“Hey, are you up for a job?”
“Anong klase ng trabaho naman yang inaalok mo?”
“Like you're going to work for me, but not literally working. It's just that you will do something for me.”
“Anong kailangan kong gawin?”
“Marry me.”
________________________
[Crystal]
Hindi ako makapaniwala na sa dami ng mga pinagdaanan ko ay nakarating talaga ako dito. Matagal ko nang hiling ang makatapak sa lugar na 'to at ang makalayo sa buhay na matagal ko nang gustong lisanin.
Pati na ang pamilya ko.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng dinadala ko sa aking dibdib.
Ang tanging alam ng pamilya ko sa New Jersey ay nandito lamang ako sa Denmark para sa tatlong araw na bakasyon.
Wala silang alam sa mga plano kong hindi na pagbalik.
Marami akong pinagdaanan para lang makaipon ng pera at makalipat dito, dahil na rin kasi sa may kamahalan ang mga gagastuhin.
Nagsumikap ako dahil nakatatak sa isipan ko na sa oras na makatapak ako sa lugar na ito, hindi na 'ko muling lilingon at aatras pa pabalik sa dati kong buhay.
Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako sa harap mismo ng City Hall dito sa Denmark.
Inangat ko ang aking mga tingin upang makita ang kabuuhan ng harapan nito. Unti unting nanlaki ang aking mga mata dahil sa sobrang lawak at ganda ng isang gusaling. Napakaliwanag ng mga ilaw na nakapalibot at para bang kaya nitong bigyang liwanag ang buong paligid. Pati na ang buwan ngayon na nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligiran.
Nakakatuwa naman, parang umaayon at tugma ang lahat ng mga pangarap ko noon sa nararanasan ko ngayon.
Talaga nga namang kapansin-pansin ang pagkakaiba ng pamumuhay rito kumpara sa New Jersey.
Napaka-payapa ng buong paligid at wala nang mga taong naglalakad. Tahimik na rin ang buong lugar at tanging ihip na lang ng hangin ang maririnig, dahil na rin sa malalim na ang gabi.
Humakbang ang mga paa ko patungo sa isang mahabang upuan sa harap ng malaking City Hall. Dito na lang muna ako magpapalipas ng oras at pagmamasdan ang ganda ng buong lugar.
“Maddison…”
Halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig akong boses ng isang lalaki na nagsalita; Hindi ko namalayan na may ibang tao pala sa paligid.
Hinanap ko kung saan nagmula ang boses gamit ang aking mga mata at natagpuan ko ito sa harap mismo ng City Hall.
Kanina pa ba sila nandiyan?
Paanong hindi ko sila napansin? Ang akala ko naman ako na lang ang mag-isa rito.
Napansin kong hindi mag-isa yung lalaki at may kasama siyang isang babae.
Kahit hindi ko sila tanungin, alam kong girlfriend niya yung babae. Magkahawak ang mga kamay nila at mukha silang in love sa isa’t isa kaya hindi na ako magtataka na may relasyon sila.
Pero in fairness, para silang isang sikat na loveteam sa t.v na ngayon napiling mag-date dahil wala na masyadong tao ng ganitong oras.
O baka naman, artista talaga sila?
Wala kasi akong masyadong alam sa showbiz dahil wala naman akong oras na magbabad sa panonood ng t.v.
Nakaka-excite, parang isang exclusive live drama 'to na para sakin lang.
Hindi ko maiwasang titigan sila at hintayin kung anong susunod na mangyayari. Nakaka-intriga kasi ang mga reaksyon na nababakas sa kanilang mga mukha.
Pero sandali,
Hindi naman siguro sila maghahalikan sa harap ko... diba?
“Maddison…”
Umayos ako ng upo nang marinig kong tinawag siya ulit ng lalaki.
Medyo matagal silang natahimik bago tuluyang iniangat nung babae ang kanyang noo at tumingin sa mga mata ng lalaki.
Doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ng mas maayos ang mukha niya.
Napakaganda naman niyang babae, yung balat niya ay mala-porselana sa sobrang kinis at puti nito. Maganda din ang mga mata niyang nagnining-ning, pati na ang perpektong tangos ng ilong. Mamula-mulang mga labi at pisngi na tumutugma sa maputing balat niyang kumikinang sa tuwing natatamaan ng mga ilaw.
Para bang kapag tumawid siya sa madilim na kalsada hindi siya masasagasaan.
Pati ang maiksi at maitim niyang buhok ay perfect match sa hubog ng mukha at kulay ng balat niya.
I can tell she’s indeed perfect, almost like a barbie doll.
Sinong nagsabi na hindi unfair ang buhay? Isasampal ko 'tong malaking ebidensya.
Pero ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit hindi siya mukhang masaya o excited man lang. Mas mukha siyang pagod at maraming iniisip.
Inilipat ng babae ang mga tingin niya sa kaliwang bahagi nila, at kung ibabase ko sa naging reaksyon niya, parang ngayon niya lang napagtanto na nasa harap kami ng City Hall.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay at kapansin-pansin na tila nawala ang emosyon sa kanyang mga mata dahil sa nakita niya.
Ano kayang iniisip niya?
May sasabihin pa sana yung lalaki nang ibuka niya ang kanyang bibig upang magsalita.
“Liam, how have you been lately? Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya niyo mula kay dad. He said that the Spencers could fall into the mud because of how huge this problem is.” Sasagot na sana ang lalaki ngunit natigil nang magpatuloy yung babae. “What about your father? May sinabi ba siya tungkol sa sitwasyon?” Mabilis na ani nito nang hindi man lang tinapunan ng tingin yung lalaki at parang ayaw niya itong pagsalitain.
Siguradong meron silang mabigat na pinagdadaanan ngayon.
Kaya ba parang ang tahimik nila? Naguguluhan na 'ko.
Hindi naman sa nakikialam ako, pero tila ba unti-unti akong nagiging interesado sa kwento nila.
“Don't worry, I have already thought of a new plan. I know that this time we will win against those Villareals. And you know my father, he will do everything he can just to save and secure our legacy. Even in a way that is not so good for the others, he will.” Sagot ng lalaki habang sinusubukan na pagtagpuin ang kanilang mga mata.
Ngunit nabigo siya nang hindi inalis ng babae ang mga tingin nito sa baba.
Napansin kong kumunot ang noo niya at mas nagsalubong pa ang mga kilay na tila ba may iniisip itong napakalalim bago siya muling tumingin sa kanya.
Akala ko magsasalita yung babae dahil medyo ibinuka niya ang mga labi niya, pero hindi. Tumitig lamang siya sa mga mata nito.
“We have been together for 3 years, Maddi.” Sambit ng lalaki pagkatapos ay binigyan siya ng isang matamis na ngiti bago siya nagpatuloy. “—and you are the only one who stays by my side, who supported me, you also know all my troubles... especially with my Dad. And I think, if there will be a right time to say this... it's none other than tonight…”
Diretso nitong sinabi sa kanya habang nakatitig ng malalim sa kanyang mga mata.
Tila naguguluhan yung babae pero naghihintay lamang siya ng mga susunod pang sasabihin nito.
“Maddison, I want you to marry me.”
Nanlaki ang aking mga mata at dahan-dahang umangat ang mga kamay ko sa aking bibig na 'kala mo ay ako yung papakasalan.
Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon.
Hindi ko inaasahan na may proposal pala na mangyayari. Yung free live drama na pinapanood ko ay nasa ending part na pala.
It’s such a delightful moment. Siguro ay parang tatalon na ang puso nung babae ngayon sa sobrang saya. Yung pakiramdam na para kang naglalakad sa ulap dahil sa sobrang kasiyahan and excitement na nararamdaman mo.
Ang sweet nilang panuorin.
Hindi mapigilan ng lalaki ang mga ngiti niyang pilit kumakawala sa kanyang mga labi. Ako rin naman, sumasakit na ‘tong mga panga ko sa sobrang lawak ng abot-tenga kong mga ngiti.
“Liam...”
Agad kong itinuon ang atensyon ko ng umimik na ang babae.
Ayan na, oh my gosh.
“—will you please stop doing whatever it is you're into?” Bulalas ng babae, kombinasyon ng galit at lungkot ang maririnig sa boses niyang umalingawngaw sa paligid.
Nalaglag ang aking mga panga kasabay ng unti-unting paglaho ng mga ngiti sa labi.
“Gusto mo 'kong pakasalan? Talaga lang ha? or you can just simply say that for the nth time, gagamitin mo nanaman ako sa mga plano mo gaya ng paulit-ulit mong ginagawa.”
Kitang kita ko mula rito ang mga luhang naipon sa ibaba ng mga mata niya na nagbabadyang tumulo.
Siguro matagal na niyang kinikimkim ang lahat ng 'yon sa loob niya. Kaya naman ay sumabog na lang bigla ng hindi na niya kaya ang bigat.
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanila. Alam kong hindi naman sila mukhang happy couple nuong una, pero, umasa ako na yung pinapanood kong drama ay may happy ending. Just like how it usually happens.
Pero bakit sobrang laki ng pagkakaiba nito sa inaasahan kong mangyayari?
“Maddi, that's not true. This is not related to a plan to save anything. It's just me, it’s me who wants to marry you. For real...”
Sinubukan niyang magmukhang sincere ngunit mukhang hindi ito gumana dahil napa-iling lamang yung babae ng may ngisi sa kanyang mga labi at tila dulot ng malaking galit sa kanya.
“You really expect me to believe that? Do you even remember when you told me you loved me?” Nakatulala lang yung lalaki sa kanya na para bang nahihirapang humanap ng tamang salita na sasabihin. “Right, you never did!” sarkastikong bulalas niya.
He could not let out a word from what he heard at nanatiling tikom ang kanyang bibig.
“Okay, you know what? I'm tired. I’m sick of this thing. If you want to save your father then go save him. But don't use me. Ever. Again.”
Matapos niyang bitawan ang mga masasakit na salitang iyon ay tumalikod na siya at humakbang paalis, at iniwan yung lalaki na mag-isa at tulala.
“Maddi…”
Narinig ko pa na tinawag ulit ng lalaki ang pangalan niya, ngunit nakalayo ito.
Saglit siyang natigilan at nakipag titigan sa kawalan.
Nang matauhan siya ay naglakad siyang nakayuko ang ulo, bakas ang labis na kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa mga kilos niya.
Teka,
Sandali, bakit parang papunta siya sa direksyon ko?
Teka BAKIT!??
I'm panicking and I am literally screaming inside my head right now.
Nandito na siya, malapit na siya sa akin!
Hala, bakit sa dinami-rami ng lugar dito pa niya napiling magpunta?
Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko.
Hindi niya ba 'ko nakikita?
Hindi niya man lang ako napansin na nakaupo dito.
Wala siyang kaalam alam na mayroong isang tao dito na nakakita at nakarinig sa lahat ng nangyari.
Marahan akong lumingon sa kanya at nakita kong para bang wala siya sa sarili, nakatulala parin siya at nakatingin sa malayo, sobrang lalim ng iniisip.
Nang mapansin kong para na siyang patay, I made my way.
Itinaas ko ang aking kamay sa kanyang braso, itinupi ito at nag-iwan ng hintuturo para kalabitin siya upang siguraduhin kung buhay pa ba ang lalaking 'to at humihinga pa.
Dahil kung mamamatay siya sa sobrang kalungkutan, at nakita kami ng mga pulis dito na kaming dalawa lang ang magkasama, wala namang ibang masisi na suspect bukod sa akin.
“Psst…” pabulong kong tawag sa kanya habang paulit-ulit na kinakalabit siya sa braso.
“H-Hello sir? Can you a-at least m-move? Ayokong mapunta sa kulungan kapag nahuli ako ng mga pulis dito, huy... Huy!" Hindi ko na napigilan ang takot ko kaya't napag-taasan ko siya ng boses.
Sa palagay ko ay gumana naman dahil tila nabalik ang kaluluwa niyang unti-unting tumatakas nang mapansin niya ako.
“What do you want?”
Masungit niyang tanong sa akin with a frown on his face and a disgusted expression in his eyes.
Naiintindihan ko na marahil ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay nasasaktan siya. Kaya naman humanap na lang ako ng pwedeng makatulong.
Kinapa-kapa ko ang sarili at bulsa ko para makahanap ng kahit isang panyo at ipahiram ito sa kanya. Ngunit, isang gamit na tisyu lang ang nakita ko.
Wala nga pala akong dalang panyo at binili ko lang 'to sa airport kanina.
Hindi ko alam kung okay lang ba 'to pero inabot ko na lang sa kanya, at least sinubukan kong tulungan yung taong broken-hearted. 'Di ba?
Lumingon siya sa akin at tiningan ako bago niya ibinaba ang mga tingin niya papunta sa hawak ko.
Ang marumi at lukot-lukot kong tisyu.
Hindi niya ito tinanggap and instead, ibinalik niya ulit ang tingin niya sa akin.
“Thank you, but that filthy tissue of yours won't help to clean up the mess I've made.”
Ganun ba siya ka sensitive para hindi tanggapin 'tong gamit kong tisyu?
I mean, may tumatanggap ba ng maruming tisyu na bigay ng isang hindi mo kakilala?
Pero sinusubukan ko lang naman tumulong, but this guy is getting on my nerves.
Alam kong talagang nakakainis siya pero sinusubukan ko pa rin na maging mabait sa bida ng palabas na pinapanood ko kanina.
Gusto kong matawa sa naisip ko pero nilunok ko na lang ang tawa ko at muling itinuon ang atensyon ko sa kanya.
Iniabot kong muli sa kanya yung tisyu.
“Trust me, kung ano man yang pinagdadaanan mo ngayon, it can never be worse than mine.”
Doon lamang niya ako binigyan ng pansin na para bang may isang ilaw na lumabas mula sa gilid ng utak niya at may naisip siyang magandang ideya.
“Hey, are you up for a job?”
Tanong niya sa 'kin habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata at naghihintay sa sagot ko.
Teka... Hindi ba ganito sila bumubuo ng mga sindikato upang magbenta ng illegal na droga sa iba’t-ibang lugar?
Siguro kung bakit sila nag-away kanina ay dahil isinasali niya yung girlfriend niya sa maruming negosyong 'to.
Narinig ko pa na sinabi ng babae na ginagamit siya sa plano. Siguro... pinipilit niya yung kawawang babae na i-distribute yung mga orders.
Kaya naman pala naiyak talaga siya.
Alam kong kailangan ko ng pera, pero hindi sa paraang kailangan kong gumawa ng mga illegal na bagay.
I chuckled and shook my head in response.
Binago niya ang posisyon niya at humarap sa akin upang mas matitigan ako sa mga mata so he could be more convincing.
Muntik na niya akong hawakan sa kamay, buti na lang ay agad kong naiwasan.
I can't risk anything, baka bigla na lang niya akong hatakin sa kung saan. Tapos ma-kidnap ako at puwersahin na isali sa maruming negosyo nila.
“Even if I pay you a large amount of money?”
Natigilan ako sa sinabi niya.
Habang nakatitig siya sa akin ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng kanyang mga mata. It was like the shade of the sea, his eyes were deep and sharp; he also has long eyelashes at maganda ang hugis ng mga mata niya, malalim at nakakaakit.
I can stare at his whole face right now; and he has solid features, including a finely sculpted nose and lovely red lips. His sharp jaws are tightening na para bang lahat ng mga babaeng makakakita sa kanya ay masayang luluhod sa harapan niya.
This guy is even far more attractive than I am.
But what made him look more attractive was his eyes that glowed especially when they were hit by light from the city hall. It is like a precious treasure.
He ran his fingers through his hair upang ayusin ito. His fluffy-looking hair seemed to be suddenly revived by the passage of his fingers.
“Napakaguwapo mong sindikato...” I mumbled unconsciously.
“What did you say?”
Nabigla ako sa lumabas sa bibig ko, mabuti na lang at hindi niya ako narinig.
Hindi ko namalayan na natagalan bago ako nakasagot sa kanya. It’s like I had fallen into the depths of his eyes that it was even harder for me to get up before I could say my answer to his question.
“Anong klase ng trabaho naman ba kasi yan? Pwede bang... Uh, magbigay ka pa ng details, kasi medyo nakakatakot ka mag-alok. Seryoso.” Nag-aalangan kong tanong sa kanya.
Para siyang nabuhayan nang marinig ang sagot ko. I even saw his little smile as if he suddenly thought of something.
“Like you're going to work for me, but not literally working. It's just that you will do something for me.”
“Is it something illegal? because if it is then I'm out.”
Nagkibit balikat lamang siya bago siya nagpatuloy. “I can pay you 3 million if you-”
“I’m in!” Sigaw ko agad nang marinig ko kung magkano ang kayang niyang ibayad sakin. “Pero, hindi naman siguro 'to scam diba? Paano ka naman magkakaroon ng 3 million?”
I truly feel that this probably will end up in my regrets, pero hindi araw araw magkakaroon ako ng pagkakataon na mahawak ng ganun kalaking halaga. Kaya naman ayokong palampasin yung chance na 'to and grab it right away.
Nang marinig niya ang pagsang-ayon ko ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at agad na hinatak papunta sa City Hall.
Sa bilis ng lakad niya at laki ng mga hakbang, pakiramdam ko ay kinakaladkad na niya ako.
Ang laking tao niya at hindi naman ako ganun kalakas para makawala sa mahigpit niyang kapit sa braso ko. Kaya wala akong ibang choice kundi ang pabayaan siyang kaladkarin ako kahit na hindi na ako makalakad ng diretso dahil sa mas mahaba ang mga biyas niya sakin.
Kung hindi lang dahil sa perang babayaran niya, hindi ko hahayaang kaladkarin ako ng sinuman.
Pagkapasok namin sa loob, bigla siyang nagbitaw ng mga salita na parang isang malaking tipak ng yelo na bumagsak sa ulo ko.
“You're going to sign a contract with me.”
Nalaglag ang puso ko at nanlamig ang buo kong katawan dahil sa mga salitang sinambit niya.
A contract?
“Kontrata para saan!?” Hindi ako makapaniwala sa kung ano ang narinig ko.Sabi ko na nga ba.“Hindi ba sinabi ko na nga sayo na ayokong gumawa ng kahit ano mang illegal na gawain? Tapos ngayon gusto mo 'kong sumali sa kung ano man 'yang dark market na inaalok mo. At ang mas masahol pa… Pipirma ako ng kontrata? Hindi mo ba alam kung gaano nakakatakot pumirma ng isang kontrata? Ano ba to? Kulto, samahan ng mga adik, o ano!?” I hysterically exclaimed. Para bang may nagkakarera sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng kabog nito.Umangat ang gilid ng mga labi niya at ngumisi. “This is the most legal thing that you will ever do in your life. This ain't really just a contract, we will also sign a license. Which made it, SUPER. LEGAL.” Kalmadong ani niya na may pagdidiinan sa kung gaano ito ka-legal, habang hindi pa rin nabubura ang mga makabuluhang ngisi niya sa labi.Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa mga s
[Yesterday…]The usual deafening silence is on, ganito naman palagi sa tuwing magkakasama kaming lahat.Ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan na 'to ay parang unti unting inuubos ang aking hininga.The awkwardness is literally killing me.Ngayon ang graduation day ko at pauwi na kami sa bahay dahil tapos na ang ceremony.Napatingin ako sa rear mirror nang napansin kong sumusulyap sa akin ang stepfather ko na si uncle Jorge. Mukhang may gusto siyang sabihin sa 'kin pero tila yata nakain na ang dila niya dahil hindi man lang siya makabigkas ng kahit isang salita.Sigurado ako na hindi rin siya komportable dahil sa sobrang katahimikan. Inilipat niya ang kanyang mga tingin sa bandang ibaba at nagpasya na lang na buksan ang radyo.Nakaupo din si mom sa harapan ng sasakyan at katabi ni uncle Jorge sa driver's seat. Mukhang hindi rin siya mapakali at naaabala siya sa isang bagay na hindi ko malaman kung ano. Kumurba ang ka
“Crystal... Crystal, bumangon ka nga diyan!” Ginising ako ng matinis na boses kasabay ng paulit-ulit na pagyug-yog sa aking katawan. “Hmm…” ungos ko. “Marami pa tayong gagawin dito sa Denmark. Mamamasyal tayo at lilibutin ang lugar na 'to. Nandito tayo hindi para magkulong sa kuwartong 'to at matulog!” Sa tinis ng boses ni Trina ay nakaramdam ako ng kirot sa 'king tenga na kinainis ko. Pero, masiyado akong pagod para mag-react pa sa mga sigaw at reklamo niya. Wala akong lakas para magawang bumangon sa hinihigaan kong hindi kalambutang kama. Kung ano man ang nangyari kagabi ay talagang napagod ako— Kagabi? Napabalikwas ako sa katotohanan ng napagtanto ko ang sinabi ko, “Aray!” Nahulog ako sa kama. Idinilat ko ang aking mga mata dahil sa sakit ng ilong ko, pero wala akong makita at tila binalot ako ng kadiliman. Pumalakda pala sa sahig ang mukha ko. Sinapo ko ang aking noo nang
“Eliz.” Umikot ako para humarap kanya. Marahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi sa isang ngiti. “You look alluring in that white dress Crystal.” Muli akong umikot paharap sa salamin para padaanan ng aking tingin ang itsura kong suot ang magandang damit na 'to. Isa 'tong semi-embroidered white strapless dress na nagbibigay depinisyon sa makitid kong bewang. Humapit din ito sa bandang balakang ko na mas binigyang-diin ang hubog ito. The skirt of this dress flared out slightly, and a V-slit on the side showed a less embroidered underlayer. Medyo lumilitaw ang hiwa sa aking dib.dib kaya hinila ko ito pataas para maitago. Pero, kitang-kita pa rin at sa palagay ko wala na kong magagawa kung 'di ang hayaan na lang. It’s indeed stunning. Tinaas ko ang aking mga tingin at pinasadahan ng mga daliri ang buhok kong nakaladlad. Kinuha ko ito mula sa likuran at inilipat sa harap, inayos ko rin ng kaunti ang tuktok para bigyang volume.
Naiwan akong mag-isa sa isang malaki at eleganteng kuwarto. Dinala ako dito kanina ng dalawang lalaking kasama ko. Ang sabi nila may kailangan lang silang gawin, tapos ay babalikan rin ako kaagad.Paulit-ulit rin nila akong binalaan na huwag lalabas ng silid na 'to at maglakad-lakad sa labas.Kaya heto ako, mag-isa at tulala sa malawak na kwartong ito. Nakaupo sa isang pang-mayaman na kama, at halos hindi maabot ng mga paa ko ang sahig dahil sa taas nito.Ginalaw-galaw ko nalang ang mga paa ko at pinanood itong magbangga sa isa't isa. Ayokong gumalaw at mangialam sa kwartong 'to dahil baka makasira ako. Alam kong hindi kakayanin ng bulsa ko kahit na anong masira ko dito. Lahat ng gamit dito mamahalin, sigurado 'yon.Naagaw ang atensyon ko ng isang malaking pintuan na marahang bumukas. Napatayo ako ng biglang pumasok rito ang lalaki na walang ibang alam kung 'di ang bilinan at pagsabihan ako.Pagtalon ko mula sa mataas na kama ay medyo n
“I'm sorry, what are you talking about?” Bulalas ng lalaking tinawag na Frank kanina.“My marriage to Crystal is absolutely legal, which means ours isn't.” Ibinalik niya ang mga nakakapanindig balahibo niyang tingin sa babae. “And neither is my contract. Read the file print. As I said, unless we're married, my S.C gift to you is void. But because you didn't include anything like that in your deal, Spencers Co. and the 25% of the Villareal's Aircraft remain all mine…”Hindi makapagsalita ang babae sa labis na pagkagulat at ang tanging nagagawa lang niya ay ang makipagtitigan sa sahig na ani mo ay natalo sa laban.Matalim niyang pinadaanan ng tingin ang lalaking pinakasalan ko at ang matandang lalaking katabi nito.“How come you didn't tell me about your plans?”Kinabahan ako nang umalingawngaw ang galit na boses nung Frank.Pero parang hindi man lang naapektuhan nito ang lalaking pinakasa
Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil sa liwanag ng ilaw na sumisilaw sa mga mata ko.Oh well, kahit pa narinig ko ang sigaw kanina. Hinding hindi na ako ulit sasakay sa kotse kangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa loob, at kung ako ba ang pinapasakay.Natuto na 'ko sa mga pagkakamali ko.Ginamit ko ang braso kong panangga sa liwanag para maaninag ko kung sino ang bumaba ng sasakyan.“Crystal.”Naaninag ko ang maaliwalas na ngiti ng isang lalaking bumaba mula sa sasakyan.Para talaga siyang isang kabute na litaw ng litaw kahit saan.Siya yung lalaki na umupo sa harap ko kanina. Palagi nalang siyang sumusulpot kahit anong oras. Hindi ko alam kung nagtatago lang ba siya at lumalabas sa tamang oras. Pero sa lahat ng pagsulpot niya ngayon, ito ang pinaka nagustuhan ko.Hindi ko naman kasi talaga kayang lakarin ang mahabang kalsadang 'to ng mag-isa. At saka, nagsisimula na ring lumalim ang g
Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa rin ang nakita ko sa sasakyan kanina.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga ngisi sa labi ni Liam habang nakababa ang kamay niya sa- “Shoo.” umiling-iling na usal ko para matanggal sa isipan ang bakas ng nasaksihan ko kanina.Nalipat ang atensyon ko nang maramdaman ang init na nagmumula sa kamay kong kumakalat sa buo kong katawan. Mas idiniin ko pa ang aking kamay sa mainit na tsokolate dahil ang sarap sa pakiramdam na mainitan sa wakas ang mga katawan ko.Binalot ko ng kumot ang sarili ko dahil sa lamig na nanunuot sa buto ko.Mas maayos na ngayon ang pakiramdam ko kumpara kanina. Pero sana lang bukas hindi ako magkasakit.Nakakainis isipin na ang dahilan sa likod ng lahat ng 'to ay ang nakamamatay na damit na 'yun. — I mean, yes alam kong maganda at bagay nga sa 'kin, but it's no good to my health.Ang lalaking 'yon, alam niyang sobrang lamig dito pero pinadalhan
"Okay, eto na ang bola mo anak." Agad akong tumayo pagkatapos kunin ang bola. Sa kabutihang palad, at sa murang edad, alam ng aking anak na babae ang aking kalagayan. Kaya hindi niya ako binitawan, lalo na kapag naglalakad ako. Alam niyang hindi ganoon kabuti ang accuracy ko dahil sa sakit ko kaya naman ay nakahanda siyang protektahan ako. “Bumalik na tayo.”“Thank you, mommy...” mahinang sabi ng anak ko kaya tumugon ako habang tinatapik ang ulo niya.Maglalakad na sana kami pabalik nang may nakita akong pamilyar na pigura, napabuka ang labi ko sa gulat. Halos manigas ang buong katawan ko na parang estatwa sa lamig ng pisngi ko. “Crystal…” Narinig ko ulit ang mga salitang iyon sa bibig niya, narinig ko na naman ang boses niya. Lumapit siya sa amin at naglakad papalapit sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit medyo napaatras ako. Nakita ko sa gilid ng mat
“Tara na.” "Sigurado ka bang aalis ka sa Denmark?" “Oo. Parang panaginip lang nang makarating ako dito. I was once so happy at hinding-hindi ko pagsisisihan ang pagpunta ko sa lugar na ito. I will forever treasure the feelings I had here in Denmark. Marami akong natutunan, at ngayon ay handa na akong bumitaw at tanggapin ang pananampalatayang mayroon ako.” _______________________ 6 na taon na ang lumipas... "Mommy, kailan ko po makikita si daddy?" "Darating siya at hahanapin ka pagdating ng tamang panahon, Crystal." “Kanina ko pa tinitingnan itong litratong kuha mo sa South Korea. Mukhang masaya ka sa tatay ko. Pero, wala siya sa amin ngayon. Sana mahanap niya kami agad. Hindi na ako makapaghintay na makita siya.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang marinig
"Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka
"Nagkulong pa ba siya sa kwarto niya?" “Oo, tatay. Simula ng makabalik tayo, hindi na lumalabas si Crystal.” Sabi ni Blade. "Narinig kong humihikbi si Amara." Nagkunwari siyang matigas. Ngunit ang totoo, labis siyang nalungkot sa sinabi ng ibang tao. Kung hahayaan niya lang akong ipakita siya sa publiko, mabuti iyon. Ang aking anak na babae ay hindi isang gold digger. Siya ay isang goddamn Dawson!” sigaw niya, halata ang galit niya sa buong kwarto. “— at paanong ang kanyang asawa ay wala saanman? Wala ba siyang planong bisitahin ang asawa niya?" "Posibleng nasa manor pa siya, ama." Pagbaba ni Crystal ng hagdan na may dalang maleta, napatigil silang dalawa sa kanilang pag-uusap. Tumayo si Blade at nag-alok na tulungan siya sa pagdadala nito. “Amara? Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan mo balak pumunta?" Mr. Dawson inquired, ang kanyang mga mata ay nanlaki sa pagtataka
Parang nanlambot ang katawan ni Blade sa awa. Habang pinupunasan ang walang humpay nitong luha. "Tay, balik na tayo," matipid na wika ni Blade kay Mr. Dawson. Hindi kumibo ang ama ni Crystal at agad na pinaandar ang sasakyan. Ang kamay niyang nakahawak sa manibela ay halos mabali ito. Hindi nagsasalita si Mr. Dawson ngunit bakas ang galit nito sa kanyang mga mata. Pagkatapos punasan ni Blade ng mga itlog at kamatis ang natitirang bahagi ng katawan ni Crystal, binalot niyang muli ang isang balabal sa ulo nito at saka hinayaan lang siyang umiyak para maipahayag din niya ang kanyang iniisip. Pagdating nila sa bahay ng mga Dawson ay tila wala ng buhay si Crystal at kitang-kita sa kanyang mga mata ang emosyon. Matipid ang kilos at hakbang niya kaya binuhat na lang siya ni Blade papunta sa kwarto niya dahil n
“Salamat sa pagpunta at pagbibigay sa amin ng oras. Ginanap ang kumperensyang ito dahil sa mga balita kamakailan na nagpasindak sa lahat. Si Spencer ay magkakaroon ng isa pang kahalili ng pamilya. Si Crystal, ang asawa ng aking anak, ay nagdala sa amin ng isang pagpapala na ibibigay namin ang aming oras upang turuan at mahalin. Magandang balita ito para sa amin, at umaasa kaming lahat ay magdiwang kasama ang pamilya ni Spencer. ” masayang utos nito habang nakatingin sa mga camera. Sandaling palakpakan ang bumalot sa silid. "Maaari ka nang magsimulang magtanong." Agad namang nagtaas ng kamay ang isang reporter. "Kailan mo nalaman na buntis si Mrs. Crystal Spencer at ilang buwan na niyang dinadala ang bata?" Nilingon ng ina ni Liam si Crystal dahil umaasa siyang sasagutin nito ang tanong. Pero, nakapikit lang ang mga labi ni Crystal at para siyang natulala sa kawalan. Kaya naman, ibinalik na lang ng nanay ni Liam an
Agad kong inilipat ang tingin ko kay Liam at ngayon ay nakatitig lang siya sa sahig. Nanginginig ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ba't sinabi ko na ayaw kong ipaalam sa publiko ang tungkol sa akin at sa aking anak? Ngunit ano ito? Ano pang conference ang pinag-uusapan nila? “Hindi po ma’am. Ikinalulungkot kong biguin ka, ngunit hindi ako nagpapahintulot ng anumang publisidad para sa ating anak. Ang kumperensyang ito ay hindi dapat idaos dahil hindi ko hahayaan ang aking anak na maging kahalili para sa iyong matagal nang pinag-iingat na kumpanya na kasama-pinagmamalaki. Hindi ko gusto ang kanilang madilim na buhay sa likod ng napakatalino na bagay. At mas ayaw kong maranasan ito ng anak ko. "Dapat sinabi mo sa akin ng mas maaga. Alam na ng publiko. ” Nagkibit-balikat ito sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili kong titigan s
"A-Ano..?" Para akong nabingi sa sinabi ni Blade. “Rally? Anong ibig mong sabihin? ” "Tingnan mo ang lugar na iyon." Sinundan ko kung saan nakatitig ang mga mata ni Blade at may nakita akong mga taong may dalang mga karatula at poster. "Anong nangyayari?" Natatakot akong magtanong. "Bakit nangyayari ito sa mga Spencer?" Malalaman mo rin kapag nakapasok na tayo. Sa ngayon, mas mabuting makinig ka na lang muna sa akin at isuot mo. Hindi na ako umangal at agad na ibinalot sa katawan ko ang cloak na binigay ni Blade at nilagyan ng cap sa ulo ko. Sa gilid ng mata ko, nakita kong lumabas si Blade at hinintay ko siyang lumingon sa upuan ko. Pagbukas niya ng pinto ay halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Halos hindi ko na maintindihan ang sinisi
Natigilan ako sa sinabi ni Blade. Tama siya. Hindi ako pwedeng puntahan ng personal ni Mrs Spencer lalo na at baka makilala ko pa ng ibang tao ang tunay kong katayuan. Kilala nila ako noon bilang Crystal Harrison at sapat na sa akin ang pangalang iyon. Nasa kanila na kung tatanggapin nila ako o hindi. “Pero, ano ang dahilan kung bakit nila ako tinatawag? Tungkol ba ito sa magiging anak namin ni Liam? ” tanong ko ulit at medyo kinabahan din ako. “Oo, I suggest na magbihis ka ng maayos at ayusin mo ang sarili mo bago kita dalhin doon. Kumain ka muna. ” Napataas ang kilay ko dahil sa inasta ni Blade. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin. Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya at nagsimulang kumain. Hindi naman siguro siya nagmamadali? Napatingin ako kay tatay na ngayon ay nakatitig lang sa akin at parang naaawa siya