"Where have you been?" seryosong tanong ni Astin sa kanya. "Uwi ba yan ng matinong babae?"
Uminit bigla ang ulo niya sa huling tanong nito. Natawa pa siya ng mapakla bago ito sinagot, "Wow, hindi pa tayo kasal kung makaasta ka parang asawa ko,"
"Doon din naman tayo pupunta, Laura," anito at tumayo. Lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya.
Napaatras siya hanggang sa makorner siya nito sa nakasarang pinto. Hinaplos nito ang mukha niya. Pigil ang hininga niya nang paglandasin nito ang daliri mula kilay niya hanggang sa mga labi niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Pinisil pa nito ang ibabang labi niya.
"Alam kong kasama mo si Gael kanina," mahina pero galit ang tono nito. "I am expecting good news from you, My Laura," anito at bigla siyang hinapit nito kaya napakapit siya sa braso nito.
"Astin," tanging nasambit niya dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Langhap niya ang mabagong hininga nito at ang sabon na gamit nito. Napapikit tuloy siya. "Bitawan mo ako," aniya at nagpumiglas siya. Mas lalo tuloy nitong idiniin ang sarili sa kanya. "Oo, nasabi ko na kay Gael. Pero kahit anong gawin mo hindi mo siya mapapalitan sa puso ko. Magkaibang-magkaiba kayo, siya, kamahal-mahal samantalang ikaw ay hindi,"
Naikuyom nito saglit ang ngipin pero ngumiti din ng mapakla.
"Oh, come on, Laura. Your mouth keeps on saying that you love Gael, pero ang katawan mo ako ang isinisigaw. Care to explain, mahal ko?" nakangisi nitong sabi.
Hindi na siya nito hinayaang makasagot dahil nilamukos na siya nito ng halik. Bakit pakiramdam niya gustong-gusto niya ang ginagawa ng binata sa kanya? Ibang-iba ang paraan ng halik ng binata kung ikumpara sa nobyo. Nalilito tuloy siya. Bago pa niya tugunin iyon ay itinulak niya ito ng malakas dahil baka kung saan pa iyon mapunta.
Nakatikim pa ng magkabilaang sampal ang binata sa kaniya pagkuwan. Iniwan niya ito at nagkulong sa banyo.
Lately nagiging agresibo ang binata sa kanya kaya dapat makontrol niya iyon bago sumapit ang araw ng kasal nila para na din sa araw ng kanyang pag-alis. Kailangang buo pa rin siya.
Paglabas niya ay wala na ang binata sa kuwarto niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Paano kung ituloy niya ang pagpapakasal dito? Baka higit pa doon ang gagawin nito sa kanya.
Nakadouble lock ang pinto para hindi mabuksan ni Astin. Hindi pa siya nakakahiga ng kama nang marinig ang sasakyan ng binata. Papalabas na ito ng gate ng silipin niya. Baka pupunta na naman ito ng bar.
Kinabukasan wala si Astin kaya naitanong ng Mama Kendra niya kung saan ito nagtungo. Wala naman siyang naisagot dahil hindi naman niya alam ang mga whereabouts nito. Wala siyang balak alamin. Naka-focus siya ngayon sa gagawing pag-alis.
Lumipas ang araw na hindi umuuwi si Astin. Dinig niya sa usapan ng mag-asawa ay busy ito sa opisina at sa condo nito ito tumutuloy pansamantala. Naipag pasalamat niya dahil walang nanggugulo sa kanya. Sana marealize ng binata na ayaw na nitong magpakasal sa kanya. Marami namang nagkakandarapa dito. Pero sa kabilang banda ng isipan niya ay hindi sang-ayon. Napailing siya dahil doon.
Sadyang kaybilis ng araw. Tatlong araw bago ang kasal nila ni Astin ay umuwi na ito. Ang buong akala niya ay wala ng kasalang magaganap dahil hindi man lang napapag-usapan ang kasal nila. Nagising na lang siya kaninang umaga na abala na ang mga tao sa bahay sa pag-aayos ng mga gamit. Ngayon na pala ang alis nilang lahat. Itutuloy pala talaga ni Astin ang kasal.
Kakalabas lang ni Andy sa kuwarto niya. Panay ang kuwento nito tungkol sa kasal nito kay Ezi na gaganapin din sa susunod na taon. Nung araw na nagtapat siya kay Gael ay yun din ang araw na pinag-usapan ng mga ito ang tungkol naman sa kasal ni Andy kasama ang pamilya ni Ezi. Minsan malayo ang mga komento niya dahil okupado ng isip niya ang kasal niya na gaganapin tatlong araw mula ngayon.
Hindi naman siya pumayag sa tanan na suhestiyon ni Gael noong araw na iyon dahil may sarili siyang plano. Hiningi niya lang ang permiso nito na gamitin ang pangalan nito kung kakailanganin. Ang pagkakaalam niya bukas na din ang flight nito para sa dalawang linggong bakasyon nito sa Mexico. Patago pa rin ang relasyon nila ni Gael. Binilhan siya ni Gael ng panibagong cellphone nang mabanggit niyang itinapon ni Astin ang ginagamit niya. Ibang sim card na din ang nakalagay doon. Hindi niya sana tatanggapin pero mapilit ito. At yun ang ginagamit nila ng nobyo kapag nagtatawagan.
Pinalitan din ni Astin ang teleponong binasag nito na idinaan ng assistant nito pero hindi niya inabalang buksan iyon.
Tapos na siya mag-ayos ng mga dadalhin pauwi ng Caramoan nang dumating si Astin. Nagulat pa siya ng makita ito na nakasandal sa may pintuan niya. Sa tingin niya nagmature ng kaunti ang hitsura ng binata dahil sa tumutubong balbas. Ngayon niya lang ulit ito nakita pagkatapos ng huli nilang pag-uusap. Parang gusto niya itong yakapin ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit. Pero pinigil niya ang sarili. Umalis din ito agad. Siguro ay pumunta ng kuwarto nito.
Magkatabi sila ng binata sa helicopter nang umalis sila ng maynila. Ngayon lang ulit siya makakauwi ng Caramoan. Sa Maynila kasi pinalipat ng Mama Kendra niya ang ama kaya para hindi na daw siya mapagod kapag gusto niyang dalawin ito. Nitong mga nakaraan ay hindi niya nadalaw ang ama pero tumatawag naman siya at kinakausap ito.
Napatigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang labi ni Astin sa earlobe niya kaya napapikit siya. Nakikiliti din siya sa balbas nito.
"Astin," saad niya ng lingunin ito.
"I missed you," sabi lang nito na ikinatitig dito.
Hindi siya tumugon sa sinabi nito. Inilihis niya mayamaya ang tingin sa labas kaya hindi niya nakita ang reaksyon nito.
Napasinghap siya ng bigla nitong isubsob ang mukha sa leeg niya. Pilit na pinapa-alis niya ang mukha nito pero ayaw magpatinag kaya hinayaan na lang niya ito. Nakatulog na pala ito. Inalalayan niya ang ulo nito at pinasandal na lang sa balikat niya.
Dumerecho sila sa bahay nila Astin. Bukas pa siya ihahatid ni Astin sa mismong bahay nila na nasa poblacion. Hindi daw sila pwedeng magkita bago ang kasal nila.
Marami ng bisita ang dumating. Halos lahat mga kamag-anak ng binata. Wala naman siyang inimbita na kamag-anak niya dahil wala naman pakialam na sa kanilang mag-ama.
Bukas sa publiko ang buong resort. Marami na ring mga bisita kaya parang nakokonsensya siya. Pero kailangang matuloy ang plano niya. Hindi pa siya handang magpatali sa kasal lalo na sa lalaking hindi naman niya mahal.
Bumisita si Astin sa hotel nito kaya naiwan siya sa kuwarto nito. Inilista niya ang numero ng dating kaibigan at kaklase na nakatira sa pinaka dulong bahagi ng Caramoan. Hindi ito kilala ni Astin kaya naipagpasalamat niya. Nakausap na niya ito tungkol sa plano.
Napatigil siya sa pagiisip ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Asia. Akala niya ay bukas pa ang dating nito.
"Bestie," masayang tawag nito sa kanya pagkuway lumapit sa kanya. "Sigurado ka na ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo at papalitan kita," natatawang sabi nito. Napaka-vocal talaga nito. Matagal ng pinagpapantasyahan nito ang binata. Pero hindi naman ito pinapansin ni Astin.
Niyaya siya ni Asia mag-swimming. Matagal na huli siyang nakaligo ng dagat kaya natuwa siya ng yayain siya nito. Sa dulong bahagi sila ng resort naligo ni Asia.
Natutuwa siya sa kaibigan dahil panay ang pamumulot nito ng mga seashells. Samantalang siya ay nakalubog sa tubig at sumasabay sa alon. Namiss niya talaga ang maligo sa dagat. Backless one-piece swimsuit ang suot niya. Samantalang si Asia ay one-piece swimsuit naman. Ilang minuto din siyang langoy ng langoy. Pakiramdam niya nawawala ang stress niya nitong mga nakaraan. Nakakagaan ng pakiramdam.
Akmang aahon siya ng makita ang mga kalalakihang paparating. Nagtatawanan pa ang mga ito. Papalapit ang mga ito sa kanila ng kaibigan kaya kahit ang kaibigan ay natigil sa pamumulot ng seashells para tingnan ang grupo.
Napako ang tingin niya sa lalaking dahan-dahang naghuhubad ng T-shirt. Kitang-kita ang tinatagong angking kakisigan nito nang tuluyang mahubad nito ang saplot pang itaas. Hindi niya masayadong maaninag ang mukha nito dahil sa sikat ng araw. Inilubog niya ang sarili dahil sa kanya ito nakatingin. Saka lang niya napagtantong si Astin pala iyon kung hindi pa ito ngumiti ay hindi niya makikilala.
Bigla siyang napatalikod. Baka sabihin nito pinagpapantasyahan niya ang katawan nito. Malay ba niyang si Astin iyon. Napatakip siya ng mukha sa sobrang kahihiyan.
Napasigaw siya ng biglang yakapin ni Astin mula sa likuran.
"Astin!" sigaw niya dito sabay tanggal ng mga braso nitong nakapulupot.
Natawa lang at sabay lapit ng mukha nito sa kanya. "You look gorgeous today, mahal ko," Pabulong iyon pero parang naghatid ng kiliti sa buong katawan niya.
Matagal bago siya nakasagot. "Thank you," tipid niyang sabi sabay hakbang ng paa paahon.
Nakadalawang hakbang pa lang siya nang higitin nito ang beywang niya palapit. Napahawak siya sa dibdib nito para magkaroon ng distansya sa pagitan nila.
"I love you so much, Laura," masuyong sabi nito sa namamaos na tinig.
Napatitig siya sa mga mata nito. Iba ang nababanaag niya dito. Pakiramdam niya ay may biglang kumibot sa puso niya pero pilit nilalabanan ng isip niya.
"I need to go home now, nilalamig na ako. " Palusot niya.
Alam niyang hindi ito naniniwala. Nalukot ang guwapong mukha nito pagkarinig. Sino bang lalamigin sa napakainit na panahon lalo pa't yakap siya ng binata. Pero inalalayan pa rin siya nitong makaahon. Kinuha nito ang dala niyang towel kanina na ipinatong niya sa batuhan. Kailangan niyang kontrolin ang sarili hangga't maaari.
Nag ibang kasamahan ng binata ay naliligo na din sa dagat. Pero ang kaibigan ay patuloy pa rin sa pangunguha.
Ipinatong ng binata ang towel sa likod niya kapagkuwan. Papalapit sila sa kaibigan para magpaalam nang bigla itong sumigaw. Nadapa ito.
Mabilis na dinaluhan ito ni Callen na siyang malapit sa gawi ng kaibigan. Tinulungan nito ang kaibigan na bumangon. Parang batang umiiyak si Asia nang makitang may maliit na nakatusok na kawayan sa parteng tuhod nito. Natawa siya ng malakas nang biglang sinapak nito si Callen. Pagkabunot kasi ni Callen ng tinik ay hinalikan nito ang parteng nasaktan. Parang aso't pusa ang dalawa nang iwan nila ni Astin. Nakasalubong pa nila ng binata ang kuya nito at hinahanap si Asia.
Kinagabihan ay dumalo sila sa isang malaking salu-salo na ginanap sa bulwagan ng hotel. Sagot iyon ng Daddy Sebastian ni Aste. Marami na pala talagang bisita ang dumating. Halos kakilala pa niya ang karamihan dito. Nahagip din ng mata niya si Elisa at ang babaeng kasama nito nung gabing hinatid ng mga ito si Astin na lasing na lasing.
Parang ayaw iwan ni Astin si Laura sa bahay nito nang mga oras na iyon. Bukas na ang kasal nila ng dalaga pero kinakabahan pa rin siya. Hindi siya kampante. Ayaw pa niyang umuwi pero inaya din siya agad ng ina. Hindi daw sila dapat pwedeng magkita ngayong araw. Kahapon pa gusto ng ina na ihatid niya ang dalaga pero siya itong pumipigil. Mas gusto niyang sa bahay nila ito mag-stay. Hindi siya mapakali hangga't hindi sila ikinakasal ng dalaga. Ilang oras pa ang hihintayin niya bago mapasakanya ng tuluyan ang babaeng mahal niya. Napatingin siya sa mga kaibigan na maingay. They are throwing him a bachelor’s party. Narito sila ngayon sa rooftop ng hotel nila. Tanaw ang tahimik na karagatan maging ang mga cabin nila. Hindi siya pumayag na magdala ang mga kaibigan ng babae dahil ayaw niyang mag-isip ng masama si Laura. Kahit alam niyang wala pang kasiguruhan ang nar
Kakalapag pa lang ng helicopter sa helipad ng HGC ay tumalon na siya agad. Wala siyang dapat na sayanging oras. Kaligayahan niya ang nakataya dito. Pinahanap na niya ito sa buong poblacion kanina habang nasa himpapawid ay pero wala ito. Maging sa bahayng dating mga kaklase ni Laura noong high school. Naka-off na din ang cellphone na ibinigay niyang may tracker. Kung binuksan lang sana nito, di sana nakatulong iyon sa paghahanap. Pina-pull-out niya na sa Daddy Sebastian niya ang profile ni Gael. Kailangan niya ang expertise ng ama-amahan. Marami itong koneksyon saan mang panig ng mundo. Kaya mahahanap niya din si Gael at ang dalaga.Naka-antabay din si Ezi sa signal niya. Kailangan niyang makuha ang numero na ginagamit ni Gael para maibigay kay Ezi iyon. Kailangan nilang ma-track kung nasaan ito. Pagkatapos maibigay ng Daddy niya ay isinend na niya ito kay Ezi.
"Sarhento,” napapitlag siya ng marinig ang isang boses mula sa likuran niya. Paglingon niya ay nag-aalalang mukha ni John ang nabungaran. There he goes again, reminiscing about his past. May kaunting kirot pa rin. Pero hindi na rin katulad ng dati. Marunong na siyang mag-control sa sarili. Masasabi niyang ibang Astin na siya ngayon. Hinubog na ng panahon. He dated a lot of women para mailabas lang ang pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi na ang dalaga ang sinentro niya sa buhay. Hindi madali ang maging sundalo. Ilang buwan kayong wala sa siyudad at higit sa lahat malayo pa sa pamilya. Kung Walong taon na siyang malayo sa pamilya. Nagtapos siyang rank 1 sa military 4 years ago. Proud naman sa kanya ang magulang pero hindi masaya ang mga ito sa pinili niyang propesyon. Sobrang nalungkot ito nang pumayag siya na ipadala sila sa ibang bansa.
Pababa si Laura sa hagdan nang marinig ang Tita Kendra niya na kausap ang Tito Kent niya sa kabilang linya. Tumigil siya sa paghakbang. Gusto niyang marinig ang balita tungkol kay Astin. Walong taon niya itong hindi pa nakita. Sinisisi niya ang sarili kung bakit pumasok ang binata sa pagiging sundalo. Kung sinipot niya sana ang binata sa kasal ay hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Masaya sana ang binata at kapiling pa nila ito hanggang ngayon. Hindi man pinapahalata sa kaniya ng Tita Kendra niya ay alam niyang malungkot ito. Lagi niya itong nakikitang pumapasok sa kuwarto ng binata at doon nagpapalipas ng maghapon. Ilang beses na siyang humingi ng tawad sa mag-asawang Hernandez pero hindi ang mga ito nagtanim ng sama ng loob. Tinanggap siyang muli ng mga ito pagkalipas ng isang taon.At ngayon secretary siya ngayon ni Andy. Inalok din siya ng posisyon sa kompanya pero hindi niya iyon tinang
Kakatapos lang ni Laura maligo. Hinihintay niyang dalhin ang susuotin na dress para sa welcome back party ni Astin. Ayaw sana ng binata pero mapilit ang ina nito. Imbitado ang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya nito. May mga opisyal din ng police at AFP na dadalo. Inimbitahan din ang buong tropa ni Astin na nagsilbing pamilya nito habang nakikipagdigma sa ibang panig ng mundo.Nakangiting mukha ni Andy ang nabungaran niya ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan niya.“You okay?” tanong kaagad nito.“Yeah,” aniya at ngumiti dito.Inabot nito sa kanya ang dala-dalang dress.“Here, bagay ito sayo. Kailangang maganda ka tonight,” nakangiting sabi nito sabay abot ng dress.
Kahit ilang oras lang ang tulog ni Laura ay maaga pa rin siyang nagising. Mabilis na naligo siya at bumaba ng komedor. Maaga ding naghain ng almusal ang mga katulong kahit pagod sa buong magdamag. “Good morning po,” bati niya sa mga ito. Halos sabay-sabay na bumati sa kaniya tatlong katulong. “Kumain ka na, hija. Mamaya pa sila ang mag-asawa siguro magigising. Late na natapos kagabi ang party,” baling ni Manang Rosa sa kanya. “Ganoon po ba? Sige po. Mauna na nga ako, may pasok pa ako, eh.” Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng sariling kape. Hindi siya nagpapatimpla sa mga katulong ng kape dahil hindi naman siya ang amo dito. Nakikitira lang siya. Yan ang laging itinatatak niya sa isip niya. “Good morning
Tinanghali ng gising si Laura kinabukasan. Pero hindi naman siya na-late ng pasok sa opisina. Napatingin siya sa mga kasamahang nagkukumpulan. Lumapit siya at naki-usyuso. Iginiya pa niya ang tenga sa tabi ng nagsasalita para marinig. “Oo. Dati palang fiancee ni Sir Astin si Miss Laura. Grabe. Inayawan pa niya si Sir? Ang hot, hot niya kayang pagmasdan,” ani ni Joyce na pinapaikot pa ang ballpen sa kamay nito. “Suwerte naman niya. Nagustuhan siya ni Sir. Bakit daw ba hindi natuloy ang kasal?” tanong ng isang kasamahan niya. Nakapameywang na tumikhim siya. Lahat napatayo ng maayos nang malingunan siya. “H-hi, Miss Laura!” alanganing ngiti ni Joyce sa kanya. “Ang aga-aga niyan
Hanggang sa mai-ahon siya ni Astin ay nakamulat siya ng mata. Naririnig niya ang sunod-sunod na mura nito.“F*ck, Laura! I’m sorry. I’m sorry,” pabulong pero dinig na dinig niya na sabi nito. Mahigpit na niyakap pa siya nito nang maiahon siya ng binata.Nakatingin lang siya ng derecho sa binata nang bitawan siya nito. Naupo siya sabay sapo ng ulo niya. Marahil nag-aalala ito bakit ganoon ang reaksyon niya hanggang maiahon siya nito. Literal na tulala.Mukhang nakalimutan yata ni Astin na marunong siyang lumangoy at kaya niyang tumagal ng ilang minuto sa ilalim ng tubig. Wala naman siyang balak na magpakamatay. At wala sa bokabularyo niya ‘yan. Pero nakaramdam siya ng tuwa kasi iniligtas siya nito kahit papaano. May pakialam pa ito sa kanya. Ibig sabihin may epekto pa siya sa
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.