แชร์

Stranded With A Hot CEO
Stranded With A Hot CEO
ผู้แต่ง: Elena Parks

Chapter One

ผู้เขียน: Elena Parks
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-04-02 00:34:06

Napansin ni Lola Kora ang naiinis na pagbuntong-hininga ng apong si Joey na noon ay nakaupo sa swivel chair nito sa parte ng maluwang na salas kung saan naroroon ang maluwag nitong writing space. 

May tatlong floor-to-ceiling bookshelves doon na puno ng libro at mga paraphernalia na nakolekta sa iilang taon pa lamang nitong writing career, at iyong malaki nitong desk na nabili noon pang twelve years old ito ang nasa gitna. Iyon din ang mismong pwesto kung saan ito nag-aaral noong estudyante pa na ngayong manunulat na ay hindi na nabago. 

Estudyante pa lamang si Josefina Marionne Ledesma ay nananalo na ito ng mga patimpalak sa pagsusulat. Maliit pa lamang ito ay magaling nang mag-imbento ng mga kwentong noong una’y kinukwento nito sa kanila impromptu anumang oras na sumpungin ito, hanggang sa nagtagal ay sinusulat na ng kamay sa mga notebooks nito. Natuto ito ng sarili sa pagtipa sa keyboard ng computer desktop na binili nila para rito at noong highschool naman ay nagsimula itong sumali sa mga pa-contest sa internet, kung saan lagi itong may napapanalunang kung hindi materyal na bagay ay virtual gift o kaya naman ay dolyar.

Noon pa man, alam nilang magiging isa itong propesyonal na manunulat pagdating ng araw, at naselyuhan iyon nang bukod sa ilang mga librong nalimbag sa traditional publishing mula nang maging sikat ito sa W*****d, dalawa sa mga iyon ay naisapelikula bago pa man ito grumadweyt.

Hindi rin biro ang pressure na dinanas ng dalaga sa karera nito. Isang likas na introvert at pribadong tao, bihirang bihira itong makipag-usap sa mga fans nito online o kaya ay makipagtagpo sa mga ito gaya nang ibang mga bata pang writers na nakasabayan nito. 

Mas ginugugol nito ang libre nitong mga oras sa pagbabasa dahil isa pa iyon sa kinahihiligan nitong masyado mula pa pagkabata. Madalas itong mag-post nang kung anong binabasa nito o kaya ay proyektong sinusulat, pero generally ay hindi ito nakikipag-connect. 

Mistula namang nasanay na roon ang mga tagasubaybay nito, iyon nga lamang ay sa mga iilang book signing events na dinaluhan ng dalaga ay lumulutang ito dahil maganda. Sa mga events na iyon ay walang palya silang nilalapitan ng scouts kung papayagan nilang mag-artista o magmodelo ang dalaga. Wala iyon sa personalidad nito at ni hindi nito iyon inisip ni pinangarap. Sadya namang ayaw ng apo nila at para lang hindi na ito kulitin, sila na ang paulit-ulit na tumatanggi para rito. 

Pero sa mga ganoon ding pagkakataon ay hindi nila ito nakikitaan ng kawalan ng pasenya sa pagtrato sa mga followers. Hindi nga lang ito madaldal, at hindi dahil suplada ito.

“Imposibleng makalapit ko sila sa sandaling daldalan, Lola Kora. Ayokong umarteng kaya kong palagi silang kausap kasi hindi ‘yon totoo, at alam ko ring hindi ako makakapag-commit ng friendship. Nag-iisa lang akong tao at ang dami nila. I will just disappoint them. ‘Yung mga books ko lang ang kaya kong ibigay sa kanila na galing sa puso ko. Sa pagsusulat ko na lang ilalagay iyong hindi ko maibibigay sa kanilang atensyon.”

Mas dinidibdib ni Joey ang pressure ng pagsusulat. Mas dinadamdam nito kapag hindi ito makatapos ng kwento. May mga pagkakataong ni hindi na nito tinatapos ang isang librong matagal nitong binigyan ng panahon dahil nagdududa itong magugustuhan iyon ng mga kabataang tagasubaybay nito. At may mga libro itong sinulat na ni hindi nasilayan ng sikat ng araw dahil tinuturing nito iyong pribado at para sa sarili lang nito. Iyong mga hindi pa ito handang mabasa nang iba. 

May mga manuscript din itong binabalikan kapag tingin nito ay kaya na nitong tapusin iyon. Dahil bata pa sa karanasan sa edad beinte-kuwatro, karamihan syempre ng alam nito tungkol sa mga mature na bagay ay nagmula lamang sa libro. Madali sa dalaga ang horror, ang suspense, ang pantasya. Pero hirap ito sa romansa. 

May mga araw na maayos lang dito ang takbo ng kwento.

May mga araw namang gaya ng araw na ito. 

Hindi na mabilang ang buntonghiningang iyon sa nagdaang tatlong oras na nakaupo ito sa harapan ng kompyuter nito, na noong sinilip ni Lola Kora nang pasimple sa gilid ng balikat nito ay blangko pa rin maliban sa titulo sa itaas ng pahina sa loob ng parang telebisyon na monitor na wala nga lang istasyon. 

Napatingin ang matanda sa pinsan na si Tinay na naggagantsilyo ng striped na pula at puti na sweater para sa isa sa mga magiging bago nilang apo sa isa pang pinsan. 

Napatingin din si Tinay sa kanya, saka nakangiwing umiling-iling. Nag-aalala rin ito, at maaaring iyon din ang dahilan kung bakit ito nakatambay din sa salas, kunwari ay abala. Siya ay may hawak na libro pero hindi naman niya binabasa dahil sa pagmamasid sa problemadong apo.

“Wala na naman yatang maisulat si Joey ngayon,” paanas niyang sabi rito. 

“Ilang beses nang nagsimula pero binubura. Kahapon pa ‘yan sa bagong title na ‘yan. Pinalitan na naman,” anito.

Nagbuntonghininga siya. “Baka, Tinay. Puro romance yata ang hiling ng mga fans ngayon. Paulit-ulit sa kanyang watpad, aba. Gusto ay iyong may mga nakakaeskandalong eksena pa. Alalahanin mo, hindi pa ‘yan kailanman nagkaka-boyprens. Saan ba siya kukuha ng ekspiryens?”

Kumunot agad ang noo ni Tinay. “O, e, bata pa naman siya. Hayaan mo munang mag-enjoy sa buhay niyang single.”

“Paanong hindi magiging single, walang napupuntahan? Hindi na nakakakilala nang ibang mga kaibigan.”

“Tingin ko naman ay hindi naghahanap. Noong isang linggo lang, may nagpasabi kay Hazel na gusto siyang makilala at crush daw, ay hindi man lang pinansin.” Si Hazel ay ang kaibigang matalik ng kanilang apo. May iba pa itong mga kaibigan pero ang dalaga ay nanatiling pinakamalapit kahit noong panahon nang mahigpitang mga lockdowns sa loob at labas ng bansa nang dahil sa pandemic. “Saka… kung sakali pwede siyang magpahinga habang hibang pa sa mga ganyan ang mga mambabasa niya. Hindi niya kailangang kumita. Mabuti pa sigurong unahin muna niyang makipagkaibigan, hane?”

“Maraming may kras sa kanya kaso hindi niya type.”

“Ay paano?”

“Maaari ring naiinip na siya rito sa bahay. Matagal na siyang hindi nakakalayo. Tayo na lang lagi ang kanyang kasama. Eh ako nga nagsasawa na sa mga mukha natin, ang apo pa natin?”

Pinanlaliman ng tingin ni Tinay si Kora. “Sabagay, ako nga ay sawa na rin sa mukha mo.”

“O, ‘kita mo?” sambit ni Lola Kora na hindi man lang nainsulto. “Kung makakapamasyal siya uli, trabel-trabel ba? Baka may makilala siyang gwapong lalaki at ‘yong nga sinusulat niya, magkaroon ng basehan. Lalo na ‘yang mga romansahang iyan.” Napangiti siya. Palihim siyang nagbabasa ng mga sinusulat ng kanyang apo nitong huli. Panay romansa. Kahit papaano naman ay nakakapag-imbento ito ng mga nakakakilig na eksena kahit ni hindi man lang nakaranas makipag-holding hands sa mga boys.

“Utang na loob, Kora, baka marinig ka at kung anong pumasok sa isip ng apo mo. Baka kung anong kakirehan ang masulat.”

Umismid si Kora. Kung mababasa lamang nito ang mga nabasa niya, ewan niya kung hindi ito lalong humanga sa apo. Pero paano mangyayari iyon, noong nagsusulat pa ng horror at tungkol sa mga aswang si Josefina, binangungot ito at hindi na umulit magbasa? 

Pagkahinang nilalang.

Pero hindi niya ito paliligtasin sa sinabi nitong iyon.

“O, eh, ano naman? Ikaw, parang hindi nagdaan sa pagkabata. O hindi ba’t ilang beses kang tumatakas noon at nakikipag-date, kaso ay ka pili mo. Si Roberto, kamo ay parang s**o kung humalik. Si Manuel, mas kilitiin pa sa ‘yo. At si Orlando, maliit ang—”

“Naririnig ko kayooo…” biglang sambit ni Joey mula sa desk nito. 

“Braso. Maliit ang braso. Pero si Bienvenido na pandak ang malaki ang—”

“Koraaaa!” saway ni Tinay habang pinanlalakihan siya ng mga mata.

Hindi pinansin ni Kora ang pinsan dahil ang nakikita niya ay ang pag-uga ng mga balikat ng apo sa tahimik na pagtawa.

Noong narinig niyang tumatagatak na ang keyboard nito matapos ang ilang sandali ay tumingin siya kay Tinay, na nangingiti na rin. 

Saka siya bumalik sa kanyang libro at tunay na nga ngayong nagbasa.

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Two

    “What?” gulat na reaksyon ni Pepper sa sinabi ng kaibigang si Oliver. “How can she get pregnant? That’s impossible!”“Why is it impossible?” nakakunot-noo ang kaibigan niya habang nakaupo sa isa sa mga armchairs sa isang sulok ng maluwang na opisina ni Pepper sa industrial design na interiors ng workplace niya sa Ortigas.It was a double warehouse and headquarters. He had just acquired the place last year, and this year, they were working to acquire financing for a much larger project, isang business na kino-consolidate nila ng dalawa pang mga kaibigang wala roon ng mga sandaling iyon dahil parehong may personal na mga lakad.“Maniwala ako sa ‘yo, p’re. Noong hinila ka niya paakyat sa kwarto hindi na kayo nakababa.”Umiling siya habang nag-iinit ang mga pisngi. “Nalasing kasi ako kaya nahila niya ako sa kanyang kwarto. It’s not like we didn’t try. I wasn’t into it. Saka…” Naiinis na naisuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok. “Hindi ako sumama sa kanya sa taas to have sex. Hindi i

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02
  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Three

    “Mom, bakit ka matamlay?”Napaangat ang tingin ng mother ni Hazel sa dalaga. Sa harapan nito, nakapatas ang mga receipts ng mga bills na kailangang bayaran sa katapusan ng buwang ‘yon. “Pa’no ako matutuwa nito, e, male-late na naman ang remittance ng Daddy n’yo? Kukulangin ang budget kong pambayad sa mga bills natin at monthly amortization.”Nagkataon namang nagdaraan si Ara, mas nakababatang kapatid ni Hazel, para kumuha ng tubig sa ref. Narinig nito ang huling sinabi ng ina. “Bakit, Mom? Kulang ba ang pot money natin?”Bumuntunghininga ang ginang. “Oo, e. If you girls can help out, please? Ayokong ma-late sa bayad sa bahay. Hindi natin mahahabol ang rebates.”Nagkatinginan ang magkapatid.“Sige, Mom, we’ll help,” ani Hazel. “Ako rin. Baka may malo-loan-an ako sa mga—““Ah-ah, no utang,” sabi naman ng kanilang Mommy. “We need an additional income, hindi additional utang. I told you, girls, ‘di ba? Last option ‘yon. Hindi naman malaki, konting kulang lang.”Bumuntunghininga ang magk

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02
  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Four

    Three days later.“’Kita mo naman, naka-discount ka na, libre hatid ka pa. Bargain na bargain ka, tapos hindi mo man lang mai-dedicate kahit isa man lang sa mga bestsellers mo sa ‘kin?”“Bestsellers? Magtigil ka nga d’yan,” natatawang saway ni Joey sa nagsesentimyentong kaibigan sa likod ng manibela. On the way sila sa resthouse ng tito nito sa Tagaytay. “At ‘yon lang naman pala ang gusto mo, ‘di mo agad sinabi. H’wag kang mag-alala, ang novel na matatapos ko sa bahay ng tito mo, idi-dedicate ko sa ‘yo tapos sasabihin ko pang maganda ka kahit hindi naman totoo!”Sumimangot ito. “Eh kung bawiin ko na lang kaya ang discount mo tapos singilin kita sa gasolina nitong kotse? Ang mahal-mahal—”“Gagi, babayaran ko syempre ang gas tapos dadagdagan ko ang fettucine na iluluto natin ngayon para madalhan mo sina Tita.”“Paborito niya ‘yon, hindi ko,” reklamo ni Hazel.“I’ll add na lang na sexy ka rin sa dedication, o?”“Gaga. Sexy naman talaga ako.”“At may brains?”Ngumiwi ito. “Sadya, ‘no?!”N

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02
  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Five

    Pumasok na siya sa bahay at isinara niya na ang pinto. Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. “Ano pa kayang oras darating ‘yon?” natanong niya sa kanyang sarili tungkol sa isa pang renter. Hindi pwedeng hindi niya i-lock ang pinto, syempre. Kaso atat na atat na siyang balikan ang kwento niya, at baka masyado siyang maabala hindi niya agad mamalayan kung may dumating na pala. Ang alam niya, nabigyan na ng duplicate ng susi ang Pepper na ‘yon through the third person. Sobra daw kasing busy kaya hindi na nakapunta at ipinakuha na lang muna. Kaya kung i-lock man niya ang pinto, makakapasok pa rin ito.Isa pa, gusto niyang matulog muna bago magsimulang magtrabaho. Hindi siya nakatulog nang maaga kagabi dahil ang dami-daming ibinilin sa kanya ng kanyang mga lola. Sa tabi pa nga niya nakatulog si Lola Kora kasi ang control freak niyang lola na si Lola Tinay, gumawa pa ng listahan na siya ang pinagsulat kasi masyado nang malabo ang mga mata nito. Nakatulog na si Lola Kora sa kahihintay

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02
  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Six

    Matapos kumain, si Hazel ang sunod na nakausap ni Joey. Tinawagan niya ang kaibigan para makapag-bigay ng update dito. “What? Wala pa rin ‘yung Pepper? Siguro kasi masama ang panahon. Sana pala hindi muna kita iniwan,” sambit nito noong sinabi niyang wala pa ang makakasama niya. “Mag-isa ka lang tuloy d’yan, tapos may bagyo pala. Naku, teka, nakausap mo na ang mga lola?”“Oo, tinawagan nila ako. Sinabi ko na lang na dumating na ‘yung Pepper para hindi sila mag-alala sa akin dito. Alam mo naman ang mga ‘yon.”“Oo. Baka pilit magbyahe para lang masamahan ka.”“Oo.”“Kumusta ka naman? Nagsulat ka na ba o nagpahinga ka muna?”“Three chapters… and some revising,” sagot niya sa masiglang tinig. “Thank you, Lord!”“Wow! Sabi ko na sa ‘yo, eh! Dapat pala noon pa para tapos na ngayon at may hinihintay na lang tayong imprenta. Mas napaaga sana ang profit ko.”“Gaga.”Nagkuwentuhan pa sila saglit bago nagpaalam sa isa’t isa. Nag-aalala pa rin ito at sinabihan siyang tawagan agad ang iniwan nito

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02
  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Seven

    Nakatitig si Pepper kay Joey. Halatang bagong bangon lang ito, gulo ang buhok, walang make up, naka-pajamas at robe na pale pink, at bagong gising ang mga mata kahit namimilog ang mga iyon ngayon. Mahaba ang buhok nito, bahagyang kulot, at hugis-puso ang mukha. Ang mga kilay… ang elegante ng hugis. Makapal at may pilantik ang eyelashes ng almond-shaped na mga matang iyon. Sa mga matang iyon at matangos nitong ilong, sulit na sana. But her lips… plump. And red. Sumptuous, kissable lips.Hahalikan kita kahit anong mangyari. Just wait. I will.Muntik nang mapabuntonghinga si Pepper habang tinatago ng mukha ang imboluntaryong naisip. She’s definitely a woman, in all the physical ways that count. And she’s the most gorgeous tousle-haired woman he had ever seen in his entire life. So why the hell was she Joey, again? And why couldn’t he speak suddenly right now, while her eyes traveled over him?“Lalaki si Pepper? Oh my god,” anito, natatawa at namumula ang mga pisnging iyon.“Ahm, I’m

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02
  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Eight

    Pagdating sa kusina, sandaling tumigil si Joey para humabol sa pagkamangha sa kanyang sarili.Hindi pa niya naranasang dumaldal nang ganoon sa kahit sinong bagong kakilala sa buong buhay niya! But she didn’t feel like she did something was terribly wrong. Hindi rin ito mukhang na-weird-uhan sa kanya—thank god! In fact, he looked like he really enjoyed her babbling kaya kahit hindi na siya nahihiya.Lihim siyang napangiti habang naaalala ang pakiramdam sa bandang huli, noong sinubukan niya itong… landiin—the word Hazel would use. Hindi pa rin siya makapaniwala habang naaalala kung paano natulala si Pepper. And she could do this. she really could. Narinig niya ang ingay nang pagsunod nito sa kanya at napakilos siya. Binuksan niya ang fridge at kinuha niya ang nasa pinakaibabaw na Tupperware, iyong naglalaman ng marinated na tapa na inulam niya rin kagabi.Pumasok ito sa kusina. Nginitian niya ito bago siya nagtungo sa worktop para ipagpatuloy ang ginagawa. Nilagay niya ang rice cooker

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02
  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Nine

    Ang totoo, nalilito si Pepper. Titig na titig sa kanya si Joey at kahit ngayon lang niya ito nakilala, ramdam niya ang lakas ng hatak nito sa kanya. Umiwas siya sa gulo sa Manila kaya siya naririto, pero ngayon ba mapapasok na naman siya sa isa? Nagulat pa siya na gusto niya ang ideya na maaaring gusto siya ng babae—isang virtual stranger, really—sa kabila nang kapangyayari lang kay Hanna. Hindi sa pagmamayabang, talaga lang as long as he could remember, malakas ang hatak niya sa babae. Noong maliit pa siya, dahil cute siya at bibo, pinag-aagawan siya ng mga girl playmates niya sa park. Marami ang mga itong ‘boyfriend’ siya. Kapag nagpapaalam sa kanya kung sila na, payag naman siya nang payag. Lalo na kung hahalik siya sa pisngi kasi ang lambot ng mga pisngi at ang bango. Kilig na kilig siya sa tuwa kapag nakakahalik siya sa mga pisnging iyon.He liked girls, he knew that even before he knew about the different anatomies of boys and girls. He loved that they liked him, too. Noong

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-04-02

บทล่าสุด

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Thirty-Five

    KANINA pa may nahahalatang kakaiba si Pepper.They were having a big lunch with family and a handful of close friends before he and Joey could leave in his lolo’s yacht to go sailing away to the islands. Something’s going on.Pinakamalaking give-away iyong laging magkadikit na mga ulo nina Lola Tinay at Lola Kora. Pero bago pa man ito, ilang beses niyang nakita ang smirks nina Oliver, Rick at Jim. And come to think of it, even his Lolo Ruel’s tap on his shoulder and ‘I’m so proud of your dick, apo,’ suddenly became suspect. He’s always cracking jokes like this about the Magsaysay equipment so he just grinned at him. On the other hand, he thought at first they were teasing him about his honeymoon. Joey was glowing. She looked so happy that he did feel very proud of himself. But his mother blushing, then bursting into a laugh that she would try to hide by turning to his father and hugging him…And his Dad giving him a thumbs up.Dad didn’t do thumbs up.What the hell is going on?

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Thirty-Four

    WELL, they had to eat.Kahit sobrang glorious ng kanilang magdamag ni Pepper, eventually nabalik sa kanyang bokabularyo ang mga words na bagel, or cereal, bacon, sunny side-ups… fried rice…? Nag-angat ng tingin si Joey mula sa hubad na dibdib ng asawa at nakitang tulog pa ito. Poor baby. Pagkatapos noong unang beses na frantic nilang sex, they were able to focus on actually making love. He whipped his lubricant bottle out again because she was a little sore from the first round. Kahit na-devirginize na siya noong nasa Tagaytay pa sila, she was still tender. Pero masyado silang gigil na gigil ni Pepper sa isa’t isa so he had his boner boning her three times more before morning.Isa pa, napakaaga pa. Sanay siyang nagigising ng four AM. Minsan pa nga mas maaga pa. But it was maybe already a little past five right now? Kasi may dull na liwanag na sa labas bago tuluyang sumikat ang umaga. Nakasara pa ang mga drapes kaya madilim pa sa bedroom. But she’s really hungry.Noong bumangon si

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Thirty-Three

    “ARE you tired?” malambing na tanong ni Pepper sa asawa habang buhat niya itong ipinapasok sa kanyang penthouse flat. Binuhat niya ito mula sa private elevator pa lamang papasok sa loob, at ngayon ay naglalakad siya sa hallway.It was already about seven in the evening and they had just driven home from the reception. The wedding was about three pm and everybody went to the reception area in the same venue after the ceremony. They stayed there until about six, kung saan mukha namang nasulit nila ang oras para makilala nang lubos ni Joey ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan at maka-kuwentuhan naman ng mga lola ang kanyang mga kamag-anak.The grannies were a success. Ang kombinasyong ng makulit na si Lola Kora at stoic na si Lola Tinay ay nakawili sa kanyang mga kamag-anak. The fact was, he also had fallen for them the first night he met them. Ang unang unang nakaapekto sa kanya ay ang malinaw na dedikasyon ng mga ito kay Joey, pangalawa ay ang honest na personalidad at karakt

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Thirty-Two

    “ANO si Montes?” naiiritang paalala ni Lola Tinay.“Si Montes. Ay!” Nagbalik sa thread si Lola Kora. “Hindi ba ‘yan ‘yung nag-extra doon sa pelikulang ginawa galing sa una mong libro? Naalala ko dahil Hanna Monta—”“Montes,” singit ni Lola Tinay.“—Tes ang pangalan, malapit nga sa Hanna Montana,” gigil nitong sambit sabay tingin sa pinsan na parang ito pa ang may kasalanan nang lahat.“Really?” sabi naman ni Pepper sa tinig na parang masasamid. Nahihirapan na ito sa pagpipigil tumawa. “Nag-act si Hanna sa movie mo?” Nag-init ang mga pisngi niya sa proud nitong tono. “Hindi aking movie. I just—” Gah! Ngising ngisi ang loko. “Anyway, if ipipilit ng babaeng ‘yan na ikaw ang nakabuntis sa kanya, may online presence ako para labanan siya. Plus, ‘yung sunod na novel sa series na ‘yon, nililigawan ng same film company na may contract siya. Pwede akong um-oo sa iba kapag talaga hindi siya magsasabi nang totoo.”Pero nakakunot ang noo ni Pepper. “Baby, ayokong ilagay mo ang sarili mo sa sitwa

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Thirty-One

    “LOLA, ano ba? Ang sakit no’n, ah!” reklamo niya.“Aba, aba, aba! Bakit nakapatong ka na d’yan? Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan! Baka isipin ng mga kapitbahay, pabaya kaming mga taga-ingat mo!” Tumuro ito sa labas.And sure enough, noong mapatingin siya roon, nasa labas ng gate ang ilang mga kapitbahay na naka-duster. Hawak pa ang mga walis-tingting gayong alas siyete na nang gabi. Makikita mo pa ba ang kalat sa lupa sa dilim na ito?“Beinte-kuwatrong taon ka naming inalagaan tapos unang dalaw sa ‘yo ng lalaki, nakasampa ka na agad?!”“Tinay… ano ka ba? Gusto mo bang umabot pang alagaan natin siya hanggang kuwarenta’y sais? Aba’y buti nga at nagka-boyprens agad—aray!”“Isa ka pa! Isa ka pa, Kora! Sabi ko sa ‘yo bantayan mo at may kukunin lang ako sa taas. Tapos kilig na kilig ka pang namimilipit habang nanonood d’yan?!”“Ah!” ani Lola Kora habang hawak ang kamay na nahapyawan ng tungkod ni Lola Tinay. “Paanong hindi ako kikiligin, naaalala ko ‘yung mga panahong nililigaw

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Thirty

    NAPANSIN NI KORA ang sumusukong pagbuntonghininga ng apong si Joey. Hindi na iyon mabilang sa nagdaang limang araw tuwing maupo ito kahit saan at matutulala. Sa pagkakataong iyon, nasa harapan na naman ito ng kompyuter nito, na nang sulyapan niya nang pasimple sa ibabaw ng balikat nito ay blangko pa rin hanggang ngayon maliban sa chapter sa itaas ng pahina sa loob ng parang telebisyon niyon na wala nga lang istasyon. Napatingin ang matanda kay Tinay. Napatingin din ito sa kanya, saka malungkot na napailing.“Wala pa rin maisulat si Joey,” paanas niyang sabi rito. “Ano bang gagawin natin? Mukhang dinibdib yata talaga ang nangyari sa kanila ng lalaking iyon.”“Wala na naman sigurong maimbentong isturya,” anito.“Brukenhurted.”Nag-angatan ang mga kilay ng kanyang pinsan. “Paanong mabubrok? Hindi naman niya naranasang umibig?”“Tsk. Hindi naman natin talaga alam kung anong nangyari sa kanila. Ang alam lang natin ay nagkagustuhan sila at hindi lang makapagsabi sa atin dahil nga tiyak n

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Twenty-Nine

    BAGO MAGBALIK sa salas si Joey ay pumuslit muna siya sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang cellphone at buksan ang kanyang mga messages. The video was about five minutes each, putol-putol. So mga twenty minutes. Hindi niya kayang panooring lahat dahil hinihintay siya sa labas, but she saw enough para kumulo ang dugo niya. Kinontrol talaga niya ang mukha niya bago siya lumabas ng kwarto at sumama sa mga ito sa salas.Nakaupo ang mag-iina sa sofa habang si Pepper ay sa isa sa tatlong armchairs. Naupo siya sa isang armchair. May nasimulan na sa pag-uusap. Si Tita Lucy ang nagsasalita, at iyon ay tungkol sa kalituhang nangyari tungkol sa sex ni Pepper at niya. She wondered if it would have made a difference if he’d been gay. Pero tinaboy niya iyon agad kasi may sex video na nga at iyon ang dahilan kung bakit napasugod ang mga ito, sigurado siya. It would not fly.Kagat niya ang itaas na labi noong maupo siya sa armchair. Ramdam niya ang tingin sa kanya ni Pepper habang nagsasalit

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Twenty-Eight

    HINDI PA rin makapaniwala si Joey sa nangyari sa kanila ni Pepper. No, they didn’t use the tub. Nataranta ito, but they both knew it couldn’t stop his tailed minions from getting to her egg once they’re inside her womb—na nangyayari kapag nakabaon ito sa kanya at wala itong rubber. It was actually silly. Anak pa mandin ito ng isang doktora na ang specialty ay may kinalaman sa babies. At siya, na isang romance author, who had researched everything she could about getting pregnant because she has used it so many times as a plotline…Kung hindi lang siya natatakot, she would have laughed at them both.Pero mas talaga ito.Imagine, anak pa mandin ng mga doktor, gusto siyang ilubog sa tubig sa bathtub para mag-swim-out sa kanya ang sperm nito? That was how panicked he was. Nagpababa siya mula sa pagkakabuhat nito at nagtungo sila sa ordinaryo nilang banyo para linisan ang sarili.Ang nakakabaliw, noong makabawi ay bigla itong chill na chill. Siya ang taranta pa rin. Siya ang nagsisimu

  • Stranded With A Hot CEO   Chapter Twenty-Seven

    THEY WERE ripping clothes off each other as soon as they entered the back door. Granted, basa na naman sila. But they weren’t doing this for that. Panties na lang ang suot niya habang naka-briefs ito noong magtanong. “Your room or my room?” “Yours,” sagot niya, ngumingiti rito. Gusto niyang naaamoy ito sa kama at sa kumot. Isa pa, hindi niya alam kung bakit mas dama niya ito sa kwarto nito kaysa sa kanya. At doon nga siya nito dinala sa mabilis na mga paa. Siya ang pumihit sa seradura ng pinto, at magkahinang nang muli ang kanilang mga labi bago pa siya nito maihiga sa kama, kung saan nito pinagpatuloy ang mainit na halik hanggang sa pakiramdam ni Joey ay inaapoy na siya ng lagnat ng pagnanasa. Bawat kiskis ng katawan nito sa kanya ay nagpapabaliw sa kanya, bawat himas ng mga kamay nito sa kanyang dibdib at paglalaro ng thumbs sa kanyang mga nipples ay nagpapabitin sa paghinga niya. Bawat ungol nito ay nagdadala ng kiliti sa kanyang katawan diretso pababa sa kanyang puson. At

DMCA.com Protection Status