Home / Romance / Suddenly Married to a Billionaire / TCC #1.1 Bad Luck in Love

Share

Suddenly Married to a Billionaire
Suddenly Married to a Billionaire
Author: Docky

TCC #1.1 Bad Luck in Love

Author: Docky
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Pagkalabas galing sa trabaho ay dumiretso si Celine sa kanilang bahay para humiram ng pera sa kaniyang Nanay Lyn. Mababakas sa mukha ng dalaga ang labis na kasiyahan at pananabik. Agad siyang nagbihis bago kausapin ang kaniyang nanay.

Si Celine ay tatlumpung taong gulang na. Nasa hustong edad na siya para mag-asawa at bumuo ng kaniyang sariling pamilya. Palagi siyang tampulan ng tukso sa tuwing magkakaroon ng class reunion dahil siya na lamang ang nananatiling single sa kanilang batch. Hindi mawari ni Celine kung bakit palaging nauuwi sa hiwalayan ang bawat relasyong iningatan niya naman ng lubusan. Sa kaniyang angking kagandahan at halos kulay nyebeng balat, naging palaisipan sa kaniya kung bakit siya nabibigo sa pag-ibig. Magaling din siyang makisama at kahit kailan ay hindi siya naging sakit sa ulo ng sinuman, kabaligtaran ng kaniyang bunsong kapatid.

"Nay! Pautang muna po ako ng isang libo ha?" nakangising sambit ni Celine habang inilalahad ang kaniyang palad.

"Aanhin mo naman anak? Sige, basta bayaran mo ako pagsahod mo ha?" pabirong kutya ng kaniyang nanay.

Inilapit ni Celine ang kaniyang bibig sa tainga ng nanay niyang si Lyn at bumulong, "nag-aya po ng date si Clark, 'nay! Feeling ko po ... magpo-propose na siya sa akin!"

Napasigaw sa tuwa si Lyn habang naglululundag. Matagal na niyang inaasam na maikasal ang kaniyang panganay na anak. Gustong-gusto na rin niyang magkaroon ng apo.

"Sige anak. Heto dalawang libo. Magpasalon ka saka magpa-makeup ng bongga. Bilihin mo ang pinakamagandang tindang damit doon kina Aling Esme. Sa wakas anak! Masayang-masaya ako para sa'yo!" naluluhang saad ni Lyn habang niyayapos si Celine.

"Oh anong meron? Bakit parang ang saya-saya niyong dalawa?" masungit na bungad ni Shantal, ang nag-iisang kapatid ni Celine.

Si Shantal ang bunsong anak nina Lyn at Clenthon Jones. Maganda rin ito tulad ni Celine ngunit mas may hubog ang katawan niya kumpara sa kanyang ate. Marami nang napaiyak na lalaki si Shantal hindi tulad ni Celine na palaging napapa-iyak ng mga lalaki. Mataray ang dating ng kaniyang mukha na tila ba palaging naghahamon ng away.

"Ang Ate Celine mo maiikasal na! May date sila ngayon ni Clark at malakas ang kutob naming aayain na niya ang ate mong magpakasal!" masiglang sagot ni Lyn sa tanong ng kaniyang bunsong anak.

"Talaga ba? Baka mamaya umuwi na namang luhaan 'yan tapos maglalasing na naman at doon dadayo ng pagsusuka sa kwarto namin! Huwag masyadong umasa Ate Celine. Nakakamatay 'yon!"

Hinampas ni Lyn si Shantal sa braso at pinaalis na ng bahay si Celine.

"Ikaw talagang bata ka! Bakit ba gan'yan ang ugali mo? Alam mo naman ang mga pinagdaanan ng ate mo tapos ganoon pa ang sasabihin mo!" sermon ni Lyn.

"Ma', kaya ko nga siya pinagsasabihan para hindi siya gaanong masaktan later. Walang swerte sa lalaki 'yang si ate. Pustahan pa tayo uuwi na naman 'yang lasing at tumutulo pati uhog," ani Shantal.

Tiningnan ni Lyn ng masama si Shantal kaya napilitang umakyat na lamang sa kanilang silid ang kaniyang bunsong anak. Agad namang sinabi ni Lyn sa kaniyang asawang si Clenthon ang magandang balita at napagdesisyunan nilang mag-asawa na isurpresa si Celine pag-uwi niya.

***

Naglalakad na papunta sa restaurant si Celine suot ang puting dress na binili niya kay Aling Esme. Nagpagupit rin siya ng buhok na umabot lang hanggang sa kaniyang leeg. Lalong lumitaw ang kaniyang angking ganda sa kaniyang makeup. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Bukod sa sobrang kasiyahan ay binabalot rin siya ng marubdob na kaba.

Pagpasok niya sa restaurant ay natanaw niya agad si Clark. Kahit nakatalikod siya ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapuhan niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Celine nang makitang nasa katabing table ang best friends niyang sina Freya at Celestine. Hindi niya matandaan na sinabi niya sa mga ito ang tungkol sa date nila ni Clark kaya nagtataka siya kung bakit 'yon nalaman ng dalawa.

Habang nag-iisip at kinakabahan ay hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya ang kaniyang nobyong si Clark.

Si Clark Simeon ay isang inhinyero ngunit nagbabalak siyang magtayo ng sarili niyang negosyo dahil hindi sapat ang kinikita niya para tugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Lumaki siya sa hirap kaya nangangarap siyang yumaman hindi lang para sa kaniyang sarili kung hindi para na rin sa kaniyang magiging pamilya. Naghiwalay ang kaniyang mga magulang dahil sa hirap ng buhay. Ang kaniyang ama ay sumama sa isang mayamang banyaga at doon na nanirahan sa Canada.

Napakunot ang noo ni Clark nang makita niya ang ayos at suot ni Celine.

"Muntik na kitang hindi makilala. Simpleng restaurant lang ito Celine, hindi mo kailangang mag-ayos ng ganiyan dahil maganda ka na. Mas gusto ko yung pagiging simple mo."

Nag-init ang mga pisngi ni Celine at lalong lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib dahil sa sinabing iyon ni Clark. Natulala rin siya sa kaguwapuhan ng kaniyang nobyo. Inalalayan siya ni Clark papunta sa kanilang table dahil alam niyang hindi sanay magsuot ng high heels ang kaniyang kasintahan.

"Celine, anong gusto mong kainin?" mahinahong tanong ni Clark.

"Ikaw este ano … kahit ano Clark," tugon ni Celine.

Napatawa si Clark sa sagot ni Celine. Lalo namang namula ang mukha ng dalaga nang makita niyang nakiki-usyoso ang dalawa niyang kaibigan. Nilakihan niya ng mata sina Freya at Celestine. Napahagalpak naman si Freya dahilan para mapansin siya ni Clark.

"Nandito rin pala ang mga kaibigan mo."

"Nagulat din ako Clark eh. Sinabi mo ba sa kanila?"

"Hindi Celine. Gusto ko tayong dalawa lang sana pero okay lang. Alangan namang paalisin natin sila," ani Clark.

Matapos umorder ng pagkain ay nagpakiramdaman ang dalawa. Hinawakan ni Clark ang kamay ni Celine.

"Kain na tayo?" suhestyon ni Clark.

Napangiti naman si Celine at agad na nilantakan ang nakahaying pagkain sa harap niya. Hinihintay niya ang mga susunod na sasabihin ni Clark.

"We've been together for five years Celine. Ang tagal na rin pala no?"

Tumango lang ang dalaga at mahinhing uminom ng wine. Nang makita ni Clark na may dungis siya sa tabi ng kaniyang labi ay agad niya itong pinunasan na siya namang ikinakilig ng dalaga.

"Sa-salamat Clark," nahihiyang sabi ni Celine.

"Celine … ano kasi."

Napansin ni Celine na inilalapit ng kaniyang dalawang kaibigan ang mga tainga nila para mapakinggan ang susunod na sasabihin ni Clark 

"Nahihiya ako," pagpapatuloy ni Clark.

"Huwag ka nang mahiya Clark." Iniaro ni Celine ang kaniyang kamay sa binata sa pag-aakalang bibigyan siya ni Clark ng engagement ring.

Nagulat siya nang biglang tumayo si Clark.

"Celine, I'm sorry. We have to break up," nakatungong wika ni Clark.

Napaawang ang bibig ni Celine pati na rin ng kaniyang dalawang kaibigan. Unti-unting pumatak ang kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa binata. Kinuha niya ang baso sa kaniyang tabi at pinuno ito ng wine sabay ibinuhos niya ito sa mukha ni Clark. Nanlaki ang mga mata nina Freya at Celestine sa ginawa ng kanilang kaibigan.

"You can break up with me through text or chat. Alam mo namang ganoon ako ibinasura ng mga ex-boyfriends ko 'di ba? Bakit ka pa nag-abala na dalhin ako rito?" Celine said in a quavering voice.

"Celine. I'm sorry. Hindi pa ako handang mag-asawa. I'm not ready to have a family."

"BAKIT MO PA PINATAGAL NG LIMANG TAON ANG RELASYON NATIN KUNG GANIYAN NAMAN PALA ANG MINDSET MO? BAKIT ARAW-ARAW MO PANG IPINARAMDAM SA AKIN NA IMPORTANTE AKO SA'YO? NA MAHAL NA MAHAL MO AKO? 'YAN BA TALAGA ANG RASON CLARK O MAY IBA KA NA?" Celine shouted in anger.

Nilapitan na siya nina Freya at Celestine para pakalmahin pero walang nagawa ang dalawa.

"TELL ME CLARK! ANONG PANGIT SA AKIN? MUKHA KO? UGALI KO? BAKIT LAHAT KAYONG MINAMAHAL KO NANG TOTOO INIIWAN AKO? BAKIT MADALI LANG PARA SA INYO ANG BUMITAW? HINDI KO BA DESERVE NA MAIHARAP SA ALTAR?" nagpupuyos sa galit na sambit ni Celine.

"No Celine. Hindi ganoon. It's about me," nakatungong sagot ni Clark.

"Stop giving me nonsense Clark. Tell me your reason so I can understand ... so I can move on," kalmadong saad ni Celine.

Lumapit si Clark at bumulong, "you don't know how to play in bed."

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Clark mula kay Celine matapos niyang sabihin ang bagay na iyon. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ay wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa dahil ayaw pang ibigay ni Celine ang kaniyang sarili sa binata. Palagi siyang tinutukso ni Clark na clueless lang siya pagdating sa ganoong bagay kaya hindi siya pumapayag. Hindi akalain ni Celine na ganoon kababaw ang magiging dahilan ng lalaking minahal at minamahal niya hanggang ngayon para hiwalayan siya.

Sinamahan siyang maglasing nina Freya at Celestine matapos ang pangyayaring pumira-piraso sa puso ng kanilang kaibigang si Celine. Inihatid nila ang dalaga sa kaniyang tahanan. Pagbukas ng pintuan ay pinaputukan sila ng confetti ng mga magulang ni Celine sa pag-aakalang engaged na ang kanilang panganay.

"CONGRATULATIONS OUR BRIDE TO BE!" magkasabay na sigaw nina Lyn at Clenthon.

Nang magkamalay si Celine ay agad siyang tumunghay para makita ang mukha ng kaniyang mapagmahal na mga magulang. Puno ng confetti ang kaniyang buhok at mayroon ding naligaw na ilang piraso sa kaniyang pisngi. Nginitian niya ang mga ito ngunit nag-umpisa na namang tumulo ang kaniyang mga luha. Pugtong-pugto na ang kaniyang mga mata at halos tumulo na ang kaniyang sipon dahil sa dinanas na break-up. Pumalakpak si Shantal na ngayon ay nakayupyop sa couch habang nanonood sa kaniyang cellphone.

"Sabi ko sa'yo ma' eh. Kung pumusta ka lang, talo ka sana. I know this will happen AGAIN FOR THE NTH TIME," pagmamalaki ni Shantal.

"SHANTAL!" sigaw ni Clenthon na ngayon ay umuusok ang ilong sa galit kay Clark. Pinaki-samahan nila ng ayos si Clark at ang pamilya nito. Itinuring na rin nilang parang tunay na anak si Clark kaya ganoon na lamang ang galit ni Clenthon sa ginawa ng binata.

"Ano bang mali sa sinabi ko papa? Hindi ba totoo naman? Palagi niyo na lang mina-masama ang mga sinasabi ko. Palagi na lang ako 'yong lumalabas na kontrabida sa bahay na ito. Anak niyo ba talaga ako o napulot niyo lang ako ni mama?"

Lumagapak ang isang malutong na sampal sa kanang pisnge ni Shantal. Agad namang humingi ng paumanhin ang kaniyang ina sa nagawa nito.

"Anak, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon. Mahal namin kayong pareho ng Ate Celine mo," paliwanag ni Aling Lyn na ngayon ay nakayap na sa kaniyang bunsong anak.

"Bitiwan mo 'ko ma'. Ilang sampal na ba ang natanggap ng mga pisngi ko mula sa'yo? Ah. Mahigit na yatang isang daan simula noong highschool pa lamang ako. Sinasabi niyong pareho niyo kaming mahal pero bakit iba ang nararamdaman ko?" umiiyak na sabi ni Shantal habang nakahawak sa kaniyang pisngi.

"Shantal, mahal ka naming lahat. Ikaw lang ang nag-iisip ng gan'yan. Pinagsasabihan ka lang namin at itinatama sa mga mali mo. Hindi namin hahayaang lumaki ka ng paurong," sabat ni Clenthon habang nakatingin sa mga mata ni Shantal.

"Tsss. Sige magkampihan kayo. Ang kapatid kong 'to (itinuro niya si Celine na ngayon ay wala na namang malay) palagi niyo na lang siyang pinapaburan! Bakit ha? Kasi matalino siya? Kasi nakakapag-abot siya ng panggastos dito sa bahay? O dahil sa mga mata niyo, siya lang ang may nagagawang maganda?" Tumaas na ang boses ni Shantal na siyang ikinalaki ng mata ni Clenthon. Nanggigigil na ang kanilang haligi ng tahanan.

"Umalis ka sa harapan ko Shantal kung ayaw mong makatikim. LAYAS!" galit na sigaw ni Clenthon.

"Huminahon ka, darling. Hindi maganda 'yan sa kalusugan mo. Shantal, umakyat ka muna sa kuwarto mo, please. Magsi-ayos kayo kung ayaw niyong mahospital na naman ako," pagbabanta ni Lyn na ngayon ay sapo-sapo na ang kaniyang dibdib dahil sa sama ng loob.

Nagkasabay-sabay na ang sakit sa ulo ng mag-asawa. Iniakyat na muna nina Freya at Celestine si Celine sa kuwarto ng dalaga. Pinigilan ni Lyn ang kaniyang asawa na sugurin si Clark sa bahay nito. Halos walang paglagyan ang inis at galit nila sa binata. Nang mahimasmasan ay kinuha ni Clenthon ang kaniyang cellphone para tawagan ang kaniyang best friend na si Alexander Saavedra.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
CarLyric
Shantal na laging nasasampal. Hahaha!! derurb mo yan bHie. more sampal in the future. Hahaha.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #1.2 Father and Son's Agreement

    Napapangiti si Dustin sa tuwing maaalala niya ang nangyari kanina sa kinainan niyang restaurant. Napatunayan niyang hindi lang pala siya ang lalaking mahilig mambasted ng babae. Dinaig pa niyang nanood ng live shooting ng isang pelikula. Sa kabila noon ay hindi niya maitatangging nagandahan siya sa babaeng iyon. "Dustin, saan ka nanggaling?" tanong ng kaniyang amang si Alexander Saavedra. "Nanood lang ng sine, papa," Dustin laughs devilishly. Si Alexander Saavedra ang pinaka-mayamang business tycoon sa probinsya ng Batangas ngunit sa kabila nito ay hindi niya nakakalimutang magbahagi ng kaniyang blessings sa ibang tao. Tumutulong siya sa mga taong alam niyang walang kakayahang magbalik ng pabor. Mayroon siyang itinayong mga charities at foundations kung saan tinutulungan niyang matutong magnegosyo ang mga kababayan niyang walang trabaho. Nakakapagbigay din siya ng trabaho dahil sa kaniyang mga programa at kompanya. Sa kabutihan ng kaniyang puso ay nagawaran siya bilang "BEST CITIZEN

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #2 Dustin's Scar

    Namamaga ang mga mata ni Celine nang magising siya kinaumagahan. Tinitigan siya ni Shantal habang ngumunguya ng V-Fresh. Magkatabi lang ang kanilang higaan. "Pang ilang beses mo na ngang na dumped, Ate Celine?" mapang-asar na tanong ni Shantal. "Pwede ba Shantal, wala ako sa mood makipag-away. Ang aga-aga! Wala ka bang balak gawin sa buhay mo? Bakit ayaw mong maghanap ng trabaho? Sinasayang mo ang pinag-aralan mo sa ginagawa mong 'yan. Mag-iisang taon ka ng tambay ah." "Akala ko ba ayaw mo ng away?" Tumayo si Shantal sa harapan ni Celine. Nakataas ang kanang kilay niya. Hindi na pinansin pa ni Celine ang bunsong kapatid at bumaba na sa dining area para kumain ng umagahan. Nasa may hagdan siya ng marinig niyang may kausap sa cellphone ang kaniyang amang si Clenthon. Naka-loud speaker palagi ang cellphone ni Clenthon dahil medyo mahina na ang kaniyang pandinig. "Sa San Juan Nepomuceno na lang natin sila ipakasal. Maganda ang simbahan na iyon. Iyon eh dinarayo ng mga artista," sugges

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #3.1 Saving the Bride

    "Nasaan na ba ang babaeng 'yon kanina pa siyang late! Pinakaayaw ko sa lahat bulok sa time management," reklamo ni Dustin habang nililinga si Celine sa paligid. Halos isang oras nang naghihintay ang binata. Kung hindi niya lamang talaga kailangang makausap si Celine ay kanina pa sana siyang umalis sa kanilang tagpuan. He loathed late comers the most. Inihahampas ni Dustin ang kaniyang sapatos sa paa ng silya habang ang kanang kamay naman niya ay paulit-ulit na nagta-tap sa lamesa. Inaliw niya ang sarili sa panonood ng mga balita sa kaniyang iPhone. "I hate this! Ngayon lang ako naghintay sa babae nang ganito katagal! Seryoso ba siyang darating siya o pinaghihintay niya lang ako sa wala?" Sa sobrang inip ni Dustin ay tinawagan na niya ang cellphone ni Celine. Laking gulat niya nang sagutin ito ng isang hindi pamilyar na boses. "Ikaw ba si Dustin Saavedra?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Nang marealized ni Dustin ang posibleng nangyari sa kaniyang fiance ay agad niyang sinagot

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #3.2 The Deal

    "Nahihilo na ako sa friend natin, Freya!" komento ni Celestine. "Oo nga eh! Ako rin nahihilo na sa kaniya, sa true lang. Kanina pa siya pauli-uli riyan. In love na ba ulit ang lola natin?" pabirong tanong ni Freya. "Pwede ba magsitigil kayong dalawa?" pagsaway ni Celine sa dalawa niyang kaibigan. Celine was walking back and forth for about thirty minutes. Wala pa ring malay si Dustin matapos mapukpok sa ulo ng taong kumidnap sa kaniya. Kinakain siya ng kaniyang konsensya sa tuwing mapapatingin siya sa walang malay na si Saavedra. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dahil agad siyang nagtiwala sa lalaking iyon. ***Flashback*** Naglalakad na si Celine patungo sa sakayan nang biglang may lumapit na lalaki sa kaniya. "Miss kilala mo po ba si Dustin Saavedra?" magalang na tanong ng lalaki. "Opo. Papunta po ako ngayon sa kaniya eh. Kaibigan po ba niya kayo?" pag-uusisa ni Celine. "Ano kasi miss ... naaksidente po siya eh!" "ANO? NASAAN SIYA NGAYON? ALAM NA BA NG KANIYANG PAPA?

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #3.3 THE WEDDING

    "Congratulations Mrs. Celine Jones-Saavedra and Mr. Dustin Saavedra!" masiglang bati ng host. Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa bagong kasal. Habang naglalakad sa red carpet ang mag-asawa ay naririnig ni Celine ang mga bulungan sa paligid. "Sus hindi naman mahal ni Dustin ang babaeng 'yan. Si Don Alexander lang ang dahilan kung bakit sila ikinasal," sabi ng pinsan ni Dustin na si Elaine. "Oo girl, tama ka riyan! Ang chaka-chaka saka ang tanda na no'ng wife niya nakakaloka! Ang dami-daming nagkakandarapa sa pinsan mong mas bata at mas maganda kaysa sa napangasawa niyang 'yan! Bakit kaya siya ang napili ni Dustin?" sulsol naman ng babaeng katabi ni Elaine. Lalong nawalan ng gana si Celine na ngumiti sa araw ng kaniyang kasal. Napansin ni Dustin ang biglang pagtungo ng kaniyang bride. "May problema ba Celine?" tanong ni Saavedra. Umiling lang si Celine at nagpatuloy sa paglakad. "Hindi sila bagay! Mahirap lang 'yong babae tapos sobrang yaman naman no'ng lalaki! Parang l

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #4.1 Honeymoon at Banwa

    Matapos ang kasal nina Dustin at Celine ay agad silang lumipad sa Palawan para mag honeymoon. Hindi pumayag si Celine na lumipad pa patungo sa ibang bansa para lang sa iilang gabing magkasama sila ni Dustin. Ang kanila namang honeymoon ay sinagot na ni Don Alexander. Tanging apo lamang ang hinihingi niyang kapalit. Tinawanan lang siya nina Celine at Dustin sa kaniyang request dahil wala silang balak na pagbigyan ang matandang bilyonaryo.Nang makarating sila sa Banwa Private Island ay agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Halos dalawang oras ang itinagal ng kanilang byahe mula sa Manila at umubos naman ng tatlong oras ang kanilang ibinyahe mula Batangas patungong Manila kaya lambot na lambot na sila bago pa man makarating sa kanilang destinasyon. Pinapagamit ni Don Alexander ang kanilang private helicopter pero mariing tinanggihan iyon ni Celine kaya ang ending ay nag commute silang dalawa ni Dustin. Asar na asar naman si Dustin sa sobrang pagkamahiyain ni Celine.Banwa Privat

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #4.2 Ang Pangalawang Gabi Bilang Mag-asawa

    "Ahh. Shit! Dahan-dahan naman Dustin!" sigaw ni Celine."First time mo ba Celine?""Malamang!" tugon ni Celine habang umuungot dahil sa sakit."Ah kaya pala dumugo. Sige dadahan-dahanin ko na lang. Relax ka lang kasi!""Paano ako magrerelax nito! Eh masakit nga! Ahhhh! Oh shit! Dustin ano ba?" Tiningnan ni Celine ang kaniyang asawa nang matatalim."Sorry Celine, napabigla eh. Ipasok ko ulit ha," ani Dustin."Bilisan mo na kasi Dustin para isang sakit na lang!" suhestiyon ni Celine."Sabi mo dahan-dahanin ko! Ano ba talaga?""Ughhhh," ungot ni Celine."'Yan patapos na. Sa una lang 'yan masakit. Maghihilom din 'yan sa mga susunod na araw."Magkasabay silang humiga matapos butasan ni Dustin ang tainga ni Celine para lagyan ng hikaw."Sana hindi na lang ako nakinig sa'yo. Sabi mo maalam ka? Sabi mo hindi ako masasaktan? Dapat sa nurse or midwife na lang ako nagpabutas," reklamo ni Celine habang hawak-hawak ang ngayo'y namamaga niyang kanang tainga. "Kapag ito nainfection, naku!" dagdag pa

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #4.3 Ang Traydor na Kadugo

    Celine and Dustin tried a wide variety of activities in Banwa Island such as snorkeling, kayaking, jet skiing, scuba diving, sailing, yoga, and tennis. Inubos nila ang kanilang oras sa mga aktibidades na iyon. Isang linggo silang nanatili sa pribadong isla ngunit wala man lang nangyari sa kanilang dalawa. Nag-impake na ang mag-asawa pabalik sa kanilang probinsya. Hindi na pumayag si Dustin na mag-commute na naman sila dahil aksaya raw sa oras. Pinagbigyan niya lang si Celine noong papunta pa lang sila sa isla. Nasa daan na ang private plane na susundo sa kanila. "Ayaw mo talaga mag-commute, Dustin?" pangungulit ni Celine. "Kung gusto mo ikaw na lang," masungit na tugon ni Dustin. "G-Galit k-ka pa rin ba sa a-akin?" nauutal na tanong ni Celine. Dustin gave her a cold look before giving his answer. "Sa tingin mo?" Dustin examined her entire appearance from head to toe. Padabog na inilagay ni Celine ang kaniyang mga damit sa maleta. "Tinanong kita tapos sinagot mo na naman ako ng

Pinakabagong kabanata

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #40.2 Home

    Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #40.1 Her Sacrifice

    Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #39.3 His Surprise

    Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #39.2 Parusa at Katanungan

    "Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #39.1 Mahal Pa Rin Kita

    Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #38 Ang Katotohanan (Part 3)

    Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #38 Ang Katotohanan (Part 2)

    Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #38 Ang Katotohanan (Part 1)

    “Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c

  • Suddenly Married to a Billionaire   TCC #37.2 Bestfrienemy

    TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani

DMCA.com Protection Status