Matapos kumain, si Hazel ang sunod na nakausap ni Joey. Tinawagan niya ang kaibigan para makapag-bigay ng update dito.
“What? Wala pa rin ‘yung Pepper? Siguro kasi masama ang panahon. Sana pala hindi muna kita iniwan,” sambit nito noong sinabi niyang wala pa ang makakasama niya. “Mag-isa ka lang tuloy d’yan, tapos may bagyo pala. Naku, teka, nakausap mo na ang mga lola?”“Oo, tinawagan nila ako. Sinabi ko na lang na dumating na ‘yung Pepper para hindi sila mag-alala sa akin dito. Alam mo naman ang mga ‘yon.”“Oo. Baka pilit magbyahe para lang masamahan ka.”“Oo.”“Kumusta ka naman? Nagsulat ka na ba o nagpahinga ka muna?”“Three chapters… and some revising,” sagot niya sa masiglang tinig. “Thank you, Lord!”“Wow! Sabi ko na sa ‘yo, eh! Dapat pala noon pa para tapos na ngayon at may hinihintay na lang tayong imprenta. Mas napaaga sana ang profit ko.”“Gaga.”Nagkuwentuhan pa sila saglit bago nagpaalam sa isa’t isa. Nag-aalala pa rin ito at sinabihan siyang tawagan agad ang iniwan nitong phone numbers ng mga pinsan nito sakaling magkaroon siya ng problema dahil sa bagyo.Hindi pa siya inaantok pero hindi niya balak magsulat pa ngayong araw na ito. Sa halip, gusto niyang mag-wind down bago matulog para bukas muli magtrabaho. Pinagpilian niya kung magbabasa ng book o N*****x. Pinili niya ang N*****x, nag-cast sa TV sa salas ng isang movie instead na series para hindi siya mabitin at mag-binge watch hanggang umaga. Madidiskaril ang kanyang momentum sa sinusulat niya at iniiwasan niyang mangyari iyon.Hindi tumitigil ang ulan. Nakakarinig na siya ng manaka-nakang pagkalampag sa labas dahil lumalakas na talaga ang hangin. Nakakapag-alala na tuloy. Nahihirapan siyang mag-concentrate sa pinanonood dahil naiisip na rin niyang nag-iisa lang siya. Kahit maganda ang resthouse at mukhang matibay para sa parating na bagyo (Why did I even think that?! Now I’m thinking of the huffing and puffing wolf tapos isa ako sa biik sa loob ng bahay!), it was her first night here, at hindi niya napigil maglakbay ang imagination niya.Writer. As if she would stop herself. Kahit ikatakot pa niya, the mind would work.Pinasadahan ng kanyang utak ang mga possibilities ng mayhem habang nakahiga siya sa sofa. Paano kung may masamang tao sa labas na gustong makapasok sa loob habang may bagyo? Magnanakaw muna, na naging rapist, tapos serial killer. Habang tumatakbo ang movie at nanonood ang kanyang mga mata, detached ang emotion na nagbuo ang kanyang imahinasyon ng series ng mga eksena tungkol sa isang psycho killer na sinubukang i-attack ang isang female victim isang gabing bumabagyo sa isang isolated na resthouse sa Tagaytay. Namatay agad ang pinsan ni Hazel—na ni hindi nga niya pa nakikita kahit kailan—noong sinubukan nitong silipin ang kalagayan ng bakasyunista sa resthouse ng tito nito dahil nga bagyo. May parte sa kanyang namo-morbid-an sa sarili dahil kung anu-anong bayolenteng kabalbalan ang iniisip niya kung kailan nag-iisa siya. Pero iyong writer part niya, naghihintay makitang mag-unfold ang mga pangyayari, and it insisted. Anong weapon ang gagamitin ni Girl para iligtas ang sarili? Saan siya masusugatan? Hanggang saan ang limit na masa-saktan siya ni Serial Rapist and Killer? Hindi naman niya kilala ang unang pinatay so hindi siya emotionally involved, really. Kailangang bukod sa pinsan nina Hazel, may ibang mauunang masasaktan na mahal ng girl. Ano kaya kung bigyan ko siya ng kapatid… or kaibigan… like Hazel na— “No, don’t,” nasambit niya nang malakas. Napahawak siya sa kanyang kumakabog na dibdib habang nakatitig sa mga shadows sa kisame. “Shit, Joey. So desperate for a story. Gaahhh!”Napabuntonghininga siya at naging aware ulit sa paligid. At syempre, na mag-isa lang siya roon. What an idiot she was being.“At romance ang sinusulat mo ngayon, hindi crime thriller,” pagsesermon niya sa sarili. “Serial killer ka pa more.” Nawalan na siya ng gana sa pinanonood at pinatay niya ang TV. Pumasok na siya sa kwarto, naghanda sa pagtulog, at nagbihis ng pantulog na damit. Noong nakahiga na siya sa kama, parang nag-commercial break lang pala ang utak niya kasi nagbalik din agad iyon sa obsesyon sa babaeng mag-isa sa isang rest-house sa Tagaytay, sa serial killer, at sa bagyo. Hindi na niya pinatay ang ilaw sa lampara hanggang makatulog siya.Nahirapan sa pagda-drive patungo sa Tagaytay si Pepper.
It would usually take two hours, but he took almost four because of the heavy rain and thick fog on some parts of the road. Tapos, nagkaroon siya ng problema pagdating niya sa address ng resthouse na pupuntahan niya. He had been in this area before. Ang resthouse ay within the confines of a residential resort. Pero dahil sa fog, kinailangan pa niyang magpatulong sa guard para marating ang eksaktong bahay. Nang makita niyang buhay ang ilaw sa isang kwarto, nakadama siya ng relief. Good. He didn’t really want to be alone in the house. Hindi niya alam kung kailan siya mabibisita nina Oliver. They promised. But until then, it would be a relief to at least have someone to talk to over coffee.“Thank you,” sabi niya sa guard sabay abot ng paper bill dito. “Salamat din, Ser.” Iniwan na siya ng gwardia na sakay sa service car. Gamit ang kanyang susi, binuksan niya ang pinto, ipinasok ang dalawang maleta niya sa bahay, at tumutulo na nagtungo sa bakanteng kwartong obvious na para sa kanya. May papel na naka-tape sa pinto na may pangalan niya, katabi ng kwartong okupado na. At sa kabila ay nakikita niya ang sinag ng night light sa baba ng nakasarang pinto. Nangangaligkig sa lamig, nagtalop siya at nagpalit siya agad ng tuyong damit. Habang nasa loob pa ng kanyang kwarto, narinig niyang bumukas ang pinto sa kabila, pagkatapos ay ang mahi-hinang mga yabag patungo sa kusina. Uh-oh. Naistorbo niya ito. He planned to go to the kitchen and fix coffee or whatever’s there that’s hot. Tatapusin lang niya ang kanyang pagbibihis. Para na rin makilala niya ang kanyang bagong buddy dito sa bahay.Naalimpungatan si Joey sa ingay na naririnig niya sa katabing kwarto nang sa kanya. May tao na!
Nakahinga siya nang maluwag. Salamat naman at may kasama na siya. Sa totoo lang kinakabahan siya sa isiping mag-isa lang talaga siya rito hanggang matapos ang bagyo.Inabot niya ang kanyang cellphone sa nightstand sa tabi ng kama at sandaling nag-shoot ng PM kay Hazel na sa wakas, dumating na ang hinihintay nila. Naisip na rin niyang bumangon para i-welcome ito. Hindi lang iyon, actually. Nilalamig siya at gusto niyang magtimpla ng mainit na gatas. If that still wouldn’t work, she’d take melatonin to finally get to sleep right.Kumakaluskos pa sa kabilang kwarto noong bumangon siya saka lumabas. Napangiti siya sa relief nang makitang may ilaw sa baba ng saradong pinto. May kasama na talaga siya sa bahay!She could finally dispense with the horror stories in her head. Hinahalo na niya ang gatas sa mainit na tubig sa mug nang marinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng kwartong bagong okupa. Nagpaskel siya ng ngiti sa kanyang mga labi habang hinintay niyang sumulpot sa entrada pa-kusina si Pepper Magsaysay.Pero nang makita niya ito, nalaglag ang ngiti niya kasa-bay nang pagbagsak ng kanyang panga sa pagkamangha. Bumagal ang tunog ng kutsarang ihinahalo niya sa gatas sa mug hanggang sa tuluyan na iyong tumigil. Ganoon din ang lalaki, na napatigil sa paglalakad nang makita siya. Nagkatitigan sila nito. Ang lalaki ang unang nakabawi.“Joey…?” tanong nito.Ugh. Of course. Bahagyang nangatal ang kanyang mga labi sa matinding pagpipigil na tumawa nang malakas. Something like this could only happen to her. He’s a guy.And the most gorgeous serial killer she could ever imagine. “Pepper?”Halos sabay pa silang tumango.Nakatitig si Pepper kay Joey. Halatang bagong bangon lang ito, gulo ang buhok, walang make up, naka-pajamas at robe na pale pink, at bagong gising ang mga mata kahit namimilog ang mga iyon ngayon. Mahaba ang buhok nito, bahagyang kulot, at hugis-puso ang mukha. Ang mga kilay… ang elegante ng hugis. Makapal at may pilantik ang eyelashes ng almond-shaped na mga matang iyon. Sa mga matang iyon at matangos nitong ilong, sulit na sana. But her lips… plump. And red. Sumptuous, kissable lips.Hahalikan kita kahit anong mangyari. Just wait. I will.Muntik nang mapabuntonghinga si Pepper habang tinatago ng mukha ang imboluntaryong naisip. She’s definitely a woman, in all the physical ways that count. And she’s the most gorgeous tousle-haired woman he had ever seen in his entire life. So why the hell was she Joey, again? And why couldn’t he speak suddenly right now, while her eyes traveled over him?“Lalaki si Pepper? Oh my god,” anito, natatawa at namumula ang mga pisnging iyon.“Ahm, I’m
Pagdating sa kusina, sandaling tumigil si Joey para humabol sa pagkamangha sa kanyang sarili.Hindi pa niya naranasang dumaldal nang ganoon sa kahit sinong bagong kakilala sa buong buhay niya! But she didn’t feel like she did something was terribly wrong. Hindi rin ito mukhang na-weird-uhan sa kanya—thank god! In fact, he looked like he really enjoyed her babbling kaya kahit hindi na siya nahihiya.Lihim siyang napangiti habang naaalala ang pakiramdam sa bandang huli, noong sinubukan niya itong… landiin—the word Hazel would use. Hindi pa rin siya makapaniwala habang naaalala kung paano natulala si Pepper. And she could do this. she really could. Narinig niya ang ingay nang pagsunod nito sa kanya at napakilos siya. Binuksan niya ang fridge at kinuha niya ang nasa pinakaibabaw na Tupperware, iyong naglalaman ng marinated na tapa na inulam niya rin kagabi.Pumasok ito sa kusina. Nginitian niya ito bago siya nagtungo sa worktop para ipagpatuloy ang ginagawa. Nilagay niya ang rice cooker
Ang totoo, nalilito si Pepper. Titig na titig sa kanya si Joey at kahit ngayon lang niya ito nakilala, ramdam niya ang lakas ng hatak nito sa kanya. Umiwas siya sa gulo sa Manila kaya siya naririto, pero ngayon ba mapapasok na naman siya sa isa? Nagulat pa siya na gusto niya ang ideya na maaaring gusto siya ng babae—isang virtual stranger, really—sa kabila nang kapangyayari lang kay Hanna. Hindi sa pagmamayabang, talaga lang as long as he could remember, malakas ang hatak niya sa babae. Noong maliit pa siya, dahil cute siya at bibo, pinag-aagawan siya ng mga girl playmates niya sa park. Marami ang mga itong ‘boyfriend’ siya. Kapag nagpapaalam sa kanya kung sila na, payag naman siya nang payag. Lalo na kung hahalik siya sa pisngi kasi ang lambot ng mga pisngi at ang bango. Kilig na kilig siya sa tuwa kapag nakakahalik siya sa mga pisnging iyon.He liked girls, he knew that even before he knew about the different anatomies of boys and girls. He loved that they liked him, too. Noong
Napakurap siya. Right. She was asking about the food in his restaurants. “Ah, ‘yung mga favorite local dishes sa mga regions ng Pilipinas, and even some from neighboring nating bansa like Korea, Japan and India,” sagot niya. “We have it designed like in a fast-food service for families, whatever age, lalo na noong nag-lockdown to easily deliver them sa mga umo-order online.”“Hindi ba kayo nahirapan during the pandemic? Ang daming nagsarang restos.” Napakurap ito, saka ngumiwi. “Sorry, I sometimes sound really tactless—"“It’s fine,” natatawa niyang sambit. “You are refreshingly candid.”Pinili nitong hindi sumagot sa sinabi niya pero ngumiti ito. “Anyway,” nangingiti niyang patuloy. “Not as we would have been kung totoong fast-food ang offer namin that hundreds already offer. There was a time there na akala ko magle-lay off kami ng mga workers. Thank god we’d avoided it.”Ngumiti ito. “Ilibre mo ako sa isa sa mga restaurants mo one time, ha?”“Really? Can I hold you on to that?”Tum
NAKATULOG si Joey at nagising sa malakas na hangin sa labas ng resthouse. Patuloy pa rin ang bagyo, at mas malakas na iyon ngayon. Kumakalampag ang anumang parte ng bahay na nahahampas ng hangin. She wanted to stay buried under the covers pero nag-alala siya. Gusto niyang i-check kung okay ang lahat. O kung may nasira na ba ang bagyo sa bahay dahil sa kababayo nito ng hangin doon sa magdamag. “Ang lamiig…” pagrereklamo niya habang tinatapik ng kanyang mga kamay ang kanyang malalamig na mga pisngi na exposed sa labas ng comforter. Maging ang dulo ng kanyang ilong, pinisil-pisil niya para mag-init. Nag-stretch siya at tumingin sa mga bintana. Ayaw pa niyang lumabas ng kwarto pero kailangan. Pagkatapos niyang ma-check ang kailangang i-check, babalik siya rito at magbababad sa ilalim ng comforter maghapon, much preferably with a book.Then she remembered Pepper.Iyong sexy guy na dumating kagabi sa halip na isang babaeng housemate na inaasahan niya. He wasn’t just a figment of her imagin
NANGANGALIGKIG sa lamig si Pepper nang magbalik siya sa bahay pagkatapos nang may isang oras. It was hard to drive with the wind batting at his car even when the clubhouse was just very near. Ilang beses siyang nag-swerve sa daan dahil sa dulas niyon o dahil sa malakas na hampas ng hangin. The fog was unforgiving. Hinintay pa niyang mag-clear iyon dahil sa liko-likong kalsada bago makarating sa resthouse nila sa hillside. Nang buksan niya ang pinto, nagsalo ang hangin mula sa labas at ang amoy sa loob. Muntik na siyang mapaungol nang maamoy niya ang bango nang kung anong masarap na niluluto sa kusina, tapos natuloy nang maisip niya na, oo nga pala, magluluto pa siya. Pero sobrang nakakagutom ang amoy.Nag-angat ng tingin sa kanya si Joey nang pumasok siya sa kusina dala ang mga nasa bags na grocery. Sumunod ang mga kilay nito sa gulat. “Basang basa ka na naman!”“Yeah. And freezing. I’ll go to my room and change,” aniya habang nakatingin sa niluluto nito, at natatakam. That was
“ARE YOU alright?”Pakiramdam ni Joey ay nangangatal lahat ng cells sa kanyang buong katawan. Nakapikit nang mariin ang kanyang mga mata at nakalapat ng buo niyang likod sa basang sahig sa loob ng back door. Nakapatong sa kanya si Pepper dahil bago siya nito matulak papasok, ihinarang nito ang katawan nito sa kanya. Ni hindi niya namalayan na napayakap siya rito, pero sa mga sandaling iyon ay nakapalibot ang mga bisig niya rito at nakayakap nang mahigpit. At pareho silang basang basa at nangangatal sa lamig at, duda niya, ay shock.Sa labas, naririnig ang ingay nang paghampas ng yero paulit-ulit sa screen door. Nagalaw na marahil iyon ng malakas na hangin at nakaharang na ngayon iyon sa backdoor. Naisip niya, paano na lang kung hindi nila iyon napansin? Paano kung hindi siya nakasunod kay Pepper at nakatalikod pa ito noong iniinspeksyon pa nito iyong labas ng bintana? He could have been cut in half right before her very eyes!Kinilabutan siya at nangunyapit pang lalo rito haban
Nanatili ang yakap nito hanggang sa unti-unting nakontrol niya ang sumalakay na pangangatal. Then, of course, they had to change into dry clothes. Nag-iisip siya. Kailangan niyang maging rational. Because she was losing her mind thinking about what would happen next.“Lalabas ako. Can you finish here? Will you be okay alone?”Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ito. “I actually feel much better,” sagot niya habang hinahawakan ang dignidad. He was trying to be rational. She must, too. “Thank you.”Ngumiti ito. “I’ll have to check the window in the master’s bedroom. Do we have the keys?”Tumango siya. “Nakasabit sa loob ng cabinet ng c-coats sa salas,” sabi niya. Unti-unti nang nababawasan ang init sa tubig pero nagtititigan pa rin sila. “I’ll be fine,” aniya rito.“The kiss. Was that… Did you think that maybe sinamantala ko ang—”Pinatigil niya ito sa pagsasalita sa paghalik dito. And then they were both smiling when he raised his head from hers. “Hold it. I have to check the ho
KANINA pa may nahahalatang kakaiba si Pepper.They were having a big lunch with family and a handful of close friends before he and Joey could leave in his lolo’s yacht to go sailing away to the islands. Something’s going on.Pinakamalaking give-away iyong laging magkadikit na mga ulo nina Lola Tinay at Lola Kora. Pero bago pa man ito, ilang beses niyang nakita ang smirks nina Oliver, Rick at Jim. And come to think of it, even his Lolo Ruel’s tap on his shoulder and ‘I’m so proud of your dick, apo,’ suddenly became suspect. He’s always cracking jokes like this about the Magsaysay equipment so he just grinned at him. On the other hand, he thought at first they were teasing him about his honeymoon. Joey was glowing. She looked so happy that he did feel very proud of himself. But his mother blushing, then bursting into a laugh that she would try to hide by turning to his father and hugging him…And his Dad giving him a thumbs up.Dad didn’t do thumbs up.What the hell is going on?
WELL, they had to eat.Kahit sobrang glorious ng kanilang magdamag ni Pepper, eventually nabalik sa kanyang bokabularyo ang mga words na bagel, or cereal, bacon, sunny side-ups… fried rice…? Nag-angat ng tingin si Joey mula sa hubad na dibdib ng asawa at nakitang tulog pa ito. Poor baby. Pagkatapos noong unang beses na frantic nilang sex, they were able to focus on actually making love. He whipped his lubricant bottle out again because she was a little sore from the first round. Kahit na-devirginize na siya noong nasa Tagaytay pa sila, she was still tender. Pero masyado silang gigil na gigil ni Pepper sa isa’t isa so he had his boner boning her three times more before morning.Isa pa, napakaaga pa. Sanay siyang nagigising ng four AM. Minsan pa nga mas maaga pa. But it was maybe already a little past five right now? Kasi may dull na liwanag na sa labas bago tuluyang sumikat ang umaga. Nakasara pa ang mga drapes kaya madilim pa sa bedroom. But she’s really hungry.Noong bumangon si
“ARE you tired?” malambing na tanong ni Pepper sa asawa habang buhat niya itong ipinapasok sa kanyang penthouse flat. Binuhat niya ito mula sa private elevator pa lamang papasok sa loob, at ngayon ay naglalakad siya sa hallway.It was already about seven in the evening and they had just driven home from the reception. The wedding was about three pm and everybody went to the reception area in the same venue after the ceremony. They stayed there until about six, kung saan mukha namang nasulit nila ang oras para makilala nang lubos ni Joey ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan at maka-kuwentuhan naman ng mga lola ang kanyang mga kamag-anak.The grannies were a success. Ang kombinasyong ng makulit na si Lola Kora at stoic na si Lola Tinay ay nakawili sa kanyang mga kamag-anak. The fact was, he also had fallen for them the first night he met them. Ang unang unang nakaapekto sa kanya ay ang malinaw na dedikasyon ng mga ito kay Joey, pangalawa ay ang honest na personalidad at karakt
“ANO si Montes?” naiiritang paalala ni Lola Tinay.“Si Montes. Ay!” Nagbalik sa thread si Lola Kora. “Hindi ba ‘yan ‘yung nag-extra doon sa pelikulang ginawa galing sa una mong libro? Naalala ko dahil Hanna Monta—”“Montes,” singit ni Lola Tinay.“—Tes ang pangalan, malapit nga sa Hanna Montana,” gigil nitong sambit sabay tingin sa pinsan na parang ito pa ang may kasalanan nang lahat.“Really?” sabi naman ni Pepper sa tinig na parang masasamid. Nahihirapan na ito sa pagpipigil tumawa. “Nag-act si Hanna sa movie mo?” Nag-init ang mga pisngi niya sa proud nitong tono. “Hindi aking movie. I just—” Gah! Ngising ngisi ang loko. “Anyway, if ipipilit ng babaeng ‘yan na ikaw ang nakabuntis sa kanya, may online presence ako para labanan siya. Plus, ‘yung sunod na novel sa series na ‘yon, nililigawan ng same film company na may contract siya. Pwede akong um-oo sa iba kapag talaga hindi siya magsasabi nang totoo.”Pero nakakunot ang noo ni Pepper. “Baby, ayokong ilagay mo ang sarili mo sa sitwa
“LOLA, ano ba? Ang sakit no’n, ah!” reklamo niya.“Aba, aba, aba! Bakit nakapatong ka na d’yan? Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan! Baka isipin ng mga kapitbahay, pabaya kaming mga taga-ingat mo!” Tumuro ito sa labas.And sure enough, noong mapatingin siya roon, nasa labas ng gate ang ilang mga kapitbahay na naka-duster. Hawak pa ang mga walis-tingting gayong alas siyete na nang gabi. Makikita mo pa ba ang kalat sa lupa sa dilim na ito?“Beinte-kuwatrong taon ka naming inalagaan tapos unang dalaw sa ‘yo ng lalaki, nakasampa ka na agad?!”“Tinay… ano ka ba? Gusto mo bang umabot pang alagaan natin siya hanggang kuwarenta’y sais? Aba’y buti nga at nagka-boyprens agad—aray!”“Isa ka pa! Isa ka pa, Kora! Sabi ko sa ‘yo bantayan mo at may kukunin lang ako sa taas. Tapos kilig na kilig ka pang namimilipit habang nanonood d’yan?!”“Ah!” ani Lola Kora habang hawak ang kamay na nahapyawan ng tungkod ni Lola Tinay. “Paanong hindi ako kikiligin, naaalala ko ‘yung mga panahong nililigaw
NAPANSIN NI KORA ang sumusukong pagbuntonghininga ng apong si Joey. Hindi na iyon mabilang sa nagdaang limang araw tuwing maupo ito kahit saan at matutulala. Sa pagkakataong iyon, nasa harapan na naman ito ng kompyuter nito, na nang sulyapan niya nang pasimple sa ibabaw ng balikat nito ay blangko pa rin hanggang ngayon maliban sa chapter sa itaas ng pahina sa loob ng parang telebisyon niyon na wala nga lang istasyon. Napatingin ang matanda kay Tinay. Napatingin din ito sa kanya, saka malungkot na napailing.“Wala pa rin maisulat si Joey,” paanas niyang sabi rito. “Ano bang gagawin natin? Mukhang dinibdib yata talaga ang nangyari sa kanila ng lalaking iyon.”“Wala na naman sigurong maimbentong isturya,” anito.“Brukenhurted.”Nag-angatan ang mga kilay ng kanyang pinsan. “Paanong mabubrok? Hindi naman niya naranasang umibig?”“Tsk. Hindi naman natin talaga alam kung anong nangyari sa kanila. Ang alam lang natin ay nagkagustuhan sila at hindi lang makapagsabi sa atin dahil nga tiyak n
BAGO MAGBALIK sa salas si Joey ay pumuslit muna siya sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang cellphone at buksan ang kanyang mga messages. The video was about five minutes each, putol-putol. So mga twenty minutes. Hindi niya kayang panooring lahat dahil hinihintay siya sa labas, but she saw enough para kumulo ang dugo niya. Kinontrol talaga niya ang mukha niya bago siya lumabas ng kwarto at sumama sa mga ito sa salas.Nakaupo ang mag-iina sa sofa habang si Pepper ay sa isa sa tatlong armchairs. Naupo siya sa isang armchair. May nasimulan na sa pag-uusap. Si Tita Lucy ang nagsasalita, at iyon ay tungkol sa kalituhang nangyari tungkol sa sex ni Pepper at niya. She wondered if it would have made a difference if he’d been gay. Pero tinaboy niya iyon agad kasi may sex video na nga at iyon ang dahilan kung bakit napasugod ang mga ito, sigurado siya. It would not fly.Kagat niya ang itaas na labi noong maupo siya sa armchair. Ramdam niya ang tingin sa kanya ni Pepper habang nagsasalit
HINDI PA rin makapaniwala si Joey sa nangyari sa kanila ni Pepper. No, they didn’t use the tub. Nataranta ito, but they both knew it couldn’t stop his tailed minions from getting to her egg once they’re inside her womb—na nangyayari kapag nakabaon ito sa kanya at wala itong rubber. It was actually silly. Anak pa mandin ito ng isang doktora na ang specialty ay may kinalaman sa babies. At siya, na isang romance author, who had researched everything she could about getting pregnant because she has used it so many times as a plotline…Kung hindi lang siya natatakot, she would have laughed at them both.Pero mas talaga ito.Imagine, anak pa mandin ng mga doktor, gusto siyang ilubog sa tubig sa bathtub para mag-swim-out sa kanya ang sperm nito? That was how panicked he was. Nagpababa siya mula sa pagkakabuhat nito at nagtungo sila sa ordinaryo nilang banyo para linisan ang sarili.Ang nakakabaliw, noong makabawi ay bigla itong chill na chill. Siya ang taranta pa rin. Siya ang nagsisimu
THEY WERE ripping clothes off each other as soon as they entered the back door. Granted, basa na naman sila. But they weren’t doing this for that. Panties na lang ang suot niya habang naka-briefs ito noong magtanong. “Your room or my room?” “Yours,” sagot niya, ngumingiti rito. Gusto niyang naaamoy ito sa kama at sa kumot. Isa pa, hindi niya alam kung bakit mas dama niya ito sa kwarto nito kaysa sa kanya. At doon nga siya nito dinala sa mabilis na mga paa. Siya ang pumihit sa seradura ng pinto, at magkahinang nang muli ang kanilang mga labi bago pa siya nito maihiga sa kama, kung saan nito pinagpatuloy ang mainit na halik hanggang sa pakiramdam ni Joey ay inaapoy na siya ng lagnat ng pagnanasa. Bawat kiskis ng katawan nito sa kanya ay nagpapabaliw sa kanya, bawat himas ng mga kamay nito sa kanyang dibdib at paglalaro ng thumbs sa kanyang mga nipples ay nagpapabitin sa paghinga niya. Bawat ungol nito ay nagdadala ng kiliti sa kanyang katawan diretso pababa sa kanyang puson. At