"Anya!"
Dali dali akong lumabas sa kusina nang tawagin ako ni maam Nerisa.Kumakain silang maganak sa malaking mesa. Nilapitan ko si maam Nerisa na nakakunot ang noo. Agad akong kinabahan at inalala kung may nagawa ba akong mali, pero wala."Maam?" tanong ko at pasimpleng sumulyap kay Lennox na walang pake sa paligid habang kumakain ng tanghalian."Who do you expect to cut this mangoes, me?" nakataas na kilay na sabi nito habang nakaturo sa mga hinog na mangga na may balat pa na nilagay ni ate Joyce kanina. "Stupid." dagdag nito."Sorry po. Hindi na po mauulit." sagot ko."Bilisan mo na! Ano pang tinatanga mo—?""Nerisa." pansin kong natigilan ang lahat nang biglang nagsalita si sir Levin gamit ang malalim na boses nito."What?" tanong ni maam Nerisa sa asawa."You don't need to shout, nasa harap tayo ng pagkain. At simpleng mangga lang yan, hindi ka ganyan Nerisa." seryosong sagot nito at tumingin sakin na parang humihingi ng pasensya sa ginawa ng asawa nya. Tumango naman ako."Seriously? Aawayin mo ako dahil dito, Levin?!" galit na sigaw ni maam Nerisa."Hindi kita inaaway, wife."Napalunok ako dahil sa takot. Takot na baka magaway pa sila nang dahil lang sakin. At baka lalong magalit sakin si maam Nerisa.Kitang kita ko kung paanong hindi makapaniwalang nakatingin si maam Nerisa kay sir Levin na parang wala lang sa kanya ang nangyayari.Magsasalita na sana ako pero hindi ko natuloy nang biglang padabog na tumayo si Lennox. Nagtataka akong nakatingin sa kanya nang kunin nya ang mga mangga."Lennox? Anong gagawin mo, anak?" malambing na tanong ni maam Nerisa kay Lennox. Mukhang huminahon na ito."Ako na maghihiwa." balewalang sabi nya na nagpalaki sa mga mata ko. Totoo ba?! Tumingin ito sakin ng seryoso at nagsalita ulit. "Sumunod ka sakin." madiin na sambit nito saka naglakad."S-sige... po." sagot ko at agad na sumunod kay Lennox papunta sa kusina.Naabutan kong nakatayo si Lennox habang nakapatong ang mga kamay sa counter at nakatitig sa mga mangga na nilapag nya. Parang gusto ko nalang umalis dahil kinakabahan ako sa aura nya. Parang nagtitimpi sya ng galit.Pero bakit?Ilang minuto ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas na loob magsalita. "Ako na—""Umalis ka na dito." naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Lennox.Naguguluhan akong nakatingin sa kanya. "Hindi ba pinasunod mo ako dito?" tanong ko.Tumingin sya sakin nang matalim kaya napaatras ako. Yung tingin nya sakin ay kung paano nya ako laging tignan simula nung umuwi sya. Ibang iba sa kung paano nya ako tignan 5 years ago."Tanga ka ba talaga?""H-ha?" tanging nasabi ko lang.Tumayo sya ng maayos at huminga ng marahas. "Umalis ka na dito sa bahay. Ayokong makikita ka pa dito. Naiintindihan mo? Tagalog na yun. Lumayas ka na dito." tuloy tuloy na sabi nya at lalagpasan na nya sana ako pero biglang kong hinawakan ang kaliwang kamay nya."L-lennox..." nanginginig na sabi ko.Nakita kong natigilan ito at tumingin sa mga kamay kong nakahawak sa kamay nya. May nakita akong kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata nya pero agad napalitan yun ng galit."Bitawan mo ako." matigas na sabi nya at tumingin ng deretso sa mata ko.Hindi ko kinaya ang paraan pano sya tumingin sakin kaya pinili kong yumuko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak. Ayokong umiyak sa harap nya."H-hindi ako pwedeng umalis d-dito. Wala na a-akong ibang pupuntahan. Parang awa mo na. H-huwag mo akong p-paalisin dito." nauutal na sabi ko habang nakatingin sa mga kamay namin.Kahit papaano ay pinagaan non ang loob ko. Wala paring nagbabago. Napapakalma parin ako ng mga hawak ni Lennox. Hinihila nya ang kamay nya pero hindi naman malakas kaya napipigilancko yun. Inaamin ko, ayokong bitawan ang mga kamay nya dahil ngayon ko nalang uli ito nahawakan."Lennox?" parehas kaming naalarma nang magsalita si sir Levin. Nagtataka itong nakatingin saming dalawa. Kanina pa ba sya nandito?"Dad." sagot ni Lennox at hinila na ang kamay nya. Dahil sa kaba ay binitawan ko narin yun."Anong nangyayari dito?" tanong ni sir Levin na palipat lipat ang tingin saming dalawa ni Lennox."Tinatanggal ko sya sa trabaho." pagamin ni Lennox.Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong sasabihin ko kaya nanatili lang akong tahimik."Hindi mo pwedeng gawin yun, son. Maayos magtrabaho si Anya dito." sagot ni sir Levin at tumingin sakin saka ngumiti ng tipid.Bumuntong hininga si Lennox saka nagsalita. "Fine." saka sya umalis kasama ng daddy nya.Nang wala na sila ay napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang sumakit ito bigla. Hindi ko na pinansin yun at pinagpatuloy na ang pagaayos ng laman ng ref na kaninang ginagawa ko.Nang matapos ay lumabas na ako ng kusina para puntahan ang mga amo ko kung tapos na ba kumain para maligpit ko na ang pinagkainan nila.Wala ng tao sa hapag at mga plato nalang ang naiwan doon. Napasimangot ako nang makitang kalahati pa ang pagkain sa plato ni Lennox kanina. Mukhang hindi nya na tinuloy ang pagkain kanina."Anya." nilingon ko si ate Joyce na galing sa laundry area. "Oh ate, tapos na po ba kayo?" tanong ko at umiling ito bilang sagot. "Tapusin ko lang po ito tapos tutulong ako sa in—""Sinabi mo sana na ako ang naglagay ng mga mangga sa mesa at hindi ikaw. Napagalitan ka pa tuloy." pagputol nito sakin. Halatang nakokonsensya sya sa nangyari pero wala naman na sakin yun.Ngumiti ako at mahinang tumawa. "Ano kaba, ate Joyce. Huwag mo ng isipin yun. Sanay naman na po ako saka kasalanan ko rin naman po. Hindi ko nakitang may mangga pala." sagot ko saka pinunasan ang mesa.Narinig koang nagbuntong hininga si ate Joyce. "Ang bait mo talaga." bulong nito.Ngumiti nalang ako sa kanya at umalis na sya pabalik sa nilalabhan nya. Mamaya ay pupunta ako roon para tumulong. Wala rin naman akong gagawin mamaya e.-"Hay, natapos na rin. Salamat, Anya." sabi sakin ni ate Joyce habang umuunat unat pa.Kakatapos lang namin labhan ang mga labahan ngayon at nakaramdam din ako ng pagod. Medyo madami kasi ang labahan, lalo na yung kay Lennox. Sa isang araw kasi ay dalawa hanggang tatlong beses sya nagpapalit ng damit."Una na ako ate." paalam ko dahil gusto ko nang humiga. Medyo napagod kasi ako at nahirapan huminga.Mukhang napansin naman yun ni ate Joyce kaya pinaalis nya na ako at sinabihang magpahinga na raw.Papunta na ako sa kwarto ko sa likod ng bahay nang makita ko si Lennox na nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto ko at nagsisigarilyo.Napahinto ako sa paglalakad dahil sa gulat. Kelan pa sya nagsimulang manigarilyo? Dito ba sya lagi naninigarilyo? Kaya pala ang daming gamit na sigarilyo sa tapat ng kwarto ko, akala ko kay kuya Warren, si Lennox pala.Hindi ako nito napansin hanggang sa makalapit ako sa harap nya. Nagulat pa ito nang makita ako at napalitan agad yun ng pagkakunot ng noo."Bakit di mo inubos yung pagkain mo kanina?" tanong ko. Kilala ko kasi si Lennox, ayaw na ayaw nya ang pagsasayang ng pagkain."Pake mo ba?" masungit na sabi nya at walang hiyang binuga ang usok sa mukha ko.Agad kong tinakpan ang ilong ko at umatras papalayo sa kanya. "B-bakit mo ginawa yun?" nanlalaking mata na tanong ko."Psh, arte. Bakit ba nandito ka?""Ayan yung kwarto ko." sabi ko sabay turo sa pinto tatlong hakbang ang layo samin.Tumingin sya doon at binalik uli ang tingin sa mukha ko. Nakita kong tinapon nya ang sigarilyo na hawak nya at saka inapakan iyon nang hindi inaalis ang tingin sakin.Unti unting tumaas ng gilid ng labi nya at inaamin kong medyo kinakabahan ako sa paraan paano sya tumingin sakin. Parang katulad nung nakaraan."B-bakit?" tanong ko."Tell me... do you want me?"Napanganga ako.Mukhang hinihintay nya talaga ang sagot ko kaya dahan dahan akong tumango. "Oo naman..." nobyo ko sya at mahal ko sya, malamang oo ang isasagot ko.Nagulat ako nang bigla syang tumawa ng malakas at humawak pa sa tiyan nya. Nang huminahon sya ay hindi maipintanang mukha nyang tumingin sakin."Dream on. Did you really think na papatulan kita?" Natigilan naman ako sa sinabi nya. Hindi ako nakasagot dahil nasaktan ako sa narinig. Bakit ganito sya? Bakit nya ako ginaganito?Umalis sya sa harap ko at naglakad papalayo pero nakakatatlong hakbang palang sya ay nagsalita syang muli."Okay, you kinda look hot, I must say. Pero pinatunayan mo lang na malandi ka." sabi nya saka tuluyang umalis.Ilang minuto na ang lumipas simula nung umalis sya pero nandito parin ako nakatayo at pilit na pinoproseso ang mga sinabi nya sakin.Malandi? Bakit? Ano bang ginawa ko? Mali ba ang naging sagot ko sa tanong nya? Totoo naman ang sinabi ko ah. Naguguluhan talaga ako. May nagawa pa akong mali para magalit sakin si Lennox?"So ikaw nga, yung anak ng magnanakaw."Bigla kong naalala ang sinabi nya sakin nung nakauwi sya dito. Ayun ba yun? Dahil ba doon kaya sya galit sakin? Pero bakit sya magagalit sakin dahil sa kasalanan ng mama ko? E alam naman nya ang totoo? Hay ewan."Hayaan mo muna, Anya. Mawawala rin ang galit nya. Tapos babalik na kayo sa dati." bulong ko sa sarili ko saka ngumiti at pumasok na sa kwarto ko.__Kinabukasan napagalaman kong umalis ang maganak. May pupuntahan daw silang importante at baka abutin daw sila ng tatlong araw don. Ayun ang sabi sakin ni manang Hilda.Medyo nalungkot ako dahil wala nanaman si Lennox dito sa mansyon. Kahit naman na galit sya sakin at di pinapansin ay ayos lang sakin dahil nakikita ko parin naman sya.Gusto ko syang kausapin tungkol samin pero hindi ko naman alam kung paano.Bandang hapon ay napagpasyahan kong tumambay sa hardin dahil wala naman na akong ginagawa. Tapos ko na ang paglilinis at tatawagin nalang naman ako ni manang Hilda kung may kailangan akong gawin."Kamusta na kaya sila?" bulong ko sa hangin.Iniisip ko sila mama. Kahit kailan hindi nya ako dinalaw dito. Siguro dahil takot din sya. Pero sana naman ay ayos lang sila.Tumagal pa ako ng ilang minuto sa hardin bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob at sakto naman dahil nakasalubong ko si manang Hilda sinabi nitong hinahanap nya daw ako."Bakit po?" tanong ko."Nasaan si Joyce? Papalinis ko sana ang kwarto sa taas." sabi nito.Pinagmasdan ko si manang Hilda at halata sa itsura nito na pagod sya at nanghihina. Napapansin ko rin ito nitong nakaraan na mabilis na syang mapagod."Umuwi po muna sa bahay nila. May sakit daw po yung anak nya.""Ay ganon ba? Hindi na kasi ako makaakyat, sumasakit tuhod ko."Namutawi ang katahimikan saming dalawa at tinignan ko lang kung pano nagaalangan si manang Hilda. Alam kong gusto nyang sabihin na ako nalang ang maglinis pero bawal kasi ako umakyat sa taas."Wala pong makakaalam." nakangiting sabi ko.Bakas ang gulat ni manang Hilda sa sinabi ko pero agad din naman syang tumango."Pasensya ka na, Anya ha? Tumatanda na kasi talaga ako." natatawang sabi nito.Tumango tango ako saka inalalayan si manang Hilda papunta sa kwarto nila. "Ako na po bahala."Abot hanggang langit ang kaba ko nang ang kwarto na ni Lennox ang lilinisin ko. Tapos na ako sa kwarto nila maam Nerisa at saglit ko lang nilinisan yun dahil hindi naman marumi.Huminga ako ng malalim saka dahan dahang pinihit ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Lennox. After 5 years ngayon nalang uli ako makakapasok dito.Nang mabuksan ko na ang pinto ay pumikit at dahan dahang minulat ang mata ko na akala mo ay may nakakatakot na pangyayari.Mabangong amoy ang sumalubong sakin. Ganon parin ang amoy ng kwarto nya, walang pinagbago. Napangiti ako dahil doon.Hindi na tulad noon ang kwarto nya ngayon. Medyo nagiba mas naging panglalaki ang itsura nito kesa noon. Naiba rin ang ayos ng ibang kagamitan pero kahit ganun paman ay pamilyar na pamilyar parin ako dito.Napairap ako sa hangin dahil sa kalat ng silid. Nagkalat ang mga damit sa sahig at kama. May mga papel din na nakakalat."Kahit kailan talaga, Lennox." sambit ko saka sinimulang pulutin ang mga nakakalat.Habang naglilinis ay hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang nageenjoy ako na ginagawa ko ito ngayon. Hindi ko rin naiwasan na maalala ang mga bagay na ginagawa namin dito noon. Kung paano kami magkulitan ang maglambingan sa bawat sulok ng kwartong ito.Nang matapos ay umupo ako sa gilid ng kama. Pinili ko munang huwag lumabas dahil baka hindi na uli ako makaakyat dito.Napatingin ako sa side table sa tabi ng kama ni Lennox. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi nakasara ng maayos ito.Isasara ko na sana pero napatigil ako ang makitang may nakaipit na isang bagay kaya hindi masara. Binuksan ko ang drawer para ayusin ang bagay na yun at isasara ko na sana uli nang mahagip ng mata ko ang isang larawan.Nasisiguro kong si Lennox ang nasa larawan pero di ko maaninag yung isa. Kukunin ko na sana pero biglang may nagbukas ng pinto na syang kinatili ko."Ay!""Why are you here?"Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang si Lennox ang pumasok. Akala ko tatlong araw sila doon? Nandito din ba sila maam Nerisa? Hala papagalitan ako!Hindi ko na sinagot si Lennox at dali daling naglakad papunta sa pinto para lumabas pero sinara iyong ni Lennox dahilan para lalo akong kabahan."Im asking you.""N-naglinis ako, Lennox." kinakabahan na sabi ko.Nakatingin lang ako sa kanya habang seryoso ang mukha nyang nakatitig sakin. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kong papagalitan talaga ako at baka pati narin si manang Hilda pag nalaman ni maam Nerisa na umakyat ako dito."Kailangan ko na bumaba." sabi ko nang wala naman syang sinasabi. "Baka maabutan ako ni maam Nerisa dito." dagdag ko baka sakaling umalis na sya sa harap ng pinto.Tila natutunaw ako sa kung paano sya tumitig sakin kaya pinili kong yumuko at umiwas sa mga tingin nya. Ibang klase ang tingin nya, hindi tulad noon. Parang may iba syang intensyon. At kinakabahan ako kun ano man yon."Fuck this."Inangat ko uli ang ulo ako para tignan sya at ganon nalang ang gulat ko nang bigla nya akong halikan.Di ako makagalaw. Patuloy nyang hinahalikan ang labi ko at alam kong sa galaw nya ay gusto nyang tugunin ko ang halik nya pero di ako makagalaw.Naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa likod ng ulo ko at nilapit pa palapit ang mukha ko sa kanya. Nakapikit lang ako habang ramdam na ramdam ko ang dila nyang naglulumikot sa bibig ko.Nang tumigil sya ay nakapikit parin ako. Ramdam na ramdam ko ang paghinga nya na tumatama sa mukha ko. Ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko!"Hey." tawag nya sakin.Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at agad kong nakasalubong ang namumungay nyang mga mata. "B-bakit?""Get out."____________"Anya." tinigil ko saglit ang ginagawa nang tawagin ako ni manang Hilda, ang pinakamatandang katulong dito. Nasa 60s na ito at walang asawa't anak.Nilingon ko ito at agad syang nilapitan para kunin ang bitbit nitong mga plato. "Ako na po dito." sambit ko at kinuha ang dala nya.Tinalikuran ko si manang Hilda at naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang iba pang babasaging mga plato at baso. Naramdaman ko naman na sumunod ito sakin."Tapos ka naba sa paglagay ng mga sapin sa mesa?" tanong nya at nilibot ang paningin sa paligid ng hardin. "Nasaan si Joyce?" si ate Joyce ay ang isa pang katulong dito at asawa ni kuya Warren, ang driver."Patapos palang po." tukoy ko sa paglalagay ko ng tela sa mga mesa. "Inaantay po ata ni ate Joyce ang pagdating ng letson." nakita ko kasing lumabas si ate Joyce sa gate kanina kanina lang."Ah ganon ba? Tapusin mo nayan at pumunta ka na sa kwarto mo." Seryosong sabi nya na nagpailing sakin."Tutulong po ako sa pagaayos." nakayukong sabi ko. Tatlo la
Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Lennox, at kung paano sya tumingin sakin na puno ng galit ang mga mata.Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na ulit nakita si Lennox dahil sumama sya sa mga kaibigan nya para magbeach daw, ayun ang sabi sakin ni manang Hilda.Hindi ko alam kung kelan sya babalik at kung kaya ko ba uli syang harapin. Malamang alam nya na nga ang nangyari limang taon na ang nakakalipas pero hindi ko maintindihan kung bakit sya galit na galit sakin.Hindi nya pa ako nakakausap tungkol sa bagay nayun. At kaya kong magpaliwanag sa kanya pero bakit parang hinusgahan nya na agad ako? Hindi nya na ba ako mahal?Ibang iba sya sa Lennox na kasintahan ko noon. Ang Lennox na kilala ko ay malambing makipagusap sakin at hindi kayang magalit sakin. Siguro nga totoo ang sinasabi nila. Nagbabago talaga ang isang tao sa paglipas ng panahon. Pero kahit ganoon ay mahal ko parin sya. Siguro hindi totoo ang mga iniisip ko. Baka pagod lang talaga sya
"Anya!" Dali dali akong lumabas sa kusina nang tawagin ako ni maam Nerisa. Kumakain silang maganak sa malaking mesa. Nilapitan ko si maam Nerisa na nakakunot ang noo. Agad akong kinabahan at inalala kung may nagawa ba akong mali, pero wala. "Maam?" tanong ko at pasimpleng sumulyap kay Lennox na walang pake sa paligid habang kumakain ng tanghalian. "Who do you expect to cut this mangoes, me?" nakataas na kilay na sabi nito habang nakaturo sa mga hinog na mangga na may balat pa na nilagay ni ate Joyce kanina. "Stupid." dagdag nito. "Sorry po. Hindi na po mauulit." sagot ko. "Bilisan mo na! Ano pang tinatanga mo—?""Nerisa." pansin kong natigilan ang lahat nang biglang nagsalita si sir Levin gamit ang malalim na boses nito. "What?" tanong ni maam Nerisa sa asawa. "You don't need to shout, nasa harap tayo ng pagkain. At simpleng mangga lang yan, hindi ka ganyan Nerisa." seryosong sagot nito at tumingin sakin na parang humihingi ng pasensya sa ginawa ng asawa nya. Tumango naman ako
Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Lennox, at kung paano sya tumingin sakin na puno ng galit ang mga mata.Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko na ulit nakita si Lennox dahil sumama sya sa mga kaibigan nya para magbeach daw, ayun ang sabi sakin ni manang Hilda.Hindi ko alam kung kelan sya babalik at kung kaya ko ba uli syang harapin. Malamang alam nya na nga ang nangyari limang taon na ang nakakalipas pero hindi ko maintindihan kung bakit sya galit na galit sakin.Hindi nya pa ako nakakausap tungkol sa bagay nayun. At kaya kong magpaliwanag sa kanya pero bakit parang hinusgahan nya na agad ako? Hindi nya na ba ako mahal?Ibang iba sya sa Lennox na kasintahan ko noon. Ang Lennox na kilala ko ay malambing makipagusap sakin at hindi kayang magalit sakin. Siguro nga totoo ang sinasabi nila. Nagbabago talaga ang isang tao sa paglipas ng panahon. Pero kahit ganoon ay mahal ko parin sya. Siguro hindi totoo ang mga iniisip ko. Baka pagod lang talaga sya
"Anya." tinigil ko saglit ang ginagawa nang tawagin ako ni manang Hilda, ang pinakamatandang katulong dito. Nasa 60s na ito at walang asawa't anak.Nilingon ko ito at agad syang nilapitan para kunin ang bitbit nitong mga plato. "Ako na po dito." sambit ko at kinuha ang dala nya.Tinalikuran ko si manang Hilda at naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang iba pang babasaging mga plato at baso. Naramdaman ko naman na sumunod ito sakin."Tapos ka naba sa paglagay ng mga sapin sa mesa?" tanong nya at nilibot ang paningin sa paligid ng hardin. "Nasaan si Joyce?" si ate Joyce ay ang isa pang katulong dito at asawa ni kuya Warren, ang driver."Patapos palang po." tukoy ko sa paglalagay ko ng tela sa mga mesa. "Inaantay po ata ni ate Joyce ang pagdating ng letson." nakita ko kasing lumabas si ate Joyce sa gate kanina kanina lang."Ah ganon ba? Tapusin mo nayan at pumunta ka na sa kwarto mo." Seryosong sabi nya na nagpailing sakin."Tutulong po ako sa pagaayos." nakayukong sabi ko. Tatlo la