Nagulat si Spark, at bumaling ang kanyang ulo para tumingin sa likuran niya at makita ang lalaking nakamaskara na malamig na nakatingin sa kanya habang nakatayo siya sa tabi ng camera.“I-Ikaw... sino ka?!”Ang kasabikan sa Spark ay naglaho agad, na parang apoy na pinatay.Ang kanyang mga mata ay lumilibot sa paligid, naghahanap para sa isang tao, para sa kanyang bodyguard.Ang kanyang bodyguard ay malinaw na nasa banyo, pero bakit hindi pa siya lumalabas? Bakit hindi siya nagkaroong ng reaksyon?“Nagpapanggap kang ako, at tinatanong mo kung sino ako?”Itinaas ni Alex ang kanyang binti, sinipa si Spark, at agad itong tumilapon sa hangin. Tumama ang kanyang katawan sa mesa sa may kama at malayang dumaloy ang dugo mula sa kanyang noo.Nahirapan si Beatrice na bumangon. Nang makakita siya ng isa pang Mask, lalo pang naguluhan ang kanyang isipan.“Ikaw... ikaw ba ang totoong Kuya Mask?”Kumunot ang mga mata ni Alex, at tumango siya.Ayaw niyang malaman niya na siya si Mask.Plinano niyang
Inabot ni Alex ang hangin, tinitipon ang kanyang Chi at dinampot si Spark nang direkta sa hangin at hinila siya pabalik.Pagkatapos, ginamit niya ang palad niya para magaang tapikin ang ulo ni Spark.Bang!Marahan umungol si Spark, bumabagsak sa lupa.Hindi siya nasaktan sa labas, ngunit ang mga tisyu sa kanyang utak ay ganap na nawasak bago pa niya malanghap ang kanyang huling hininga.“Dahil kamag-anak kita, bibigyan kita ng madaling kamatayan!“Paalam!”Pinugutan ni Alex ng ulo si Spark sa pamamagitan ng isang hampas.Hindi ito ang unang pagkakataong pumatay siya ng tao, at tila ito ay naging pangkaraniwan na lamang para sa kanya.Pagkatapos, tinawagan niya si Anna.“Kailangan ko ng tulong mo. Kapapatay ko lang ng dalawang tao.“Sinabi niya iyon na parang kasingdali ito ng pagpatay ng dalawang manok.Ang problema ay, nang natanggap at sinagot ni Anna ang tawag, naliligo siya. Agad na bumulusok ang kanyang mood. “Seryoso ka? Kapapatay mo lang ng dalawang tao at sasabihin mo pa sa’kin
Isang liham?Bumangon si Beatrice at tumingin sa paligid, ngunit walang pahiwatig ni Mask kahit saan.‘Kuya Mask!’Bulong niya sa sarili, pakiramdam niya’y naliligaw at nasasawi.Ang kanyang isipan ay nakatuon pa rin sa eksenang pagsagip sa kanya ni Mask sa pangalawang pagkakataon. Nang alalahanin niya kung paano siya kumilos noon, naramdaman niyang bumulwak ang kahihiyan niya. Sa pag-iisip tungkol sa kung paano siya sinampal ni Mask, ang memorya ay nagmistulang matamis kaysa masakit. Hindi siya nakaramdam ng anumang sakit, ngunit sa halip, naramdaman niya ang pag-ibig.Kinapa niya ang kanyang dibdib, hindi mapakali ang pakiramdam mula sa pagputok ng mga damdamin, at parang nag-iinit ang mga tenga niya.Nang tiningnan niya ang liham, meron lamang salitang ‘Beatrice’ sa harap.Mas lalo siyang namula, at bumilis ang pintig ng kanyang puso.‘Alam niya talaga ang pangalan ko!’‘Hindi kaya matagal niya na akong napansin? Hindi naman siguro… love letter ang nasa loob nito, ‘di ba?‘Habang in
Ngunit sa lalong madaling panahon, ang lahat ng kanyang saloobin ay mabilis na napunta sa kanyang asawa, si Dorothy.Nakasuot siya ng pares ng itim na pajama na may mga garter, at ang hemline nito ay napakababa. Ang kanyang mahahabang binti ay kalahating nakabaluktot habang nakasandal sa kama at nagbabasa ng libro. Sa mga binti pa lang ni Dorothy, hindi na maibaling ni Alex ang kanyang tingin. Paano siya nagkaroon ng panahon para mag-isip tungkol kay Beatrice?“Asawa ko, nagbabasa ka ba? Hindi ka ba pagod? Halika, hayaan mong bigyan kita ng masahe.” Lumakad kaagad si Alex, marahang ipinapatong ang isang kamay sa binti ni Dorothy.Dug!Inilapag ni Dorothy ang isang binti kay Alex at sinabi, “Nasaan ang washboard?”Hinawakan ni Alex ang kanyang bukung-bukong at sumagot, “Saan ako makakahanap ng washboard? May gumagamit pa ba no’n sa panahon ngayon? Oh, pero may dinala akong mga damit para sa’yo. Sukatin at tingnan mo kung magugustuhan mo ang mga ito.““Mga damit? Hmph, nakokonsensiya ka
Klik!Pinatay na ang mga ilaw.Agad na naging kasing dilim ng tinta ang silid, dahilan para maging kakaiba ang kanilang mga pakiramdam. Ito ay tulad ng damo na naging ligaw sa kadiliman.Malinaw na nakakakita ang mga mata ni Alex sa dilim, at tahimik siyang lumakad.Inilagay niya ang isang kamay sa hita ni Dorothy.Ramdam na ramdam niyang nanginginig ang katawan ni Dorothy at kung paano siya napaatras pagkadampi. Ngunit mabilis naman siyang kumalma.Ang lalakeng ito ay kanyang sariling asawa, anong dapat ikahiya?Matagal na dapat na naging ganito, ngayon ay huli na sila ng kalahating taon.Inabot din niya ang kamay niya.Sa susunod na sandali, kasabay ng malambing na ungol, hinalikan ni Alex ang mga labi niya.Bang!Kasabay nito, biglang itinulak ang pintuan ng silid, kasabay ng ilaw na sumisinag at nagbibigay liwanag sa silid. Nakatayo si Claire sa may pintuan, suot ang pares ng pantulog na sutla, dahilan para magmukha siyang diyosa. Nang makita ang eksena sa kama, muntik na siyang su
“Ahhhh!”May nakakabasag-tengang sigaw ang maririnig sa ere.Lumabas na meron palang lalaki’t babae sa BMW, dalawang taong tagong nakipagkita sa isa’t-isa dahil hindi nila mapigilan ang kanilang mgaemosyon.Ngunit nauwi ang kanilang pagkikita sa senaryong masasaksihan nilang may tatalon mula sa gusali at babagsak sa kanilang sasakyan, sanhi para mapasigaw sila sa sobrang pagkabigla.Sa kasamaang palad para sa kanila, magdudulot ito ng trauma sa kanilang mga isipan mula ngayon. Kahit magawa pa nila ang kanilang orihinal na intensyon, maaalala nila ang eksenang ito, at hindi na ito magdadala sa kanila ng labis na kagalakan.Agad-agad, nagtipon-tipon ang karamihan ng tao sa kalagitnaan ng gabi, at maririnig ang mga bulong, tinuturo ang kanilang mga daliri.Ang ilan ay mabilis na gumawa ng mga ulat sa pulisya, at ang ilan ay tumawag sa 911.Ang bagay na nakapukaw ng pag-usisa ng lahat ay ang lalaking tumalon mula sa gusali ay walang suot na damit.Makalipas ang kalahating oras, ang bahay n
“Walang babae? Anong ibig mong sabihin?” Nagulat ang mukha ni John habang nakatingin siya kay Tony, tila hindi maproseso ng utak niya ang mga salita.“Ayon sa paunang pagsusuri ng aming forensics ngayon lamang, si Mr. Spark at ang lalaking ito, si Yeferson, may nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng kwarto sa hotel,” sabi ni Tony....Natahimik ang lahat.Sina Carol at Natalie, na kasama nila, ay halos tumawa.Mabuti na lang at napigilan nila ito.“Imposible! Tiyak na hindi ‘yan totoo. Kilala ko ang anak ko. Tiyak na hindi siya baluktot, at ang kanyang pagkalalaki ay laging pareho. Nakita na ito mismo ng aking sariling mga mata,“ angungal ni John.Kinaway ni Tony ang kamay niya. “Hindi na ako magsasalita dito. Sinasabi ko lang sa’yo na ito ang mga resulta ng aming pagsisiyasat.“Tinuro ni Olivia ang katawan ni Yeferson. “Sinasabi mo na ang lalaking ito ang pumatay sa aking anak? Ang nagtulak sa kanya sa bintana?“Tumango si Tony. “Ayon sa mga bakas na naiwan sa pinangyarihan, tila iyon
”Mr. Rockefeller, nakuha namin sila pareho. Gusto mo bang ikaw na ang bahala dito?”Ang mga salarin ay si Mon Weiss at Harry Trump.Sinabihan ni Alex Rockefeller si Azure Storm na siya na ang bahala kanina.Para maalis si Dorothy Assex mula sa insidenteng ito, ang katauhan ng parehong si Mona at Harry ay hindi pwedeng malaman. Subalit, sila ay sangkot sa pagframe kay Dorothy at dahil dito, kailangan nilang harapin ang resulta ng ginawa nila. Perkpekto na si Azure na turuan sila ng leksyon.“Hindi, ayoko silang makita.”“Tutal ang babaeng ito ay gustong ibugaw ang mga babae, bakit hindi natin siya patikimin ng sarili niyang gawain?” Kalmadong sinabi ni Alex.“Alam ko na ang gagawin,” Tugon ni Azure.Isang pangungusap ang nagdesisisyon sa kapalaran ng dalawang taong ito. Kung pinakinggan lang nila ang kasabihan ‘reap what you sow’.Naniwala si Alex na si Azure ay maayos ang gagawin.Tumingala siya sa malungkot na kalangitan. Walang kahit buwan o isang bituin ang makikita, isang