Share

SIY-2

Author: Pusa
last update Huling Na-update: 2024-01-12 00:43:26

NAHIHIYANG nakiusap si Anna kay Manilyn na sisikapin niyang mabayaran ang perang naiwala niya noong isang araw. Umabot iyon ng sampung libo at mahigit kaya alam niyang hindi niya iyon mababayaran ng isang bagsakan lamang, kaya nakiusap siya sa ginang na kung maaari ay pag-iiponan muna niya ang ipapambayad niya rito. At malaki ang naging pasasalamat niya nang walang pagtutol siyang narinig mula sa ginang, bagkus naawa pa nga ito sa sinapit niya.

"Huwag kang mag-alala, Anna, naiintindihan ko naman. Ewan ko nga kung bakit may mga taong hindi marunong magtrabaho ng patas! Pero, Anna, ang mahalaga ay walang nangyaring masama sayo. Ang pera makikita pa naman natin iyan, pero ang buhay mo ay hindi na maibabalik kung iyon ang kinuha sayo, kaya pasalamat pa rin tayo at walang nangyaring masama sayo."

Napaluha siya sa sinabi ng ginang. Bihira ang taong tulad ni Manilyn, na marunong umintindi kaya naman nagpapasalamat siya sa ginang.

"Maraming salamat po, Ate Manilyn," maluha-luha niyang wika sa ginang.

"Wala iyon, Anna." Tinapik-tapik nito ang balikat niya. "Oh, saan na naman ang punta mo ngayon?" komento pa nito.

May raket na naman kasi siya ngayong araw ng Martes. Taga-linis siya ng isang condo sa Forbes Park dito lang sa Makati. Isang sakay lang naman iyon mula sa tinitirhan niya sa Acacia Avenue. Ang kaibigan ng kaibigan niyang si Tekla ang nagpasok sa kaniya sa nasabing raket na iyon, nagtatrabaho kasi ito bilang kasambahay sa isang mayaman na businessman sa bansa at sakto naman na naghahanap ang amo nito ng taga-linis sa condo tuwing araw ng Martes lang. 

Wala namang nakatira sa condo na iyon, pinapalinis lang talaga ng may-ari. Bale pang tatlong beses na niya itong punta roon. Medyo malaki rin kasi ang bayad niya sa isang araw lang kaya naman hindi niya matanggihan.

"Sa Forbes Park po, Ate Manilyn," nakangiti niyang tugon sa ginang.

"Ay, oo pala! Tuwing Martes ka pala doon no?" Tumango naman siya. "Hindi ka ba napapagod, Anna? Linggo lang yata ang pahinga mo e," saad ni Manilyn na hangang-hanga sa kasipagan ng dalaga.

Gustuhin man niyang magpahinga ay hindi pwede. May ginagatas siya, may bahay siyang binabayaran. Kahit ayaw itong pabayaran ng kaibigan niya ay hindi naman iyon puwede sa kaniya. Pati nga ang pag-aalaga ni Tekla sa anak niyang si Brave ay ayaw rin nitong magpasuhol, pero hindi siya pumayag. Wala rin naman itong magagawa sa kaniya. At isa pa, wala rin naman siyang aasahan kaya wala siyang choice kundi ang kumayod nang kumayod.

"Hindi po ako napapagod, Ate Manilyn dahil may batang maliit na nag-aabang sa akin sa tuwing uuwi ako sa bahay. Pangalan palang po ng anak ko ay lumalakas ako't tumatapang na harapin ang araw-araw," pahayag niya na nakangiti.

Kaya niya pinangalanan ng Brave ang anak dahil iyon siya, matapang siya. Kaya nga nailuwal niya ito sa mundo. Nailuwal niya si Brave sa pamamagitan ng cesarian. Dahil malaki itong bata ay nahirapan siyang i-normal ito. Nagkaroon pa nga ito ng impeksyon dahil nakakain na ito ng dumi nang nasa sinapupunan pa lamang niya. Matagal kasi siyang nag-labor, ang akala niya ay kakayanin niya itong i-deliver ng normal, pero hindi. Nauwi siya sa cesarian. Isang linggo rin na antibiotic ang anak niya dahil sa duming nakain nito. Kaya ang nangyari ay matagal silang mag-ina naglagi sa Hospital ng Makati. Mabuti na lang at naroon si Tekla at inalagaan silang mag-ina. Ito rin ang naglakad ng mga importanteng papeles niya kaya wala siya halos binayaran sa panganganak.

"Bilib na talaga ako sayo, Anna. Isa kang ulirang ina," komento ni Manilyn.

"Salamat po, Ate," ani niya.

 Nagpaalam siya kay Manilyn na papasok na sa trabaho. Katulad ng nakagawian niya ay iniwan niya ang anak kay Tekla.

Nag-abang siya ng dyip sa gilid ng kalsada. Nang may dumaan ay kaagad siyang nagpara. Hindi naman natapos ang apat na minuto ay bumaba na siya. Ang condo na lilinisan niya ay isa sa mga sikat na condo sa Pilipinas. Sagana rin iyon sa security at walang basta-basta makakapasok dito kung wala kang I.D na ipapakita na isa ka sa katiwala ng may-ari, at binigyan ng pahintulot na pumasok. 

 

 Naglakad na siya papasok sa napakalawak na lugar. Ang Forbes Park ay isa sa mayaman na lugar sa Pilipinas. Halos lahat ng nakatira dito ay mayayaman at kilalang tao. Katulad na lang ng mga celebrities at mga businessman sa bansa. Kaya malaking bagay sa kaniya na naka-apak siya sa lugar na ito. 

Nang makapasok siya sa gusali ay kaagad niyang ipinakita ang I.D sa sekyu. Kaagad rin itong napangiti nang makita siya. Kilala na kasi siya ng mga ito.

"Oh, Anna, kumpleto na naman ang araw ko dahil nakita kita," anang sekyu na may ngiting sinusupil sa labi. May pagkabolero ito.

"Magandang araw, Troy," tipid niyang bati sa lalaki.

"Mas maganda ka sa araw, Anna!" tugon nito sabay kinindatan siya. Napailing na lamang siya ginawa ng lalaki.

Nilagpasan niya si Troy. Pumunta siya sa front desk upang kuhanin ang susi ng unit na lilinisan niya. Nang maibigay iyon sa kaniya ng isang staff ay kaagad siyang tumungo sa elevator na maghahatid sa kaniya sa ika-sampung palapag ng gusali.

Habang nakasakay siya sa glass elevator ay kitang-kita niya ang tanawin mula sa labas ng gusali. Nalulula rin siya dahil pataas siya nang pataas kaya naman pinikit niya ang mga mata. Nang tumigil ang elevator ay saka siya nagmulat, at lumabas na doon.

Habang naglalakad sa hallway ay hindi niya maiwasang kabahan katulad ng araw na nagsimula siyang magtrabaho rito. Paano naman kasi, nag-iisang unit lang ang nasa ika-sampung palapag ng gusali na ito kaya naman hindi niya maiwasang matakot. Mabuti na lang at malaki ang kinikita niya sa trabahong ito kaya kahit papaano ay ginaganahan pa rin siyang pumasok. Kailangan niya talaga kasi ng pera. Bilang isang ina ay kailangan niyang kumayod nang kumayod para sa anak. Kaya kahit kinikilabutan siya sa katahimikan ng paligid ay isinasantabi na lamang niya.

Napabuntonghininga pa siya bago na pabulong. "Kung bakit naman kasi walang katao-tao rito."

Nang makarating sa labas ng pinto ay kaagad niya itong binuksan. Pumasok siya sa loob at kaagad na sinimulan ang trabaho. Lahat ng puwedeng linisin ay nilinis niya, iyon kasi ang bilin sa kaniya. 

"Wala raw dapat kahit konting alikabok," sambit niya habang nagpupunas, "siguro babae ang may ari nito? Mukhang istrikta e." dagdag pa niya.

Inabot siya ng apat na oras sa paglilinis. Sinigurado niya na walang alikabok o kahit anong dumi na maiiwan. Nagpalit na rin siya ng bedsheets, kurtina at kung ano pa. 

"Ang weird. Wala namang nakatira pero kailangan palitan ang lahat ng sapin?" natatawa na lamang siya sa mga pinagsasabi niya.

Pagkatapos siguraduhin na malinis na ang lahat ay nilisan na niya ang unit. Nang makababa siya ay isang babae na nasa front desk ang nag-abot ng sahud niya. Doon kasi iniiwan ng may ari ang binabayad sa kaniya.

"Thank you, Greta!" nakangiti niyang sabi sa babae.

"Okay, Anna! Ingat ka sa pag-uwi!" tugon naman nito.

Ipinasok niya ang pera sa bag at masayang nilisan ang gusali. 

"Anna, kain muna tayo sa labas!" pahabol na sabi ni Troy.

Binalingan niya ito at nginitian, "Next time nalang, Troy. Hinihintay na  kasi ako ng anak ko." 

"Next time na naman?" napapakamot sa ulo na reklamo ng lalaki. Tinawanan na lamang niya ito at nilagpasan. Ilang beses na rin kasi niya itong tinanggihan sa alok nito. 

Ewan ba niya pero simula nang magkalayo sila ni Brett ay nawalan na siya ng atraksyon sa ibang lalaki. May mga nanliligaw naman sa kaniya at willing pa nga tanggapin ang anak niyang si Brave. Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ayaw tumibok ng puso niya. 

Naging kontento na lamang siya sa anak, dahil para sa kaniya ay ito na lang ang nagbibigay ng buhay sa puso niyang nanahimik sa loob ng mahabang taon.

Kaugnay na kabanata

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-3

    CEO, OFFICENAKAUPO siya sa swivel chair niya at nire-review ang mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya. Sinisigurado na bago iyon pirmahan ay nabasa na niya ito ng maigi. Pero sandali siyang tumigil sa ginagawa nang marinig ang pagkatok sa pintoan ng opisina niya.Napabuntonghininga siya. Ayaw niya ng bisita o kahit na sino. Ang gusto niya ay tahimik lang. Tahimik na lugar, that's all.Narinig pa niya ulit ang pagkatok sa pinto, ngunit hindi siya sumagot. Hanggang sa marinig niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.Si Aaron. Sekretarya niya. Ibig sabihin lang ay ito ang nasa labas ng pinto niya ngayon at kanina pa kumakatok. Iyon ang ginagawa nito kapag hindi siya nagbibigay ng permiso na magpapasok ng tao sa opisina niya—ang tawagan siya nito upang ipaalam na ito ang nasa labas ng pinto."Come in," malalim ang boses na wika niya sa microphone. Konektado iyon sa maliit na speaker na nasa labas ng pin

    Huling Na-update : 2024-01-12
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-4

    PARATING palang ng bahay na inuupahan si Anna ay dinig na kaagad niya sa labas ang iyak ng anak na si Brave. Kinabahan siya sa hindi malamang kadahilanan kaya naman binilisan niya ang paghakbang hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Kaagad niyang naabutan si Tekla na sinasayaw-sayaw si Brave. Hindi ito magkamayaw kung paano patatahanin ang bata. Ngunit ang anak niya ay hindi pa rin matigil-tigil sa pag-iyak at mahahalata sa galaw ni Tekla na natataranta na rin ito.Ni hindi nga nito napansin ang presensya niya. Kaya nilapitan niya ito at tinapik sa braso."Diyos ko namang babae ka! Mabuti at nakauwi ka na!" gulat na bulalas nito nang makita siya. Nangunot ang noo niya sa sinabi ng baklang kaibigan."Bakit?" aniya sabay na binalingan ang bata. Inilipat naman nito ang bata sa braso niya at maagap naman niyang tinanggap ang anak, ngunit nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman na ang init ng katawan ng bata. Alam niyang hindi iyon normal. "Anong nangyari? Bakit ang init ni Br

    Huling Na-update : 2024-01-12
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-5

    Nakaharap siya sa salamin habang inaayos ang pagkapusod ng mahabang buhok. Sinuri ng maigi ang mukha kung may dumi ba roon o wala. Nang sa tingin niya'y wala naman, at komportable naman siya sa ayos niya, ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi at marahang pinisil ito. Namula iyon at nagmistula siyang gumamit ng blush on. Ang sunod na binalingan niya ay ang kaniyang labi. Kinagat niya ang pang-ibabang iyon at katulad ng nangyari sa magkabila niyang pisngi ay namula rin ito. Pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin.Okay na 'to!"Gamitin mo na kasi iyang lipstick, dear!" Muntikan pa siyang mapatalon sa kinatatayuan nang biglang may magsalita. Marahas siyang napabuga ng hangin sabay baling sa bagay na ipinatong ni Vian sa ibabaw ng lumang cabinet na may malaking salamin."Hindi ako sanay riyan, Vian," nakangiwi niyang komento.Tawa naman ang isinagot nito sa kaniya sabay pakembot na naglakad palapit sa kaniya. "Naku, dear, kailangan mong gamitin iyan para naman pak na pak

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY- 6

    Marahas na napabuga ng hangin si Anna nang makalabas siya sa Valle's Tower. Ang kaninang pagpipigil nito sa sariling emosyon ay tuluyang bumuhos habang napapatingala ito sa langit. Ang kaibigan nitong si Vian ay nagtaka sa inakto ng dalaga nang makita nito na naiiyak na si Anna. Napalabas ng kotse si Vian upang lapitan ang huli."Are you okay, Anna–god you're crying! Anong nangyari sayo?" takang-tanong nito sa dalaga sabay sapo nito sa pisngi ni Anna."May ginawa ba sayo si Mr. Sungit? Ginahasa ka ba niya o ano?" Napaawang ang labing napatingin si Anna kay Vian kapagkuway napabaling din sa paligid kung may ibang tao bang naroon at narinig ang sinabi ng bakla."W-Wala ito, Vian… miss ko lang si Brave kaya puwede mo ba akong ihatid na sa Hospital ngayon?" pagsisinungaling ni Anna. Deep inside ay gusto niyang sabihin kay Vian na ang lalaking naka-interview niya'y ama ng kaniyang anak. Pero hindi na bale. Hindi niya dapat ipagsabi sa kahit sino ang tungkol sa ama ni Brave. Mahirap na bak

    Huling Na-update : 2024-01-30
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-7

    PALABAS si Anna sa room na inuukupa ng anak para sana bumili ng makakain sa labas nang makita niya ang sekretarya ni Brett na may kinakausap sa cellphone nito. Ang lalaki ay nakatalikod sa kaniya. Ayaw man sana niyang istorbuhin ang lalaki na kakababa lang ng cellphone nito, pero naisip niya na baka isipin nito na hindi siya namamansin. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon nito at sakto namang bumaling ito sa kinaroroonan niya. Nagulat pa ito nang makita siya at napabaling pa ulit ito sa cellphone na hawak nito. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa ni Aaron sa Hospital.May pasyente rin ba siya? Tanong niya sa isipan."Anna! Oh, n-nandito ka rin pala? Sinong kasama mo? Asawa mo?" sunod-sunod na tanong ng lalaki na tila ba nababalisa pa.Nangunot ang noo niya sabay na tumingin sa kaniyang paligid kung may kasama ba siya roon na iba.Nagtataka rin siya sa klase ng tanong ni Aaron. Wala naman kasi siyang katabi ngayon kaya paano nito na tanong na asawa niya ang kasama niya?Napangiwi

    Huling Na-update : 2024-01-30
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-8

    Nakalabas ng Hospital sina Anna na walang binayaran ni piso sa bill nila. Naroon ang pagtataka kung papano iyon nangyari pero naroon din ang tuwa dahil sa wakas ay hindi na magagalaw ang perang kinita niya sa pagkuha ng interbyu kay Brett nakaraang araw."Sino raw ang nagbayad, Anna?" tanong sa kaniya ni Tekla habang nag-aabang sila ng taxi sa gilid ng kalsada. Tinakpan niya muna ng lampin ang mukha ng anak; tama lang para makahinga ito ng maayos. At upang hindi nito malanghap ang usok na iniwan ng isang pampasaherong jeep sa daan, bago niya sinagot si Tekla."Hindi ko alam, Teks, basta sinabi ng Doctor na huwag ko na raw alalahanin ang bill ni Brave ang mahalaga raw ay okay na ito at makalabas na kami," nakangiti niyang pahayag sa kaibigan.Pumalakpak si Tekla sa hangin at maging ito ay natutuwa rin sa kaalaman na iyon."Ang bait talaga ng Diyos, Anna. Naku kung sino man iyong tumulong sayo ay sana pagpalain pa siya ng langit!"Kaagad namang sumang-ayon si Anna. "Amen." Ani niya.Sa

    Huling Na-update : 2024-02-02
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-9

    DAHIL maayos na ang pakiramdam ni Brave ay nagpasya na si Anna na pumasok sa trabaho kinabukasan. Martes ngayong araw kaya ang duty niya ay sa condo unit na located sa Forbes Park, at katulad ng nakasanayan ay iniwan niya ang anak kay Tekla. Uuwi rin naman siya kaagad pagkatapos ng trabaho."Good morning my beautiful, Anna!" bati sa kaniya ng nakangiti na si Troy. Guardiya ito sa labas ng condominium.Magalang niya rin itong binati at nginitian, "Magandang araw rin sayo, Troy.""Naku lalo talaga gumaganda ang araw ko, Anna, kapag nakikita kita," pambobola pa ng binata at sinamahan pa iyon ng pag-kindat nito sa kaniya.Napailing na lang siya at napangiti sa sinabi ng lalaki. "Sige, Troy, magtatrabaho na muna ako." Paalam niya kay Troy.Kumaway naman si Troy kay Anna. Sa isip-isip nito'y nakaiscore ito sa mailap na dalaga dahil nagawa niyang pangitiin.Pumasok si Anna sa nasabing gusali, naglakad siya patungo sa front desk at kinuha ang susi sa babaeng nakatayo roon na nagngangalang Gre

    Huling Na-update : 2024-02-03
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-10

    SIMPLE ang mga disenyo ngunit napakagandang pagmasdan. Iyon ang masasabi ni Anna sa suit na pinasukan nila ngayon sa Forbes park. Ang suit na pinatitirhan sa kanila ni Brett ay nasa second to the last floor. Magkatabi lang din sila ng pinto ni Brett."Ang ganda rito!" bulalas ni Tekla na sinimulan nang libutin ang kabuuan ng room.Binalingan naman ni Anna si Brett na nakatayo lang sa likuran nila. Hawak ni Anna ang anak at kasalukuyan itong natutulog sa mga bisig niya."Mahal ang upa rito, hindi ba?" tanong niya sa lalaki. "Brett, hindi ko ito kayang bayaran. Wala akong pera dahil ang inipon ko ay natupok lahat sa sunog." Walang reaksyon na makikita sa mukha ng lalaki ngunit sinagot naman siya nito kaagad."At sino naman ang nagsabi sayo na upahan ito?""H-Hindi ba?" aniya."Hindi. I'm the owner of this suit. Binili ko ito, pero hindi pa naman natitirhan dahil may sarili rin akong suit kaya ko pinatitirhan sa inyo," seryuso na sabi ni Brett saka naupo sa isang pang-isahan na sofa. "S

    Huling Na-update : 2024-02-03

Pinakabagong kabanata

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-39

    NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-38

    ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-37

    NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-36

    Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-35

    Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-34

    MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-33

    MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-32

    PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie bago pa ito mamatay. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico. Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan ni Brett kaya kaagad nitong ipinaliwanag kung sino ang taong binanggit. "Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico kay Brett. Naliwanagan si Brett sa ipinahayag ni Rico. Ngayon ay nauunawaan na niya. Kah

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-31

    ISANG BANGKAY ang natagpuan ng otoridad sa isang bakanteng lote malapit sa isang ilog. Ang bangkay ay nakalagay sa isang itim na garbage bag, malamig na at nilalangaw. Kasama sa nag-inspeksyon sa bangkay ay si Rico. Nakilala ni Rico kung sino ang bangkay, ito ay walang iba kundi si Louie de Vera—ang kasintahan ni Carol.Malalim na napabuga ng hangin si Rico habang nakatitig siya sa malamig na bangkay ni Louie. Napapaisip kung sino ang salarin sa brutal na pagpaslang sa lalaki."Sir," Napabaling si Louie sa isang pulis na lumapit sa kaniya. Mataas ang rango niya rito kaya 'sir' ang tawag sa kaniya. "Na-review na po ang CCTV at nakita na ang plate number ng kotse na nagtapon sa biktima." Pahayag ng isang pulis.Tumango si Rico sa pulis. "Sige, pupunta ako para panoorin ito." Wika naman niya.Hindi nga nagtagal ay pumunta si Rico sa isang istasyon kung saan naroon ang maraming CCTV monitor na nakakonekta sa buong bayan ng San Diego. Naabutan niya ang iba pang kasamahang pulis na pinapano

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status