Halos hindi maalis ng mga bisita sa mismong event na iyon ang tingin nila sa akin. Halos lahat ng madadaanan namin ay ngumingiti sa aming dalawa ni Anton. I was trying to control my shyness. Hindi naman kasi ako noon mahilig sa mga tao. But then, I realized that being known is good when it comes to business.Mas maraming nakakakilala sa’yo, mas maraming magiging intresado sa’yo at sa kumpanyang pinatatakbo mo.“Pakiramdam ko ay ginagamit mo na naman ako ngayon.”Bumaling ako kay Anton at tipid na ngumiti.“Walang libre sa panahon ngayon, Anton. It’s a give and take process.”Tumango naman siya. Ganoon lang naman kasimple iyon. Pumayag akong maging partner niya at ang balik noon sa akin ay marami akong makikilalang tao na nakapaikot sa negosyo. Katulad nalang ng kaniyang boss na si Theo Ferdinandez. Ka-edad lang ito ni Papa. I’ve searched about him. Theo is Papa’s former batchmate in high school. Pareho silang lumaki ng Surigao. Parehong galing sa malaking pamilya. At magkalaban sa neg
“Akala ko ba ang sabi mo ay may lakad ka ngayong araw? Bakit nakahiga ka lang diyan?”Nanatili akong nakahiga sa sofa sa sala at nakatitig sa kisame. Weekend ngayon. Ito mismo ang araw na makikipagkita ako kay Lolo Raoul. Pero hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit magmula paggising ko ay wala na akong ganang kumilos.Magmula noong magkasagutan kami ni Jacob noong isang gabi, pakiramdam ko ay mayroong nakadagan sa puso ko na isang mabigat na bagay. Magmula rin ng gabing iyon ay hindi na kami pa nakapag-usap dalawa.I didn’t want to reach out. Ganoon din siya.“May problema ka ba?” tanong ni Kuya pagkaupo niya sa adjacent sofa.“Hindi ko alam, Kuya. Wala naman akong ginagawa pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.”“That’s what we called stress, Gab. Wag mong i-nurture iyan. Dahil kapag nagpatuloy iyan, it will lead you to depression.”Bumaling ako sa kaniya at matagal na tumitig. May sasabihin sana ako pero biglang nawala iyon sa isip ko.“May problema ka nga.”Ngumuso ak
Pagkababa ko ng sasakyan ni Lolo, hindi muna ako umalis doon. Hinintay ko hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ko ang sasakyan. I sighed heavily as I was walking inside the building. I knew it already. Sa susunod na magkikita kami it would be purely about business. Bago pa man ako makarating ng elevator ay nakita kong nakaupo sa isa sa mga bench sa lobby si Jacob. Nakayuko siya at halatang may hinihintay. Naglakad ako palapit sa kaniya. Nang mapansin niya ako ay mabilis siyang tumayo. “Bakit ka nandito?” Inihilamos muna niya ang kaniyang dalawang palad sa kaniyang mukha. “I was waiting for you.” Halata sa kaniyang hitsura na puyat siya nitong mga nakalipas na araw. Dahil hindi naman kami nagkakausap dalawa, hindi ko alam kung anong mga pinagkakaabalahan niya. “You looked so tired.” He looked sideways. Siguro ay para tingnan kung may mga tao sa palagid na nakakakita sa amin. Pero dahil malapit nang magdilim, konti nalang ang mga taong pumapasok at lumalabas ng building. “I am
“Gab, tumawag sa akin ang kuya mo. Hindi ka pa rin daw kumakain magmula kahapon?” nag-aalalang sabi ni Kathy.Magmula kahapon ay wala akong gana sa paggawa ng mga bagay. Nanatili lang ako sa aking silid at maghapong humiga sa kama. Kahit ang pagkain ay hindi ko magawa. Ang ginagawa ko lang ay maligo, uminom ng tubig at matulog.Malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyari noong isang araw. I can still remember what just happened. Inalok ako ni Jacob ng kasal. Pagkatapos noong tumanggi ako, nakipaghiwalay siya sa akin. I feel like what just happened is too shallow. Ang babaw ng dahilan niya para hiwalayan ako.At first, gusto kong tumawag sa kaniya. After two calls, I realized that wouldn’t answer. Alam kong pinaghandaan niya iyon. Habang ako, walang kaide-ideya sa gagawin niya. How could he do this to me?“Gab, kumain ka na please. Puro tubig nalang ang laman ng tiyan mo. Hindi makabubuti sa’yo iyan.”I really find it odd as well na hindi nagtatanong si Kathy tungkol sa kung anong nangyar
Akala ko, sa mga susunod na araw ay magiging maayos na ako. Hindi ko akalain na mas lalala lang pala ang mararamdaman ko. Sinubukan kong magtrabaho. Sinubukan kong alisin sa isip ko ang mga nangyari. But that break up was so awful. I can’t help but to think of it especially when I have free time. Nagawa kong pumasok ng dalawang araw sa trabaho. Pero ng mga sumunod na araw ay hindi ko na kinaya. For so many times, Kathy tried to reach out for me every single time pero ako lang ang lumalayo.“Hindi ka puwedeng ganiyan nalang palagi, Gab. You have to move on.”Mahina akong natawa nang marinig ang sinabi ni Kuya. I was wearing my shirt na pinatungan pa ng hoodie jacket at pajama bottom. Magmula nang maghiwalay kami ni Jacob, iyon lagi ang naging outfit ko sa condo ni Kuya. I totally forgot about how I look. Wala na akong pakialam kung pangit ang hitsura ko o mukhang hindi ako naliligo. There were times as well when I forget to comb my hair. Pagkatapos kong maligo, tinutuyo ko lang ang buh
Mabait ang mga kapatid ni Anton. Kahit may sakit si Anna ay talagang bumangon pa ito para lang makita ako at makausap. Kundi nga lang ako inawat ni Anton sa pakikipagkuwentuhan sa kaniyang kapatid ay siguro, hindi pa ako tumayo mula sa pagkakaupo sa dulong bahagi ng kama nito.“Dito na po ba kayo titira, Ate Gabriella?”Nagkatinginan muna kami ni Anton bago ako muling bumaling sa kaniyang kapatid para umiling.“Pansamantala lang akong dito muna. Pero malay natin diba, baka magustuhan ko rin dito. Kapag nangyari iyon, baka matagal-tagal tayong magkasama.”Matamis na ngumiti si Anna.“Talaga po?”I nodded at her and raised my right hand as a sign of promise.Nang makalabas kami ni Anton sa silid ng kaniyang kapatid. Muli siyang nagtungo sa kusina. Hinintay ko nalang siya sa living room. Pagbalik niya ay dinala niya na ako sa kaniyang silid.Kumpara sa mga kuwarto ng mga kapatid niya, mas malaki itong kaniyang kuwarto. Mas malaki ang espasyo dahil marami ring libro ang nasa loob nito. Ma
“Naku, paniguradong matutuwa sina Nana at Tatang kapag nakita ka ng mga iyon. Ikaw pa naman ang pinaka-paborito nila sa lahat ng mga kaibigan ko noong bata pa ako. Sigurado akong kapag nagtungo ka sa aming bahay ay baka hindi ka na pauwiin ng mga ito. Ang dami niyong iku-kuwento sa akin ha. Dapat bukas ay bumisita kayo sa bahay.”Mahinang tumawa si Anton at saka tumango sa sinabi ni Thea.“Yes, Ma’am. Pero baka bukas pa kami ng hapon pumunta sa inyo bukas. Marami pa kasi akong planong gawin kasama si Gabby,” saad naman ni Anton dahilan para mapatingin ako sa kaniya.Plano? Ano naman ang mga plano niyang gawin kasama ako?Nakita ko ang bahagyang paniningkit ng mga mata ni Thea.“Kung wala lang akong sariling pamilya, sigurado akong kahit saan kayo magpunta ay kasama ako. Kaso… ayun!”Tumalikod siya sandali at itinuro sa amin ang kaniyang asawa at ang anak nila na buhat-buhat nito. Ngumiti naman si Anton sa asawa nito at kumaway sa batang may hawak na feeding bottle.“Nauna ako sa inyon
“Kuya, hanggang kailan pa ba sina Mama at Papa sa kabilang bayan?” inaantok na tanong ni Arkin habang nagsasagot ito ng kaniyang module.Kanina pa ito humihikab dahil antok na. Ilang beses ko na ring sinabihan si Anton na patulugin na ito pero mahigpit siya masiyado. Puwede namang kami nalang ang gumawa ng assignment ng mga kapatid niya para hindi ito masyadong nahihirapan. Kaso, ayaw talaga nitong pumayag. Dapat daw, bata mismo ang gumagawa para matuto ito.“Sabi kanina sa akin ni Mama baka mag-extend pa sila ng isang araw sa kabilang bayan. Bakit? Nami-miss mo na ba si Mama?”Isang marahang tango lang ang sinagot ni Arkin.“Huwag kang mag-alala, nangako naman si Mama na bibili siya ng pasalubong,” saad ni Anna sa kaniyang nakababatang kapatid.Halos pasado alas nuebe na nila natapos ang kanilang assignments. Kanina pa rin ako napipikit. Ramdam ko ang antok at bigat ng katawan ko kaya naman tuluyan nang bumagsak ang ulo ko sa balikat ni Anton dahil nakahiga ako sa kaniyang tabi.Nagi