Namamaga ang mga mata ni Celine nang magising siya kinaumagahan. Tinitigan siya ni Shantal habang ngumunguya ng V-Fresh. Magkatabi lang ang kanilang higaan.
"Pang ilang beses mo na ngang na dumped, Ate Celine?" mapang-asar na tanong ni Shantal.
"Pwede ba Shantal, wala ako sa mood makipag-away. Ang aga-aga! Wala ka bang balak gawin sa buhay mo? Bakit ayaw mong maghanap ng trabaho? Sinasayang mo ang pinag-aralan mo sa ginagawa mong 'yan. Mag-iisang taon ka ng tambay ah."
"Akala ko ba ayaw mo ng away?" Tumayo si Shantal sa harapan ni Celine. Nakataas ang kanang kilay niya.
Hindi na pinansin pa ni Celine ang bunsong kapatid at bumaba na sa dining area para kumain ng umagahan. Nasa may hagdan siya ng marinig niyang may kausap sa cellphone ang kaniyang amang si Clenthon. Naka-loud speaker palagi ang cellphone ni Clenthon dahil medyo mahina na ang kaniyang pandinig.
"Sa San Juan Nepomuceno na lang natin sila ipakasal. Maganda ang simbahan na iyon. Iyon eh dinarayo ng mga artista," suggestion ni Clenthon.
Napakunot ang noo ni Celine nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama.
"Sige, baysan! Sasabihin ko kay Dustin. Basta ako nang bahala sa lahat ng gastos. Nasabi mo na ba kay Celine na ikakasal na siya next week?" tanong ni Don Alexander sa kabilang linya.
Napapanaog ng mabilis si Celine at nanlalaki ang mga matang humarap sa kaniyang ama. Agad namang pinatay ni Clenthon ang tawag para magpaliwanag sa kaniyang mahal na anak.
"Tatang! Anong hong ibig sabihin noong narinig ko? Ipapakasal niyo ho ako?" galit na tanong ni Celine.
"Anak, mayaman ang mapapangasawa mo. Mabait si Don Alexander at siguro ganoon din ang ugali ng anak niyang si Dustin. Ayaw naming tumanda kang mag-isa kaya ---"
"Kaya ibinugaw niyo po ako? Kaya ipapakasal niyo po ako sa lalaking kailanman ay hindi ko pa nakikita at nakikilala? Ganoon na po ba talaga kayo ka-desperadang ipakasal ako, tatang? Alam niyo po bang kaya ako nape-pressure na magpakasal na kasi araw-araw ko na iyong naririnig sa inyo ni nanay? Alam niyo po ba kung gaano kabigat noon para sa akin? Kung gaano ako nai-stress sa tuwing may nababalitaan akong nagpapakasal na kaeskwela ko?" Hindi na napigilan ni Celine ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Halos lahat ng nasa paligid niya ay pinipilit na siyang mag-asawa.
"Is there an age limit? May deadline po ba sa pag-aasawa? Paano po ako magiging masaya sa marriage life ko kung itatali niyo po ako sa kung sino lang? Wala po ba akong kalayaang pumili ng mapapangasawa?" pagdaramdam ni Celine.
"As if naman may mahihila ka kaagad sa daan na papayag na maging asawa mo. 'Yong mga naging jowa mo nga iniwan ka eh. Kung hihintayin mong may lalaking mag-aalok sa iyo mismo ng kasal, baka mamuti 'yang mga mata mo kahihintay ... baka mawalan ng bisa 'yang matres mo at di ka na magka-anak. Dapat nga nagpapasalamat ka pa kina papa eh!"
"SHANTAL! ITIKOM MO 'YANG BIBIG MO! UMAKYAT KA ROON SA SILID MO!" sigaw ni Clenthon sa kaniyang bunsong anak.
Padabog na umakyat sa kaniyang silid si Shantal habang umiiyak naman si Celine dahil sa mga sinabi sa kaniya ng kaniyang kapatid.
"Huwag mo nang pansinin 'yong kapatid mo," sabi ni Lyn habang hinahagod ang likod ni Celine.
"'Nay, ayoko pong magpakasal sa lalaking hindi ko kilala. Mas gugustuhin ko pa pong maging sultera kaysa makasama sa iisang bubong ang isang estranghero. 'Nay, please po pigilan niyo po si tatang. Ayoko po talagang magpakasal sa kung sinong poncio pilato. Hindi pa po ako ganoon ka-desperada," humihikbing saad ni Celine.
Wala ring nagawa si Lyn para pigilan ang plano ni Clenthon para sa kanilang anak.
Humahangos na dumating ang kapitbahay nina Celine dala ang isang balita.
Nang mahanap ng staff ni Dustin ang tahanan nina Clenthon ay agad niyang isinend sa kaniyang amo ang kaniyang lokasyon. Matapos mag-ayos ng sarili ay dali-daling bumaba sa ground floor si Dustin. Tiningnan niya muna kung nandoon ang kaniyang papa at nang makumpirma niyang wala ay agad siyang pumunta sa garahe. Inihahagis pa niya ang susi ng kaniyang Dartz Prombrom na pick-up car. Sumisipol-sipol pa siya nang biglang may nagsalita sa likuran niya. Halos maalis ang kaniyang puso sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang pagkagulat."Saan ka pupunta? Mambababae ka na naman? Ipapa-alala ko lang sa'yo na tapos na ang pakikipaglaro mo sa mga babae, anak."
"Papa naman! Nakakagulat ka eh! Buti na lang wala akong sakit sa puso!" reklamo ni Dustin.
Inakbayan ni Don Alexander si Dustin at ipinihit ang direksyon nang paglalakad nito patungo sa kaniyang limousine.
"Papa, saan mo ako dadalhin? May pupuntahan akong importante eh," pagmamaktol ni Dustin.
"Pupuntahan natin ang babaeng bibihag sa iyong puso." Tumawa ng malakas si Don Alexander nang makita niya ang reaksyon ng kaniyang nag-iisang anak.
Napakamot sa kaniyang ulo si Dustin. Hindi niya akalain na pareho sila ng nais puntahan ng kaniyang papa. Gusto niya muna sanang masolo ang panganay na anak ng best friend ng kaniyang papa para makausap tungkol sa nalalapit nilang kasal. Sa kasamaang palad ay nabigo siya sa kaniyang plano.
"Papa, dito ka na lang kaya? Ako na lang ang pupunta sa bahay ng best friend mo. Dito ka na. Baka samaan ka pa ng lasa sa daan eh," pamimilit ni Dustin.
"No Dustin. Kailangan ko rin silang makausap. Isa pa, kailangan kitang bantayan. Wala akong tiwala sa kilos at pananalita mo. Ayokong mapahiya sa baysan ko at sa mamanugangin ko," agad na tugon ni Don Alexander.
Nagpumilit pa rin si Dustin pero hindi siya nanalo sa kaniyang papa. Gusto pa rin sana niyang sumakay sa kaniyang pick-up car ngunit gaya nang naunang debate nila, nanalo na naman ang kaniyang papa. Napailing na lang si Dustin habang sakay na siya sa limousine.
Habang abala ang mag-asawang Jones ay may kumatok sa kanilang pintuan. Isang oras na ang nakalipas matapos makaalis nina Dustin at Don Alexander sa kanilang mansyon. Narating na nila ang bahay ng mga Jones.
"May ... naghahanap po sa inyo, Mang Clenthon. Nakasakay po sila sa limousine. Papunta na po sila rito," hingal na sambit ng kapitbahay ng mga Jones.
Dalas-dalas na nagligpit sa sala si Lyn samantalang nagpabili naman ng RC si Clenthon para maipainom sa mga darating na bisita. May ideya na siya kung sino ang paparating.
"Celine, mag-ayos ka," utos ni Clenthon.
Nagmatigas si Celine at lalong pinapanget ang kaniyang hitsura ngunit kahit anong gawin niya ay kita pa rin ang kaniyang angking ganda. Makalipas ang limang minuto ay nakarating na rin sina Don Alexander sa bahay ng Jones Family.
"Baysan!" sigaw ni Don Alexander sabay yakap sa kaniyang best friend na si Clenthon.
"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin Alexander. Hindi pa rin ako nakakatama sa lotto eh," pabirong sabi ni Clenthon na siyang ikinahagalpak ng tawa ni Don Alexander.
Napabaling ang tingin ng bilyonaryo kay Celine. Nginitian niya ang dalaga ngunit sinimangutan lang siya nito.
"Siya na ba si Celine? Napakaganda ng panganay mo Clenthon! Manang-mana sa pinagmanahan."
"Ahem," tikhim ni Lyn na katabi ni Celine sa upuan.
Pinaupo nila si Don Alexander at hinayinan ng RC at monay. Mayaman siya pero paborito niya ang monay na tinapay. Halos magkapatid na rin ang turingan nila ni Clenthon. Marami silang alam tungkol sa isa't isa.
Nang pumasok sa pintuan si Dustin ay napanganga sina Clenthon at Lyn. Nagniningning at nakakasilaw ang kaguwapuhan ng binata. Napalunok si Celine pero hindi pa rin niya matatanggap na ipapakasal siya sa lalaking nasa harapan niya kahit pa nag-uumapaw ang kaguwapuhan nito.
"Papa, are you sure we're on the right place? Ang liit ng bahay nila," puna ni Dustin.
Nawala ang mga ngiti sa labi ng mag-asawang Jones. Nagulat si Lyn nang biglang tumayo si Celine at nagsalita.
"Pasensya ka na ha hindi kami kasing YAMAN MO. Maliit lang ang bahay namin pero ang mga taong nakatira rito, maalam RUMESPETO."
Natigilan si Dustin nang makita ang babaeng nagsasalita.
"Teka, you're familiar. Saan nga ba kita nakita?" Nag-isip si Dustin ng maigi. Inirapan siya ni Celine bago siya umupo. "That's it! Ikaw 'yong babae sa restaurant!"
Namula ang mga pisngi ni Celine sa sinabi ng binata.
"I like how you slapped your ex-boyfriend. Are you okay now?" nakangiting tanong ni Dustin.
Iniwan ni Celine ang mga bisita nila sa baba at dalas-dalas na umakyat sa kaniyang silid. Sariwang-sariwa pa rin ang sakit na idinulot ni Clark sa kaniya."I'm sorry if I have offended your daughter. It's not my intention," pagpapaumanhin ni Dustin.
Pinag-usapan nila ang tungkol sa kasal nina Celine at Dustin. Nais siguraduhin ni Don Alexander na walang magiging problema sa araw ng kasal ng dalawa. Nagkasundo naman sila sa venue, pagkain, motif at souvenirs. Bigatin rin ang mga bisitang dadalo sa pag-iisang dibdib nina Jones at Saavedra.
Samantala nagsend naman ng sms si Dustin sa numero ni Celine. Mahusay ang tauhan niyang si Peter dahil nakuha agad nito ang contact number ni Celine mula sa employer nito.
"We need to talk after this. Tayong dalawa lang. Importante 'to para sa ikapapayapa ng mga buhay natin. This is a secret. Kahit si papa hindi to alam."
Napatigil sila sa pagpa-plano nang biglang dumating ang kapitbahay nina Lyn. Gaya kanina ay humihingal na naman ito.
"May ... may isa pa po kayong bisita Aling Lyn!" habol sa hiningang sambit ng kanilang kapitbahay.
"Ay sino raw iyon?" bulalas ni Aling Lyn.
"Kendal daw ho."
Nagpanting ang tainga ni Dustin nang marinig niya ang pangalang kailanman ay hinding-hindi niya gugustuhing mapakinggan o masambit. Nilapitan siya agad ng kaniyang amang si Don Alexander para awatin sakali hindi niya mapigilan ang kaniyang emosyon.
Pagpasok ni Kendal ay nakangiti siya at ipina-abot sa kaniyang mga balae ang mga dala niyang groceries, damit at kung anu-ano pa. Natulala si Don Alexander sa kagandahan ng kaniyang dating asawa. Wala pa ring kupas ang kaniyang karisma at alindog.
Bumaba si Shantal para tingnan ang hitsura ng lalaking mapapangasawa ng kaniyang kapatid. Tila naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan nang mapagmasdan ang angking kaguwapuhan ni Dustin. Bumilis bigla ang tibok ng kaniyang puso. Nahulog ang kaniyang loob sa binata sa unang pagkikita nila. Lumapit siya kay Dustin at tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa.
Napakagat labi si Shantal at bumulong sa kaniyang Papa Clenthon, "Papa, pwede bang ako na lang ang ipakasal mo sa kaniya? Ayaw naman ni Ate Celine sa kaniya eh. Willing ako, papa."
"Tumigil ka sa kalokohan mong 'yan Shantal. Nakaplano na ang lahat. Uunahan mo pang mag-asawa si Ate Celine mo. Hindi maaari," pabulong na tugon ni Clenthon.
"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang tungkol dito?" Dustin raised his thick eyebrows while giving his Mom a piercing look.
Binati muna ni Kendal sina Lyn at Clenthon. Sinulyapan niya lang si Don Alexander na ngayon ay hindi na maalis ang tingin sa kaniya.
"I want to congratulate you in person, anak. I'm so happy that you have found the love of your life," Masayang sambit ni Kendal. Yayakapin na sana niya si Dustin nang bigla siyang itinulak nito.
"Fuck off! Stop pretending that you are a good mother. This woman ..." Itinuro niya si Kendal sa pamilyang Jones. "This woman is a slut!" pagpapatuloy ni Dustin.
Nakatikim ng magkasunod na sampal si Dustin buhat sa kaniyang inang si Kendal. Napahawak si Dustin sa namumula niyang pisngi bago nagsalitang muli.
"She left us for another man and she didn't bother to apologize to papa kahit sa akin personally. Look at her! Ang kapal ng mukhang magpakita sa amin matapos niya kaming itapon na parang mga basahan."
Lalong naging interesado si Shantal sa katauhan ni Dustin matapos masaksihan ang away ng mag-ina.
"I'm sorry. Aalis na ako. Alexander alagaan mo ang anak natin. Please make sure that he will grow up as a good man. I beg you," pagmamakaawa ni Kendal kay Don Alexander.
Bago pa man makalabas si Kendal ay nauna nang umalis ng bahay ng pamilyang Jones si Dustin. Hindi nakayanan ng binata na itago ang galit na matagal na niyang kinikimkim sa kaniyang dibdib. Marami pa siyang gustong sabihin at itanong sa kaniyang ina pero mas pinili na lang niyang lumayo. Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang gawin sa kaniyang ina kapag nagtagal pa siya sa harapan nito.
Habang naninigarilyo sa labas ng bahay nina Clenthon ay nag-vibrate bigla ang kaniyang cellphone. Napangiti siya nang mabasa niya ang reply ni Celine.
"I'm in. Text me the location and time. Pupuntahan kita."
May bago na namang mapaglalaruan si Dustin Saavedra pero this time, ibang level na dahil hindi lang sila magkasintahan kung hindi ay magiging mag-asawa na.
"Nasaan na ba ang babaeng 'yon kanina pa siyang late! Pinakaayaw ko sa lahat bulok sa time management," reklamo ni Dustin habang nililinga si Celine sa paligid. Halos isang oras nang naghihintay ang binata. Kung hindi niya lamang talaga kailangang makausap si Celine ay kanina pa sana siyang umalis sa kanilang tagpuan. He loathed late comers the most. Inihahampas ni Dustin ang kaniyang sapatos sa paa ng silya habang ang kanang kamay naman niya ay paulit-ulit na nagta-tap sa lamesa. Inaliw niya ang sarili sa panonood ng mga balita sa kaniyang iPhone. "I hate this! Ngayon lang ako naghintay sa babae nang ganito katagal! Seryoso ba siyang darating siya o pinaghihintay niya lang ako sa wala?" Sa sobrang inip ni Dustin ay tinawagan na niya ang cellphone ni Celine. Laking gulat niya nang sagutin ito ng isang hindi pamilyar na boses. "Ikaw ba si Dustin Saavedra?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Nang marealized ni Dustin ang posibleng nangyari sa kaniyang fiance ay agad niyang sinagot
"Nahihilo na ako sa friend natin, Freya!" komento ni Celestine. "Oo nga eh! Ako rin nahihilo na sa kaniya, sa true lang. Kanina pa siya pauli-uli riyan. In love na ba ulit ang lola natin?" pabirong tanong ni Freya. "Pwede ba magsitigil kayong dalawa?" pagsaway ni Celine sa dalawa niyang kaibigan. Celine was walking back and forth for about thirty minutes. Wala pa ring malay si Dustin matapos mapukpok sa ulo ng taong kumidnap sa kaniya. Kinakain siya ng kaniyang konsensya sa tuwing mapapatingin siya sa walang malay na si Saavedra. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dahil agad siyang nagtiwala sa lalaking iyon. ***Flashback*** Naglalakad na si Celine patungo sa sakayan nang biglang may lumapit na lalaki sa kaniya. "Miss kilala mo po ba si Dustin Saavedra?" magalang na tanong ng lalaki. "Opo. Papunta po ako ngayon sa kaniya eh. Kaibigan po ba niya kayo?" pag-uusisa ni Celine. "Ano kasi miss ... naaksidente po siya eh!" "ANO? NASAAN SIYA NGAYON? ALAM NA BA NG KANIYANG PAPA?
"Congratulations Mrs. Celine Jones-Saavedra and Mr. Dustin Saavedra!" masiglang bati ng host. Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa bagong kasal. Habang naglalakad sa red carpet ang mag-asawa ay naririnig ni Celine ang mga bulungan sa paligid. "Sus hindi naman mahal ni Dustin ang babaeng 'yan. Si Don Alexander lang ang dahilan kung bakit sila ikinasal," sabi ng pinsan ni Dustin na si Elaine. "Oo girl, tama ka riyan! Ang chaka-chaka saka ang tanda na no'ng wife niya nakakaloka! Ang dami-daming nagkakandarapa sa pinsan mong mas bata at mas maganda kaysa sa napangasawa niyang 'yan! Bakit kaya siya ang napili ni Dustin?" sulsol naman ng babaeng katabi ni Elaine. Lalong nawalan ng gana si Celine na ngumiti sa araw ng kaniyang kasal. Napansin ni Dustin ang biglang pagtungo ng kaniyang bride. "May problema ba Celine?" tanong ni Saavedra. Umiling lang si Celine at nagpatuloy sa paglakad. "Hindi sila bagay! Mahirap lang 'yong babae tapos sobrang yaman naman no'ng lalaki! Parang l
Matapos ang kasal nina Dustin at Celine ay agad silang lumipad sa Palawan para mag honeymoon. Hindi pumayag si Celine na lumipad pa patungo sa ibang bansa para lang sa iilang gabing magkasama sila ni Dustin. Ang kanila namang honeymoon ay sinagot na ni Don Alexander. Tanging apo lamang ang hinihingi niyang kapalit. Tinawanan lang siya nina Celine at Dustin sa kaniyang request dahil wala silang balak na pagbigyan ang matandang bilyonaryo.Nang makarating sila sa Banwa Private Island ay agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Halos dalawang oras ang itinagal ng kanilang byahe mula sa Manila at umubos naman ng tatlong oras ang kanilang ibinyahe mula Batangas patungong Manila kaya lambot na lambot na sila bago pa man makarating sa kanilang destinasyon. Pinapagamit ni Don Alexander ang kanilang private helicopter pero mariing tinanggihan iyon ni Celine kaya ang ending ay nag commute silang dalawa ni Dustin. Asar na asar naman si Dustin sa sobrang pagkamahiyain ni Celine.Banwa Privat
"Ahh. Shit! Dahan-dahan naman Dustin!" sigaw ni Celine."First time mo ba Celine?""Malamang!" tugon ni Celine habang umuungot dahil sa sakit."Ah kaya pala dumugo. Sige dadahan-dahanin ko na lang. Relax ka lang kasi!""Paano ako magrerelax nito! Eh masakit nga! Ahhhh! Oh shit! Dustin ano ba?" Tiningnan ni Celine ang kaniyang asawa nang matatalim."Sorry Celine, napabigla eh. Ipasok ko ulit ha," ani Dustin."Bilisan mo na kasi Dustin para isang sakit na lang!" suhestiyon ni Celine."Sabi mo dahan-dahanin ko! Ano ba talaga?""Ughhhh," ungot ni Celine."'Yan patapos na. Sa una lang 'yan masakit. Maghihilom din 'yan sa mga susunod na araw."Magkasabay silang humiga matapos butasan ni Dustin ang tainga ni Celine para lagyan ng hikaw."Sana hindi na lang ako nakinig sa'yo. Sabi mo maalam ka? Sabi mo hindi ako masasaktan? Dapat sa nurse or midwife na lang ako nagpabutas," reklamo ni Celine habang hawak-hawak ang ngayo'y namamaga niyang kanang tainga. "Kapag ito nainfection, naku!" dagdag pa
Celine and Dustin tried a wide variety of activities in Banwa Island such as snorkeling, kayaking, jet skiing, scuba diving, sailing, yoga, and tennis. Inubos nila ang kanilang oras sa mga aktibidades na iyon. Isang linggo silang nanatili sa pribadong isla ngunit wala man lang nangyari sa kanilang dalawa. Nag-impake na ang mag-asawa pabalik sa kanilang probinsya. Hindi na pumayag si Dustin na mag-commute na naman sila dahil aksaya raw sa oras. Pinagbigyan niya lang si Celine noong papunta pa lang sila sa isla. Nasa daan na ang private plane na susundo sa kanila. "Ayaw mo talaga mag-commute, Dustin?" pangungulit ni Celine. "Kung gusto mo ikaw na lang," masungit na tugon ni Dustin. "G-Galit k-ka pa rin ba sa a-akin?" nauutal na tanong ni Celine. Dustin gave her a cold look before giving his answer. "Sa tingin mo?" Dustin examined her entire appearance from head to toe. Padabog na inilagay ni Celine ang kaniyang mga damit sa maleta. "Tinanong kita tapos sinagot mo na naman ako ng
“A-Ate.” Matapos magbihis ni Shantal ay agad niyang niyakap ang kaniyang kapatid na na-istatwa na sa kaniyang kinatatayuan. Hindi kumikibo si Celine habang yakap siya ng kaniyang kapatid. “A-ate. S-sorry.” Inalis ni Celine ang pagkakayakap ni Shantal sa kaniya. “Celine, please don’t tell this to anyone,” pakiusap ni Dustin habang hinahanap ang kaniyang boxer. “T-tama si Dustin, ate. Magkakagulo lang pag nalaman 'to ni Don Alexander at ng mga magulang natin. Ate please. Ayokong kasuklaman ako nina mama at papa," humihikbing sambit ni Shantal. “Celine, makinig ka sa amin ni Shantal,” mahinang saad ni Dustin na ngayon ay nakabihis na rin. Tahimik lang na nakikinig si Celine sa sinasabi ng dalawa. Marami pa silang sinabi ngunit hindi na iyon narinig ni Celine dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina. “I’m begging you, Ate Celine. Wag mo akong isusumbong kina mama at papa ha. 'Di ba hindi mo naman mahal si Dustin? Kasal lang naman kayo pero wala naman talagang
“CELINE, SAGUTIN MO ANG TANONG KO. TOTOO BA ANG MGA NARINIG KO?” Nagmistulang naglalagablab na apoy si Clenthon nang malamang sumiping sa asawa ni Celine ang kaniyang bunsong anak na si Shantal. Halos hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Shantal sa kaniyang kapatid. Habag na habag siya kay Celine samantalang suklam na suklam naman siya kay Shantal. “T-tatang. Kanina pa po ba kayo riyan?” Nawala ang hangover ni Celine dahil sa pagkagulat. Ang kaniyang kalamnan ay nangangatal hindi dahil sa galit siya kay Shantal kung hindi dahil sa takot. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nakikitang magalit nang husto ang kaniyang mga magulang. “TOTOO BA? TOTOO BANG NAKIPAG-SEX SI SHANTAL SA ASAWA MO?” Nakailang tanong na si Clenthon kay Celine dahil hindi siya sagutin ng kaniyang anak. Nang mapansin ni Freya ang panginginig ng kamay ni Clenthon ay sumabat na siya sa usapan. “Tito Clenthon, ipagpaumanhin niyo po ang pagsali ko sa inyong usapan," ani Freya. Hinawakan ni Celine ang kamay ni
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani