“Eliz.” Umikot ako para humarap kanya.
Marahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi sa isang ngiti.
“You look alluring in that white dress Crystal.”
Muli akong umikot paharap sa salamin para padaanan ng aking tingin ang itsura kong suot ang magandang damit na 'to.
Isa 'tong semi-embroidered white strapless dress na nagbibigay depinisyon sa makitid kong bewang. Humapit din ito sa bandang balakang ko na mas binigyang-diin ang hubog ito. The skirt of this dress flared out slightly, and a V-slit on the side showed a less embroidered underlayer. Medyo lumilitaw ang hiwa sa aking dib.dib kaya hinila ko ito pataas para maitago. Pero, kitang-kita pa rin at sa palagay ko wala na kong magagawa kung 'di ang hayaan na lang.
It’s indeed stunning.
Tinaas ko ang aking mga tingin at pinasadahan ng mga daliri ang buhok kong nakaladlad. Kinuha ko ito mula sa likuran at inilipat sa harap, inayos ko rin ng kaunti ang tuktok para bigyang volume.
Hindi ko pa man ito masyadong naaayos, natural na wavy ang blonde at mahaba kong buhok na umaakma sa damit na 'to.
Lumapit ng kaunti si Eliz sa salamin para tingnan ako ng maigi. “Napaka-ganda mo.” litanya habang unti-unting umawang ang bibig.
Walang umimik sa aming dalawa, kaya naman binalot ng katahimikan ang buong silid. Simula nang maging magkakilala kami ay hindi pa kami nagiging malapit sa isa't isa.
Hindi naman kami magkaaway ni Eliz dahil lang sa siya ang kapatid ko sa labas. Sadyang, hindi lang kami bagay na magkasama dahil nauunahan kami ng hiya at hindi pagiging komportable sa isa't isa.
Napalingon kami sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Trina.
“Bilisan mo magbihis ka, sasama ako sayo.”
Halata sa mukha ni Eliz na naguguluhan siya sa nangyayari, pero wala akong oras para magpaliwanag sa ngayon.
Tatakbo na sana ako papuntang shower nang biglang tumunog muli ang phone ko.
Kinuha ko ito mula sa pinaghagisan ko kanina. Binuksan ko ang phone ko para tingnan kung sino ang nag-text sa 'kin.
Unknown number:
[You can't bring anyone to the wedding.]Galing ito sa unknown number pero base sa mga salitang ginamit, walang duda kung sino 'to.
Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto para tingnan kung nandito lang ba siya sa malapit. Sinilip ko rin ang bawat sulok pero wala siya, kaya yumuko ako at ibinaling muli ang atensyon ko sa phone.
[Paano mo nalaman na may dadalhin akong kaibigan?]
Hindi ko na hinintay yung reply niya pagkatapos kong mag-iwan ng mensahe.
“Sabi niya 'wag daw akong magdala ng kahit na sino ” Inabot ko kay Trina ang phone ko para ipakita sa kanya ang text message bago ako dumiretso sa shower room para simulan ang pag-aayos ng sarili ko.
Sinundan lang nila ako ng mga naguguluhan nilang tingin, pero 'ni isa ay walang umimik.
***
Habang pababa ako ng hagdan palabas ng hotel, natanaw ko ang isang maganda at halatang mamahalin na kulay puting limousine.
Sa sobrang puti ay halos kumikinang na yung sasakyan. Parang mas malinis pa ang kotse na 'yun kaysa sa buong pagkatao ko.
Sa gilid ng pintuan nito ay may isang lalaking tuwid na tuwid ang tayo at tila may hinihintay na susunduin.
Hindi kaya ako ang hinihintay niya?
Ang sabi ng lalaking pinakasalan ko may susundo daw sa 'kin para dalhin ako sa kasal niya. Wala namang ibang sasakyan dito, kaya baka ayun ang tinutukoy niya?
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa
limousine na nakaparada dahil masyadong maiksi ang damit na 'to kumpara sa inaasahan ko. Pakiramdam ko mahuhulog ito kahit hindi naman, wala kasing strap na kumakapit sa balikat ko. Pati na ang hiwa ng dib.dib ko na lumilitaw ay hindi ako komportable.Baka mamaya masilipan ako kaya mas mabuti na ang mag-ingat.
Pagkadating ko sa harap ng sasakyan ay agad na yumuko ang lalaki at pinagbuksan ako ng pinto.
“Salamat ho...”
Tila ba luluwa na ang mga mata ko sa sobrang pagkamangha at ang magkabilang gilid ng mga labi ko ay hindi mapigilan na umakyat sa 'king tainga nang makapasok ako sa loob. Para akong nasa loob ng panaginip dahil sa ganda nitong sasakyan.
Maganda na sa labas ang limousine na 'to, hindi ko inaasahan na may mas igaganda pa ito. Napupuno ng gold ang bawat kagamitan pati na ang mga kubyertos. Ang amoy sa loob ng sasakyan ay tila ba pumapasok sa akin ang bango nito at humahalo sa kaluluwa ko.
“Woah…”
Hindi ko mapigilan ang mamangha. Mas inilibot ko pa ang paningin ko, maraming beer and wines ang gilid. Nasa harapan ko rin ang isang golden table na napupuno ng pagkain.
Daig ko pa ang prinsesa. Ganito pala ang buhay sa taas.
Habang humahanga ako sa ganda nitong limousine, napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang mga titig sa akin ng driver mula sa rear mirror. Kaya naman, tumitig rin ako sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang magtama ang aming mga mata.
“Uh... Miss? Ikaw ba ang bride?”
Bigla akong natigilan sa tanong niya.
Wala akong ibang maisip na sasabihin, binilinan ako ng lalaking pinakasalan ko na huwag makipag-usap sa kahit kanino. Kung sasabihin ko sa kanya na hindi ako ang bride, baka masira ko ang planong paulit-ulit niyang pinapasok sa utak ko at ipinaiintindi sa akin kagabi.
“I-I guess..?” I let out an awkward smile at inayos ang pagkakaupo ko para magmukhang kapani-paniwala.
Biglang bumukas ang pinto sa kaliwa ko at halos mapatalon ako sa gulat. Nakita ko sa labas ang jsang babaeng nakasuot ng malaking wedding gown.
Nalaglag ang panga ko at unti-unting nagsink-in sa akin kung ano itong ginawa ko.
“Sino ka!?”
Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan na meron ako ngayon.
Gusto kong tumakbo at magtago.
“P-Pasensya na!” Mahina kong tinulak yung babae para makadaan ako.
Lakad-takbo akong lumayo sa limousine na 'yun at halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil nakapako lang ang tingin ko sa lupa.
Ang tanga-tanga mo Crystal.
Inalalayan ko ang damit ko dahil pakiramdam ko talaga ay mahuhulog ito. Natatakot rin ako na baka bigla na lang lumantad ang boobs ko at ibunyag ang mga sarili nila. Maraming tao dito, pag nangyari pa yun hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Hiyang-hiya na ako.
“Aww!”
Sinapo ko ang noo ko nang mabangga ako sa isang matigas na bagay.
Sa lahat ng pwedeng mangyari, ngayon pa ako nauntog sa pader.
Ikaw na talaga Crystal, ikaw na.
Inangat ko ang mga tingin ko para tingnan kung saan ako bumangga. Pagtingala ko, para akong nakakita ng anghel dahil sa gwapong lalaki na nasa harapan ko ngayon.
What the...
Nabangga ba ako sa dib.dib niya?
Ang akala ko pader dahil sa tigas ng binanggaan ko. At literal na nakakaramdam ako ng kaunting kirot sa bandang noo ko.
Hindi ko na ininda ang sakit at pinagmasdan ko na lang ang mukha niya.
Napaka perfect. Malalim at magagandang mata? Check! Maitim at mahahabang pilik mata? Check! Makapal na kilay? Check! Matangos na ilong? Check! Mamula-mulang labi? Check! Nag-iigting na mga panga? Check na check!
Hindi siya kaputian at medyo moreno pero magandang tingnan ang pantay niyang kulay. Mas bumagay pa ang mala-tsokolate niyang buhok.
Naramdaman ko ang paggalaw ng labi ko na unti-unti ko palang nakagat.
Damn, napakagwapong lalaki nito.
God, ito na ba?.
Pero sandali, may girlfriend na ba siya?
“Ayos ka lang ba, miss?”
Tila hinila ako pabalik sa reyalidad nang magsalita siya. Kahit ang boses niya, ang perfect.
“O-Okay lang ako…” Sinubukan kong ngumiti sa kanya, sana hindi niya nasaksihan yung mga nakakahiyang pangyayari.
Ayokong mabawasan ang score ko kay Mr. Perfect dahil baka siya na si 'the one'.
Napangiti ako ng malapad dahil sa mga naiisip ko.
“Did you just get out of that white limo?”
Nanlambot ang mga tuhod ko at unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi.
“Nakita mo?”
Nag-alinlangan siyang tumango.
Binaon ko ang mukha ko sa aking mga kamay at nagtago sa sobrang kahihiyan.
Hay nako, Crystal.
Sobra na ang mga kahihiyan ko ngayong araw, dapat siguro umuwi na 'ko.
“Hey… That's alright. I won't tell anyone.”
Naramdaman ko ang kamay niyang dahan-dahan na inalis ang pagkakatakip ko sa mukha.
Ang lambing ng boses niya, kahit marinig lang ang boses niya ay parang nakakapanatag ng loob. Umakto pa siyang isinara na parang zipper ang kanyang mga labi.
Lord, in love na ata ako.
“Tara na, I'm supposed to pick you up but I was surprised when you suddenly went straight to that limo.”
Oh gosh, mas nakakahiya kapag naaalala ko pa.
Alam kong ang sarap sa tenga ng boses niya, pero sana tumigil na siya sa pagsasalita. Nadadagdagan lang ang kahihiyan ko kapag naririnig ko lahat.
Natanaw ko ang kumikintab na kotseng nakaparada sa gilid ng hotel.
“That's our car, not that.”
Itinuro niya ang itim na sasakyan bago itinuro ang puting limousine.
Pinagsisihan ko ang paglingon sa kotseng sinakyan ko kanina. Dahil nakita ko yung bride kanina na ngayon ay nagpapa-picture na sa harap ng sasakyan na 'yun. Ang puting limousine na sasakyan ay para sa bride na ikakasal, bakit hindi man lang sumagi sa isip ko.
Sobrang namangha ako sa kotseng 'yon, na para bang katulad sa mga movies na biglang yumaman ang bidang babae. Nasobrahan na yata ako sa panunuod ng mga palabas.
Sobrang nakakahiya, ang masama pa ay nakita ni 'the man of my dreams' ang lahat, 1080 HD.
“Come on, alis na tayo.”
Nakayuko lang ako habang nakasunod sa kanya.
Pinauna niya ako sa harapan ng sasakyan bago siya umikot sa kabila para sumakay.
“So... Crystal Harrison, right?”
Kaunti lang akong tumango at hindi umimik dahil nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa kanya.
Akala ko perfect na siya para sa 'kin. Sinusumpa ko talaga ang white limousine na yun sa pagkasira ng 'almost love life' ko.
“I still can't imagine how he managed to convince a girl like you.” Bigla niyang sambit kaya napalingon ako sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?”
"He never speaks to anyone. Except sa girlfriend niya na si Maddison, or someone he's close with.” aniya habang hindi inaalis ang mga mata sa daan.
“Hindi ko maintindihan ang sinabi mo. Kasi nung unang beses kaming nagkausap, hindi mo aakalain na ganun siya karami magsalita.” literal na masalita ang lalaking 'yun, lalo na kapag may iuutos siya.
“Hmm… well maybe he's treating it as pure business, walang personalan.” Sinulyalan niya ako sabay nagkibit-balikat.
“A-Anong… b-business?”
Mahina lang siyang natawa at hindi na muling umimik.
Duda talaga ako sa kung anong business ang meron sila.
Anong gagawin namin sa kasal na 'yon?
Don't tell me may balak siyang mag-distribute ng droga doon?
Kaya ba sinabi niya sa 'kin na 'wag akong magdadala ng mga kaibigan at 'wag ma-late dahil marami siyang ibibilin sa akin?
“What are you thinking?”
Napansin kong nakarating na kami sa isang malaking mansyon, na napapalibutan ng magaganda at makikintab na mga sasakyang nakaparada sa labas.
“Hindi naman tayo magbebenta ng ilegal na droga dito 'di ba?” kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Ngumisi lang siya bago bumaba ng sasakyan.
Mas lalo lang tuloy akong kinabahan dahil hindi man lang niya ako sinagot.
Bubuksan na sana niya ang pinto para makalabas na rin ako pero buti na lang at napigilan ko siya agad.
Hindi ako lalabas ng sasakyan na 'to kahit na anong mangyari. Ayokong magbenta ng ilegal na droga. Never!
“What’s the matter?” Tanong niya mula sa labas habang sinusubukang buksan ang sasakyan.
“No... no…” umiling iling ako habang mas hinigpitan ang kapit ko sa lock ng sasakyan.
Napansin ko ang pagdating ng lalaking pinakasalan ko kagabi.
“Spencer, she's inside. But she doesn't want to come out.”
“Why? What happened?”
“I don't know, she was fine until we-”
“Step aside, I'll handle her.”
Sa sobrang lamig ng boses niya, parang gusto ko na lang tumalon palabas nitong kotse dahil sa takot.
Humakbang siya papalapit sa pinto at saka ay kinatok ang bintana.
“Get out of there.” nang marinig ko ng malapitan ang boses niya ay nag tayuan ang mga balahibo ko. Hindi naman siya ganito kagabi. “If you didn't come out in 5 seconds, you will never get the price we agreed.”
“A- Ano!? Hindi pwede!” Agad kong binuksan ang pinto ng kotse at tumalon palabas dahil sa narinig ko. Hindi pwede yun. Marami na akong nagawang kamalian, hindi ako uuwi ng walang mapapala
“Good.” Aalis na sana siya kaya agad ko siyang pinigilan.
“No no no no wait lang-” Hinila ko ang laylayan ng eleganteng suit niya. “Magbebenta ba talaga tayo ng drugs dito?”
“Why do you always mention drugs?” Mataman niya akong tinitigan ng may nangungunot na mga kilay.
“Kasi! Ganun ang mga nakikita ko sa palabas. Atsaka, ang sabi niya may business tayong gagawin dito.” tinuro ko yung gwapong lalaki habang hindi ko parin inaalis ang hawak ko sa kanya.
“Don't mind whatever he says. Now, come along.” Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad ulit.
Isang makabuluhang ngiti ang ibinigay sa akin ng gwapong lalaki na siyang ikinagulat ko. Okay, that's it, future husband, diyan ka lang muna. Antayin mo ako. Magtatrabaho lang muna ako, though, hindi ko pa rin alam kung anong klase ng trabaho 'to.
Habang nakatitig ako sa kanya ay biglang umabante ang mukha niya papalapit sa akin kaya napaatras ako sa gulat. Nang may ibulong siya sa akin, para bang may kakaiba akong naramdaman at tila ba nagwawala ako puso ko..
“Sundin mo lang lahat ng sasabihin niya and you'll be fine.”
Naiwan akong mag-isa sa isang malaki at eleganteng kuwarto. Dinala ako dito kanina ng dalawang lalaking kasama ko. Ang sabi nila may kailangan lang silang gawin, tapos ay babalikan rin ako kaagad.Paulit-ulit rin nila akong binalaan na huwag lalabas ng silid na 'to at maglakad-lakad sa labas.Kaya heto ako, mag-isa at tulala sa malawak na kwartong ito. Nakaupo sa isang pang-mayaman na kama, at halos hindi maabot ng mga paa ko ang sahig dahil sa taas nito.Ginalaw-galaw ko nalang ang mga paa ko at pinanood itong magbangga sa isa't isa. Ayokong gumalaw at mangialam sa kwartong 'to dahil baka makasira ako. Alam kong hindi kakayanin ng bulsa ko kahit na anong masira ko dito. Lahat ng gamit dito mamahalin, sigurado 'yon.Naagaw ang atensyon ko ng isang malaking pintuan na marahang bumukas. Napatayo ako ng biglang pumasok rito ang lalaki na walang ibang alam kung 'di ang bilinan at pagsabihan ako.Pagtalon ko mula sa mataas na kama ay medyo n
“I'm sorry, what are you talking about?” Bulalas ng lalaking tinawag na Frank kanina.“My marriage to Crystal is absolutely legal, which means ours isn't.” Ibinalik niya ang mga nakakapanindig balahibo niyang tingin sa babae. “And neither is my contract. Read the file print. As I said, unless we're married, my S.C gift to you is void. But because you didn't include anything like that in your deal, Spencers Co. and the 25% of the Villareal's Aircraft remain all mine…”Hindi makapagsalita ang babae sa labis na pagkagulat at ang tanging nagagawa lang niya ay ang makipagtitigan sa sahig na ani mo ay natalo sa laban.Matalim niyang pinadaanan ng tingin ang lalaking pinakasalan ko at ang matandang lalaking katabi nito.“How come you didn't tell me about your plans?”Kinabahan ako nang umalingawngaw ang galit na boses nung Frank.Pero parang hindi man lang naapektuhan nito ang lalaking pinakasa
Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil sa liwanag ng ilaw na sumisilaw sa mga mata ko.Oh well, kahit pa narinig ko ang sigaw kanina. Hinding hindi na ako ulit sasakay sa kotse kangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa loob, at kung ako ba ang pinapasakay.Natuto na 'ko sa mga pagkakamali ko.Ginamit ko ang braso kong panangga sa liwanag para maaninag ko kung sino ang bumaba ng sasakyan.“Crystal.”Naaninag ko ang maaliwalas na ngiti ng isang lalaking bumaba mula sa sasakyan.Para talaga siyang isang kabute na litaw ng litaw kahit saan.Siya yung lalaki na umupo sa harap ko kanina. Palagi nalang siyang sumusulpot kahit anong oras. Hindi ko alam kung nagtatago lang ba siya at lumalabas sa tamang oras. Pero sa lahat ng pagsulpot niya ngayon, ito ang pinaka nagustuhan ko.Hindi ko naman kasi talaga kayang lakarin ang mahabang kalsadang 'to ng mag-isa. At saka, nagsisimula na ring lumalim ang g
Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa rin ang nakita ko sa sasakyan kanina.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga ngisi sa labi ni Liam habang nakababa ang kamay niya sa- “Shoo.” umiling-iling na usal ko para matanggal sa isipan ang bakas ng nasaksihan ko kanina.Nalipat ang atensyon ko nang maramdaman ang init na nagmumula sa kamay kong kumakalat sa buo kong katawan. Mas idiniin ko pa ang aking kamay sa mainit na tsokolate dahil ang sarap sa pakiramdam na mainitan sa wakas ang mga katawan ko.Binalot ko ng kumot ang sarili ko dahil sa lamig na nanunuot sa buto ko.Mas maayos na ngayon ang pakiramdam ko kumpara kanina. Pero sana lang bukas hindi ako magkasakit.Nakakainis isipin na ang dahilan sa likod ng lahat ng 'to ay ang nakamamatay na damit na 'yun. — I mean, yes alam kong maganda at bagay nga sa 'kin, but it's no good to my health.Ang lalaking 'yon, alam niyang sobrang lamig dito pero pinadalhan
“Ganito mo ba talaga balak sayangin ang huling araw mo dito sa Denmark?”Dalawa kaming nakatayo ni Trina sa harap ng salamin dito sa loob ng hotel. Nasa akin ang mga mata niya pero alam kong hindi niya ako naririning at pabalik-balik lang ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.Napairap nalang ako dahil sa inis.Alam kong nangako ako sa sarili kong magsusuot ako ng mahabang damit ngayong araw. Pero tingnan mo naman ang suot ko ngayon. Isang napakaikli at pulang-pulang romper.Sa sobrang flowy ng laylayan ay papasok nanaman ang malamig na hangin sa loob ko nito. Siguradong ang kapalit ng lantad kong cleavage ay ubo at sipon. Mabuti na lang rin at nakalugay ngayon ang buhok ko.“Ayan perfect!” biglang nagsalita si Trina nang matapos siyang titigan ako. “Perfect pangtawag ng sakit.”Hindi niya ako pinansin at malawak lang ang mga ngising nakatingin sa akin. “You look hot
Ramdam ko na ang pag-ikot ng mga mata ko dahilan ng pagkahilo dahil sa lalaking ito na halos isang oras na yatang pabalik-balik sa harapan ko. Tila hindi siya mapakali. “You have to stay with me.” “A-ano?” Hindi ako makapaniwala sa narinig kong lumabas sa bibig niya. Huminto siya sa paglalakad at inilihis ang katawan niya para harapin ako. “I will pay you, of course.” “Heto na naman tayo…” Buntong hininga kong sabi. “Listen, blonde. I can't lose two weddings at once because people will suspect me and our wedding, okay? Just stay here for a couple of nights.” Ang galing talaga ng lalaking 'to magmakaawa kapag may kailangan, lahat ng bagay ginagawa niya gamit ang pera. “Alam mo Liam, may mga kasama ako sa hotel at hindi ko sila pwedeng basta na lang iwan doon.” Hindi ako sigurado kung babalik pa ng New Jersey si Trina dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko lang alam kay Eliz. “Then bri
Tumigil saglit sa paglalakad ang butler na kasama namin at tila hinihintay si Maddison.Napahinto din kami dahil hindi namin alam ang daan papunta sa kwartong tutuluyan namin.Nang sa wakas ay nakalapit na siya sa kinatatayuan namin ay binigyan niya ng halik. ang butler sa pisngi nito.Dahil sa ginawa niya ay nakumpirma kong anak nga siya ng butler na 'to.Hindi naman kataka-taka dahil may pagkakahawug ang dala nilang awra at presensya.“Are you with Liam?” Iba ang tono ng pananalita niya kumpara sa noong kinausap niya kami. Mas mahinahon ang boses nito.“Yes dad, pero mamaya pa siya makakabalik kasi may kailangan pa siyang tapusin sa office.”“I see... umakyat ka muna sa kwarto mo. Kailangan ko muna silang ihatid sa tutuluyan nilang silid. Mamaya tayo mag-usap.”Doon lang yata niya napansin na may iba pa palang nariririto bukod sa kanilang dalawa. Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin mu
“What are you trying to do and why do you have to run?”Pilit kong hindi hinaharap si Liam dahil sa kahihiyan. Yumuko ako at inilayo ang mukha ko para hindi magtama ang mga mata namin.Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglipat ng tingin niya sa cake na hindi ko sinasadyang nalaglag at ngayon ay nasa sahig na.Umakyat ang dugo ko sa ulo, and swear, nai-imagine ko ang pamumutla ng mga labi ko kahit hindi ko naman nakikita.“I-I'm sorry…” mariin kong kinagat ang ibaba ng labi ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa paa, kasabay ng kahihiyan.Umangat ang kamay niya patungo sa aking mukha, at nang marahan itong dumampi sa balat ko ay nakaramdam ako ng kaunting kiliti na nagmumula sa mga daliri niya. Pilit niyang pinagtatama ang aming mga mata, na patuloy ko pa ring iniiwasan.Mabuti na lang at bahagyang natatakpan ng buhok ko ang aking mukha habang ang mga mata ko ay nakapako sa sahig, pinipilit pa rin na hind
"Okay, eto na ang bola mo anak." Agad akong tumayo pagkatapos kunin ang bola. Sa kabutihang palad, at sa murang edad, alam ng aking anak na babae ang aking kalagayan. Kaya hindi niya ako binitawan, lalo na kapag naglalakad ako. Alam niyang hindi ganoon kabuti ang accuracy ko dahil sa sakit ko kaya naman ay nakahanda siyang protektahan ako. “Bumalik na tayo.”“Thank you, mommy...” mahinang sabi ng anak ko kaya tumugon ako habang tinatapik ang ulo niya.Maglalakad na sana kami pabalik nang may nakita akong pamilyar na pigura, napabuka ang labi ko sa gulat. Halos manigas ang buong katawan ko na parang estatwa sa lamig ng pisngi ko. “Crystal…” Narinig ko ulit ang mga salitang iyon sa bibig niya, narinig ko na naman ang boses niya. Lumapit siya sa amin at naglakad papalapit sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit medyo napaatras ako. Nakita ko sa gilid ng mat
“Tara na.” "Sigurado ka bang aalis ka sa Denmark?" “Oo. Parang panaginip lang nang makarating ako dito. I was once so happy at hinding-hindi ko pagsisisihan ang pagpunta ko sa lugar na ito. I will forever treasure the feelings I had here in Denmark. Marami akong natutunan, at ngayon ay handa na akong bumitaw at tanggapin ang pananampalatayang mayroon ako.” _______________________ 6 na taon na ang lumipas... "Mommy, kailan ko po makikita si daddy?" "Darating siya at hahanapin ka pagdating ng tamang panahon, Crystal." “Kanina ko pa tinitingnan itong litratong kuha mo sa South Korea. Mukhang masaya ka sa tatay ko. Pero, wala siya sa amin ngayon. Sana mahanap niya kami agad. Hindi na ako makapaghintay na makita siya.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang marinig
"Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka
"Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka
Parang nanlambot ang katawan ni Blade sa awa. Habang pinupunasan ang walang humpay nitong luha. "Tay, balik na tayo," matipid na wika ni Blade kay Mr. Dawson. Hindi kumibo ang ama ni Crystal at agad na pinaandar ang sasakyan. Ang kamay niyang nakahawak sa manibela ay halos mabali ito. Hindi nagsasalita si Mr. Dawson ngunit bakas ang galit nito sa kanyang mga mata. Pagkatapos punasan ni Blade ng mga itlog at kamatis ang natitirang bahagi ng katawan ni Crystal, binalot niyang muli ang isang balabal sa ulo nito at saka hinayaan lang siyang umiyak para maipahayag din niya ang kanyang iniisip. Pagdating nila sa bahay ng mga Dawson ay tila wala ng buhay si Crystal at kitang-kita sa kanyang mga mata ang emosyon. Matipid ang kilos at hakbang niya kaya binuhat na lang siya ni Blade papunta sa kwarto niya dahil n
“Salamat sa pagpunta at pagbibigay sa amin ng oras. Ginanap ang kumperensyang ito dahil sa mga balita kamakailan na nagpasindak sa lahat. Si Spencer ay magkakaroon ng isa pang kahalili ng pamilya. Si Crystal, ang asawa ng aking anak, ay nagdala sa amin ng isang pagpapala na ibibigay namin ang aming oras upang turuan at mahalin. Magandang balita ito para sa amin, at umaasa kaming lahat ay magdiwang kasama ang pamilya ni Spencer. ” masayang utos nito habang nakatingin sa mga camera. Sandaling palakpakan ang bumalot sa silid. "Maaari ka nang magsimulang magtanong." Agad namang nagtaas ng kamay ang isang reporter. "Kailan mo nalaman na buntis si Mrs. Crystal Spencer at ilang buwan na niyang dinadala ang bata?" Nilingon ng ina ni Liam si Crystal dahil umaasa siyang sasagutin nito ang tanong. Pero, nakapikit lang ang mga labi ni Crystal at para siyang natulala sa kawalan. Kaya naman, ibinalik na lang ng nanay ni Liam an
Agad kong inilipat ang tingin ko kay Liam at ngayon ay nakatitig lang siya sa sahig. Nanginginig ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ba't sinabi ko na ayaw kong ipaalam sa publiko ang tungkol sa akin at sa aking anak? Ngunit ano ito? Ano pang conference ang pinag-uusapan nila? “Hindi po ma’am. Ikinalulungkot kong biguin ka, ngunit hindi ako nagpapahintulot ng anumang publisidad para sa ating anak. Ang kumperensyang ito ay hindi dapat idaos dahil hindi ko hahayaan ang aking anak na maging kahalili para sa iyong matagal nang pinag-iingat na kumpanya na kasama-pinagmamalaki. Hindi ko gusto ang kanilang madilim na buhay sa likod ng napakatalino na bagay. At mas ayaw kong maranasan ito ng anak ko. "Dapat sinabi mo sa akin ng mas maaga. Alam na ng publiko. ” Nagkibit-balikat ito sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili kong titigan s
"A-Ano..?" Para akong nabingi sa sinabi ni Blade. “Rally? Anong ibig mong sabihin? ” "Tingnan mo ang lugar na iyon." Sinundan ko kung saan nakatitig ang mga mata ni Blade at may nakita akong mga taong may dalang mga karatula at poster. "Anong nangyayari?" Natatakot akong magtanong. "Bakit nangyayari ito sa mga Spencer?" Malalaman mo rin kapag nakapasok na tayo. Sa ngayon, mas mabuting makinig ka na lang muna sa akin at isuot mo. Hindi na ako umangal at agad na ibinalot sa katawan ko ang cloak na binigay ni Blade at nilagyan ng cap sa ulo ko. Sa gilid ng mata ko, nakita kong lumabas si Blade at hinintay ko siyang lumingon sa upuan ko. Pagbukas niya ng pinto ay halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Halos hindi ko na maintindihan ang sinisi
Natigilan ako sa sinabi ni Blade. Tama siya. Hindi ako pwedeng puntahan ng personal ni Mrs Spencer lalo na at baka makilala ko pa ng ibang tao ang tunay kong katayuan. Kilala nila ako noon bilang Crystal Harrison at sapat na sa akin ang pangalang iyon. Nasa kanila na kung tatanggapin nila ako o hindi. “Pero, ano ang dahilan kung bakit nila ako tinatawag? Tungkol ba ito sa magiging anak namin ni Liam? ” tanong ko ulit at medyo kinabahan din ako. “Oo, I suggest na magbihis ka ng maayos at ayusin mo ang sarili mo bago kita dalhin doon. Kumain ka muna. ” Napataas ang kilay ko dahil sa inasta ni Blade. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin. Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya at nagsimulang kumain. Hindi naman siguro siya nagmamadali? Napatingin ako kay tatay na ngayon ay nakatitig lang sa akin at parang naaawa siya