Share

Stolen Memories
Stolen Memories
Author: prinsesitaaa

Prologue

Author: prinsesitaaa
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Anya." tinigil ko saglit ang ginagawa nang tawagin ako ni manang Hilda, ang pinakamatandang katulong dito. Nasa 60s na ito at walang asawa't anak.

Nilingon ko ito at agad syang nilapitan para kunin ang bitbit nitong mga plato. "Ako na po dito." sambit ko at kinuha ang dala nya.

Tinalikuran ko si manang Hilda at naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang iba pang babasaging mga plato at baso. Naramdaman ko naman na sumunod ito sakin.

"Tapos ka naba sa paglagay ng mga sapin sa mesa?" tanong nya at nilibot ang paningin sa paligid ng hardin. "Nasaan si Joyce?" si ate Joyce ay ang isa pang katulong dito at asawa ni kuya Warren, ang driver.

"Patapos palang po." tukoy ko sa paglalagay ko ng tela sa mga mesa. "Inaantay po ata ni ate Joyce ang pagdating ng letson." nakita ko kasing lumabas si ate Joyce sa gate kanina kanina lang.

"Ah ganon ba? Tapusin mo nayan at pumunta ka na sa kwarto mo." Seryosong sabi nya na nagpailing sakin.

"Tutulong po ako sa pagaayos." nakayukong sabi ko.

Tatlo lang kaming katulong dito, at madami pang aayusin. Ayoko naman na iwan sila magayos dito habang nagtatago ako sa kwarto ko.

"Alam mong mainit sayo ang ulo ni maam Nerisa, diba?" sabi ni manang Hilda at hinawakan ako sa balikat. "Baka masigawan ka pag nakita ka nya." dagdag nito.

Si maam Nerisa ang amo namin. Galit ito sakin dahil sa nangyari 5 years ago, at hanggang ngayon ay hindi parin ako nito pinapatawad. Naiintindihan ko naman kung bakit sya galit, sino ba namang hindi magagalit kung gawan  ka ng ganong bagay diba?

"Pero... pano po kayo rito? Tiyak na madaming bisita mamaya." malungkot na sabi ko.

Dadating kasi ang mga pamilya nila maam Nerisa at ng asawa nito na si sir Levin Vergara. Ngayon kase ang uwi ni Lennox kaya may munting selebrasyon dito sa hardin.

Halos matagal din kasi bago ito umuwi sa pilipinas kaya naman pinaghandaan talaga ang paguwi ni Lennox.

After 5 years, makikita ko na uli sya.

"Wag mo kaming alalahanin dito. Kami na ang bahala." sabi ni manang Hilda at ngumiti sa akin.

Napangiti naman ako dahil don. Malaki ang pasasalamat ko para kay manang Hilda dahil sya ang tumayong nanay ko dito sa masyon, dahil ang totoo kong ina ay hindi ko alam kung nasaan.

"Tapusin ko nalang po ang paglalagay ng mga sapin, tapos magkukulong na po ako sa kwarto ko." sagot ko.

"Mabuti pa nga."

Ako si Anya Elisa Mariano, 24 years old. Katulong ako dito sa mansyon kung saan ako tumutuloy. Limang taon na akong nagtatrabaho dito at dito narin umikot ang mundo ko.

Simula nang magtrabaho ako dito ay wala na akong balita sa pamilya at mga magulang ko. Hindi ko alam kung nasaan sila. Gusto ko mang kamustahin sila ay hindi ko magawa dahil bawal ako lumabas. Nakakalabas lang ako pag may kailangan o inuutos sakin, dahil wala naman akong dayoff.

Maski cellphone ay wala ako. Ni hindi ko nga alam pano gamitin ang mga cellphone ngayon, dahil ang huling hawak ko kasi sa cellphone ay matagal na panahon na. At dipindot lang yon.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatitig sa kisame. Di ko mapigilang mapangiti dahil naiisip ko si Lennox, ang nobyo ko.

Lennox Vergara, naiisang anak ng mga amo ko. Naglagi ito ng limang taon sa ibang bansa sa di malamang dahilan. At ngayong araw ang uwi nya.

Miss na miss ko na sya. Sabi nya sakin noon bago sya umalis ay saglit lang sya magbabakasyon, hindi ko namang inakalang limang taon pala ang saglit para sa kanya.

Pag nakita ko sya mamaya ay kukurutin ko talaga ang ilong nya. Gustong gusto ko kasing kinukurot yun e. Napakatangos. Minsan nga ay naiinggit ako dahil hindi katangusan ang ilong ko. Pero sabi naman nya ay cute daw iyon. Bolero talaga. Kaya ako nainlove sa kanya e.

Sa loob ng limang taon ay hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kanya. Sya parin ang lalaking nakikita kong kasama ko hanggang dulo. At sigurado akong ganon din sya. Dahil yun ang sabi nya.

Naisip ko ang itsura nya. Lalo kaya itong gumwapo? Oo yun, ang gwapo gwapo kaya ng mahal ko. Eh yung tangkad nya kaya? Matangkad na sya dati e, baka lalong tumangkad yun. Hanggang san nya na kaya ako ngayon?

Napailing ako dahil ang daming katanungang pumapasok sa isipan ko. Excited na kasi talaga ako makita sya. Sabik na sabik na ako sa kanya. Sa yakap nya, sa halik nya, yung tawa nya, lahat.

"Hays, anong oras ba ang dating mo, mahal?" tanong ko sa hangin.

Siguro kung may cellphone ako ay lagi kami magkausap ni Lennox kahit nasa ibang bansa sya, kaso wala e. Wala naman kasi ako pangbili ng ganong bagay, dahil hindi naman ako sinasahuran dito.

Laking pasasalamat ko nga at pinapakain nila ako at binigyan ako ng sariling kwarto nila maam Nerisa kahit galit ito sakin e. Okay na ako don, sapat na ito.

Alam kaya ni Lennox na katulong ako ngayon dito sa kanila? Sinabi kaya ng mama nya sa kanya ang nangyari dati? Ano kayang reaksyon nya? Nagalit ba ito sakin? Tanong ng isang bahagi sa utak ko.

"Hindi yun." sambit ko at ipinikit ang mga mata. "Hindi magagalit sakin yun. Wala naman akong kasalanan e saka mahal na mahal ako nun." Sabi ko habang mukha ni Lennox na nakangiti sakin ang nakikita ko sa isip ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Nagising ako sa pagkakatulog nang marinig ang maingay na tunog mula sa labas. Mukhang nandito na ang mga bisita. Ibig sabihin....

Nandito na si Lennox!

Agad akong bumangon sa higaan ko at kinakabahang nag lakad lakad sa loob ng maliit na kwarto ko. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang kabog. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o sobrang saya ko lang talaga dahil makikita ko na sya.

Umupo uli ako sa kama ko ay nanginginig na inabot ang larawan na nakapatong sa tabi ng kama ko.

Larawan namin iyon ni Lennox. Nakaakbay sya sakin habang may hawak na chicken at ako naman ay tumatawang nakatingin sa kanya.

Tinitigan ko ang larawan gaya ng lagi kong ginagawa araw araw. Ang bata pa namin doon. 18 years old ako doon at sya naman ay 20 years old. Kuha ito nang magdebut ako. Wala akong handa non at sya ang kasama ko magcelebrate sa jollibee dahil yun ang gusto ko.

Natigil ako sa pagtitig sa larawan nang may kumatok sa pinto. Agad akong lumapit doon para buksan. Nabigla ako nang makitang si maam Nerisa ang kumakatok.

Yumuko ako kinagat ang sariling labi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naitago ko rin ang bitbit kong larawan sa likod ko.

"Wow, why are you here?" mataray na sabi sakin ni maam Nerisa kaya kinabahan ako bigla para sa sarili ko.

"M-maam."

"Diba dapat nasa labas ka at tumutulong sa pagasikaso ng mga bisita?" sabi pa nito.

"O-opo." kinabahang sagot ko.

Ngayon ko nalang uli nakita si maam Nerisa. Hanggat maaari kasi ay iniiwasan ko ito at hindi nagpapakita sa kanya dahil alam kong maiinit ang ulo nito sakin. At ayokong mapagalitan ng wala sa oras.

"Oh? Lumabas ka na don!" sigaw nya kaya agad akong tumango dito.

"O-opo maam, m-magbibihis lang po ako." Wala itong sinabi at saka umalis. Nakahinga naman ako nang maluwag nung tuluyan ng umalis si maam Nerisa sa tapat ng kwarto ko.

Nilapag ko uli ang larawan sa kung saan ito nakalagay at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang uniporme namin dito bilang katulong. Nang masuot iyon ay humarap ako sa maliit na salamin na nakadikit sa dingding at tinali ang kumulot kong buhok dahil sa pagkakapusod.

Paglabas ko ng kwarto ko at sinigurado kong nakasara iyon bago ako naglakad papunta sa hardin.

Natigilan ako dahil napakaraming tao ang nandito ngayon. May kanya kanya silang mundo. Ang iba ay kumakain ng tahimik, ang iba ay umiinom at nagsisigawan ang iba naman sumasayaw.

Akala ko pamilya lang nila ang pupunta pero mukhang hindi, mukhang pati ang mga kaibigan ni Lennox ay nandito dahil namukaan ko ang iba.

Kanina rin ay wala namang sound system dito pero ngayon ay meron na at may lalaki pang nakatayo doon na maliit na stage habang may suot na headset. Ano nga bang tawag doon? BJ? CJ? Basta yung may iniikot na malaking cd.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid  upang hanapin si Lennox pero hindi ko ito makita. Nasaan sya?

Nang makita ko si ate Joyce ay sya ang nilapitan ko para tumulong sa kanya sa pagbitbit ng mga pinagkainan. Mukhang pagod na nga sya. Andami ba namang bisita e.

"Oh, Anya. Bakit ka lumabas? Baka makita ka ni maam." Nagaalalang sabi nito sakin nang makalapit ako sa kanya.

"Sya po ang tumawag sakin, pinagalitan ako." sabi ko at tumawa para ipakitang ayos lang ako.

"Ay ganon ba?"

"Opo." Sagot ko at kinuha sa ang mga basong nakapatong sa bitbit nyang mga plato. Baka mabasag e.

Nang makarating kami sa kusina ay tambak na doon ang mga hugasin. Nilapag ko ang bitbit sa lababo at ganon din ang ginawa ni ate Joyce.

Napagdesisyonan ko nalang ako ang maghugas ng plato dahil wala pa naman akong ginagawa. At saka para hindi ko rin makita si maam Nerisa doon sa labas. Natatakot na kasi ako kay maam Nerisa.

"Saan po si manang Hilda?" tanong ko kay ate Joyce. Hindi ko kase napansin si manang Hilda doon sa labas.

"Kakapasok lang sa silid namin, nahilo sa ingay at ilaw jan sa labas." sagot nito at uminom ng tubig.

Iisa ang silid ni ate Joyce at manang Hilda, doon sa tabi ng hagdan. Ang asawa naman ni ate Joyce na si kuya Warren ay uwian. Ako naman ay doon tumutuloy sa likod ng mansyon, may maliit na silid doon para sana gawing bodega pero ayun nalang ay binigay sakin para maging kwarto.

"Si Lenn— si sir Lennox po? N-nakita nyo po ba sya?" nagaalangan na tanong ko. Hindi kasi alam ni ate Joyce na nobyo ko si Lennox. Walang nakakaalam.

"Ay napakagwapo, ilang taon na ba yun? 26? Kamukang kamuka pala yun ni sir Levin. Nandon sa kwarto nya ata dahil pagod pa iyon sa byahe. Kanina lumabas pero saglit lang. Nagpakita lang sya doon sa mga kaibigan nya. Jusko ang wiwild. Kita mo ba yung mga nagsasayawan doon? Jusko kulang nalang maghubad sila. Kami nung kabataan —"

"Ay ganon po ba?" singit ko sa sasabihin ni ate Joyce, ganto talaga sya. Pag nasimulan ng magsalita, tuloy tuloy na.

"Oo, mga kasing edaran mo lang yata yung mga yun e. Oh sya babalik na ako don." sabi nito at umalis na.

Napatigil naman ako sa paghugas ng mga plato at huminga ng malalim. Oo, kasing edaran ko lang yung mga nandon sa labas pero napakalayo ko sa kanila. Ang tataas nila tignan. Ang sososyal, ang gaganda, at ang lilinis.

Samantalang ako... napatawa ako at yumuko. Tinignan ko ang suot na damit. Damit ng katulong. Hindi ko minamaliit ang ginagawa ko ngayon, pero hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil eto lang ako ngayon. Kung hindi lang sana nangyari yon...

Biglang pumasok sa isip ko si Lennox. Siguro pate sya ay sosyal at malinis tignan. Gusto ko na talaga sya makita, akyatin ko kaya sa kwarto nya? Umiling ako, bawal na nga pala akong umakyat sa taas.

"Can you give me a glass of water?" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na yun.

Dahan dahan akong umikot para kumpirmahin ang naiisip at napasinghap ako ng makumpirmang si Lennox nga ang nag salita.

Tinignan ko ito mula sa mukha hanggang sa suot nitong mamahaling sapatos. Nanliit ako bigla. Napakalayo ng itsura nya sa itsura ko. Mukha syang mamahaling alahas samantahang ako ay mukhang tigpipisong singsing na nabibili sa tindahan.

Nang tignan ko muli sya sa mata ay nagtaka ako dahil wala itong reaksyon katulad ko. Nakatingin lang ito sakin at parang naiinip at naiinis na. Sobrang layo sa kung pano sya tumingin sakin noon na puno ng pagmamahal ang mga mata. Pero hindi ko pinansin yon. Baka gulat lang din sya tulad ko.

"M-mahal." bulong ko at kinagat ang sariling labi para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo dahil sa kasiyahan.

"What the fuck? I said give me a glass of water. Nauuhaw ako. Hindi kaba makaintindi ng English?" Masungit na sabi nya kaya napaatras ako. Hindi ko magawang magsalita dahil naguguluhan ako sa inaasal nya ngayon. "Tanga naman. Tubig, bigyan mo ako ng tubig." naiinis na sabi nya sakin at tinitigan ako ng masama.

"L-lennox." Sambit ko ng unti unti syang naglakad papalapit sakin.

Rinig na rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko sa di malaman sa dahilan. Sinubukan kong labanan ang titig sakin ni Lennox pero parang nanghihina ako dahil sa talim nya tumingin sakin. Naguguluhan ako.

"Anya right?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Bakit nya tinatanong kung Anya ang pangalan ko? At saka bakit Anya? Bakit hindi Elisa? Bakit... bakit hindi mahal?

Nang makalapit sya sakin ay parang hindi ako bigla makahinga. Parang naninibago ako, parang hindi ako sanay na ganto sya kalapit sakin. Kinakabahan ako.

Bakit pakiramdam ko may nagiba?

Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nya at ramdam ko rin ang hininga nya. Ganon sya kalapit sakin ngayon.

"Tell me, Ikaw ba si Anya?" tumingin ako sa mata nya at galit lang ang nakikita ko don. Dahan dahan akong tumango at nakita kong gumalaw ang panga nya dahil sa galit. Ngunit bakit? Hindi ko maintindihan.

"B-bakit?" nanginginig na tanong ko.

"So ikaw nga...yung anak ng magnanakaw."

_________________

Related chapters

  • Stolen Memories   Chapter 1

    Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Lennox, at kung paano sya tumingin sakin na puno ng galit ang mga mata.Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na ulit nakita si Lennox dahil sumama sya sa mga kaibigan nya para magbeach daw, ayun ang sabi sakin ni manang Hilda.Hindi ko alam kung kelan sya babalik at kung kaya ko ba uli syang harapin. Malamang alam nya na nga ang nangyari limang taon na ang nakakalipas pero hindi ko maintindihan kung bakit sya galit na galit sakin.Hindi nya pa ako nakakausap tungkol sa bagay nayun. At kaya kong magpaliwanag sa kanya pero bakit parang hinusgahan nya na agad ako? Hindi nya na ba ako mahal?Ibang iba sya sa Lennox na kasintahan ko noon. Ang Lennox na kilala ko ay malambing makipagusap sakin at hindi kayang magalit sakin. Siguro nga totoo ang sinasabi nila. Nagbabago talaga ang isang tao sa paglipas ng panahon. Pero kahit ganoon ay mahal ko parin sya. Siguro hindi totoo ang mga iniisip ko. Baka pagod lang talaga sya

  • Stolen Memories   Chapter 2

    "Anya!" Dali dali akong lumabas sa kusina nang tawagin ako ni maam Nerisa. Kumakain silang maganak sa malaking mesa. Nilapitan ko si maam Nerisa na nakakunot ang noo. Agad akong kinabahan at inalala kung may nagawa ba akong mali, pero wala. "Maam?" tanong ko at pasimpleng sumulyap kay Lennox na walang pake sa paligid habang kumakain ng tanghalian. "Who do you expect to cut this mangoes, me?" nakataas na kilay na sabi nito habang nakaturo sa mga hinog na mangga na may balat pa na nilagay ni ate Joyce kanina. "Stupid." dagdag nito. "Sorry po. Hindi na po mauulit." sagot ko. "Bilisan mo na! Ano pang tinatanga mo—?""Nerisa." pansin kong natigilan ang lahat nang biglang nagsalita si sir Levin gamit ang malalim na boses nito. "What?" tanong ni maam Nerisa sa asawa. "You don't need to shout, nasa harap tayo ng pagkain. At simpleng mangga lang yan, hindi ka ganyan Nerisa." seryosong sagot nito at tumingin sakin na parang humihingi ng pasensya sa ginawa ng asawa nya. Tumango naman ako

Latest chapter

  • Stolen Memories   Chapter 2

    "Anya!" Dali dali akong lumabas sa kusina nang tawagin ako ni maam Nerisa. Kumakain silang maganak sa malaking mesa. Nilapitan ko si maam Nerisa na nakakunot ang noo. Agad akong kinabahan at inalala kung may nagawa ba akong mali, pero wala. "Maam?" tanong ko at pasimpleng sumulyap kay Lennox na walang pake sa paligid habang kumakain ng tanghalian. "Who do you expect to cut this mangoes, me?" nakataas na kilay na sabi nito habang nakaturo sa mga hinog na mangga na may balat pa na nilagay ni ate Joyce kanina. "Stupid." dagdag nito. "Sorry po. Hindi na po mauulit." sagot ko. "Bilisan mo na! Ano pang tinatanga mo—?""Nerisa." pansin kong natigilan ang lahat nang biglang nagsalita si sir Levin gamit ang malalim na boses nito. "What?" tanong ni maam Nerisa sa asawa. "You don't need to shout, nasa harap tayo ng pagkain. At simpleng mangga lang yan, hindi ka ganyan Nerisa." seryosong sagot nito at tumingin sakin na parang humihingi ng pasensya sa ginawa ng asawa nya. Tumango naman ako

  • Stolen Memories   Chapter 1

    Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Lennox, at kung paano sya tumingin sakin na puno ng galit ang mga mata.Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na ulit nakita si Lennox dahil sumama sya sa mga kaibigan nya para magbeach daw, ayun ang sabi sakin ni manang Hilda.Hindi ko alam kung kelan sya babalik at kung kaya ko ba uli syang harapin. Malamang alam nya na nga ang nangyari limang taon na ang nakakalipas pero hindi ko maintindihan kung bakit sya galit na galit sakin.Hindi nya pa ako nakakausap tungkol sa bagay nayun. At kaya kong magpaliwanag sa kanya pero bakit parang hinusgahan nya na agad ako? Hindi nya na ba ako mahal?Ibang iba sya sa Lennox na kasintahan ko noon. Ang Lennox na kilala ko ay malambing makipagusap sakin at hindi kayang magalit sakin. Siguro nga totoo ang sinasabi nila. Nagbabago talaga ang isang tao sa paglipas ng panahon. Pero kahit ganoon ay mahal ko parin sya. Siguro hindi totoo ang mga iniisip ko. Baka pagod lang talaga sya

  • Stolen Memories   Prologue

    "Anya." tinigil ko saglit ang ginagawa nang tawagin ako ni manang Hilda, ang pinakamatandang katulong dito. Nasa 60s na ito at walang asawa't anak.Nilingon ko ito at agad syang nilapitan para kunin ang bitbit nitong mga plato. "Ako na po dito." sambit ko at kinuha ang dala nya.Tinalikuran ko si manang Hilda at naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang iba pang babasaging mga plato at baso. Naramdaman ko naman na sumunod ito sakin."Tapos ka naba sa paglagay ng mga sapin sa mesa?" tanong nya at nilibot ang paningin sa paligid ng hardin. "Nasaan si Joyce?" si ate Joyce ay ang isa pang katulong dito at asawa ni kuya Warren, ang driver."Patapos palang po." tukoy ko sa paglalagay ko ng tela sa mga mesa. "Inaantay po ata ni ate Joyce ang pagdating ng letson." nakita ko kasing lumabas si ate Joyce sa gate kanina kanina lang."Ah ganon ba? Tapusin mo nayan at pumunta ka na sa kwarto mo." Seryosong sabi nya na nagpailing sakin."Tutulong po ako sa pagaayos." nakayukong sabi ko. Tatlo la

DMCA.com Protection Status