Share

Kabanata 343

“Mga ninja nanaman?”

“Anak ng tokwa, lahat sila nagpakamatay din!”

Mabilis na dumating si Anna sa eksena. Wala pang kalahating oras lang ang inabot nito upang magpakita siya sa harap ni Alex.

Matapos tingnan ang mga bangkay ng limang mga ninja, alam niyang nagpakamatay sila.

“Anong hinanaing meron ang mga Hapon na ninja laban sa’yo?” Nataranta si Anna dahil hindi pangkaraniwang kababalaghan para sa limang ninja na sabay-sabay na magpatiwakal. Maipapaliwanag lamang ito kung meron itong kasangkot na labis na nakatagong mga lihim o ilang uri ng makapangyarihang mga nilalang.

Bumuntong hininga si Alex. “Gusto ko ring malaman iyan.”

Ang mabangis na babae tulad ni Anna ay halatang mas gugustuhin na gamitin ang kamo sa halip na utak. Hindi niya masyadong pinag-isipan ito dahil alam niyang hindi niya rin maiintindihan ang pangyayari, kaya inutusan lang niya ang kanyang mga tauhan na iligpit ang mga bangkay.

Humarap siya kay Alex at sinabi, “Nga pala, gusto kong tulungan mo ako sa isang bagay.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status