Nakatitig si Pepper kay Joey. Halatang bagong bangon lang ito, gulo ang buhok, walang make up, naka-pajamas at robe na pale pink, at bagong gising ang mga mata kahit namimilog ang mga iyon ngayon. Mahaba ang buhok nito, bahagyang kulot, at hugis-puso ang mukha. Ang mga kilay… ang elegante ng hugis. Makapal at may pilantik ang eyelashes ng almond-shaped na mga matang iyon. Sa mga matang iyon at matangos nitong ilong, sulit na sana.
But her lips… plump. And red. Sumptuous, kissable lips.Hahalikan kita kahit anong mangyari. Just wait. I will.Muntik nang mapabuntonghinga si Pepper habang tinatago ng mukha ang imboluntaryong naisip. She’s definitely a woman, in all the physical ways that count. And she’s the most gorgeous tousle-haired woman he had ever seen in his entire life. So why the hell was she Joey, again? And why couldn’t he speak suddenly right now, while her eyes traveled over him?“Lalaki si Pepper? Oh my god,” anito, natatawa at namumula ang mga pisnging iyon.“Ahm, I’m sorry,” nasambit niya nang sa wakas ay makapagsalita siya. “Yes, I am. And why Joey?”Nakita niya ang muling pagtikwas ng magkabilang dulo ng mga labi nito. Nagpipigil itong matawa ulit, but her eyes were dancing. “Josefina Ledesma. Jose… then Joey.” Nagkibit ito ng mga balikat. “Hindi nila nilinaw sa ‘yo na babae ang makaka-sama mo dito sa bahay?” “No. Akala ko noong una, girlfriend ka ni Joey,” sabi niya. Sleek, dude. Way to go to find out if she’s single.Nagtiim ang mga labi nito and he had the suspicious feeling she knew what he was doing. “Ah. No. Hindi lesbian si Joey, as in I know the boyfriend Joey is actually a woman. So, no.”Thank God for that! These days…“So why Pepper?”Ikinipit niya ang kanyang malamig na mga kamay sa kanyang kilikili bago sumagot. “It’s actually Peter. Pero ang explanation ng Mommy ko, whenever I would say my name noong maliit pa ako, I’d say Pepper. I had long hair—my parents. Whatever were they thinking? I looked like a girl daw. People will ask my name sa malls at parks and I’d say Pepper, and it stuck. It’s actually fun watching people’s surprise kapag nalaman nilang lalaki pala ako.”Pinanonood siya nito. Nakatitig ito sa kanya, and she had unusual focus on that stare. “I guess Pepper could be anything.”“Ah, no. Straight ito. Like, uh, you.”Ngumiti na naman ang mga labing iyon at nagbaba ito ng tingin. He was suddenly thinking how brave she was, that she didn’t do anything stupid after seeing a man she didn’t know in the house with her. Maybe shriek like a banshee. Instead, nag-isip ito, nakitang nasurpresa rin siya, na galing siya sa kwarto, at nakapasok siya sa bahay kasi meron siyang susi. She didn’t think he was an intruder at all.Beauty and wit. She’s really very attractive, and he should really stop gawking at her because it was clear she was trying to calm down from the surprise of their meeting and trying to get her control back. This was usually the part where things get tricky. “Can I come into?”Tumango ito. “Sure. It’s your kitchen, too,” anito. “I really need coffee right now,” sambit niya habang nakatingin sa mug nito habang lumiligid sa island. Pero nagulat siya nang makitang maputi ang likidong umuusok pa sa mug. Milk. No jewelries, clear skin. Heart-shaped, youthful face and those large eyes that look innocent but intelligent. It somehow fitted. “I have coffee,” anito, at pinigil niyang mangiti dahil may defensiveness sa tono nito.“Really? I had no time to shop for anything dahil hinabol ko ang chance makapag-drive bago dumating ang storm. Kaya lang inabutan din ako.”“Naging busy din ako since yesterday… umalis ako sa amin na ang alam ko masama lang ang panahon. It’s turned into a storm after I got here.”Napailing siya. “You don’t know how busy I was before today. Nasa drive na ako when I got a call from my friend telling me there’s a storm coming in.”Nagbuntonghininga ito. “I’m not saying you can’t have my coffee, Pepper. May instant coffee ako, at may cocoa bars din sa fridge kung gusto mo ng hot chocolate drink. Kumpleto ako sa stock hindi dahil nagkaroon ako ng oras mamalengke, kundi dahil may dalawa akong lolang tumulong mag-pack ng kailangan ko. In fact, I’ve got hot water already boiling for you.” Sumilip muli ang ngiting iyon. “I was actually thinking na baka lumabas ka at kailangan mo ng mainit na beverage.”“Thanks, Joey,” aniya, nakatitig pa rin dito hanggang mamalayan niya ang kanyang ginagawa. At ninenerbyos siyang tumawa. Why the hell was he nervous? “I’m sorry. I still can’t believe you’re female.”Ikiniling nito ang ulo habang tumatango-tango. “Me, too.”“That you’re female?” tudyo niya habang kumukuha ng mug sa cupboard. “That you’re not a ghost.”Napakunot ang kanyang noo habang binababa niya ang mug sa granite surface ng island. He did not expect that. “Ghost?”Narinig niya ang mahina nitong tawa. “When I thought I was going to be alone tonight, kahit sinubukan kong i-distract ang sarili ko sa panonood ng N*****x, kung anu-ano na ang naiisip ko from serial killer sneaking in somehow in the middle of the night to a ghost haunting whoever rents this house. You don’t know how relieved I am that you’re here.”Nakikinig siya habang fascinated na pinanonood ang expressions na nagdaraan sa maganda nitong mukha. “I know. I guess medyo ninenerbyos pa rin ako. I know I’m babbling.”I could listen to you babbling like this forever. “You don’t seem like babbling, believe me. So… before naging ghost ang serial killer, may I know if he was a man or a woman?”“A man, of course.”“Ahhh… that’s so stereotypical!” protesta niya habang pinanonood ang pagkilos nito. Kumuha ito ng garapon ng coffee, creamer at sugar mula sa maayos na nakapatas na mga condiments sa worktop sa kabilang dulo mula sa lababo. Umikot ang mga mata nito habang binubuksan ang garapon. “When have you ever found a female serial killer in any movie na ang victim sa loob ng bahay ay isa ring babae?” Binitiwan pa nito ang garapon at nag-quote-unquote sign ang mga daliri so ere noong binanggit ang ‘victim.’Umurong siya sa worktop at kumuha ng spoon saka binigay iyon dito. He liked that she was doing his coffee for him, and he felt comfortable watching her talk to him like he wasn’t a total stranger. “A teaspoon of coffee, same sa creamer, and no sugar,” aniya.Tinimpla nito ang kape. “So, since ako ang victim, lalaki ang serial killer. But there’s a twist there, because the serial killer didn’t know that the victim happens to be a cop’s daughter—”“Are you?”Umiling ito, pagkatapos ay tumutok sa kanya ang mga matang iyon habang napapatigil sa paghalo sa kanyang kape. “Hindi. Do I have to?”Kunwari ay relieved siyang nagbuntonghininga. “No. Go ahead.”“And so she knew how to defend herself because her father taught her all sorts of martial arts while growing up.”“All? Akala ko, cop, hindi… okay. Do continue.”“So every attempt nitong si Serial Killer na pumasok sa bahay… and when he did, only to get hit by a trophy to the head—”“Trophy? Walang gun?”“She doesn’t own a gun. Pero may trophy ‘yung may-ari doon sa salas from a polo championship.”“Can we go to the sala so I can see if it’s heavy enough?”Tumigil ito at nakangiti siyang c-in-ontemplate ng tingin. “You’re really going to let me get away with this?”“Gusto kong malaman kung paano naging ghost ang serial killer,” seryosong kumpisal niya.Natawa ito, tunog ng sandaling hagikhik na ang cute sa pandinig sa kanyang mga teynga. Kahit hindi pa siya nakakahigop sa kanyang kape, he felt warmer. Naks. Tinuro nito ang direksyon ng salas habang hawak ang mug nito ng gatas. “Okay. Lezz go.”Joey felt a little dazed as she led him towards the living room. Buhay ang standing lamp na naroon, binuhay niya kaninang lumabas siya at nagdaan doon bago siya nagtungo sa kusina kanina. Tinuro niya rito ang ilang trophies na naka-display sa cabinet katabi ng flat screen na naka-mount sa wall. “There. Of course, pinili ko—niya—‘yong pinakamabigat.”Lumapit ito sa trophies at pinagmasdan iyon. “Hmm. Pwede na.”Naupo siya sa dulo ng sofa. “So, nawalan ng malay ang serial killer at nang magising siya, nakatali na siya sa isang silya, and gagged, and the ‘victim,’” muli, ang quote-unquote, “was there waiting for him to wake up so she could find out more about him.”“She didn’t call the police?”“She didn’t. She didn’t care about the police. Her father was framed and murdered by his superiors in a drug bust operation.”“Uh-oh.”“Yes… and before this incident, she had actually taken her revenge by…” Hinintay niyang matapos si Pepper sa unang paghigop sa kape nito para hindi ito masamid, “…killing the men who’d gunned her father down, and planting a bomb in the superior’s car to kill him, too.”“Whoaaa…” Namilog ang mga mata nito. “So she is badass.”Tumango siya. “Mismo. And she had been hiding, so of course ang duda niya, si Serial Killer was sent by her enemies to kill her. And so, she tortured him by cutting him everywhere to get information from him. Kaya ang pobreng serial killer, sa halip na siya ang gumawa ng kanyang mga kahindik-hindik na plano para sa kanyang victim, biglang siya ang naging victim ni Girl.”Natawa siya sa titig nito sa kanya.“I’m a writer, by the way. Don’t worry. This isn’t a debrief of what I’m going to do to you after this.”“Ahh… thank goodness for that. So you’re going to write this?” Ngumiwi siya. “No, it’s pathetic. It’s only purpose is to make me forget how scared I was for being alone here. So, gusto mo pa bang malaman kung bakit may ghost?” tanong niya bago siya humigop ng gatas sa kanyang mug.Pinanood niya noong maingat nitong binaba ang mug nito sa coffee table. Saka ito nagsimulang tumawa. Mahina lang iyon, hindi full-out. But he was in stitches. “Are you okay?” kunwari ay nag-aalala niyang tanong noong makasingit.He was nodding his head. “I’m so glad to meet you. And don’t be scared anymore. May kasama ka na rito.”“Sure you don’t want to dash out again and go through that rain to get back home?” natatawa niyang tanong habang may mainit na pakiramdam na kumakalat sa kanyang dibdib. “So did he… die… and he haunted her after that?” tanong nito sa pagitan ng mga tawa.Tumango siya. “Yes. She buried him in the garden under the roses and since then, he haunted anyone who ever rented the rest house except his murderer kasi na-trauma s’ya masyado and he really didn’t want to see her again.” Tumigil siya sandali para huminga. “Yes, by that point, I was already getting lazy.”Naghintay siyang makabawi ito sa pagtawa habang umiinom sa mug niya. Kinuha nitong muli ang kape nito kapagdaka. “That’s a good story. Really great twist.”Hinigop ni Joey ang natitirang gatas sa kanyang mug at nginitian ang lalaki. “I’m glad you like how pathetic it was. No, I’m not scared anymore.”Nakatingin ito sa kanyang mug na wala nang laman noong binaba niya iyon sa coffee table. “Are you going in?” tanong nito, nasa tinig ang panghihinayang.“Wala na akong crazy kwento bukod do’n, I’m sorry.”“At least stay while I drink my coffee?” tanong nito, saka parang napahiya. “I mean… only if you want to.”Sandali niya itong tinitigan habang nararamdaman niya ang kakaibang kiliti sa dibdib niya. He’d said it in a way that was almost challenging. Anong nangyayari? This hadn’t happened to her before, enjoy a man’s company like this the first thirty minutes of meeting him.Of course. How could it ever happen? Isa kang prinsesa sa tower na in fact ay enjoy na enjoy sa pagbabantay sa ‘yo ng dalawang draconian witch great-aunts mula sa mga prinsipeng gustong matikman ang iyong honey. Or something like that.Except this time, may nakatakas na charming prince na gusto mo. The draconian witch great-aunts must never know!Nang magbaba siya muli ng tingin, nag-iinit ang kanyang mga pisngi. “Well, there’s something else I can think of I can do for you na mas praktikal kaysa mga kwento ko,” aniya.She could swear she heard his breath hitch. Again, iyong kiliting iyon noong sumagot ito sa tinig na medyo pumiyok. “What is it?”Tiningnan niya itong muli. It’s happening. Nararam-daman niya. Iyong pinagsusulat niya na wala siyang kaalam-alam, totoo pala. Kumakabog ang dibdib, tinuloy niya ang ginagawa. “Kumain ka na ba?”Tumulala ito sa kanya. “Ng dinner, Pepper,” aniya habang nagpipigil matawa. Bumuka ang bibig nito, saka ito nagbuntonghininga. “No. I had no time to get to a diner or to buy… stocks. I figured I will just go out again… after—”“I’ll cook for you,” kalmado niyang sabi. God, she just flirted, and he’s in a loop. Paano pa kung—“You have food?”Napakurap siya. “Oo, I have food.” He’s really hungry. And here, she’s experimenting with him. Ano ba? Nakakahiya ang hospitality niya. Ikakahiya siya ng kanyang mga lola.“Joey, nakakahiya,” anito noong tumatayo na siya.Nginitian niya ito habang kipkip niya sa kanyang dibdib ang mug niya. “Replace it na lang when you can. Okay? Para matahimik ang konsensya mo.” Saka siya nagbalik sa kusina para ipagluto ito ng dinner.Pagdating sa kusina, sandaling tumigil si Joey para humabol sa pagkamangha sa kanyang sarili.Hindi pa niya naranasang dumaldal nang ganoon sa kahit sinong bagong kakilala sa buong buhay niya! But she didn’t feel like she did something was terribly wrong. Hindi rin ito mukhang na-weird-uhan sa kanya—thank god! In fact, he looked like he really enjoyed her babbling kaya kahit hindi na siya nahihiya.Lihim siyang napangiti habang naaalala ang pakiramdam sa bandang huli, noong sinubukan niya itong… landiin—the word Hazel would use. Hindi pa rin siya makapaniwala habang naaalala kung paano natulala si Pepper. And she could do this. she really could. Narinig niya ang ingay nang pagsunod nito sa kanya at napakilos siya. Binuksan niya ang fridge at kinuha niya ang nasa pinakaibabaw na Tupperware, iyong naglalaman ng marinated na tapa na inulam niya rin kagabi.Pumasok ito sa kusina. Nginitian niya ito bago siya nagtungo sa worktop para ipagpatuloy ang ginagawa. Nilagay niya ang rice cooker
Ang totoo, nalilito si Pepper. Titig na titig sa kanya si Joey at kahit ngayon lang niya ito nakilala, ramdam niya ang lakas ng hatak nito sa kanya. Umiwas siya sa gulo sa Manila kaya siya naririto, pero ngayon ba mapapasok na naman siya sa isa? Nagulat pa siya na gusto niya ang ideya na maaaring gusto siya ng babae—isang virtual stranger, really—sa kabila nang kapangyayari lang kay Hanna. Hindi sa pagmamayabang, talaga lang as long as he could remember, malakas ang hatak niya sa babae. Noong maliit pa siya, dahil cute siya at bibo, pinag-aagawan siya ng mga girl playmates niya sa park. Marami ang mga itong ‘boyfriend’ siya. Kapag nagpapaalam sa kanya kung sila na, payag naman siya nang payag. Lalo na kung hahalik siya sa pisngi kasi ang lambot ng mga pisngi at ang bango. Kilig na kilig siya sa tuwa kapag nakakahalik siya sa mga pisnging iyon.He liked girls, he knew that even before he knew about the different anatomies of boys and girls. He loved that they liked him, too. Noong
Napakurap siya. Right. She was asking about the food in his restaurants. “Ah, ‘yung mga favorite local dishes sa mga regions ng Pilipinas, and even some from neighboring nating bansa like Korea, Japan and India,” sagot niya. “We have it designed like in a fast-food service for families, whatever age, lalo na noong nag-lockdown to easily deliver them sa mga umo-order online.”“Hindi ba kayo nahirapan during the pandemic? Ang daming nagsarang restos.” Napakurap ito, saka ngumiwi. “Sorry, I sometimes sound really tactless—"“It’s fine,” natatawa niyang sambit. “You are refreshingly candid.”Pinili nitong hindi sumagot sa sinabi niya pero ngumiti ito. “Anyway,” nangingiti niyang patuloy. “Not as we would have been kung totoong fast-food ang offer namin that hundreds already offer. There was a time there na akala ko magle-lay off kami ng mga workers. Thank god we’d avoided it.”Ngumiti ito. “Ilibre mo ako sa isa sa mga restaurants mo one time, ha?”“Really? Can I hold you on to that?”Tum
NAKATULOG si Joey at nagising sa malakas na hangin sa labas ng resthouse. Patuloy pa rin ang bagyo, at mas malakas na iyon ngayon. Kumakalampag ang anumang parte ng bahay na nahahampas ng hangin. She wanted to stay buried under the covers pero nag-alala siya. Gusto niyang i-check kung okay ang lahat. O kung may nasira na ba ang bagyo sa bahay dahil sa kababayo nito ng hangin doon sa magdamag. “Ang lamiig…” pagrereklamo niya habang tinatapik ng kanyang mga kamay ang kanyang malalamig na mga pisngi na exposed sa labas ng comforter. Maging ang dulo ng kanyang ilong, pinisil-pisil niya para mag-init. Nag-stretch siya at tumingin sa mga bintana. Ayaw pa niyang lumabas ng kwarto pero kailangan. Pagkatapos niyang ma-check ang kailangang i-check, babalik siya rito at magbababad sa ilalim ng comforter maghapon, much preferably with a book.Then she remembered Pepper.Iyong sexy guy na dumating kagabi sa halip na isang babaeng housemate na inaasahan niya. He wasn’t just a figment of her imagin
NANGANGALIGKIG sa lamig si Pepper nang magbalik siya sa bahay pagkatapos nang may isang oras. It was hard to drive with the wind batting at his car even when the clubhouse was just very near. Ilang beses siyang nag-swerve sa daan dahil sa dulas niyon o dahil sa malakas na hampas ng hangin. The fog was unforgiving. Hinintay pa niyang mag-clear iyon dahil sa liko-likong kalsada bago makarating sa resthouse nila sa hillside. Nang buksan niya ang pinto, nagsalo ang hangin mula sa labas at ang amoy sa loob. Muntik na siyang mapaungol nang maamoy niya ang bango nang kung anong masarap na niluluto sa kusina, tapos natuloy nang maisip niya na, oo nga pala, magluluto pa siya. Pero sobrang nakakagutom ang amoy.Nag-angat ng tingin sa kanya si Joey nang pumasok siya sa kusina dala ang mga nasa bags na grocery. Sumunod ang mga kilay nito sa gulat. “Basang basa ka na naman!”“Yeah. And freezing. I’ll go to my room and change,” aniya habang nakatingin sa niluluto nito, at natatakam. That was
“ARE YOU alright?”Pakiramdam ni Joey ay nangangatal lahat ng cells sa kanyang buong katawan. Nakapikit nang mariin ang kanyang mga mata at nakalapat ng buo niyang likod sa basang sahig sa loob ng back door. Nakapatong sa kanya si Pepper dahil bago siya nito matulak papasok, ihinarang nito ang katawan nito sa kanya. Ni hindi niya namalayan na napayakap siya rito, pero sa mga sandaling iyon ay nakapalibot ang mga bisig niya rito at nakayakap nang mahigpit. At pareho silang basang basa at nangangatal sa lamig at, duda niya, ay shock.Sa labas, naririnig ang ingay nang paghampas ng yero paulit-ulit sa screen door. Nagalaw na marahil iyon ng malakas na hangin at nakaharang na ngayon iyon sa backdoor. Naisip niya, paano na lang kung hindi nila iyon napansin? Paano kung hindi siya nakasunod kay Pepper at nakatalikod pa ito noong iniinspeksyon pa nito iyong labas ng bintana? He could have been cut in half right before her very eyes!Kinilabutan siya at nangunyapit pang lalo rito haban
Nanatili ang yakap nito hanggang sa unti-unting nakontrol niya ang sumalakay na pangangatal. Then, of course, they had to change into dry clothes. Nag-iisip siya. Kailangan niyang maging rational. Because she was losing her mind thinking about what would happen next.“Lalabas ako. Can you finish here? Will you be okay alone?”Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ito. “I actually feel much better,” sagot niya habang hinahawakan ang dignidad. He was trying to be rational. She must, too. “Thank you.”Ngumiti ito. “I’ll have to check the window in the master’s bedroom. Do we have the keys?”Tumango siya. “Nakasabit sa loob ng cabinet ng c-coats sa salas,” sabi niya. Unti-unti nang nababawasan ang init sa tubig pero nagtititigan pa rin sila. “I’ll be fine,” aniya rito.“The kiss. Was that… Did you think that maybe sinamantala ko ang—”Pinatigil niya ito sa pagsasalita sa paghalik dito. And then they were both smiling when he raised his head from hers. “Hold it. I have to check the ho
NANG MAGBALIK si Pepper, may dala itong bote ng alak.“Oh,” nasambit ni Joey.“Whisky. I’ll put a little something on your drink, too. It will eliminate whatever still remains of the shock earlier.”“I guess,” sabi niya, saka pinanood ang paglalagay nito ng maliit na amount ng brown liquid sa kanyang cocoa. Ganoon din ang ginawa nito sa mug nito, saka umalis sandali para ibalik ang bote sa kusina.Inangat niya ang mug habang wala pa ito at humigop nang konti. May nahalong kakaibang lasa pero hindi naman sapat para matakpan ang lasa ng tsokolate. Ramdam niya ang spiked na init noong nagdaan ang likido sa kanyang lalamunan pagkatapos niyang lumunok, at ang pag-settle niyon sa kanyang tiyan. She felt a little better when that heat seemed to gently spread from her stomach to her body. Sa ikalawang paghigop, pabalik na si Pepper sa salas. Lumigid ito sa coffee table at nagtungo sa sofa. “Is it okay if I…” Hindi na nito tinapos kasi tumatango na siya. Noong nakaupo na ito sa kabilang d
KANINA pa may nahahalatang kakaiba si Pepper.They were having a big lunch with family and a handful of close friends before he and Joey could leave in his lolo’s yacht to go sailing away to the islands. Something’s going on.Pinakamalaking give-away iyong laging magkadikit na mga ulo nina Lola Tinay at Lola Kora. Pero bago pa man ito, ilang beses niyang nakita ang smirks nina Oliver, Rick at Jim. And come to think of it, even his Lolo Ruel’s tap on his shoulder and ‘I’m so proud of your dick, apo,’ suddenly became suspect. He’s always cracking jokes like this about the Magsaysay equipment so he just grinned at him. On the other hand, he thought at first they were teasing him about his honeymoon. Joey was glowing. She looked so happy that he did feel very proud of himself. But his mother blushing, then bursting into a laugh that she would try to hide by turning to his father and hugging him…And his Dad giving him a thumbs up.Dad didn’t do thumbs up.What the hell is going on?
WELL, they had to eat.Kahit sobrang glorious ng kanilang magdamag ni Pepper, eventually nabalik sa kanyang bokabularyo ang mga words na bagel, or cereal, bacon, sunny side-ups… fried rice…? Nag-angat ng tingin si Joey mula sa hubad na dibdib ng asawa at nakitang tulog pa ito. Poor baby. Pagkatapos noong unang beses na frantic nilang sex, they were able to focus on actually making love. He whipped his lubricant bottle out again because she was a little sore from the first round. Kahit na-devirginize na siya noong nasa Tagaytay pa sila, she was still tender. Pero masyado silang gigil na gigil ni Pepper sa isa’t isa so he had his boner boning her three times more before morning.Isa pa, napakaaga pa. Sanay siyang nagigising ng four AM. Minsan pa nga mas maaga pa. But it was maybe already a little past five right now? Kasi may dull na liwanag na sa labas bago tuluyang sumikat ang umaga. Nakasara pa ang mga drapes kaya madilim pa sa bedroom. But she’s really hungry.Noong bumangon si
“ARE you tired?” malambing na tanong ni Pepper sa asawa habang buhat niya itong ipinapasok sa kanyang penthouse flat. Binuhat niya ito mula sa private elevator pa lamang papasok sa loob, at ngayon ay naglalakad siya sa hallway.It was already about seven in the evening and they had just driven home from the reception. The wedding was about three pm and everybody went to the reception area in the same venue after the ceremony. They stayed there until about six, kung saan mukha namang nasulit nila ang oras para makilala nang lubos ni Joey ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan at maka-kuwentuhan naman ng mga lola ang kanyang mga kamag-anak.The grannies were a success. Ang kombinasyong ng makulit na si Lola Kora at stoic na si Lola Tinay ay nakawili sa kanyang mga kamag-anak. The fact was, he also had fallen for them the first night he met them. Ang unang unang nakaapekto sa kanya ay ang malinaw na dedikasyon ng mga ito kay Joey, pangalawa ay ang honest na personalidad at karakt
“ANO si Montes?” naiiritang paalala ni Lola Tinay.“Si Montes. Ay!” Nagbalik sa thread si Lola Kora. “Hindi ba ‘yan ‘yung nag-extra doon sa pelikulang ginawa galing sa una mong libro? Naalala ko dahil Hanna Monta—”“Montes,” singit ni Lola Tinay.“—Tes ang pangalan, malapit nga sa Hanna Montana,” gigil nitong sambit sabay tingin sa pinsan na parang ito pa ang may kasalanan nang lahat.“Really?” sabi naman ni Pepper sa tinig na parang masasamid. Nahihirapan na ito sa pagpipigil tumawa. “Nag-act si Hanna sa movie mo?” Nag-init ang mga pisngi niya sa proud nitong tono. “Hindi aking movie. I just—” Gah! Ngising ngisi ang loko. “Anyway, if ipipilit ng babaeng ‘yan na ikaw ang nakabuntis sa kanya, may online presence ako para labanan siya. Plus, ‘yung sunod na novel sa series na ‘yon, nililigawan ng same film company na may contract siya. Pwede akong um-oo sa iba kapag talaga hindi siya magsasabi nang totoo.”Pero nakakunot ang noo ni Pepper. “Baby, ayokong ilagay mo ang sarili mo sa sitwa
“LOLA, ano ba? Ang sakit no’n, ah!” reklamo niya.“Aba, aba, aba! Bakit nakapatong ka na d’yan? Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan! Baka isipin ng mga kapitbahay, pabaya kaming mga taga-ingat mo!” Tumuro ito sa labas.And sure enough, noong mapatingin siya roon, nasa labas ng gate ang ilang mga kapitbahay na naka-duster. Hawak pa ang mga walis-tingting gayong alas siyete na nang gabi. Makikita mo pa ba ang kalat sa lupa sa dilim na ito?“Beinte-kuwatrong taon ka naming inalagaan tapos unang dalaw sa ‘yo ng lalaki, nakasampa ka na agad?!”“Tinay… ano ka ba? Gusto mo bang umabot pang alagaan natin siya hanggang kuwarenta’y sais? Aba’y buti nga at nagka-boyprens agad—aray!”“Isa ka pa! Isa ka pa, Kora! Sabi ko sa ‘yo bantayan mo at may kukunin lang ako sa taas. Tapos kilig na kilig ka pang namimilipit habang nanonood d’yan?!”“Ah!” ani Lola Kora habang hawak ang kamay na nahapyawan ng tungkod ni Lola Tinay. “Paanong hindi ako kikiligin, naaalala ko ‘yung mga panahong nililigaw
NAPANSIN NI KORA ang sumusukong pagbuntonghininga ng apong si Joey. Hindi na iyon mabilang sa nagdaang limang araw tuwing maupo ito kahit saan at matutulala. Sa pagkakataong iyon, nasa harapan na naman ito ng kompyuter nito, na nang sulyapan niya nang pasimple sa ibabaw ng balikat nito ay blangko pa rin hanggang ngayon maliban sa chapter sa itaas ng pahina sa loob ng parang telebisyon niyon na wala nga lang istasyon. Napatingin ang matanda kay Tinay. Napatingin din ito sa kanya, saka malungkot na napailing.“Wala pa rin maisulat si Joey,” paanas niyang sabi rito. “Ano bang gagawin natin? Mukhang dinibdib yata talaga ang nangyari sa kanila ng lalaking iyon.”“Wala na naman sigurong maimbentong isturya,” anito.“Brukenhurted.”Nag-angatan ang mga kilay ng kanyang pinsan. “Paanong mabubrok? Hindi naman niya naranasang umibig?”“Tsk. Hindi naman natin talaga alam kung anong nangyari sa kanila. Ang alam lang natin ay nagkagustuhan sila at hindi lang makapagsabi sa atin dahil nga tiyak n
BAGO MAGBALIK sa salas si Joey ay pumuslit muna siya sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang cellphone at buksan ang kanyang mga messages. The video was about five minutes each, putol-putol. So mga twenty minutes. Hindi niya kayang panooring lahat dahil hinihintay siya sa labas, but she saw enough para kumulo ang dugo niya. Kinontrol talaga niya ang mukha niya bago siya lumabas ng kwarto at sumama sa mga ito sa salas.Nakaupo ang mag-iina sa sofa habang si Pepper ay sa isa sa tatlong armchairs. Naupo siya sa isang armchair. May nasimulan na sa pag-uusap. Si Tita Lucy ang nagsasalita, at iyon ay tungkol sa kalituhang nangyari tungkol sa sex ni Pepper at niya. She wondered if it would have made a difference if he’d been gay. Pero tinaboy niya iyon agad kasi may sex video na nga at iyon ang dahilan kung bakit napasugod ang mga ito, sigurado siya. It would not fly.Kagat niya ang itaas na labi noong maupo siya sa armchair. Ramdam niya ang tingin sa kanya ni Pepper habang nagsasalit
HINDI PA rin makapaniwala si Joey sa nangyari sa kanila ni Pepper. No, they didn’t use the tub. Nataranta ito, but they both knew it couldn’t stop his tailed minions from getting to her egg once they’re inside her womb—na nangyayari kapag nakabaon ito sa kanya at wala itong rubber. It was actually silly. Anak pa mandin ito ng isang doktora na ang specialty ay may kinalaman sa babies. At siya, na isang romance author, who had researched everything she could about getting pregnant because she has used it so many times as a plotline…Kung hindi lang siya natatakot, she would have laughed at them both.Pero mas talaga ito.Imagine, anak pa mandin ng mga doktor, gusto siyang ilubog sa tubig sa bathtub para mag-swim-out sa kanya ang sperm nito? That was how panicked he was. Nagpababa siya mula sa pagkakabuhat nito at nagtungo sila sa ordinaryo nilang banyo para linisan ang sarili.Ang nakakabaliw, noong makabawi ay bigla itong chill na chill. Siya ang taranta pa rin. Siya ang nagsisimu
THEY WERE ripping clothes off each other as soon as they entered the back door. Granted, basa na naman sila. But they weren’t doing this for that. Panties na lang ang suot niya habang naka-briefs ito noong magtanong. “Your room or my room?” “Yours,” sagot niya, ngumingiti rito. Gusto niyang naaamoy ito sa kama at sa kumot. Isa pa, hindi niya alam kung bakit mas dama niya ito sa kwarto nito kaysa sa kanya. At doon nga siya nito dinala sa mabilis na mga paa. Siya ang pumihit sa seradura ng pinto, at magkahinang nang muli ang kanilang mga labi bago pa siya nito maihiga sa kama, kung saan nito pinagpatuloy ang mainit na halik hanggang sa pakiramdam ni Joey ay inaapoy na siya ng lagnat ng pagnanasa. Bawat kiskis ng katawan nito sa kanya ay nagpapabaliw sa kanya, bawat himas ng mga kamay nito sa kanyang dibdib at paglalaro ng thumbs sa kanyang mga nipples ay nagpapabitin sa paghinga niya. Bawat ungol nito ay nagdadala ng kiliti sa kanyang katawan diretso pababa sa kanyang puson. At