Kakalapag pa lang ng helicopter sa helipad ng HGC ay tumalon na siya agad. Wala siyang dapat na sayanging oras. Kaligayahan niya ang nakataya dito. Pinahanap na niya ito sa buong poblacion kanina habang nasa himpapawid ay pero wala ito. Maging sa bahayng dating mga kaklase ni Laura noong high school. Naka-off na din ang cellphone na ibinigay niyang may tracker. Kung binuksan lang sana nito, di sana nakatulong iyon sa paghahanap. Pina-pull-out niya na sa Daddy Sebastian niya ang profile ni Gael. Kailangan niya ang expertise ng ama-amahan. Marami itong koneksyon saan mang panig ng mundo. Kaya mahahanap niya din si Gael at ang dalaga.
Naka-antabay din si Ezi sa signal niya. Kailangan niyang makuha ang numero na ginagamit ni Gael para maibigay kay Ezi iyon. Kailangan nilang ma-track kung nasaan ito. Pagkatapos maibigay ng Daddy niya ay isinend na niya ito kay Ezi.
Tinawagan na niya ang katulong sa bahay nila. Hindi daw umuwi doon si Laura. Maging sa institusyon kung nasaan ang ama nito ay wala din. Panay ang mura niya habang nagmamaneho patungo sa bahay ng mga Malonzo. Pero pagdating niya doon ay mga katulong lang ng mga Malonzo ang humarap sa kanya. Kahit anong sigaw niya doon walang Gael na lumabas. Para siyang tangang sigaw ng sigaw sa labas ng gate ng mga ito. Muntik na siyang damputin ng mga guard doon pero nagpumiglas siya. Sumakay sa sasakyan at doon nagpalipas ng ilang sandali. Pakiramdam niya nasa Pilipinas lang si Gael at plinano talaga nitong itanan si Laura sa araw ng kanyang kasal. Umalis lang siya nang tawagan siya ni Ezi at kompirmahin nitong nasa Mexico nga si Gael. Kahit ang Daddy niya ay ganoon din ang sabi.
Bagsak ang balikat niyang umuwi ng bahay. Nag-aalalang mukha ng ina at ama ang sumalubong sa kanya. Hindi niya pinansin ang mga ito. Walang palit-palit ng suot. Nakatuxedo pa rin siya hanggang sa makauwi. Ang kaibahan lang ay gusot na gusot ang suot niya. Di na maayos ang pagkaka-tuck-in. May punit at puno ng alikabok.
Pagpasok sa silid ay agad na hinubad niya ang suot niya at walang itinira ni isa man. Dumerecho siya sa banyo at itinapat ang sarili sa dutsa. Wala siyang pakialam kung sobrang lamig ang lumalabas na tubig dito.
Kung hindi magkasama si Laura at Gael. Si Laura ang may kagustuhan nga ng lahat. Ganoon siya kaayaw ng dalaga. Ayaw nitong magpakita. Masakit. Umasa siyang may nararamdaman ito sa kanya kahit papaano. Paano na ang mga plano niya para sa bubuohing pamilya sana.
Walang anu-ano’y pinakawalan niya ang isang malakas na suntok sa pader ng banyo. Dumugo ang kamao niya. Pero wala siyang maramdamang sakit. Para sa kanya masa masakit pa ang ginawa ni Laura sa kanya. Mas masakit pa ang pag-iwan sa kanya ng dalaga.
Hindi niya inabalang gamutin ang sarili. Pagkatapos maligo ay umalis uilit siya. Pumunta siya sa bahay ng mga Del Franco pero wala din ito doon. Kinausap pa niya ng masinsinan si Asia pero wala itong alam. At wala din daw umanong sinabi ang dalaga na hindi ito sisipot sa sa mismong araw ng kasal. Maging ito din daw ay nagulat sa nangyari.
Inisa-isa niya ang mga kaklase at mga kakilala ng dalaga nang mga sumunod na araw. Inaabot siya minsan ng madaling araw kakahanap sa dalaga. Maging mga kamukha ng dalaga ay sinusundan niya. Para siyang baliw. Kapag inaabot siya ng madaling araw ay nagpapalipas na siya ng oras sa ZL Lounge. Alak ang laging kasama niya. Ganito ang naging setup niya sa loob ng tatlong linggo. Naging stalker na din siya ni Gael ng dalawang linggo. Sinusundan niya ito kahit saan man pumunta.
Hanggang inabot na siya ng isang buwan sa paghahanap. Bawat araw na nagdaan sa kanya naging mahirap para sa kanya. Walang Laura sa buhay niya. Hindi na siya umuuwi ng bahay nila dahil naalala niya lagi si Laura. Para siyang mababaliw kapag nasa bahay nila kaya sumang-ayon ang ina sa desisyon ng ama na iuwi siya ng Caramoan. Hindi niya alam ang gagawin kung paano libangin ang sarili. Kung hindi alak, babae na ang pinagkaka-abalahan niya ng mga sumunod na buwan. Hindi na rin siya pumapasok ng opisina. Ginagawa na niyang tubig ang alak. Hindi siya kayang pigilan ng mga kaibigan niya.
At sa loob ng apat na buwang pananatili niya sa Isla. Walang pinagbago. Maraming babae at alak sa bar nila sa resort. Maraming nakapilang mga babae na gustong magpakama sa kanya. Hindi niya tinatanggihan ang mga ito. Pero syempre hindi niya nakalimutang magsuot ng condom. Nagagalit na ang Papa niya kapag nag-uuwi siya ng babae sa bahay ng ina kaya sa cabin na lang niya dinadala.
Nais na niyang burahin sa sistema niya si Laura. Kung noon hindi siya naghahanap ng babae dahil nakontento na siya sa kamay at presensya ni Laura. Basta kasama lang sa iisang bubong si Laura, masaya na siya.
“Ahhh, shit! Ang sarap, sarap, Astin. Harder, please. Ohhh, ohhh,” ungol ng babaeng katalik niya ngayon.
“F*ck, ang sikip sikip mo. Ohhh, shit,” tugon niya dito habang binibilisan ang paglabas pasok sa kaselanan nito.
Hanggang sa malakas na sumigaw ito ng “ Lalabasan na ako, Ohh, ohhh....” Parang gusto na niyang sapakin sa sobrang ingay. Alam niyang naririnig sila sa kanilang cabin. Pero wala naman na sa kanya iyon.
Pagkatapos ilabas ang init ng katawan sa babae ay sinabihan na niyang umalis na ito. Gusto pang matulog nito sa tabi niya pero sinigawan niya sa sobrang inis.
“I said, get out!” malakas na sigaw niya dito nang hindi tuminag sa pagkakahiga.
Ibinuka pa nito ang hita at pinakita ang namamasang pagkababae bago nagmadaling nagbihis. Namumula na ang mukha niya sa galit dahil napaka-kulit.
Umpisa pa lang sinabi niyang hindi siya natutulog na may katabing ibang babae. At kapag natikman na niya ay di na niya kinakama.
Ikalimang buwan niya na ngayon sa Isla. Tulog, alak, maligo sa dagat at sumama sa pangingisda ng ilang kababaryo ang pinagkakaabalahan niya. Minsan pumupunta siya sa dating barangay kung saan ipinanganak ang ina. May mga pinsan din siya doon. Halos lahat na din ng tambay doon ay ka-close na niya.
“Yun oh. Ilang case ang dala mo, pareng Aste?” nakangiting tanong ni John ng dumating siya sa lugar ng ina. Kilala na siya dito dahil sa ina.
“3 cases. Marami pa sa hotel. I can call my butler if kulang pa,” tugon niya dito.
Tatlong case ng redhorse iyon. Pero kung gusto pang uminom ng mga ito may dala pa siyang branded na alak sa sasakyan.
Ito ang pedespidida niya para kay John. Papasok na ito sa military at sa susunod na buwan na ito magsisimula ng training.
“Bakit ka ba magsusundalo, ‘Pre?” tanong niya bigla dito.
Hindi ito nakasagot sa tanong niya kaya si Ethan ang sumagot. Pinsan niya ito sa side ng ina.
“Broken hearted, insan. Gusto niya daw makalimot. Handa na daw siyang magpakamatay sa field,” sagot ni Ethan na natatawa.
Napatingin siya kay John. Kaya pala wala ito sa mood nang mga nakaraan. Hindi ito sumasama kila Ethan at buknoy kapag dumadalaw sa resort nila.
Binatukan ni John si Ethan dahil sa sagot nito. “Hindi ba pwedeng para sa pamilya? Dahil kailangan din naming kumain? Natapat lang na iniwan niya ako. Hindi naman sa kanya nakasentro ang buhay ko. May pamilya pang umaasa sa akin,” seryosong sabi ng kaibigan. “Oo, mahal ko siya pero hindi ko siya hahabulin para bumalik sa akin. Kung kami talaga para sa isa’t-isa, eh di maganda. Kung hindi naman. Lugod kong tatanggapin ang kapalaran,” dugtong pa nito sabay tungga ng alak.
Naalala na naman niya ang pinaggagawa nang iwan siya ni Laura. Hinanap pa niya ito kung saan saan. Dahil sinentro niya ang buhay niya sa dalaga. Kung titimbangin nga mas mahal niya si Laura kesa sa ina. Ngayon niya na-realize na kailangan din siya ng pamilya niya hindi man pinansyal pero bilang anak. Isang buwan ang ginugol niya sa paghahanap sa dalaga at limang buwan siyang wala sa piling ng pamilya.
Pero naging interesado siya sa pagsusundalo ng bagong kaibigan na si John. Medyo nae-excite siya sa mga ikinukuwento nito. Napapanood naman niya sa mga palabas. Parang gusto niyang maranasan ang buhay sa field. Pero ang totoo gusto niya tuluyang makalimot. Gusto niya ng panibagong buhay. Sabi nga ni John, baka may bago itong makikilala doon na mas higit pa sa nobya nito. Yung nga lang hindi alam ng pamilya mo kung makakauwi ka ba ng buhay o hindi. God’s will na nga lang daw kung iuuwi pa siya ng buo sa pamilya nito.
Hindi mawala sa isip niya ang pagsusundalo. Kaya nang bumalik sa Maynila agad na ipinaalam niya sa magulang ang gusto. Galit na galit ang ina sa kaniya.Maging ang ama niya ay kinausap siya ng masinsinan. Alam niyang nag-aalala ang mga ito sa kanya dahil hindi biro ang pagsusundalo. Hindi sumang-ayong ang kanyang mga magulang pero yun lang ang tanging paraan niya sa ngayon para tuluyang makalimot sa sakit na idinulot. Ipinangako naman niyang babalik siya ng buhay. Dahil hangga’t hindi maalis si Laura sa sistema niya ay hindi maibabalik ang dating anak nila.
Sa tulong ng Daddy Sebastian at Ninong Axel niya ay nakapasok siya sa PMA. Naipasa niya din ang entrance examination. Kahit naman daw di siya mag-exam ay maipapasok pa rin siya dahil sa koneksyon ng mga ito sa Military.
Walang nagawa ang ina sa naging desisyon niya. Ibinilin niya sa bunsong kapatid na si Andy ang pag-aalaga sa ina habang hindi pa ito ikinakasal kay Ezi. Kahit hindi naman niya sabihin sa ama, aalagaan at aalagaan nito ang Mama niya. Saksi siya sa pagmamahalan ng magulang. Sayang ang hindi siya sinuwerte sa babae.
Maging ang mga kaibigan ay nagulat sa desisyon niya. Nagtitipon-tipon sila ngayon sa ZL Lounge para sa despidida niya. Magsisimula na siyang mag-training.
“Are you crazy? Balak mo bang mamatay sa gitna ng labanan?” sigaw sa kanya ni Ian. Malapit din sila nito dahil ama nito ang Daddy Sebastian niya.
“Sira! Uuwi akong buhay syempre,” aniyang pilit ang ngiti.
Halatang hindi masaya ang mga ito sa desisyon niya.
“Yun ay kung swertehin kang makauwi ng buhay,” Si Lexxie na seryosong nakatingin sa kanya. Napapailing pa ito.
“Correct. At ayokong pumunta ng libing mo, insan,” ani ng pinsan at kaibigan na si Dariel. Sumang-ayon naman si DK na pinakabunso sa magkakaibigan.
Tahimik lang si Ezi at Callen. Hindi siya pinapansin ng mga ito. Pero bago natapos ang gabing iyon ay isa-isa siyang niyakap ng mga ito. Kagaya ng mga magulang niya wala rin magawa ang mga ito sa desisyon niyang maging sundalo kundi ang suportahan na lang siya sa gustong gawin.
"Sarhento,” napapitlag siya ng marinig ang isang boses mula sa likuran niya. Paglingon niya ay nag-aalalang mukha ni John ang nabungaran. There he goes again, reminiscing about his past. May kaunting kirot pa rin. Pero hindi na rin katulad ng dati. Marunong na siyang mag-control sa sarili. Masasabi niyang ibang Astin na siya ngayon. Hinubog na ng panahon. He dated a lot of women para mailabas lang ang pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi na ang dalaga ang sinentro niya sa buhay. Hindi madali ang maging sundalo. Ilang buwan kayong wala sa siyudad at higit sa lahat malayo pa sa pamilya. Kung Walong taon na siyang malayo sa pamilya. Nagtapos siyang rank 1 sa military 4 years ago. Proud naman sa kanya ang magulang pero hindi masaya ang mga ito sa pinili niyang propesyon. Sobrang nalungkot ito nang pumayag siya na ipadala sila sa ibang bansa.
Pababa si Laura sa hagdan nang marinig ang Tita Kendra niya na kausap ang Tito Kent niya sa kabilang linya. Tumigil siya sa paghakbang. Gusto niyang marinig ang balita tungkol kay Astin. Walong taon niya itong hindi pa nakita. Sinisisi niya ang sarili kung bakit pumasok ang binata sa pagiging sundalo. Kung sinipot niya sana ang binata sa kasal ay hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Masaya sana ang binata at kapiling pa nila ito hanggang ngayon. Hindi man pinapahalata sa kaniya ng Tita Kendra niya ay alam niyang malungkot ito. Lagi niya itong nakikitang pumapasok sa kuwarto ng binata at doon nagpapalipas ng maghapon. Ilang beses na siyang humingi ng tawad sa mag-asawang Hernandez pero hindi ang mga ito nagtanim ng sama ng loob. Tinanggap siyang muli ng mga ito pagkalipas ng isang taon.At ngayon secretary siya ngayon ni Andy. Inalok din siya ng posisyon sa kompanya pero hindi niya iyon tinang
Kakatapos lang ni Laura maligo. Hinihintay niyang dalhin ang susuotin na dress para sa welcome back party ni Astin. Ayaw sana ng binata pero mapilit ang ina nito. Imbitado ang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilya nito. May mga opisyal din ng police at AFP na dadalo. Inimbitahan din ang buong tropa ni Astin na nagsilbing pamilya nito habang nakikipagdigma sa ibang panig ng mundo.Nakangiting mukha ni Andy ang nabungaran niya ng marinig ang pagkatok mula sa pintuan niya.“You okay?” tanong kaagad nito.“Yeah,” aniya at ngumiti dito.Inabot nito sa kanya ang dala-dalang dress.“Here, bagay ito sayo. Kailangang maganda ka tonight,” nakangiting sabi nito sabay abot ng dress.
Kahit ilang oras lang ang tulog ni Laura ay maaga pa rin siyang nagising. Mabilis na naligo siya at bumaba ng komedor. Maaga ding naghain ng almusal ang mga katulong kahit pagod sa buong magdamag. “Good morning po,” bati niya sa mga ito. Halos sabay-sabay na bumati sa kaniya tatlong katulong. “Kumain ka na, hija. Mamaya pa sila ang mag-asawa siguro magigising. Late na natapos kagabi ang party,” baling ni Manang Rosa sa kanya. “Ganoon po ba? Sige po. Mauna na nga ako, may pasok pa ako, eh.” Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng sariling kape. Hindi siya nagpapatimpla sa mga katulong ng kape dahil hindi naman siya ang amo dito. Nakikitira lang siya. Yan ang laging itinatatak niya sa isip niya. “Good morning
Tinanghali ng gising si Laura kinabukasan. Pero hindi naman siya na-late ng pasok sa opisina. Napatingin siya sa mga kasamahang nagkukumpulan. Lumapit siya at naki-usyuso. Iginiya pa niya ang tenga sa tabi ng nagsasalita para marinig. “Oo. Dati palang fiancee ni Sir Astin si Miss Laura. Grabe. Inayawan pa niya si Sir? Ang hot, hot niya kayang pagmasdan,” ani ni Joyce na pinapaikot pa ang ballpen sa kamay nito. “Suwerte naman niya. Nagustuhan siya ni Sir. Bakit daw ba hindi natuloy ang kasal?” tanong ng isang kasamahan niya. Nakapameywang na tumikhim siya. Lahat napatayo ng maayos nang malingunan siya. “H-hi, Miss Laura!” alanganing ngiti ni Joyce sa kanya. “Ang aga-aga niyan
Hanggang sa mai-ahon siya ni Astin ay nakamulat siya ng mata. Naririnig niya ang sunod-sunod na mura nito.“F*ck, Laura! I’m sorry. I’m sorry,” pabulong pero dinig na dinig niya na sabi nito. Mahigpit na niyakap pa siya nito nang maiahon siya ng binata.Nakatingin lang siya ng derecho sa binata nang bitawan siya nito. Naupo siya sabay sapo ng ulo niya. Marahil nag-aalala ito bakit ganoon ang reaksyon niya hanggang maiahon siya nito. Literal na tulala.Mukhang nakalimutan yata ni Astin na marunong siyang lumangoy at kaya niyang tumagal ng ilang minuto sa ilalim ng tubig. Wala naman siyang balak na magpakamatay. At wala sa bokabularyo niya ‘yan. Pero nakaramdam siya ng tuwa kasi iniligtas siya nito kahit papaano. May pakialam pa ito sa kanya. Ibig sabihin may epekto pa siya sa
“Astin,” sambit niya ng i-upo siya nito sa shotgun seat. Napalitan ng saya ang kaninang kinakabahang dibdib. Hindi siya makapaniwala na si Astin ang nasa harap niya.Sinundan ba siya nito?“I see. Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot,” galit na sabi nito at hinila ang headset ni Lexxie. Akmang itatapon nito nang pigilan niya.“‘Wag! Kay Lexxie yan,”Napakunot-noo ito pero nawala din. Imbes na sa labas itapon ay sa likod na upuan niya ito inihagis. Nagulat siya nang isara nito ng malakas ang pinto ng sasakyan nito, at umikot papuntang driver seat.Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makasakay ito. Nilingon siya nito. Napasinghap siya nang bigla nitong ilapit ang saril
Napasubsob si Astin sa kaniya pagkatapos ng kanilang maiinit na tagpo. Hindi akalain ni Laura na aabot sila sa ilang beses pa. Pagod pero hindi maikakailang napakasaya niya. Para sa kaniya ito ang isa sa pinakamasayang gabi para sa kaniya. Sa wakas ay naialay din sa binata ang matagal ng iniingatang pagkababae. Sana maging daan ito upang tuluyan na silang magkaayos ng binata. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba basta ang sa kaniya makuha lang ulit si Astin. Napakagat-labi siya nang magtaas ito ng tingin sa kaniya. Nginitian niya ito kapagkuwan. Hindi man ito gumanti ng ngiti pero nakitaan niya ng kakaibang kislap sa mga mata nito. At least nabawasan ang galit mula dito. Isa iyon sa senyales na lumalambot na ang puso nito sa kaniya. Nahiga ito sa tabi niya mayamaya. Sabay silang napatingin sa teleponong tumutunog. Hindi sa kaniya iyon. Sa binata na telepo
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.