Share

Chapter Six

Author: sybth
last update Huling Na-update: 2021-12-03 22:33:19

Naiwan akong mag-isa sa isang malaki at eleganteng kuwarto. Dinala ako dito kanina ng dalawang lalaking kasama ko. Ang sabi nila may kailangan lang silang gawin, tapos ay babalikan rin ako kaagad.

Paulit-ulit rin nila akong binalaan na huwag lalabas ng silid na 'to at maglakad-lakad sa labas.

Kaya heto ako, mag-isa at tulala sa malawak na kwartong ito. Nakaupo sa isang pang-mayaman na kama, at halos hindi maabot ng mga paa ko ang sahig dahil sa taas nito.

Ginalaw-galaw ko nalang ang mga paa ko at pinanood itong magbangga sa isa't isa. Ayokong gumalaw at mangialam sa kwartong 'to dahil baka makasira ako. Alam kong hindi kakayanin ng bulsa ko kahit na anong masira ko dito. Lahat ng gamit dito mamahalin, sigurado 'yon. 

Naagaw ang atensyon ko ng isang malaking pintuan na marahang bumukas. Napatayo ako ng biglang pumasok rito ang lalaki na walang ibang alam kung 'di ang bilinan at pagsabihan ako. 

Pagtalon ko mula sa mataas na kama ay medyo nawalan pa ako ng balanse. Mabilis kong inayos ang pagkakatayo ko ng pumasok na rin ang future husband ko.

Napa hagikhik ako ng palihim.

 

“Alright blonde, you can exit the room now. But, again, you are unable to communicate with anyone, is that clear?”

Paulit-ulit at parang sirang plaka na siya sa sa linyang iyon kaya walang gana akong tumango 

Pero teka, tinawag niya ba akong blonde? 

May pangalan kaya ako.

“So... how about me? Am I not allowed to talk to her too? You're too possessive Spencer.” Bumilis ang pag-tango ko sa narinig ko.

“Ah yeah right, Sybil will escort you today.” Saglit niyang tinapunan ng tingin ang gwapong lalaki na nakilala ko kanina sa hotel.

Sybil pala ang pangalan niya... cute.

“Tara na?” Ngumiti sa akin si Sybil bago tumalikod.

Sinundan ko ang mga yapak nila nang humakbang na sila palabas ng silid na pinangungunahan ni Sybil.

Ngayon ko lang napansin kung gaano kahaba ang corridor na kailangan naming lakarin bago kami makababa ng hagdan.

 

Bahay pa ba 'to? Para yatang kasing laki na 'to ng mall. Kung ako ang nakatira dito baka nag kotse na ako para pumunta ng hagdan.  

Binilisan ko ng kaunti ang mga hakbang ko para masabayan ko ang lalaking pala-utos.

“Uy…” pabulong kong tawag sa kanya. Natatakot kasi ako na mag-echo ang boses ko kapag nilakasan ko ang boses ko.

Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ako. Hindi ako sigurado kung hindi niya ako narinig kaya hinila ko ang laylayan ng damit ng lalaking 'to para kunin ang atensyon niya.

Nang lingunin niya ako, nasilip ko muli ang maganda niyang mga mata. Para bang kumislap ito ng tamaan ng mga ilaw.

 “What?” masungit niyang tanong.

Parang araw-araw yata may dalaw ang lalaking 'to.

“Yung lalaking 'yun ba…” inilipat ko ang tingin ko kay Sybil bago muling tumingin sa kanya. “May girlfriend na?” Lakas loob kong tanong. 

Ang mga ganitong pagkakataon, hindi na dapat pinapalampas pa.

“Why are you interested?”

“Just— because— I am.”

“If you've already begun to grow feelings for him, I advise you to put your fantasies aside right now. Sybil wouldn't even think of liking you. Just concentrate on your job tonight so you can leave after everything is done.”

Aray ha.

Medyo na-offend ako sa sagot niya, kaya hindi na ako umimik at sinamaan lang siya ng tingin bago mas binilisan pa ang paglalakad ko para hindi ko siya makasabay.

Saglit lang akong nangarap tapos sinampal na niya ako agad ng reyalidad.

Habang pababa kami ng hagdanan, hindi ako mapakali at paulit-ulit na itinataas ang damit ko dahil pakiramdam ko at tuloy-tuloy ang pagdulas nito. Hindi kasi ako sanay ng ganito ang mga isinusuot.

Sobrang nakakailang ang damit na 'to. Sa tuwing inaangat ko ay mas nagiging maikli, kaya kailangan ko ring hilahin 'to pababa.

“Sybil will look after you as I have to do something. You must remember that you can only come to me once you are called. And don't— stay away from him.” Aniya bago humakbang palayo.

Nang makaalis na siya ay saka ko lamang napansin na maraming bisita ang naririto sa lugar. 

Nakakahanga ang disenyo ng kasalan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na igala ang aking mga mata sa bawat sulok ng mala-kastilyong bahay na 'to. Sa unang tingin, masasabi kong ang ganitong kasalan ay para lang sa mga nakakataas sa lipunan.

Kapansin-pansin na ang tema ng kasal, it's white with gold accents. The cutlery, bowls, and chairs used, as well as the people's attire, were all golden. Pati na rin ang mga suot ng bisita, ay pawang puti at ginto.

Base sa pananamit nila at sa mga kotseng nakita ko kanina sa labas, lahat sila ay galing sa mayayamang pamilya.

Sa magkabilaang gilid ng bahay ay may mga kumpol ng bulaklak. Dito pala sa bahay nila gaganapin ang kasal. I think it's much better kung beach wedding or church. Mas romantic kasi ang ganun.

Dumapo ang mga mata ko sa sari-saring pagkain. Napakarami nilang handa pero ang mga tao dito hindi man lang kumakain. Lahat sila puro wines ang mga hawak at masayang naguusap-usap.

Sa kakatingin sa mga pagkain ay kumulo ang tiyan ko na gumawa ng ingay na sigurado akong rinig sa tabi ko. 

Bigla namang kinuha ni Sybil ang kamay ko at isinukbit sa braso niya ng may nangingising mga labi. “Come on, let's get you something to eat.”

Bakit ba kailangan niya akong makita o marinig sa mga ganitong sitwasyon?  

Nakakahiya.

Habang hinihila ako ni Sybil ay napansin ko ang malalalim na titig ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Sa palagay ko kasing edad siya ng stepfather ko na si Uncle Jorge.

Bakit naman niya ako tinititigan? Ang creepy. Hindi ba't ganyan yung mga mahahalay na nakikita sa movies? Matandang mayaman na manyak. Nakakatakot.

Inurong ko ng kaunti pataas yung damit ko at hinila rin pababa. Sinamaan ko ng titig yung matandang lalaki dahil baka alisin na niya ang mga tingin niya, pero nagkamali ako ng ngumiti pa ito.

Nakuha ni Sybil ang atensyon ko nang bitawan niya ang kamay ko. Nakarating na kami sa mga pagkain at mukhang masarap ang lahat ng putahe.

Anong una kong pipiliin?

Teka, nasa hotel pa nga pala sina Trina at Eliz. Okay lang ba kung magdala ako ng pagkain pauwi? Hindi naman 'to mauubos ng mga mayayaman dito na ang pinapakyaw lang ay alak.

“Get something to eat first. I need to talk to someone for a moment, then I'll come back to you. Is that alright?” 

Kusa naman na tumango ang ulo ko sa malalambing niyang boses. Pagka alis ni Sybil ay agad na akong kumuha ng plato. Baka ako pa ang mauuna dahil wala man lang bawas ang mga pagkain dito.

Gusto kong mahiya, pero nagugutom na talaga ako.

Kaunti lang muna ang kinuha kong pagkain para magpa-demure, babalik na lang ako mamaya. Pinili kong maupo sa lamesa malapit sa mga pagkain para hindi mapansin ng iba ang pagbabalik ko. 

“Mmm..” Ang sarap ng mga pagkain lalo na itong isang puti. 

Ang sarap ng mga pagkain lalo na itong puti. Hindi ko alam kung anong tawag nila dito pero sobrang sarap. Para siyang hindi pantay-pantay na sukat ng mushroom na kulay cream brown. Mukha siyang magaspang na parang patatas pero kapag kinagat mo na ay sobrang lambot at sumasabog ang bango. Medyo maamoy rin ang garlic na may pinaghalong honey at cutgrass.

Sana alam ko kung anong tawag nila dito.

Sa gitna ng pagpapaulan ko ng papuri sa mga kinakain ko ay nakita ko sa gilid ng aking mata na may umupo sa harapan ko.

“Sybil, anong tawag nila di-”

Agad kong tinakpan ang bibig ko ng makita ko na hindi si Sybil ang umupo sa harapan ko. Ibang lalaki 'to na parang kasing edad lang ng lalaking pinakasalan ko.

I'm dead.

Bawal akong makipag-usap sa kahit na sino kaya umiwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring hindi siya nakikita. Baka nandito lang siya para makisalo sa upuan. Tatapusin ko na lang 'tong kinakain ko, ayoko kasing iwan at hindi ubusin. Lalo pa 'tong masarap na kulay puti.

“You seem to be enjoying those white truffles huh?” Napasulyap ako sa kanya nang sabihin niya ang pangalan ng kinakain ko.

So, white truffles pala ang tawag dito? It's the first time I've heard it, but it sounds adorable.

“Hey, you seem to be a newcomer here. Hindi ako pamilyar sa 'yo. Sinong kasama mo?”

Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring hindi naririnig. Mas binilisan ko na lang ang pag-ubos ng pagkain ko para makaalis na ako dito.

“All right, uh... What's your last name?”

Hindi ko na nga siya pinapansin pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsasalita.

“Crystal!” 

Narinig kong sigaw, kaya liningon ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Nang makita ko na si Sybil ang tumawag ay mabilis akong tumayo.

“Crystal…”

Bulong nang weirdo na lalaki habang tumatango-tango na kala mo ay nakakuha ng isang malaking impormasyon bago siya tumayo, at umalis.

“May sinabi ka ba sa kanya?”  tanong agad sa akin ni Sybil habang hinahabol pa rin ang hininga.

“Wala akong sinabi sa kanya, ikaw ang nagsabi sa kanya ng pangalan ko.” 

Inilipat niya ang tingin niya sa mesa.

“Are you done?”

May natira pa ako sa plato ko, pero parang busog na rin ako kaya tumango na lang ako sa kanya.

“Come, he needs you now.” .

Kahit na hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin, mabilis na nagkarera ang tibok ng puso ko sa kaba. Napakalakas ng kabog nito at pakiramdam ko ay kakawala na sa dib.dib ko.

Hinawakan ako ni Sybil sa braso at literal na kinaladkad papunta sa isang malaking opisina, pagpasok namin sa loob ay nagulat ako ng makita ang mga tao sa loob.

“Sorry Frank, I guess you can't win at all.” Nakangising utas ng babae sa matanda.

Sigurado ako na may nangyayari dito mula kanina dahil magkaharapan ngayon yung isang babae at lalaking pinakasalan ko na napalilibutan ng mga tao.

“But I can.” Lakas loob na giit ng lalaking pinakasalan ko. “My offer explicitly states that you'll own Spencers Co., once we're legally married.”  Aniya na idiniin ang salitang legal.

Tumango tango ang babae ng may ngiti habang itinaas nito ang kamay para ipakita ang singsing sa daliri. “Yeah, it seems pretty legal to me.”

 

Bakit may singsing na siya? Tapos na ba yung kasal?

“Yeah, well, unfortunately, bigamy in Denmark is forbidden. You can't actually marry someone if you're already married to someone else.”

Ramdam na ramdam ko sa mga salita niya ang pagmamalaki na para siyang nanalo sa isang madugong labanan.

Ano nga ulit ang sinabi niya?

Bigamy? Isn't that the act of going through a marriage ceremony while already married to another person?

Is this what he's talking about? His plan? This is so smart, but heartless.

“W-What are you talking about?” Hindi makapaniwalang bulalas ng babae.

Tila tumigil ang tibok ng puso ko ng biglang humarap sa akin ang lalaking pinakasalan ko.

“This is Crystal, my wife.”

Pakiramdam ko ay napako ang mga paa ko sa sahig kasabay ng pagkalaglag ng puso ko nang marinig ko ang sinabi niyang 'yon sa harapan ng lahat sa kwartong 'to 

Marahan akong tinulak ni Sybil papunta sa harapan.

Pwede bang… may gumising sa akin… ulit?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leonor Pajaron
ang hinala k mga inkanto ang pakadalan mi cristal
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Seven

    “I'm sorry, what are you talking about?” Bulalas ng lalaking tinawag na Frank kanina.“My marriage to Crystal is absolutely legal, which means ours isn't.” Ibinalik niya ang mga nakakapanindig balahibo niyang tingin sa babae. “And neither is my contract. Read the file print. As I said, unless we're married, my S.C gift to you is void. But because you didn't include anything like that in your deal, Spencers Co. and the 25% of the Villareal's Aircraft remain all mine…”Hindi makapagsalita ang babae sa labis na pagkagulat at ang tanging nagagawa lang niya ay ang makipagtitigan sa sahig na ani mo ay natalo sa laban.Matalim niyang pinadaanan ng tingin ang lalaking pinakasalan ko at ang matandang lalaking katabi nito.“How come you didn't tell me about your plans?”Kinabahan ako nang umalingawngaw ang galit na boses nung Frank.Pero parang hindi man lang naapektuhan nito ang lalaking pinakasa

    Huling Na-update : 2021-12-04
  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Eight

    Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil sa liwanag ng ilaw na sumisilaw sa mga mata ko.Oh well, kahit pa narinig ko ang sigaw kanina. Hinding hindi na ako ulit sasakay sa kotse kangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa loob, at kung ako ba ang pinapasakay.Natuto na 'ko sa mga pagkakamali ko.Ginamit ko ang braso kong panangga sa liwanag para maaninag ko kung sino ang bumaba ng sasakyan.“Crystal.”Naaninag ko ang maaliwalas na ngiti ng isang lalaking bumaba mula sa sasakyan.Para talaga siyang isang kabute na litaw ng litaw kahit saan.Siya yung lalaki na umupo sa harap ko kanina. Palagi nalang siyang sumusulpot kahit anong oras. Hindi ko alam kung nagtatago lang ba siya at lumalabas sa tamang oras. Pero sa lahat ng pagsulpot niya ngayon, ito ang pinaka nagustuhan ko.Hindi ko naman kasi talaga kayang lakarin ang mahabang kalsadang 'to ng mag-isa. At saka, nagsisimula na ring lumalim ang g

    Huling Na-update : 2021-12-05
  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Nine

    Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa rin ang nakita ko sa sasakyan kanina.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga ngisi sa labi ni Liam habang nakababa ang kamay niya sa- “Shoo.” umiling-iling na usal ko para matanggal sa isipan ang bakas ng nasaksihan ko kanina.Nalipat ang atensyon ko nang maramdaman ang init na nagmumula sa kamay kong kumakalat sa buo kong katawan. Mas idiniin ko pa ang aking kamay sa mainit na tsokolate dahil ang sarap sa pakiramdam na mainitan sa wakas ang mga katawan ko.Binalot ko ng kumot ang sarili ko dahil sa lamig na nanunuot sa buto ko.Mas maayos na ngayon ang pakiramdam ko kumpara kanina. Pero sana lang bukas hindi ako magkasakit.Nakakainis isipin na ang dahilan sa likod ng lahat ng 'to ay ang nakamamatay na damit na 'yun. — I mean, yes alam kong maganda at bagay nga sa 'kin, but it's no good to my health.Ang lalaking 'yon, alam niyang sobrang lamig dito pero pinadalhan

    Huling Na-update : 2021-12-07
  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Ten

    “Ganito mo ba talaga balak sayangin ang huling araw mo dito sa Denmark?”Dalawa kaming nakatayo ni Trina sa harap ng salamin dito sa loob ng hotel. Nasa akin ang mga mata niya pero alam kong hindi niya ako naririning at pabalik-balik lang ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.Napairap nalang ako dahil sa inis.Alam kong nangako ako sa sarili kong magsusuot ako ng mahabang damit ngayong araw. Pero tingnan mo naman ang suot ko ngayon. Isang napakaikli at pulang-pulang romper.Sa sobrang flowy ng laylayan ay papasok nanaman ang malamig na hangin sa loob ko nito. Siguradong ang kapalit ng lantad kong cleavage ay ubo at sipon. Mabuti na lang rin at nakalugay ngayon ang buhok ko.“Ayan perfect!” biglang nagsalita si Trina nang matapos siyang titigan ako. “Perfect pangtawag ng sakit.”Hindi niya ako pinansin at malawak lang ang mga ngising nakatingin sa akin. “You look hot

    Huling Na-update : 2021-12-07
  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Eleven

    Ramdam ko na ang pag-ikot ng mga mata ko dahilan ng pagkahilo dahil sa lalaking ito na halos isang oras na yatang pabalik-balik sa harapan ko. Tila hindi siya mapakali. “You have to stay with me.” “A-ano?” Hindi ako makapaniwala sa narinig kong lumabas sa bibig niya. Huminto siya sa paglalakad at inilihis ang katawan niya para harapin ako. “I will pay you, of course.” “Heto na naman tayo…” Buntong hininga kong sabi. “Listen, blonde. I can't lose two weddings at once because people will suspect me and our wedding, okay? Just stay here for a couple of nights.” Ang galing talaga ng lalaking 'to magmakaawa kapag may kailangan, lahat ng bagay ginagawa niya gamit ang pera. “Alam mo Liam, may mga kasama ako sa hotel at hindi ko sila pwedeng basta na lang iwan doon.” Hindi ako sigurado kung babalik pa ng New Jersey si Trina dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko lang alam kay Eliz. “Then bri

    Huling Na-update : 2021-12-10
  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Twelve

    Tumigil saglit sa paglalakad ang butler na kasama namin at tila hinihintay si Maddison.Napahinto din kami dahil hindi namin alam ang daan papunta sa kwartong tutuluyan namin.Nang sa wakas ay nakalapit na siya sa kinatatayuan namin ay binigyan niya ng halik. ang butler sa pisngi nito.Dahil sa ginawa niya ay nakumpirma kong anak nga siya ng butler na 'to.Hindi naman kataka-taka dahil may pagkakahawug ang dala nilang awra at presensya.“Are you with Liam?” Iba ang tono ng pananalita niya kumpara sa noong kinausap niya kami. Mas mahinahon ang boses nito.“Yes dad, pero mamaya pa siya makakabalik kasi may kailangan pa siyang tapusin sa office.”“I see... umakyat ka muna sa kwarto mo. Kailangan ko muna silang ihatid sa tutuluyan nilang silid. Mamaya tayo mag-usap.”Doon lang yata niya napansin na may iba pa palang nariririto bukod sa kanilang dalawa. Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin mu

    Huling Na-update : 2021-12-11
  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Thirteen

    “What are you trying to do and why do you have to run?”Pilit kong hindi hinaharap si Liam dahil sa kahihiyan. Yumuko ako at inilayo ang mukha ko para hindi magtama ang mga mata namin.Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglipat ng tingin niya sa cake na hindi ko sinasadyang nalaglag at ngayon ay nasa sahig na.Umakyat ang dugo ko sa ulo, and swear, nai-imagine ko ang pamumutla ng mga labi ko kahit hindi ko naman nakikita.“I-I'm sorry…” mariin kong kinagat ang ibaba ng labi ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa paa, kasabay ng kahihiyan.Umangat ang kamay niya patungo sa aking mukha, at nang marahan itong dumampi sa balat ko ay nakaramdam ako ng kaunting kiliti na nagmumula sa mga daliri niya. Pilit niyang pinagtatama ang aming mga mata, na patuloy ko pa ring iniiwasan.Mabuti na lang at bahagyang natatakpan ng buhok ko ang aking mukha habang ang mga mata ko ay nakapako sa sahig, pinipilit pa rin na hind

    Huling Na-update : 2021-12-12
  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter Fourteen

    “Maddison? You're still staying in this house with your dad? We haven't seen each other in a long time ever since I left, how are you?”Narinig ko ang boses ng ina ni Liam pero wala akong kapal ng mukha para lumingon sa direksyon nila, kung saan makikita ko si Maddison.Ibinaling ko na lang ang mga tingin ko kay Liam, and this time, nakuha ko na ang atensyon niya.“I'm sorry… Ibaba mo na lang ako…” mahinang bulong ko sa kanya.Nakatitig lang siya sa mga mata ko at tikom ang bibig. Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya, alam kong may kakaiba. Nakita ko na nuon ang ganitong mga titig niya, at alam kong masama ang loob niya. Tila nagiging kakaiba ang kulay ng mga mata niya sa tuwing hindi siya nasisiyahan sa sitwasyon.At para sakin, nakakatakot ang mga ito.Naiwan ang tingin ko sa ere nang ilihis ni Liam kay Maddison ang mga titig niya. Pinanuod ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Nagsa

    Huling Na-update : 2021-12-13

Pinakabagong kabanata

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred sixty

    "Okay, eto na ang bola mo anak." Agad akong tumayo pagkatapos kunin ang bola. Sa kabutihang palad, at sa murang edad, alam ng aking anak na babae ang aking kalagayan. Kaya hindi niya ako binitawan, lalo na kapag naglalakad ako. Alam niyang hindi ganoon kabuti ang accuracy ko dahil sa sakit ko kaya naman ay nakahanda siyang protektahan ako. “Bumalik na tayo.”“Thank you, mommy...” mahinang sabi ng anak ko kaya tumugon ako habang tinatapik ang ulo niya.Maglalakad na sana kami pabalik nang may nakita akong pamilyar na pigura, napabuka ang labi ko sa gulat. Halos manigas ang buong katawan ko na parang estatwa sa lamig ng pisngi ko. “Crystal…” Narinig ko ulit ang mga salitang iyon sa bibig niya, narinig ko na naman ang boses niya. Lumapit siya sa amin at naglakad papalapit sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit medyo napaatras ako. Nakita ko sa gilid ng mat

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty nine

    “Tara na.” "Sigurado ka bang aalis ka sa Denmark?" “Oo. Parang panaginip lang nang makarating ako dito. I was once so happy at hinding-hindi ko pagsisisihan ang pagpunta ko sa lugar na ito. I will forever treasure the feelings I had here in Denmark. Marami akong natutunan, at ngayon ay handa na akong bumitaw at tanggapin ang pananampalatayang mayroon ako.” _______________________ 6 na taon na ang lumipas... "Mommy, kailan ko po makikita si daddy?" "Darating siya at hahanapin ka pagdating ng tamang panahon, Crystal." “Kanina ko pa tinitingnan itong litratong kuha mo sa South Korea. Mukhang masaya ka sa tatay ko. Pero, wala siya sa amin ngayon. Sana mahanap niya kami agad. Hindi na ako makapaghintay na makita siya.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang marinig

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty eight

    "Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty seven

    "Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty six

    Parang nanlambot ang katawan ni Blade sa awa. Habang pinupunasan ang walang humpay nitong luha. "Tay, balik na tayo," matipid na wika ni Blade kay Mr. Dawson. Hindi kumibo ang ama ni Crystal at agad na pinaandar ang sasakyan. Ang kamay niyang nakahawak sa manibela ay halos mabali ito. Hindi nagsasalita si Mr. Dawson ngunit bakas ang galit nito sa kanyang mga mata. Pagkatapos punasan ni Blade ng mga itlog at kamatis ang natitirang bahagi ng katawan ni Crystal, binalot niyang muli ang isang balabal sa ulo nito at saka hinayaan lang siyang umiyak para maipahayag din niya ang kanyang iniisip. Pagdating nila sa bahay ng mga Dawson ay tila wala ng buhay si Crystal at kitang-kita sa kanyang mga mata ang emosyon. Matipid ang kilos at hakbang niya kaya binuhat na lang siya ni Blade papunta sa kwarto niya dahil n

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty five

    “Salamat sa pagpunta at pagbibigay sa amin ng oras. Ginanap ang kumperensyang ito dahil sa mga balita kamakailan na nagpasindak sa lahat. Si Spencer ay magkakaroon ng isa pang kahalili ng pamilya. Si Crystal, ang asawa ng aking anak, ay nagdala sa amin ng isang pagpapala na ibibigay namin ang aming oras upang turuan at mahalin. Magandang balita ito para sa amin, at umaasa kaming lahat ay magdiwang kasama ang pamilya ni Spencer. ” masayang utos nito habang nakatingin sa mga camera. Sandaling palakpakan ang bumalot sa silid. "Maaari ka nang magsimulang magtanong." Agad namang nagtaas ng kamay ang isang reporter. "Kailan mo nalaman na buntis si Mrs. Crystal Spencer at ilang buwan na niyang dinadala ang bata?" Nilingon ng ina ni Liam si Crystal dahil umaasa siyang sasagutin nito ang tanong. Pero, nakapikit lang ang mga labi ni Crystal at para siyang natulala sa kawalan. Kaya naman, ibinalik na lang ng nanay ni Liam an

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty four

    Agad kong inilipat ang tingin ko kay Liam at ngayon ay nakatitig lang siya sa sahig. Nanginginig ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ba't sinabi ko na ayaw kong ipaalam sa publiko ang tungkol sa akin at sa aking anak? Ngunit ano ito? Ano pang conference ang pinag-uusapan nila? “Hindi po ma’am. Ikinalulungkot kong biguin ka, ngunit hindi ako nagpapahintulot ng anumang publisidad para sa ating anak. Ang kumperensyang ito ay hindi dapat idaos dahil hindi ko hahayaan ang aking anak na maging kahalili para sa iyong matagal nang pinag-iingat na kumpanya na kasama-pinagmamalaki. Hindi ko gusto ang kanilang madilim na buhay sa likod ng napakatalino na bagay. At mas ayaw kong maranasan ito ng anak ko. "Dapat sinabi mo sa akin ng mas maaga. Alam na ng publiko. ” Nagkibit-balikat ito sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili kong titigan s

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty three

    "A-Ano..?" Para akong nabingi sa sinabi ni Blade. “Rally? Anong ibig mong sabihin? ” "Tingnan mo ang lugar na iyon." Sinundan ko kung saan nakatitig ang mga mata ni Blade at may nakita akong mga taong may dalang mga karatula at poster. "Anong nangyayari?" Natatakot akong magtanong. "Bakit nangyayari ito sa mga Spencer?" Malalaman mo rin kapag nakapasok na tayo. Sa ngayon, mas mabuting makinig ka na lang muna sa akin at isuot mo. Hindi na ako umangal at agad na ibinalot sa katawan ko ang cloak na binigay ni Blade at nilagyan ng cap sa ulo ko. Sa gilid ng mata ko, nakita kong lumabas si Blade at hinintay ko siyang lumingon sa upuan ko. Pagbukas niya ng pinto ay halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Halos hindi ko na maintindihan ang sinisi

  • Strangers Got Married (Tagalog)   Chapter One-hundred Fifty two

    Natigilan ako sa sinabi ni Blade. Tama siya. Hindi ako pwedeng puntahan ng personal ni Mrs Spencer lalo na at baka makilala ko pa ng ibang tao ang tunay kong katayuan. Kilala nila ako noon bilang Crystal Harrison at sapat na sa akin ang pangalang iyon. Nasa kanila na kung tatanggapin nila ako o hindi. “Pero, ano ang dahilan kung bakit nila ako tinatawag? Tungkol ba ito sa magiging anak namin ni Liam? ” tanong ko ulit at medyo kinabahan din ako. “Oo, I suggest na magbihis ka ng maayos at ayusin mo ang sarili mo bago kita dalhin doon. Kumain ka muna. ” Napataas ang kilay ko dahil sa inasta ni Blade. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin. Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya at nagsimulang kumain. Hindi naman siguro siya nagmamadali? Napatingin ako kay tatay na ngayon ay nakatitig lang sa akin at parang naaawa siya

DMCA.com Protection Status