Home / Romance / Stay with Me / Chapter One

Share

Stay with Me
Stay with Me
Author: Pam Quen

Chapter One

Author: Pam Quen
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mabilis akong hinaklit sa braso ni Zayn pagkakita sa akin. His eyes is full of anger. Ibang-iba na Zayn na kilala ko, at kaibigan. Mariin akong napapikit at nagdilat ulit ng mata.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na huwag na huwag mong pakikialaman ang mga gamit ko, huh?! Stop acting as my wife!" galit na saad ni Zayn sa akin.

Pakiramdam ko nga mapuputol na ang braso ko sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Nakaramdam ako nang kaba. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Napasinghap ako.

“I-m sorry, Zayn. Gusto ko lang naman na ayusin ang opisina mo kanina. Hindi ko sinasadyang mata—“ Napapikit ako sa sakit ng mas diniinan pa niya ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Kung hindi ka nakialam hindi sana nabasag ang binigay sa akin ni Celine!” sigaw niya sa akin.

Maluha-luha ko siyang tiningnan. ”H-indi ko naman sinasadya... I-m sorry.” garalgal ang boses kong pagmamakaawa.

Tinitigan niya ako. I swallowed. Gusto kong haplusin ang pisngi niya baka sakaling kumalma siya but I controlled myself not to touch him. Binitawan niya ang braso ko. Nakapinid ang kanyang labi sa galit. Napasuklay siya ng buhok out of frustration.Nagpalakad-lakad siya habang ang isang kamay ay nasa baywang at kitang-kita ang galit niya sa hitsura.

Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko at umiiyak. It hurts when he treats me like this. Para bang wala kaming pinagsamahan na dalawa. Para bang hindi kami naging magkaibigan noon.

He heavily sighed and stop walking back and forth. “Look Andri, we can’t continue living like this. I don’t want to hurt you, but you know that I love Celine, right?” Huminahon na ang boses niya. ”Let’s just freed each other from this marriage. Kaya pirmahan mo na ang annulment natin.”

Naikuyom ko ang palad ko. How can he say this to me?

“Pwede naman natin subukan, Zayn. Please Zayn, subukan mo muna. Asawa mo na ako. Mahal kita, Zayn.” I begged him.

He gulped. Tumalikod siya sa akin at napahilamos ng mukha. ”You’re just hurting yourself, Andri. You know I can never love you. Mali na nagpakasal tayo. It was just a mistake.”

Lalo akong napaiyak on what I’ve heard. Parang sinasaksak ng punyal ang puso ko. Bakit ang dali para sa kanya na sabihin na hindi niya akong kayang mahalin without even trying?

Pinahid ko ang luha ko at mapait na napangiti. ”Hayaan mo na lang ako maging asawa mo, Zayn. I’ll stay with you hangga’t kaya ko.” I am desperate to say to this him pero ayokong pakawalan siya. I can’t let him go. I love him, that’s all I know. Inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko pagkabalik ko dito sa Maynila. I thought he’ll change if he knew my feelings, but I was wrong. Mas lalo lamang siyang nagagalit sa akin. Mas lalo lang niyang pinaparamdam na hindi niya ako kayang mahalin.

Umalis si Zayn at iniwan na lang ako. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang.

Excited pa naman ako na bumalik dito sa Maynila para makasama na siya. Noong bumalik ako ng Bacolod para tapusin ang pag-aaral ko pagkatapos naming maikasal ni Zayn ay ni minsan hindi niya ako nagawang dalawin man lang sa probinsiya. Mahigit anim na buwan din ako doon. Akala ko pa naman busy lang siya noon kaya hindi niya ako dinadalaw, 'yon pala ayaw niya talaga akong makita.

Ilang buwan na siyang ganito sa akin simula nang umuwi ako rito sa bahay niya. Hindi naman ako pinayagan ni Mommy Clara na magtrabaho muna para maasikaso ko si Zayn. He always comes home drunk. He is neglecting himself as well as the company.

Umakyat ako ng kwarto at doon na lamang umiyak. Sa lamig nang buga ng aircon ay 'di ko namalayang nakatulog pala ako. Napagod na rin ako kakaiyak.

Gabi na ng bumaba ako. Kumakalam na ang sikmura ko.

Naabutan ko si Nana na gising pa. Siya ang yaya ni Zayn simula pagkabata pa.

“Mabuti at gising ka na. Akala ko matutulog ka na naman na hindi kumakain. Halika na at maupo ka na riyan. Ipaghahain kita nang makakain ka na, Xandria,” saad ni Nana sa akin pagkakita sa akin. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Umupo na rin ako sa stool bar na nasa kitchen counter.

“Salamat, Nana. Bakit gising pa po kayo?” Tanong ko sa kanya habang sinusundan lang siya nang tingin sa ginagawang pagpapa-init ng pagkain ko sa microwave.

Binalingan niya ako at lumapit. ”Hindi kasi ako makatulog. Narinig ko ‘yong pag-aaway niyong dalawa kanina. Hinintay talaga kitang magising. Kanina pa kita kinakatok sa kwarto mo pero hindi ka sumasagot. Nag-aalala ako sa’yo.” May kung anong humaplos sa aking puso sa narinig ko mula kay Nana. Nakakaunawa niya akong nginitian.

Mapait akong napangiti ulit kay Nana. ”Nakatulog kasi ako, Nana. Salamat po sa paghihinatay at pag-aalaga niyo sa ’kin dito sa bahay.”

“Hayaan mo at makikita rin ni sir Zayn ang kahalagahan mo. Ganyan talaga ang buhay mag-asawa, basta ‘wag ka lang susuko. Matutunan ka rin niyang mahalin baling araw,” saad ni Nana bago nito binalikan ang pagkain ko na hinahanda niya.

“Si Zayn po pala Nana? Dumating na po ba?” Mag-aalas dose na ng gabi. Siguradong uuwi na naman siya na lasing.

“Hindi pa dumarating. Hinihintay ko nga rin at siguradong lasing iyon pagdating dito.”

I sighed.Kumain na lang ako at hihintayin ko pa si Zayn. ”Ako na lang ang maghihintay sa kanya Nana. Matulog na po kayo. Ako na ang bahala dito.” Ngitian ko siya, assuring her that I can handle it.

She smiled back. ”Oh sige, ikaw na ang bahala sa asawa mo.”

Halos mag-aalas tres na ng madaling araw ay hindi pa rin umuuwi si Zayn. Inaantok na rin ako. Hindi ako sanay na magpuyat. Nagtimpla na lang ako ng kape baka sakaling magising ako.

“Bakit gising ka pa?” Iritadong tanong ni Zayn pagkapasok ng bahay. Hinintay ko siya sa sala habang nagkakape ako. Napalingon ako sa kanya.

I cleared my throat. ”H-inihintay ka.” Kinakabahan kong sagot.

He frowned. ”Hindi mo—“

I cut him off. ”Asawa mo ako Zayn. Gusto lang kitang hintayin dahil nag-aalala ako sa 'yo.”

Humakbang siya palapit sa 'kin. ”Sa papel lang tayo mag-asawa, Andria. Stop acting as my wife. You’re just wasting your time on me,” mariin niyang sabi.

Napaawang ang labi ko at parang may bikig sa lalamunan ko. Ang sakit niyang magsalita. Hindi na talata siya ang Zayn na kilala ko at minahal ko. He is too insensitive on every words he said to me. He doesn’t care if he hurts me.

My eyes watered with tears again. Pinahid ko ang luhang nagsisimulang pumatak sa pisngi ko. I bit my lower lip to stop crying.

I heaved a sigh. ”Don’t push me away from you, Zayn. May hangganan din ako. Kung sasabihin mo na naman ang tungkol sa annulment, hindi ko pipirmahan iyon. Hindi lang ako nagkamali dito, pero bakit parang galit na galit ka sa akin?!” My voice was full of resentment.

“Dahil sinabi ko na sa iyo na i-annul na natin ang kasal natin, pero ayaw mo!” His jaw clenched.

“Para ano? Para balikan mo si Celine? Para habulin siya? Zayn, iniwan ka na niya! Ako.” Tinuro ko ang sarili ko habang hindi ko na napigilan ang pag-iyak. ” Ako ‘yong nandito. Bakit si Celine pa rin?”

Hindi ko na siyang hinayaang makapagsalita pa. Agad akong umalis sa harapan niya at umakyat sa aking silid.

Comments (10)
goodnovel comment avatar
Kassandra M.
Ang ganda ng story. Nakakaiyak pero happy ending
goodnovel comment avatar
Dimple
love it... start pa lang interesting na...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
try mong iwan andria baka sakaling hanap hanapin ka din ni zayn
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Stay with Me   Chapter Two

    NAISIPAN KO NA pumunta sa mall habang nasa office pa si Zayn. May bibilhin kasi akong isang art materials para sa ginagawa kong scrapbook. I heard my phone ring kaya kinuha ko sa bag ko to check kung sino ang tumatawag. I smiled when I saw my sister's name on the screen. Agad kong sinagot nang nakangiti ang tawag kahit hindi naman nakikita sa kabilang linya. I also stopped from choosing designs. "Ate!" excited na bungad ng kapatid ko. I grinned when I heard her voice. "Mukang masaya ang kapatid ko ah!" nakangiti kong puna sa kanya sa kabilang linya. "Ate, showing na 'yung gusto namin na movie ni Camille. Nuod tayo, please?" paglalambing nito sa akin. I can picture her face na nagpapa-cute kaya mas lalo akong napangiti. "Okay. Kailan naman tayo manunuod? Hindi ba kayo busy sa school? Cassie baka napapabayaan..." Bigla ako napahinto sa pagsalita nang nahagip ko ng tingin si Zayn at Celine na nasa kabilang side ng bookstore. Nasa mga magazine section silang dalawa. Medyo malayo sa ki

  • Stay with Me   Chapter Three

    Simula nang nakita ko sina Celine at Zayn na magkasama sa bookstore ay hindi na ako masyadong naglalabas ng kwarto, pnagmumukmok lang ako. Napilitan lang ako lumabas at magpunta ngayon sa mall dahil sa mga kapatid ko para ituloy ang napag-usapan naming plano na panuorin ang movie na gusto nilang dalawa. Nakaramdam ako nang guilt. Kasama ko kasi sila pero ang isip ko ay naglalakbay kay Zayn. Hindi ko maiwasang isipin ang asawa ko. Kung nasaan siya sa mga oras na ito o kung sino ang kasama niya. Alam kong nasa opisina siya ng mga ganitong oras pero malay ko ba kung tulad ng isang araw ay umalis ito at kasama muli si Celine. Napabalik ang atensyon ko sa mga kapatid ko. Inakla ni Cassie ang braso niya sa braso ko. Gano'n din ang ginawa ni Camille sa kabilang side ko. "Ate! Ang ganda ng movie, 'di ba? Ang gwapo ng bidang lalaki. . . Ang yummylicious." Sabay hagikgik ni Cassandra at kilig na kilig. Sumabay rin si Camille. Ngumiti ako sa mga kapatid ko. Itut

  • Stay with Me   Chapter Four

    Mabilis na lumipas ang araw. After Zayn and I had a fight in his office we never met again. Hindi ako sumasabay sa pagkain sa kan'ya. Bumababa ako ng kwarto kapag nakaalis na siya sa bahay. Kapag sa gabi naman ay sobrang late na rin siya umuuwi. Maaga naman ako umaakyat ng kwarto ko para hindi kami magpang-abot. Hindi ko naman siya gustong iwasan, nasaktan lang talaga ako. Nasa balcony ako kasalukuyan nang dumating ang Mommy ni Zayn. "Hija," wika ng mommy ni Zayn, si Mommy Clara. Napalingon ako sa kan'ya at lumapit. Agad akong humalik sa kanyang pisngi. "Mom, hindi po kayo nagpasabi na pupunta kayo. Sana nagpaluto ako ng paborito niyo.” Bahagya niya akong nilayo at tiningnan nang mabuti. "Malapit lang dito sa bahay niyo ang pinuntahan ko kaya naisipan ko kayong dalawin ni Zayn. Where is he?" She asked. Nakakunot din ang kanyang noo. Niyaya ko na siyang umupo na sa mahabang couch. Sumunod naman siya sa akin at umupo na rin. ”Nas

  • Stay with Me   Chapter Five

    "KAILAN NIYO naman kami mabibigyan ng apo Zayn,Xandria?" Tanong ni Daddy habang naghihiwa ito ng karne sa plato. Bahagya niya rin kami tiningnan at ngumiti saka isinubo ang karne na nahiwa niya. Kasalukuyan kaming nagla-lunch ngayon sa isang restaurant sa Makati. Sunday ngayon at gusto ni Mommy na kumain kaming lahat sa labas dahil masyado daw naging busy ang lahat sa mga trabaho. She misses her children kaya kumpleto ang lahat. Kasama namin sina Kuya Matteo, Zayn's older brother with his wife Karrine, si Zarah ang bunso nila. Si Wax and his fiancee Sandra, and also kuya Aldrich with his wife Sab. Pang apat sa limang magkakapatid si Zayn. Apat na lalake at ang bunso ay babae na si Zarah na kasalukuyang nag-aaral ng college. Kasama din ang mga anak nina Kuya Matteo. Siya pa lang kasi ang may anak sa kanilang magkakapatid. Si kuya Aldrich ay wala pa din pero 2 years na din silang kasal ni Ate Sab. Alam ko ay hindi rin okay ang pagsasama nilang dalawa dahil fixed marriage silang dalawa

  • Stay with Me   Chapter Six

    Hindi na namin pinag-usapan pa ni Zayn ang nangyari sa amin. Parang normal lang ang kilos niya, gano'n na rin ang ginawa ko. Masaya naman ako dahil asawa ko siya. Kahit papaano ay naging maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Wala kaming pormal na usapan. It just happened. Nakikisabay lang ako sa agos. Pero hindi naman na ulit nangyari iyon. Sabay kaming nag-almusal ngayong araw na sa karaniwang araw ay hindi nangyayari, madalas ako lang mag-isa ang kumakain sa agahan. Nakabihis na rin ako. Natingin siya sa akin ng may ragtataka ang mata. “Are you going somewhere, Andri?” nakakunot ang noo niyang tanong sa akin pagkaupo ko sa gilid ng pwesto niya. Marahan akong tumango. ”Oo. Magpapaalam nga sana ako sa ’yo kagabi kaya lang hindi na kita nahintay pa, sumakit kasi ang ulo ko. Pupunta ako sa amin. Dadalawin ko lang sina Nanay.” Humigop muna si Zayn ng kape habang matamang nakatingin sa akin. ”Okay. Isama mo na sa si Manong Rodel o kaya si Nana.” Suhesti

  • Stay with Me   Chapter Seven

    Zayn’s POV When I saw Andria’s eyes swell, I immediately felt remorse for why I had said those things in front of my family. Pagkabalik niya galing sa CR, alam kong umiyak siya.Nasaktan ko na naman ang asawa ko. I don’t know why I always want to protect Andri. I always want to see her happy. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan. But damn right now! Ako iyong unang nagiging dahilan kung bakit siya nasasaktan. I heavily sigh no'ng tahimik siyang tumabi sa akin. She didn’t say anything. Hanggang sa sinama siya nina Mommy magshopping. I know dinahilan lang nina Mommy at Zarah na gusto nilang magshopping. They just want my wife to feel better. While we’re having dinner, I noticed her that she’s still quite. Paminsan-minsan ay nakikitawa siya at sumasali sa usapan ngunit ang kanyang mga mata ay malungkot. I know when she’s happy or not. “You didn’t like the food? We can order again-“ she shook her head to cut me off. “No. Uhm...

  • Stay with Me   Chapter Eight

    XANDRIA Pagkatapos ipaalam sa amin ni Mommy ang desisyon nilang sa America na tumira, naging mas madalas ang pagkain namin ng magkakasama dahil request niya iyon sa amin. Minsan ay sa labas pero kadalasan ay sa bahay lang at nagluluto na lang siya para sa amin. Hindi na raw kasi niya magagawang ipagluto ang mga anak niya kapag nakaalis na sila, kaya gusto niyang sulitin ang pagkakataon. Malapit na ang pag-alis nila, 2 weeks from now. Nagulat kami nang inanunsiyo iyon ni Mommy sa amin habang nagdidinner kami sa bahay. Labag sa kalooban ng magkakapatid lalo na asawa ko. Pero wala silang magawa dahil doon naisipan ni Zarah na ituloy ang pag-aaral. Nandito kami ngayon sa bahay nina Kuya Matteo. Nagrequest kasi ito na sa rest house naman daw nila dito sa Tagaytay gaganapin ang salu-salo. Nasa terrace kaming dalawa ni Mommy. Busy ang lahat. Ang mga lalaki ay nasa baba at nag-iinuman. Si Ate Karinne naman ay nag-aalaga ng dalawang anak a

  • Stay with Me   Chapter Nine

    XANDRIA "CONGRATULATIONSXandria! You're eight weeks pregnant" Halos 'di mapunit ang ngiti sa aking mga labi at paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ng OB ko sa akin kanina. I'm pregnant. Zayn and I will be having our first child. Marahan kong hinimas ang wala pang umbok kong tiyan. Nag-iisip na akong i-surprise si Zayn.Maghahanda ako ng candle light dinner sa garden mamaya, para masabi ko sa kanya ang magandang balitang ito. Ilang beses na akong kinukulit ni Zayn kung mayro'n na ba kaming nabubuo. At eto na nga, excited na akong sabihin sa kanya ang good news.

Latest chapter

  • Stay with Me   Special Chapter

    "OHHH, ZAYN..." I moaned his name in pleasure. He licked my nipples. He gently massaged my left breast while he's sucking the other. "Fuck, honey!" He cursed in between sucking and licking my breasts. Mas pinag-igihan pa niya ang ginagawa sa magkabila kong d****b ko. While he's busy sucking my breasts, his one hand is busy touching me down there. My core is soaking wet. He caressed my folds, slowly and passionately. He is good in multi-tasking and giving me pleasure. Sobra-sobrang init na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang buong sistema ko sa sobrang sarap na nararamdaman at init. "Aahh... Zayn." Sinabunutan ko na siya habang napapaliyad ako sa sarap ng ginagawa niya. Tuluyan na niya hinubad ang suot kong underwear. Mas napapaliyad ako at sinasalubong ang kanyang ginagawa. Halos mapasigaw ako when he thrusts his two fingers inside me. "Zayn..." Humigpit ang hawak ko sa kanyang buhok. Naririnig ko ang

  • Stay with Me   Chapter Fifty ( Finale )

    ZAYN5 Years Later DAHAN-DAHAN akong yumuko saka lumuhod at inilagay ang mga bulaklak na dala ko sa puntod niya. As I looked at her tombstone, I gently touched it with my fingertips and smiled bitterly. The pain is still there and will not disappear, but I am becoming accustomed to it. It's been five years since the incident happened. "Daddy!" tawag sa akin ni Zayrene. Tumayo ako pagkalapit ng anak ko. I hugged her and kissed Zayrene on her forehead. "And daya mo Daddy, you left us." I know she's pouting her lips. I'm still hugging her kaya hindi ko nakikita ang kanyang mukha. "I'm sorry, honey. I want to be alone with her first." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin at tiningala ako. "It's been five years, Dad," saad niya, sabay kaming napatingin muli sa puntod niya. Yes. At sa mahabang panahon na iyon, walang araw ko siyang hindi naiisip at ang mga what if's sa isipan ko. I'm still blaming myself for what happened. What if hindi ko hinayaan na puntahan ako noon ni Andri sa

  • Stay with Me   Chapter Forty Nine

    XANDRIA7 Months Later...GALING ako sa OB ko ngayo. Tinawagan ko si Zayn na pupuntahan ko siya sa opisina niya. Tulad nang nakagawian ko noon kapag umaalis ako, dumadaan ako sa opisina niya. Ayaw nga niya pumayag na puntahan ko pa siya dahil nag-aalala siya sa 'kin. Masyado kasing OA itong asawa ko. Simula ng nabuntis ulit ako, todo asikaso talaga sa 'kin ni Zayn. Mas naghigpit pa siya sa 'kin sa pagpapabantay ng mga bodyguards. Ayaw na niya ulit kasing mangyari ang nangyari noon.Though, sinabi ko naman sa kanya na wala na siyang dapat ipag-aalala dahil nakakulong na si Johnson matagal na. Wala na rin naman kaming naging balita pa kay Tita Barbara. Marahil ay sumunod na kay Celine or nanahimik na lang. We don't have any idea. At wala na rin akong pakialam, as long as wala siyang ibang gagawin sa pamilya ko. Naging tahimik naman ang lahat. Bumalik na sa dati."Hon, dapat hinaya

  • Stay with Me   Chapter Forty Eight

    XANDRIAMASAYANG-MASAYA ako dahil finally, nagkaayos na sina Zayn at daddy Alfonso. Napatawad na rin ng asawa ko ang daddy niya. Maging si Tita Barbara ay pareho na namin napatawad kahit hindi pa ito humihingi sa 'min ng tawad. Wala ng lugar sa puso namin ang galit sa mga taong nakasakit at nakagawa ng masama sa 'min dahil punong-puno kami ng pagmamahal para isa't isa. Ang nasa itaas na ang bahala sa kanilang ginawa, basta kami, masaya na kami ng asawa ko.Si Celine ay nabalitaan ko na lang na umalis ng bansa. Iyon na pala ang huling pagkikita namin no'ng pinuntahan niya ako sa bahay namin. Naaawa ako sa kanya. Siya ang naipit sa sitwasyon ng mga magulang nila noon at siya ang higit na nasaktan. Pero tulad nga ng sinabi sa 'kin ni Amanda, kaming dalawa ni Zayn ang nakatadhana para sa isa't isa. Dahil pwede naman na nagkabalikan si Zayn at Celine noong umalis ako pero hindi nangyari. Zayn waited for me. Doon daw niya narealized kung gaano niya ako kamahal

  • Stay with Me   Chapter Forty Seven

    XANDRIASINIIL ako nang mapusok na halik ni Zayn na siyang tinutugon ko naman. Mainit. Mapusok. Mapaghanap. Bumaba ang halik niya sa panga ko, sa leeg pababa sa magkabila kong dibdib. Napapaliyad ako sa ginawa niya sa magkabila kong dibdib. He alternately licked and sucked my nipples."Oohh... Zayn..." I moaned his name in so much pleasure.Mas lalo niyang pinag-igihan ang ginagawa niya. Ang isang kamay niya ay humahagod na sa basang-basa kong pagkababae. Bumaba pa ang kanyang halik pababa sa pagkababae ko at walang sawang sinasamba iyon.Mariin akong napapakapit sa kanyang buhok at halos 'di ko na alam kung saan pa ako kakapit sa tindi ng sensasyon na pinaparamdam niya sa 'kin."Damn!" He cursed while licking my folds.Naramdaman ko na malapit na akong labasan sa ginagawa niya. Pagkatapos kong labasan, ay pumantay na ulit siya sa 'kin at hinalikan ako sa labi. He started to enter his shaft inside of my core. At first, he thrust

  • Stay with Me   Chapter Forty Six

    XANDRIA"WHERE have you been?" Galit na tanong sa 'kin ni Zayn pagkauwi ko galing sa mall.Hindi agad ako umuwi pagkatapos naming mag-usap ni Johnson. Natakasan ko ang mga bodyguards ko kanina at pinatay ang phone dahil nakipagkita ako kina Amanda kanina. Mag-aalas diyes na ng gabi ako umuwi ngayon. Nakunsensiya ako dahil naalala ko ang anak ko. Pero talagang gusto ko lang ilabas ang sama nang loob ko kanina sa nalaman mula kay Johnson. Hindi ko kaya na parang magiging normal ulit kami pagkatapos nang nalaman ko. Bumalik lahat ng sakit. 'Yong pakiramdam na pangalawa na naman sa buhay ni Zayn. 'Yong pakiramdam na may kahati na naman ako sa puso niya. Gusto ko nang sumuko. Pakiramdam ko, pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa buhay niya. Naoobliga lamang si

  • Stay with Me   Chapter Forty Five

    XANDRIANAGTAAS baba ang dibdib ko sa galit pagkakita kay Tita Barbara. Kabababa ko lang sa sasakyan at nasa parking lot kami ng isang mall. Si Tita Barbara naman ay paalis na, may nilalagay lang ito sa likod ng kanyang sasakyan.Agad akong hinarangan ni Jim, isa sa mga bodyguards ko para pigilan sa paglapit kay Tita Barbara."Pabayaan mo ako kung ayaw mong mawalan nang trabaho." Madiin kong saad kay Jim. Matalim ko rin siyang tinapunan ng tingin.Pinakatitigan ako nito nang matagal bago tumabi at hinayaan ako."Huwag na huwag kang magsusumbong kay Zayn. Kayong lahat, nagkakaintindihan ba tayo?" Pahabol

  • Stay with Me   Chapter Forty Four

    XANDRIA Nakaupo ako sa gilid ng kama nang lumabas si Zayn galing sa banyo. Nag-aayos pa ito ng kurbata nang lumapit sa 'kin at hahalikan sana ako sa labi pero mabilis akong umiwas at tumayo. Hindi ko pa siya kayang harapin. Pakiramdam ko kasi, kasalanan niya kung bakit nawala ang anak namin. May taong may galit sa kanya kaya nadamay kami. Kung nagawan niya agad nang paraan iyon para mahanap ang taong iyon, hindi sana aabot sa ganito. Hindi sana nawala ang anak namin. He failed to protect us like what he promised to me. "Hon?" Nilapitan niya ako at niyakap mula sa likuran. "A-no ba, Zayn. Male-late ka na. " Malamig kong saad bago humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. "Pupuntahan ko lang si Zayrene." Dagdag ko bago lalabas ng silid. Pinigilan niya ako sa kamay. "May problema ba tayo, Andri?" Hinarap niya ako sa kanya pero nag-iwas ako ng tingin. "Sa pagkawala pa rin ba ito ng anak natin?" Tila pagod niyang saad. Hindi ako nagsalit

  • Stay with Me   Chapter Forty Three

    "ALFONSO..." Mahinang sambit ni Selena sa pangalan nito pagkakita sa bisita.Nagdadalawang isip kung lalapitan ba niya ito. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago nilapitan ang dating kaibigan."Alfonso, what brings you here?" She forced to smile at him.Hindi pa man ito nagsasalita, alam niyang galit ito base sa ekspresyon ng mukha ni Alfonso."Nasaan si Barbara?" Galit nitong pagkakatanong sa kanya."Nasa Singapore. Anong-""Huwag mo ng pagtakpan ang kaibigan mo! Nasaan si Barbara!" Nagtaas na ito nang boses sa kanya na ikinaatras niya nang kaunti.She composed herself ag

DMCA.com Protection Status