Niyakap ni Alex Rockefeller ang kanyang asawa na para bang bola ng apoy ang niyayakap niya.Nang walang anumang pasabi, binuhat niya si Lady Dorothy Assex.***“Argh!”Pagkaalis ng pamilyang Assex, mabilis nilang dinala si Madame Joanne sa ospital.Habang nagmamaneho, nagsimulang magwala si Benny Assex, hinahampas ang kanyang mga kamay sa manibela.Sa sobrang takot nina Anderson at Lady Emma Assex, hindi na sila makapagsalita.“Kuya, ano... Anong ginagawa mo?” tanong ni Anderson.Preno!!!Biglang inihinto ni Benny ang sasakyan sa gitna ng kalsada at sinampal si Anderson sa mukha. “Nangyari ang lahat ng ito dahil sa inyo ng anak mo! Kayong dalawang talunan! P*takte! Nasasayang ‘yong mga perang binibigay sa inyo. Wala na kayong naiambag na kapaki-kapakinabang at puro gulo lang ang idinulot ninyo.”Nagalit din si Anderson. “Kuya, anong kinalaman nito sa amin ni Emma?” protesta niya.“Lahat ito ay dahil sa kagustuhan ng anak mong pamunuan ang Lady Dorothy’s Dorothy-Alex Constructions, hind
Makalipas ang tatlong minuto, sa wakas ay bumuti na ang sitwasyon.Nagkatinginan ang dalawa at biglang humagalpak sa tawa.Bagama’t nabigo ang karanasan... kahit papaano ay nagsilbi ito para mapahusay at mapalalim ang relasyon ng mag-asawa.“Maligo ka na! Hihintayin kita, at ikukuha kita ng damit,” sabi ni Dorothy habang nagmumumog. Sinuka niya lahat ng kinain niya kaninang umaga.Ang banyo ng kanyang opisina ay may kasamang shower room, kaya hindi malaking bagay na maligo dito.Nadismaya si Alex. “Sige. Kumuha ka na at bumalik ka kaagad.”Nang makita ang hitsura ng pagkabigo sa kanyang mukha, hindi maiwasan ni Dorothy na makaramdam ng kaunting pagsisisi. Bumulong siya, “Okay, huwag kang masyadong magtampo. Ipinapangako kong hindi na magiging ganito sa susunod... Hindi lang kasi naaangkop ‘yong lugar na pinili natin.”“Sabi mo eh.”“Oo, sabi ko nga... Pero kailangan mong ipangako sa’kin na hindi ka nakikipagtalik sa Cheryl na iyon sa likod ko.”Hindi nakaimik si Alex. “Walang namamagit
Hinawakan ni Simon si Benny sa buhok, malupit ang kanyang boses. “Lahat ng pera ko, pati interes na 40 million. Kung hindi ko iyon makikita ngayong araw, kukunin ko ang isa sa iyong mga kamay.”Nanginginig si Benny sa gulat at takot.Samantala, nang marinig ang kaguluhan, pumasok sina Madam Joanne at Anderson.“Anong nangyayari? Anong ginagawa ninyo?!”“Saan galing ang mga gangster na tulad ninyo? Sino kayo para pumasok sa Assex Constructions para manggulo? Alam ninyo ba kung ano ang mga kahihinatnan? Lumabas kayong lahat!” Malakas na sigaw ni Madam Joanne, hawak ang kanyang tungkod.Nang makitang hinampas ng kalbong lalaki ang kanyang anak, lalo siyang nagalit.Umaasa sa katotohanang siya ay isang senior at na ang mga taong ito ay masyadong matatakot na hampasin siya, itinaas niya ang kanyang tungkod at hinampas ang kalbong lalaki.Pak!Isang bukol at pasa ang lumitaw sa ulo ng kalbo.Nagulat si Benny. “Mom, hayaan mo na. Ako nang baha…”Bago niya matapos ang kanyang pangungusap, hina
“Ano?!”Nagulat sina Dorothy at Alex nang marinig nila ang mga salita ni Chen Jing.Lalo na si Alex. Naisip niya sa kanyang sarili, ‘Napakatapang ba ng lasong ibinibigay ni Granny Blackwood, kaya napatay siya nito sa isang langhap?’Gayunpaman, mabilis na nagtanong si Dorothy, “Paano siya namatay?”“Nabalitaan kong pinatay siya sa eksena ng isang gangster. Ang pinuno ay isang loan shark na nagpapautang na may mataas na rate ng interes. Si Benny ay humiram ng 40 milyon mula sa kanila, at sa ilang kadahilanan, nagkaroon ng hidwaan sa kanyang opisina.”Ang Assex Construction at Dorothy-Alex Construction ay dating nasa ilalim ng parehong bubong, at si Chen Jing ay may mga kaibigan pa rin doon. Nang maganap ang insidente, tumawag kaagad ang kanyang kaibigan at sinabi sa kanya ang tungkol dito.Matapos marinig iyon ni Dorothy ay natahimik siya nang matagal.Kahit na hindi makatarungan ang pakikitungo sa kanya ng matandang babae at gusto pa nitong makipagsabwatan laban sa buong pamilya ni Dor
Sinabihan niya pa ito na sinungaling na hindi magaling umarte.Sinabi rin niya na siya si Lord Lex Gunther sa mukha nito.Sa puntong iyon, bigla niyang naisip na mamatay siya!Papatayin kaya siya ni Lord Gunther?Samakatuwid, ito ang dahilan kung bakit hindi niya gaanong pinansin kahit na nakarating sa kanya ang balita ng pagkamatay ni Madam Joanne. Isa lang ang nasa isip niya, at iyon ay upang malaman kung ang tao mula kahapon ay talagang si Lex Gunther, ang hari sa underworld ng California.Nang lumakad si Alex sa mga pintuan, nakita niya kaagad ang mukha ni Lex sa screen ng TV.Kumikislap ang kanyang mga mata. Pagkatapos, sinulyapan niya si Claire, na halatang gulat at takot at tumawa.Gaya ng inaasahan, nang makita ni Claire si Alex, agad niyang itinuro ang screen ng TV at biglang nagtanong, “Sabihin mo nga sa akin, ang taong pumunta sa bahay mo para hanapin ka kahapon. Siya ba iyon? Si Lex Gunther mula sa Thousand Miles Conglomerate?”Labis na nagulat ang ekspresyon ni Dorothy.An
“Ano?“Sige, darating din ako agad!”Nadurog ang puso ni Alex.Nakamit ni Waltz ang ranggong Mystic pagkatapos niyang gamitin ang Blood Cleansing Technique niya. Siya ay itinuturing na numero unong master sa Thousand Miles Conglomerate, pero nasugatan siya?Sino sa mundo ang kanyang kalaban?Pagkatapos ng tawag, agad na sinabi ni Alex, “Wifey, may kailangan akong asikasuhin, at kailangan kong umalis saglit.”Pagkasabi niya no’n, nagmamadali siyang umalis.“Uy, saan ka pupunta?” Tanong ni Dorothy habang hinahabol siya.“Wala na akong oras para magpaliwanag. Mamaya ko na sasabihin sa’yo pagbalik ko.”Habang nagsasalita, tumakbo na si Alex palabas ng villa, hindi man lang nag-abalang kunin ang sasakyan.Paanong mas bibilis ang takbo ng sasakyan kaysa sa kanyang dalawang paa?Tumungo sa lugar na walang tao sa paligid, binuksan niya ang kanyang lightning attribute na Chi. Iginalaw niya ang kanyang mga paa, na agad na naging kulog at liwanag, at tumakbo siya palayo.Minsan niyang narinig na
Nanlulumo si Alex habang sinasabi niya, “Dalhin mo ako doon, dali.”“Opo, opo, opo. Master Alex, Dito tayo. Si Princess Fleur ay nagpapagaling sa ward sa likod-bahay.” Mabilis na sabi ng isa sa kanila.Napakalaki ng Hell’s Angel, mas malaki ito kaysa sa Yowell Manor.Bilang kuta ng hari ng underworld sa California, siyempre meron itong sariling pagamutan at mga doktor na binabayaran.Nagmamadaling pumasok si Alex at nakita niya ang walang malay na si Waltz na nakahiga sa kama.Sa sandaling ito, walang bakas ng kanyang maganda, kaakit-akit na mukha na karaniwan niyang taglay.Puno ng mga sugat ang buong katawan niya. Ang kanyang karaniwang nakakahumaling na magandang mukha ay namumula at namamaga na may mga malalaking pasa, mukhang walang pinagkaiba sa ulo ng baboy.Matapos paganahin ang kanyang Third Eye para tingnan ang kalagayan ni Waltz, kumukulo na siya sa galit.Gaya ng inaasahan, nawasak ang kanyang energy core. Ang mga pagsisikap sa paglilinang ng kanyang inner force na may rang
Ang Valtameri Tower ay ang pangunahing kampo ni Frank Accardo, ang CEO ng Valtameri Co.Ito ay katulad ng Hell’s Angels ng Thousand Miles Conglomerate: hindi ito lugar kung saan maaaring makapasok ang sinumang ordinaryong tao. Ang mga pwedeng tumapak sa lugar na ito, ay maaaring may mataas na ranggo na mga executive ng Valtameri Co. o mga mandirigma, o mga kilalang tao.Huminto ang isang Bentley sa harap ng Valtameri Tower sa sandaling ito. Isang lalaki at isang babae ang lumabas sa kotse. Hindi naman sila masyadong matanda. Ang binata ay anak ni Frank, si Heath Accardo.Para naman sa babae, labis na magugulat si Alex kung sakaling makita niya siya, dahil si Vanya Tyler ito, ang dumila sa mga inidoro sa California Plaza kahapon. Sa video na napanood kahapon ni Alex, nakahandusay si Vanya habang nakaunat ang dila at nilalamas ang dumi sa inidoro. Labis na nakakadiri ito na ang sinuman ay mawawalan ng ganang kumain.Pero ngayon, nakasuot siya ng marangyang damit, at siya ay mukhang kaaki
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l