Napapangiti si Dustin sa tuwing maaalala niya ang nangyari kanina sa kinainan niyang restaurant. Napatunayan niyang hindi lang pala siya ang lalaking mahilig mambasted ng babae. Dinaig pa niyang nanood ng live shooting ng isang pelikula. Sa kabila noon ay hindi niya maitatangging nagandahan siya sa babaeng iyon.
"Dustin, saan ka nanggaling?" tanong ng kaniyang amang si Alexander Saavedra.
"Nanood lang ng sine, papa," Dustin laughs devilishly.
Si Alexander Saavedra ang pinaka-mayamang business tycoon sa probinsya ng Batangas ngunit sa kabila nito ay hindi niya nakakalimutang magbahagi ng kaniyang blessings sa ibang tao. Tumutulong siya sa mga taong alam niyang walang kakayahang magbalik ng pabor. Mayroon siyang itinayong mga charities at foundations kung saan tinutulungan niyang matutong magnegosyo ang mga kababayan niyang walang trabaho. Nakakapagbigay din siya ng trabaho dahil sa kaniyang mga programa at kompanya. Sa kabutihan ng kaniyang puso ay nagawaran siya bilang "BEST CITIZEN OF THE YEAR" ng alkalde ng lalawigan. Kung anong ikinaganda ng pag-uugali niya ay siya namang ikinasama ng ugali ng kaniyang nag-iisang tagapagmana na si Dustin Saavedra.
"Dustin, alam mo namang may cancer na ako 'di ba? Kailan ka ba magdadala ng mamanugangin ko rito sa mansyon?" seryosong tanong ni Don Alexander.
"Papa, alam mo namang wala akong balak mag-settle down. Isa lang naman ang intensyon ng mga babae kung bakit sila lumalapit sa akin at iyon ay ang kayamanan ng pamilyang ito. Bakit pa ako mag-aabalang maghanap ng mapapangasawa? Sakit lang sila sa ulo at isa pa, lahat naman sila ay user at manloloko," prangkang tugon ni Dustin.
Napakunot ang noo ni Don Alexander sa sinabi ng kaniyang anak.
"Alam mo Dustin, nagkataon lang na minalas ako sa napangasawa pero hindi ibig sabihin noon na pare-parehong manloloko ang lahat ng mga babae. Alam kong galit na galit ka sa iyong mama dahil iniwan niya tayo para sumama sa kaniyang first love pero anak, huwag mong idamay sa galit mo ang mga inosenteng babae. Don't generalized them. Makakatagpo ka rin ng babaeng matino at mapagmahal," paliwanag ni Don Alexander.
"Whatever Papa. My decision is final. I WILL NOT MARRY ANYONE," pagmamatigas ni Dustin.
Natigil sa kanilang usapan ang mag-ama nang biglang tumunog ang cellphone ni Don Alexander. Masigla niyang sinagot ang tawag ng makita niya kung sino ang caller.
"Clenthon! It's nice to hear your voice after two days! Kumusta ka na? Namiss mo naman agad ako!" masayang bati ni Don Alexander sa kaniyang kausap.
"Sus! Mangungutang lang iyan papa kaya tumawag sa'yo. Maniwala ka sa akin," pabirong saad ni Dustin.
"Sshh! Ibahin mo itong best friend ko. Nakaka-alala siya kahit walang kailangan hindi katulad ng mga sinasabi mong kaibigan mo!" pagtatanggol ni Don Alexander sa kaniyang bestfriend.
Nakangiting umupo sa darboux chair si Dustin. Tinawag niya ang kanilang katulong at nagpatimpla ng paborito niyang kape. Nakikinig lang siya sa sinasabi ng kanyang papa. May pagka-tsismoso rin talaga siya.
"Bakit ka pala napatawag Clenthon? Napag-isipan mo na ba ýong napag-usapan natin nitong nakaraang araw? 'Yong kasunduan natin noong maliliit pa ang ating mga anak?"
Kumunot ang noo ni Dustin at lumipat pa ng upuan para mas marinig ang sinasabi ng kausap ng kaniyang Papa ngunit nabigo siya sa kaniyang nais. Iniabot na sa kaniya ng kanilang katulong ang kape na ipinatimpla niya. Dahan-dahan niya itong hinigop dahil umuusok pa ito sa init.
"MARAMING SALAMAT BAYSAN! HINDI MO ALAM KUNG GAANO MO AKO NAPASAYA SA SINABI MONG IYAN!"
Napabuga ang iniinom na kape ni Dustin nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang Papa. Agad siyang tumayo sa kinauupuan para komprontahin si Don Alexander.
Matapos ibaba ni Don Alexander ang kaniyang cellphone ay nakangiti niyang hinarap si Dustin.
"Tell me, papa. Ibinugaw mo ba ako sa kung sino?" seryosong tanong ni Dustin habang nakalagay ang parehong kamay sa kaniyang bewang.
"Anak, nakahanap na ako ng mabait na babaeng mapapangasawa mo. I'm sure magugustuhan mo siya kapag nakilala mo na siya ng husto," masayang sambit ng bilyonaryo.
"And who gives you the authority to do so? Malaki na ako papa! I'm already thirty two years old. I can decide on my own." Dustin remonstrated.
Napaupo si Don Alexander sa couch at nag-isip. He knows how stubborn his son is kaya kailangan niyang i-corner ito para mapapayag siya.
"Marry her or else I will not give your inheritance," nakangising utos ni Don Alexander.
Bumagting ang panga ni Dustin. Ngumiti siya dahil kasing tuso niya pala ang kaniyang papa.
"Fine papa, but I cannot give you assurance na mamahalin ko siya at itatrato ng tama. You know how I behave in front of girls."
"It is my duty to protect her from you, Dustin. Ang babaeng 'yon ay hindi kung sino lang dahil anak siya ng pinakamatalik kong kaibigan ... so I will not allow you to hurt her."
Lumakad na si Dustin palayo sa kaniyang papa. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakita niya sa restaurant dahil sa inosente at maamo nitong mukha. Naaawa siya rito pero at the same time masaya siyang magkita ng babaeng umiiyak dahil sa isang lalaki.
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niyang tumatawag ang kaniyang Mama Kendal. Pinatay niya ang unang tawag. Nakasakay na siya sa elevator dahil patungo siya sa penthouse. Napatingin na naman siya sa kaniyang cellphone. Tumatawag na naman ang kaniyang mama. Sa sobrang inis niya ay sinagot na niya ang tawag nito.
"Dustin! Anak miss na miss na kita. Nandito ako ngayon sa Laiya, San Juan, Batangas baka pwedeng pumunta ka rito. Matagal na rin kitang hindi nakikita. Aalis din kami next month eh. Pagbigyan mo na si mama," sabi ng nasa kabilang linya.
"Ang kapal din naman ng mukha mong tawagin akong anak. Simula noong iniwan mo kami ni papa, itinakwil na kita bilang ina."
"Anak, it's been ten years already. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Hindi mo pa rin ba ako naiintindihan?" Kendal sobbed while talking to his only son.
"STOP CALLING ME ANAK DAHIL MATAGAL NA AKONG WALANG NANAY. PAANO KITA MAPAPATAWAD KUNG HINDI KA NAMAN HUMIHINGI NG KAPATAWARAN SA HARAPAN KO MISMO? STOP THIS SHIT. MASAYA KA NA NAMAN 'DI BA? BAKIT KAILANGAN MO PANG MAGPARAMDAM SA AKIN? PARA SAKTAN LANG ULIT AKO? PARA IPAMUKHA SA AKIN NA HINDI MO AKO MAHAL? KENDAL I ALREADY CUT TIES WITH YOU SO STOP CALLING ME BITCH!"
Nangangatal ang kalamnan ni Dustin sa sobrang galit. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay itinapon niya ang kaniyang cellphone. Nagulat ang katulong na naglilinis sa corridor.
"Dump it. I'll just buy another one," utos ni Dustin.
Dumiretso si Dustin sa kaniyang kama at nahiga. Kinuha niya ang kanyang iPad at tinawagan ang kaniyang katiwala na si Peter.
"Hanapin mo ang bahay ni Clenthon Jones at dalhin mo sa akin kinabukasan ang anak niyang panganay. Kailangan ko siyang makausap bago pa kami ipakasal ni papa."
"Masusunod po, Young Master!" agad na talima ni Peter.
Ipinikit ni Dustin ang kaniyang mga mata. Sampung taon na ang nakalilipas pero sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang ala-ala kung paano siya iniwan ng kaniyang inang si Kendal. Nakatulog na siya nang hindi niya namamalayan.
Namamaga ang mga mata ni Celine nang magising siya kinaumagahan. Tinitigan siya ni Shantal habang ngumunguya ng V-Fresh. Magkatabi lang ang kanilang higaan. "Pang ilang beses mo na ngang na dumped, Ate Celine?" mapang-asar na tanong ni Shantal. "Pwede ba Shantal, wala ako sa mood makipag-away. Ang aga-aga! Wala ka bang balak gawin sa buhay mo? Bakit ayaw mong maghanap ng trabaho? Sinasayang mo ang pinag-aralan mo sa ginagawa mong 'yan. Mag-iisang taon ka ng tambay ah." "Akala ko ba ayaw mo ng away?" Tumayo si Shantal sa harapan ni Celine. Nakataas ang kanang kilay niya. Hindi na pinansin pa ni Celine ang bunsong kapatid at bumaba na sa dining area para kumain ng umagahan. Nasa may hagdan siya ng marinig niyang may kausap sa cellphone ang kaniyang amang si Clenthon. Naka-loud speaker palagi ang cellphone ni Clenthon dahil medyo mahina na ang kaniyang pandinig. "Sa San Juan Nepomuceno na lang natin sila ipakasal. Maganda ang simbahan na iyon. Iyon eh dinarayo ng mga artista," sugges
"Nasaan na ba ang babaeng 'yon kanina pa siyang late! Pinakaayaw ko sa lahat bulok sa time management," reklamo ni Dustin habang nililinga si Celine sa paligid. Halos isang oras nang naghihintay ang binata. Kung hindi niya lamang talaga kailangang makausap si Celine ay kanina pa sana siyang umalis sa kanilang tagpuan. He loathed late comers the most. Inihahampas ni Dustin ang kaniyang sapatos sa paa ng silya habang ang kanang kamay naman niya ay paulit-ulit na nagta-tap sa lamesa. Inaliw niya ang sarili sa panonood ng mga balita sa kaniyang iPhone. "I hate this! Ngayon lang ako naghintay sa babae nang ganito katagal! Seryoso ba siyang darating siya o pinaghihintay niya lang ako sa wala?" Sa sobrang inip ni Dustin ay tinawagan na niya ang cellphone ni Celine. Laking gulat niya nang sagutin ito ng isang hindi pamilyar na boses. "Ikaw ba si Dustin Saavedra?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Nang marealized ni Dustin ang posibleng nangyari sa kaniyang fiance ay agad niyang sinagot
"Nahihilo na ako sa friend natin, Freya!" komento ni Celestine. "Oo nga eh! Ako rin nahihilo na sa kaniya, sa true lang. Kanina pa siya pauli-uli riyan. In love na ba ulit ang lola natin?" pabirong tanong ni Freya. "Pwede ba magsitigil kayong dalawa?" pagsaway ni Celine sa dalawa niyang kaibigan. Celine was walking back and forth for about thirty minutes. Wala pa ring malay si Dustin matapos mapukpok sa ulo ng taong kumidnap sa kaniya. Kinakain siya ng kaniyang konsensya sa tuwing mapapatingin siya sa walang malay na si Saavedra. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dahil agad siyang nagtiwala sa lalaking iyon. ***Flashback*** Naglalakad na si Celine patungo sa sakayan nang biglang may lumapit na lalaki sa kaniya. "Miss kilala mo po ba si Dustin Saavedra?" magalang na tanong ng lalaki. "Opo. Papunta po ako ngayon sa kaniya eh. Kaibigan po ba niya kayo?" pag-uusisa ni Celine. "Ano kasi miss ... naaksidente po siya eh!" "ANO? NASAAN SIYA NGAYON? ALAM NA BA NG KANIYANG PAPA?
"Congratulations Mrs. Celine Jones-Saavedra and Mr. Dustin Saavedra!" masiglang bati ng host. Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa bagong kasal. Habang naglalakad sa red carpet ang mag-asawa ay naririnig ni Celine ang mga bulungan sa paligid. "Sus hindi naman mahal ni Dustin ang babaeng 'yan. Si Don Alexander lang ang dahilan kung bakit sila ikinasal," sabi ng pinsan ni Dustin na si Elaine. "Oo girl, tama ka riyan! Ang chaka-chaka saka ang tanda na no'ng wife niya nakakaloka! Ang dami-daming nagkakandarapa sa pinsan mong mas bata at mas maganda kaysa sa napangasawa niyang 'yan! Bakit kaya siya ang napili ni Dustin?" sulsol naman ng babaeng katabi ni Elaine. Lalong nawalan ng gana si Celine na ngumiti sa araw ng kaniyang kasal. Napansin ni Dustin ang biglang pagtungo ng kaniyang bride. "May problema ba Celine?" tanong ni Saavedra. Umiling lang si Celine at nagpatuloy sa paglakad. "Hindi sila bagay! Mahirap lang 'yong babae tapos sobrang yaman naman no'ng lalaki! Parang l
Matapos ang kasal nina Dustin at Celine ay agad silang lumipad sa Palawan para mag honeymoon. Hindi pumayag si Celine na lumipad pa patungo sa ibang bansa para lang sa iilang gabing magkasama sila ni Dustin. Ang kanila namang honeymoon ay sinagot na ni Don Alexander. Tanging apo lamang ang hinihingi niyang kapalit. Tinawanan lang siya nina Celine at Dustin sa kaniyang request dahil wala silang balak na pagbigyan ang matandang bilyonaryo.Nang makarating sila sa Banwa Private Island ay agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Halos dalawang oras ang itinagal ng kanilang byahe mula sa Manila at umubos naman ng tatlong oras ang kanilang ibinyahe mula Batangas patungong Manila kaya lambot na lambot na sila bago pa man makarating sa kanilang destinasyon. Pinapagamit ni Don Alexander ang kanilang private helicopter pero mariing tinanggihan iyon ni Celine kaya ang ending ay nag commute silang dalawa ni Dustin. Asar na asar naman si Dustin sa sobrang pagkamahiyain ni Celine.Banwa Privat
"Ahh. Shit! Dahan-dahan naman Dustin!" sigaw ni Celine."First time mo ba Celine?""Malamang!" tugon ni Celine habang umuungot dahil sa sakit."Ah kaya pala dumugo. Sige dadahan-dahanin ko na lang. Relax ka lang kasi!""Paano ako magrerelax nito! Eh masakit nga! Ahhhh! Oh shit! Dustin ano ba?" Tiningnan ni Celine ang kaniyang asawa nang matatalim."Sorry Celine, napabigla eh. Ipasok ko ulit ha," ani Dustin."Bilisan mo na kasi Dustin para isang sakit na lang!" suhestiyon ni Celine."Sabi mo dahan-dahanin ko! Ano ba talaga?""Ughhhh," ungot ni Celine."'Yan patapos na. Sa una lang 'yan masakit. Maghihilom din 'yan sa mga susunod na araw."Magkasabay silang humiga matapos butasan ni Dustin ang tainga ni Celine para lagyan ng hikaw."Sana hindi na lang ako nakinig sa'yo. Sabi mo maalam ka? Sabi mo hindi ako masasaktan? Dapat sa nurse or midwife na lang ako nagpabutas," reklamo ni Celine habang hawak-hawak ang ngayo'y namamaga niyang kanang tainga. "Kapag ito nainfection, naku!" dagdag pa
Celine and Dustin tried a wide variety of activities in Banwa Island such as snorkeling, kayaking, jet skiing, scuba diving, sailing, yoga, and tennis. Inubos nila ang kanilang oras sa mga aktibidades na iyon. Isang linggo silang nanatili sa pribadong isla ngunit wala man lang nangyari sa kanilang dalawa. Nag-impake na ang mag-asawa pabalik sa kanilang probinsya. Hindi na pumayag si Dustin na mag-commute na naman sila dahil aksaya raw sa oras. Pinagbigyan niya lang si Celine noong papunta pa lang sila sa isla. Nasa daan na ang private plane na susundo sa kanila. "Ayaw mo talaga mag-commute, Dustin?" pangungulit ni Celine. "Kung gusto mo ikaw na lang," masungit na tugon ni Dustin. "G-Galit k-ka pa rin ba sa a-akin?" nauutal na tanong ni Celine. Dustin gave her a cold look before giving his answer. "Sa tingin mo?" Dustin examined her entire appearance from head to toe. Padabog na inilagay ni Celine ang kaniyang mga damit sa maleta. "Tinanong kita tapos sinagot mo na naman ako ng
“A-Ate.” Matapos magbihis ni Shantal ay agad niyang niyakap ang kaniyang kapatid na na-istatwa na sa kaniyang kinatatayuan. Hindi kumikibo si Celine habang yakap siya ng kaniyang kapatid. “A-ate. S-sorry.” Inalis ni Celine ang pagkakayakap ni Shantal sa kaniya. “Celine, please don’t tell this to anyone,” pakiusap ni Dustin habang hinahanap ang kaniyang boxer. “T-tama si Dustin, ate. Magkakagulo lang pag nalaman 'to ni Don Alexander at ng mga magulang natin. Ate please. Ayokong kasuklaman ako nina mama at papa," humihikbing sambit ni Shantal. “Celine, makinig ka sa amin ni Shantal,” mahinang saad ni Dustin na ngayon ay nakabihis na rin. Tahimik lang na nakikinig si Celine sa sinasabi ng dalawa. Marami pa silang sinabi ngunit hindi na iyon narinig ni Celine dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina. “I’m begging you, Ate Celine. Wag mo akong isusumbong kina mama at papa ha. 'Di ba hindi mo naman mahal si Dustin? Kasal lang naman kayo pero wala naman talagang
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani