Nakaharap siya sa salamin habang inaayos ang pagkapusod ng mahabang buhok. Sinuri ng maigi ang mukha kung may dumi ba roon o wala. Nang sa tingin niya'y wala naman, at komportable naman siya sa ayos niya, ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi at marahang pinisil ito. Namula iyon at nagmistula siyang gumamit ng blush on. Ang sunod na binalingan niya ay ang kaniyang labi. Kinagat niya ang pang-ibabang iyon at katulad ng nangyari sa magkabila niyang pisngi ay namula rin ito. Pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin.
Okay na 'to!"Gamitin mo na kasi iyang lipstick, dear!" Muntikan pa siyang mapatalon sa kinatatayuan nang biglang may magsalita. Marahas siyang napabuga ng hangin sabay baling sa bagay na ipinatong ni Vian sa ibabaw ng lumang cabinet na may malaking salamin."Hindi ako sanay riyan, Vian," nakangiwi niyang komento.Tawa naman ang isinagot nito sa kaniya sabay pakembot na naglakad palapit sa kaniya. "Naku, dear, kailangan mong gamitin iyan para naman pak na pak ang awra mo!" Napasunod na lamang ang tingin niya kay Vian nang kuhanin nito ang red lipstick. Hinawakan nito ang pisngi niya at ito na mismo ang naglagay ng lipstick sa labi niya. "Ayan! Hala, lalo kang gumanda, dear!" puno ng paghanga na wika nito.Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Napahawak siya sa sariling labi. Ibang-ibang ang itsura niya sa simpleng babae na kilala niya. Kahit pulbo at lipstick lamang ang nasa mukha niya ngayon ay malaki pa rin ang pagbabago niyon sa simpleng siya dahil nga hindi naman siya gumagamit ng lipstick, kaya naninibago siya sa itsura niya ngayon. Naka-casual attire siya. Blue long sleeves paired and tucked in with high-waisted pants. Wala rin siyang choice kundi suotin ang high-heeled stilettos na si Vian din ang bumili. Sana lang talaga ay hindi siya magkandarapa mamaya lalo't hindi siya sanay gumamit niyon.Nang lumabas siya ng silid ay napahanga pa lalo sa kaniya si Vian."Wow, Anna! Ang ganda mong dilag!" komento nito na sinuri pa ang kabuuan niya."Salamat," tipid na tugon niya rito."Oh, ano handa ka na ba?" tanong nito sa kaniya habang inaayos ang kuwelyo ng kaniyang damit.Bumuntonghininga siya. Naalala niya ang anak. Nasa Hospital pa rin ito ngayon kasama si Tekla. Kailangan niya ng medyo malaking pera para sa mga gamot at para na rin sa paglabas nila sa susunod na araw. Medyo um-okay na rin kasi ang kalagayan ng anak niya kaya kahit papano ay naginhawaan din siya. Binalingan niya si Vian at tumango siya bilang pagsagot sa tanong nito kanina."Good! Tara na at ihahatid na kita sa Tower ni Boss sungit!" wika nito sabay hawak sa braso niya at hinila siya palabas ng inuupahang bahay.DINALA muna ni Vian si Anna sa Boss nito. Pinakilala nito si Anna sa mga kasamahan sa trabaho, at ng masigurong maayos na ang lahat mula sa audio recorder at notebook na dadalhin ng dalaga ay hinatid na ni Vian si Anna sa Valle Tower. Saktong-sakto lamang ang dating nila dahil sa mga sandaling iyon ay kakabalik lamang ni Mr. Valle sa opisina nito mula sa Children's home na binuksan lang ngayong araw, ayon sa sekretarya nito na si Aaron.Abot ni Anna ang kaba nang makarating sila ni Vian sa isang malaking Tower sa Makati. Ang kabang iyon ay hindi niya alam kung para saan. Sa trabaho bang gagawin niya o sa taong haharapin niya ngayon na hindi niya alam kung sino? Pinagbuksan siya ng kaibigan ng pinto ng kotse at nang makalabas siya doon ay kaagad siyang napatingala sa mataas na gusali."Ang laki..." naisambit niyang namamahanga sa nakikita."Malaki talaga, dear, ito ang pinaka-main office ni Boss Sungit eh! Alam mo, suwerte mo nga e, kasi makakapasok ka riyan," komento pa ni Vian. Hindi kasi sila basta-basta makakapasok sa Valle Tower lalo na kung walang pahintulot ang supladong may-ari niyon.Napatango-tango na lamang si Anna sa sinabi ni Vian. Isa lang ang naiisip niya kung bakit hindi makapasok sina Vian sa Tower, siguro masyadong istrikto ang may-ari ng Tower na ito kaya walang pinapapasok na kung sino lang. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan pa lalo. Hindi naman kasi siya kilalang tao o mayaman. Nagpunta lang siya dito para sa trabahong tinanggap niya."Don't worry, Anna, tiyak na makakapasok ka riyan kaya go na at baka naghihintay na si Boss Sungit!" wika pa ni Vian sabay hila kay Anna papunta sa entrance ng nasabing Tower. Halos magkandarapa naman si Anna sa paghila nito lalo't hindi siya masyadong magaling magdala ng high-heeled shoes, at ngayon lang din siya nagsuot nito, maliban lang noong pinaayusan siya ni Carol isang taon na ang nakakaraan."Oh, ikaw na ang bahala, Anna ha. Lahat ng isinulat diyan basahin mo ha. Sige, go na!" ani ni Vian. Nasundan na lamang niya ito ng tingin nang umalis na ito.Bitbit ang bag na may laman na mahahalagang bagay, binagtas ni Anna ang daan papasok sa Tower. Hindi naman siya hinarang ng sekyu dahil may I.D siyang pinakita rito. Hindi niya maiwasang mapahanga sa mga nakikita niya sa paligid. Ang ganda kasi niyon at ang lawak pa. Ang mga tao na naroon ay pawang naka-formal attire, nahihiya tuloy siyang makipagsabayan sa mga ito sa paglalakad kaya naman mas pinili niyang magpahuli na lang.Hanggang sa may isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Ang guwapo nito at ang kisig ng pangangatawan. "Anna Mariel Samson?" tawag nito sa pangalan niya. Napatigil siya sa paghakbang at napatango. "O-Opo, ako nga." Ngumiti ang lalaki kaya lalo pang gumuwapo sa paningin niya."This way, Anna," anito at hinawakan ang braso niya. Napasunod na lamang siya sa lalaki. Panay ang pag-ngiti nito sa kaniya, at hindi nito binibitawan ang kaniyang braso hanggang sa makasakay sila ng elevator. Hindi niya maiwasang mailang dahil dalawa lang silang naroon."You're beautiful, Anna," kapagkuwan ay komento nito.Namula ang pisngi niya sa tinuran nito at nahihiya siyang ngumiti sa lalaki. "Salamat.""By the way, I'm Aaron. A handsome secretary of Mr. Valle," pakilala pa nito sa sarili sabay kindat sa kaniya. Hindi niya pinansin ang pagkindat nito sa halip ay naagaw ang atensyon niya sa pangalan na binanggit nito.May kung anong nagpatigil sa pagtibok ng puso ni Anna nang marinig ang pangalan na binanggit ng lalaki. Valle! Ka apelyedo niya!Ngunit nang maisip na baka kapareho lamang iyon ng apelyedo ng lalaking nakilala niya noon ay iwinaksi na lamang niya iyon sa isipan.Nang tumigil ang elevator ay nauna siyang lumabas doon at sumunod naman si Aaron. Hinatid siya nito hanggang sa makarating sila sa isang pinto."We're here, Anna," anunsyo ng lalaki.Muling bumalatay ang kaba sa dibdib ni Anna, hindi iyon naitago ng kaniyang reaksyon. Napansin din iyon ni Aaron. Narinig niyang tumawa ang lalaki kaya napabaling siya rito."Don't worry, Anna, hindi nangangain si Boss," natatawang biro ng lalaki. "Good luck, Anna," anito saka siya iniwan doon.Naiwan siyang nasundan na lamang ng tingin ang papalayong bulto ng lalaki. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka niya hinarap ang pinto. "Ito na iyon. Para kay Brave!" pangpalakas-loob na sambit niya sa sarili.Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago kumatok sa pinto. Samantalang kamuntikan pa siyang mapatalon sa kinatatayuan nang automatic itong bumukas."Susme..." bulong niya at hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan."My time is running out, so don't waste it." Suddenly a deep baritone voice echoed from the inside.Lalong kinabahan si Anna sa boses na kaniyang narinig. Subalit dahil sa maawtoridad nitong salita ay wala na siyang panahon na isipin pa iyon dahil my time is running out daw kaya humakbang na siya papasok sa loob ng opisina.And then she saw this man standing and his back facing her. Nakatayo patalikod sa kaniya ang lalaki at nakatingin ito sa glass wall na nakaharap sa kalawakan ng Makati. Sinipat niya ang kabuuan nito. Mahaba at nakatali ang buhok nito. Malaki ang pangangatawan at matangkad. Nangunot ang noo ni Anna sapagkat familiar sa kaniya ang tindig ng lalaki at lalo rin siyang kinabahan.No! Mali ako ng iniisip!Hiyaw niya sa isipan.Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito, at nagtagumpay naman siya dahil ang lalaki ay unti-unting humarap.Subalit ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata niya nang mapasino ito. Nahigit niya ang paghinga at pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo.Brett!Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya ito. Kahit pa mahaba ang buhok nito at mabalbas na ito ngayon ay kilala pa rin niya ito! Ang lalaki ay natigilan din nang makita siya. Nangunot ang noo nito at sinuri ang kabuuan niya. Napalunok siya at hindi nagawang ikurap ang mga mata.Titig na titig siya sa mukha nito, at ganoon din ito sa kaniya. Tila ba mini-memorya nito ang itsura niya. Hanggang sa ang lalaki ay sumeryuso ang mukha. Tumingin ito sa relos bago siya muling binalingan."My time is running out; shall we start?" puno ng awtoridad na untag nito sa kaniya.Napakurap-kurap si Anna. Muntikan pa niyang makalimutan ang pinunta niya rito. Bakit ba kasi siya nagpapaapekto sa presensya nito? Ni hindi nga ito apektado sa presensya niya!Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa isiping iyon. Nang maupo ang lalaki sa swivel chair nito ay naupo na rin siya sa upuan na nakaharap rito at inilabas ang audio recorder at notebook sa loob ng bag. Sa itsura ni Brett ay tila wala itong pakialam kung nagkita man silang muli.Siguro kinalimutan na niya ako!Napahigpit ang hawak niya sa notebook sa isiping iyon.Humarap siya sa lalaki na pilit tinatago ang nararamdaman, at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. Tipid niya itong nginitian at umaktong normal sa harapan nito kahit na ang totoo ay nanginginig na ang kalamnan niya."G-Good afternoon, Sir–" Bumaba ang tingin niya sa pangalan na naka-ukit sa isang bagay na nasa ibabaw ng lamesa nito. Sabi na nga ba niya at hindi siya maaaring magkamali. "...Valle." Sabay angat niya ng tingin upang salubungin ang mga mata nito."Good afternoon. Okay, let's start, Miss?"May kung anong kumurot sa puso ni Anna. Hindi maiwasang tanongin ang sarili kung hindi na ba siya nito kilala? O sadyang kinalimutan na siya?Ngumiti pa rin siya rito kahit na tinutusok-tusok ang puso niya sa mga sandaling iyon."Ako po si Anna Mariel Samson, Sir," pakilala niya sa sarili.Tumango naman ito, "Okay, Miss Samson, now proceed. " Humugot muna siya ng hangin bago nagpatuloy. Sana lang ay kayanin niyang matapos itong interview."Pinadala po ako ni Mr—""I know. Just straight to whatever you want to ask for," pagputol nito sa anumang sasabihin niya. Nakagat niya ang labi.Nawala tuloy siya sa konsentrasyon. Nagmamadali ba siya? Natanong niya sa isipan.Ang suplado!"Ahmm. Narito po ako para kumuha ng konting pahayag mula sa inyo, Sir." Binuklat niya ang notebook na hawak at binasa ang mga nakasulat doon. Ilang beses na niyang ininsayong bigkasin ang mga iyon habang nasa sasakyan siya kanina, at hindi naman iyon marami. Kinuha niya ang audio recorder at in-on ito. Ngayon, handa na siyang magtanong sa lalaking ito."A lot of people wanted to know about 'Children's home.' The question is, where did you get the idea to build that home for children, Sir? Bakit po sa dinami-rami ng puwedeng ipatayo ay iyon po ang naisipan niyo?" tanong niya rito. "Gusto mong malaman kung bakit ko naisipang ipatayo ang Children's home?" kunot ang noo na tanong ng lalaki. Nang una ay umiling si Anna dahil hindi naman siya ang may gustong alamin iyon, pero sa huli ay tumango na rin siya dahil iyon pala ang trabaho niya ngayon, ang itanong sa lalaking ito ang lahat ng nakasulat sa notebook."It seems that you're not sure sa pinunta mo rito, Miss Samson," anang lalaki na ikinailing niya."Sure po ako, Sir! Nakasulat po rito ang lahat ng itatanong ko sayo," ani niya sabay lahad ng notebook sa lalaki.Napailing naman ito.Nasundan pa niya ng tingin ang lalaki nang tumayo ito at naglakad papunta sa glass wall. Nakatalikod na ito ngayon sa kaniya. Hindi na naman niya maiwasang suriin ang kabuuan nito. Nag-matured itong tingnan at sa tingin niya ay dahil iyon sa buhok nito. Pero gayunpaman ay hindi niya maipagkakaila na lalo itong gumuwapo. Wala sa sariling napadapo pa ang tingin niya sa pang-upo nito."Staring at my ass is a crime, Miss Samson." Mabilis siyang napaangat ng ulo nang marinig ang sinabi nito. Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi nang magsalubong ang mga mata nila ng lalaki mula sa salamin. Huling-huli siya nito sa mga paninitig niya.Nagsalita itong muli habang nakatitig sa kaniya mula sa salamin."One year ago, my son died, Miss Samson." Natigilan si Anna sa sinabi nito at nanumbalik sa isipan ang nakaraan. Isang butil ng luha ang kaagad na sumungaw sa kaniyang mata. "And after that, it changed half of my life. Hanggang sa isang araw ay may ideyang pumasok sa kokote ko. At iyon ay ang ipatayo ang Children's home. At kung tatanungin mo ako kung bakit?Ang anak ko ang dahilan kung bakit ko iyon naisipang ipatayo. Sa pamamagitan ng pagtulong at pagsagip sa buhay ng mga batang napabayaan ng kanilang mga magulang ay mananatili ang alaala ng anak ko sa isip at puso ko. Sa paraan na iyon ay parang nasagip ko na rin siya, kahit sa ganoon man lang, Miss Samson."After hearing those lines, Anna's face filled with amusement for Brett."Mabuti ang kalooban mo, Sir. Dahil ang pagtulong sa mga bata ay isa ng patunay na mabuti ka pong tao."Napabaling muli si Anna sa papel na hawak upang ikubli ang lungkot sa mga mata. Ramdam niya sa tono ng pananalita ni Brett kanina na hanggang ngayon ay sinisisi pa rin nito ang sarili sa pagkamatay ng anak nitong si Paolo. Shit. Isang taon na ang nakaraan pero ang sakit pa rin."You're wrong, Miss Samson. Hindi mo ako kilala," anang lalaki.Hindi na lamang pinansin ni Anna ang sinabi nito. Gusto na niyang matapos ang trabaho ng sa ganoon ay makaalis na siya. Kanina pa niya pinipigilan ang sariling emosyon simula nang magkita sila ng lalaki. Akala niya okay na siya, hindi pa rin pala.Nasasaktan ma'y nagpatuloy siya sa ikalawang tanong na nakasulat sa papel."Is it true that you went to Italy, and came back again to the Philippines for someone, Sir?" nangunot pa ang noo niya sa nabasa. Bakit parang hindi naman niya iyon nababasa kanina? Hindi kaya't hindi lang talaga niya naiintindihan ng mabuti ang binabasa dahil nilamon siya ng kaba?"I came back here, for the Children's home. As you can see, kanina lang iyon binuksan," anito."U-Umalis ka papuntang Italy?" naisambit niya ng napagtanto ang lahat."Yes, Miss Samson."Napatango-tango siya. "Kailan pa?" nakagat niya ang pang-ibabang labi ng napagtanto ang sinasabi. "I'm sorry, Sir, hindi po iyan kasama rito," ani niya sabay taas ng notebook. Nais niyang batukan ang sarili ngayon. Ang kapal ng mukha niya para magtanong ng bagay na hindi naman kasama sa mga nakasulat sa notebook!"I see," sabat naman ng lalaki.Pero hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung kailan ito umalis at kailan ito bumalik? Muli siyang tumingin sa notebook at isinantabi na muna ang mga haka-haka na iyon."Many of us… ah sa kanila lang po ito, Sir." Pagtatama niya sa binabasa dahil hindi naman siya kasali roon. "Hmm… wondering if you are married or not?" sabay tingin niya sa lalaki."I'm not married. Wala na bang ibang tanong riyan?" tila naburyo na wika ng lalaki. Muli itong naupo sa swivel chair nito at ipinatong ang dalawang palad sa ibabaw ng lamesa habang titig na titig sa kaniya.Napalunok si Anna. Bakit naman kasi ganoon ang mga nakasulat sa papel imbes na importante ang ilagay doon?Baka importante kina Vian na malaman kung may asawa siya o wala?Napailing si Anna sa naisip. Muli siyang nagpatuloy."Is it true that you don't like women because you prefer men? And is it true that you're gay?" Nanlaki ang mga mata ni Anna sa mga nabasa niya. Teka, hindi ito kasama noong binasa ko ito ah. Sino naman ang sumulat nito? Kagat ang labi na tiningnan niya ang lalaki upang magpaliwanag dito. "Nakasulat lang po rito, Sir."Kinabahan siya ng sumeryuso pa lalo ang mukha ng lalaki. Umigting ang magkabila nitong panga, at matiim siya nitong tinitigan habang ang kamay nito ay niluluwagan ang necktie na suot."You know that I'm not gay, Anna," anito sa malalim na boses, "alam mong lalaking-lalaki ako lalo na pagdating sa kama." Nahigit ni Anna ang paghinga sabay iling. Binalingan niya ulit ang papel na napapalunok. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinuturo ang susunod na itatanong niya.Pinapahamak ako ni Vian eh! Aniya sa isipan.Tumikhim siya at muling binasa ang mga huling katanungan na nakasulat sa papel."Do you have a relationship with your secretary?" nanlaki na naman ang mga mata niya sa nabasa. "I'm so sorry, Sir—""Wala kaming relasyon. Kakasabi ko lang na hindi ako bakla," matigas ang boses na sagot nito.Tumango siya at binasa ang huling tanong."If the right person comes to your life currently, then where is she, or he?" napangiwi pa siya sa nabasang iyon. Para kasing huhula muna ang sasagot.Matapos isara ang notebook na hawak ay binalingan ni Anna ang lalaki para pakinggan ang isasagot nito. And their eyes met.Matiim na nakatitig sa kaniya ang lalaki kapagkuwan ay bumukas ang bibig nito para magsalita."She's in front of me." Napakurap siya sa narinig.Suddenly, she realized the last question she had asked. Natigilan din siya nang maisip ang isinagot ng lalaki.She's in front of me!Marahas na napabuga ng hangin si Anna nang makalabas siya sa Valle's Tower. Ang kaninang pagpipigil nito sa sariling emosyon ay tuluyang bumuhos habang napapatingala ito sa langit. Ang kaibigan nitong si Vian ay nagtaka sa inakto ng dalaga nang makita nito na naiiyak na si Anna. Napalabas ng kotse si Vian upang lapitan ang huli."Are you okay, Anna–god you're crying! Anong nangyari sayo?" takang-tanong nito sa dalaga sabay sapo nito sa pisngi ni Anna."May ginawa ba sayo si Mr. Sungit? Ginahasa ka ba niya o ano?" Napaawang ang labing napatingin si Anna kay Vian kapagkuway napabaling din sa paligid kung may ibang tao bang naroon at narinig ang sinabi ng bakla."W-Wala ito, Vian… miss ko lang si Brave kaya puwede mo ba akong ihatid na sa Hospital ngayon?" pagsisinungaling ni Anna. Deep inside ay gusto niyang sabihin kay Vian na ang lalaking naka-interview niya'y ama ng kaniyang anak. Pero hindi na bale. Hindi niya dapat ipagsabi sa kahit sino ang tungkol sa ama ni Brave. Mahirap na bak
PALABAS si Anna sa room na inuukupa ng anak para sana bumili ng makakain sa labas nang makita niya ang sekretarya ni Brett na may kinakausap sa cellphone nito. Ang lalaki ay nakatalikod sa kaniya. Ayaw man sana niyang istorbuhin ang lalaki na kakababa lang ng cellphone nito, pero naisip niya na baka isipin nito na hindi siya namamansin. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon nito at sakto namang bumaling ito sa kinaroroonan niya. Nagulat pa ito nang makita siya at napabaling pa ulit ito sa cellphone na hawak nito. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa ni Aaron sa Hospital.May pasyente rin ba siya? Tanong niya sa isipan."Anna! Oh, n-nandito ka rin pala? Sinong kasama mo? Asawa mo?" sunod-sunod na tanong ng lalaki na tila ba nababalisa pa.Nangunot ang noo niya sabay na tumingin sa kaniyang paligid kung may kasama ba siya roon na iba.Nagtataka rin siya sa klase ng tanong ni Aaron. Wala naman kasi siyang katabi ngayon kaya paano nito na tanong na asawa niya ang kasama niya?Napangiwi
Nakalabas ng Hospital sina Anna na walang binayaran ni piso sa bill nila. Naroon ang pagtataka kung papano iyon nangyari pero naroon din ang tuwa dahil sa wakas ay hindi na magagalaw ang perang kinita niya sa pagkuha ng interbyu kay Brett nakaraang araw."Sino raw ang nagbayad, Anna?" tanong sa kaniya ni Tekla habang nag-aabang sila ng taxi sa gilid ng kalsada. Tinakpan niya muna ng lampin ang mukha ng anak; tama lang para makahinga ito ng maayos. At upang hindi nito malanghap ang usok na iniwan ng isang pampasaherong jeep sa daan, bago niya sinagot si Tekla."Hindi ko alam, Teks, basta sinabi ng Doctor na huwag ko na raw alalahanin ang bill ni Brave ang mahalaga raw ay okay na ito at makalabas na kami," nakangiti niyang pahayag sa kaibigan.Pumalakpak si Tekla sa hangin at maging ito ay natutuwa rin sa kaalaman na iyon."Ang bait talaga ng Diyos, Anna. Naku kung sino man iyong tumulong sayo ay sana pagpalain pa siya ng langit!"Kaagad namang sumang-ayon si Anna. "Amen." Ani niya.Sa
DAHIL maayos na ang pakiramdam ni Brave ay nagpasya na si Anna na pumasok sa trabaho kinabukasan. Martes ngayong araw kaya ang duty niya ay sa condo unit na located sa Forbes Park, at katulad ng nakasanayan ay iniwan niya ang anak kay Tekla. Uuwi rin naman siya kaagad pagkatapos ng trabaho."Good morning my beautiful, Anna!" bati sa kaniya ng nakangiti na si Troy. Guardiya ito sa labas ng condominium.Magalang niya rin itong binati at nginitian, "Magandang araw rin sayo, Troy.""Naku lalo talaga gumaganda ang araw ko, Anna, kapag nakikita kita," pambobola pa ng binata at sinamahan pa iyon ng pag-kindat nito sa kaniya.Napailing na lang siya at napangiti sa sinabi ng lalaki. "Sige, Troy, magtatrabaho na muna ako." Paalam niya kay Troy.Kumaway naman si Troy kay Anna. Sa isip-isip nito'y nakaiscore ito sa mailap na dalaga dahil nagawa niyang pangitiin.Pumasok si Anna sa nasabing gusali, naglakad siya patungo sa front desk at kinuha ang susi sa babaeng nakatayo roon na nagngangalang Gre
SIMPLE ang mga disenyo ngunit napakagandang pagmasdan. Iyon ang masasabi ni Anna sa suit na pinasukan nila ngayon sa Forbes park. Ang suit na pinatitirhan sa kanila ni Brett ay nasa second to the last floor. Magkatabi lang din sila ng pinto ni Brett."Ang ganda rito!" bulalas ni Tekla na sinimulan nang libutin ang kabuuan ng room.Binalingan naman ni Anna si Brett na nakatayo lang sa likuran nila. Hawak ni Anna ang anak at kasalukuyan itong natutulog sa mga bisig niya."Mahal ang upa rito, hindi ba?" tanong niya sa lalaki. "Brett, hindi ko ito kayang bayaran. Wala akong pera dahil ang inipon ko ay natupok lahat sa sunog." Walang reaksyon na makikita sa mukha ng lalaki ngunit sinagot naman siya nito kaagad."At sino naman ang nagsabi sayo na upahan ito?""H-Hindi ba?" aniya."Hindi. I'm the owner of this suit. Binili ko ito, pero hindi pa naman natitirhan dahil may sarili rin akong suit kaya ko pinatitirhan sa inyo," seryuso na sabi ni Brett saka naupo sa isang pang-isahan na sofa. "S
BAGONG trabaho, panibagong buhay para kay Anna. Hindi na siya bibilad pa sa palengke para magtinda ng tilapya, hindi na rin siya hahanap ng kung ano-anong raket para magkapera para sa gatas ni Brave at iba pang expenses sa pang araw-araw. Nagpapasalamat siya kay Brett dahil binigyan siya nito ng trabaho, binago nito ang buhay nilang mag-ina pero simula nang magtrabaho naman siya sa lalaki ay tila wala na siyang magandang nagawa dahil puro ito reklamo at puna sa kaniya—sa trabaho niya.Tila babaeng may regla si Brett araw-araw dahil madalas mainit ang ulo nito. Kaya madalas din siyang mainis sa lalaki.Katulad na lang kanina. Inutusan siya nitong kunin ang ilang files sa secretary nitong si Aaron sa opisina mismo ng lalaki, pero nang nandoon na siya ay hindi maiiwasan na magkuwentuhan sila ni Aaron. Pagkatapos ay bigla na lang itong sumulpot at galit na galit siyang pinabalik sa opisina nito."Ang sabi ko, kunin mo ang files hindi makipag-usap sa kaniya!" mariin at galit nitong sabi.
Sabay rin na umuwi sina Anna at Brett sa condo sa Forbes park na hindi nagpapansinan. Ang sinabi ni Brett na babalik sila ng opisina ay hindi nangyari. Nagsinungaling lang ito kay Rico. Hinatid lang din ng binata ang dalaga sa labas ng unit nito at umalis na rin ito kaagad na walang sali-salita. At ewan ni Anna kung ano ang problema ng gurang na iyon. Hindi ito namamansin kaya hindi rin siya namansin. Hindi naman napagod sa trabaho si Anna pero ang nakakapagod lang ay ang pakisamahan ang gurang na amo."Baby ko!" salubong ni Anna sa anak na buhat-buhat ni Tekla."Naku, gurl, kanina ka pa hinahanap niyan," komento ni Tekla nang ilipat nito sa mga braso niya ang bata.Nginitian ni Anna si Tekla, saka pinupog niya ng halik ang anak."Miss na miss ka ni Mama!" madamdamin niyang sabi sa anak. Umindak-indak naman ang bata nang makita siya nito. Sinayaw-sayaw niya ang anak, pero napatigil siya nang may marinig.Tumunog ang buzzer kaya sabay pa silang napabaling doon ni Tekla."May bisita ka,
NAKATAYO si Brett, looking deeply into Anna who is now sleeping peacefully on bed. Pinagtitigan niya ng maigi ang dalaga. Mula sa maganda nitong mukha na payapang natutulog. Dumako ang paningin niya sa labi nito, wala sa sariling nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa pag-aasam na halikan iyon. Nag-iinit ang katawan niya lalo nang mapadako ang tingin niya sa nakalihis na strap ng sando ni Anna. Dahil doon ay lumitaw ang isang dibdib nito at lumabas ang ma-pinkish na nipple.Damn, Anna, you made me crazy again! Nag-igting ang panga ni Brett while holding his breath to stay calm. Maingat siyang humakbang papalapit sa kama ni Anna at habang ginagawa niya iyon ay lalong nabubuhay ang init at pagnanasa na nararamdaman niya. Ngayon ay tuluyan na siyang nakalapit sa dalaga ay mas lalo pa niyang nakikita ang makinis nitong balat mula sa dim light na liwanag ng kuwarto. Kinapa niya ang bulsa, napangiti siyang nang masigurong dala niya ang isang bagay. Inilabas niya ito. Isang panyo iyon,
NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it
ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?
NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan
Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m
Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m
MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A
MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin
PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie bago pa ito mamatay. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico. Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan ni Brett kaya kaagad nitong ipinaliwanag kung sino ang taong binanggit. "Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico kay Brett. Naliwanagan si Brett sa ipinahayag ni Rico. Ngayon ay nauunawaan na niya. Kah
ISANG BANGKAY ang natagpuan ng otoridad sa isang bakanteng lote malapit sa isang ilog. Ang bangkay ay nakalagay sa isang itim na garbage bag, malamig na at nilalangaw. Kasama sa nag-inspeksyon sa bangkay ay si Rico. Nakilala ni Rico kung sino ang bangkay, ito ay walang iba kundi si Louie de Vera—ang kasintahan ni Carol.Malalim na napabuga ng hangin si Rico habang nakatitig siya sa malamig na bangkay ni Louie. Napapaisip kung sino ang salarin sa brutal na pagpaslang sa lalaki."Sir," Napabaling si Louie sa isang pulis na lumapit sa kaniya. Mataas ang rango niya rito kaya 'sir' ang tawag sa kaniya. "Na-review na po ang CCTV at nakita na ang plate number ng kotse na nagtapon sa biktima." Pahayag ng isang pulis.Tumango si Rico sa pulis. "Sige, pupunta ako para panoorin ito." Wika naman niya.Hindi nga nagtagal ay pumunta si Rico sa isang istasyon kung saan naroon ang maraming CCTV monitor na nakakonekta sa buong bayan ng San Diego. Naabutan niya ang iba pang kasamahang pulis na pinapano