Share

SIY-4

Author: Pusa
last update Last Updated: 2024-01-12 10:05:36

PARATING  palang ng bahay na inuupahan si Anna ay dinig na kaagad niya sa labas ang iyak ng anak na si Brave. Kinabahan siya sa hindi malamang kadahilanan kaya naman binilisan niya ang paghakbang hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Kaagad niyang naabutan si Tekla na sinasayaw-sayaw si Brave. Hindi ito magkamayaw kung paano patatahanin ang bata. Ngunit ang anak niya ay hindi pa rin matigil-tigil sa pag-iyak at mahahalata sa galaw ni Tekla na natataranta na rin ito.

Ni hindi nga nito napansin ang presensya niya. Kaya nilapitan niya ito at tinapik sa braso.

"Diyos ko namang babae ka! Mabuti at nakauwi ka na!" gulat na bulalas nito nang makita siya. Nangunot ang  noo niya sa sinabi ng baklang kaibigan.

"Bakit?" aniya sabay na binalingan ang bata. Inilipat naman nito ang bata sa braso niya at maagap naman niyang tinanggap ang anak, ngunit nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman na ang init ng katawan ng bata. Alam niyang hindi iyon normal. 

 

 "Anong nangyari? Bakit ang init ni Brave?" taranta niyang tanong sa kaibigan. Naupo siya sa upuan habang kalong niya ang anak at hinahaplos ang noo nito. Wala itong tigil sa pag-iyak. Hinalik-halikan niya ito sa noo habang ang kaba sa dibdib niya ay patuloy sa pagbuo. "Baby, nandito na si Nanay." Hinalikan niya ulit ang noo ng bata.

Maging si Tekla ay hindi mapakali sa kinatatayuan nito. "Ewan ko nga, Anna, eh. Kanina lang ang sarap ng tulog niya hanggang sa bigla na lamang siyang nagising at panay na ang pag-iiyak. Akala ko nagugutom lang kaya pinagtimpla ko ng gatas, pero sinusuka lang niya ang gatas eh. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi kita makontak, " anang kaibigan niya na hindi maipinta ang reaksyon ng mukha.

Kinabahan na siya lalo. "Bakit hindi ka tumawag sa akin?" wala sa sarili niyang sambit. Pagka-ganito kasi na may karamdaman ang anak niya ay nawawala siya sa huwisyo.

Napakamot sa ulo si Tekla.

"Gaga kanina pa nga ako tawag nang tawag sayo no! Eh, nakapatay naman yata iyang cellphone mo!"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Wala na siyang panahon para tingnan pa ang cellphone kung lowbat ba ito o ano. At wala na rin pala siyang cellphone kasi nasama ito sa ninakaw sa kaniya noong isang araw. Binuhat niya ang anak at basta nalang naglakad nang mabilis palabas ng bahay. Ang naisip niya sa mga sandaling iyon ay dalhin ang bata sa Hospital.

"Samahan mo ako sa Hospital, Teks," parang wala sa sariling sambit niya. Sumunod naman kaagad si Tekla sa sinabi niya.

Hindi na kasi maganda ang pakiramdam niya lalo't balisa ang anak at walang tigil sa pag-iiyak. Ang init ng katawan nito ay hindi na normal, baka kung mapano ang bata. Naisip niya na baka dala lang ito ng pagngingipin ni Brave, pero sana dahil lang talaga doon.

Nang makarating sa Makati Hospital ay agad silang inasikaso ng doctor. Kinuhaan ng mga ito ng dugo ang bata upang isailalim sa laboratory test. At habang hindi pa lumalabas ang resulta ay pinapasok muna sila ng doctor sa isang silid para doon na maghintay ng result. Kinakabahan si Anna habang hinihintay ang resulta. Hindi niya maiwasang kagat-kagatin ang dulo ng daliri habang nakatitig sa anak na ngayon ay natutulog na ulit. Pinainom ito ng doctor ng gamot para sa lagnat kaya kahit papano ay bumaba ang lagnat nito.

"Kinakabahan ako, Tekla," hindi maiwasang sambit niya.

Ganoon talaga siguro kapag nanay ka na. Mas gugustuhin mong ikaw na lang ang magkasakit kaysa sa sarili mong anak.

"Normal lang iyan, Anna. Ang hindi normal ay hahayaan mong panghinaan ka ng loob," komento ni Tekla at tinapik ang kaniyang balikat.

Bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng doctor bitbit ang isang papel. Napatayo si Anna upang salubungin ito.

"Miss Anna, narito na po ang result. At ang lumalabas ay na dengue po ang baby mo."

Napakurap-kurap siya sa narinig sabay baling kay Tekla. Maging ang kaibigan ay nagulat din sa sinabi ng doctor.

"Kailangan po ma-admit ang anak mo, Miss Anna, para mabantayan namin ang kalagayan niya," dagdag pa ng doctor.

Hindi niya maiwasang maiyak sa narinig. Tila ba bomba na sumabog sa tenga niya ang balita. "M-Malala po ba, doc?" naisambit niya. Binalingan niya rin ang anak. "Wala naman po siyang rashes..." naiiyak niyang sabi.

"Hindi kaagad lumalabas ang rashes kapag na dengue ang isang tao, Miss Anna. At sa lagay ng anak mo ay nasa first stage siya ng dengue at mabuti nalang naagapan niyo kaagad na dalhin siya rito bago pa humantong sa malalang sitwasyon. Kawawa naman ang poging iyan," pahayag pa ng doctor.

 

Sa naging pahayag ng doctor ay hindi na nag-alinlangan pa si Anna, pina-admit niya ang anak upang mabantayan ang kondisyon nito. Kung kinakailangan na kumayod siya ng doble ay gagawin niya, maibigay lang ang pangangailangan ng anak sa loob ng Hospital. Bilang ina ay masakit para sa kaniya na makita na nasa ganoong sitwasyon ang anak, mas pipiliin pa niyang siya na lang ang magkasakit kaysa sa anak na walang kamuwang-muwang.

Awang-awa siya anak dahil umiiyak ito habang tinutusok ito ng karayom. Kailangan daw kasi itong i-dextrose para hindi ito mawalan ng tubig sa katawan. Hindi niya nakayanan na tingnan ito kaya iniwas niya ang paningin at napaiyak na lamang.

"Sorry, Anna, kung hindi ko sana ipinasyal si Brave sa kabilang kanto hindi sana siya nagka-dengue. Isinama ko kasi siya kahapon nang bumili ako ng meryenda," naiiyak na pahayag ng kaibigan niya sa kaniya. Halata sa tono ng pananalita nito ang paninisi sa sarili.

Madalas nga nito isama sa labas ang anak niya at hindi naman siya tutol doon kasi nga pinagkakatiwalaan niya si Tekla. Hindi rin niya ito sinisisi, wala naman may gustong mangyari sa sinapit ni Brave.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo, Teks. Walang may kasalanan sa atin," saad niya. Niyakap niya ang kaibigan upang pagaanin ang loob nito.

 Nang gabing iyon ay iniwan niya muna ang anak kay Tekla. Umuwi siya ng bahay para kumuha ng mga gamit ng anak dahil ang sabi ng doctor ay aabutin pa sila ng ilang araw sa Hospital. Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng damit sa bag nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok sa may pintoan. Iniwan niya ang ginagawa upang tingnan kung sino ang nasa labas. Pagkabukas niya ng pinto ay ang kaibigan ni Tekla ang bumungad sa kaniya.

"Hi, Anna!" anito sa kaniya.

"Vian! Napasyal ka? Hala, pasok ka muna," paanyaya niya sa lalaki.

Sumunod naman ang lalaki. Hindi ito literal na lalaki dahil katulad ni Tekla ay bakla rin ito.  Nang makaupo ito sa silya ay kaagad niya itong tinanong kung ano ang pakay nito. Bihira kasi itong pumasyal sa kanila dahil busy ito sa trabaho nito bilang isang reporter.

"Wala si Tekla, eh. Nasa Hospital. Sa katunayan nga'y umuwi lang ako ngayon para kumuha ng gamit namin—" Hindi niya natuloy ang iba pang sasabihin dahil napatayo ito at napasigaw.

"Ano?! Bakit anong nangyari sa kaibigan ko? Jusko day! Aatakihin yata ako sa puso!" bulalas nito sabay hawak sa dibdib.

Napangiwi siya sa inakto nito.

"H-Hindi siya ang na Hospital, Vian… kundi ang anak ko..." malungkot niyang pahayag. Ngunit kamuntikan pa siyang mapatalon sa kinauupuan nang bigla naman tumayo si Vian at mapasinghap ito.

"What? Ang inaanak ko! Bakit ano ang nangyari sa inaanak ko?" maarteng tanong nito. Hindi nito totoong inaanak si Brave. Ganoon lang talaga ang tawag nito sa anak niya.

"Na dengue siya." Napasinghap pa lalo si Vian sa sinabi niya. "Ang totoo niyan ay umuwi lang ako para kumuha ng kakailanganin niya. Kung gusto mong makausap si Tekla, sumama ka na lang sa akin sa Hospital ngayon," malungkot na wika niya.

"Kawawa naman ang inaanak ko," komento nito, "pero, Anna, hindi talaga si Tekla ang sadya ko kundi ikaw."

Nangunot ang noo niya sa naging pahayag nito.

"Ako? Bakit?" aniya. Wala pa man itong sinasabi ay kinabahan na siya at hindi niya alam kung para saan iyon.

"Tamang-tama pala ang punta ko, Anna, dahil alam kong kakailanganin mo ng pera para diyan sa inaanak ko. Don't worry dahil malaki ang kikitain mo at isang gabi lang ito,"

Napangiwi siya sa sinabi ni Vian. Kaya pala kinabahan siya ay dahil mukhang kakaibang raket ang ibibigay nito sa kaniya. Wala pa man itong sinasabi ay umayaw na siya.

"Hindi ko kaya iyan, Vian. Hindi bale nang magtinda ako ng tilapya maghapon kaysa magtinda ng puri—aray!" napangiwi siya nang batokan siya nito.

"At kailan pa ako naging taga-benta ng pechay ha? Lukaret kang babae ka!" gagad nito sa kaniya. Napakamot naman siya sa kaniyang batok.

"Ano ba kasing raket iyan?" tanong pa niya rito.

Ngumiti ito sa kaniya, kapagkuwan ay nilapitan siya nito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinisil.

"Simple lang, dear. Aakitin mo lang ang supladong bilyonaryo na iyon—"

"Pass ako diyan," kaagad niyang tutol. Humalaklak naman ito sa sinabi niya.

"Heto naman at hindi na mabiro. Joke lang iyon, ano ka ba!" Kapagkuwan ay nag-seryoso ito. "Ang gagawin mo lang ay iinterbyuhin mo ang taong ito. Lahat ng itatanong mo sa kaniya ay sa amin manggagaling, syempre! Babasahin mo lang iyon sa harapan niya at ire-record mo rin ang mga isasagot niya. Ayaw kasi niya sa media o sa maraming camera. Eh, kailangan namin makakuha ng kahit konting pahayag lang mula sa kaniya kasi nga naman bigtime siya gurl! Isang karangalan sa amin na mapagbigyan niya kami. Kaya sana pumayag ka na agad," anito.

"Eh, bakit hindi na lang ikaw? Total naman sanay ka sa trabaho mong ganiyan," kunot ang noo niyang komento. Reporter kasi si Vian. Kilala ang grupo nito sa bansa.

"Naku, Anna, kung puwede lang talaga! Pero katulad nga nang sinabi ko sayo, ayaw niya sa amin. I mean is, ayaw niyang magpa-interbyu sa amin ng actual. Gusto niya pribado at ang gusto niya ay simpleng tao ang kaharap niya. Hindi katulad ko na reporter o kahit sino sa grupo namin. Mabuti nga at pinayagan niya kami sa gusto namin eh, wala pa kasi siyang pinagbigyan kahit na sino sa mga media. Kaya laking pasasalamat namin at naaayon sa amin ang pagkakataon. Kaya, Anna, please pumayag ka na. Isang gabi lang iyon at malaki ang kikitain mo, promise!"

Napatango-tango siya sa sinabi nito, pero na-cu-curious siya kung sino ba ang taong tinutukoy ni Vian.

Siguro nabasa nito ang iniisip niya kaya inunahan na siya nito.

"Huwag ka nang magtanong kung sino siya Anna, dahil makikilala mo rin siya! Basta kilala siyang tao sa bansa saka sobrang guwapo niya, Anna!" tila kinikilig pa na sabi nito.  "Ano payag ka na?" untag pa nito sa kaniya.

"Pero teka, bakit ako?" Hindi niya maiwasang itanong.

Napangiti si Vian sa naging katanungan niya.

"Alam mo, Anna, marami sana ang nakapila para dito eh, dahil marami ang may gusto na makaharap si Mr. Sungit at makita ito ng malapitan maliban sa malaking kikitain. Iyon din ang pangarap namin dahil nga mailap siya sa mga tao. Pero dahil naalala kita, at alam kong kayang-kaya mo ang trabahong ito at kailangan mo ng pera para diyan sa inaanak ko ay ipinaglaban ko talaga ang ganda ko kay Boss para lang pagbigyan niya ako na ikaw ang gusto kong iharap kay Mr. Sungit. Kaya sana huwag mo akong bigo-in my dear! Saka, anong malay mo binata pala siya at matipuhan ka niya. Pagkatapos ay ayain kang magpakasal! Sa ganda mong iyan kaya nga ikaw ang pinili ko eh!"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa mahabang litanya ni Vian. Hindi niya rin maiwasang mapangiti sa mga huling katagang sinabi nito. Naalala kasi niya ang kaibigang si Gina. Ganoon din kasi ang sinabi nito sa kaniya noon nang magpaalam siyang manilbihan sa Valle's mansion. 

Huwag kang maniniwala sa mabulaklak na salita Anna!

Naipilig niya ang ulo dahil sa ala-alang pumasok sa isipan niya.

"Go na ba, Anna? Sabihin mo, oo, dali!" atat na gagad ni Vian.

Bumuntonghininga siya. Kailangan niya ng trabahong ito alang-alang sa anak na si Brave lalo't hindi maganda ang kalagayan nito ngayon at hindi niya alam kung hanggang kailan sila sa Hospital.

Binalingan niya si Vian, "Kailan ba ito?"

Kaagad lumiwanag ang mukha ng kaharap. "Sa huwebes na, Anna! Yes!" masayang wika nito na pumapalakpak pa sa hangin.

Tumango siya at kapagkuwan ay ngumiti na rin, "Sige, Vian. Pero wala akong maisusuot na pormal na damit, eh. Kailangan bang pormal doon?" aniya.

"Mismo! But don't worry my dear. Ako ang bahala sayo!"

Kung gayon ay wala na pala siyang po-problemahin pa. Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay ihanda ang sarili para sa araw na iyon. At kailangan na rin niyang bumalik ng Hospital ngayon.

Para kay Brave! Anang isipan niya.

Related chapters

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-5

    Nakaharap siya sa salamin habang inaayos ang pagkapusod ng mahabang buhok. Sinuri ng maigi ang mukha kung may dumi ba roon o wala. Nang sa tingin niya'y wala naman, at komportable naman siya sa ayos niya, ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi at marahang pinisil ito. Namula iyon at nagmistula siyang gumamit ng blush on. Ang sunod na binalingan niya ay ang kaniyang labi. Kinagat niya ang pang-ibabang iyon at katulad ng nangyari sa magkabila niyang pisngi ay namula rin ito. Pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin.Okay na 'to!"Gamitin mo na kasi iyang lipstick, dear!" Muntikan pa siyang mapatalon sa kinatatayuan nang biglang may magsalita. Marahas siyang napabuga ng hangin sabay baling sa bagay na ipinatong ni Vian sa ibabaw ng lumang cabinet na may malaking salamin."Hindi ako sanay riyan, Vian," nakangiwi niyang komento.Tawa naman ang isinagot nito sa kaniya sabay pakembot na naglakad palapit sa kaniya. "Naku, dear, kailangan mong gamitin iyan para naman pak na pak

    Last Updated : 2024-01-25
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY- 6

    Marahas na napabuga ng hangin si Anna nang makalabas siya sa Valle's Tower. Ang kaninang pagpipigil nito sa sariling emosyon ay tuluyang bumuhos habang napapatingala ito sa langit. Ang kaibigan nitong si Vian ay nagtaka sa inakto ng dalaga nang makita nito na naiiyak na si Anna. Napalabas ng kotse si Vian upang lapitan ang huli."Are you okay, Anna–god you're crying! Anong nangyari sayo?" takang-tanong nito sa dalaga sabay sapo nito sa pisngi ni Anna."May ginawa ba sayo si Mr. Sungit? Ginahasa ka ba niya o ano?" Napaawang ang labing napatingin si Anna kay Vian kapagkuway napabaling din sa paligid kung may ibang tao bang naroon at narinig ang sinabi ng bakla."W-Wala ito, Vian… miss ko lang si Brave kaya puwede mo ba akong ihatid na sa Hospital ngayon?" pagsisinungaling ni Anna. Deep inside ay gusto niyang sabihin kay Vian na ang lalaking naka-interview niya'y ama ng kaniyang anak. Pero hindi na bale. Hindi niya dapat ipagsabi sa kahit sino ang tungkol sa ama ni Brave. Mahirap na bak

    Last Updated : 2024-01-30
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-7

    PALABAS si Anna sa room na inuukupa ng anak para sana bumili ng makakain sa labas nang makita niya ang sekretarya ni Brett na may kinakausap sa cellphone nito. Ang lalaki ay nakatalikod sa kaniya. Ayaw man sana niyang istorbuhin ang lalaki na kakababa lang ng cellphone nito, pero naisip niya na baka isipin nito na hindi siya namamansin. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon nito at sakto namang bumaling ito sa kinaroroonan niya. Nagulat pa ito nang makita siya at napabaling pa ulit ito sa cellphone na hawak nito. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa ni Aaron sa Hospital.May pasyente rin ba siya? Tanong niya sa isipan."Anna! Oh, n-nandito ka rin pala? Sinong kasama mo? Asawa mo?" sunod-sunod na tanong ng lalaki na tila ba nababalisa pa.Nangunot ang noo niya sabay na tumingin sa kaniyang paligid kung may kasama ba siya roon na iba.Nagtataka rin siya sa klase ng tanong ni Aaron. Wala naman kasi siyang katabi ngayon kaya paano nito na tanong na asawa niya ang kasama niya?Napangiwi

    Last Updated : 2024-01-30
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-8

    Nakalabas ng Hospital sina Anna na walang binayaran ni piso sa bill nila. Naroon ang pagtataka kung papano iyon nangyari pero naroon din ang tuwa dahil sa wakas ay hindi na magagalaw ang perang kinita niya sa pagkuha ng interbyu kay Brett nakaraang araw."Sino raw ang nagbayad, Anna?" tanong sa kaniya ni Tekla habang nag-aabang sila ng taxi sa gilid ng kalsada. Tinakpan niya muna ng lampin ang mukha ng anak; tama lang para makahinga ito ng maayos. At upang hindi nito malanghap ang usok na iniwan ng isang pampasaherong jeep sa daan, bago niya sinagot si Tekla."Hindi ko alam, Teks, basta sinabi ng Doctor na huwag ko na raw alalahanin ang bill ni Brave ang mahalaga raw ay okay na ito at makalabas na kami," nakangiti niyang pahayag sa kaibigan.Pumalakpak si Tekla sa hangin at maging ito ay natutuwa rin sa kaalaman na iyon."Ang bait talaga ng Diyos, Anna. Naku kung sino man iyong tumulong sayo ay sana pagpalain pa siya ng langit!"Kaagad namang sumang-ayon si Anna. "Amen." Ani niya.Sa

    Last Updated : 2024-02-02
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-9

    DAHIL maayos na ang pakiramdam ni Brave ay nagpasya na si Anna na pumasok sa trabaho kinabukasan. Martes ngayong araw kaya ang duty niya ay sa condo unit na located sa Forbes Park, at katulad ng nakasanayan ay iniwan niya ang anak kay Tekla. Uuwi rin naman siya kaagad pagkatapos ng trabaho."Good morning my beautiful, Anna!" bati sa kaniya ng nakangiti na si Troy. Guardiya ito sa labas ng condominium.Magalang niya rin itong binati at nginitian, "Magandang araw rin sayo, Troy.""Naku lalo talaga gumaganda ang araw ko, Anna, kapag nakikita kita," pambobola pa ng binata at sinamahan pa iyon ng pag-kindat nito sa kaniya.Napailing na lang siya at napangiti sa sinabi ng lalaki. "Sige, Troy, magtatrabaho na muna ako." Paalam niya kay Troy.Kumaway naman si Troy kay Anna. Sa isip-isip nito'y nakaiscore ito sa mailap na dalaga dahil nagawa niyang pangitiin.Pumasok si Anna sa nasabing gusali, naglakad siya patungo sa front desk at kinuha ang susi sa babaeng nakatayo roon na nagngangalang Gre

    Last Updated : 2024-02-03
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-10

    SIMPLE ang mga disenyo ngunit napakagandang pagmasdan. Iyon ang masasabi ni Anna sa suit na pinasukan nila ngayon sa Forbes park. Ang suit na pinatitirhan sa kanila ni Brett ay nasa second to the last floor. Magkatabi lang din sila ng pinto ni Brett."Ang ganda rito!" bulalas ni Tekla na sinimulan nang libutin ang kabuuan ng room.Binalingan naman ni Anna si Brett na nakatayo lang sa likuran nila. Hawak ni Anna ang anak at kasalukuyan itong natutulog sa mga bisig niya."Mahal ang upa rito, hindi ba?" tanong niya sa lalaki. "Brett, hindi ko ito kayang bayaran. Wala akong pera dahil ang inipon ko ay natupok lahat sa sunog." Walang reaksyon na makikita sa mukha ng lalaki ngunit sinagot naman siya nito kaagad."At sino naman ang nagsabi sayo na upahan ito?""H-Hindi ba?" aniya."Hindi. I'm the owner of this suit. Binili ko ito, pero hindi pa naman natitirhan dahil may sarili rin akong suit kaya ko pinatitirhan sa inyo," seryuso na sabi ni Brett saka naupo sa isang pang-isahan na sofa. "S

    Last Updated : 2024-02-03
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-11

    BAGONG trabaho, panibagong buhay para kay Anna. Hindi na siya bibilad pa sa palengke para magtinda ng tilapya, hindi na rin siya hahanap ng kung ano-anong raket para magkapera para sa gatas ni Brave at iba pang expenses sa pang araw-araw. Nagpapasalamat siya kay Brett dahil binigyan siya nito ng trabaho, binago nito ang buhay nilang mag-ina pero simula nang magtrabaho naman siya sa lalaki ay tila wala na siyang magandang nagawa dahil puro ito reklamo at puna sa kaniya—sa trabaho niya.Tila babaeng may regla si Brett araw-araw dahil madalas mainit ang ulo nito. Kaya madalas din siyang mainis sa lalaki.Katulad na lang kanina. Inutusan siya nitong kunin ang ilang files sa secretary nitong si Aaron sa opisina mismo ng lalaki, pero nang nandoon na siya ay hindi maiiwasan na magkuwentuhan sila ni Aaron. Pagkatapos ay bigla na lang itong sumulpot at galit na galit siyang pinabalik sa opisina nito."Ang sabi ko, kunin mo ang files hindi makipag-usap sa kaniya!" mariin at galit nitong sabi.

    Last Updated : 2024-02-05
  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-12

    Sabay rin na umuwi sina Anna at Brett sa condo sa Forbes park na hindi nagpapansinan. Ang sinabi ni Brett na babalik sila ng opisina ay hindi nangyari. Nagsinungaling lang ito kay Rico. Hinatid lang din ng binata ang dalaga sa labas ng unit nito at umalis na rin ito kaagad na walang sali-salita. At ewan ni Anna kung ano ang problema ng gurang na iyon. Hindi ito namamansin kaya hindi rin siya namansin. Hindi naman napagod sa trabaho si Anna pero ang nakakapagod lang ay ang pakisamahan ang gurang na amo."Baby ko!" salubong ni Anna sa anak na buhat-buhat ni Tekla."Naku, gurl, kanina ka pa hinahanap niyan," komento ni Tekla nang ilipat nito sa mga braso niya ang bata.Nginitian ni Anna si Tekla, saka pinupog niya ng halik ang anak."Miss na miss ka ni Mama!" madamdamin niyang sabi sa anak. Umindak-indak naman ang bata nang makita siya nito. Sinayaw-sayaw niya ang anak, pero napatigil siya nang may marinig.Tumunog ang buzzer kaya sabay pa silang napabaling doon ni Tekla."May bisita ka,

    Last Updated : 2024-02-05

Latest chapter

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-39

    NAKARATING sila sa condominium ni Carlo, pero ang naabutan lamang nila ay ang katahimikan ng buong silid. “He’s not here,” Brett commented in a disappointed tone. “Shit! Saan niya dinala ang anak ko!” Nasa tono niya ang galit. Sinipa pa ni Brett ang makitang bagay na nadaanan nito dahil sa kumukulong dugo niya kay Carlo. “I’m going insane, Rico! He’s not here…” Napasandal si Brett sa pader. Hindi maipinta ang itsura nito. Gulong-gulo ito at puno rin ng pag-aalala ang mukha.Napabuga ng hangin si Rico. Kalmado lang ito. Binalingan nito si Anna na ngayon ay walang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang sa isang sulok habang nakatitig sa kaibigan niyang gulong-gulo. Kay Brett. He smiled bitterly. “Of course, he’s not here. Bobo siya kung nangidnap siya ng bata at dito pa siya magtatago.” Sabi naman ni Rico na mukhang nakalimutan pa na kasama pala nila si Carmen. Huli na nang maalala nito ang ginang na nasa likuran lang nila na narinig pa ang pagmumura niya sa anak nito, kaya agad it

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-38

    ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan. Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.“B-Brett, bakit?

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-37

    NAKATAYO si Carlo sa harapan ng kama kung saan nakahiga ang kaniyang ina wearing his sweet smile kahit hindi nakikita ng ina ang ngiti niyang iyon. Subalit ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata ni Carlo. He’s in pain, furious and he wants revenge. It’s simply because he lost his father and his beloved sister, and that is because of Brett and Anna. Naiyukom ni Carlo ang kaniyang kamao as he gritted his teeth. At sa mga sandaling ito ay nagsisimula na ang paghihiganti ni Carlo sa dalawa na itinuring na niyang kaaway. Lihim pang napangisi ang binata habang may naglalaro sa kaniyang isipan. Hindi basta-basta mababayaran ng ‘sorry’ ang nangyari sa kaniyang ama at kapatid. Ika nga, ‘ngipin sa ngipin’. At sisiguraduhin niyang mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng pamilya niya. Ang galit na mukha ni Carlo ay mabilis nagbago at napalitan ng nakangiti nang magmulat ng mga mata ang ina.Nagmulat ng mga mata si Carmen at nakita niya ang anak na lalaki na nakatayo sa gilid ng hinihigaan

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-36

    Anna can't stop her tears from streaming down through her face. She can't moved too, her body was stilled and she don't know how to speak while looking at the man who was the father of her child. Ang lalaking minahal niya simula noon, hanggang ngayon na nakaluhod sa kanyang harapan, hawak ang isang eleganteng singsing, at naghihintay ng kanyang sagot.Everyone is watching, waiting for her to respond. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, ultimo ang kanyang paghinga ay binabantayan din ng mga ito.“Sagutin mo na, Anna, ikaw rin baka malumpo 'yan kakaluhod diyan. Alam mo na. . . gurang na. Baka hindi na maka-isa iyan.” Natatawang komento ni September. Nagtawanan ang lahat samantalang sumama naman ang mukha ni Brett kay September.“Oo nga naman, Anna. Nangangalay na ang tuhod niyan,” ani naman ni Rico.“Shut up you two!” wika ni Brett sa dalawang kaibigan na natatawa lang sa tabi. Kapagkuwa'y binalingan si Anna at nagsusumamo ang mga mata na nakiusap sa babae.“Please. . . tanggapin m

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-35

    Two weeks later…Dalawang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na insidenteng iyon sa bahay ng mga magulang ni Tekla. Bumalik sa katahimikan ang buhay ng lahat nang tuluyang masara ang kaso laban kay Carol Ibañez. Ang ama ni Carol na si Anton ay ililibing na sa araw na ito habang kasalukuyang nagpapagaling naman sa Hospital si Caren na naging malubha ang kalagayan. Si Carol ay sabay na ililibing kasama ang ama nito, habang si Louie ay kinuha naman ng pamilya nito at inuwi sa kanila. Ang nag-asikaso naman ng burol ng mag-amang Ibañez ay si Brett. Tumulong din si Rico na halos hindi makapaniwala sa sinapit ni Carol at ng ama ng babae. Dumating din mula sa Canada ang kapatid na lalaki ni Carol, katulad ni Rico ay hindi rin ito makapaniwala sa sinapit ng kapatid at ng ama nito."Ate…" anang kapatid na lalaki ni Carol na si Carlo na ngayon ay malungkot na nakatitig sa kabaong ng kapatid.Tinapik-tapik naman ni Brett ang balikat ng lalaki. Humikbi ito. Wala siyang m

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-34

    MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-33

    MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-32

    PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie bago pa ito mamatay. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico. Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan ni Brett kaya kaagad nitong ipinaliwanag kung sino ang taong binanggit. "Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico kay Brett. Naliwanagan si Brett sa ipinahayag ni Rico. Ngayon ay nauunawaan na niya. Kah

  • Still into you (Book 2 of Still holding on)   SIY-31

    ISANG BANGKAY ang natagpuan ng otoridad sa isang bakanteng lote malapit sa isang ilog. Ang bangkay ay nakalagay sa isang itim na garbage bag, malamig na at nilalangaw. Kasama sa nag-inspeksyon sa bangkay ay si Rico. Nakilala ni Rico kung sino ang bangkay, ito ay walang iba kundi si Louie de Vera—ang kasintahan ni Carol.Malalim na napabuga ng hangin si Rico habang nakatitig siya sa malamig na bangkay ni Louie. Napapaisip kung sino ang salarin sa brutal na pagpaslang sa lalaki."Sir," Napabaling si Louie sa isang pulis na lumapit sa kaniya. Mataas ang rango niya rito kaya 'sir' ang tawag sa kaniya. "Na-review na po ang CCTV at nakita na ang plate number ng kotse na nagtapon sa biktima." Pahayag ng isang pulis.Tumango si Rico sa pulis. "Sige, pupunta ako para panoorin ito." Wika naman niya.Hindi nga nagtagal ay pumunta si Rico sa isang istasyon kung saan naroon ang maraming CCTV monitor na nakakonekta sa buong bayan ng San Diego. Naabutan niya ang iba pang kasamahang pulis na pinapano

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status