[Yesterday…]
The usual deafening silence is on, ganito naman palagi sa tuwing magkakasama kaming lahat.
Ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan na 'to ay parang unti unting inuubos ang aking hininga.
The awkwardness is literally killing me.
Ngayon ang graduation day ko at pauwi na kami sa bahay dahil tapos na ang ceremony.
Napatingin ako sa rear mirror nang napansin kong sumusulyap sa akin ang stepfather ko na si uncle Jorge. Mukhang may gusto siyang sabihin sa 'kin pero tila yata nakain na ang dila niya dahil hindi man lang siya makabigkas ng kahit isang salita.
Sigurado ako na hindi rin siya komportable dahil sa sobrang katahimikan. Inilipat niya ang kanyang mga tingin sa bandang ibaba at nagpasya na lang na buksan ang radyo.
Nakaupo din si mom sa harapan ng sasakyan at katabi ni uncle Jorge sa driver's seat. Mukhang hindi rin siya mapakali at naaabala siya sa isang bagay na hindi ko malaman kung ano. Kumurba ang kanyang mga kilay at bumusangot ang mukha ng magtama ang aming mga mata. Wala akong ideya kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa kanilang mga isipan. Pero, I’ll save it for later drama. Atsaka, paano kami makakag-usap sa loob ng kotse na 'to na pwede nang manalo ng best awkward car award.
Si Trina, ang matalik kong kaibigan, ay nakaupo rin sa pagitan namin ng step sister ko na si ate Eliz. Literal na naririnig ko ang mga mabibigat niyang paghinga ngayon, sumama lang siya sa akin kasi alam niya kung gaano ko kinasusuklaman ang makasama sila sa isang lugar.
Ang kanta sa radyo ay kahit papaano nakakabawas ng awkwardness.
Nagpasya na lang ako na sumilip sa labas ng bintana upang masulyapan ang lugar bago ako umalis bukas. Hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat ng pinaka malulungkot at pinaka masasayang sandali na naranasan ko sa lugar na ito.
Dumapo ang aking mga mata sa isang mahabang bench na kadalasang inuupuan ko tuwing gusto kong mapag-isa.
It's a dirty white and old bench that will give you soothing comfort, 'yung para bang, pinapaalala nito sa akin palagi na magiging maayos rin ang lahat.
Sana makahanap ako ng lugar sa Denmark na magbibigay din sa akin ng katulad ng kung paano ako patahanin, at damayan ng upuang iyon.
Siguradong mamimiss ko ang mahabang kalye na ito kung saan ilang taon na akong naglalakad mapa-gabi man o umaga. Talaga nga namang napakaganda ng mga halaman at bulaklak na nakadungaw sa labas ng bahay ng matandang babae. Bigla ko tuloy naisip kung kahit kailan ba nalaman niya na pumipitas ako ng isang bulaklak tuwing gabi na mapapadaan ako sa harap ng gate niya.
I giggled.
Umurong ako ng konti para makita ko rin ang kaliwang bahagi kung saan tanaw ko ang malaki at napakagandang bahay na may maliliwanag at kumikislap na mga ilaw tuwing gabi. Para itong isang malaking buwan na kayang bigyan ng liwanag ang buong kalsada.
May espesyal na halaga ang bahay na 'to sa puso ko, at siguradong maiiyak ako kung ipagigiba nila ang bahay na ito.
Ito ang bahay kung saan ako laging pumupuslit sa tuwing nararamdaman ko na nasasakal na ako sa bahay. Naaalala ko pa na 14 years old lang ako noon nang dumating si Eliz at ang ama niya sa buhay namin ni mom. 'Yun ang mga panahon na naisip kong sana ay nabiyayaan ako ng isang masaya at perpektong pamilya.
Kaya palagi akong tumatakbo sa bahay na iyon upang lang sumilip sa loob ng bahay nila at makita kung paano ang buhay ng isang tunay at masayang pamilya.
Ilang oras ang ginugugol ko doon habang pinapanood silang buong pamilya na kumakain sa isang hapagkainan at masayang nag uusap-usap. Mukha man akong baliw at kawawa na hindi naman kasali sa usapan nila o ni hindi man lang nila ako nakikita, pero pakiramdam ko ay isa ako sa kanila.
Masarap talagang panoorin ang buhay ng iba kapag alam mo na kahit kailan ay hindi ka magkakaroon ng katulad ng kung anong meron sila.
Hanggang ngayon ay nakikita ko parin sila sa isip ko na nagtatawanan at nanunuod ng palabas ng magkakasama. Para sakin, iyon ang imahe ng isang masayang pamilya na nais kong meron ako sa tuwing uuwi ako ng bahay. Maliwanag at puno ng mga ngiti.
Pero kabaligtaran ng lahat ng 'yon ang palaging sumasalubong sa akin.
Naramdaman ko ang kamay ni Trina na humawak sa aking braso kaya napalingon ako sa kanya, ang lungkot ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa malaking bahay na iyon.
Mas matanda sa akin si Trina ng pitong taon pero siya lang ang natatanging kaibigan ko dito sa New Jersey. Walang pamilya si Trina at lumaki siya sa isang bahay-ampunan, ngunit noong 12 years old na siya, nagpasya siyang umalis sa sa lugar na 'yon at buhayin ang sarili.
Naiintindihan ko na hindi gaanong disenteng babae kung titingnan si Trina. I guess this is why my parents don't like her, dahil para sa kanila, bad influence lang siya sa akin just because she wears short skirts and dresses.
Inaamin ko na minsan kailangan takpan ang bibig ni Trina dahil sa mga hindi magagandang salita na lumalabas rito. Pero alam ko na mabuti siyang tao, at higit sa lahat, nandiyan siya sa mga panahon na walang nariyan para sa akin.
“We're here,” sambit ni Jorge bago bumaba ng sasakyan.
Muli akong tumingin kay mom, at ang mga mata niya ay nakatingin rin ng diretso sa akin. Kailangan namin mag-usap, pero hindi sa ngayon. I'm starving and I need to fuel myself para makapag-empake ako ng mga gamit ko mamaya.
“Crystal, magpalit ka na muna habang inaayos namin ang mesa,” mom uttered.
“Sasama na rin ako.” Dumiretso si Trina sa kwarto ko matapos niyang padaanan ng daliri niya ang icing ng cake.
“Alam kong may cake kasi graduation mo. Mabuti nalang talaga pumunta ako rito!” masayang sambit ni Trina as she throws herself on the bed.
“Akala ko ba nandito ka dahil nag-aalala ka sa akin?”
Tumawa lang siya ng tumawa at literal na ikamamatay niya kapag nagpatuloy pa siya ng limang segundo.
Tinuro niya ang sarili. “A-Ako?”
Tinawanan ko na lang rin siya dahil alam kong inaasar niya lang ako.
Sinimulan ko nang magpalit ng damit na ibinigay sa akin ni Mom at ni uncle Jorge kaninang umaga bago kami magtungo sa University. I also decided na maglagay ng make-up ngayon dahil pakiramdam ko ay kailangan ko.
“Totoo na nandito ako dahil sigurado akong magkakaroon ka ng cake, lumalabas lang naman yun tuwing may special kayong ipagdiriwang. At alam mong hindi mo ako masisisi, wala namang bumibili sakin ng cake just like how your family do to you. Even Rafael never buy me a cake.” Saglit na tumigil si Trina bago siya nagpatuloy. “Pero nandito rin ako para sayo Crystal, alam ko na hindi mo gusto ang pakiramdam na kasama mo sila.”
Lilingon na sana ako upang tingnan si Trina pero ang tanging nakita ko na lang ay ang pagsara ng pintuan.
“Alam ko Trina...” Bulong ko.
Ito na ang huling hapunan ko sa mesang ito kasama sila mom, uncle Jorge, Eliz, at si Trina. Kaya mas mabuting kumilos ako nang tama at subukang huwag magsimula ng kahit na anumang gulo. Dahil kung hindi— masisira ang mood at excitement ko.
Nakaupo na kaming sa lahat sa lamesa kaharap ang mga pagkaing ihinanda nila para sa araw na 'to. Naka-pwesto si Eliz sa harapan ko kaya halos hindi na ako makakain dahil sa hindi ako komportable sa kanya.
Kahit pa ilang beses ko na siyang nakakasama at nakikita ay hindi ko magawang masanay sa kanya. Hindi rin naman kasi siya dito sa bahay lumaki dahil ayaw niya rin ang naging sitwasyon namin noon. Kaya naman ay umalis siya dito sa bahay when she turned 18 at lumipad papuntang France.
Pareho lang kaming nasu-suffocate sa kung ano man ang meron ang pamilyang 'to. Ang kinaibahan lang, siya may pera, ako wala.
Nilingon ko si Trina na nakaupo sa tabi ko, hindi siya nakakaramdam ng awkwardness at talagang kumakain lang ngayon na akala mo ay huling araw niya na rin dito sa New Jersey.
“Crystal…”
Hinawakan ni mom ang kamay ko bago niya inilipat ang mga tingin niya kay Jorge.
Inaasahan ko nang mangyayari 'to.
Binawi ko ang kamay ko mula kay mom at saka sila tinapunan ng tingin. “Kung ano man yan, pwede bang huwag niyo na lang sabihin sakin? Only because I don’t want to ruin my mood at maging masaya lang sa paglipad ko patungong Denmark.” ani ko bago ko itinuon na lang ang atensyon ko sa aking plato.
Ramdam kong' kung ano man ang gusto nilang sabihin sakin ngayon ay isang bagay na hindi ko magugustuhan.
Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtitinginan ni mom and uncle Jorge na 'kala mo ay nagdedebate kung sino ang magsasabi sa akin.
Kahit huling araw ko na dito, parang magkakaroon pa rin ako ng problema. At ang mas masama, baka madala ko pa sa Denmark.
Napabuntong-hininga na lang ako.
“Speaking of you going to Denmark, napagdesisyunan naman na uh…” sambit ni mom na sobrang ikinainis ko.
People should really stop doing this. Yung may sasabihin tapos bibitinin at hindi na itutuloy. Like seriously, nakaka-praning.
“That— why don't you go there with Eliz? Besides, she's also planning to have a vacation in Denmark, it will also be a perfect time for the both of you to spend time together.” Pilit ang ngiti sa mga labi ni Jorge.
I let out an awkward laugh. “Nagbibiro lang siya… diba?”
Hinintay kong sabihin nila na hindi totoo ang mga sinabi niya ngunit walang sinuman ang umimik.
“Mom?”
Umiwas siya ng tingin mula sa akin.
“This is all settled honey, both of you will go to Denmark,” sabi ni Jorge sa akin na diretsong nakatingin sa mga mata.
“Kanina lang tinatanong niyo ako, tapos ngayon settled na?”
Kung makapag-desisyon sila akala mo talaga sila ang nagbayad ng mga flight tickets namin.
Wala na akong magawa kundi ang magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Wala naman akong ibang choice kung hindi ang pumayag dahil baka hindi pa nila ako payagan na umalis kung sakali man na tanggihan ko ang nais nila.
Kagaya ng palagi na lang nangyayari.
Pero paano ako pupunta at mananatili duon kasama si Eliz? Ngayon nga ay halos hindi na ako makakain sa harap niya.
______
Pagkatapos kumain, nakita kong nasa kusina si mom at naghuhugas ng mga plato na ginamit namin.Humakbang ako upang lumapit sa kinatatayuan niya. “Hindi ako makapaniwala na hinayaan mong mangyari ang lahat ng ito, Mom.” Hindi siya lumingon sa akin kahit sigurado ako na narinig niya ako. “Alam mo naman na simula bata pa lang ako pangarap ko na ang makapunta ng Denmark. Tapos ngayon na may pagkakataon na 'kong makatapak man lang sa pangarap kong iyon, may mga plano ka na agad para simulang sirain ang lahat?!” Bahagyang napataas ang tono ng aking boses dahil sa bugso ng galit na naramdaman ko at nakalimutan na magulang ko pa rin siya.
Sobrang daming part-time job ang pinasok ko upang makapagtapos at makaipon ng pera para sa sandaling 'to.
Marami akong isinakripisyo, tapos ngayon ganito lang ang kapalit ng lahat ng 'yon.
“Crystal, tatlong araw lang. Bakit ba hindi mo mabigyan ng pagkakataon na mabuo ang pamilyang 'to?” diretso ang mga mata niya sa akin na umaasang mababago ng mga tingin niya ang isip ko.
Oo nga pala.
Tatlong araw lang. Yun ang alam nila.
“Hinding hindi na magkakaroon ng chance ang pamilyang 'to mom. Dahil sa simula pa lang naman, magulo na ang lahat. Kaya sana, wag na kayong umasa o maghangad ng mga imposibleng bagay.”
Wala silang kaalam-alam na ang inaasahan nilang tatlong araw na bakasyon ay wala nang balikan.
Hindi ko sinabi kay mom dahil alam kong hindi niya ako papayagang umalis.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila para pasamahin sakin si Eliz kahit na alam naman nilang hindi kami magandang kombinasyon para sa isa’t isa. Our relationship as step-sisters will never work out.
Anyway, bukas na ang pinakahihintay kong araw. Ang araw ng flight ko papuntang Denmark. My dream land. Kaya imbes na makipagtalo kay mom at mag-isip kung paano ko pakikisamahan ang step-sister ko. Mas mabuti pang simulan ko na ang pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin ko.
Everything that happened today will then be ignored because tomorrow will be my day.
Pagkukumbinsi kong kinausap ang sarili ko habang papasok ng kwarto na may malawak na mga ngiti sa labi at lumundag-lundag pa dahil sa tuwa.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iimpake ng tinawagan ako ni Trina dahil nasa labas daw siya. Baka may naiwan siyang gamit dito sa bahay dahil agad rin siyang nagmamadali na umalis kanina.
Marahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng makita ko si Trina na hawak ang isang malaking maleta.
“Sasama ako sayo sa Denmark.” mabilis niyang sambit bago ako umabante palapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
“Uh…” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Bakit biglaan naman yata?”
Alam kong matagal nang plano ni Trina na kumuha ng bahay at manirahan kasama ang kinakasama niyang si Rafael pagkatapos kong makalipad papuntang Denmark. Kaya bakit niya naman gugustuhing sumama?
“Alam mo Trina, kung tungkol 'to sa pagsama ni Eliz sakin. Okay lang talaga ako. Kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi mo na kailangan mag-alala sa 'kin, hmm?” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigan ng diretso sa kanyang mga mata upang ipaalam na magiging ayos lang ako.
Ngayon ko lang napansin na namumugto ang mga mata niya at para bang maiiyak na dahil sa mga naipong luha sa 'baba ng kanyang mga mata.
“Hindi mo na kailangan pang sumama samin para lang protektahan ako sa kanya. Alam kong marami kayong plano ni Rafael and you should be doing it by now. Okay lang ako, Trina.”
“Hiwalay na kami ni Rafael…”
Malungkot niya akong sinulyapan bago binuhat ang bagahe niya at mabilis na lumakad papasok ng kwarto ko habang iniwan akong nakatulala sa ere.
“Kailangan ba talagang mangyari ang lahat ng 'to bago ako umalis?”
“Crystal... Crystal, bumangon ka nga diyan!” Ginising ako ng matinis na boses kasabay ng paulit-ulit na pagyug-yog sa aking katawan. “Hmm…” ungos ko. “Marami pa tayong gagawin dito sa Denmark. Mamamasyal tayo at lilibutin ang lugar na 'to. Nandito tayo hindi para magkulong sa kuwartong 'to at matulog!” Sa tinis ng boses ni Trina ay nakaramdam ako ng kirot sa 'king tenga na kinainis ko. Pero, masiyado akong pagod para mag-react pa sa mga sigaw at reklamo niya. Wala akong lakas para magawang bumangon sa hinihigaan kong hindi kalambutang kama. Kung ano man ang nangyari kagabi ay talagang napagod ako— Kagabi? Napabalikwas ako sa katotohanan ng napagtanto ko ang sinabi ko, “Aray!” Nahulog ako sa kama. Idinilat ko ang aking mga mata dahil sa sakit ng ilong ko, pero wala akong makita at tila binalot ako ng kadiliman. Pumalakda pala sa sahig ang mukha ko. Sinapo ko ang aking noo nang
“Eliz.” Umikot ako para humarap kanya. Marahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi sa isang ngiti. “You look alluring in that white dress Crystal.” Muli akong umikot paharap sa salamin para padaanan ng aking tingin ang itsura kong suot ang magandang damit na 'to. Isa 'tong semi-embroidered white strapless dress na nagbibigay depinisyon sa makitid kong bewang. Humapit din ito sa bandang balakang ko na mas binigyang-diin ang hubog ito. The skirt of this dress flared out slightly, and a V-slit on the side showed a less embroidered underlayer. Medyo lumilitaw ang hiwa sa aking dib.dib kaya hinila ko ito pataas para maitago. Pero, kitang-kita pa rin at sa palagay ko wala na kong magagawa kung 'di ang hayaan na lang. It’s indeed stunning. Tinaas ko ang aking mga tingin at pinasadahan ng mga daliri ang buhok kong nakaladlad. Kinuha ko ito mula sa likuran at inilipat sa harap, inayos ko rin ng kaunti ang tuktok para bigyang volume.
Naiwan akong mag-isa sa isang malaki at eleganteng kuwarto. Dinala ako dito kanina ng dalawang lalaking kasama ko. Ang sabi nila may kailangan lang silang gawin, tapos ay babalikan rin ako kaagad.Paulit-ulit rin nila akong binalaan na huwag lalabas ng silid na 'to at maglakad-lakad sa labas.Kaya heto ako, mag-isa at tulala sa malawak na kwartong ito. Nakaupo sa isang pang-mayaman na kama, at halos hindi maabot ng mga paa ko ang sahig dahil sa taas nito.Ginalaw-galaw ko nalang ang mga paa ko at pinanood itong magbangga sa isa't isa. Ayokong gumalaw at mangialam sa kwartong 'to dahil baka makasira ako. Alam kong hindi kakayanin ng bulsa ko kahit na anong masira ko dito. Lahat ng gamit dito mamahalin, sigurado 'yon.Naagaw ang atensyon ko ng isang malaking pintuan na marahang bumukas. Napatayo ako ng biglang pumasok rito ang lalaki na walang ibang alam kung 'di ang bilinan at pagsabihan ako.Pagtalon ko mula sa mataas na kama ay medyo n
“I'm sorry, what are you talking about?” Bulalas ng lalaking tinawag na Frank kanina.“My marriage to Crystal is absolutely legal, which means ours isn't.” Ibinalik niya ang mga nakakapanindig balahibo niyang tingin sa babae. “And neither is my contract. Read the file print. As I said, unless we're married, my S.C gift to you is void. But because you didn't include anything like that in your deal, Spencers Co. and the 25% of the Villareal's Aircraft remain all mine…”Hindi makapagsalita ang babae sa labis na pagkagulat at ang tanging nagagawa lang niya ay ang makipagtitigan sa sahig na ani mo ay natalo sa laban.Matalim niyang pinadaanan ng tingin ang lalaking pinakasalan ko at ang matandang lalaking katabi nito.“How come you didn't tell me about your plans?”Kinabahan ako nang umalingawngaw ang galit na boses nung Frank.Pero parang hindi man lang naapektuhan nito ang lalaking pinakasa
Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil sa liwanag ng ilaw na sumisilaw sa mga mata ko.Oh well, kahit pa narinig ko ang sigaw kanina. Hinding hindi na ako ulit sasakay sa kotse kangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa loob, at kung ako ba ang pinapasakay.Natuto na 'ko sa mga pagkakamali ko.Ginamit ko ang braso kong panangga sa liwanag para maaninag ko kung sino ang bumaba ng sasakyan.“Crystal.”Naaninag ko ang maaliwalas na ngiti ng isang lalaking bumaba mula sa sasakyan.Para talaga siyang isang kabute na litaw ng litaw kahit saan.Siya yung lalaki na umupo sa harap ko kanina. Palagi nalang siyang sumusulpot kahit anong oras. Hindi ko alam kung nagtatago lang ba siya at lumalabas sa tamang oras. Pero sa lahat ng pagsulpot niya ngayon, ito ang pinaka nagustuhan ko.Hindi ko naman kasi talaga kayang lakarin ang mahabang kalsadang 'to ng mag-isa. At saka, nagsisimula na ring lumalim ang g
Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa rin ang nakita ko sa sasakyan kanina.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga ngisi sa labi ni Liam habang nakababa ang kamay niya sa- “Shoo.” umiling-iling na usal ko para matanggal sa isipan ang bakas ng nasaksihan ko kanina.Nalipat ang atensyon ko nang maramdaman ang init na nagmumula sa kamay kong kumakalat sa buo kong katawan. Mas idiniin ko pa ang aking kamay sa mainit na tsokolate dahil ang sarap sa pakiramdam na mainitan sa wakas ang mga katawan ko.Binalot ko ng kumot ang sarili ko dahil sa lamig na nanunuot sa buto ko.Mas maayos na ngayon ang pakiramdam ko kumpara kanina. Pero sana lang bukas hindi ako magkasakit.Nakakainis isipin na ang dahilan sa likod ng lahat ng 'to ay ang nakamamatay na damit na 'yun. — I mean, yes alam kong maganda at bagay nga sa 'kin, but it's no good to my health.Ang lalaking 'yon, alam niyang sobrang lamig dito pero pinadalhan
“Ganito mo ba talaga balak sayangin ang huling araw mo dito sa Denmark?”Dalawa kaming nakatayo ni Trina sa harap ng salamin dito sa loob ng hotel. Nasa akin ang mga mata niya pero alam kong hindi niya ako naririning at pabalik-balik lang ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.Napairap nalang ako dahil sa inis.Alam kong nangako ako sa sarili kong magsusuot ako ng mahabang damit ngayong araw. Pero tingnan mo naman ang suot ko ngayon. Isang napakaikli at pulang-pulang romper.Sa sobrang flowy ng laylayan ay papasok nanaman ang malamig na hangin sa loob ko nito. Siguradong ang kapalit ng lantad kong cleavage ay ubo at sipon. Mabuti na lang rin at nakalugay ngayon ang buhok ko.“Ayan perfect!” biglang nagsalita si Trina nang matapos siyang titigan ako. “Perfect pangtawag ng sakit.”Hindi niya ako pinansin at malawak lang ang mga ngising nakatingin sa akin. “You look hot
Ramdam ko na ang pag-ikot ng mga mata ko dahilan ng pagkahilo dahil sa lalaking ito na halos isang oras na yatang pabalik-balik sa harapan ko. Tila hindi siya mapakali. “You have to stay with me.” “A-ano?” Hindi ako makapaniwala sa narinig kong lumabas sa bibig niya. Huminto siya sa paglalakad at inilihis ang katawan niya para harapin ako. “I will pay you, of course.” “Heto na naman tayo…” Buntong hininga kong sabi. “Listen, blonde. I can't lose two weddings at once because people will suspect me and our wedding, okay? Just stay here for a couple of nights.” Ang galing talaga ng lalaking 'to magmakaawa kapag may kailangan, lahat ng bagay ginagawa niya gamit ang pera. “Alam mo Liam, may mga kasama ako sa hotel at hindi ko sila pwedeng basta na lang iwan doon.” Hindi ako sigurado kung babalik pa ng New Jersey si Trina dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko lang alam kay Eliz. “Then bri
"Okay, eto na ang bola mo anak." Agad akong tumayo pagkatapos kunin ang bola. Sa kabutihang palad, at sa murang edad, alam ng aking anak na babae ang aking kalagayan. Kaya hindi niya ako binitawan, lalo na kapag naglalakad ako. Alam niyang hindi ganoon kabuti ang accuracy ko dahil sa sakit ko kaya naman ay nakahanda siyang protektahan ako. “Bumalik na tayo.”“Thank you, mommy...” mahinang sabi ng anak ko kaya tumugon ako habang tinatapik ang ulo niya.Maglalakad na sana kami pabalik nang may nakita akong pamilyar na pigura, napabuka ang labi ko sa gulat. Halos manigas ang buong katawan ko na parang estatwa sa lamig ng pisngi ko. “Crystal…” Narinig ko ulit ang mga salitang iyon sa bibig niya, narinig ko na naman ang boses niya. Lumapit siya sa amin at naglakad papalapit sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit medyo napaatras ako. Nakita ko sa gilid ng mat
“Tara na.” "Sigurado ka bang aalis ka sa Denmark?" “Oo. Parang panaginip lang nang makarating ako dito. I was once so happy at hinding-hindi ko pagsisisihan ang pagpunta ko sa lugar na ito. I will forever treasure the feelings I had here in Denmark. Marami akong natutunan, at ngayon ay handa na akong bumitaw at tanggapin ang pananampalatayang mayroon ako.” _______________________ 6 na taon na ang lumipas... "Mommy, kailan ko po makikita si daddy?" "Darating siya at hahanapin ka pagdating ng tamang panahon, Crystal." “Kanina ko pa tinitingnan itong litratong kuha mo sa South Korea. Mukhang masaya ka sa tatay ko. Pero, wala siya sa amin ngayon. Sana mahanap niya kami agad. Hindi na ako makapaghintay na makita siya.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang marinig
"Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka
"Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka
Parang nanlambot ang katawan ni Blade sa awa. Habang pinupunasan ang walang humpay nitong luha. "Tay, balik na tayo," matipid na wika ni Blade kay Mr. Dawson. Hindi kumibo ang ama ni Crystal at agad na pinaandar ang sasakyan. Ang kamay niyang nakahawak sa manibela ay halos mabali ito. Hindi nagsasalita si Mr. Dawson ngunit bakas ang galit nito sa kanyang mga mata. Pagkatapos punasan ni Blade ng mga itlog at kamatis ang natitirang bahagi ng katawan ni Crystal, binalot niyang muli ang isang balabal sa ulo nito at saka hinayaan lang siyang umiyak para maipahayag din niya ang kanyang iniisip. Pagdating nila sa bahay ng mga Dawson ay tila wala ng buhay si Crystal at kitang-kita sa kanyang mga mata ang emosyon. Matipid ang kilos at hakbang niya kaya binuhat na lang siya ni Blade papunta sa kwarto niya dahil n
“Salamat sa pagpunta at pagbibigay sa amin ng oras. Ginanap ang kumperensyang ito dahil sa mga balita kamakailan na nagpasindak sa lahat. Si Spencer ay magkakaroon ng isa pang kahalili ng pamilya. Si Crystal, ang asawa ng aking anak, ay nagdala sa amin ng isang pagpapala na ibibigay namin ang aming oras upang turuan at mahalin. Magandang balita ito para sa amin, at umaasa kaming lahat ay magdiwang kasama ang pamilya ni Spencer. ” masayang utos nito habang nakatingin sa mga camera. Sandaling palakpakan ang bumalot sa silid. "Maaari ka nang magsimulang magtanong." Agad namang nagtaas ng kamay ang isang reporter. "Kailan mo nalaman na buntis si Mrs. Crystal Spencer at ilang buwan na niyang dinadala ang bata?" Nilingon ng ina ni Liam si Crystal dahil umaasa siyang sasagutin nito ang tanong. Pero, nakapikit lang ang mga labi ni Crystal at para siyang natulala sa kawalan. Kaya naman, ibinalik na lang ng nanay ni Liam an
Agad kong inilipat ang tingin ko kay Liam at ngayon ay nakatitig lang siya sa sahig. Nanginginig ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ba't sinabi ko na ayaw kong ipaalam sa publiko ang tungkol sa akin at sa aking anak? Ngunit ano ito? Ano pang conference ang pinag-uusapan nila? “Hindi po ma’am. Ikinalulungkot kong biguin ka, ngunit hindi ako nagpapahintulot ng anumang publisidad para sa ating anak. Ang kumperensyang ito ay hindi dapat idaos dahil hindi ko hahayaan ang aking anak na maging kahalili para sa iyong matagal nang pinag-iingat na kumpanya na kasama-pinagmamalaki. Hindi ko gusto ang kanilang madilim na buhay sa likod ng napakatalino na bagay. At mas ayaw kong maranasan ito ng anak ko. "Dapat sinabi mo sa akin ng mas maaga. Alam na ng publiko. ” Nagkibit-balikat ito sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili kong titigan s
"A-Ano..?" Para akong nabingi sa sinabi ni Blade. “Rally? Anong ibig mong sabihin? ” "Tingnan mo ang lugar na iyon." Sinundan ko kung saan nakatitig ang mga mata ni Blade at may nakita akong mga taong may dalang mga karatula at poster. "Anong nangyayari?" Natatakot akong magtanong. "Bakit nangyayari ito sa mga Spencer?" Malalaman mo rin kapag nakapasok na tayo. Sa ngayon, mas mabuting makinig ka na lang muna sa akin at isuot mo. Hindi na ako umangal at agad na ibinalot sa katawan ko ang cloak na binigay ni Blade at nilagyan ng cap sa ulo ko. Sa gilid ng mata ko, nakita kong lumabas si Blade at hinintay ko siyang lumingon sa upuan ko. Pagbukas niya ng pinto ay halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Halos hindi ko na maintindihan ang sinisi
Natigilan ako sa sinabi ni Blade. Tama siya. Hindi ako pwedeng puntahan ng personal ni Mrs Spencer lalo na at baka makilala ko pa ng ibang tao ang tunay kong katayuan. Kilala nila ako noon bilang Crystal Harrison at sapat na sa akin ang pangalang iyon. Nasa kanila na kung tatanggapin nila ako o hindi. “Pero, ano ang dahilan kung bakit nila ako tinatawag? Tungkol ba ito sa magiging anak namin ni Liam? ” tanong ko ulit at medyo kinabahan din ako. “Oo, I suggest na magbihis ka ng maayos at ayusin mo ang sarili mo bago kita dalhin doon. Kumain ka muna. ” Napataas ang kilay ko dahil sa inasta ni Blade. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin. Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya at nagsimulang kumain. Hindi naman siguro siya nagmamadali? Napatingin ako kay tatay na ngayon ay nakatitig lang sa akin at parang naaawa siya