Sabay rin na umuwi sina Anna at Brett sa condo sa Forbes park na hindi nagpapansinan. Ang sinabi ni Brett na babalik sila ng opisina ay hindi nangyari. Nagsinungaling lang ito kay Rico. Hinatid lang din ng binata ang dalaga sa labas ng unit nito at umalis na rin ito kaagad na walang sali-salita. At ewan ni Anna kung ano ang problema ng gurang na iyon. Hindi ito namamansin kaya hindi rin siya namansin. Hindi naman napagod sa trabaho si Anna pero ang nakakapagod lang ay ang pakisamahan ang gurang na amo."Baby ko!" salubong ni Anna sa anak na buhat-buhat ni Tekla."Naku, gurl, kanina ka pa hinahanap niyan," komento ni Tekla nang ilipat nito sa mga braso niya ang bata.Nginitian ni Anna si Tekla, saka pinupog niya ng halik ang anak."Miss na miss ka ni Mama!" madamdamin niyang sabi sa anak. Umindak-indak naman ang bata nang makita siya nito. Sinayaw-sayaw niya ang anak, pero napatigil siya nang may marinig.Tumunog ang buzzer kaya sabay pa silang napabaling doon ni Tekla."May bisita ka,
NAKATAYO si Brett, looking deeply into Anna who is now sleeping peacefully on bed. Pinagtitigan niya ng maigi ang dalaga. Mula sa maganda nitong mukha na payapang natutulog. Dumako ang paningin niya sa labi nito, wala sa sariling nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa pag-aasam na halikan iyon. Nag-iinit ang katawan niya lalo nang mapadako ang tingin niya sa nakalihis na strap ng sando ni Anna. Dahil doon ay lumitaw ang isang dibdib nito at lumabas ang ma-pinkish na nipple.Damn, Anna, you made me crazy again! Nag-igting ang panga ni Brett while holding his breath to stay calm. Maingat siyang humakbang papalapit sa kama ni Anna at habang ginagawa niya iyon ay lalong nabubuhay ang init at pagnanasa na nararamdaman niya. Ngayon ay tuluyan na siyang nakalapit sa dalaga ay mas lalo pa niyang nakikita ang makinis nitong balat mula sa dim light na liwanag ng kuwarto. Kinapa niya ang bulsa, napangiti siyang nang masigurong dala niya ang isang bagay. Inilabas niya ito. Isang panyo iyon,
Sa araw-araw na pagtatrabaho ni Anna kay Brett ay unti-unting nakikilala niya ang ugali ng lalaki. Ang pagiging istrikto nito noon ay lalo pang lumalala ngayon, ang pagiging seryoso nito sa oras ng trabaho na wala namang pinagbago dati pa. Kung may bago man sa lalaki ngayon, iyon ay ang buhok nito, ang pagiging mabalbas ng mukha nito at ang paglaki pa lalo ng katawan nito. At syempre, hindi magpapahuli ang pagiging masungit nito.Sinusungitan siya ni Brett sa trabaho pero sa kanila naman ito kumakain gabi-gabi. Ginawa na nga yata nitong hobby ang pagtambay sa kanila at agawin palagi sa kaniya ang atensyon ng anak nilang si Brave, bagay naman na gusto ni Anna dahil napapalapit ang bata sa ama nito, pero nagseselos din siya at the same time dahil tila sinasadya ni Brett na gawin iyon.At hindi lamang iyon, simula nang lumipat sila ni Tekla sa condo na pagmamay-ari ni Brett ay gabi-gabi rin siyang binabangungot!Bangungot na may kumakain sa kaniya at gustong-gusto naman niya! At sa tuw
Brett...Isang malamig na boses ang bumubulong sa tenga ni Brett dahilan upang siya'y magising mula sa isang mahimbing na pagtulog. Nagmulat siya ng mga mata at bumangon sa kaniyang kinahihigaan. Ngayon ay nakaupo na siya sa kama habang nakakunot naman ang malalago niyang mga kilay.Nanaginip ba siya?Mukha kasing may tumatawag talaga sa pangalan niya kanina.Napabuntonghininga si Brett. Mula sa kama ay bumaba siya at naglakad palabas ng kuwarto. Tumungo siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator at ininom ito. Sa tingin niya rin ay alas dos palang nang madaling araw. Bitbit ang baso ay lumabas siya ng kitchen upang dalhin sa kuwarto niya ang dalang tubig, ngunit kamuntikan na niyang mabitawan ang baso nang may makita siyang babaeng nakatayo sa bukana ng sala, tila nakalutang ito sa hangin at nakasuot ito ng kulay puting damit na mahaba."What the fuck!" naisigaw ni Brett sabay napatuod sa kinatatayuan niya. Sa laki niyang tao ay natakot siya at tinakpan pa ng palad
TIRIK na ang araw pero nakahilata pa rin si Anna at hindi namamalayan na late na pala siya sa trabaho. Pasado alas nuwebe na ng umaga at heto siya, sarap na sarap pa rin sa pagtulog. Ganoon din ang lalaking kayakap niya na mahimbing din natutulog, at ang isang palad nito ay nakapasok sa loob ng pang-itaas niyang damit—nakasapo ang palad na iyon sa isang malusog niyang dibdib.Gumalaw ang mainit na palad ni Brett at marahan na minasahe ang malusog niyang dibdib. Napangiti si Anna sapagka't nakikiliti siya sa paraan na pagmasahe nito. "Hmmm…" ungol pa niya at nararamdaman kaagad ang pagkabasa ng pagkababae niya dahil sa kakaibang init nananalaytay sa buong katawan niya mula sa mainit na palad.Subalit nang sumagi sa isipan ni Anna na maliban kay Brave ay may iba pa siyang kasama sa kuwartong iyon ay napamulat ng mga mata si Anna, at kaagad na hinanap ang lalaking kasama niya na siyang may-ari ng malanding kamay na nakasapo sa dibdib niya.At doon ay nakita niya si Brett na mahimbing na
HINDI maipinta ang guwapong mukha ni Brett habang nakaupo siya sa loob ng conference room, at hindi mawari kung nakikinig pa ba siya sa salaysay ng isang empleyado ng kompanya sapagkat ukupado ng isipan niya si Anna. Noong isang araw pa pinapasakit ng babae ang ulo niya—maging ang ulo niya sa baba. Ilang beses na niya itong pinagbawalan na makipag-usap kay Aaron pero matigas talaga ang ulo ng babae— kasing tigas ng pagkalalaki niya ngayon dahil nanggigigil na siya sa babae.Damn, Anna!Lihim na napamura si Brett sabay naiyukom ang kamao nito.Patuloy sa pagsasalita ang isang empleyado sa unahan kung saan sila nakaharap lahat habang isinasalaysay nito ang topic ng meeting nila ngayon nang walang gana niyang pinutol ang sasabihin pa sana nito."I'm bored. Matagal pa ba iyan matatapos?" seryoso na walang gana niyang tanong.Laglag ang panga ng babaeng nasa harapan. Hindi nga nito malaman kung ngingiti ba ito o iiyak. Wala siyang pakialam sa reaksyon nito, ang gusto niya lang ay matapos n
ILANG beses nang sinampal ni Anna ang kaniyang sarili upang magising siya sa kahibangan matapos mangyari ang hindi dapat mangyari sa kanila ni Brett sa opisina. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung dinadaya ng katawan niya ang isipan? Ang gusto ng isipan niya ay dumistansya kay Brett at huwag magpapahulog sa mga simpleng ngiti at haplos nito. Pero todo kontra naman ang kaniyang katawan at hindi pumapayag na hindi siya gumanti sa yakap at halik ng binata, dahil hanggang ngayon ay alam ng isip, puso at katawan ni Anna na mahal pa rin niya si Brett. Mahal niya ang lalaki simula noon at magpahanggang ngayon. Walang nagbago, lalo lamang lumalala at tumatag ang pag-ibig niya sa lalaki. Kaya hindi niya magawang magpaligaw o sagutin ang mga nanliligaw sa kaniya, dahil si Brett pa rin ang laman ng puso niya. "Anna." Ang malambing na boses na iyon ay nagmumula sa lalaking iniibig ni Anna. Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran niya at nakitang nakatayo si Brett ilang dipa ang layo mula
THE best feeling? Iyong nagtapat ka ng pagmamahal sa isang tao at nagtapat din siya sayo na mahal ka rin niya. Iyon ang pinakamasarap na pakiramdam ang naramdaman niya sa buong buhay niya. Mahal siya ni Brett, nagtapat ito sa kaniya kagabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala."Baby, let's take a bath together." Kagat ang labing napabaling si Anna kay Brett. He was standing inches apart from her, naked at tayong-tayo ang pagkalalaki na nakatitig yata sa kaniya kung may mga mata ito.Diyos ko! Buhay na buhay! Hindi yata napagod samantalang halos lumpuin niya ako kagabi!Napangisi ito nang makita siyang kagat-labing nakatitig sa pagkalalaki nito."Maganda ang view, ano?" tukso nito sa kaniya. Pinamulahan ng mukha si Anna. Iniwas ang tingin sa sumasaludong sundalo pero ang lokong Brett kung saan siya bumaling doon naman ito pumuwesto at sinadya pang iyugyog ang katawan kaya tumalbog-talbog ang pagkalalaki sa harapan niya.Diyos ko po ang landi niya!"Brett!"Tumawa ang l
NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it
ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?
NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan
Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m
Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m
MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A
MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin
PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie bago pa ito mamatay. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico. Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan ni Brett kaya kaagad nitong ipinaliwanag kung sino ang taong binanggit. "Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico kay Brett. Naliwanagan si Brett sa ipinahayag ni Rico. Ngayon ay nauunawaan na niya. Kah
ISANG BANGKAY ang natagpuan ng otoridad sa isang bakanteng lote malapit sa isang ilog. Ang bangkay ay nakalagay sa isang itim na garbage bag, malamig na at nilalangaw. Kasama sa nag-inspeksyon sa bangkay ay si Rico. Nakilala ni Rico kung sino ang bangkay, ito ay walang iba kundi si Louie de Vera—ang kasintahan ni Carol.Malalim na napabuga ng hangin si Rico habang nakatitig siya sa malamig na bangkay ni Louie. Napapaisip kung sino ang salarin sa brutal na pagpaslang sa lalaki."Sir," Napabaling si Louie sa isang pulis na lumapit sa kaniya. Mataas ang rango niya rito kaya 'sir' ang tawag sa kaniya. "Na-review na po ang CCTV at nakita na ang plate number ng kotse na nagtapon sa biktima." Pahayag ng isang pulis.Tumango si Rico sa pulis. "Sige, pupunta ako para panoorin ito." Wika naman niya.Hindi nga nagtagal ay pumunta si Rico sa isang istasyon kung saan naroon ang maraming CCTV monitor na nakakonekta sa buong bayan ng San Diego. Naabutan niya ang iba pang kasamahang pulis na pinapano