla ring nag-iba. Hinfi nila inasahan na magiging ganito katigas si Mariana. "Kung ayaw mo talaga ay hindi ka na namin pipilitin pa. Huwag kang iiyak at magmamakaawa sa amin pagkatapos." saad ng ina ni Tyson pagkatapos ay tumingin ng matalim kay Mariana. Tahimik
Nalilitong tumingin si Mariana kay Mavros. May nasabi ba siyang mali? "Well, lalabas na muna ako." saad ng nurse at saka umalis. Nang makaalis ito ay galit na nilingom ni Mariana ang lalaki. "I-ikaw talaga.." "Ano bang nangyari sa akin kanina? Narinig mo ba kung ano ang sinabi niya?" ani Mavros pagkatapos ay tumingin kay Mariana nang may ibang ibig sabihin. Binasa pa nito ang sulok ng mga labi. Galit namang tinalikuran ni Mariana si Mavros at hindi ito pinansin. Sobra siyang nahihiga. Nahuli silang dalawa ni Mavros, at inakala pa ng nurse na may relasyon silang dalawa. Labis na namula ang pisngi ni Mariana, mas mapula pa sa lagnat. Ang mas nakakainis pa ay talagang lumapit pa sa kanya ang lalaki at agad na ngumiti sa kanya. Alam nito na hirap siyang itagilid ang sarili, galit na galit si Mariana na talagang inunat pa niya ang mga braso at sinapak ang balikat ni Mavros. Naglikha pa ito ng tunog sa sobrang lakas at maging Mariana ay nagulat. "Bakit hindi ka umiwas!"
"Hindi nga siya nakinig, pero hindi ka naman pwedeng tumayo na lang at panuorin siyang mamatay! Umaasa rin si Kaena sa 'yo. Niloko ng bitch na iyon ang kanyang asawa at tinangay ang napakaraming pera! Nakaasa sa 'yo ang kapatid mo. Paano mo nasisikmurang hindi siya tulungan!" dinuro ng ina ni Tyson ang ilong ng anak habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Tyson, kapatid mo naman siya kahit papaano. Maaapektuhan rin nito ang reputasyon ng pamilya Ruiz. Maraming tao na ang nangutya sa sa pamilya niyo noon. Natatakot ako na sa pagkakataong ito ay..." payo ni Diana kay Tyson.Hindi natatakot si Diana para kay Kaena, natatakot siya sa sarili niyang reputasyon.Tumingin ang ina ni Tyson kay Diana na may pasasalamat, "Mabait ka talaga, Diana, may konsiderasyon at maalalahanin." sambit nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Tyson. Alam niya ang totoo. Kung nag-iisa lang sana si Mariana, madali lang itong maresolba, ngunit ngayon ay nariyan si Mavros at tinatarget nito ang kanilang pamilya."Sa k