Napatalon si Claire mula sa kanyang upuan, kuminang ang kanyang mata. “Ano? Ang kotseng iyan ay nagkakahalaga ng dalawampung milyon? Saan mo nakuha lahat ng perang iyan?”Hindi siya pinansin ni Alex.Ang gusto niya lang ay ang maayos ang isyu at umuwi kaagad. Gusto niya na patuloy na mag research sa alchemy stove. “Ipakita sa akin ang IOU at ibigay mo ang iyong bank account number. Babayaran kita ng halaga ng utang niya.”Hindi makapaniwalang nakatitig si Lucia sa kanya. “May pera ka ba? Alam ng lahat na nagmakaawa ka at gumapang para sa isang milyong dolyar. Huwag kang mag bluff kung hindi mo kayang tanggapin ang mga consequence nito!”Nanlalamig na tinitigan ni Alex si Lucia, na para bang nakatingin siya direkta sa kanyang kaluluwa. Nanginig siya, isang kilabot ang dumaan sa kanyang spine.“Lucia, ang aking mother-in-law ay hindi ang pinaka matalinong tao, ngunit huwag kang maglakas loob na lokohin siya. Kung malaman ko na kayong dalawa ay nagtutulungan para lokohin siya at ang
Nilabas ni Beatrice ang kanyang phone at binuksan ang kanyang class group chat. Tapos nakita ang video na sinasabi niya.Pareho si Dorothy at Claire ay nagdikit dikit para panoorin ang video.Kahit ang CEO ng City South Branch ng Assex Constructions, si Dorothy, ay interesado sa pagkaroon ng limang bilyong dolyar mula sa limang milyong dolyar. Kumakabog ang kanyang puso ng matindi. Gusto niya din na makita kung gaano kahusay ang Stone Gambling Prince.Kung sabagay, tinignan niya na ang industriya ng stone gambling.Noon, mayroon siyang kaibigan na mahilig na pumusta sa stones. Ngunit ngayon na natalo na nila ang lahat. Ang kanilang utang ay kung saan saan. At ang magagawa na lang nila ngayon ay ang iwan ang kanilang buhay na meron sila para makapagtago mula sa mga loan shark. Hindi na sila makita sa ngayon...Kung gayon, alam ni Dorothy kung paano gumagana ang stone gambling— ito ay talagang base sa swerte. Kahit ang pinaka bagong technolohiya ay hindi masabi kung ang mga ore ay m
Pareho si Claire at Beatrice na sobrang hindi nakakatulog, ito ay isang sakuna para kay Dorothy.Tinuro ni Claire si Alex. “Gawan mo kami ng hapunan, hindi pa kami nakapagluto ng kahit ano!”Sabi ni Dorothy, “Gabi na, hindi mo kailangan magluto. Kumain na lang tayo sa labas, ililibre ko kayo ng hotpot.”Biglaan, humarap si Claire kay Alex at sinabi, ”Maaari ka ng umalis ngayon, hindi kami nanlilibre sa mga taga labas ng hapunan.”Dagdag ni Beatrice. “Eksakto, hindi kami charity.”Nababaliw na si Dorothy. ‘Pumunta si Alex dito para tulungan tayo, gumastos ng limang milyon dahil sayo. Paano mo nagawang sabihin iyan ng may diretsong mukha? Wala ka bang hiya?’Ng magsasalita si Dorothy, sabi ni Alex, “Tama iyan, may mga ibang bagay ako kailangan ayusin. Mauna na ako ngayon. Dorothy… huwag mong pilitin ang iyong sarili. Kung wala kang sapat na pera, gagawa ako ng paraan.”Sabi ni Claire. “Gagawa ka ng paraan? Ang ano iyon? Isa pang pekeng check? Isa ka lang talunan. Umalis ka na! Nai
Kinuha ni Alex ang kalan at hinila ang kaniyang ulo palabas dito.Pagkatapos ay nananabik siyang nagtungo sa mesa at nagsimulang magsulat sa kwaderno. Nakagamit siya ng pitong mga kwaderno nitong nakalipas na dalawang araw. Lahat sila ay puno ng kakaibang mga simbolo na hindi man lang pamilyar kay Waltz.“Mahilig ako sa mga nerd. Kuya, ang astig mo tingnan kapag nakatuon ka sa trabaho!”Nakaupo si Waltz sa mesa at nagsubo ng ice cream sa bibig ni Alex. Si Alex ay nakatuon pa rin sa pagsusulat, kaya ganap niyang hindi pinansin si Waltz. Pagkatapos ilagay ang lahat ng mga sigil na naisip niya, binaba niya ang panulat at bumuntong-hininga sa ginhawa, na para bang isang malaking bato ang nawala sa kaniyang dibdib.Nang bigla, nakaramdam siya ng matinding uhay. Ang isang kutsara ng ice cream ay hindi sapat para sa kaniya, kaya kinuha niya ang buong timba ng ice cream at kinain ang lahat ng ‘yon.“Brother, hindi ko kayang ubusin ang ice cream d’yan sa timba, kaya sinuka ko lang ang lahat ng
“Walang problema, ibigay mo lang sa ‘kin ang oras at address, pupunta ako d’yan.” Ngumiti si Alex.“Pwede kitang sunduin.”“Hindi na ‘yon kailangan, baka matagalan ka pa sa pagpunta rito.”“Sige!” Mahinang sabi ni Cheryl, bago idagdag, “Iniimbita lang kita kasi gusto kang makita ng lolo ko, ‘wag na ‘wag kang magkamali ng akala!”Nanigas si Alex. “Hindi naman, alam kong wala kang ibang intensyon.”“Kasi… Bilisan mo na lang pumunta rito, ibababa ko na!” Ang mga pisngi ni Cheryl ay bahagyang namumula na, mukha siyang naiirita.‘Ano’ng ibig mong sabihin sa ibang intensyon?’Pagkatapos makuha ang address, hinanap ito ni Alex sa internet. Nakatira pala si Cheryl sa isang residential area sa City South, California.Pagkatapos sabihin kay Brittany ang tungkol sa imbitasyon, umalis siya upang humigop ng mga Chi mula sa kaniyang mga esmeralda upang pasiglahin ang kaniyang sarili. Pagkatapos no’n ay nagtungo na siya sa kaniyang destinasyon.Si Cheryl ay pumipili ng damit sa harap ng kaniyang sala
Si James ay malinaw na ‘di natutuwa sa biglaan nilang paglitaw.Si Cheryl ay naiirita rin sa mga salita ng matandang lalaki, ang kaniyang mukha ay puno ng pandidiri.‘Ano’ng ibig mong sabihin sa ‘matandang dalaga’?‘Mayroon lang talaga akong mataas na pamantayan sa kalalakihan!’Sumagot is James, “Bakit ka narito, Wilson? Bakit sa tingin mo ay sinasalubong kita sa pintuan ko? Napatalsik ka na ba sa pagtatrabaho sa Michigan? Iyon ba ang dahilan?”Ang matandang lalaki na ‘to ay si Patrick Wilson, siya ay mayroong nakaraang kasaysayan kay James. Ang dalawa ay dating magkasama sa ilalim ng isang sikat na doktor, at sila ay parang kinakapatid ng isa’t isa. Si James ay mas matanda kaysa kay Patrick, kaya siya ang naging kuya.Gayunpaman, hindi natuto si Patrick upang magligtas ng mga buhay, pera ang gusto niya.Dati, gagamitin niya ang titulo ng kaniyang master upang manloko ng iba. Iyon ang dahilan kung bakit siya pinatalsik ng kanilang master at hindi na isa sa kaniyang mga disipulo. Gayun
Lumapit si Patrick kay Alex at hinila siya. “Hoy, bata. Wala akong pake kung sino ka pa. Si Cherry ay magiging manugang ko. Sabihin mo sa ‘kin, gaano karaming pera ba ang kailangan mo para iwanan siya?”‘Nakakatakot at malupit, huh?’Kumunot ang mga kilay ni Alex, at siya ay malapit nang magalit.Sumigaw si Lola. “Tumigil ka na, Patrick! Hindi pa kasal ang apo ko, pero nalalapit na ang kanilang kasal. Pumayag na kami na basbasan siya sa kasal noong nakaraan pa. Ano? Gusto mo ba talagang manira ng tahanan?”Nagalit si Patrick. Kalokohan! Si Cherry ay manugang ko, binasbasan kami ng ama niya sa kasal dati pa. Sinusubukan niyo bang talikuran ang mga salita niyo? Gusto niyo bang dalhin ko rito ang anak niyo para malinaw ang mga bagay-bagay? At saka, Coney, ‘wag na ‘wag mong kalilimutan kung sino ang nagligtas sa ‘yo sa pagkakalunod dati. Hindi ka ba talaga marunong magpasalamat? At tinatawag mo ang sarili mo na doktor ng himala?”Mukhang tinuliro ni Patrick ang lahat sa kaniyang mga salita
Gasp!Ang malakas na tawa ni Zachery ay biglang tumigil, na para bang isang masiglang pato na biglang nasakal, naghihintay na makatay.Sa isang iglap, siya ay napuno ng galit.Walang pakialam na sinabi ni Alex, “Aha, nasabi ko ba ang katotohanan?”“Kalokohan! Ikaw ‘tong umiihi sa kama, katulad ng lahat ng kapamilya mo!” Si Zachary ay nagalit.Ito ang pinakamalaki niyang problema dahil nangyayari ito nang halos gabi-gabi. Sa kalagitnaan ng gabi, siya ay magigising sa paglabas, at kailangan niyang linisan ang sarili niya. Sa sobrang lala nito ay hindi siya naglalakas-loob na makipaghati ng kwarto sa kaniyang mga kaklase noong nag-aaral siya sa ibang bansa, natatakot na ang kaniyang kondisyon ay malalantad nila.Gayunpaman, binunyag ni Alex ang kaniyang problema sa harap ni Cheryl, kaya siya ay nakaramdam ng matinding sakit sa kahihiyan na para bang binabalatan siya nang buhay.Kaya, hinding-hindi niya ito aaminin.Sina Cheryl at James ay nagtatanong na tumingin kay Zachary.Sinabi ni Jam
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l