Share

Chapter 1

Author: prinsesitaaa
last update Last Updated: 2023-07-27 08:38:27

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Lennox, at kung paano sya tumingin sakin na puno ng galit ang mga mata.

Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na ulit nakita si Lennox dahil sumama sya sa mga kaibigan nya para magbeach daw, ayun ang sabi sakin ni manang Hilda.

Hindi ko alam kung kelan sya babalik at kung kaya ko ba uli syang harapin. Malamang alam nya na nga ang nangyari limang taon na ang nakakalipas pero hindi ko maintindihan kung bakit sya galit na galit sakin.

Hindi nya pa ako nakakausap tungkol sa bagay nayun. At kaya kong magpaliwanag sa kanya pero bakit parang hinusgahan nya na agad ako?

Hindi nya na ba ako mahal?

Ibang iba sya sa Lennox na kasintahan ko noon. Ang Lennox na kilala ko ay malambing makipagusap sakin at hindi kayang magalit sakin. Siguro nga totoo ang sinasabi nila. Nagbabago talaga ang isang tao sa paglipas ng panahon.

Pero kahit ganoon ay mahal ko parin sya. Siguro hindi totoo ang mga iniisip ko. Baka pagod lang talaga sya kaya nya sinabi sakin yun. Pagbalik nya ay kakausapin ko sya.

"Anya, samahan mo ako mamili ng gulay." nabalik ako sa katinuan nang sumulpot sa harap ko si ate Joyce.

Kasalukuyan akong naglilinis sa salas at patapos narin. "Sige po, tapusin ko lang po ito." sagot ko saka inayos na ang mga unan sa sofa.

"Una na ako sa sasakyan, sumunod ka nalang." sabi ni ate Joyce sakin at tumango ako.

Pumunta ako sa silid ko saka nagpalit ng damit. Napatingin ako sa larawan naming dalawa ni Lennox. Tumagal ng ilang segundo ang pagtitig ko roon bago ako tuluyang lumabas sa silid ko at dumeretso sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay nagkukulitan sila ate Joyce at ang asawa nyang si kuya Warren. Hindi ko naman maiwasang mainggit sa kanilang dalawa.

"Nako Warren ha, ang tanda tanda mo na. Tigilan ko ako sa banat banat mo na yan." sabi ni ate Joyce dahil kanina pa pumipickup lines si kuya Warren.

"Sus, kinikilig ka lang sa kagwapuhan ko." mayabang na sabi ni kuya Warren na ikinatawa ko. Hindi ko naman sinasabing pangit si kuya Warren pero, parang ganon na nga.

"Gwapo? Saan banda? Pasalamat ka nga pinatulan pa kita, kawawa ka kasi umiiyak kapa sa tapat ng bahay namin." pangasar ni ate Joyce.

"Grabe ka sakin babes, parang di mo ako asawa ah!" kunyaring nasasaktan na sabi ni kuya Warren. Tumawa naman si ate Joyce.

May tinuro si ate Joyce sa labas ng sasakyan kaya napatingin kami doon. "Si Steven oh!" kinikilig na sabi nito.

Tinutukoy nya ang malaking billboard. Larawan ito ng gwapong lalaki na sa tingin ko ay model o artista. Hindi naman kasi ilalagay jan ang larawan nung Steven kung hindi e.

"Ayan ka nanaman sa Steven na yan, may asawa na yan!" saway ni kuya Warren sa asawa. "Nahawa ka na sa anak natin."

"Che." hinampas ni ate Joyce ang huli at lumingon sakin. "Kilala mo ba yun?"

"Sino po?" tanong ko.

"Si Steven Montero. Yung anak ko nako, patay na patay doon, puro picture nun ang bahay namin, kaya naging crush ko na rin." tumatawang kwento nito.

Ngiting aso akong tumingin sa kanya at nagsalita. "Ay ganon po ba?" Mas gwapo pa po si Lennox.

"Swimmer yun, sikat yon, bakit kasi hindi ka bumili ng cellphone. Ikaw lang talaga ang kilala kong walang ganon."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni ate Joyce. Nanatili akong tahimik at saka yumuko. Hindi narin naman sya nagsalita pa at tumingin na sa harap.

_

Pagkauwi namin ay bitbit ko sa magkabilang kamay ko ang mga pinamili namin sa grocery store. Halos dalawang oras din ang tinagal namin dahil medyo maraming tao.

Pagpasok ko sa loob ay natigilan ako nang makita ang pamilyar na likod. Wala sa oras na napangiti ako. Nandito na uli si Lennox!

Naramdaman siguro nito na may nakatingin sa kanya dahil lumingon ito sa sakin. Tila nabato ako sa kinatatayuan ko nang biglang ang payapang mukha nito ay naging galit nang makita ako.

"Bakit ka nandito?" tanong nya at naglakad palapit sakin.

Hindi ko alam kung saan ako titingin kaya minabuti ko nalang na yumuko. "D-dito ako nagttrabaho, Lennox." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nanaman ba ako kinakabahan.

Si Lennox yan, Anya! Ang nobyo mo!

"Ang sinasabi ko bakit dito ka dumaan? May pintuan sa likod diba? Baka may nakawin ka pa dito." mapanutyang sabi nya kaya nagangat ako ng tingin sa kanya.

"L-lennox?" hindi makapaniwalang sabi ko. "A-ano bang sinasabi mo? Alam mong hindi ako ganyang klaseng tao." nanginginig na sagot ko.

Ramdam ko ang pangangalay ng magkabilang braso ko dahil sa bigay ng bitbit ko at masakit na iyon. Pero mas masakit ang sinabi sakin ni Lennox ngayon!

"I don't know, and who gave you the right to call me by my name? Katulong kalang dito. Ang kapal naman ng mukha mo kung wala kang respeto." matigas na sabi nya habang matalim na nakatingin sakin.

Hindi ako nakasagot. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa mukha nya at hindi ko matanggap ang narinig ko sa kanya. Nananahinip lang ba ako?

Nakita ko kung paano nya ako tignan mula ulo hanggang paa at kung paano bumakas ang pandidiri sa mukha nya.

Inalala ko ang suot ko. Nakasuot ako ng mahabang palda na binigay sakin ni manang Hilda at malaking tshirt na bigay naman ni kuya Warren. At panlakad na pinaglumaan ni maam Nerisa.

"Conservative? hmm, interesting. Nacurious tuloy ako sa katawan mo." Nagbago ang reaksyon nya at ngayon ay nakangising nakatingin sakin.

Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kaya hindi uli ako sumagot. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko dahil parang hindi sya ang Lennox na kilala ko.

Nanlaki ang mata ko nang bigla nya akong hawakan sa balikat at hinila pababa ang manggas ko dahilan para lumantad sa kanya ang balikat ko at ang strap ng bra ko.

"A-anong ginagawa mo?" kinakabahang sabi ko lalo na nung haplusin nya ang collarbone ko.

"Makinis." bulong nya pero narinig ko. Ibababa nya pa sana ang damit ko pero agad na akong umatras ng isang hakbang.

"Ano bang ginagawa mo!" hindi ko napigilang sumigaw dahil pakiramdam ko ay nabastos ako. Hindi ako ganon katanga para hindi maintindihan ang ginawa nya sakin ngayon lang!

Ang nakangising mukha nya ay biglang nagseryoso. "Don't act like a fucking virgin, Anya. Hihiga ka rin sa kama ko." sabi nya saka tinalikuran ako.

Pinagmasdan ko lang syang naglakad paakyat sa hagdad patungo sa kwarto nya. Nang mawala na sya sa paningin ko ay nakahinga ako ng maluwag at nanlambot ang mga tuhod.

Naglakad na ako patungo sa kusina kung saan ko ilalagay ang mga pinamili at naabutan ko doon si ate Joyce. Sinabihan ako nito na sya na ang bahala magayos at magpahinga na raw ako.

Gusto ko mang tumulong sa kanya pero hindi ko kaya. Masyadong okyupado ang utak ko at nanghihina ako.

Pagpasok ko sa silid ko umupo ako sa kama ko at inabot ang larawan naming dalawa ni Lennox. Parang tanga akong umiiyak habang nakatingin doon.

"Anong nangyari sayo, mahal? A-anong nangyari s-satin..."

Naalala ko ang sinabi nya kanina. Malamang hindi na ako birhen dahil binigay ko na sa kanya ang sarili ko matagal na panahon na ang nakakalipas.

Hindi ko maintindihan kung bakit nya sinabi yun na parang hindi nya ako kilala, na parang hindi nya ako mahal. May problema ba? May hindi ba ako alam?

_

"Teka lang, mahal. Baka makita tayo ng mommy mo." mahinang sabi ko kay Lennox na ngayon ay hila hila ang kamay ko paakyat sa kwarto nya.

"Edi makita." sagot nya at tumawa ng mahina. Alam ko namang nagbibiro  lang sya dahil alam kong hindi nya rin gugustohin na may makakita sa amin.

Pagkapasok palang namin sa kwarto nya ay agad nya akong hinalikan. Hindi naman na ako pumalag at niyakap ang mga braso ko sa batok nya. Namiss ko rin sya.

Hinila nya ako papunta sa kama nya at willing naman akong sumunod. Hinayaan ko rin syang hubarin ang damit ko at tuluyang paglaruan ang akin dibdib.

"Dahan dahan naman." natatawang sabi ko. Nung nakaraan kasi ay nagkapasa ako dahil sa gigil nya.

"Can't help it, Elisa." nakangising sabi nya at saka tuluyan na akong pinahiga at pinatungan.

Hindi ito ang unang beses na gawin namin ito. Magiisang taon na kami magkasintahan ni Lennox at walang nakakaalam nun.

Kahit bata pa kami ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pagaalaga sakin ni Lennox kahit pa sabihin natin na maraming mas higit sakin. Lalo na sa katayuan nya sa buhay.

"Papasok na ako ah." sabi nya kaya hindi ko napigilang tumawa. Kahit kelan talaga.

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa at umungol nalang nang ipasok nya na ang kanya sakin. Titig na titig sya sa mukha ko at ganon din ako sa kanya.

"Ah! Lennox!" nasasarapang sigaw ko.

"Shh, mahal. Baka marinig tayo." seryosong sabi nya pero hindi ko na inintindi dahil hindi ko naman mapigilan ang ungol ko.

"Bilisan mo pa, Lennox!"

"You're really a screamer." paos na sabi nya at patuloy na umulos sa ibabaw ko.

Nang parehas kaming nakuntento ay humiga kaming dalawa sa ibabaw ng kama nya. Hinahalikhalikan nya ang braso ko na gustong gustong ginagawa nya. Kulang nalang ay kainin nya.

"Bukas ka na umuwi, mahal." malambing na sabi nya.

Umiling ako at narinig ko agad ang reklamong paghinga nya. "Hahanapin ako." sagot ko.

"Anobayan, bakit kasi dayoff ng mama mo e." reklamo nya at sumipa sipa pa sa hangin na parang bata.

"Aray naman." sabi ko nang masipa nya ang paa ko dahil sa kalikutan nya.

Mukhang naalarma nya at biglang bumangon sa pagkakahiga. Nakatingin lang ako sa kanya ng hawakan nya ang paa ko at tinignan kung may pasa ba.

"Sorry, Elisa. Please don't get mad at me." mahinang sabi nya ay hinalikan ang binti ko na nasipa nya.

Tumawa ako nang malakas dahil sa sinabi nya. "Bakit naman ako magagalit sayo? Hindi mo naman sinadya." nakangiting sabi ko.

Tumingin sya sakin ng seryoso. "So... pag nasaktan kita pero hindi ko sinasadya, hindi ka magagalit sakin?" tanong nya.

Buong puso akong tumango sa kanya at hinila na sya pahiga. "Hinding hindi ako magagalit sa mga bagay na hindi mo naman sinasadya, Lennox. Kaya kung saktan mo man ako sa susunod na araw, tatanungin muna kita kung sinadya mo ba, o hindi, o wala kalang choice, o hindi mo alam. Saka ako magdedesisyon kung magagalit ba ako sayo."

"I love you, Elisa."

"Mahal kita, Lennox."

_

Nagising ako bandang alasdiyes ng gabi. Nakatulog pala ako. Naramdaman ko ang gutom kaya tumayo ako at lumabas ng silid ko para kumain. Sigurado naman akong tulog na ang tao sa mansyon.

Pagpasok ko sa kusina ay may nakita akong plato na may takip. Nang lapitan ko iyon ay may papel sa ibabaw at nakasulat ang pangalan ko doon.

Napangiti naman ako dahil mukhang pinagtabi nanaman ako ng pagkain ni manang Hilda. Ganto kasi ang ginagawa nya kapag nakakatulog ako. Nakakahiya tuloy.

Umupo na ako at sinimulang kumain. Nakakailang subo palang ako nang biglang pumasok si sir Levin sa kusina.

"Oh Anya, ngayon ka palang kakain?" tanong nito at kumuha ng tubig sa ref.

"Opo." sagot ko.

Mabait sakin si sir Levin. Kahit alam nyang galit na galit sakin ang asawa nya ay hindi parin sya nagalit sakin. Tinuturing nya pa akong parang anak minsan.

Umupo si sir Levin sa tabi ko saka nagsalita. "Kamusta ka naman, hija?"

"Ayos lang naman po ako, papa." tinawag ko syang papa dahil ayun ang gusto nyang itawag ko sakanya kapag kaming dalawa lang. Gusto raw nya kasi ang anak na babae pero hindi na pwede magbuntis si maam Nerisa.

"Tungkol sa pagaaral mo—"

"Hindi na po talaga, papa. Nakakahiya po, okay lang po ako. Saka masyadong late na po ako." seryosong sabi ko saka sumubo ng kinakain.

Lagi akong pinipilit ni sir Levin na pagaaralin nya daw ako pero hindi ako pumapayag. Totoong ayoko dahil nakakahiya at saka isa pa. Baka lalong magalit si maam Nerisa sakin.

"Sayang kasi..."

Tumagal ng ilang minuto ang paguusap namin ni sir Levin. Nagbiruan pa kaming dalawa na syang namiss ko. Naiingit tuloy ako kay Lennox minsan dahil napakaswerte nya sa magulang nya.

Kahit galit sakin si maam Nerisa ay mabait na tao ito. Sadyang may kasalanan lang talaga kami kaya ganoon. Pero mabait naman sya sa ibang katulong at matulungin din.

"Oh sya, akyat na ako. Matulog ka na rin." tumango ako sa sinabi ni sir Levin saka sya umalis na sa kusina.

Saktong paglabas ni sir Levin ay pumasok si Lennox na masama ang tingin sakin. Hindi ako nakareact agad nang bigla nyang hatakin ang braso ko patayo.

"M-masakit, Lennox." nakangiwing bigkas ko.

"I knew it. Malandi ka rin." matigas na sabi nya habang pahigpit nang pahigpit ang hawak nya sa braso ko.

Naguguluhan ko syang tinignan. Ano bang sinasabi nya? Hindi ko sya maintindihan. Hindi ako sumagot at pilit na inaalis ang pagkakahawak nya sakin dahil sobrang sakit non! Pakiramdam ko magkakapasa ako.

"So tell me... naakit mo na ba si daddy?" sabi nya.

Parang nandilim ang paningin ko sa sinabi nya at sinampal ko sya. "Bakit kaba ganyan?" nanghihinang tanong ko sa kanya.

Wala syang pinakitang reaksyon sakin maliban sa galit. Hindi sya natinag sa sampal ko at hindi rin lumuwag ang pagkakahawak nya sakin.

"Balak mo pa sirain ang pamilya namin? Bakit si daddy? May pera rin ako, Anya." bakas na bakas ang pangaasar sa boses nya. Halatang pinaglalaruan nya lang ako.

Umiling iling ako tanda ng pagkatalo. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Laking pasasalamat ko naman nang marinig namin ang boses ni manang Hilda kaya agad na lumayo sakin si Lennox at saka umalis.

Naiwan akong nakatulala at ganon ako naabutan ni manang Hilda.

"Galing dito si senyorito?" tanong nito.

Tumango ako at saka nagsalita. "Opo."

Lumapit sakin si manang hilda at tinitigan ako sa mukha. Agad ko namang iniwas ang mukha ko dahil baka mahalata nyang naiiyak ako.

"Ayos kalang ba, Anya?" bakas ang pagaalala sa tono ng boses nito.

"Okay lang po ako, okay lang." sagot ko at saka pumatak ang luha ko.

________

Related chapters

  • Stolen Memories   Chapter 2

    "Anya!" Dali dali akong lumabas sa kusina nang tawagin ako ni maam Nerisa. Kumakain silang maganak sa malaking mesa. Nilapitan ko si maam Nerisa na nakakunot ang noo. Agad akong kinabahan at inalala kung may nagawa ba akong mali, pero wala. "Maam?" tanong ko at pasimpleng sumulyap kay Lennox na walang pake sa paligid habang kumakain ng tanghalian. "Who do you expect to cut this mangoes, me?" nakataas na kilay na sabi nito habang nakaturo sa mga hinog na mangga na may balat pa na nilagay ni ate Joyce kanina. "Stupid." dagdag nito. "Sorry po. Hindi na po mauulit." sagot ko. "Bilisan mo na! Ano pang tinatanga mo—?""Nerisa." pansin kong natigilan ang lahat nang biglang nagsalita si sir Levin gamit ang malalim na boses nito. "What?" tanong ni maam Nerisa sa asawa. "You don't need to shout, nasa harap tayo ng pagkain. At simpleng mangga lang yan, hindi ka ganyan Nerisa." seryosong sagot nito at tumingin sakin na parang humihingi ng pasensya sa ginawa ng asawa nya. Tumango naman ako

    Last Updated : 2023-07-27
  • Stolen Memories   Prologue

    "Anya." tinigil ko saglit ang ginagawa nang tawagin ako ni manang Hilda, ang pinakamatandang katulong dito. Nasa 60s na ito at walang asawa't anak.Nilingon ko ito at agad syang nilapitan para kunin ang bitbit nitong mga plato. "Ako na po dito." sambit ko at kinuha ang dala nya.Tinalikuran ko si manang Hilda at naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang iba pang babasaging mga plato at baso. Naramdaman ko naman na sumunod ito sakin."Tapos ka naba sa paglagay ng mga sapin sa mesa?" tanong nya at nilibot ang paningin sa paligid ng hardin. "Nasaan si Joyce?" si ate Joyce ay ang isa pang katulong dito at asawa ni kuya Warren, ang driver."Patapos palang po." tukoy ko sa paglalagay ko ng tela sa mga mesa. "Inaantay po ata ni ate Joyce ang pagdating ng letson." nakita ko kasing lumabas si ate Joyce sa gate kanina kanina lang."Ah ganon ba? Tapusin mo nayan at pumunta ka na sa kwarto mo." Seryosong sabi nya na nagpailing sakin."Tutulong po ako sa pagaayos." nakayukong sabi ko. Tatlo la

    Last Updated : 2023-07-27

Latest chapter

  • Stolen Memories   Chapter 2

    "Anya!" Dali dali akong lumabas sa kusina nang tawagin ako ni maam Nerisa. Kumakain silang maganak sa malaking mesa. Nilapitan ko si maam Nerisa na nakakunot ang noo. Agad akong kinabahan at inalala kung may nagawa ba akong mali, pero wala. "Maam?" tanong ko at pasimpleng sumulyap kay Lennox na walang pake sa paligid habang kumakain ng tanghalian. "Who do you expect to cut this mangoes, me?" nakataas na kilay na sabi nito habang nakaturo sa mga hinog na mangga na may balat pa na nilagay ni ate Joyce kanina. "Stupid." dagdag nito. "Sorry po. Hindi na po mauulit." sagot ko. "Bilisan mo na! Ano pang tinatanga mo—?""Nerisa." pansin kong natigilan ang lahat nang biglang nagsalita si sir Levin gamit ang malalim na boses nito. "What?" tanong ni maam Nerisa sa asawa. "You don't need to shout, nasa harap tayo ng pagkain. At simpleng mangga lang yan, hindi ka ganyan Nerisa." seryosong sagot nito at tumingin sakin na parang humihingi ng pasensya sa ginawa ng asawa nya. Tumango naman ako

  • Stolen Memories   Chapter 1

    Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Lennox, at kung paano sya tumingin sakin na puno ng galit ang mga mata.Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na ulit nakita si Lennox dahil sumama sya sa mga kaibigan nya para magbeach daw, ayun ang sabi sakin ni manang Hilda.Hindi ko alam kung kelan sya babalik at kung kaya ko ba uli syang harapin. Malamang alam nya na nga ang nangyari limang taon na ang nakakalipas pero hindi ko maintindihan kung bakit sya galit na galit sakin.Hindi nya pa ako nakakausap tungkol sa bagay nayun. At kaya kong magpaliwanag sa kanya pero bakit parang hinusgahan nya na agad ako? Hindi nya na ba ako mahal?Ibang iba sya sa Lennox na kasintahan ko noon. Ang Lennox na kilala ko ay malambing makipagusap sakin at hindi kayang magalit sakin. Siguro nga totoo ang sinasabi nila. Nagbabago talaga ang isang tao sa paglipas ng panahon. Pero kahit ganoon ay mahal ko parin sya. Siguro hindi totoo ang mga iniisip ko. Baka pagod lang talaga sya

  • Stolen Memories   Prologue

    "Anya." tinigil ko saglit ang ginagawa nang tawagin ako ni manang Hilda, ang pinakamatandang katulong dito. Nasa 60s na ito at walang asawa't anak.Nilingon ko ito at agad syang nilapitan para kunin ang bitbit nitong mga plato. "Ako na po dito." sambit ko at kinuha ang dala nya.Tinalikuran ko si manang Hilda at naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang iba pang babasaging mga plato at baso. Naramdaman ko naman na sumunod ito sakin."Tapos ka naba sa paglagay ng mga sapin sa mesa?" tanong nya at nilibot ang paningin sa paligid ng hardin. "Nasaan si Joyce?" si ate Joyce ay ang isa pang katulong dito at asawa ni kuya Warren, ang driver."Patapos palang po." tukoy ko sa paglalagay ko ng tela sa mga mesa. "Inaantay po ata ni ate Joyce ang pagdating ng letson." nakita ko kasing lumabas si ate Joyce sa gate kanina kanina lang."Ah ganon ba? Tapusin mo nayan at pumunta ka na sa kwarto mo." Seryosong sabi nya na nagpailing sakin."Tutulong po ako sa pagaayos." nakayukong sabi ko. Tatlo la

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status