Three days later.
“’Kita mo naman, naka-discount ka na, libre hatid ka pa. Bargain na bargain ka, tapos hindi mo man lang mai-dedicate kahit isa man lang sa mga bestsellers mo sa ‘kin?”“Bestsellers? Magtigil ka nga d’yan,” natatawang saway ni Joey sa nagsesentimyentong kaibigan sa likod ng manibela. On the way sila sa resthouse ng tito nito sa Tagaytay. “At ‘yon lang naman pala ang gusto mo, ‘di mo agad sinabi. H’wag kang mag-alala, ang novel na matatapos ko sa bahay ng tito mo, idi-dedicate ko sa ‘yo tapos sasabihin ko pang maganda ka kahit hindi naman totoo!”Sumimangot ito. “Eh kung bawiin ko na lang kaya ang discount mo tapos singilin kita sa gasolina nitong kotse? Ang mahal-mahal—”“Gagi, babayaran ko syempre ang gas tapos dadagdagan ko ang fettucine na iluluto natin ngayon para madalhan mo sina Tita.”“Paborito niya ‘yon, hindi ko,” reklamo ni Hazel.“I’ll add na lang na sexy ka rin sa dedication, o?”“Gaga. Sexy naman talaga ako.”“At may brains?”Ngumiwi ito. “Sadya, ‘no?!”Nagtawanan na naman sila. Inihatid siya ni Hazel kasi kung magpapahatid pa siya sa kapitbahay nilang nagsisilbing driver kapag may lakad sila, sasamahan pa siya ng kanyang mga lolang over-protective. Madilim ang langit kasi may low pressure area. Isa pa, the last thing she needed was to hear them expound on every fault they could find in the house she was renting. Kilala niya ang mga ito. Kahit all-out sa suporta sa trabel-trabel at tinanggihan agad na sumama sa kanya sa bakasyon niya, hirap din na aalis siya pansamantala. Ang mga ito pa mandin ang nangungunang nagbigay ng dahilan kung bakit mas makabubuting mag-isa lang siya. Kesyo mamamahay daw, wala daw maiiwan sa bahay, maiistorbo siya, at magpapahatid lang pauwi kapag si Lola Kora raw ay hindi makatulog sa hindi sariling kama.Pero alam niya ang totoong dahilan kung bakit tumanggi ang dalawa. Kung magbulungan kasi, ang ingay din naman at naririnig niya. They were hoping that if she was alone, she would get to know other people better. Gaya ng kanyang magiging kasama sa bahay. O magiging mga kapitbahay doon sa lugar. As if she was going on parties bigla pagdating niya sa Tagaytay.“Malapit na tayo, hindi ba? Hindi ko na tanda kasi.”Ngumisi ito. Legendary sa kanilang magkakaibigan ang kanyang kawalan ng kwenta pagdating sa locations. Naliligaw siya kahit saan kasi wala siyang sense of direction. Ang masaklap pa, kapag siya ang may hawak ng G****e map ay nililigaw niya ang binibigyan niya ng instructions. Napalo tuloy niya ito sa balikat at tumatawa itong umiwas.“Mga twenty minutes pa. H’wag kang magmadali kasi magkukwentuhan pa tayo. Saka ipapakilala pa kita sa ka-share mo sa resthouse.”Tumango siya. “Sige. Lagi n’yo ba nadadalaw yung bahay?”Tumango ito. “Regularly. Like, two or three times a month kapag weekends. Kaya h'wag kang mag-alala, maayos ang lagay ng mga gamit at hindi masyadong magabok. Pinapupuntahan din ni Mommy ang bahay sa mga pinsan namin para i-check at maglinis.” May mga pinsan sina Hazel na nasa malapit din lang nakatira. “Ingatan n’yo lang ang mga appliances, ha? Ikaw pa naman, mainit sa mga electrical gadgets.”“If ever may masira ako, papalitan ko.”“Talaga?”“Second-hand nga lang.” Umiwas siya sa palo ng kaibigan. “Gaga ka talaga! Ang laki-laki ng kita mo, sobrang kuripot mo!” “Nagda-drive ka, baka maaksidente tayo.”“Ikaw lang ang pwedeng manghampas, gano’n?”Hanggang sa makarating na sila sa resthouse, wala na silang ginawa kundi magkulitang parang mga bata. Na-realize niyang kahit lagi silang magka-chat, miss na niya talaga si Hazel. Lagi siyang busy habang ito naman ay abala sa business nitong books at novelty shop sa Ortigas. Kahit kasi nagdaan ang higpit ng pandemya, malakas pa rin ang benta ng mga ito online kaya araw-araw may pina-pack to ship. Noong panahong istrikto pa ang lockdowns, sa bahay pansamantala tumakbo ang business. “Sa palagay mo, magkakasundo kami nung isa pang magre-rent? What’s her name?”“Pepper daw, sabi ni Ara,” ani Hazel. “Cute, ‘no?”“Maanghang.”Natakpan nito ang bibig sa pagtawa. “Corny!”Tumatawa rin siya. It was something one of her lola would say. Inilalabas niya ang mga supplies ng pagkain mula sa kanyang bag na karamihan ay inihanda pa ng mga matatanda—binabad na karne, home-cooked ham, ensaladang pipino sa isang malaking Tupperware, marinated bangus, kalamansi extract sa isang malaking garapon, bagoong-alamang na matamis, etcetera, etcetera. Kulang na lang ipadala sa kanya ng mga lola niya ang kusina. Hiniwalay tuloy niya ng pack ang kalahati nang lahat para ipadala kay Hazel, trade sa balak nitong ipagluto siya pagbalik nito sa weekends para bisitahin siya o makapamasyal sila, depende sa mood niya. “Lagot ka kina lola. Pinamigay mo itong parang handa sa fiesta mong pabaon nila.”“Papalitan mo naman, ‘di ba?” Binuksan niya ang malaking bag ng gummy bears na binili nito para sa kanya. May chocolate bars pang mula sa stash nito sa bahay, pasalubong ng mga kaanak na bumibisita galing sa States. “Thanks dito. You’re the best talaga!”“Syempre, gusto ko talaga magka-cavities ‘yang teeth mo para mabawasan naman ang ganda mo.”“Kahit pa! ‘Wag ka ngang parang Lola Tinay. Kunwari saway nang saway, kupit naman nang kupit ng M&Ms ko sa drawer.”Natawa ito. “Ang kulit nila, ‘no? ‘Yung taboy nang taboy sa ‘yo tapos nag-iyakan noong paalis na tayo, ha ha ha! Aliw na aliw ang mga kapitbahay.”Napailing na lang siya. “Hindi sila mawawalan ng tagaaliw dahil tiyak na sa bahay magtatambayan ang mga amiga nilang Marites pag-alis ko.” Alam niyang kaya bihira ang mga itong mangapitbahay sa kanila kasi sinasaalang-alang ang ingay kapag nagsusulat siya. “Ano ba ‘yan? Ang dami mo pa ring mga pagkain. Hindi ka na makakalabas nito,” reklamo nito habang naghahanap ng space pa sa fridge sa mga hindi pa naipapasok doon.Ipinasok niya sa bread container ang isang loaf ng tinapay. “Maglalakad-lakad lang ako sa malapit para ma-enjoy ang view.” Lumapit siya sa isa sa malalaking mga bintana at tumanaw doon. Nagre-relax na agad ang mood niya at ang isip niya. “Feel ko makakapagsulat ako rito. Maaliwalas ang hangin, tahimik, maganda ang view…”“See? Kasi naman, anytime pwede kang mag-rent. Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo, ‘di ba?”Napakamot siya sa batok. “Kasi hindi libre. Sobra naman ‘to, tinotoo na talaga ang pagiging negosyante.”“Gagi, totoong negosyante ako, ‘no? At wala na talagang libre ngayong mga panahong ito,” pandidilat pa nito sa kanya. Saka ngumiti nang matamis. “Bibigyan na lang kita ulit ng discount everytime na rerentahan mo ‘to kasi friend naman kita. Isa pa, tiyak na mas madalas kang makapagsulat, mas malaki kikitain ko sa books mo.”Napailing na lang siya habang sumusunod dito noong nagtungo sila sa kwartong gagamitin niya. Tinulungan siya nitong magligpit ng mga gamit niya sa closet at mag-setup ng writing nook niya sa isang side ng kwarto, iyong nakakatanaw siya sa labas ng bintana habang nagtatrabaho. “Pero pasensya na sa bathroom. Since hindi namin pwedeng ipagamit ang master’s bedroom for obvious reasons, you’ll have to share the bathroom outside with the other guest.” Nag-migrate na sa America ang Tito Jack nito may anim na taon na ang nakararaan, pero isang beses isang taon ay dumadalaw sa Pilipinas at sa resthouse tumitigil. Ang mga mementos nito, nasa loob ng kwarto nito. It would be like invading his privacy if they let anyone sleep in his bedroom.“Okay lang ‘yon. Pero dapat bawasan mo pa ang rent ko dahil d’on,” aniya.Tinirikan siya nito ng mga mata. “Ano ka ba? Puro ka hirit?”“Malay natin, baka maka-Bingo,” hirit pa niya. Nakapagtanghalian na sila at nauubusan na ng kwento ay hindi pa rin dumarating iyong isa pang babaeng rumenta sa resthouse. Kailangan nang bumalik ni Hazel sa Manila kasi hahabol pa ito sa pagsasara ng bookstore nito, at sumasama ang panahon. Iyong low pressure area kahapon sa karagatang katabi ng Bicol, naging bagyo sa maghapon at ilang oras na lang ay papasok na sa Philippine area. “Pagdating niya, Joey, paki-welcome na lang,” bilin sa kanya ni Hazel habang sumasakay ito sa kotse nito. “Hindi pa rin daw kumokontak ‘yung kausap ni Ara, eh. Kailangan ko nang umalis baka ako abutin nang malakas na ulan sa byahe.” “H’wag kang mag-alala, I’ll welcome her like I’m the true owner of the house.” Naglabas siya ng nakahandang pera sa envelope mula sa bulsa niya. Bukod sa para sa rent, dinagdagan na niya iyon ng para sa gasolinang ginamit sa kotse nito sa byahe nila. Asaran lang talaga nila iyong mga palibre at pa-discount. Silang dalawa ni Hazel ang unang nag-uutangan kapag kailangan nila ng pera at any time.“O baka bilangin mo pa,” sabi niya rito noong ibinigay na niya rito ang sobre sa bintana. “Kumpleto ’yan.”Ipinasok nito sa isang compartment ng kotse ang sobre. “Grabe, hindi na lang nag-bank transfer,” reklamo nito.“Galing kasi kina lola ‘yan. Alam mo namang kung hindi nahahawakan, hindi pera sa kanila. Nag-insist na sila ang magbayad sa rent ko, eh, ayoko namang may cash masyado sa bag ko dahil baka mawala or something.”Tatawa-tawa na naman ito. “Ang mga grannies talaga. O, hindi ko na bibilangin ito, ‘no? Aabutin na ako ng ulan at rush hour.” Binuhay na nito ang kotse at bumabay sa kanya. “Bye! Sana ma-inspire ka! Damihan mo ‘yung bed scenes gaya nang dati. I’ll send you more clips para pandagdag ng juice sa utak mo.”Nag-init ang kanyang mga pisngi. Grabeng babae, baka may makarinig dito. “Bye! Ingat ka, ha?” pantataboy na niya. Pero humampas ang malamig na hangin at napatingala siya sa langit. “Mukhang aabutan ka na talaga ng ulan,” nag-aalala niyang sabi rito. “Ingat ka sa pagda-drive.”“Okay!”At binuhay na nito ang kotse, umurong at nagmaniobra, saka kumaway sa kanya.Nag-drive na ito palayo.Pumasok na siya sa bahay at isinara niya na ang pinto. Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. “Ano pa kayang oras darating ‘yon?” natanong niya sa kanyang sarili tungkol sa isa pang renter. Hindi pwedeng hindi niya i-lock ang pinto, syempre. Kaso atat na atat na siyang balikan ang kwento niya, at baka masyado siyang maabala hindi niya agad mamalayan kung may dumating na pala. Ang alam niya, nabigyan na ng duplicate ng susi ang Pepper na ‘yon through the third person. Sobra daw kasing busy kaya hindi na nakapunta at ipinakuha na lang muna. Kaya kung i-lock man niya ang pinto, makakapasok pa rin ito.Isa pa, gusto niyang matulog muna bago magsimulang magtrabaho. Hindi siya nakatulog nang maaga kagabi dahil ang dami-daming ibinilin sa kanya ng kanyang mga lola. Sa tabi pa nga niya nakatulog si Lola Kora kasi ang control freak niyang lola na si Lola Tinay, gumawa pa ng listahan na siya ang pinagsulat kasi masyado nang malabo ang mga mata nito. Nakatulog na si Lola Kora sa kahihintay
Matapos kumain, si Hazel ang sunod na nakausap ni Joey. Tinawagan niya ang kaibigan para makapag-bigay ng update dito. “What? Wala pa rin ‘yung Pepper? Siguro kasi masama ang panahon. Sana pala hindi muna kita iniwan,” sambit nito noong sinabi niyang wala pa ang makakasama niya. “Mag-isa ka lang tuloy d’yan, tapos may bagyo pala. Naku, teka, nakausap mo na ang mga lola?”“Oo, tinawagan nila ako. Sinabi ko na lang na dumating na ‘yung Pepper para hindi sila mag-alala sa akin dito. Alam mo naman ang mga ‘yon.”“Oo. Baka pilit magbyahe para lang masamahan ka.”“Oo.”“Kumusta ka naman? Nagsulat ka na ba o nagpahinga ka muna?”“Three chapters… and some revising,” sagot niya sa masiglang tinig. “Thank you, Lord!”“Wow! Sabi ko na sa ‘yo, eh! Dapat pala noon pa para tapos na ngayon at may hinihintay na lang tayong imprenta. Mas napaaga sana ang profit ko.”“Gaga.”Nagkuwentuhan pa sila saglit bago nagpaalam sa isa’t isa. Nag-aalala pa rin ito at sinabihan siyang tawagan agad ang iniwan nito
Nakatitig si Pepper kay Joey. Halatang bagong bangon lang ito, gulo ang buhok, walang make up, naka-pajamas at robe na pale pink, at bagong gising ang mga mata kahit namimilog ang mga iyon ngayon. Mahaba ang buhok nito, bahagyang kulot, at hugis-puso ang mukha. Ang mga kilay… ang elegante ng hugis. Makapal at may pilantik ang eyelashes ng almond-shaped na mga matang iyon. Sa mga matang iyon at matangos nitong ilong, sulit na sana. But her lips… plump. And red. Sumptuous, kissable lips.Hahalikan kita kahit anong mangyari. Just wait. I will.Muntik nang mapabuntonghinga si Pepper habang tinatago ng mukha ang imboluntaryong naisip. She’s definitely a woman, in all the physical ways that count. And she’s the most gorgeous tousle-haired woman he had ever seen in his entire life. So why the hell was she Joey, again? And why couldn’t he speak suddenly right now, while her eyes traveled over him?“Lalaki si Pepper? Oh my god,” anito, natatawa at namumula ang mga pisnging iyon.“Ahm, I’m
Pagdating sa kusina, sandaling tumigil si Joey para humabol sa pagkamangha sa kanyang sarili.Hindi pa niya naranasang dumaldal nang ganoon sa kahit sinong bagong kakilala sa buong buhay niya! But she didn’t feel like she did something was terribly wrong. Hindi rin ito mukhang na-weird-uhan sa kanya—thank god! In fact, he looked like he really enjoyed her babbling kaya kahit hindi na siya nahihiya.Lihim siyang napangiti habang naaalala ang pakiramdam sa bandang huli, noong sinubukan niya itong… landiin—the word Hazel would use. Hindi pa rin siya makapaniwala habang naaalala kung paano natulala si Pepper. And she could do this. she really could. Narinig niya ang ingay nang pagsunod nito sa kanya at napakilos siya. Binuksan niya ang fridge at kinuha niya ang nasa pinakaibabaw na Tupperware, iyong naglalaman ng marinated na tapa na inulam niya rin kagabi.Pumasok ito sa kusina. Nginitian niya ito bago siya nagtungo sa worktop para ipagpatuloy ang ginagawa. Nilagay niya ang rice cooker
Ang totoo, nalilito si Pepper. Titig na titig sa kanya si Joey at kahit ngayon lang niya ito nakilala, ramdam niya ang lakas ng hatak nito sa kanya. Umiwas siya sa gulo sa Manila kaya siya naririto, pero ngayon ba mapapasok na naman siya sa isa? Nagulat pa siya na gusto niya ang ideya na maaaring gusto siya ng babae—isang virtual stranger, really—sa kabila nang kapangyayari lang kay Hanna. Hindi sa pagmamayabang, talaga lang as long as he could remember, malakas ang hatak niya sa babae. Noong maliit pa siya, dahil cute siya at bibo, pinag-aagawan siya ng mga girl playmates niya sa park. Marami ang mga itong ‘boyfriend’ siya. Kapag nagpapaalam sa kanya kung sila na, payag naman siya nang payag. Lalo na kung hahalik siya sa pisngi kasi ang lambot ng mga pisngi at ang bango. Kilig na kilig siya sa tuwa kapag nakakahalik siya sa mga pisnging iyon.He liked girls, he knew that even before he knew about the different anatomies of boys and girls. He loved that they liked him, too. Noong
Napakurap siya. Right. She was asking about the food in his restaurants. “Ah, ‘yung mga favorite local dishes sa mga regions ng Pilipinas, and even some from neighboring nating bansa like Korea, Japan and India,” sagot niya. “We have it designed like in a fast-food service for families, whatever age, lalo na noong nag-lockdown to easily deliver them sa mga umo-order online.”“Hindi ba kayo nahirapan during the pandemic? Ang daming nagsarang restos.” Napakurap ito, saka ngumiwi. “Sorry, I sometimes sound really tactless—"“It’s fine,” natatawa niyang sambit. “You are refreshingly candid.”Pinili nitong hindi sumagot sa sinabi niya pero ngumiti ito. “Anyway,” nangingiti niyang patuloy. “Not as we would have been kung totoong fast-food ang offer namin that hundreds already offer. There was a time there na akala ko magle-lay off kami ng mga workers. Thank god we’d avoided it.”Ngumiti ito. “Ilibre mo ako sa isa sa mga restaurants mo one time, ha?”“Really? Can I hold you on to that?”Tum
NAKATULOG si Joey at nagising sa malakas na hangin sa labas ng resthouse. Patuloy pa rin ang bagyo, at mas malakas na iyon ngayon. Kumakalampag ang anumang parte ng bahay na nahahampas ng hangin. She wanted to stay buried under the covers pero nag-alala siya. Gusto niyang i-check kung okay ang lahat. O kung may nasira na ba ang bagyo sa bahay dahil sa kababayo nito ng hangin doon sa magdamag. “Ang lamiig…” pagrereklamo niya habang tinatapik ng kanyang mga kamay ang kanyang malalamig na mga pisngi na exposed sa labas ng comforter. Maging ang dulo ng kanyang ilong, pinisil-pisil niya para mag-init. Nag-stretch siya at tumingin sa mga bintana. Ayaw pa niyang lumabas ng kwarto pero kailangan. Pagkatapos niyang ma-check ang kailangang i-check, babalik siya rito at magbababad sa ilalim ng comforter maghapon, much preferably with a book.Then she remembered Pepper.Iyong sexy guy na dumating kagabi sa halip na isang babaeng housemate na inaasahan niya. He wasn’t just a figment of her imagin
NANGANGALIGKIG sa lamig si Pepper nang magbalik siya sa bahay pagkatapos nang may isang oras. It was hard to drive with the wind batting at his car even when the clubhouse was just very near. Ilang beses siyang nag-swerve sa daan dahil sa dulas niyon o dahil sa malakas na hampas ng hangin. The fog was unforgiving. Hinintay pa niyang mag-clear iyon dahil sa liko-likong kalsada bago makarating sa resthouse nila sa hillside. Nang buksan niya ang pinto, nagsalo ang hangin mula sa labas at ang amoy sa loob. Muntik na siyang mapaungol nang maamoy niya ang bango nang kung anong masarap na niluluto sa kusina, tapos natuloy nang maisip niya na, oo nga pala, magluluto pa siya. Pero sobrang nakakagutom ang amoy.Nag-angat ng tingin sa kanya si Joey nang pumasok siya sa kusina dala ang mga nasa bags na grocery. Sumunod ang mga kilay nito sa gulat. “Basang basa ka na naman!”“Yeah. And freezing. I’ll go to my room and change,” aniya habang nakatingin sa niluluto nito, at natatakam. That was
KANINA pa may nahahalatang kakaiba si Pepper.They were having a big lunch with family and a handful of close friends before he and Joey could leave in his lolo’s yacht to go sailing away to the islands. Something’s going on.Pinakamalaking give-away iyong laging magkadikit na mga ulo nina Lola Tinay at Lola Kora. Pero bago pa man ito, ilang beses niyang nakita ang smirks nina Oliver, Rick at Jim. And come to think of it, even his Lolo Ruel’s tap on his shoulder and ‘I’m so proud of your dick, apo,’ suddenly became suspect. He’s always cracking jokes like this about the Magsaysay equipment so he just grinned at him. On the other hand, he thought at first they were teasing him about his honeymoon. Joey was glowing. She looked so happy that he did feel very proud of himself. But his mother blushing, then bursting into a laugh that she would try to hide by turning to his father and hugging him…And his Dad giving him a thumbs up.Dad didn’t do thumbs up.What the hell is going on?
WELL, they had to eat.Kahit sobrang glorious ng kanilang magdamag ni Pepper, eventually nabalik sa kanyang bokabularyo ang mga words na bagel, or cereal, bacon, sunny side-ups… fried rice…? Nag-angat ng tingin si Joey mula sa hubad na dibdib ng asawa at nakitang tulog pa ito. Poor baby. Pagkatapos noong unang beses na frantic nilang sex, they were able to focus on actually making love. He whipped his lubricant bottle out again because she was a little sore from the first round. Kahit na-devirginize na siya noong nasa Tagaytay pa sila, she was still tender. Pero masyado silang gigil na gigil ni Pepper sa isa’t isa so he had his boner boning her three times more before morning.Isa pa, napakaaga pa. Sanay siyang nagigising ng four AM. Minsan pa nga mas maaga pa. But it was maybe already a little past five right now? Kasi may dull na liwanag na sa labas bago tuluyang sumikat ang umaga. Nakasara pa ang mga drapes kaya madilim pa sa bedroom. But she’s really hungry.Noong bumangon si
“ARE you tired?” malambing na tanong ni Pepper sa asawa habang buhat niya itong ipinapasok sa kanyang penthouse flat. Binuhat niya ito mula sa private elevator pa lamang papasok sa loob, at ngayon ay naglalakad siya sa hallway.It was already about seven in the evening and they had just driven home from the reception. The wedding was about three pm and everybody went to the reception area in the same venue after the ceremony. They stayed there until about six, kung saan mukha namang nasulit nila ang oras para makilala nang lubos ni Joey ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan at maka-kuwentuhan naman ng mga lola ang kanyang mga kamag-anak.The grannies were a success. Ang kombinasyong ng makulit na si Lola Kora at stoic na si Lola Tinay ay nakawili sa kanyang mga kamag-anak. The fact was, he also had fallen for them the first night he met them. Ang unang unang nakaapekto sa kanya ay ang malinaw na dedikasyon ng mga ito kay Joey, pangalawa ay ang honest na personalidad at karakt
“ANO si Montes?” naiiritang paalala ni Lola Tinay.“Si Montes. Ay!” Nagbalik sa thread si Lola Kora. “Hindi ba ‘yan ‘yung nag-extra doon sa pelikulang ginawa galing sa una mong libro? Naalala ko dahil Hanna Monta—”“Montes,” singit ni Lola Tinay.“—Tes ang pangalan, malapit nga sa Hanna Montana,” gigil nitong sambit sabay tingin sa pinsan na parang ito pa ang may kasalanan nang lahat.“Really?” sabi naman ni Pepper sa tinig na parang masasamid. Nahihirapan na ito sa pagpipigil tumawa. “Nag-act si Hanna sa movie mo?” Nag-init ang mga pisngi niya sa proud nitong tono. “Hindi aking movie. I just—” Gah! Ngising ngisi ang loko. “Anyway, if ipipilit ng babaeng ‘yan na ikaw ang nakabuntis sa kanya, may online presence ako para labanan siya. Plus, ‘yung sunod na novel sa series na ‘yon, nililigawan ng same film company na may contract siya. Pwede akong um-oo sa iba kapag talaga hindi siya magsasabi nang totoo.”Pero nakakunot ang noo ni Pepper. “Baby, ayokong ilagay mo ang sarili mo sa sitwa
“LOLA, ano ba? Ang sakit no’n, ah!” reklamo niya.“Aba, aba, aba! Bakit nakapatong ka na d’yan? Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan! Baka isipin ng mga kapitbahay, pabaya kaming mga taga-ingat mo!” Tumuro ito sa labas.And sure enough, noong mapatingin siya roon, nasa labas ng gate ang ilang mga kapitbahay na naka-duster. Hawak pa ang mga walis-tingting gayong alas siyete na nang gabi. Makikita mo pa ba ang kalat sa lupa sa dilim na ito?“Beinte-kuwatrong taon ka naming inalagaan tapos unang dalaw sa ‘yo ng lalaki, nakasampa ka na agad?!”“Tinay… ano ka ba? Gusto mo bang umabot pang alagaan natin siya hanggang kuwarenta’y sais? Aba’y buti nga at nagka-boyprens agad—aray!”“Isa ka pa! Isa ka pa, Kora! Sabi ko sa ‘yo bantayan mo at may kukunin lang ako sa taas. Tapos kilig na kilig ka pang namimilipit habang nanonood d’yan?!”“Ah!” ani Lola Kora habang hawak ang kamay na nahapyawan ng tungkod ni Lola Tinay. “Paanong hindi ako kikiligin, naaalala ko ‘yung mga panahong nililigaw
NAPANSIN NI KORA ang sumusukong pagbuntonghininga ng apong si Joey. Hindi na iyon mabilang sa nagdaang limang araw tuwing maupo ito kahit saan at matutulala. Sa pagkakataong iyon, nasa harapan na naman ito ng kompyuter nito, na nang sulyapan niya nang pasimple sa ibabaw ng balikat nito ay blangko pa rin hanggang ngayon maliban sa chapter sa itaas ng pahina sa loob ng parang telebisyon niyon na wala nga lang istasyon. Napatingin ang matanda kay Tinay. Napatingin din ito sa kanya, saka malungkot na napailing.“Wala pa rin maisulat si Joey,” paanas niyang sabi rito. “Ano bang gagawin natin? Mukhang dinibdib yata talaga ang nangyari sa kanila ng lalaking iyon.”“Wala na naman sigurong maimbentong isturya,” anito.“Brukenhurted.”Nag-angatan ang mga kilay ng kanyang pinsan. “Paanong mabubrok? Hindi naman niya naranasang umibig?”“Tsk. Hindi naman natin talaga alam kung anong nangyari sa kanila. Ang alam lang natin ay nagkagustuhan sila at hindi lang makapagsabi sa atin dahil nga tiyak n
BAGO MAGBALIK sa salas si Joey ay pumuslit muna siya sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang cellphone at buksan ang kanyang mga messages. The video was about five minutes each, putol-putol. So mga twenty minutes. Hindi niya kayang panooring lahat dahil hinihintay siya sa labas, but she saw enough para kumulo ang dugo niya. Kinontrol talaga niya ang mukha niya bago siya lumabas ng kwarto at sumama sa mga ito sa salas.Nakaupo ang mag-iina sa sofa habang si Pepper ay sa isa sa tatlong armchairs. Naupo siya sa isang armchair. May nasimulan na sa pag-uusap. Si Tita Lucy ang nagsasalita, at iyon ay tungkol sa kalituhang nangyari tungkol sa sex ni Pepper at niya. She wondered if it would have made a difference if he’d been gay. Pero tinaboy niya iyon agad kasi may sex video na nga at iyon ang dahilan kung bakit napasugod ang mga ito, sigurado siya. It would not fly.Kagat niya ang itaas na labi noong maupo siya sa armchair. Ramdam niya ang tingin sa kanya ni Pepper habang nagsasalit
HINDI PA rin makapaniwala si Joey sa nangyari sa kanila ni Pepper. No, they didn’t use the tub. Nataranta ito, but they both knew it couldn’t stop his tailed minions from getting to her egg once they’re inside her womb—na nangyayari kapag nakabaon ito sa kanya at wala itong rubber. It was actually silly. Anak pa mandin ito ng isang doktora na ang specialty ay may kinalaman sa babies. At siya, na isang romance author, who had researched everything she could about getting pregnant because she has used it so many times as a plotline…Kung hindi lang siya natatakot, she would have laughed at them both.Pero mas talaga ito.Imagine, anak pa mandin ng mga doktor, gusto siyang ilubog sa tubig sa bathtub para mag-swim-out sa kanya ang sperm nito? That was how panicked he was. Nagpababa siya mula sa pagkakabuhat nito at nagtungo sila sa ordinaryo nilang banyo para linisan ang sarili.Ang nakakabaliw, noong makabawi ay bigla itong chill na chill. Siya ang taranta pa rin. Siya ang nagsisimu
THEY WERE ripping clothes off each other as soon as they entered the back door. Granted, basa na naman sila. But they weren’t doing this for that. Panties na lang ang suot niya habang naka-briefs ito noong magtanong. “Your room or my room?” “Yours,” sagot niya, ngumingiti rito. Gusto niyang naaamoy ito sa kama at sa kumot. Isa pa, hindi niya alam kung bakit mas dama niya ito sa kwarto nito kaysa sa kanya. At doon nga siya nito dinala sa mabilis na mga paa. Siya ang pumihit sa seradura ng pinto, at magkahinang nang muli ang kanilang mga labi bago pa siya nito maihiga sa kama, kung saan nito pinagpatuloy ang mainit na halik hanggang sa pakiramdam ni Joey ay inaapoy na siya ng lagnat ng pagnanasa. Bawat kiskis ng katawan nito sa kanya ay nagpapabaliw sa kanya, bawat himas ng mga kamay nito sa kanyang dibdib at paglalaro ng thumbs sa kanyang mga nipples ay nagpapabitin sa paghinga niya. Bawat ungol nito ay nagdadala ng kiliti sa kanyang katawan diretso pababa sa kanyang puson. At