Matapos ang kasal nina Dustin at Celine ay agad silang lumipad sa Palawan para mag honeymoon. Hindi pumayag si Celine na lumipad pa patungo sa ibang bansa para lang sa iilang gabing magkasama sila ni Dustin. Ang kanila namang honeymoon ay sinagot na ni Don Alexander. Tanging apo lamang ang hinihingi niyang kapalit. Tinawanan lang siya nina Celine at Dustin sa kaniyang request dahil wala silang balak na pagbigyan ang matandang bilyonaryo.Nang makarating sila sa Banwa Private Island ay agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Halos dalawang oras ang itinagal ng kanilang byahe mula sa Manila at umubos naman ng tatlong oras ang kanilang ibinyahe mula Batangas patungong Manila kaya lambot na lambot na sila bago pa man makarating sa kanilang destinasyon. Pinapagamit ni Don Alexander ang kanilang private helicopter pero mariing tinanggihan iyon ni Celine kaya ang ending ay nag commute silang dalawa ni Dustin. Asar na asar naman si Dustin sa sobrang pagkamahiyain ni Celine.Banwa Privat
"Ahh. Shit! Dahan-dahan naman Dustin!" sigaw ni Celine."First time mo ba Celine?""Malamang!" tugon ni Celine habang umuungot dahil sa sakit."Ah kaya pala dumugo. Sige dadahan-dahanin ko na lang. Relax ka lang kasi!""Paano ako magrerelax nito! Eh masakit nga! Ahhhh! Oh shit! Dustin ano ba?" Tiningnan ni Celine ang kaniyang asawa nang matatalim."Sorry Celine, napabigla eh. Ipasok ko ulit ha," ani Dustin."Bilisan mo na kasi Dustin para isang sakit na lang!" suhestiyon ni Celine."Sabi mo dahan-dahanin ko! Ano ba talaga?""Ughhhh," ungot ni Celine."'Yan patapos na. Sa una lang 'yan masakit. Maghihilom din 'yan sa mga susunod na araw."Magkasabay silang humiga matapos butasan ni Dustin ang tainga ni Celine para lagyan ng hikaw."Sana hindi na lang ako nakinig sa'yo. Sabi mo maalam ka? Sabi mo hindi ako masasaktan? Dapat sa nurse or midwife na lang ako nagpabutas," reklamo ni Celine habang hawak-hawak ang ngayo'y namamaga niyang kanang tainga. "Kapag ito nainfection, naku!" dagdag pa
Celine and Dustin tried a wide variety of activities in Banwa Island such as snorkeling, kayaking, jet skiing, scuba diving, sailing, yoga, and tennis. Inubos nila ang kanilang oras sa mga aktibidades na iyon. Isang linggo silang nanatili sa pribadong isla ngunit wala man lang nangyari sa kanilang dalawa. Nag-impake na ang mag-asawa pabalik sa kanilang probinsya. Hindi na pumayag si Dustin na mag-commute na naman sila dahil aksaya raw sa oras. Pinagbigyan niya lang si Celine noong papunta pa lang sila sa isla. Nasa daan na ang private plane na susundo sa kanila. "Ayaw mo talaga mag-commute, Dustin?" pangungulit ni Celine. "Kung gusto mo ikaw na lang," masungit na tugon ni Dustin. "G-Galit k-ka pa rin ba sa a-akin?" nauutal na tanong ni Celine. Dustin gave her a cold look before giving his answer. "Sa tingin mo?" Dustin examined her entire appearance from head to toe. Padabog na inilagay ni Celine ang kaniyang mga damit sa maleta. "Tinanong kita tapos sinagot mo na naman ako ng
“A-Ate.” Matapos magbihis ni Shantal ay agad niyang niyakap ang kaniyang kapatid na na-istatwa na sa kaniyang kinatatayuan. Hindi kumikibo si Celine habang yakap siya ng kaniyang kapatid. “A-ate. S-sorry.” Inalis ni Celine ang pagkakayakap ni Shantal sa kaniya. “Celine, please don’t tell this to anyone,” pakiusap ni Dustin habang hinahanap ang kaniyang boxer. “T-tama si Dustin, ate. Magkakagulo lang pag nalaman 'to ni Don Alexander at ng mga magulang natin. Ate please. Ayokong kasuklaman ako nina mama at papa," humihikbing sambit ni Shantal. “Celine, makinig ka sa amin ni Shantal,” mahinang saad ni Dustin na ngayon ay nakabihis na rin. Tahimik lang na nakikinig si Celine sa sinasabi ng dalawa. Marami pa silang sinabi ngunit hindi na iyon narinig ni Celine dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina. “I’m begging you, Ate Celine. Wag mo akong isusumbong kina mama at papa ha. 'Di ba hindi mo naman mahal si Dustin? Kasal lang naman kayo pero wala naman talagang
“CELINE, SAGUTIN MO ANG TANONG KO. TOTOO BA ANG MGA NARINIG KO?” Nagmistulang naglalagablab na apoy si Clenthon nang malamang sumiping sa asawa ni Celine ang kaniyang bunsong anak na si Shantal. Halos hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Shantal sa kaniyang kapatid. Habag na habag siya kay Celine samantalang suklam na suklam naman siya kay Shantal. “T-tatang. Kanina pa po ba kayo riyan?” Nawala ang hangover ni Celine dahil sa pagkagulat. Ang kaniyang kalamnan ay nangangatal hindi dahil sa galit siya kay Shantal kung hindi dahil sa takot. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nakikitang magalit nang husto ang kaniyang mga magulang. “TOTOO BA? TOTOO BANG NAKIPAG-SEX SI SHANTAL SA ASAWA MO?” Nakailang tanong na si Clenthon kay Celine dahil hindi siya sagutin ng kaniyang anak. Nang mapansin ni Freya ang panginginig ng kamay ni Clenthon ay sumabat na siya sa usapan. “Tito Clenthon, ipagpaumanhin niyo po ang pagsali ko sa inyong usapan," ani Freya. Hinawakan ni Celine ang kamay ni
Naglakad pabalik sa kanilang tahanan si Shantal dahil doon siya susunduin ng kaibigan niyang si Glydel. Bagamat may matitirahan na siya ay hindi pa rin niya magawang maging masaya. Sa isang iglap ay nasira na ng tuluyan ang kaniyang pamilya.Pinupunasan niya ang kaniyang mga luha habang nakaupo sa kaniyang mga pinagpatong-patong na mga bag. Sa sobrang dami niyang damit ay hindi iyon nagkasya sa iisang maleta. Napatayo siyang bigla nang marinig niya ang pagbukas ng maliit nilang gate. Nagbabakasakali pa rin siyang muling tanggapin ng kaniyang mga magulang sa kabila ng kaniyang nagawang pagkakamali."Anak, Shantal bakit nandito ka pa?" nag-aalalang tanong ng kaniyang Mama Lyn. "Sabi na nga ba eh. Dapat 'di na ako umasa," pabulong na saad ni Shantal."Ano 'yon anak? Hindi ko narinig.""Hindi ko na ho kasalanan kung bingi kayo."Hindi namalayan ni Shantal na nasa likod lamang ng gate ang kaniyang papa. Nang lumabas ito ay isang mag-asawang sampal ang lumapat sa mga pisngi niya."Sumosobra
HINILOT ni Celine ang kaniyang sintido nang malamang pinalayas na ng kaniyang mga magulang si Shantal. Nag-aalala siya sa kaniyang bunsong kapatid dahil alam niyang wala pa itong trabaho para tustusan ang sariling pangangailangan."Celine, are you okay?""Mukha ba akong okay, Dustin?" Nanlisik ang mga mata ni Celine sa kaniyang asawa na ngayon ay naghahanda nang pumasok sa kaniyang opisina."I really like your spirit, Celine. Ibang-iba ka sa mga babaeng nakilala ko. You're not submissive. You're not afraid to speak your mind." Dustin gave her a silly laugh before he put his Rolex on."Kasalanan mo kung bakit nagkanda-leche-leche ang pamilya namin eh! Kung hindi ka lang matakaw sa babae, hindi sana kami magkakaroon ng alitan ni Shantal. Hindi sana siya mapapalayas sa bahay." Celine clenched her teeth and fists.Lumakad palapit sa kaniya si Dustin at tinitigan siya ng diretso sa kaniyang mga mata. Yumuko siya para ilapit ang kaniyang mukha sa nakaupong si Celine."You already know na bab
Nakatambay si Dustin sa may veranda ng kanilang second floor. Nagpahangin siya matapos ang mainit na argumento nila ni Celine. Nakahawak ang kaniyang kaliwang kamay sa balustrade samantalang ang kaniyang kanang kamay naman ay may hawak na goblet na naglalaman ng The Macallan 18 Year Old Sherry Oak, one of the world’s truly great single malt whiskies. Gumuhit sa kaniyang lalamunan ang init ng alak nang ininom niya ito. Tumaas ang kilay niya nang makita niya ang isang lalaking tila may hinihintay sa labas ng kanilang gate. Hindi niya nakilala si Clark dahil sa distansyang meron sila. Nang makita niyang lumapit si Celine sa lalaking iyon ay diretso niyang tinungga ang natitirang whiskey sa kaniyang kopita. Inobserbahan niya ang bawat pagbuka ng bibig ng lalaki na para bang gusto niyang malaman kung ano ang sinasabi nito sa kaniyang asawa. Bumagting ang kaniyang panga nang biglang yakapin si Celine ng kaniyang kausap. Halos mabasag ang kopita sa sobrang higpit ng kaniyang pagkakahawak.Sa
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani